angbiyaya



Pagpapatayo ng Ungka at Aganan Flyover binalot ng kontrobersiya, abala sa komyuter
SA HALIP NA KAGINHAWAAN at solusyon sa lumalalang problema sa trapiko, pagkadismaya at abala ang dulot sa maraming komyuter ang pagpapatayo ng Ungka at Aganan flyover sa bayan ng Pavia, Iloilo.
Ayon kay G. Jose Maria “Pyt” Trimañez, Sangguniang Bayan Head on the Committee of Transportation ng munisipalidad ng Pavia na dapat mabigyan agad ng atensiyon ang isyung ito sa pamamagitan ng legislative at senate inquiry.
“Na dissapoint guid ako kay imbes nga makadto sa sektor sang edukasyon, livelihood programs, kag medisina ang dako nga kuwarta nga gin-allocate, nag kadto lang ini sa proyekto nga wala napuslan kag nangin perwisyo pa”, ani Trimañez.
Ayon pa kay Trimañez, talagang may kapabayaan sa pagitan ng mga namumuno sa nasabing proyekto.
“May ara sang negligence sa Department of Public Works and Highways (DPWH) and the contractor which are the United Telecom Contractors Philippines, Inc (UTCP) and International Builders Corporation (IBC). They could have exercised their diligence,” saad pa niya.
Total Contract Price para sa Ungka Flyover at 800 milyon naman para sa Aganan Flyover
Na dissapoint guid ako kay imbes nga makadto sa sektor sang edukasyon, livelihood programs, kag medisina ang dako nga kuwarta nga gin-allocate, nag kadto lang ini sa proyekto nga wala napuslan kag nangin perwisyo pa.
7 drug buy-bust operation naitala sa pagpasok ng 2024 de numero INQUIRER. NET
MARYNIELLE CATHERINE CERCIACO
BATAY SA TALA ng Pavia
PNP (Philippine National Police) umaabot na sa pito ang naisagawang buy-bust operation sa bayan ng Pavia sa unang dalawang buwan ng taong 2024. Nakapagtala rin ang Pavia PNP ng 20 operasyon noong 2023; walo noong 2022; 2021 ay siyam at 31 noong 2020. Ipinaliwanag ni Police
Executive Master Sergeant Ruth T. Laudato ng Pavia PNP na ang buy-bust operation ay isang law enforcement operation na isinasagawa upang mahuli ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal
na droga.
“Ang buy bust operation ay itinuturing bilang isang form of entrapment, ay isang wastong paraan ng pag-aresto sa mga lumalabag sa Republic
Act No. 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002. Katuwang din namin ang barangay sa buy-bust operation sa pagprofiling at monitoring,” saad ni MSgt. Laudato. Ayon pa kay Laudato, mas nakatuon ang PNP sa mga estudyante sa hayskul dahil sa puntong ito ay nahahantad na ang ibang estudyante sa droga. Dahil sa karanasang ito sa murang edad, maaaring
magpatuloy sila sa paggamit nito hanggang sa kanilang pagtanda, kaya’t mahalaga na mabigyan sila ng payo o ng espesyal na pag-aalaga at atensyon.
“Isa sa mga programa o adbokasiya na ipinatutupad ng PNP ay ang “double barrel” at “tokhang” kung saan dito nirerehabilitate ang mga nahuli. The PNP is always on the fight against illegal drugs. PNP cannot do it alone, it needs the participation of all sectors in the community. Let us be vigilant in protecting and safe guard our homes,” dagdag pa ni Laudato.
Mas nakatuon ngayon ang PNP sa hayskul dahil sa puntong ito ay nahahantad na ang ibang estudyante sa droga.
PANALO ANG KINATAWAN ng Western Visayas na si Brien Lester Soliguen ang Passi-Gwapo, habang First Runner-Up si Zenith Bliss Diolata bilang PassiGanda sa ginanap na 18th National Scout Jamboree (NSJ) sa Passi City, Iloilo, Disyembre 15, 2023.
Maliban dito, nasungkit ni Soliguen ang best in production at best in camping attire habang naging Ms. Popularity, Ms. Congeniality, at best in camping attire naman si Diolata.
“The opportunity to represent the Western Visayas Region was already a milestone for me, but it never stopped there, for I was able to get the title of Mr. Passi-Gwapo,” saad ni Soliguen.
Layunin ng kompetisyong mahubog ang kakayahan ng bawat Senior Scout Outfit 247, kung saan layong palakasin ang kumpiyansa sa sarili, ipakita ang mga kasanayan, at ipamalas ang natatanging talento ng bawat scout.
NAHULOG SA BITAG ng cybercrime hacking ang Facebook page ng Pavia National High School (PNHS), matapos ng hindi inaasahang panghimasok at panggulo ng mga umanong ‘hacker’ sa nilalaman ng pahinang midya, dakong alas kwatro ng hapon nitong Martes, Enero 23. Una umanong na-detect ng ilang mag-aaral ang ‘hacking’, matapos makita ang mga hindi kaaya-ayang nilalaman ng naturang Facebook page. Agad na gumawa ng hakbang ang paaralan sa insidenteng ito, ngunit makalipas ang ilang oras, hindi na umano ma-access ng mga admin ang naturang
website.
“Kami ay nagulat at nadismaya dahil kami ay nawalan ng tungkulin bilang tagahatid ng impormasyon sa mga mag-aaral,” saad ni Gng. Jennie Jagarap, Administrative Assistant II. Samantala, naglabas naman kaagad ng pahayag ang PNHS upang kumpirmahin ang pangyayaring ‘hacking’ sa Facebook page.
“We regret to inform you that PNHS has fallen victim to a malicious cyberattack. We want to make it clear that any activities observed on the compromised page are not endorsed or authorized by the school,” pahayag ng
paaralan. Agad namang nakipagugnayan ang PNHS sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at law enforcement agencies upang imbestigahan ang pangyayari.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin nakikilala ang umanong ‘hacker’ ng Facebook page. Humihingi naman paaralan ng kooperasyon mula sa mga mag-aaral, na itigil ang pagbahagi ng mga mapanlinlang na impormasyon tungkol sa isyu.
SPJ nanguna sa pagsulong ng ‘Bawal Bastos Law’
NAKIISA ANG MGA MAG-AARAL ng
Special Program in Journalism (SPJ) ng Pavia National High School sa kampanya para isulong ang Republic Act No. 11313 na kilala sa Safe Spaces Act o ang “Bawal Bastos Law”.
Sa pamamagitan ng mga awput ng mga mag-aaral kagaya ng patalastas sa radyo at TV pati mga infographics sa pahayagan at online, ipinapakita ang benepisyo ng nasabing batas upang maprotektahan ang mga bawat indibidwal, ano man ang sexual orientation o gender identity nito.
“Maganda ang batas na ito sapagkat makatutulong ito sa mga kababaihan na magkaroon ng boses tuwing makakaranas ng pambabastos,” wika ni Aleah Kaye Calilung, pangulo ng SPJ Student Council.
Sa pagpapatupad ng naturang batas ay mapaparusahan ang mga offenses katulad ng catcalling, pagpipito, palagiang pagsasabi ng sexual jokes, stalking, paghahawak ng walang permiso, pangungurot, pagiging transphobic, at homophobic.
Umapela naman ang mga awtoridad sa publiko na kung pakiramdam ay may paglabag sa naturang batas ay huwag mag-atubiling magsumbong sa mga kinauukulan.
OPISYAL NANG INANUNSYO ng
Department of Education (DepEd) nitong Pebrero 19 ang paghahanda ng kagawaran sa unti-unting pagbabalik ng dating akademikong kalendaryo.
Ayon sa DepEd Order No. 002, s. 2024 ang pagtatapos ng School Year (SY) 20232024 sa darating na May 31, habang ang simula ng SY 2024-2025 ay sa darating na July 29, at magtatapos sa May 15, 2025.
“We cannot just reduce the school days, because we cannot risk the students to be delayed in their learning competencies, and that is why our shift [to the old school calendar] will be gradual,” ayon kay Michael Poa, tagapagsalita at undersecretary ng DepEd.
Nagsagawa rin ang kagawaran ng mga pagsasaayos upang ang bakasyon ng mga mag-aaral ay magaganap sa buwan ng tag-init, na siyang dahilan ng dumaraming reklamo mula sa mga guro, mag-aaral, at magulang sa kasalukuyan.
SUNDAN SA PAHINA 04
de numero
DEPED
98%
Na mga Pilipino ang sang-ayon sa pagbabalik sa Hunyo - Marso bilang pang-akademikong kalendaryo.
BALITANG KOMUNIDAD MULA SA PAHINA 01
DEPED R’6 de numero
Our commitment never ceases especially in providing learners with quality, accessible, relevant, and liberating education.
Nagpapatatag sa misyon ng DepEd R’6
IPINAHAYAG NG
ng Edukasyon (DepEd) at TUVNord na kabilang ang implementasyon ng Farm Schools at School Heads Academy (SHA) ng DepEd Region 6 sa ‘Top Five Best Practices’ ng kagawaran nang isagawa ang Stage 2 Accreditation Announcement One DepEd, One Quality Management System (QMS) noong ika-anim ng Marso, 2024.
Alinsunod sa Republic Act 10618 o Rural Farm Schools Act ang pagpapatayo ng 30 Farm Schools sa buong rehiyon na naglalayong makapagbigay ng mga teknikal na kasanayan upang makagawa ng produktibong inobasyon sa agrikultura at makapagtapos ng mga mag-aaral na may angking kakayahan sa buhay at karera. Para sa taongpanuruan 2023-24, tinatayang mayroong 5,722 enrolled learners ang Farm Schools mula sa ika-pito hanggang siyam na baitang . “Our commitment never ceases especially in providing learners with quality, accessible,
MARIING TINATANGGI naman ng DPWH na mayroon silang pagkukulang sa pamamahala sa nasambit na mga flyover.
“Gin-patawag namon ang DPWH para istoryahon kag makuha ang ila nga side sa isyu sang Ungka-Aganan Flyover, pero gina deny nila nga may ara sila sala kag nagapangayo lang sila sing pasensya”, sabi ni Trimañez.
Sa kabilang banda, isa pa sa nagpadagdag sa problema ng mga komyuter ang hindi matapos-tapos na Aganan Flyover na dulot ng maling sukat at lalim ng paghukay ng lupa. Sa halip na 50 metro ay 25 lamang ang nahukay ng kontraktor na naging rason kung bakit nakatingga ang nasabing flyover at umaabot na sa anim buwan na hindi pa kinukumpuni.
“Tuman guid naapektuhan ang tanan. Kaluoy ang mga trabahador especially ang mga estudyante tungod sa pwerte ka trapiko kada mag-travel sila sa paagto sa eskwelahan, ilabi nagid kung peak hours.,” wika pa ni Trimañez.
INAASAHANG MAGING SENTRO ng iba’t ibang aktibidad tulad ng isports at kutural na kaganapan ang ipinapatayong state-of-the-art stadium sa athletic field ng Pavia National High School.
Sinimulan ang pagpapatayo ng nasabing istadyum noong Disyembre 2023 kasunod ng paggiba ng mga lumang makeshift na mga klasrum at matatapos sa Hunyo 2024 o sa susunod na pasukan.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa kolaborasyon nina Uswag Ilonggo Congressman James “Jojo” Ang at SB Member Jo Jan Paul Peñol, na focal person sa ikalawang distrito ng Iloilo.
“Marami pang proyekto para sa mga batang Pavianhon ang darating dito,” wika ni Cong. Ang.
Samantala, mahigit sa 300 magaaral sa kolehiyo mula sa iba’t ibang mga bayan ng ikalawang distrito ng Iloilo ang nakatanggap ng ₱5000 bawat isa bilang mga benepisyaryo ng USWAG Ilonggo Party-list Educational Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
‘State of the art’ istadyum, ipinapatayo
PARA SA KABATAAN. Kasipagan sa gitna ng tirik ng araw ang ipinakita ng dalawang trabahador sa konstruksyon sa pinapatayong istadyum sa Pavia National High School. /ASER GUILLEM ALEXA JANINE JAMOYOT
relevant, and liberating education,” wika ng Regional Director na si Dr. Ramir B. Uytico, CESO, III na nakalathala sa DepEd Tayo Western Visayas Region Facebook page. Ayon pa kay Uytico, ang layunin ng sustainable development ng pagpapawalangbisa ng kahirapan sa malalayong lugar ay isa sa mga pangunahing kadahilanan ng pagtatag ng unang 30 Farm Schools sa bansa. Samantala, sa layuning suportahan ang adhikain ng MATATAG sa pagtulong sa mga guro na magtagumpay sa kanilang pagtuturo, ang SHA ay naglalayong
hasain ang mga guro sa pamamagitan ng pagsasanay at pagpapahusay sa kanilang mga kasanayan upang makahabol sa mga trend sa larangan ng edukasyon. Sa kabilang banda, sinabi rin ni Uytico na patuloy nilang gagabayan ang mga guro na magiging lider sa edukasyon at ang SHA ang magiging hakbang sa pagkamit nila ng tagumpay. Sa kooperasyon at pakikipagtulungan sa 11 State Universities and Colleges (SUCs) at Higher Education Institutions (HEIs), ang SHA ay mayroong ng 434 na SHAlars sa buong 21 schools division ng
Western Visayas. Dagdag pa sa pagkilalang natanggap ng DepEd Region 6 ay ang Online Knowledge Management System (KMS) na nagpapadali sa paghahanap at pagsunod sa mga dokumento kaugnay ng Quality Management System (QMS). Ang sistemang ito ay nilikha ng Information and Communication Technology (ICT) Unit sa tulong at koordinasyon ng QMS Quality Management Representative at Knowledge Management Team upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga pamamaraan at proseso sa loob ng organisasyon.
Teen Center tututukan ang pagpapabuti ng pag-aaral, ugali ng mga mag-aaral
MAGBIGAY NG TULONG at gabay sa mga mag-aaral. Ito ang layunin ng ‘Project Pagpalangga’ na inilunsad ng Pavia Teens Nook Center upang magsilbing tulay at solusyon sa patuloy na paglaganap ng iba’t ibang mga suliranin na panlipunan sa Pavia National High School (PNHS).
ng Smoking: 19; Bullying: 17; Cutting Classes: 15; Disrespect (Student and Teachers): 13; Bringing of Deadly Weapon: 13; Teenage Pregnancy: 5; Cheating: 6; Family Problem: 4; Pagkalat ng maling impormasyon sa social media: 3; Paggamit ng gadgets sa oras ng klase: 4; Pagkonsumo ng alak: 1; Rape: 2.
Nakahanay sa nasambit na proyekto ang pag-aalok ng mga kasapi ng Teens Nook Center, ng home visitation at konsultasyon kasama ang mga magulang ng mag-aaral upang masigurado na hindi nila mapapabayaan ang kanilang pag-aaral.
Sa naitalang datos ng Teens Nook Center nitong nagdaang pasukan 2022-2023, lumabas na ang kaso ng pag-aaway ang may pinakamalaking kabuuang bilang na nag-udyok sa kanila na mas tutukan at bigyang pansin ang mga mag-aaral.
“Peer pressure ang pinakamalaking rason ng mga mag-aaral kung bakit sila nasasangkot sa mga away na ito,” saad ni Gng. Maria Christina R. Sendin, isa sa mga Designated Guidance Councilor ng Teens Nook.
Bukod sa pag-aaway, nakapagtala rin sila ng iba pang datos sa kaso na kinabibilangan
“Halos lahat naman sa mga kaso na ito ay mga minor cases lamang at agad din na nareresolba,” dagdag pa ni Gng. Sendin.
Samantala, ayon pa guidance councilor na mayroong mga kaso na nagaganap sa labas ng paaralan kung kaya’t tumutulong ang Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-resolba ng mga nasabing kaso.
Bukod sa ‘Project Pagpalangga’, nariyan din ang Guidance and Influence towards Youth Advancement (GIYA), isang programa na makatutulong din sa paggabay sa mga mag-aaral. Binigyang diin din ng mga kasapi ng Teens Nook Center na mananatili silang aktibo at patuloy na magbibigay ng tapat, de-kalidat, at maaasahang serbisyo para sa mga mag-aaral at sa PNHS.
34 BATANG LIDER NG PNHS DUMALO SA GLOBAL YOUTH SUMMIT
NAKIISA ANG 34 PILING MAG-AARAL ng Pavia NHS sa Global Youth Summit (GYS) na inorganisa ng Global Peace Foundation sa SM City Iloilo Southpoint, Agosto 26, 2023.
Dumalo sa summit ang mga opisyales ng Supreme Secondary Learner Government, Youth for Environment and Schools Organization, Red Cross Youth, at Senior Scouts 274.
Tinalakay sa taunang pagtitipon ang mga panlipunang isyu na may kaugnayan sa UN Sustainable Development Goals (SDG) at pagpalakas ng boses ng mga kabataang lider.
“Bukod sa maraming pakulo at entertainment na hatid ng GYS ay binusog din ang aming mga utak ng kaalaman at inspirasyon para mapabuti pa ang aming leadership skills,” wika ni Edizza Legada, YES-O officer.
Samantala, opisyal na nagtapos ang programa sa isang espesyal na pagtatanghal na hatid ni Darren Espanto, isang sikat na mang-aawit ng ABS-CBN.
LGU PAVIA NAPABILANG
SA 2023 GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING PASSERS
IGINAWAD ANG SEAL OF GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING (SGFH) sa Munisipalidad ng Pavia na pinamamahalaan ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Laurence Anthony “Luigi” Gorriceta.
Ngayong taon ang pagmamarka ng ikalimang sunod-sunod na taon na napabilang ang Pavia sa mga lokal na pamahalaan sa Region VI na nakatanggap ng parangal ng Seal of Good Financial Housekeeping mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa ilalim ng Seal of Good Local Governance (SGLG), ang Seal of Good Financial Housekeeping ay parte ng aspeto ng Financial Administration atSustainability, kung saan ito ang unang bahagi ng pagtatasa sa mga Local Government Units.
Layunin ng Seal of Good Financial Housekeeping na dating tinatawag na Seal of Good Housekeeping na makilala ang mga lokal na pamahalaan na aktibong sumunod sa mga pamantayan, patakaran at regulasyong ipinapatupad ng departmento ng accounting at audit.
PAGRESPONDE. May kakayahan at kaalaman na sa responde ang mga piling tauhan ng Pavia Emergency Responders at Pavia Bureau of Fire Protection (BFP) matapos ang pagsasagawang Collapsed Structure Search and Rescue Training Course mula Nobyembre 3-12, 2023 sa Barangay Purok 1, Pavia, Iloilo. /PAVIA NEWS AND VIEWS FACEBOOK
ANG KAHUSAYAN ng Lokal na Pamahalaan ng Pavia para sa pagtatag at pagganap ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCO) nito matapos makatanggap ng Seal of Excellence bilang “Beyond Compliant” na tanging bayan sa Lalawigan ng Iloilo na nakamit ang nasabing parangal.
NG KAISIPAN. Mahabang pasensiya ang ipinakita ni Gng. Grace Calimpong sa isang magaaral na
PROGRAMANG MAGPAPATAAS ANG LITERACY AT NUMERACY SKILLS, TUGON NG SDO ILOILO
BILANG SUPORTA sa MATATAG Curriculum, inilunsad ng Schools Division of Iloilo ang programang ‘inforMATHics’ upang mapataas ang antas ng literasi at numerasi sa mga mag-aaral.
Ayon kay Dr. Kim Arceña, ang inforMATHics ay isang inobasyon na layuning patatagin ang paghahatid ng mga aralin sa buong SDO-Iloilo na may sub-project na tinatawag na: MATHepedia, MATHpacks/ ABMpackage, Math CHAMP Quest, MATHbisita, MATHventure, MATHinun-anon, Math-Digitized, at Math ASK.
“With this program, the SDO Iloilo foresees a productive, results-oriented, and effective curriculum implementation in the next six years-a commitment that will make every learner of Region VI a champion,” dagdag pa ni Dr. Arceña.
Inanunsiyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pamamagitan ng National Gawad KALASAG Committee, na kabilang ang munisipalidad ng Pavia sa 256 na Beyond Compliant at 723 na Fully Compliant Local Government Units para sa ika-23 na Gawad KALASAG Seal at mga Special Award para sa Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance for the Local DRRM Councils and Offices category.
Ayon sa mga guidelines ng Gawad KALASAG, ang mga Beyond Compliant LGUs ay yaong may assessment rating na 2.5 hanggang 3 habang ang Fully Compliant LGUs ay yaong may rating na 1.5 hanggang 2.49.
Noong nakaraang taon, nakamit ng Pavia ang parangal na “Fully Compliant” ngunit ngayong taon ay natupad ang kanilang layunin na
makuha ang parangal na “Beyond Compliant.”
Ang Gawad KALASAG (KAlamidad at sakuna LAbanan, SAriling Galing ang kaligtasan) ay itinatag noong 1998, bilang paghahanap sa Kagalingan sa Disaster Risk Reduction and Management at Humanitarian Assistance.
“Ito ay nagsilbing pagkilala para sa iba’t ibang stakeholders na nagtataguyod at nagsasakatuparan ng mga programa sa disaster risk reduction and management, climate change adaptation (DRRM-CCA), at humanitarian assistance na nagpoprotekta at nagbibigay ng kakayahang harapin ang mga mataas na panganib sa mga komunidad at nagpapalakas sa kanilang kakayahan na harapin ang kanilang mga kahinaan,” wika ni Rommel Jamerlan, MDRRM Officer.
Samantala, bilang patuloy na
IPINAPAUBAYA NAMAN NG DEPED ang pasya sa pamunuan ng mga pribadong paaralan kung susundin ang nasabing school calendar.
“Yung mga private school na sumabay sa public schools na nag-open ng August, hindi naman sila mandatory na mag-adjust ng kanilang school calendars,” ayon kay Francis Bringas, DepEd Assistant Secretary.
Umaasa naman ang DepEd na sa SY 2025-2026 at sa mga susunod na taong panuruan, tuluyang makababalik ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.
pagsuporta sa layuning ng DRRM, inilunsad naman Collapsed Structure Search and Rescue Training Course (CSSR) nitong Nobyembre 3 hanggang 12, 2023 sa Purok 1, Pavia na nilahokan ng 21 Pavia Emergency Responders kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection. Ang pangunahing layunin ng kurso ay sanayin ang mga kalahok sa mga teknik at paraan na kinakailangan para sa pagsusuri, paghahanap, pagsiguro, at pagsagip sa mga biktima na naipit sa mga gumuhong istraktura, gamit ang pinakaligtas at angkop na pamamaraan.
Ito ang unang CSSR training na isinagawa sa isla ng Panay na pinangasiwaan ng mga akreditadong tagapagturo mula sa Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Bago and Cadiz City DRRM Office, at Federation Iloilo Fire, Inc.
PAGTANGGAL
NG DEKORASYON, KAWALAN
NG MOTIBASYON
HINDI MAIKAKAILA na ang mga
Pinoy ay mahilig maglagay ng mga palamuti o mga dekorasyon sa mga paaralan. Ang mga dekorasyong ito ay nagsisilbing pang-ingganyo at naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon na maaaring mapagkukunan ng kaalaman ng bawat mag-aaral. Sa pagkawala nito, nagkaroon ba ng pagbabago sa intelektwal na kapasidad ng kabataan? Isang kahindik-hindik na desisyon na tanggalin ang mga dekorasyong ito na nagresulta ng kalunos-lunos at walang-buhay na silid-aralan para sa kabataan.
Ayon sa DepEd Order No. 21, series of 2023, lahat ng silid-aralan sa lahat ng mga pampublikong paaralan ay sinisiguradong walang mga dekorasyon na kung saan dapat lahat ng klasrum ay malinis at organisado. Dagdag pa rito, pinapatanggal ang mga dekorasyong ito dahil ito daw ay “unnecessary” na makakaapekto raw ito sa paraang mawawalan ng pokus ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung anong mga “unnecessary” na mga dekorasyon ang dapat na tanggalin sa mga silid-aralan sa bansa. Nagmistulang presinto na dapat ay pangalawang tahanan ang mga silid-aralan na pinapasukan ngayon ng kabataan.
Sa pagtanggal ng mga dekorasyong ito, parang tinanggalan din ng hininga ang mga nag-aagaw buhay na tao — ang mga mag-aaral. Dahil ang mga materyales at kagamitan na makikita nila sa loob ng klasrum ay ginagamit bilang sandata ng pagkatuto.
Naniniwala ako na hindi dekorasyon ang nagpapawalang pokus sa mga mag-aaral. Kulang sa pasilidad, kulang sa gamit, kulang sa benepisyo at siksikan sa loob ng isang silid-aralan ang ilan sa mga problemang dapat na bigyang aksyon ng mga nakatataas na higit na nakaaapekto sa pagkatuto ng isang bata.
Ang pagtanggal ng dekorasyon ay nakaaapekto sa motibasyon, pagkatuto at buhay ng mga magaaral. Ang mga disenyo sa isang silid-aralan ay makabuluhang nakaiimpluwensya sa mga antas ng pagganyak ng mga mag-aaral at pangkalahatang mga karanasan sa pag-aaral na kung saan pinapaunlad nito ang kapaligiran upang maging positibo at kaayaayang lugar ng pagkatuto.
4,200 sa mag-aaral ng Pavia National High School ang hindi sang-ayon sa DepEd Order 21 s. 2023. Karamihan sa kanila ay naniniwalang naging “boring” ang isang klasrum kung walang mga dekorasyon. Samantala, hati naman ang mga guro ng paaralan ukol sa nasabing direktiba ng DepEd.
MISTULANG BUMAGSAK ang talukap sa dismaya ng mga estudyanteng mamamahayag dahil sa iilang mga gurong hindi nagbibigay ng pinakamataas na iskor sa mga written work at performance task sa tuwing kinakatawan ang paaralan sa dyurnalismong pasiklaban o sa tuwing may gawain para sa pahayagang pangkampus. Ngunit kung iisipin, marapat nga ba talagang bigyan ng espesyal na pang-unawa ang mga mag-aaral na lumalahok sa pamamahayag?
Ayon sa opisyal na sulat ng pangangatwiran ng Pavia National High School (PNHS) sa ilalim ng lagda ni Principal IV Dr. Lourdes Montefrio, marapat ang pagbibigay ng pinakamataas na posibleng marka sa mga estudyanteng mamamahayag na nagrerepresenta ng paaralan. Mula rito, masasabing tunay na nakatakdang ipagkaloob ng guro ang konsiderasyon sa kabataang mamamahayag na lumalahok sa patimpalak.
Una, naisaad sa pag-aaral sa edukasyong pang-sikolohiya ang positibong relasyon ng pagkilala at papuri sa punyagi ng mag-aaral at kanilang akademikong paggawa; sila ay mas nabibigyang-motibasyong magtiyaga sa mahihirap na gawain at magpabuti ng kanilang kakayahan. Ipinapahiwatig nitong maliban sa napauunlad ang aktibong pakikilahok sa pamamahayag, napalalakas din ng konsiderasyon mula sa mga guro ang damdamin ng mga estudyante sa pagtaguyod ng kanilang pag-aaral
Pangalawa, ibinanggit sa Konstitusyon 1987 ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksiyon I ang marapat na pangangalaga at pagtaguyod ng Estado sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon.
Ibig sabihin, ang pagbigay ng ‘highest possible score’ sa mga mamamahayag ay kumikilala sa kanilang pagkakahuli sa klase dulot ng makatuwirang dahilang hindi naman sakop ng kanilang kontrol; nasasabuhay ang prinsipyo ng inklusibong edukasyon sa paaralan.
Panghuli, inilahad ng mga propesyonal na mamamahayag ang kahalagahan ng katatagan at pakikiangkop sa pagpasok sa industriya ng midya. Ipinapaliwanag nitong sa pagbigay ng pagkakataon sa mga estudyanteng makapagsanay ng kakayahan sa sari-saring sitwasyon, sila ay naihahanda ng mga guro sa reyalidad ng pamamahayag sa labas ng paaralan.
Nagsisilbing daan ang pang-unawa ng mga ahente ng pagkatuto sa paghimok sa kakayahan ng kabataang makapagtayo sa sariling paa, sa oras na sila ay isalang sa tunay na mundo. Sa kabilang dako, para sa mga gurong inirereklamo ang pagliban sa klase bilang dahilan ng kawalan ng pagkatuto, napatunayan ng pag-aaral mula sa University of California, Los Angeles na nagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip, pagkamalikhain, kakayahang magresolba ng suliranin at makipag-ugnayan ang pakikilahok sa mga ekstrakurikular. Para naman sa mga nagsasabing hindi ito patas sa mga mag-aaral na pinaghirapan ang mataas na iskor, ipinakita na ng pag-aaral mula sa American Psychological Association na mayroon ding sariling hamon sa pagbalanse ng oras ang mga estudyanteng may ekstrakurikular - ipinapahiwatig na mayroong pagkakaiba sa pakikibaka ng bawat mag-aaral na marapat bigyangkonsiderasyon. Ibig sabihin, kwalipikado rin ang mga estudyanteng mamamahayag para sa mataas na iskor batay sa hirap at dedikasyong mayroon sila. Panahon na rin na amyendahan ang RA 7079 o Campus Journalism Act of 1991 na siyang magbibigay ng solido at konkretong suporta para sa mga kabataang mamamahayag. Samakatuwid, may karapatan ang bawat estudyanteng mamamahayag sa pinakamataas na iskor sa tuwing sila ay sumasali sa mga patimpalak. Sa pagrespeto sa karapatang ito, kinakailangan ang pagintindi at positibong suporta ng mga guro, pamahalaan, maging ng mamamayan sa estado ng bawat bata sa bansa. Kaya naman para sa matagumpay na pagtaguyod ng pamamahayag at kabataan, lahat ay marapat na magsama-samang paunlarin ang pluma ng pang-unawa.
Panahon na rin na amyendahan ang RA 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 na siyang magbibigay ng solido at konkretong suporta para sa mga kabataang mamamahayag.
REPUBLIC ACT
HANDA NA BA tayo sa pagtigil ng Senior High School (SHS) sa mga pampublikong kolehiyo?
Sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit bakit parang binigyan tayo ng dahilan upang hindi makapag-aaral sa unibersidad na hinahangad dahil sa pagtanggal ng programang SHS sa mga estado at lokal na paaralan.
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) kailangan na raw itigil ang programang SHS sa susunod na taon ng pasukan dahil wala ng legal na batayan para pondohan ito. Naitala din ng DepEd ang isyu na hindi na makatatanggap ng tulong galing sa gobyerno ang mga pribadong estudyante at mga guro na lumipat sa SUCs at LUCs para sa programang SHS.
Batay sa datos ng DepEd, mahigit 17,751 na mga mag-aaral sa grade 11 at 2,030,451 na mag-aaral sa grade 12 ang kasalukuyang naka-enroll sa estado at lokal na unibersidad. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mag-aaral sa grade 12 kaysa sa bilang ng mag-aaral sa grade 11 sa kadahilanang kaunti na lamang ang tinatanggap na mga senior high school na mag-aaral. Ayon pa kay Prospero De Vera III, ng CHED,w ang mga magaaral na naka-enroll sa SUCs at LUCs sa kasalukuyan, ay nararapat na hayaan silang matapos ang akademikong taon bago ipatanggal ang programang SHS sa parehong paaralan.
Bilang isang mag-aaral, hangarin natin na magkaroon ng maraming kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral sa programang SHS, na kung saan sa programang ito natatalakay ang iba’t ibang aralin na siyang magagamit natin sa kolehiyo. Dahil nga sa pagpapatigil nito, maaari rin mahinto ang ating kagustuhan. O’ di kaya’y mapipilitan
ang ibang mag-aaral na lumipat o mag-enroll sa pampublikong paaralan o pribadong paaralan na mayroong SHS. Dahil dito ay mapipilitan ang bawat magulang na maghanap ng paaralan para sa kanilang mga anak na mayroong programang SHS na taliwas sa hangarin ng kanilang mga anak.
Bilang tugon, nararapat na hanapan ng pondo ng pamahalaan ang mga SUCs at LUCs para tuloy-tuloy na pag-aaral sa isang paaralan mula senior high school hanggang sa kolehiyo. Ito ang siyang hangarin ng bawat mag-aaral na maging maayos ang kanilang pag-aaral pagtungtong sa kolehiyo.
Kabataan ang susi tungo sa magandang kinabukasan na siyang mamumuno sa susunod na henerasyon ng bayan. Kahit ipatigil man ang programang SHS sa hangarin nating unibersidad, huwag kalilimutan na hindi basehan ang isang paaralan sa kursong tatahakin para sa ating kinabukasan.
Ito lamang ang maiiwan kong mga salita. “Tayo ang pag-asa ng bayan, at hindi natatapos ang ating kinabukasan sa hangaring hindi nakamtan. Patuloy na susulong sa hamon ng buhay hanggang mga pangarap ay matanaw sa pagdating ng bukang liwayway”.
Kahit ipatigil man ang programang SHS sa hangarin nating unibersidad, huwag kalilimutan na hindi basehan ang isang paaralan sa kursong tatahakin para sa ating kinabukasan.
KOMENTARYO
CJ JASTINE VILLEGAS
SA PAGBABALIK ng dating kalendaryo, inaasahang mas mapapabilis ang proseso ng pag-aaral sa bawat eskwelahan.
Bilang isang magaaral ng Pavia NHS, naniniwala akong makatutulong ito sa mas maayos at epektibong sistema ng edukasyon. Ang pagpapasya ng DepEd ay batay sa resulta ng survey ni Basic Education Committee Chairman at Senador Sherwin Gatchalian, kung saan walo sa bawat sampung Pilipino ang nais ng summer break sa Abril at Mayo. Dagdag pa rito, sa mga pampublikong paaralan tulad ng PNHS, kadalasan hindi sapat ang kagamitan tulad ng mga electric fan sa bawat klasrum. Sa pamamagitan ng pagbalik sa dating kalendaryo, mas magiging ligtas ang mga mag-aaral, lalo na sa mainit na temperatura. Bagaman may mga hamon, ang pagbabalik sa dating kalendaryo ay isang hakbang tungo sa katatagan at kapanatagan ng ating sistema ng edukasyon. Bilang mga mag-aaral, mahalaga na suportahan natin ang mga pagbabagong ito para sa ikabubuti ng bawat isa.
Mahalagang usisain muna ang layunin ng Charter Change. Kung tao ang pangunahing pokus nito, hindi kinakailangang agad na baguhin ang Konstitusyon, sapagkat makikita naman sa kasalukuyan ang matibay na pagsuporta nito sa kapakanan ng bawat Pilipino.
6 sa 10 guro ng Pavia National High School na pawang mga rehistradong mga botante ay hindi alam ang konteksto ng Cha-Cha. Hiling nila ay isang komprehensibong diskusyon o ‘information dissemination’ mula sa pamahalaan at mga eksperto sa usaping ito nang sa ganun ay maituro sa mga mag-aaral.
SINALUBONG ANG BAGONG TAON ng puno ng kagalakan, pagsapit ng kinabukasan dilim at init ang bumalot sa kapaligiran. Sa kuryenteng gipit, mamamayan ang namimilipit.
Ilaw ay minsan nakasisilaw, ngunit nanatiling mahalagang sangkap sa magiging takbo ng araw. Kadalasang makikita ang kaliwa’t kanang mga pailaw sa pagsalubong ng bagong taon. Puno ng iba-ibang kulay ang mga nakasabit sa loob at labas ng tahanan ng mga magkakapitbahay. Liwanag ang karaniwang salubong ng panibagong simula. Taliwas rito ang kaganapang hinarap ng mga mamamayan ng Panay, matapos mabalot ng kadiliman ang rehiyon sa hapon ng ikalawang araw ng bagong taon.
Sa hindi inaasahan, liwanag ng mga ilaw ay nawala at paligid ay nagdilim na. Isa lamang ang nais sabihin, wala na namang kuryente at init ay sapilitang sisikmurahin. Kailanman ay wala ng pagbabago. Walang pakundangan ang hindi tumitigil at hindi nasosolusyunang kakulangan sa suplay ng kuryente. Matatapos pa ba ang pagdurusang ito, o ito ang tatapos sa mga taong apektado lalo na ang mga estudyante at mga negosyong umaasa rito?
P3.8 B
TILA ISANG PERYA ang politika sa bansa. Mula sa tangka ng pagbabago sa 1987 Konstitusyon, sumibol ang isyu ng diumanong panunuhol ng suporta para sa Charter Change (Cha-Cha), dalangin ng protesta sa Davao, at paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Kung isasaalang-alang ang mga suliraning lumago dulot ng ChaCha, masasabing hindi pa handa ang bansa para sa malaking pagbabago.
Bilang paliwanag, tinutukoy sa Cha-Cha ang pulitikal at legal na paraan ng pagbabago sa Konstitusyon. Sa kasaysayan, una itong tinangka ni Pangulong Fidel Ramos, ngunit hindi nagtagumpay dulot ng pagprotesta ng isang organisasyong pinangungunhan ng simbahan. Nagkaroon din ng pagtalakay ukol sa ChaCha nang ipinakita ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta sa pag-amyenda ng Konstitusyon, pero hindi ito nagpatuloy dahil sa pagtutol ng kanyang administrasyon. Kung titingnan, sa muling pagbukas ni Pangulong Bongbong Marcos sa diskusyon ng Charter Change, sari-saring pulitikal na krisis ang umusbong. Unang suliranin, sumibol ang usapin ng diumanong pag-aalok sa mamamayan ng P100 hanggang P10,000 para sa lagda ng suporta sa Charter Change. Noong Enero 9, inihayag naman ni Senador Imee Marcos, umanong hahandugan ng 20 milyon ang mga distritong makapaglikom ng partikular na rami ng lagda para sa pag-amyenda ng Konstitusyon. Dito palang, matutunghayan
Halaga ng naging pinsala ng blackout sa ekonomiya sa lalawigan ng Iloilo.
Takdang alas 2 ng hapon, Enero 02, 2024, nakaranas ang buong Kanlurang Bisayas ng blackout. Ito ay batay sa timeline na ibinigay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, na nagpapatakbo ng mga linyang nagsisilbing daluyan ng kuryente tungo sa mga nasasakupan nito mula sa mga planta hanggang sa mga tagapagbahagi. Sa isang pahayag, sinabi ng NGCP na itinaas ang yellow alert matapos hindi makapag labas ng elektrisidad ang mga planta sa buong Panay.
Kahit pa na nakabase ang isinagawang aksyon ng NGCP sa kanilang timeline, walang natanggap na abiso ang mga konsumer patungkol sa gaganaping malawakang blackout. Tungkulin ng isang organisasyon, institusyon, o korporasyon na ipagbigay alam ang anumang mahalagang gagawin nito upang makapag-handa ang mga posibleng maapektuhan. Dagdag init sa ulo ang ideyang wala man lang anunsyong inilabas at lahat ay naging biktima.
Iniulat ng NGCP na 302 Mega Watts ang nawala sa Visayas grid dahil sa aberya ng mga planta, habang 150 MW naman ang nawala dahil sa planong maintenance shutdown. Isinasalin ito sa kabuuang 452 MW ng hindi magagamit na kuryente sa Visayas grid. Ayon sa Department of Energy, sinabi ng Energy Regulatory Commission na kasalukuyang iniimbestigahan nito ang insidente. Dagdag pa ng NGCP patuloy pa rin nitong inaalam
na ang agad na pananamantala sa kapangyarihan ng mamamayan para sa lihim na motibo, kahit na partida kauumpisa lang ng diskusyon sa Charter Change. Sunod na problema, Enero 28 nang magkaroon ng protesta sa Davao City ukol sa People’s Initiative (PI) at Cha-Cha, kung saan mahigit 53,000 Pilipino ang nagkaisa. Sa pangyayaring iyon, nagkaalitan sa pagitan ni Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos; inakusahan si Marcos ng pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Cha-Cha, upang madagdagan ang kanyang termino. Kung iisipin, umaabot na rin ang tunggalian hanggang sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan, sapagkat kapangyarihan ng Pangulo ang isa sa pangunahing apektado ng maaaring rebisyon. Hindi naman magpapahuli, Enero 30 nang sinimulan ang inisyatibo ng hiwalay na Mindanao. Kahit pa hindi ito isang kilusan ng paghihimagsik, bagkus ay susunod sa internasiyunal na batas upang makamit ang layunin – ayon kay Duterte, hindi maikakailang salik ang kaguluhan sa pamahalaan, lalo na ang balak na PI sa muling pagtawag para sa kasarinlan ng Mindanao.
Sa ganitong sitwasyon, matutunghayang malaki ang epekto ng Cha-Cha sa kabuuang estado ng bansa; ang paghiwalay ng Mindanao ay maaaring magreresulta sa pulitikal, ekonomiko, at sosyal na mga konsekuwensiya.
Kung bubukod man sa Pilipinas ang masaganang bahagi ng kalupaan, maaaring humantong sa kakulangan sa panggagalingan ng likas na yaman. Higit sa lahat, kawalan sa bansa ang mamamayang masasangkot sa hiwalayan – sapagkat maliban sa wika, sila rin ay simbolo ng pagkakakilanlan ng bansa.
Bilang solusyon, mahalagang usisain muna ang layunin ng Charter Change. Kung tao ang pangunahing pokus nito, hindi kinakailangang agad na baguhin ang Konstitusyon, sapagkat makikita naman sa kasalukuyan ang matibay na pagsuporta nito sa kapakanan ng bawat Pilipino. Isa pa, tinatayang 15 bilyon ang kakailanganin, at marapat ang moral na paghahanda para rito. Batay sa krisis sa pulitika ngayon, handa ba ang Pilipinas para sa dakilang pagbabago?
Samakatuwid, isang malaking pagkalugi ang pagsugal sa pagpapatupad ng Charter Change. Sari-saring pambabangka ang nangyari mula sa diskusyon ukol dito; ito ay pahiwatig ng mas malalang sitwasyon ng tuluyang pagsasakatuparan nito. Kaya naman, ang tanging gawin lamang sa kasalukuyan ay magkapit-bisig upang tutulan ang implementasyon. Lahat ng mamamayan ay marapat na magsama-sama, nang sa gayon, matuldukan ang laro ng kasakiman. Buong Pilipino, ipaglaban ang pagpapasara sa Cha-Cha bilang daan ng sugalang pulitika!
Beses na kinansela ang klase mula elementarya at sekundarya sa bayan ng Pavia, Iloilo noong Enero 2 hanggang 5, 2024 dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente. Ito ay sa bisa ng executive order ni Mayor Luigi Gorriceta.
ang puno’t dulo ng lahat. Hindi na bago ang kaganapang ito. Buwan din ang binilang noong nakaraang taon sa haba ng pagtitiis ng mga tao dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay nararapat na gawing normal ang nararanasang blackout. Bawat problema ay marapat lapatan ng karampatang solusyon at hindi binibigyan ng pangmadaliang mga tugon kung saan kinabukasan muli na namang palaisipan kung paano tatakpan. Bagong taon na nga, pero hindi lahat may pagbabago na.
Bagamat umaaksyon na ang kinauukulan, hindi pa rin ito sapat dahil hindi nito mapapantayan ang pinsalang hatid ng kawalan ng kuryente. Napapabuntong hininga na lamang ang mga kumokunsumo pagkat magpa hanggang ngayon di pa rin dama ang anumang tugon ng NGCP sa tumatagal na suliraning ito. Nagsisilbing limitasyon sa kakayahan ng mga mamamayang magsagawa ng kani-kanilang responsibilidad sa buhay. Trabaho man o pag-aaral ang pinaguusapan malinaw ang negatibong epekto ng mga aberya.
Dama na ng marami ang hinaing na inilalabas ng mga labis na naaapektuhan ng kasalukuyang kakulangan sa kuryente. Kailangang bigyang linaw ang kadahilanan ng mga kaganapan. Mistulang insulto sa mga kumokunsumo na hindi man lamang mabigyan ng kasagutan ang mga
katanungan.
Samakatuwid, sa suliraning ito hindi lamang NGCP, DOE, o Energy Regulatory Commission ang may kakayahang magbigay ng kanilang tugon o solusyon sapagkat ang mga mamamayang apektado ay nasa malaking bahagdan. Malaki ang magiging papel ng mga nakaupong politiko sa itaas sa paghahanap ng kasagutan at pagbibigay ng anumang tulong sa kapwa nila Pilipino. Marapat na madaan sa masinsinang pag-aaral at mga pagpupulong ng mga pinagkakatiwalaang tao sa loob ng gobyerno ang maaaring gawing aksyon na magbibigay ng permanente at pangmatagalang sagot.
Sa panahon kung saan init ay walang katulad at temperatura ng atmospera ay humaharurot sa nakamamatay na numero, elektrisidad ang nagiging kanlungan. Nagbibigay kahit papaano ng gaan sa kalooban at pumapawi sa init na nararamdaman. Ang kakulangan ng suplay nito ay isang banta sa kalusugan at kabuhayan ng mamamayan. Nararapat na magkaroon ng dekalidad na klase ng elektrisidad ang bawat Pilipino. Hindi pa man ito ang kasalukuyang lagay o estado ng suplay ng kuryente sa bansa, maaari itong gawing prayoridad para sa ikatatahimik at ikagagalak ng lahat. Sa kuryenteng sapat, tiyak magagawa ng mga Pilipino ang kung ano ang dapat.
PULSO PUNTO
kawani at mag-aaral ay na magdagdag ng Closed Circuit Television (CCTV) camera ang Pavia National High School. Nitong School Year 2023-2024, nakapagtala ang paaralan ng 8 (walo) kaso ng nakawan sa loob ng kampus, kabilang ang paghalughog ng mga silid at sapilitang pagkuha ng pera, cellphone, at laptop. Mas mainam na ilagay ito sa mga tagong lugar at higit sa lahat sa bawat gusali.
Mahal na Patnugot, Kamakailan lang ay may isyu tungkol sa isang outsider na malayang nakagagala sa ating paaralan. Nakatatakot po ito. Mismo ang mga magulang at guro ay naaalarma sa ganitong pangyayari. Halos maglilimang buwan na nang simulan ang pasukan para sa SY 2023-2024, pero ang iilan ay hindi pa rin nakauniporme kung pumapasok sa Pavia National High School. Kung inyo pong mamarapatin, sa sulat na ito ay sana mabigyang kaalaman ang lahat tungkol sa benepisyo ng pagsuot ng uniporme sa loob ng kampus. Sana po ay maiparating ito sa ating punong-guro at Parents and Teachers Association (PTA) nang sa ganon ay mabigyang pansin ang isyung ito.
Lubos na gumagalang, Zamiel
Zamiel,
Ramdam namin ang iyong malasakit at pag-aaalala para sa iyong kaligtasan at pati na rin sa iyong kapwa mag-aaral.
Malaki talaga ang tulong ng pagsusuot ng uniporme sa pagpunta sa paaralan. Disente itong tingnan at agarang nalalaman ang pagkakakilanlan ng mag-aaral na nakatutulong na masigurado ng mga tauhan ng paaralan na mapanatili ang seguridad at katahimikan sa loob ng kampus. Maiiwasan nito ang paglabasmasok ng mga outsiders o iyong mga pumapasok sa paaralang hindi naman nag-aaral dito.
Sa katunayan, ayon sa ating punong-guro, Dr. Lourdes Montefrio, nakikipag-ugnayan na siya sa mga opisyales ng SPTA para maipatupad ang mandatory wearing of uniform sa lahat ng mga mag-aaral ng Pavia National High School. Samantala, nakapagbigay na rin ng mandato ang punong-guro sa lahat ng mga guard on duty na pag-ibayohin ang pagbabantay sa lahat na mga pumasok sa loob ng kampus.
Lubos na gumagalang, Mga Patnugot
PARANG NALUNOD SA HIYA ang mga estudyante at guro ng Pavia National High School (PNHS) nang makita ang sumikat na bidyo ng mga estudyante ng paaralang gumagawa ng kalaswaan o pornograpiya. Masaklap ito para sa kabataan sapagkat kahit na maagang namulat sa hubad na katotohanan ay maaga ring nasira ang kinabukasan. Mahalagang bigyan ito ng karampatang solusyon hindi lang ng paaralan kundi pati na rin mismo ng pamahalaan dahil naglalarawan itong maraming mag-aaral ang kulelat pagdating sa kaalamang seksuwalidad. Hindi lang ito, marami rin itong dalang negatibong epekto hindi lang sa kabataan kundi pati na rin mismo sa kinabukasan ng bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, ang Pilipinas ay nagtala ng 5.4% kababaihang edad 15 hanggang 19 taong gulang na nabuntis; humigit-kumulang 1.6% sa kanila ay kasalukuyang buntis, at wala pang isang porsiyento (0.4%) ang nawalan ng dinadalang anak. Nagpapahiwatig lamang itong maraming kabataan ang walang alam o kulang ang kaalaman tungkol sa sex education, at sanhi na rin ng kanilang kuryosidad bilang nagdadalaga at nagbibinata. Samantala, sa PNHS ayon pa kay Designate- Guidance Counselor Maria Christina Sendin, may dalawang kaso nang naitala ng video scandal ngayong taongpanuruan 2023-2024. Isa lamang itong patunay ng kawalan o kakulangan ng kaalaman ng kabataan pagdating sa seksuwalidad at maaaring resulta ng kanilang aksiyon, kung saan ay hindi lang ang pangalan ng eskuwelahan ang maaapektuhan kundi pati na rin mismo
ang kanilang sarili. Upang malutas ang problemang ito, dapat maglunsad ang paaralan ng isang seminar na nagtuturo ng panlipunang seksuwalidad. Bagamat ibinabahagi nga ito sa paaralan ngunit bakit patuloy pa ring umuusbong ang mga kaso ng pornograpiya? Masakit mang isipin para sa kabataang hindi naiisip ang resulta ng kanilang gawa, ngunit dahil sa seminar na ito ay mas maiintindihan nila ang kanilang mga desisyon at maiiwasan na ang mga katulad na pangyayari sa hinaharap. Kinalakihan na ng mga Pilipino ang pagkamahiyain pagdating sa kwentuhan tungkol sa seksuwalidad. Ngunit sa kasalukuyan kung saan nakataya na ang kinabukasan ng kabataan at bansa ay mahalaga pa rin ba damdaming ito? Maliwanag na talagang kailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang sex education, sapagkat kung hindi ay paano nalang ang mga bata? Nagpapahiwatig lamang ito na kailangan na ng pagbabago upang ang hinaharap ay lumago, kaya naman simulan nang baguhin ang kinagisnan para sa maunlad na kinabukasan.
Ayon sa Pavia NHS Teen Center, may dalawang kasong video scandal na ngayong SY 20232024. Patunay ito ng kawalan o kakulangan ng kaalaman ng kabataan pagdating sa seksuwalidad at maaaring resulta ng kanilang aksiyon, kung saan ay hindi lang ang pangalan ng eskuwelahan ang maaapektuhan kundi pati na rin mismo ang kanilang sarili.
MULA SA ISANG pampublikong panayam sa telebisyon, binigyang diin ng tagapangulo sa Komisyong ng Wikang Filipino o KWF na si Dr. Arthur Casanova ang kahalagahan ng samu’tsaring paraan ng pagharap o diskarte na kinabibilangan ng edukasyon, impluwensya ng pamilya, at pakikibagay sa modernong teknolohiya. Sa talakayang ito, inihahayag ng KWF ang panghihikayat sa mga magulang at mga paaralan na iparanas sa kanilang mga anak at mga mag-aaral ang tradisyunal na paraan at porma ng literatura.
Ito ay upang maging tugon sa mga alalahaning dulot ng teknolohiya sa mga tradisyunal na kasanayan sa panitikan. Ang kilos na ito ay maaring magsilbing paraan upang ibalik ang alab ng makabansang damdamin at pagmamahal sa wika ng mga estudyante at siyang magiging tulay sa pagtaas ng kakayahang bumasa ng kabataan.
Gamit ng wikang atin noon ay maituturing na pangkalahatan, sa paglipas ng panahon karamihan sa mga magulang sa kasalukuyan ay tinuturuan na ng banyagang mga salita ang mga paslit habang maaga pa. Nagreresulta ng paghihirap para sa mga bata na harapin at tangkilikin ang akdang Mother Tongue pagtungtong ng elementarya. Sa datos ng World Bank taong 2022, 90% sa mga batang Pilipinong may edad 10 ang nahihirapang bumasa ng mga simpleng salita. Pinakahuli rin ang Pilipinong kabataan sa usapin ng pag-unawa sa pagbasa sa lahat ng mga kalahok na bansa sa 2018 Program for International Student Assessment (PISA).
Naitala ang mga datos na ito sa kabila ng malaking pagbabagong hatid ng teknolohiya sa paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Patunay na hindi magiging balanse kung iaasa na lamang dito ang pagkatuto ng mga bata. Kinakailangan pa rin ang tradisyunal na paraan ng pagkatuto upang tuluyang mahasa ang galing at abilidad ng bawat mag-aaral. Sa kasalukuyan, masasabi kong isa pa rin ang aming paaralan sa mga institusyong humuhubog ng tama sa kakayahan ng mga mag-aaral. Dito patuloy na makikita ang pagbabahagi ng mga estudyante ng kani-kanilang angking talento, sa pagsulat man ng tula, pagbigkas, o pagsulat ng lathalain. Nananatiling buhay ang mga programa at organisasyong nagpapatakbo ng mga patimpalak sa loob ng paaralan. Maranasan man ang pag-unlad at pag-usad sa mas ikabubuti ng nakararami, mahalagang itatak sa isipan na ang teknolohiya ay hindi dapat pinapailalim ang literatura, sa halip, ito ay nakikitang kumplementaryo upang parehong larangan ay maging susi sa pagkatuto ng kabataan sa yaman at lalim ng kaalamang taglay ng panitikan.
Tahanan ang ugat ng kasanayang taglay ng mga mag-aaral saan man ito paroroon. Porma ng disiplina sa sarili ay magmumula sa mga kinalakihang kapaligiran na madalas makita o marinig. Kung kaya, sa larangan ng pagkatuto, malaki ang papel ng mga magulang o mga nakatatanda sa kakayahang bubuo sa pagkatao ng mga estudyante. Mas mabibigyan ng karampatang atensyon ang kakayahan ng mga mag-aaral kung mismong mga magulang ang gumagabay sa kanilang pagkatuto at hindi lamang nakaasa sa pagkakaroon ng mabilisang pag-access sa teknolohiya. Hali na’t isulong ang tamang paggamit ng teknolohiya at ang patuloy na pagsasabuhay sa makulay na tradisyon ng ating literatura.
TINIG ROSAS CARLYN JANE PILLO LIHAM SA PATNUGOT LAKBAY KAALAMAN SHANA SOCOLARNangangapa ma’y ipinagpatuloy namin ang lakarin at hindi sinanto ang anumang paghihirap na ibinato ng tadhana. Pagkatapos ng pagsubok na iyon, natutuhan namin ng bawat miyembro ng tribu na maging matatag at solido sa kahit na anumang hamon
TRIBE MANAGER, TRIBU KAHIRUP
Kabuuang bilang ng miyembro ng Tribu Kahirup ay binubuo ng mga mag-aaral ng Pavia National High School. Sila ay kasapi sa mga musical at drums, props men, at mananayaw.
GUYOS
SA DIWA NG
KATHLEEN PULIDO
HINDI INAASAHANG PAGTAKBO ng panahon, tila may kumalansing sa tenga nito’t nagtulak na buksan ang nakakandadong pintong naghahandog ng pagkakataon. Kadalasan, sa kabila ng masalimuot na gabi, ay bukas pa rin ang isipan. Nag-aatubili kung tanggapin ba ang kapalarang inalay.
Sa bawat padyak na ineensayo ng mga paa ay siya ring pagsigaw ng sentimyentong sumisimbolo ng paghubog ng pagkakaisa. Maipagtitulad ang Tribu Kahirup sa salitang “Pamukaw” na may kahulugang pagbangon, paggising. Isa sa pinagkakaguluhang pagdiriwang sa Pilipinas ang Dinagyang Festival, matatagpuan sa lungsod ng Iloilo, kung saan makulay na pinagsasama-sama ng kulturang Pilipino at relihiyosong debosyon. Ang kasaysayan nito’y may malalim na pinagmulan. Binubuhos lahat ng oras at atensiyon tuwing Enero bilang pag-alala sa Sto. Niño, ang banal na sanggol. Kaya naman noong ika- 20 ng Oktubre, binagsakan ng pananalig ang Tribu Kahirup na kumatawan sa Tribu Arevalo, ang pagsimula ng yugto sa pagnanais na yumapak sa mas malaki at maliwayway na landas. Pag-aalinlangan. Hindi sapat na oras. Mga bagay na muntik nang pumigil sa pagtapak ng nananabik na mga paa. Sa walang kasiguraduhang pagkamit ng responsibilidad sa kabila ng potensyal at kakahayang nagpatuwag pansin kay Charlie Guyos. Bilang isang manager ng nasabing tribu na tatahak sa masalimuot na laban, halong kaba at pananabik ang nadama niya na para bang sa isang kurap lamang ay magbabago ang lahat ng planong nailaan. Sumabak silang nakapiring kasama ang 20 tribung nakilahok sa 110-day countdown to Dinagyang Festival 2024 noong Oktobre 20 taong 2023, Pamukaw noong Disyembre 16 taong 2023, hanggang sa Opening Salvo, ILOmination, at Dinagyang Tribes Competition noong Enero 2024. “Sandamakmak na suliranin ang ibinagsak ng tadhana sa’min bago sumabak sa kompetisyong ito,” paglalahad ni Guyos. Ayon pa sa kanya, minsa’y nawawalan sila ng lugar na pagsasanayan, nawawalan ng udyok sa pamamahala ng oras, at higit sa lahat ay ang kawalan sa pinansyal.
Baterya ng motor. Iyan ang bagay na nagpabagsak sa mukha ng
mga tagaganap sa Tribu Kahirup. Walang mapagkuhanan ng salapi. Hindi sigurado kung mapaaandar ang pinagtagping materyal upang mabigyan sigla ang kanilang kasuotan. Sinasabing 10 libo ang ginasto ng bawat mananayaw para sa kanilang damit ngunit sa habag ng Panginoon, naituwid nila ito.
“Nangangapa ma’y ipinagpatuloy namin ang lakarin at hindi sinanto ang anumang paghihirap na ibinato ng tadhana. Pagkatapos ng pagsubok na iyon, natutuhan namin ng bawat miyembro ng tribu na maging matatag at solido sa kahit na anumang hamon,” sambit pa ni Guyos na may pagmamalaki sa kanyang sarili.
Sa huling pagsigaw at pagpadyak, umabot man sa rurok ang mga boses ng utak, hindi naiwaglit sa isipan ng Tribu Kahirup ang nabuong pinagsamahan sa loob ng mahigit kumulang 100 na araw. Hindi man naiuwi ang titulong inaasam, tumatak naman sa kanilang isipan ang inukit sa putik ng bakas ng kanilang talampakan sa lumbay ng kahapong ‘di-inaasahan. Naisaklot ng Tribu Kahirup ang People’s Choice Award na nagpapanting sa tenga ng bawat isa sa kanilang tribu.
Ang inulunsad na paligsahan ay isang pagkakataon upang muling pag-isahin ang mga mamamayan at mga dayong naglaan ng oras para makilahok. Sa gitna ng makulay na paligsahan at pagdiriwang, ang Tribu Kahirup ay patuloy na nagbigay-buhay sa kultura at kasaysayan hindi lamang ng bayan ng Pavia pati na ang Iloilo. Sinumang humuhugot ng lakas at pananampalataya ay babalik at babalik pa rin sa kinagisnan.
“Sa hindi inaasahang panahon, sino ang mag-aakalang makararating kami hanggang dito at maipakita ang talentong noon ay hindi nabibigyang pansin ng iba,” nanlulugod na sambit ni Guyos.
ko na pamamasada ay kaagapay ko palagi ang responsibilidad ng pagiging solong ina. Sakrisyo’t determinasyon ko sa pagmamaneho ang susi para ilaban ang mahirap na buhay namin ng aking anak.”
Hindi ito naging hadlang sa kanyang upang itigil at sumuko na lang bagkus, mas nagsumikap siya para sa ikabubuti ng kinabukasan ng kanyang anak.
bike tungo sa kanilang paroroonan na may pagsisikap at tiyaga sa bawat araw.
Bago pa man sumikat ang araw ay gising na ang diwa niya alas kwartro pa lang ng umaga upang maghanda ng almusal para sa kanyang anak. Sa pamamagitan ng simpleng pagsasamang kumain sa hapag-kainan at mga payak na sandali na pag-uusap, hindi siya nagkukulang sa paghatid-sundo at punan ang pangagailangan ng anak kahit ito’y mahirap para sa kanya.
Matapos ihatid ang kaniyang anak sa paaralan, agad na sumusunod si Rizza sa pila upang umpisahan ang kanyang araw bilang isang drayber ng e-bike. Para sa kanya, hindi ito lamang tungkol sa kakahayan niyang magmaneho; ito ay isang patunay ng kanyang abilidad at pagsalungat pananaw ng iba na lalake lang ang kayang gumawa nito.
“Bilang babae, ina, at asawa, mabigat rin ang pasan-pasan kong gampanin sa loob ng bahay— bukod sa pag-aalaga sa aking anak, hindi ko na nagawang maging asawa simula nung naghiwalay kami.”
Nanggigilid ang luhang sambit ni Rizza.
Noong bago pa lamang siya sa mundo ng pagmamaneho, hindi maiiwasan ang pagtanggi at pagdududa mula sa kaniyang mga kasamahan. Marami ang hindi naniniwala sa kaniyang kakayahan at dahilan na lamang na isa siyang babae, kinikilalang mahina sa lipunan.
Naging tagapagligtas niya ang kaniyang e-bike sa kaniyang pang araw-araw para buhayin ang sarili’t anak. Para sa kaniya ang e-bike ay hindi lamang isang transportasyon, kundi isang simbolo ng kanyang determinasyong tahakin ang lubak-lubak na daan at bilang isang matapang na ina.
Sa bawat sakay ng kaniyang e-bike, hindi lang siya isang drayber kundi nakikita niya ang kaniyang sarili bilang reyna, may tungkulin at mataas na antas sa lipunan na kahit sa simpleng paraan, nagbibigay siya ng inspirasyon sa kanyang mga kapwa babae na hindi basehan ang kasarian sa ano mang uri ng trabaho at nangingibabaw pa rin ang kaniyang kakayahan. Bawat araw na pinasasalamatan ni Rizza ang Diyos sa lakas na binibigay sakaniya sa pamamasada dahil kahit kailan hindi niya ito kinakahiya basta’t para sa anak.
“Patuloy kong dinadasal sa Panginoon na kakayanin ko ito hanggang sa mabigyan ko ng magandang buhay ang aking anak at sana’y maihahatid ko rin siya sa kaniyang tagumpay na magbubukas ng panibagong landas.”
“KUNG HINDI para sa ordinaryong Pilipino, para kanino?” Ito ang katanungang hindi maialis sa isipan ng mga tsuper kabilang na si Jeitmar sapagkat wala silang kayahang makabili ng modernong dyip.
Nakilala bilang hari ng kalsada ang mga pumapasadang tsuper tulad ni Jeitmar Tolentino 38 taong gulang, na layuning magbigay serbisyo at magsilbing daan upang makarating sa destinasyong patutunguhan ang kanilang mga pasahero. Ngayon ay binabalot sila ng takot at pangamba dahil sa nagbabadyang unos sa kanilang kabuhayan sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Mahigit siyam na taon nang pumapasada si Jietmar gamit ang kanyang tradisyunal na dyip. Mayroon siyang limang anak at sa pamamasada lamang niya binubuhay ang kanyang pamilya.
“Ala-sais sang aga handa na ang dyip kag ala-sais man sang gab-i ako magarahi. Anom ka beses ako gabiyahe sa sulod sang isa ka semana. Ang kita ko mga 500 kung swertihon mga 700 kada adlaw,” sambit ni Jeitmar.
Kulang man ang kinikita ni Jietmar ngunit sapat na ito sa kanyang malaking pamilya upang maitawid nila ang kanilang pangaraw-araw. Hindi sumasang-ayon si Jietmar sa pagmomodernisa ng mga dyip sapagkat malalagay sa alanganin ang kanyang trabaho na kanilang ikinabubuhay Kamakailan, ibinaba na ng Departamento ng Transportasyon (DOTr) ang Department Order No. 2017-011, o ang Omnibus Franchising Guidelines (OFG) noon pang Hunyo taong 2017 na may layunin diumanong gawing
mas epektibo, ligtas, sapat, maasahan at makakalikasan ang mga pampublikong sasakyan sa mga kalsada. Dahil dito, sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong pang 2017 ang implementasyon ng PUVMP upang tanggalin sa kalsada ang mga dyip na nagbubuga ng maitim na usok, at palitan ito ng modelong pinapagana ng Euro IV diesel o kuryente. Makatutulong umano ito para mabawasan ang kontribusyon ng mga dyip sa energy-related greenhouse gas emission. Hanggad ng PUVMP na paunlarin ang pampublikong transportasyon sa Pilipinas ngunit sa kabila ng katiting na kinikita ng mga tsuper gamit ang tradisyunal na dyip, sila ay inaasahan na makapagbayad ng mahigit P40,000 kada buwan upang mapunan ang P2.8 milyon na halaga ng isang yunit ng modernong jeep. Wala namang plano na bumili si Jietmar ng modernisadong dyip sapagkat hindi ito kaya ng kanyang badyet ngunit may ibang mga tsuper ang napipilitang mangutang upang may ipangbili ng modernong dyip dahil wala na silang ibang pinagkakakitaan maliban sa manibelang kanilang nakagisnan.
“Mahal kag hindi ko afford ang magbakal. Kapin pa mas magmahal pa gid ang pamasahe,” saad ni Jietmar Sa pinakapundasyon ng PUVMP ay ang OFG. Kung nais magpatuloy
ng drayber o opereytor sa pamamasada, kailangan niyang isuko ang kaniyang prangkisa, pumasok sa kooperatiba at magpakonsolida sa isang pribadong kompanya. Ayon sa gobyerno, ito raw ay para sa ikabubuti ng fleet at route management.
Tanggalan man sila ng kabuhayan, ngunit hindi nila kakayaning maghintay lang sa loob ng bahay habang nagugutom ang pamilya kung kaya’t sila ay lalaban para sa kanilang kabuhayan. Nakalulungkot isipin para kay Jietmar na kung sino pa ang tumutulong sa paghahatid sa mga destinasyon, sila pa ang maiiwan sa tinatawag ng iba na pag-unlad at mapanuyang ‘modernisasyon’. Saglit na lang at matatanggalan na ng isang malaking parte ng kultura ang Pilipinas. Maaaring tuluyan nang ipagbawal sa kalsada ang mga tradisyunal na jeep kahit na ilang dekada nang nagseserbisyo sa masa. Kung dati ay ang mga batang lansangan ang umaakyat sa dyip upang magmamaka-awang bigyan ng limos, ngayon ay isa na ang mga tsuper sa nanlilimos. Nanlilimos ng pag-asa sa pamamagitan ng pakikibaka upang maisalba ang kanilang kabuhayan. Sa ngayon, tuloy pa rin ang buhay ng mga ordinaryong tsuper. Namamasada pa kahit papaano ngunit nagaaklas ang malaking tanong sa kanilang isipan: “Nasaan ang awa ninyo?”
Bilang ng mga drayber ng jeepney sa Pilipinas
Bilang ng mga pasahero ng jeepney sa Pilipinas
Tinatayang gastos para sa Jeepney Modernization Program
650,000
9 MILYON P417 BILYON
Tinatayang bilang ng mga pampasaherong jeepney sa buong Pilipinas
270,000
2,500
Pampasaherong jeepney sa Western Visayas
600
Pampasaherong jeepney sa Iloilo LTFRB REGION 6 de numero
Kabuuang bilang ng na ipinamigay ng Lokal na Pamahalaan ng Pavia sa mga kwalipikadong Senior Citizens at Persons with Disability (PWD)
Malaki ang pasasalamat ko sa programang ito dahil nagkakaroon pa ako ng pagkakataong makagawa ng karagdagang trabaho sa aming tahanan matapos ang buong maghapong pamamasada.
P. ANDILAB
Mga sakayan at parking area ng E-bike sa Munisipalidad ng Pavia
TAGAPAHID NG LUHA. Tagapawi ng pawis. Tagahatid ng kaginhawaan. Sa walang-tigil na pagbabagtas sa hirap ng buhay, nagsisilbing alalay ang Sustainable Livelihood Program (SLP) bilang pampagaan sa pasanin ng mamamayang naghihikahos. Sila ay palad ng pag-asang patuloy na naghahandog-tulong upang mula sa pamamaluktot ay mabigyang-pagkakataon ang mga Pavianho’ng tuwid na humarap sa hamon ng kahirapan.
Isa sa kanilang nabigyan ng magandang buhay, ang mga nagmamaneho ng de-padyak na traysikad nang maipatupad ang E-Trike Livelihood Program. Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na inimplementa ito sa layuning padaliin ang pagmamaneho ng mga Senior Citizen at Persons with Disability (PWD).
‘SAKAY!’: PAGKALAS NG KADENA
Pagpapadyak ang tanging kabuhayan at pinagmumulan ng kita ng iilang matatanda at PWD. Dulot ng edad at kapansanan, pahirapan ang paghatid ng mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon. Kaya naman, hindi maiwasang bumaba ang bilang ng pasahero, lalo na matapos ang pandemya, dahilan upang labis na maapektuhan ang pamumuhay ng mga traysikad drayber.
Ayon sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 41% o 7.72 milyon ang dami ng pasahero noong 2021, mas mababa kung ikukumpara sa 60.6 milyon noong 2019 – taon bago sumalakay ang pandemya. Nakapapanghina, lalo na para sa mga matatanda at PWD na walang ibang ginawa kundi ang kumayod para sa pamilya. Ang kanilang tanging pag-asa ng pamumuhay ay pinatay ng COVID-19, idagdag pa ang kapansanan at kahinaan ng katawang siyang nagiging dahilan din ng pagbawas ng kanilang pasahero; tila sila ay mas lalong tinali sa kadena ng kasalatan.
‘LARGA!’: HARUROT NG MAKINA
Nakatataba ng puso. Sa implementasyon ng proyekto noong Disyembre 12, 2022, ipinamigay ang unang serye ng mga E-Bike sa 56 Senior Citizens at PWD. Nasundan pa ito nitong Enero 22, 2024 kung saan 19 ang ibinigay sa mga kwalipikadong Senior Citizen at 4 para sa mga PWDs.
Nang masimulang pakinabangan ang bagong transportasyon, tila naging tanda ito ng pagbabago sa buhay ng mga drayber. Isang pindot lamang at malilibot na ang nakasanayang ruta.
Puwersa sa pagtulak ng pindutan gamit ang daliri o paa lamang ang kinakailangan, at makakikita na sila ng parehong dami ng pera. May sapat na lakas pang natitira matapos ng buong araw na biyahe. Programang napakahusay; gawaing pawiin ang pawis sa lantad na balat, at palitan ng talukbong ng madaling pamumuhay. Napakakomportable sa pakiramdam.
Sa kabilang dako, marami ang nakatunghay sa tagumpay ng proyektong ito, kaya naman dumami ang nais makinabang.
Bilang tugon noong nakaraang taon, 23 yunit ang ibinahagi sa bagong pangkat ng mga benepisyaryo; 23 ka-tao at pamilya na naman ang nabigyang ng magandang buhay. Mula rito, makikitang ang hinihiling ay agarang tinutupad- ganyan kung kumilos ang mga serbisyong pangmamamayan ng Pavia. Kasingbilis ng harurot ng makina kung sumagot sa nangangailangan.
Ngayong taon, balak naman ang pamimigay ng mga bagong serye ng E-Bike. Sa badyet ng lokal na pamahalaan at kapangyarihan ng mga ahensiyang nagbibigay ng taos-pusong serbisyo, ito ay kasalukuyang binabalak na muling isakatuparan. Sa inuulit, lalarga ito para magbigay ng mapayapang buhay sa mga Pavianhon.
‘PARA!’: DESTINASYON NG KATIWASAYAN
Malaking populasyon ng nagmamaneho ay mga Senior at PWD, kung saan ay matutunghayan sa mga kalsada; madaling nakapagpapatakbo ng transportasyon. Dahil dito, tunay na makikita ang payapa ng pamamasada; kaunting enerhiya ang nagagamit, kung kaya makatatrabaho nang madalian.
“Bilang bahagi ng PWD na ang tanging pinagkakakitaan ay
ang pagpapadyak ng traysikad upang makaraos sa pang-arawaraw na pamumuhay, malaki ang pasasalamat ko sa programang ito dahil nagkakaroon pa ako ng pagkakataong makagawa ng karagdagang trabaho sa aming tahanan matapos ang buong maghapong pamamasada.” saad ni Diony P. Andilab, residente ng Barangay Purok 3, isa sa mga benepisyaryo ng proyekto, sa interbyu ng Istorya sa Pag-Arangka. Kagaya ni Mang Diony, marami ring iba pang benepisyaryo ang natulungan ng E-Bike Livelihood Program; nabigyan ng puwersang umahon hindi lamang upang harapin ang reyalidad ng pakikipagsapalaran sa kalsada, kundi ay puwersa rin upang harapin at gawin ang responsibilidad sa loob ng tahanan. Sila ay tila sumakay sa behikulo ng pag-asa at nang pumara ay ibinaba sa destinasyon ng magandang bukas. Bumabago ang buhay, napatatatag ang pamilya. Dulot ito ng binibigay na mga tulong-pangkabuhayan ng Lokal na Pamahalaan. Sa paglipas ng taon, patuloy itong ginagawa nang maiangat sa laylayan ang mga Pavianho’ng naghihirap.
Kung iisipin, maliban sa E-Bike, mayroon din silang ibang programa kagaya ng paghahasa sa kasanayang pagmamaneho, pangangalaga sa bahay at mga silid, at paghihinang (welding). Mayroon din silang ipinapatayong mga maliliit na negosyo (micro-enterprise), at tulong sa mga magulang na nag-iisa (solo parent), masuportahan lamang ang mga naghihikahos na mamamayan.
Patuloy ang paglahad ng kamay sa nangangailangan, ganyan ang Lokal na Pamahalaan ng Pavia sa pangunguna ni Hon. Lawrence Anthony “Luigi” Gorriceta. Hangga’t umiiral ang paghahabol-hininga dulot ng hirap ng buhay, hindi sila magpapahinga sa pag-alay ng serbisyo. Bilang behikulo ng pag-asa, hindi lamang nila pagagaanin ang pasanin, kundi ay papatagin din ang daan upang ang pasahero (mamamayan) ay payapang makarating sa destinasyon. Sila ay ang nagsisilbi at palaging magsisilbing sakayan patungong katiwasayan: tagapahid ng luha, tagapawi ng pawis, at tagahatid ng kaginhawaan.
PAGSAPIT NG DAPIT-HAPON sa ikapito ng Disyembre, ang diwa ng mga Pavianhon ay napukaw ng mga palamuting umiilaw na bumabalot sa buong plaza na nagpapahiwatig ng paskong paparating sa taon at sila’y magiliw na dumalo upang masaksihan ang isang malaking seremonya.
Pinangalanan itong “ArangkaSanag sang Paskwa sa Pavia” dahil sa patuloy na pagunlad ng bayan, marami na ang pagbabagong natamo nito. Bilang kaganapan sa maligayang pagsalubong sa darating na pasko, bawat sulok ng plaza ay pinapalibutan ng mga anghel na gawa sa christmas lights at may makukulay na mga dekorasyon gamit ang mga bumbilya ng ilaw na nakasabit.
Inumpisahan ng Local Government Unit o LGU ng Pavia bilang host ng programa na siya ring nagkaisa para maisagawa ang engrandeng selebrasyon at daan-daang mga bumisita ang hindi makapaghintay na mailawan paligid upang opisyal na masaksihan ang simula ng kapaskuhan. Punong-puno ng tawa’t hiyaw ang madilim na paligid habang inaabangan na kumislap ang malaking Christmas Tree - bilang sentro ng liwanag sa buong bayan ng Pavia. Ang selebrasyon ng ‘ArangkaSanag sang Paskwa sa Pavia’ ay hindi lamang isang ordinaryong kaganapan na pinahahalagahan dahil sa kagandahan nito kundi sa simbolismo ng pag-asa, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa ng mga Pavianhon upang ipakita ang kaunlaran ng kanilang mahal na bayan. Napapakita ito na sa kabila ng ating mga pinagdadaanan, may paraan pa rin na magbibigay ilaw sa landas na tatahakin.
MATAKPAN MAN ng mga ulap ang buwan, palamuting nakasabit sa bawat sulok ng plaza ang pumukaw sa nanlulumong mata ng anim na taong gulang na si Janiña Mae Tapi-on.
Sa salumpo kung saan nakaupo si Jañina, tanging lumbay ang iginuguhit ng kaniyang mukha, pawang may isang kahilingan na nais tuparin- ang makita ang simbolo ng isang tatsulok na prisma; napagtitipon nito ang iisang liwanag para paghati-hatiin sa iba’t ibang kulay at ito ang magbibigay buhay sa buong bayan nang sa gayon magiliw na magkakaroon ng kaisahan ang lahat ng Pavianhon lalo na sa mga selebrasyon.
Sabik. Tuwa. Kasiyahan.
Pero, hindi ito naging madali ang sitwasyon para kay Jañina dahil sa ‘di umanong sakit ang kaniyang itinataglay na kilala sa ‘Cerebral Palsy’ ayon sa kaniyang ina, patuloy pa rin silang umaasa sa positibong hinaharap. Kung tatanungin si Jañina, mas gusto niyang mamuhay ng normal at makatayo sa sariling mga paa sa tuwing inaasam na makita ang mga palamuti sa plaza. “Hindi man madali ngunit naniniwala akong may plano ang Diyos,” malugod na sambit ng kaniyang ina.
IPANAHAYAG ANG LAYUNIN sa laro ng lahi ay para sa mga kabataan ngayong henerasyon na maging parte sila sa isang tradisyunal na laro dahil sa kanais-nais na buhayin muli ang kanilang diwa para sa kanilang kamalayan ngayon at maging kabilang sa ganitong mga libangang panlabas.
Talagang kawili-wili ang panlibangang isinagawa nila para sa mga pavianhon. Isa sa naging patok sa laro ang tinatawag na ‘Palupok Bayong’, isang tradisyunal na laro ng mga Pilipino bilang pamalit sa mga delikadong paputok dahil gawa ito sa kawayan at nilalagyan ng papel na bala na ginagamit para gumawa ng ingay sa tuwing may okasyon lalo na’t pasko at bagong taon. Batayan sa kompetisyon sa mas maingay, matayog, at ang pinakamalapit sa target na may premyong limang libo sa bawat panalo.
DISENYO NG PAROL ANG HINUBOG
SA MGA NAGLALAKIHAN at makukulay na mga parol ang nakahilera sa harap ng plaza, napapanatili pa rin ang tradisyon na nagkakaroon ng mga nakasabit na bituin sa kahit na anong sulok ng kalye, bahay, at sa bayan. Kumpletong nakilahok rin ang labingwalong baranggay sa isang kumpetisyon ng paggawa nito na may pinakamaraming sumali kumpara noong nakaraang taon.
Naging kakaiba ang kompetisyon sa paggawa ng parol dahil ginagamitan ito ng mga nakasanayang materyales; kawayan para sa istraktura at sa mga disenyo kagaya ng mga papel de hapon, crepe paper, balot ng mga pahimagas, diyaryo, at nadagdagan lamang ito ng mga kumikinang na ilaw. Dagdag pa rito, matagumpay ang paligsahan sa tulong ng mga napiling baranggay at sangguniang kabataan (SK) na opisyales dahil naging masigasig ang kanilang grupo pagdating sa ganitong kaganapan.
Aktibong lumahok ang labin-walong baranggay sa patimpalak na ginanap noong ika-19 ng Disyembre, 2023. Sa paraang ito, mapapanatili at mapapalago ang kultura’t tradisyon sa mas ligtas at alternatibong gamit ng mga paputok para sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon. Inaasahan na sa simpleng palaro ng ‘Palupok Bayong’ at iba pa ay mabigyan kahalagahan ang tradisyong kinagisnan at mapagbuklod-buklod ang mga baranggay na bumubuo sa bayan ng Pavia.
Sa ganitong paraan ng selebrasyon o kompetisyon, mas naipapamalas ng mga pavianhon ang kanilang pagkamalikhaing isip, talento, at pagkakaisa para ipakita ang makulay na kaunlaran ng bayan habang sinusubakan
ILOILO CITY – Nakatanggap ng upgraded weaving facility ang mga kababaihan sa Barangay Baraclayan sa bayan ng Miagao sa Iloilo mula sa Department of Science and Technology (DOST) at Iloilo Science and Technology University (ISAT U) na naglalayong palakasin ang industriya ng paghahabi na nagsisilbing pangunahing kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Pinondohan ng humigit-kumulang Php5 milyon mula sa DOST grants-in-aid program ang isang pasilidad sa paghahabi nitong Abril sa nasabing komunidad bilang bahagi ng Natural Fiber and Textile Development Initiatives.
“Isa ito sa aming maraming inisyatiba upang palakasin ang ating industriya ng hibla hindi lamang sa Miagao o sa Iloilo kundi sa buong Western Visayas,” sinabi ni DOST Regional Director Rowen Gelonga sa isang press conference.
Ayon kay Baraclayan Barangay Captain Marlou Niones, ang bagong pasilidad ay makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga tao sa kanilang nayon, dahil mayroon na silang lugar kung saan sila maaaring magtrabaho at pagsama-samahin ang kanilang mga produkto. “Sa pamamagitan nito, umaasa kami na wala nang mga out-of-school youths at bawat pamilya ay magkakaroon ng mas magandang kinabukasan,” ani Niones.
Sinabi pa ni Niones na sa isang araw, ang bawat manghahabi ay maaaring makumpleto ng hanggang walong metro depende sa
PROGRESO. Isa si J. Noveros, manghahabi mula sa Barangay Baraclayan sa Miagao, Iloilo ang nakatanggap ng modernong pasilidad sa paghahabi na nagpapabuti sa kalidad at kita ng kanyang mga produkto sa tulong ng DOST at ISAT U. /DOST Region VI
The objective of the project is to empower handloom weavers and fiber-producing communities by strengthening the industry value chain gaps through a package of science and technology interventions.
DOST REGION VI
Nakipag-ugnayan ang DOST-PTRI (Philippine Textile Research Institute) sa Iloilo State University of Science and Technology, DOST Region VI, Munisipalidad ng Miagao, Iloilo, at Panublix upang paunlarin ang Regional Yarn Production and Innovation Center (RYPIC) para sa microspinning yarn production.
Ang RYPIC ay sinasabing pinaka-unang micro-spinning facility sa labas ng National Capital Region (NCR) na kayang makagawa ng tela mula sa mga natural fibers kagaya ng saging, pinya, abaca, at iba pa. Dahil dito natugunan ang kakulangan sa suplay ng lokal na sinulid para sa kapakinabangan ng mga tagagawa ng tela at mga enduser sa buong bansa.
DRAW FRAME MACHINE
Pagandahin ang parallelismo (pagkakapantay-pantay) ng mga hibla upang makagawa ng mas pantay na sinulid
SPEED FRAME MACHINE kung saan ang hinilang sliver ay dumadaan sa mga drafting roller upang makamit ang kinakailangang timbang para makagawa ng rov.
Para sa detalyadong proseso ng paggawa ng yarn o sinulid, i-scan ang QR code.
kanilang kasanayan. Kabilang sa kanilang mga produkto ay mga shawl, table runners, garlands o lei, tela para sa barong, at mga damit.
Idinagdag pa ni Miagao Mayor Richard Garin na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigay ng 100 wooden handlooms na ipinamigay sa walong komunidad ng paghahabi sa bayan. Pinagaaralan din ng lokal na pamahalaan na bumili ng mga makinang panahi upang madagdagan ang pasilidad at mapalawak ang produksyon ng ready-to-wear na mga produkto.
Bilang implementing partner ng DOST para sa Natural Fiber and Textile Development Initiatives, patuloy ang ISAT U sa kanilang extension activities. Sinabi ni ISAT U president Dr. Gabriel Salistre Jr. na kanilang pinalalawak ang pagkukunan ng hilaw na materyales mula sa mga supplier sa malalayong bayan tulad ng Lemery at Passi City upang matugunan ang pangangailangan ng produksyon.
Samantala, ang sentro ng paghahabi ay makakokomplementa sa operasyon ng Regional Yarn Production and Innovation Center (RYPIC) na itinatag noong 2019 sa loob ng ISAT U Miagao campus upang makagawa ng mga sinulid na gawa sa lokal na materyales tulad ng koton, piña, at iba pang ani ng mga magsasaka. Ang mga sinulid na ginawa sa RYPIC ay ipinapadala sa mga loom weavers, kabilang ang Baraclayan at pito pang weaving community sa Miagao. (Sanggunian: Philippine News Agency at DOST Region VI)
Alamin ang mga Tunog at Kahulugan ng Pavia’s Mass Notification Siren
TUNOG
Palakas ng pagwang-awang ng anim na segundo at limang segundong pababa sa loob ng tatlong minuto.
TUNOG
Pagpanaghoy (matagal na pagwang-wang) na umaabot ng tatlong minuto.
TUNOG
Pagwang-wang ng walong segundo na pababa at dalawang segundo na palakas sa loob ng 30 segundo hanggang tatlong minuto.
TUNOG
Pagpanaghoy na aabot sa 15 segundo tuwing alas-10 ng gabi (katulad noong pandemya)
KAHULUGAN
Lumikas (EVACUATE). Posibleng magdulot ng pinsala ang malakas na hangin, malakas na ulan, o baha.
KAHULUGAN
Mag-ingat at maghanda.
KAHULUGAN
Pagsasanay (Drill).
KAHULUGAN
Paalala ng Curfew
Ang Pavia Mass Notification Siren ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng ating komunidad na tumugon at mag-ingat sa mga kritikal na sitwasyon.
AKSIYON
Makipag-ugnayan sa inyong Barangay DRRM Committees para lumikas patungo sa inirerekomendang lugar ng paglikas o sa pinakamalapit na mga ligtas na bahay (bahay na may ikalawang palapag o mas mataas pa).
AKSIYON
Ihanda ang emergency survival kits. Suriin ang mga ruta ng paglikas. Bantayan ang mga babala ng malakas na pag-ulan at advisory sa baha mula sa DOST-PAGASA.
AKSIYON
Isagawa ang Drop, Cover, and Hold.
AKSIYON
Paalalahanan ang mga menor de edad na umuwi at manatili sa kanilang tahanan.
2-3
Ang siren ay may kakayahang magpadala ng tunog sa layong 2 hanggang 3 kilometro mula sa sentro ng bayan, na abot-kaya ang malaking bahagi ng komunidad.
ISINUSULONG NG YOUTH FOR ENVIRONMENT in Schools Organization (YES-O) ng Pavia National High School ang paggawa ng Paper Charcoal bilang isa sa kanilang proyekto na mula sa recycled na mabisang paraan sa pagtitipid ng enerhiya.
Ginagamit din ito bilang alternatibong pinagkukunan ng fuel at nakapagpapabuti sa kapaligiran.
Ayon kay Gng. Leah Apleta, tagapayo ng YES-O, na nagsimula ang paper charcoal noong pandemya kung saan maraming nakatambak na modules at para ma-recycle ito, napag-isipan nilang gumawa ng paper charcoal bilang fund raising activity din ng naturang organisasyon.
“Nakakatulong ang paraan na ito upang mabawasan ang mga naimbak na papel sa paaralan at mabawasan ang pagputol ng mga kahoy na nagdudulot ng lalong pagkasira ng ating inang kalikasan,” wika pa ni Gng. Apleta
1. Alisin ang mga matigas na piraso tulad ng staple wires na makakasagabal sa pag-shred.
2. Ilagay sa shredding machine ang mga papel.
3. Ilagay sa tubig ang mga ginutay-gutay na mga papel at ihulma ito ng pabilog.
4. Ibilad sa araw at kunin matapos matuyo.
NAPILI BILANG REPRESENTANTE ng Dibisyon ng Iloilo sa Regional SciMathlympics ang Robotics Project ng Grade 12 STEM -Alocasia ng Pavia National High matapos manalo ito sa pandibisyong lebel.
Ang nasabing study ay pinamagatang “Image Recognition and Infrared Eyelid Closure Detection System Using Machine Learning Algorithm: Its Impact as an Artificial Intelligence (AI)”.
Ito ay isang helmet with detection na maaaring isuot ng isang motorista kung magmamaneho na ginagamitan ng You Only Look Once (YOLO) na programa, ito ay tumutunog nang hindi hihigit sa tatlong segundo sakaling magsara ang mata ng drayber pag naidlip. Ang pagtunog nito ay makaaalerto sa drayber upang maiwasan ang disgrasya sa daan. Tumutunog din ito pag may makasalubong na aso.
Samantala, kinabibilangan nina Iannah Rose Galupar, Shane De la Torre at John Ray Talisay ang pagbuo ng inobasyon at sa gabay ng kanilang adviser na si G. Ian John Galupar.
KALIGTASAN. Iyan ang pangunahing hangarin ng Pavia Mass Notification Siren ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Pavia na sinimulang paandarin sa kanilang Operation Center noong Abril 2023. Ang nasabing proyekto ay naglalayong magbigay ng agarang babala at paalala sa mga residente ng Pavia tuwing may paparating na sakuna o trahedya gaya ng bagyo, baha, at lindol. Ang siren ay may kakayahang magpadala ng tunog sa layong 2 hanggang 3 kilometro mula sa sentro ng bayan, na abot-kaya ang malaking bahagi ng komunidad. Ayon kay G. Romel Jamerlan, ang hepe ng MDRRMO ng Pavia, “ang Pavia Mass Notification Siren ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng ating komunidad na tumugon at mag-ingat sa mga kritikal na sitwasyon. Sa tulong ng siren, mas mapapabilis natin ang pagpapaalam at pagtutulungan sa panahon ng kagipitan.”
Nabatid din na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na 2 milyon ang nasabing proyekto, na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Pavia bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsusumikap na mapalakas ang kanilang disaster preparedness at response capabilities.
PAVIA, ILOILO-Upang mapabuti ang paghatid ng serbisyong medikal at pangkalusugan para sa mga Pavianhon lalo na sa mga senior citizen, ipinatayo ang Super Health Center sa Barangay Balabag, Pavia sa pangunguna ni Senator Cristopher "Bong" Go., tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography.
Nakipagtulungan si Go kasama sina Congressman Michael B. Goriceta, Mayor Laurence Anthony "Luigi" Gorriceta, Vice Mayor Edsel "Bibo” Gerochi, at sa mga lokal na opisyal ng kalusugan ng Pavia upang maisakatuparan ang pagpapatayo ng naturang health center "Ilapit po natin ang serbisyong nararapat para sa tao. Huwag po natin silang pahirapan. Marami po sa ating kababayan sa iba't ibang sulok ng Pilipinas na walang sariling health facility. Kaya importante na mailapit natin ang serbisyong medical mula gobyerno sa mga taong nangangailangan nito, wika ni Go.
Ipinahayag din ni Go ang kaniyang pasasalamat dahil binigyan siya ng pagkakataon na makapagserbisyo sa mga nangangailan sa pamamagitan ng kaniyang pagiging tulay para mailapit ang mga Pilipino sa agarang serbisyong pangkalusugan. Sa kabilang dako, mag-aalok ang proyekto ng mga serbisyo na gaya ng database management,
out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: X-Ray, ultrasound). pharmacy, and ambulatory surgical unit, kasama rin dito ang eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers, physical therapy and rehabilitation centers, at telemedicine.
"Fortunate talaga ang barangay Balabag dahil ito ang napiling site ng Super Health Center na magbibigay ng serbisyo sa pangkalusugang pangangailan ng taumbayan. Hindi lang ang mga residente ng Balabag ang makakakuha ng benepisyo nito kundi pati na rin ang mga neighbor barangays, katulad na lamang ng Amparo at Pandac," ani Hon. Helen Maquiling. punong-barangay ng Balabag
Dagdag pa ni Hon. Maquiling, malaki ang maitutulong ng naturang proyekto sa mabuting pangangatawan ng mga taga Pavia dahil ito ay pinondohan sa ilalim ng Department of Health (DOH) at magsasagawa ito ng mga libreng konsultasyon, laboratory, at gamot.
PAVIA NHS NAKILAHOK SA PANAWAGAN NG DEPED SA PAGTANIM NG 236K PUNO
NAKILAHOK ANG MGA GURO katuwang ang mga clubs at organizations ng Pavia National High School sa DepEd’s 236,000 trees - A Christmas Gift for the Children sa pangunguna ng Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Sara Duterte, isang inisyatibong naglalayong itaguyod ang pagtatanim at pangangalaga sa kapaligiran para sa mga batang Pilipino, ika-6 ng Disyembre.
Ayon sa DepEd Memorandum No. 069, s. 2023, mahigit 236,000 na mga puno ang sabay-sabay na itinanim sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nilahukan ng 47,678 pampublikong paaralan, nagsisilbi rin itong regalo mula sa Kagawaran ng Edukasyon upang matiyak ang kalinisan ng kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
“This project serves as a gift from the Department to ensure a clean and green environment for Filipino children and future generations,” saad pa ng DepEd.
Binigyang-diin din ng DepEd ang maraming health benefits ng pagtatanim ng mga puno tulad ng pagsipsip ng mga mapaminsalang pollutant mula sa hangin at paglalabas ng oxygen, na humahantong sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin.
Ayon pa sa DepEd, “This creates a healthier environment for students, teachers, and staff, reducing the risk of respiratory diseases and promoting overall well-being,”
Dagdag pa ng DepEd, ang proyekto ay nagbibigay ng natataging pagkakataong pang-edukasyon para sa mga mag-aaral na aktibong lumahok sa mga aktibidad gaya ng pagtatanim ng puno, pagpaunlad ng mas malalim napagunawa sa mga isyu sa kapaligiran at pagtataguyod ng mga proyektong makakatulog sa mga bayan.
COLGATE, PHILIPPINE DENTAL ASSOC. NAKIISA PARA SA ORAL HYGIENE NG MGA BATANG PAVIANHON
UPANG MAPANATILI ANG KALINISAN sa ngipin ng kabataang Pilipino, naglunsad ang Philippine Dental Association (PDA) at Kompanya ng Colgate ng programang “Isang Milyong Sipilyo, Angat Ngiting Pilipino” na ginanap sa Pavia Pilot Elementary School (PPES), Pebrero 16. Sa pagsisimula ng nasabing programa, tinuruan ang mga mag-aaral ng PPES ng kahalagahan ng maayos na oral hygiene at tamang paglinis ng ngipin, sa pangunguna ng Colgate at PDA.
Nagbigay ng buong suporta ang mga guro ng nasabing paaralan sa adhikaing nais ipahatid ng programa, sa pangunguna ni Gng. Loyda Subong, Punong Guro ng PPES, at Gng. Melanie Villalon, PSDS.
“Kailangang palaging pangalagaan ang ating ngipin, upang maiwasan ang pagkasira nito at hindi humantong sa malubhang impeksiyon,” saad ng mga dentista ng Philippine Dental Association at Iloilo Doctors’ College School of Dentistry.
Dumalo sa naturang programa ang mga alkalde ng Pavia kasama si Mayor Lawrence Anthony “Luigi” Gorriceta, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng malinis na pangangatawan at pinangako ang patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkalusugan para sa Pavianhon. Natapos ang programa sa pamimigay ng gift packs at oral hygiene kits na mula sa Colgate, sa mga mag-aaral at guro ng PPES.
BABYLYN HISUGAN
PERTUSSIS
NAGDEKLARA NG OUTBREAK ng pertussis o whooping cough ang Iloilo City nitong Marso 2024 dahil sa tumataas na kaso nito na kung saan halos ang mga naging biktima ay mga sanggol. Naitala ang 7 kaso ng naturang sakit sa lungsod at kabuuang 10 kaso naman sa lalawigan.
Ayon naman sa Iloilo Provincial Health Office (PHO) hindi nakakagulat ang pagtaas ng pertussis dahil sa mababang vaccination coverage sa lalawigan.
ANO NGA BA ANG PERTUSSIS?
Ayon sa Department of Health (DOH) ang pertussis o whooping cough ay dulot ng mikrobyong Bordatella pertussis. Ang mga sintomas ay maaring lumitaw ng 7 hanggang 10 araw pagkatapos ng incubation period. Ito ay lubos na nakahahawa at madaling kumalat sa pamamagitan ng mga droplet ng laway o plema sa pag-ubo o pagbahing.
ANO-ANO ANG MGA SINTOMAS NG PERTUSSIS?
Silakbo ng pag-ubo na sinusundan ng “ubong-pahiyaw”
Pagsususka matapos ang sunod-sunod na pag-ubo
Sipon
Lagnat
PAANO MAIIWASAN ANG PERTUSSIS?
Komunsulta agad sa doktor
Panatilihin ang paghuhugas ng kamay at pagiging malinis sa sarili
Panatilihin ang pagsuot ng face mask
Pagbakuna para sa pertussis (DTaP at Tdap)
Sa kagaya ng sakit na pertussis, lubos na inirerekomenda ang pagbakuna para sa mga bata, buntis sa bawat pagbubuntis, mga matatanda, at higit sa lahat, sa mga taong madalas kasama ng mga sanggol upang mapababa ang panganib ng pagkalat ng impeksyon.
Mahalaga ring tandaan na ang kaalaman at pag-iingat ang ating pinakamabisang sandata laban sa mga nakakahawang sakit. Manatili tayong ligtas, malusog, at handa sa anumang sitwasyon.
Mayroon nang batas sa Pilipinas para sa legal na proteksiyon ng mga hayop –ang Animal Welfare Act No. 8485, pero kung iisipin, hindi ito epektibong naipapatupad dulot ng kakulangan sa kakayahan
TAGOS SA PUSO NG TAUMBAYAN ang marinig ang balita ng kaliwa’t kanang pang-aabuso sa mga hayop kabilang na rito si ‘Killua’. Kung iisipin, lahat ng nilalang sa mundo ay may karapatan sa payapang pamumuhay. Ngunit saan nga ba nanggagaling ang suliranin ng kabiguan sa pagsulong ng mga karapatang ito pagdating sa mga hayop?
NAKADIKIT SA ISYU nang pagpatay sa asong si ‘Killua’ ang nakamamatay na rabies virus matapos ikumpirma ito ng Bureau of Animal Industry ayon sa PAWS. Ang rabies ay nananatiling isang major public health concern sa bansa ayon sa Department of Health.
Binanggit ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na ang maliit na porsiyento ng ulat ng pang-aabuso sa hayop dulot ng kawalan ng
Bilang solusyon, una, marapat na mag-implementa ang pamahalaan ng mekanismo sa madaliang pagsumbong sa pamamagitan ng ‘hotline numbers’ at midyang sosyal. Magsimula rin ng kampanya ng pagpapaalam sa publiko ng kahalagahan ng pag-ulat sa mga kaganapan ng pang-
Pangalawa, kasama na sa tradisyon ng bansa ang pagsasabong bilang isa sa mga itinuturing na katanggap-tanggap na kultural na libangan, sa kabila ng nakababahalang epekto nito sa mga hayop.
Ipinapahiwatig nito ang pangangailangan ng sensitibong edukasyong kultural at ‘outreach programs’ para sa paglago ng kaalaman sa kalusugan ng hayop at pagsulong ng alternatibo at makataong uri ng aktibidad.
Pangatlo, isang malaking problema para sa PAWS at Philippine Animal Rescue Team (PART) ang limitadong pondo kaya nahahadlangan ang epektibong pagtugon sa mga
Ibig sabihin, tunay na marapat ang pagtuon ng pansin sa pagdagdag ng pondo at suporta sa mga organisasyong nakapokus sa kapakanan ng mga hayop, sa pamamagitan ng pakikipagpatiran sa mga internasyunal na organisasyong naghahangad ng parehong hangarin; ito ay para sa paghimok ng kapasidad ng bansa sa pag-alok
Nagsisilbing tulay ang makataong pag-iisip at aksiyon sa pagpapaunlad ng kapaligirang may respeto sa lahat nang nilalang na Sa kabilang dako, mayroon nang batas sa Pilipinas para sa legal na proteksiyon ng mga hayop – ang Animal Welfare Act No. 8485, pero kung iisipin, hindi ito epektibong naipapatupad dulot ng kakulangan sa kakayahan ng pamahalaan; ito ay senyales ng makamamamayang ng pagsuporta sa mga inisiyatibo ng pagpapabuti sa mga para sa matagumpay na pagpapatupad ng de-kalidad na regulasyon sa pagtrato ng bawat nilalang sa bansa. Samakatuwid, tunay na nagsisimula sa ignoransiya ang kapabayaan sa kapakanan ng hayop, kaya naman marapat ang pakikipagkapit-bisig ng pamahalaan at mamamayan upang matuldukan ang kawalang-simpatiya at kamalayan sa kanilang estado sa lipunan. Ibig sabihin, marapat silang respetuhin sapagkat karapatan din nila ang payapang pamumuhay bilang isang organismo. Bilang kapwa nilalang, huwag silang bigyan ng mababang pagturing dahil ‘lang’ naiiba sila, bagkus sila ay karapat-dapat ng mabuting pagtrato sapagkat sila ay nilalang ‘din’.
KARAMIHAN SA PANANAW
ng mga tao ay hindi kaaya-ayang nilalang ang isang uod, ngunit lingid sa kaalaman ng iba na ang nilalang na ito ay nagdududlot ng malaking tulong sa ating kapaligiran lalo na sa ating lupain at sa mga karagatang hayop na kumokunsumo nito. Sa hindi inaasahan, napag-alaman na may isang makabagong uri na mudworm ang nadiskubrehan sa lungsod ng Iloilo at natuklasan ang kakayahang maglinis ng lupain sa ilalim ng karagatan at ang benepisyong maibibigay nito sa mga hayop na
Bioremediators ang mudworm na ito dahil sa kakayahan nitong maglinis ng lupa sa mga katubigan na may nakahalong kemikal at iba pang kontaminante.
Isang associate researcher sa Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) na si Mary Anne Mandario ang nakatuklas sa bagong klase ng mudworm. Marphysa iloiloensis kung tawagin sa siyentipikong pangalan nito na ipinangalan kasunod sa lugar na Iloilo kung saan ito nahanap o “ulod-ulod “ naman ang katawagan nito sa mga Ilonggo. Nabibilang sa pamilyang polychaetes ang Marphysa iloiloensis, kilala ang polychaetes
bilang bioindicator ng polusyon na siyang nagbibigay impormasyon at kaalaman sa kalagayan ng kalusugan ng ating kapaligiran. Masasabing bioremediators ang mudworm na ito dahil sa kakayahan nitong maglinis ng lupa sa mga katubigan na may nakahalong kemikal at iba pang kontaminante.
“Without polychaetes, soil in organic-rich environments would be polluted and toxic to other benthic (bottom-dwelling) organisms,” saad ni Mandario.
Ayon kay Mandario, natuklasan niyang may pagbabagong pangyayari sa inaalagaan niyang uod, karamihan sa mga nailantad na itlog sa kaniyang aquarium ay nabuhay na nakapagbigay duda sa kaniya sa kadahilanang ang mga ito ay hindi gaanong karami ang nananatiling buhay. Bunga ng kuryusidad, nagpadala siya ng sampol kay Dr. Christopher J. Glasby ng Museum and Art Gallery Northern Territory sa Australia, na siyang nakatulong sa pagkumpirma na ang ipinadalang sampol ay mayroong hindi lamang isa kundi dalawang uri ng mudworms, kaniyang napagtanto na nabibilang ito sa pamilyang Nereididae na kilala bilang isang pain sa mga isda.
Mayroong isa pang kakayahang taglay ang nasabing mudworm, maliban sa pagpapabuti ng kalagayan ng lupain sa katubigan ay may kakayahan din itong makapagbigay sutansiya sa mga alimango at hipon na nagdudulot sa mabilisang reproduksyon upang agarang matugunan ang matinding pangangailangan sa kakulangan ng mga ito.
Karagdagang mapanuring pananaliksik pa ang isinagawa ni Mandario kung saan ang layunin nito ay magparami ng Marphysa iloiloensis, nagsagawa siya ng eksperimento na may 10,000 na sampol na mga uod na nagresulta ng iba’t ibang epekto sa reproduksyon nito. Napag-alaman niyang mas marami ang nabubuhay na bagong pisang uod kapag ito ay nakalagay sa madilim na lugar, 89% lamang ang nanatiling buhay kapag nilagay sa maliwanag na lugar at 98% naman kapag sa madilim na puwesto.
“This is a promising study that could help boost the production of healthy crablets and shrimp post larvae and at the same time help clean the culture environment.” saad ni Dan Baliao, chief ng SEAFDEC Aquaculture Department.
Mud Worm (Marphysa iloiloensis)For many years 2nd tayo, ngayon 1st runner up na tayo. Babawi tayo sa Palaro 2024!
MISTULANG NGITI SA PUSO ang marinig ng mga Ilonggo ang samu’t saring panalo mula sa ginanap na Palarong Pambansa 2023. Sa ilalim ng Division Memorandum No. 356 S. 2023, isa ito sa nakunan ng inspirasyon para sa idineklarang temang: “Atletang Ilonggo: May Pusong Kampeon. Nangingibabaw Anumang Panahon”. Kung iisipin, tunay ngang panalo ang Ilonggo hindi lamang mula sa natanggap na gantimpala, kundi ay maging sa kanilang pusong likas na taglay - ang dedikasyon.
Si James Lozañes, isang atletang Ilonggo ay isang patunay nito. Nagawa niyang makakuha ng makasaysayang rekord ng 59.46 metro sa boys’ 500g javelin throw; nalagpasan ang dating rekord na 57.81 metro ni Bryan Pacheco. Nagpatuloy pa ang kanyang kagalingan nang siya ay tumungtong sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) School Games nang makamit ang ika-11 medalya para sa Pilipinas. Kung titignan, tunay ngang nakamamangha ang kakayahan ng isang Ilonggo. Hindi lamang ito, sapagkat nakasungkit din ng gintong medalya si Joshua Patorara ng Pototan, Iloilo nang makapagtala ng distansiyang 6.57 metro sa Long Jump Secondary Boys event. Tila pambihira sapagkat unang
pagkakataon niyang makasali sa isang nasyonal na paligsahan, ngunit dulot ng dedikasyon mula sa dalawang buwang ensayo- ayon sa kanyang tagasanay, naging posible ang kanyang tagumpay; isang patunay ng kahusayang pangIlonggo.
Maliban dito, isa si Marelyn Libuna naman ng Calinog, Iloilo sa nakakuha ng ginto sa 100-metro dash, edad 16 hanggang 25 sa Para Games- kompetisyong pang-isports para sa mga atletlang may kapansanan. Batay naman sa Kagawaran ng Edukasyon(DepEd)-6, 14 ginto, 11 pilak, at 2 tanso sa Para Games ang nasungkit ng Iloilo. Indikasyon nitong hindi kailanman hadlang ang anumang suliranin, kahit pa mapapisikal, sa
pagkamit ng tagumpay kung taglay ng Ilonggo ang dedikasyon sa isip, puso, at gawa.
Ayon sa datos ng DepEd-6, nakuha ng mga estudyante sa Iloilo ang 60 ginto, 45 pilak, at 44 tanso, at nasungkit sa kabuuan ang ikalawang puwesto sa Palarong Pambansa 2023; isang patotoo ng pusong kampeon ng mga Ilonggo.
Samakatuwid, ang Ilonggo ang nangunguna, at Iloilo pa rin ang tahanan ng mga kampeon. Dulot ng maraming gantimpalang nakamit, kaya maituturing silang panalo sa tingin ng tao. Ngunit sila ay nangingibabaw sa bahaging sila ay maituturing na panalo sa mata ng Diyos, dulot ng likas na dedikasyon sa pusong mayroon sila.
ANG
National High School
sa mga paaralan sa Iloilo na may pagpapahalaga sa larangan ng isports. Patunay nito ang pagkatatag ng Special Program in Sports (SPS) at Varsity Program na hindi lamang magbibigay ng pangunahing edukasyon sa mga mag-aaral kundi pati na rin ang paglinang at pagpapalakas ng kanilang mga kakayahan sa iba’t ibang sports. Sa ilalim ng mg programang ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng espesyalisadong pagsasanay at pagtuturo sa mga sports na napili nila.
Nakasaad sa DepEd Order No. 25, s.2015 ang mga patakaran at gabay para patakbuhin ang SPS. Tulad ng iba pang special interest program kagaya ng STE, SPA, at SPJ, ang SPS ay hindi lang nakapokus sa isports. Apat o limang oras sa kanilang class program ay nakasentro sa walong learning areas. Kailangan maging maalam din sila.
“Mahalaga ang isports o laro sa buhay ng bawat mag-aaral na SPS. Sa pamamagitan nito, mas napapabuti ang kanilang kakayahan at higit sa lahat mailalayo sila sa bisyo. Walang kaaalam baka ang mga magaaral na ito ang susunod sa yapak nina Manny Pacquaio na sikat na boksingero o si Carlos Yulo sa larangan ng gymnastiscs,” wika Marity Dy Sorilla, program head ng SPS ng PNHS.
Ang SPS ay isa sa mga hakbang ng DepEd upang suportahan ang sports development sa bansa at magsilbing tulay para sa mga estudyante na nagnanais maging propesyonal sa larangan ng isports habang pinananatili ang kanilang pag-aaral.
Isang pagsaludo sa mga SPS learners na kayang pagsabayin ang pag-aaral at isports!
SPS HEAD de numero
MULA SA PAGIGING 2ND RUNNER UP noong 2017 hanggang 2019 Palaro ay nakamtan na ng Western Visyas – The Champs ang 1st runner up sa katatapos na 2024 Palaro na ginanap sa Lungsod ng Marikina, Metro Manila.
Ang Champs ay nakapag-ani ng kabuuang 60 ginto, 45 pilak, at 44 tanso na pumangalawa sa ng 16-time overall champion na National Capital Region na nakakuha ng 85 ginto, 74 pilak, at 55 tanso.
“Napakagandang record ito para sa Western Visayas. For many years 2nd tayo, ngayon 1st runner up na tayo. Babawi tayo sa Palaro 2024!” wika ni Dr. Ramir Uytico, DepEd Region VI.
PARA SA KARAMIHAN, isang perwisyo ang pagpapatayo ng Ungka Flyover sa bayan ng Pavia, pero para kay Christian Dominic Hubag, ito ay isang tulay na magdudugtong sa kanyang mga pangarap.
Sa malupit na labanan sa larangan ng takbuhan, ang finish line ay nagsisilbing arko ng pag-asa kung saan sa bawat paghakbang ay nagdudulot ng sigla na tila mga alon ng pagsusumikap. Ang pagtagpo ng mga paa sa lupa ng batang si Christian Dominic na tila naging pintig ng pagiging buhay matapos ang madamdaming pagkopo sa tatlong gintong medalya sa dulungan ng pabilisan at magbigay karangalan sa buong Kanlurang Kabisayaan sa prestihiyosong torneyo ng Palarong Pambansa Athletics Championship Elementary Tournament sa Marikina Sports Center noong Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023.
Bago pa man marating ni Christian Dominic ang rurok ng tagumpay nagsimula lamang ito sa hilig na naging isang paglalakbay ng puso na tila hinihimok ng mga bituin.
HANDA SA HAMON
Naging mapusok man ang naging daan ni Christian Dominic sa pagkamit ng kanyang tagumpay, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang kaniyang sinimulan. Tulog pa ang araw, hindi pa gising ang karamihan ay naghahanda na siya kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na akanyang paglalakbay para simulan ang kanyang ensayo.
“Ang pagtakbo sa larangan ng isports ang masasabi ko ay mahirap makisabay sa
nakatatandang kapatid ni Christian Dominic ang makatungtong sa Palarong Pambansa, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nakaabot sa ganitong patimpalak. Kaya bilang pagbabalik ng kagandahang-loob ay kaniyang tinutulungan ang kaniyang nakababatang kapatid. Ang nagmistulang karanasang iyon ang pinaghuhugutan ng loob ni Kharl upang maitawid ang nahintong pag-apak ng mga paa sa kabilang antas.
Sa tuwing maririnig niya ang mga hinaing at pangarap ng kanyang nakatatandang kapatid, nadarama niya ang dagok ng pagkabigo at ang matinding pagnanais na magtagumpay. Sa bawat hakbang na kanyang ginagawa tungo sa kanyang hangarin, laging kasama niya ang alaala ng mga pangarap ng kanyang kapatid na siyang nagbibigay lakas sa kanya. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy siyang nagtatrabaho nang masigasig upang makamit ang tagumpay na inaasam.
“Halos tatlong beses sa loob ng isang linggo kami nandirito sa Ungka Flyover upang mag-ensayo. Malapit na kasi ang Palaro,” saad ni Kharl.
PAGKAMIT NG MEDALYA
Oras na. Nang magsimula ang pagpito, hindi na nagpaawat ang batang Hubag at ibinigay ang buong lakas at pwersa sa pag-strike at pag-sprint na nagsanhi ng kanyang kalamangan sa kalaban at maiuwi ang tatlong ginto sa kategoryang 1500 meter relay, 800 meter relay, at 4x400 meter relay kasama Sina Christian Orosco, Winnie John Paclibar, at Mark John Pagdato.
Halos hindi maipinta ang mukha ng mga tagapagsubaybay na may kasabay na walang humpay na hiyaw at palakpak matapos naunag tumuntong sa finish line ang pambato ng Region 6.
“Naging instrumento o daan para sa aking kapatid ang flyover upang palakasin ang kanyang bilis at lakas upang sa pagtapak niya sa palaro ay tiyak magkakaroon siya ng kumpiyansa sa kaniyang sarili”, puno ng kagalakang sambit ni Kharl.
Ang pag-akyat ni Christian Dominic sa entablado ng tagumpay ay hindi lamang simbolo ng pagpupunyagi ang maaaninag kundi inspirasyon. Sa bawat hakbang na ginawa niya, kasama niya ang suporta at gabay ng kanyang mga mahal sa buhay.
Sa pagtitiyaga at paninindigan ng batang Hubag, hindi lamang siya nagtagumpay sa Palarong Pambansa, kundi naging inspirasyon din siya sa kanyang komunidad. Ang kanyang tagumpay ay nagsilbing patunay na sa kabila ng mga hadlang, maaari pa ring makamit ang mga pangarap sa pamamagitan ng dedikasyon at sakripisyo.
Abala man kung mamarapatin ang naging bunga ng Ungka Flyover, naging sandigan naman ito ni Christian Dominic upang mahubog ang kakayahan sa pagtakbo kung saan ang tulay ay naging simbolo ng mga pader na kinakailangang tibagin, mga suliranin na dapat harapin, at naging inspirasyon ng mga pangarap na dapat abutin.
Sa
NAKATAKDANG GAGANAPIN ang Palarong Pambansa 2024 sa Hulyo 6 hanggang 17 sa Lungsod ng Cebu.
Ayon kay Cebu City Sports Commission chairman John Pages na mayroong 17 na mga rehiyon na makikilahok at inaasahang 10,000 hanggang 12,000 katao, na binubuo ng mga atleta at mga coach ang darating.
“Ang tema ng 2024 Palaro ay ‘Beyond Sports’. Nais naming hindi lamang sila makipagkumpitensya sa mga isports kundi masiyahan at maranasan nila ang Cebu. Marami sa mga atletang ito, lalo na ang mga nasa elementarya ay maglalakbay sa unang pagkakataon, lalo na pagkatapos ng pandemya. Nais namin na magdala sila ng magagandang alaala dito sa Cebu,” dagdag pa ni Pages.
BAGUHAN NGUNIT HINDI MAGPAPALAMANG:
MULING NAGPAKITANG GILAS ang manlalaro ng Pavia na si Tristan Subebe sa shoutput Secondary Level Category sa kakatapos lang na Western Visayas Regional Athletics Association (WVRAA) Meet 2024 na idinaos sa Bacolod at Negros Occidental, Mayo 2-7.
Pinaigting ni Subebe ang kanyang pokus kung saan nakatutok ang mga mata sa metrong kanyang target, napabuntong hininga bago ihagis ang bola metal nang may pasyon at determinasyon.
Tantiyadong-tantiyado ni Subebe ang ritmo ng kanyang galaw lalung-lalo na ang kanyang pulso sa paghawak ng bolang metal upang makuha ang tamang tiyempo sa paghagis nito at makapagbitaw ng napakaswabeng atake.
Nakamit ni Subebe ang tansong medalya sa WVRAA Meet matapos ipinakita niya ang kanyang angking galing sa pagbabato. Kumapos man ang kanyang pagkamit para sa ginto isa namang karangalan ito para kay Tristan na makarating hanggang regional
Integrated Meet matapos
na makapaglaro sa Pavia, gayunpaman ang kanyang sisilbing karangalan hindi
man nakuha ang ginto pero masaya na ako
Hinahamon ko ang bawat atletang pagtuunan ng pansin ang values na kanilang matutuhan; ang pakikipagkaibigan, pagtutulungan, disiplina, at
PALAKASAN AT MAGANDANG ASAL. Sa ikalawang pagkakataon ay isinagawa ang Summer Hinampang tampok ang ibat-ibang isports kung saan ipinatitibay ang galing, husay, at dedikasyon kasama ang pagpapahalaga sa magandang asal at pakikisama ng bawat atleta. /CHARLIE GUYOS, SNAP CHA
HINDI LAMANG ISANG AKTIBIDAD ang isports para sa pampalipas oras, kundi ito ay isang pamamaraan upang magkaroon ng malusog na pamumuhay at mapalakas ang samahan sa komunidad. Sa Pavia, malinaw ang kanilang pang-unawa sa kahalagahan nito, kaya’t hindi nakapagtataka na aktibong isinusulong ng kanilang Lokal na Pamahalaan ang mga programa at proyekto na may kinalaman sa isports. Isa sa mga natatanging programa ng Pavia ang pagtatag ng “Summer League,” isang liga na naglalayong magbigay daan sa kabataan upang maipakita ang kanilang galing at talento sa iba’t ibang uri ng palakasan. Sa pamamagitan ng Summer League, nabibigyan ng pagkakataon ang kabataan na maipamalas ang kanilang kakayahan sa basketball, volleyball, chess, table tennis, arnis at iba pang larangan ng isports. Hindi lamang ito nagbibigay ng libangan, ngunit nagpapalakas din ito ng kanilang kumpiyansa at disiplina.
SA GITNA NG MASIGLANG pagtutulungan at pagkakaisa, ipinamalas ng kabataang Pavianhon ang kanilang husay at liderato sa 2024 Summer Hinampang na idinaos sa Pavia Public Plaza.
Ang Summer Hinampang, isang inter-barangay sporstfest na hindi lamang simpleng paligsahan kundi isang pagkakataon para ipakita
Bukod dito, ang Sports Clinic ay isa ring programa na naglalayong magbigay ng libreng edukasyon at pagsasanay sa mga residente ng Pavia tungkol sa tamang paghahanda at pagsasanay sa iba’t ibang uri ng palakasan. Sa tulong ng mga eksperto at propesyunal sa larangan ng isports, ang mga indibidwal na interesado ay binibigyan ng pagkakataon na mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan sa kanilang napiling larangan ng palakasan. Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, hindi lamang nagiging mas mahusay ang mga manlalaro sa kanilang larangan kundi nabibigyan din sila ng oportunidad na magtagumpay sa kanilang mga hinaharap na laban. Higit pa, ang Lokal na Pamahalaan ng Pavia ay patuloy na nagpapamahagi ng mga kagamitan at gamit na kailangan ng mga manlalaro upang maipagpatuloy ang kanilang pag-eensayo at pagsasanay. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na suporta at
Sa pambukas na palatuntunan, isang makahulugang seremonya ang naganap kung saan ang multi-awarded runner na si Jazten Sajonia ang nagdala ng torch, simbolo ng liwanag at determinasyon sa mga hamon ng buhay. Sumunod naman si Gia Alcontin, isang volleyball standout, sa pagpapahayag ng Oath of Sportsmanship, na nagpapatunay sa kanilang dedikasyon sa makataong paligsahan.
Nagningning ang mga mata ng mga kalahok sa tuwa at saya habang sila ay nagtanghal ng kanilang mga talento sa pagsayaw at palakasan. Patunay niyan na sa bawat pagsasanay at pakikisalamuha, patuloy na lumalago ang samahan at pagkakaisa sa Pavia.
Sa pamumuno ni G. Marc Anthony Janeo, kasama ang suporta ng LGU Pavia sa pangunguna ni Mayor Luigi Gorriceta at ni SKMF President Gerard Peter Zaldarriaga, ang
Ang Pavia LGU ay isang halimbawa ng isang gobyernong matatag, sa isports lalong uunlad. Ang kanilang suporta at patnubay ay naging daan para matagumpay na maituguyod ang larangan ng isports sa bayan ng Pavia. Sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Summer League, Sports Clinique, at ang patuloy na suporta sa mga manlalaro, kagamitan at iba pa, ay patuloy na lumalago at nagkakaroon ng tagumpay hindi lamang sa larangan ng palakasan kundi pati na rin sa pagpapalakas ng samahan at komunidad. Ang ganitong uri ng pamumuhay ay nagpapakita ng diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan na siyang nagiging pundasyon ng patuloy na tagumpay at kaunlaran sa isang bayan.
TIRA SA MEDALYA. Hindi nagpatinag si Ken James Mapalad basketbolista ng Amparo kahit hinarangan ito ng kapilang koponan sa Pavia Summer Hinampang sa Pavia Multi-purpose Gym. /CHARLIE GUYOS, SNAP CHA
SUBEBE IBINUSLO ANG TANSO SA WVRAA PAHINA 18
IPINAMALAS ng mga atletang
Ilonggo ang kanilang lakas galing na matapos magsipagwagi at itanghal muli na pangkalahatang kampeon sa katatapos lang na Western Visayas Regional Athletics Association (WVRAA) Meet 2023 na ginanap sa Pana-ad Park and Stadium, Bacolod, MayoTila2-7.mga bituin mula sa kalangitan na nagsibagsakan ang mga medalya bunga ng hindi mapigilan at pagpupursigi ng mga atletang
Ilonggo matapos humakot ng kabuuang 488 kung saan binubuo ito ng 28 na ginto, 159 na pilak, at 111 na tanso. Nakapag-uwi ang Iloilo Elementary regular events ng
Amparo Falcons pinatiklop ang Pal-agon Sparatans
IPINAKITA NG AMPARO FALCONS ang kanilang nakakapanindig balahibong kumpiyansa laban sa Pal-agon Spartans matapos magpakita ng mga aktibong depensa na nagresulta sa epektibong opensa sa pag-uumpisa ng Summer League Pahampang sa bayan ng Pavia, Iloilo nitong Abril.
Hiyawan ng mga tao ay hindi hamak matapos mag simula ang tip-off ng bola. Ang unang posisyon ay naangkin ng Falcons at gumawa agad ng mala-apoy na unang three point ni Reynold Gaborno na sinundan pa ng tatlong turnover ng Spartans na nagpa-angat sa kanila sa unang yugto ng laro, 20-12.
Hindi naman nagpatinag ang mga matatapang na Spartans matapos gumawa ng 10-0 run sa huling dalawang minuto ng laro na pinangunahan ni Japoy Jamerlan matapos magtala ng tatlong sunod sunod na tres at isang free throw at malatoreng depensa ni James Aguilar matapos magpamalas ng mala pader na block shots na nagresulta sa pagtakeover ng Spartans, 38-37.
Matapos ang halftime, muling umarangkada ang Falcons nang uminit ang kanilang power forward na si Ken John Mapalad na nagpakita ng matinding body contacts at aggressive drive na nakapagtala ng walong puntos sa unang
The complete training activity is a big factor, with 35 training days because we started our lower-level meets early.
DR.
tinatayang 161 na mga medalya na may kabuuang 72 na ginto, 51 na pilak, at 38 na tanso. Hindi naman nagpahuli ang Iloilo secondary regular events matapos kumubra ng 243 na medalya kung saan binubuo ito ng 103 na ginto, 76 na pilak, at 64 na tanso. Sa kabila ng kanilang kalagayan, napagtagumpayan din ng Iloilo Paragames events na makabuslo ng 69 na medalya 37 na ginto, 27 na pilak, at pitong tanso. Sinigurado rin ng Iloilo Demo Sports events na makauwi ng 12 medalya na may apat na ginto, pitong pilak, at isang tanso, hindi rin nagpahuli ang Iloilo Demo Sports secondary events na
makapagtamo ng 28 medalya na binubuo ng 13 ginto, walong pilak, at pitong tanso.
Hindi rin nagpahuli ang Iloilo Demo Sports events na makatanggap ng anim na ginto, pitong pilak, at dalawang tanso.
“The complete training activity is a big factor, with 35 training days because we started our lower-level meets early,” wika ni Dr. Ernesto Servillon Jr., Schools Division Superintendent. Sa temang “Nurturing Champion for the World”, layunin ng WVRAA na hubugin at pagyamanin ang talento sa kalakasan ng mga batang atleta sa buong rehiyon.
dalawang minuto ng laro. Hindi na pinabayaan ng Falcons ang kanilang abante at pinaigting pa lalo ang depensa na nagdulot ng rattle plays sa Spartans, 78-50. Sa huling yugto ng laro ay hindi makakaila na nawalan na ng kompiyansa ang Spartans matapos magpamalas ng dagger threes ang shooting guard ng Falcons na si Ken James Mapalad na sinundan pa ng mga foul basket shot ni CJ Johnson na nagtala ng 15 combine points na tuluyang nagpabaon sa kanilang katunggali at inuwi ang unang panalo sa iskor na 95-63.
“Hindi pa natatapos ang pag-arangkada ng aming koponan, nagpapasalamat ako sa aking mga players sa walang humpay na determinasyon at puso sa laban,” pahayag ng kanilang coach na si Kent Louie Jalbuna.
Lumalagablab na depensa at opensa ang ipinakita ng Falcons na nagbigay sa kanila ng momentum para sa susunod pa nilang laro kontra sa reigning champions na Pandac Cougars.