

Ang Bisyon
BALIK SALIW
Sa totoo lang
Talento
sa
musika ng Elpidians,
muling kakalimbang
sa pagbabalik ng Drum and Lyre Corps
Kampus Ekspres Elpidians, nanguna sa kampanya kontra-droga sa pamamagitan ng pakikilahok sa ‘Usapang BIDA’
Matagumpay na naisagawa ang “USAPANG BIDA Forum: Dayalogo Kontra Droga sa Kabataang Agoeño” sa President Elpidio Quirino National High School noong ika-9 Oktubre 2024, na kung saan ang layunin ng porum ay itaas ang kamalayan tungkol sa panganib na dala ng ipinagbabawal na gamot at maisulong ang isang komunidad na malaya sa droga, sa ilalim ng temang “Buhay Ingatan, Droga ay Ayawan.” na pinangunahan naman ng Pamahalaang Bayan ng Agoo, Local Youth Development Office, at ang Agoo Out-Patient Drug Rehabilitation Center.




atagumpay na inilunsad ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang pagbabalik ng Drum and Lyre Corps ngayong panuruang taon na binubuo ng 80 na estudyante mula Junior High School (JHS) hanggang Senior High School (SHS), upang mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mapagyabong ang kanilang kakayahan sa musika.

Dumalo ang mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Agoo Police Station bilang mga tagapagsalita, Kasama rin sa mga dumalo si SBM Mark Anthony T. Refugia. Bilang bahagi ng programa, nagkaroon ng paligsahan sa paggawa ng poster at pagsulat ng sanaysay.
Sa kompetisyon sa paggawa ng poster, si Rushel Lyka Lagma ang nagkamit ng unang gantimpala, sinundan ito ni Ara Basallo na nakakuha ng pangalawang gantimpala, at ni Jan Nathaniel Rilloraza na nakamit ang ikatlong gantimpala. Samantala, sa paligsahan naman sa pagsulat ng sanaysay, nagwagi naman si Venice Catalan at sinundan ni Kyla Serquina na nag-uwi ng ikalawang gantimpala at ni Phoebe Dela Vega na nakuha ang ikatlong gantimpala.
“Noong nalaman ko na nanalo ako sa poster making contest as a first runner up, nung una, hindi naman sa pagmamayabang, expected ko na ‘yon since ako lang ang nakatapos sa lahat ng mga sumali,” Ayon kay Rushel Lyka Lagman, kampeonato sa poster making sa Usapang BIDA.
Inihayag naman ni SBM Mark Anthony T. Refugia na ang USAPANG BIDA Forum ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang Agoo na malaya sa droga, at ang pagtutulungan ng pamahalaan at kabataan ang susi sa tagumpay nito. Nagpahayag din ng pasasalamat si Phoebe Dela Vega, ang nagkamit ng ikatlong puwesto sa pagsulat ng sanaysay dahil sa malaking tulong ng forum sa pagpapalawak ng kanyang kaalaman tungkol sa ipinagbabawal na gamot, ang mga epekto nito, at ang mga batas na nagpoprotekta sa mga kabataan.
“Bilang isa sa mga nakilahok sa programa, malaki ang naitulong nitong mapalawak pa ang aking kaalaman patungkol sa ipinagbabawal na gamot, kung bakit ito ipinagbabawal sa mga kabataang tulad ko, ano ang mga epekto nito sa buhay ng isang tao, at kung ano ang mga batas na naitalaga ng mga mambabatas para sa kaligtasan naming mga kabataan.” ani Dela Vega.
Inaasahan na ang mga aral na natutunan sa forum ay magiging gabay sa mga kabataan upang gumawa ng tamang desisyon at magkaroon ng malusog at ligtas na kinabukasan. M
“Noon pa lang hinihintay na talaga namin itong pagbabalik ng Drum and Lyre Corps dito sa PEQNHS, kaya naman sobrang saya nga namin na naabutan ng batch namin ang pagbabalik nito.” saad ni Lyron Dave Aspillaga isang mag-aaral mula sa SHS na kabilang sa mga lyrist ng nasabing

Dagdag pa niya, karamihan di umano sa mga organisasyong nabubuo ngayon sa institusyon ay may kinalaman sa akademiks kaya naman isang magandang bagay umano para sa kaniya ang mga organisasyon katulad ng Drum and Lyre Corps upang makapagpahinga mula sa mga stress na dala ng mga aralin at pagyamanin ang kanyang kakayahan sa pagtugtog ng lira.
ang aming facebook page para sa mas marami pang update!

“Sa totoo lang po, maraming mga gawain sa school na nakakastress, kaya naman parang breath of fresh air po para sa amin na magkaroon ng after school activities tulad na lang po ng practice po namin sa Drum and Lyre, kasi kahit po nakakapagod siya, nararamdaman pa rin po namin yung rest ng mind na need po namin.”ani Aspillaga.
Lumalabas sa pag-aaral ni Mukesh at Akaraya na may titulong “Are extracurricular activities stress busters to enhance students’ well-being and academic performance? Evidence from a natural experiment”, na ang pagkakaroon di umano ng mga aktibidad pagkatapos ng klase ay nakatutulong sa pagbaba ng stress ng mga mag aaral sa kanilang pagaaral at nakapagpapataas din ng performance sa klase.
“Isa rin talaga sa objective ng aming paaralan ang pagyamanin hindi lamang ang talino ng mga estudyante pero pati na rin yung talento nila. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng mas holistikong pag unlad ang mga mag-aaral.” saad ni Gng. Natalie Estabillo, tagapagsanay ng Drum and Lyre Corps sa institusyon. Sa kabilang banda, bumida agad ang Drum and Lyre Corps ng PEQNHS sa naganap na opening ng Agoo Youth Cup 2024, kung saan dumalo ang mga kabataan mula sa iba’t- ibang baranggay sa munisipalidad ng Agoo.
“Ang pambungad na pagtatanghal na ito ay isang
patunay sa walang patid na suporta ng ating mga stakeholder, sa tiyaga ng ating mga estudyante, at sa walang sawang pagsisikap ng ating mga instruktor. Kami ay tunay na nagpapasalamat sa pagkakataong ito na ibahagi ang aming mga talento sa komunidad at magbigay ng inspirasyon sa iba na ituloy ang kanilang mga hilig.” pahayag ni Gng. Editha C. Herrera, punong-guro ng PEQNHS. Binigyang diin din ni Gng. Herrera ang kahalagahan ng mga stakeholder sa pagbibigay suporta sa mga mag-aaral ayon sa kaniya, hindi umano magiging posible ang pagkabuo ng banda kung wala ang mga itong patuloy na sinusuportahan ang paaralan. Sa isang maikling talumpati pagkatapos ng parada, ibinahagi niya ang kanyang pananaw tungkol sa kahalagahan ng mga ganitong aktibidad sa paghubog ng disiplina, tiyaga, at pakikiisa ng kabataan, pinuri rin ni Gng. Editha C. Herrera ang dedikasyon ng mga mag-aaral na bumubuo sa Drum and Lyre Corps.
pagpatuloy sa pahina 4
Bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll sa PEQNHS sa A.Y. 2022-2023
Pinagmulan: Learner Information System, DepEd
Junior High School

Senior High School

Isinulat ni: Jenny G. Collado
Isinulat ni: Crisanto Gamboa Jr.
Dibuho ni: Freddie E. Gumaru Jr.
Pagpapaunlad sa kakayahang manguna, sentro ng Leadership Training 2025
Upang pataasin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pangunguna, nagsagawa ang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) Supreme Secondary Learner Government ng Leadership Training na may temang, Leadership Training 2025: Timpuyyog, Ayat ken Liwliwa, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ika-7 hanggang ika- 12 na baitang.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bb. Heizel Borja, isa rin sa mga nagdaan na lider-estudyante ng PEQNHS, bilang bisitang tagapagsalita, ibinahagi niya ang kanyang pananaw at karanasan tungkol sa pagiging lider, at binigyang-diin niya na ang pagiging isang lider ay hindi lamang tungkol sa paghawak ng posisyon kundi tungkol din sa kakayahang harapin ang maraming responsibilidad na kaakibat ng pamumuno at ang kahalagahan ng pagiging organisado, may inisyatiba, at may malasakit sa kapwa.
“Ang leadership training na ito ay hindi lang para sa mga SSLG, YES-O, or mga organizations inside the school, but this activity is for the youth and students of this institution to learn how a true leader behaves and acts,” ani Bb. Borja sa kaniyang talumpati, na nagbigay inspirasyon sa mga dumalo dahil sa kanyang pananaw na ang tunay na lider ay dapat na marunong magpakita ng tamang asal, pagkakaroon ng direksyon, at kakayahang magbigay ng motibasyon sa kanyang mga kasamahan.
Ayon pa kay Bb. Borja, ang pagiging lider ay hindi madali dahil sa bigat ng mga responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat, ngunit sa kabila nito, ang tamang pagpaplano at disiplina ay makakatulong upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin sa paaralan at sa komunidad, kaya’t ang ganitong mga pagsasanay ay mahalagang hakbang upang ihanda ang mga kabataan sa mas malalaking papel na maaaring gampanan nila sa hinaharap.
Samantala, sinabi naman ni Ara Basallo, kasalukuyang pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng PEQNHS, na, “I believe that this symposium not only ignites the students’ wants to join the said
balanseng oras sa pag-aaral at mga ekstrakurikular na aktibidad.
Dagdag pa ni Basallo, ang layunin ng ganitong mga aktibidad ay hindi lamang upang bigyan ng karanasan ang mga estudyante sa pamumuno kundi upang sanayin din sila sa kakayahang mag-isip ng “labas sa karton,” isang kasanayan na kailangan upang malutas ang mga problema at hamong maaaring kaharapin nila habang sila ay nagiging bahagi ng iba’t ibang organisasyon sa paaralan, kaya’t ang kanilang pagkakasangkot sa ganitong mga pagsasanay ay nagiging daan para sa mas malawak na pag-unawa sa kanilang mga responsibilidad bilang kabataan.
Ang programang ito ay bahagi ng adbokasiya ng PEQNHS na paigtingin ang mga oportunidad para sa mga estudyante na mahasa hindi lamang sa akademikong larangan kundi maging sa aspeto ng pamumuno at pakikilahok sa mga aktibidad na naglalayong gawing mas handa ang mga kabataan sa mga hamon ng mas mataas na antas ng edukasyon at maging sa kanilang magiging papel sa mas malawak na lipunan balang-araw.
Sa kabuuan, ang Leadership Training na isinagawa ng PEQNHS ay nagsilbing inspirasyon para sa mga mag-aaral na makilahok sa mga programa ng paaralan at linangin ang kanilang mga kakayahan upang maging huwarang lider na handang magsulong ng positibong pagbabago sa kanilang komunidad, na nagpapatunay na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa mga aralin sa silid-aralan kundi tungkol din sa pagbibigaydiin sa kahalagahan ng pagiging isang responsableng mamamayan.
Inaasahan naman umanong magkakaroon pa ng mga aktibidad ang PEQNHS SSLG na magpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral at magpapataas ng kanilang kaalaman sa pamumuno, ito ay upang pangatawanan ang matagal nang mantra ng paaralan, “Where future leaders grow..”.





Dedikasyon, sakripisyo ng mga guro, kinilala sa Teachers’ Day celebration 2025
Upang bigyang pagkilala ang kabayanihan ng mga guro, ipinagdiwang
President Elpidio Quirino National High School sa
Teacher Association (PTA).
“Ang selebrasyong ito ay pagbigay-pugay sa mga guro bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng hinaharap ng mga mag-aaral.” Ani G. Rosimo , PTA President na naghandog ng mensahe sa mga mag-aaral.
Bilang bahagi ng kasiyahan, nagdaos ng mga masiglang pagtatanghal ang mga mag-aaral, kabilang ang musika at sayaw. Ito ay isang malikhaing paraan upang ipakitang hindi lamang ang talento ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa dedikasyon ng mga guro sa pagtuturo.
“Masaya po kaming nakita ang ngiti ng aming mga guro, dahil napakatiyaga po talaga nila sa amin, kaya labis na lamang po ang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga guro sa kanilang walang sawang dedikasyon sa paghubog sa aming mag-aaral.” Ani Mary Lene Villanueva na mula 7-Edison.
Naghandog din ang mga guro ng isang sayaw na nagpapakita ng kanilang husay na patunay na hindi sila nakakahon lang sa ideya ng paghawak ng tisa at pagharap sa pisara.
“Ang matibay na koneksyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral ay isang pundasyon ng matagumpay na edukasyon na lumalampas sa simpleng pagtuturo ng leksyon. Kaya salamat sa bawat isang guro ng PEQNHS.” Pagmamalaki ni Gng. Editha D. Herrera, punong guro ng paaralan.
Higit pa sa mga kasuotan at dekorasyon, ang temang Hawaiian sa selebrasyon ng Araw ng mga Guro ang nagpaalala sa mga guro ang kahalagahan ng pahinga at kasiyahan, ang mga kaganapang tulad nito ay nagsisilbing paalala sa mga guro na magpahinga, at magsaya.
“Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pagbabago sa sistema ng edukasyon,
patuloy ang mga guro sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon. Ang Araw ng mga Guro ay nagsilbing paalala na mahalaga ang kanilang papel sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at ng buong bansa.” paglalahad ni Krisha Mae L. Dulay mula sa 12-Astraea.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, namayani ang damdamin ng pasasalamat at pagpapahalaga sa mga guro na walang sawang nagsasakripisyo para sa kanilang mga mag-aaral.
Sa pagkakaisang ipinamalas sa kaganapang ito, muling pinagtibay ng komunidad ng paaralan ang kanilang pangako na suportahan at ipagdiwang ang mga guro bilang mga haligi ng edukasyon at inspirasyon ng kinabukasan. Pagkakawang-gawa, pagmamahalan; sentro
ng Bigay Saya Phase 2
Upang magbigay tulong at kasiyahan sa mga mag-aaral, matagumpay na isinakatuparan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), mga opisyal ng Parent-Teacher Association (PTA), at lahat ng teaching at non-teaching staff ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang “Bigay Saya Phase 2” noong ika-18 ng Disyembre.
Ang taunang programang ito ay naglalayong maipadama ang diwa ng Pasko sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng sistematikong pamamahagi ng mga regalo.
Ayon kay Christienne Ara Basallo, pangulo ng PEQNHS SSLG, naging susi sa maayos na daloy ng programa ang mahusay at mabusising pagpaplano at organisasyon.
“Para maayos ang pamamahagi ng mga regalo at maiwasan ang pagkabagot ng mga estudyante, inayos namin ang mga regalo sa entablado at hinanap nila ang kanilang mga pangalan. Nakatulong ito upang maging organisado at maiwasan ang anumang kaguluhan,” paliwanag ni Basallo. Dagdag pa niya nakapanapanabik ang lahat, lalo na ang saya sa mga mata ng mga estudyante nang matanggap nila ang kanilang mga regalo.
Ang kanilang mga ngiti ang pinakamagandang regalo para sa kanila.
Hindi lamang ang PEQNHS SSLG ang nagbigay ng kanilang buong suporta; naging mahalagang bahagi rin ng tagumpay ng programa ang kontribusyon ng PTA. Sa pahayag ni Rolando Rosimo, pangulo ng PTA, inihayag niya na umabot sa ₱15,250.00 ang kabuuang gastusin para sa Bigay Saya, na mula sa PTA fund. Ang pondo ay inilaan para sa 98 magaaral na napiling benepisyaryo at sa dalawang security guard ng paaralan.
“Layunin ng PTA na magbigay saya kahit sa simpleng paraan bilang pamasko sa mga magaaral. Naniniwala kami na kahit maliit na tulong ay may malaking epekto, lalo na sa panahon ng Pasko,” ani Rosimo. Para kay Gng. Editha Herrera, punong guro
ng PEQNHS, ang Bigay Saya ay isang simbolo ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa komunidad. “Lubos ang pasasalamat ko sa mga guro, SSLG, at PTA officers sa kanilang dedikasyon. Ang ganitong mga aktibidad ay nagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng paaralan at komunidad, at higit sa lahat, nagdudulot ng kagalakan sa ating mga mag-aaral. Nakakaproud makita ang pagtutulungan ng lahat para sa ikabubuti ng ating mga estudyante,” ani Gng Herrera. Ang Bigay Saya Phase 2 ay hindi lamang simpleng pamamahagi ng regalo; ito ay isang matagumpay na pagpapahayag ng pagmamahal, pagkakaisa, at pag-asa para sa masayang Pasko. Sa patuloy na pagsasagawa nito taon-taon, umaasa ang PEQNHS na magpapalaganap ito ng inspirasyon sa iba pang mga paaralan upang magsagawa ng kaparehong programa.



noong ika-5 ng Oktubre, 2024, ang Araw ng mga Guro sa
pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Parent-
bilang ng lumahok sa leadership training sa PEQNHS noong Enero 18, 2025 Pinagmulan: PEQNHS SSLG
Layunin ng PTA na magbigay saya kahit sa simpleng paraan bilang pamasko sa mga
Laud sa Pagiging Lider
ang
Isinulat ni: Famkee B. Romero
Isinulat ni: Danielle Nicole G. Domingo
Isinulat ni: Jenny G. Collado


PEQNHS, Itinaguyod ang pagpapahalaga sa katutubong kultura sa naganap na Buwan ng mga Katutubo
Bilang pagkilala sa mga katutubong mamamayan ng bansa, ang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ay nagdaos ng Indigenous People’s Education (IPED) Month, bilang pagpugay sa mga katutubong mamamayan ng bansa, layunin nitong ipaabot sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga katutubong kaalaman at mga gawi ng mga katutubong grupo sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas na isinasagawa tuwing Oktubre. “Isang importanteng kultura ang wikang katutubo na dapat ipagmalaki ng mga kabataan, sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpapahalaga sa mga wikang katutuo, makakamit natin ang kanilang kultura ar makapagpayabong sa kanilang komunidad at maitatanim sa ating mga mag-aaral ang pagmamalaki at pananagutan sa ating mga kapatid na katutubo”, paglalahad ni Gng. Editha D. Herrera, punong-guro ng PEQNHS. Ayon pa sakanya, nagsimula ang programa sa isang pagtatanghal ng pananaliksik tungkol sa mga katutubong sistema ng kaalaman at kasanayan mula sa iba’t ibang grupong etnolinggwistiko sa Pilipinas, sinundan din ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay kung saan ang mga mag-aaral ay sumulat tungkol sa kahalagahan ng mga katutubong sistema ng kaalaman at kasanayan sa modernong mundo.
“Sa ginawa naming pagsasadula ay hindi lamang para sa saya kundi para sa pagpapahalaga sa mga katutubo. Nakita namin ang kanilang kulturang dapat ipagmalaki ng mga kabataan, anuman ang ating etnisidad o pinagmulan. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagdiriwang ng ating mga katutubo, maaari tayong maging mas mabuting mamamayan ng bansang ito.” saad ni Lorin Jayla G. Sangil, lumahok sa pagsasadula.
Inaasahan na sa iba’t ibang mga aktibidad na isinagawa noong IPED Month maitatanim sa mga mag-aaral ang pagmamalaki at pagpapahalaga
Elpidians, sinelyuhan ang pwesto sa UP Namnama Contest of Talents Regionals
Abo’t tainga ang ngiti at buong pagmamalaki ang mga magaaral ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) matapos makamit ang kampeonato sa Provincial UP NAMNAMA Contest na ginanap noong ika-12 ng Enero. Dalawang mag-aaral ang nagdala ng karangalan sa paaralan matapos masungkit ang unang gantimpala sa kani-kanilang kategorya: si
Irish Monique Estoque mula sa 11-Cassiopeia para sa Traditional Poster Making (Filipino), at si Gabrielle Tricia Dacpano mula sa 10-Macapagal para sa Essay Writing (English).
Ayon kay Estoque, ang kanyang tagumpay ay bunga ng kanyang pagsasanay at dedikasyon.
“Hindi po biro ang contest na iyon kasi alam ko na lahat ng contestants ay magagaling. When it comes to arts, iba-iba po kami ng perspectives, pero alam ko na kaya ko dahil nahasa na rin ako sa mga dati kong contest. Ang UP NAMNAMA Contest ay isang malaking achievement para sa akin,” aniya.
Si Dacpano naman ay nagpasalamat sa suporta ng kanyang coach, na naging inspirasyon niya sa pagsali.
“Super thankful po ako sa coach ko. Mas lalo akong na-motivate dahil
I am also a journalist sa school. Sa Collaboration Desktop Publishing (English), natututo akong gumawa ng articles kaya nai-apply ko rin ang knowledge ko sa essay contest. Super saya ko dahil proud ang school sa amin,” pagbabahagi ni Dacpano. Ang patimpalak ay may temang “Bin-I ti Kabbaro nga Lubong: Planting Seeds for a Better Tomorrow”, na nagbigay-diin sa kahusayan at talino ng mga kalahok.
masinsinang pag-eensayo. Bilang resulta ng kanilang tagumpay, si Estoque at Dacpano ay sasabak na sa Regional Contest ng UP NAMNAMA upang makipagtagisan ng galing sa iba’t ibang paaralan sa buong Rehiyon I. Bukod sa kanila, nagbigay din ng magandang laban ang trio na sina Ginelle M. Dacanay (10-Laurel), John Mark M. De Guzman (9-Neptune), at Christian Vhinz C. Obungen (8-Mars) sa UP NAMNAMA Quiz ShowJunior High School, kung saan nakamit nila ang ika-anim na puwesto. Ayon kay Gng. Joe Mark Dacanay, guro at tagapagsanay, ipinakita ng mga mag-aaral ang dedikasyon at husay sa kabila ng limitadong oras ng paghahanda. “Bilang isa sa mga coaches, sobrang proud ako sa performance nila. Kahit Junior High School pa lang sila, nagpakita sila ng inspirasyon sa iba para mas pagbutihin ang kanilang kakayahan,” aniya.
Patuloy na naghahanda ang mga mag-aaral para sa nalalapit na regional contest. Ang tagumpay nilang ito ay hindi lamang para sa kanilang paaralan kundi para rin sa kanilang personal na pag-unlad




DepED ORDER no. 50 series of 2011

Pangunahan ang pagtatatag ng mga mekanismo na naghahanda, gumagarantiya ng proteksyon at nagpapataas ng katatagan ng mga nasasakupan ng DepEd sa harap ng kalamidad.
Pinagmulan: NSED
Upang malinang ang kaligtasan ng paaralang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS), tagumpay na nakiisa ang nasabing paaralan sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kaugnay ng DepEd memorandum Department Order (DO) no. 50 series of 2011 na kamakailang ginanap para sa katatagan at handang pagharap sa mga sakuna katulad ng lindol noong buwan ng Oktobre.
Nakiisa ang estudyante ng PEQNHS sa nasabing NSED kung saan mas nalinang ang kaalaman


Ayon kay Bb. Chrislyn Carrera, (DRRR) ng nasabing institusyon, maganda umano itong aktibidad ng DepEd upang masiguro ang pag-linang sa kasanayan sa mga pangyayari kagaya ng mga sakuna. pagkakataon upang mas malinang sa kahandaan ng mga nasabing estudyante sa pagtama ng lindol. earthquake, we’re not aware kung kailan iyon mangyayari kaya we have this called NSED for the sake ‘yan, may kapansanan man ‘yan, matanda o kahit sino, para rin ito sa automatic na kaalaman dahil may kasanayan na tayo dahil dito.”
ani pa ni Bb. Carrera. Dagdag pa rito, isinasagawa ito apat na beses sa isang taon at ang epekto ay di umano’y kasanayan sa pagiging handa, dumalo din umano ang ilang kawani ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Agoo para sa propesyonal na kasanayan sa mga dapat gawain kapag may sakuna. Layunin ng aktibidad na ito na mapayabong ang kaalaman at kakayahan ng mga estudyante ng iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas sa anumang dulot ng mga sakuna, ito din umano ay para sa kasanayan ng sinuman sa maayos na kaalaman ng anumang makasisisra sa kaligtasan.
“We should prepare ourselves in this kind of acitivity kase rin naman saa tin ‘to, kaya dapat umattend and it’s good that our beloved principal who is Ma’am Editha Herrera ay nakisali rin. Even those students na may kapansanan and not feeling well, kase ‘di naman lahat excemptionkapag mag-sstrike ang lindol, so at the end of the day, we
should prepare.” pagdidiin ni Bb. Carrera.
Ani naman ni Krisha Dulay, estudyante ng PEQNHS, mariing ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa pakikilahok sa NSED kung saan nadagdagan ang kaniyang kaalaman sa tamang gawain sa earthquake drill.
“As a STEM student po, aware po kami sa mga activities na may kinalaman sa DRRR kase part po ‘yan ng subjects namin, and mabuti na kasali ‘yung mga nag-aaral din dito para sa naganap na NSED, maraming nabigla dahil sa mga gawin pero para naman sa kaalaman nila ‘yon kaya mabuti na naintindihan nila iyon.” paghahayag ni Dulay.
Inaasahan ngayon ang paglinang ng mga estudyante sa naturang kaalaman sa paghahanda para sa anumang epekto dulot ng mga sakuna, mas pagtitibayin pa ang naturang seguridad para sa mga estudyante ng nasabing paaralan at patuloy din na susuportahan ng PEQNHS ang mga ganitong aktibidad para sa kaligtasan ng nakararami.
and staffs.
TATAK MAGNO
Nagsusumikap at hindi nagpapaawat upang makamit ang pangarap
Bisitahin sa pahina 18

Isinulat ni: Crisanto Gamboa Jr.
Isinulat ni: Jenny G. Collado
Isinulat ni: Famkee B. Romero
Anim na pagkilala, nasungkit ng mga Boy Scout mula PEQNHS sa 35th Provincial Jamboree
Pinatunayan ng mga Boy Scout (BSP)
sa President Elpidio Quirino National High School ang kanilang taglay na husay, galing, liksi, talino at pagiging disiplinado matapos nila umanong masungkit ang halos lahat ng ‘major award’ sa ginanap na 35th Provincial Jamboree sa Barangay Garcia, Tubao noong ika-22 hanggang ika25 ng Nobyembre,2024.
Ayon kay Raul V. Ulat BSP Coordinator ,hindi umano nagpatinag ang mga Elpidians sa higit kumulang 2200 na kalahok galing sa iba’t ibang paaralan bagkus ay buong tapang nilang ipinamalas ang kanilang kakayahan sa lahat ng larangan dahilan upang kanilang masungkit ang napakaraming gantimpala.
“Sumali ako dahil gusto kong magkaroon ng mga bagong kaalaman at karanasan dahil iyon ang unang beses na pag sali ko sa isang jamboree. Gusto ko rin magkaroon ng mga kaalaman na magbibigay sa akin ng kakayahan na matulungan ang aking sarili at iba pang nangangailangan”, paglalahad ni Dominic H. Marata, miyembro ng Boy Scout.
Dagdag pa nito, ang pinakamahirap na naranasan umano nito ay ang pagiging scout athlete, bagama’t pagod sa paglalaro ay sumasali pa rin umano ito sa mga aktibidad sa ‘campsite, ngunit sa kabila ng pagod at hirap ay kanila pa ring nalagpasan ang pagsubok na ito dahil sa kanilang dedikasyon at determinasyon na magbigay karangal sa
kanilang minamahal na institusyon.
“Marami kaming natutunan, hindi lang sa mga aktibidad kundi pati sa pakikisama sa iba, ng Boy Scout ay hindi lamang tungkol sa pagtuklas ng kalikasan, kundi pati sa pagtuklas ng sarili at pagbuo ng mas matibay na pagkakaibigan”, ani Jian O. Llavore, Scout Leader ng Boy Scout sa PEQNHS.
Sa kabilang banda, patunay ng ana na ang sama-samang pagkilos at masayang pagtutulungan ay nagdudulot ng makabuluhang pagbabago, sa ganitong aktibidad nahuhubog ang mga kabataang Pilipino na maging mas handa, responsable, at Makabayan, kung saan ang kanilang karanasan sa Boy Scout ay tiyak na magbibigay ng positibong impluwensya sa kanilang kinabukasan at sa kanilang mga komunidad.
“Marami mang struggles ang kinaharap namin ay naging masaya ang karanasan naming sa Jamboree, tila tumatak sa aming puso at nagsilbi itong inspirasyon hindi lamang saakin kundi pati sa aking mga kasamahan na ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at serbisyo sa kapwa”, dagdag pa ni Llavore.
Inaasahan naman na sa susunod na Jamboree ay hindi ulit magpapahuli ang mga Boy Scout sa PEQNHS na magpakitang gilas at ipamalas ang kanilang galling, inaasahan din na sa pagkakataong ito ay makakasama na sila sa Regional Jamboree.
Husay ng Diyornalismo
Abot-tainga umano ang mga ngiti ng Elpidians matapos nilang mag-uwi ng maraming parangal at maitanghal bilang Over-all Champion sa Filipino sa kauna-unahang 2024 Agoo Cluster Schools Press Conference (CSPC). Larawang Kuha ni Lyron Dave Aspillaga



Kampus Ekspres mula sa pahina 1
Sa isang maikling talumpati pagkatapos ng parada, ibinahagi niya ang kanyang pananaw tungkol sa kahalagahan ng mga ganitong aktibidad sa paghubog ng disiplina, tiyaga, at pakikiisa ng kabataan, pinuri rin ni Gng. Editha C. Herrera ang dedikasyon ng mga mag-aaral na bumubuo sa Drum and Lyre Corps. “Ang ating Drum and Lyre Corps ay isang makapangyarihang simbolo ng talento at pagkakaisa ng ating paaralan. Hindi lamang nila dinadala ang pangalan ng PEQNHS, kundi pati ang puso ng bawat estudyante at guro na naniniwala sa kakayahan ng kabataan. Hindi madali ang mga ensayo at paghahanda para sa ganitong klaseng pagtatanghal. Ngunit sa kabila ng lahat, narito sila, ipinapakita ang bunga ng kanilang pagsisikap. Isa itong patunay na kapag nagkakaisa ang lahat—mga mag-aaral, guro, at stakeholder—wala tayong hindi kayang maabot,” ani Gng. Herrera habang nagpapahayag ng pasasalamat sa mga nanood. Samantala, binigyang-diin din ni Gng. Natalie F. Estabillo ang mga pagsubok na hinarap ng grupo bago maabot ang kanilang kasalukuyang antas ng kahusayan. Ayon sa kanya, naging hamon ang pagbuo at pagsasanay ng isang malaking grupo ng mga kabataan na may iba’t ibang antas ng kakayahan at karanasan, gayunpaman, naniniwala siyang ang tagumpay ng Drum and
Lyre Corps ay isang testamento ng dedikasyon ng bawat isa. “Ang mga araw ng ensayo, pagod, at minsang pagkadismaya ay napalitan ng kasiyahan at karangalan nang makita namin ang mga ngiti at masigabong palakpakan mula sa ating mga kababayan. Hindi namin makakamit ang lahat ng ito kung wala ang tulong ng ating mga guro, magulang, at iba pang miyembro ng komunidad. Lubos kaming nagpapasalamat sa kanilang suporta, na nagbigay sa amin ng lakas upang ituloy ang aming layunin,” ani Gng. Estabillo. Inaasahan naman ang partisipasyon ng Drum and Lyre Corps hindi lamang sa mga aktibidad sa loob ng paaralan ngunit sa mga aktibidad sa lokalidad sa hinaharap. Ito ay upang lalo pang maipakita ang talento at galing ng mga Elpidian.





Elpidians, nagningning sa kauna-unahang Agoo CSPC
inatunayan ng mga mamamahayag na Elpidian ang kanilang husay sa larangan ng campus journalism matapos nilang mag-uwi ng maraming parangal at maitanghal bilang Over-all champion (Filipino – Agoo East Cluster) sa kauna-unahang 2024 Agoo Cluster Schools Press Conference (CSPC) na ginanap noong Nobyembre 16 sa Don Eufemio F. Eriguel Memorial National
pinagbuti talaga namin ito upang wala kaming pagsisihan sa huli.” Ani Venice Nicaella Catalan, punong patnugot ng Ang Bisyon, ang opisyal ng pahayagan nila. Kahanga-hangang pagganap ang isinakatuparan ng mga Elpidians sa CSPC ito ay patunay ng kanilang walang humpay na dedikasyon sa kahusayan sa pamamahayag. Ang kanilang tagumpay ay bunga ng pagsisikap, pagmamahal sa sining ng pagsusulat, at angking talento na matagal nang nagsisilbing pundasyon ng pamana ng Elpidian sa larangan ng campus journalism. Higit pa rito, pinatunayan din ng mga mamamahayag na ito ang kanilang matibay na paniniwala na ang integridad ang pinakamahalagang katangian ng isang tunay na campus journalist. Sa kanilang patuloy na pagsusumikap at dedikasyon, patuloy nilang ipinapakita ang kalidad at kahusayan sa larangan ng pamamahayag sa kanilang paaralan at komunidad. Ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang larangan sa Indibidwal na kategorya ay sina Samuel Philip Laron, nagkamit ng unang gantimpala sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan. Ikalawang gantimpala naman si Chloe Shaianne Furio para sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan
gantimpala sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, kabilang din si Andrea Robosa sa Pagsulat ng Balita. Nasungkit naman ang ikaapat na gantimpala nila Liza Viduya sa Pagsulat ng Agham at Teknolohia, Matt Harvey Aspuria sa Pagsulat ng Kolum at Christian Vhinz Ubungen sa Pagsulat ng Lathalain. Sa ikalimang gantimpala naman ay iniuwi ni Althea Estefania Facundio para sa Pagsulat ng Editoryal.
Pinagmamalaki ng buong PEQNHS ang tagumpay na ito ng mga bata, maliban sa naturuan silang maging mahusay sa pagsusulat, ikinintal ding maigi sa kanilang isip ang tamang pag-uugali na dapat mayroon ang isang marangal na mamahayag.
Namayagpag rin ang husay ng mga mag-aaral sa Group Categories matapos nilang masungkit ang halos lahat ng mga parangal. Nangibabaw ang boses nila Ara Basallo,
Jay-ar Llavore, Jhean Erich Calanno, Jaymie Galera, Daryll Tovera, Denzel Pecson, Retz Boado, mga kalahok sa Radio Scriptwriting and Broadcasting (Filipino) matapos nilang makamit ang Unang gantimpala kasama na ang mga espesyal na parangal tulad ng Best Script, Best Infomercial, Best News Presenter – Jaymie Galera. Hindi rin nagpatinag ang mga kabilang sa Collaborative Desktop Publishing (Filipino) na sina Christof Baradi, Isabelo Cases, Venice Nicaela Catalan, Jenny Collado, Freddie Gumaru, Alexa Lopez, Famkee Romero kaya naiuwi nila ang Ikalawang Gantimpala. Gayundin ang mga mamahayag na kabilang sa Online Publishing (Filipino) sina Flora Mae S. Aloot, Crisanto L. Gamboa, Pauline G. Lopez, Jonel R. Subito, Christianne Nicole Rilloraza, naiuwi rin nila ang Ikalawang Gantimpala. Higit pa sa mga parangal na ito ay itinanghal ang President Elpidio Quirino National High School bilang Over-All Champion sa Filipino – Agoo East Cluster. Ang tagumpay na ito ay inaasahang magiging inspirasyon ng bawat mag-aaral ng PEQNHS. Ang mga mamamayahayag na nakakuha ng una hanggang ikatlong gantimpala sa individual category at unang gantimpala sa group category ay aarangkada sa Division Schools Press Conference.

bilang ng lumahok sa naganap na Boy Scout Provincial Jamboree.
Pinagmulan: Raul V. Ulat, BSP Coordinator
Isinulat ni: Crisanto Gamboa Jr.
Isinulat ni: Jenny G. Collado

Sama-samang
pagsisikap ng mga mardyinalis na komunidad ang pokus ng Community-Based Outreach Program pinangunahan ng Departamento ng Ingles at mga opisyal ng SDRRM (School Disaster Risk Reduction and Management) ng Pangulong Elpidio Quirino National High School na ginanap noong Disyembre 21, 2024 sa Barangay Balawarte, Agoo, La Union, kung saan nagsamasama ng daan-daang lokal na residente para sa isang araw ng mga aktibidad na nakasentro sa pagtataguyod ng kamalayan sa lipunan, pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, at pagpapaunlad ng pagkakaisa ng komunidad.
Layunin ng aktibidad na ito ang pagtugon sa maraming aspeto na pangangailangan ng mga mahihirap na sektor sa Barangay Balawarte gaya di umano ng kawalan ng access sa mga pangunahing serbisyo at mga pangunahing hamon na kinakaharap ng komunidad.

“Naiintindihan namin na ang isang solong solusyon ay hindi sapat. Ang aming programa ay naglalayong tugunan ang iba’t ibang mga pangangailangan sa pamamagitan ng isang multi-faceted na diskarte,” pagbabahagi ni G. Randy Lacamento, punong-guro ng Departamento ng Ingles.
Mahalagang haligi ng programang ito ay ang pagkakaloob ng mga serbisyong medikal, nakipagtulungan naman ang mga departamentong kasapi sa mga lokal na tagabigay ng serbisyong pangkalusugan upang magtatag ng mga medikal na istasyon kung saan ang mga residente ay maaaring makatanggap ng mga libreng konsultasyon, check-up, at gamot.
“Naniniwala kami na ang mabuting kalusugan ay ang pundasyon ng isang maunlad na komunidad kaya ang aming medikal na outreach ay isang mahalagang hakbang patungo sa layuning ito,” ani Gng.
Caridad Balsita, nars na nangasiwa sa programa.
Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng seminar sa mga paksa tulad ng family planning, nutrisyon, personal na kalinisan, at kaalaman sa pananalapi para sa mga residente upang makakuha ng mahahalagang pananaw at bumuo ng mga kasanayan na magbibigaydaan sa kanila na gumawa ng matalinong mga desisyon.
“Ang aming gabay na prinsipyo ay upang magbigay ng impormasyon na magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa komunidad.” paliwanag pa ni Lacamento.
Bumuro rin ang nasabing Departamenton at mga opisyal ng SDRRM ng mga palaro kung saan makakatulong sa pagbuo ng mga koneksyon sa loob ng komunidad at sa pag-alis ng mga hadlang sa
“Nakilala namin ang kapangyarihan ng paglalaro at pagkamalikhain sa pagsasama-sama ng mga tao. Ang aming mga aktibidad sa libangan ay idinisenyo upang ipagdiwang ang pagkakaiba-iba at potensyal ng komunidad,” pagbabahagi ni Mary Ester Joy Sarte, isang opisyal ng SDRRM.
Sa pamamagitan ng mga talatanungan, one-on-one na panayam, at focus group discussion, nangalap sila ng mga pananaw sa mga hamon na kinakaharap ng mga residente mula sa limitadong oportunidad sa trabaho hanggang sa hindi sapat na imprastraktura. “Nakatuon kami sa pakikipagtulungan sa komunidad kaysa sa paglilingkod lamang sa kanila. Makakagawa tayo ng mga solusyon na naaayon sa kanilang mga katotohanan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga boses.” pagdidiin ni Sarte. Tagumpay naman ang programa sa paghahatid ng tulong kung kayat inaasahan na magsisilbing halimbawa sa ibang mga paaralan ang paghikayat sa kanila na tuklasin ang mga hakbang na tutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga ka-barangayan.
Upang pataasin ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa tamang pagboto, nakiisa ang administrasyon ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) sa Commission on Elections (COMELEC) upang bigyang linaw ang mga tamang hakbangin sa pagboto noong ika-20 ng Oktubre.
Habang papalapit ang halalan, nagiging mas aktibo ang mga paghahanda sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at isa na rito ang mga kaganapan sa munisipalidad ng Agoo, La Union. Isa sa mga pinakamahalagang hakbang na isinagawa ng COMELEC ay ang pagdalaw sa PEQNHS upang magsagawa ng isang seminar at oryentasyon para sa mga kabataang botante, partikular na ang mga nasa ika-12 baitang.
“Sa pamamagitan ng mga pagsasanay at impormasyon na ibinahagi ng COMELEC, natutunan naming mga mag-aaral kung paano ang tamang proseso ng pagboto, mga mahahalagang patakaran, at mga hakbang na kailangan naming sundin upang maging responsableng botante sa darating na halalan.” wikang ibinahagi ni Freddie Gumaru Jr. — isang mag-aaral na dumalo sa pagtitipon. Ang aktibidad ay nagsilbing pagkakataon upang maipaliwanag sa mga kabataan ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagpili ng mga lider ng bayan o ng bansa pa.
“Mahalaga na maiparating sa mga mag-aaral ang tamang kaalaman sa eleksyon upang masiguro na ang bawat boto ay magiging makatarungan at epektibo. Hindi lamang ito nagbigay ng bagong kaalaman sa mga mag-aaral, kundi naging daan din ito upang mapalakas ang kanilang sense of responsibility sa kanilang tungkulin bilang mga kabataang botante. The preparation is important dahil ang kabataan ang mag sisilbing pag-asa ng bayan sa darating na halalan.” litanya ni Harrison Laroya, isa ring istudyante mula sa ika-12 baitang na nakibahagi.

Ayon pa rito, tinuruan din sila kung paano ang

tamang pag shade, pagsulat sa papel at kung paano ipasok ang Ballot paper sa Ballot Counter Machine.

“Ang pagbisita ng COMELEC sa ating paaralan ay nagbigay ng inspirasyon sa mga kabataan na maging aktibong bahagi ng demokrasya. Nakakatuwa silang matuto tungkol sa tamang pagboto at kanilang mga karapatang pampolitika, na magbibigay sa kanila ng kapangyarihan sa pagpasiya sa kanilang sariling kinabukasan.” Mga katagang isiniwalat ni Gng. Diana Rose Baldoza, isang guro ng ika-12 baitang ng PEQNHS. Dito, makikita ang pagiging makabayan ng mga kabataan hindi lamang sa pakikiisa o pakikibahagi nila sa mga aktibidades ng isang bayan ngunit hangad nilang matuto at hangad din nila ang mga pababago. “Para sa akin, maganda yung ginawa ng COMELEC na mag-conduct ng seminar sa mga kabataan, lalo na sa aming mga nasa ika-12 baitang since makakapag vote na kami. Tama lang na turuan kami ng tamang proseso ng pagboto at kung paano maging responsable sa paggamit ng namin ng mga karapatan bilang botante. Minsan kasi, hindi pa fully aware ang mga kabataan kung paano mangyari ang mga bagay sa halalan, kaya malaking tulong yung ganitong klase ng oryentasyon para maging handa sila. Magandang hakbang ito para masigurado na magiging informed at maayos ang pagparticipate ng mga kabataan sa darating na eleksyon.” bahagi ni Mary Ester Joy Sarte, estudyante ng PEQNHS. Sa mga susunod na linggo, inaasahan pa ang mas maraming ganitong aktibidad sa iba pang paaralan sa buong lalawigan upang mapalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa darating na eleksyon.

Sa kabila ng limitadong panahon ng paghahanda, nagawa ng mga estudyante ng nasabing institusyon na makamit ang prestihiyosong puwesto sa kompetisyon.
“Mahirap actually, kaso maganda naman kasi maganda ‘yung result. Mataas na siya kumpara sa iba, mantakin mo ‘yun, ilang araw lang naman kami nakapag-training tapos nakatop 10 pa kami out of 56 schools.” paghahayag ni Raymart Emerson Obungen, tagapag-sanay at kasalukuyang guro ng PEQNHS. Bagamat kakaunti lamang ang kanilang oras para maghanda, nagamit nang epektibo ng koponan ang kanilang natitirang panahon para mag-ensayo nang epektibo.
“Actually, hindi naman kami masyado nahirapan sa pagtratraining noon kase start pa lang ng second quarter, kaya nakapag-focus pa kami roon and then masaya kami sa result kase alam naman namin na ginawa namin ‘yung best naming tatlo.” pahayag ni Jerry Sumaya, isa sa nakilahok. Dagdag pa rito, hindi rin umano naging madali ang landas ng mga kalahok patungo sa tagumpay at isa sa mga pangunahing hamon na kanilang hinarap ay ang mabilisang pagdedesisyon sa gitna ng kompetisyon.


Tagumpay na nakapasok sa Top 10 ang mga kinatawan ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) sataunang Statistic Quiz Bee na ginanap kamakailan sa La Union Convention Center (LUCC) at inorganisa ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang pagdiriwang sa buwan ng Istatistika, ito ay nilahukan ng 56 na paaralan mula sa iba’t ibang lugar at kabila ng hamon ng limitadong preparasyon, naiangat ng koponan ng nasabing institusyon ang kanilang pangalan sa ika-10 puwesto matapos makakuha ng kabuuang 17 puntos. Binubuo nina John Neo Ramos ng 12-Astraea, Jerry Sumaya at Alexa Lopez ng 12-Spica sa pagpakitang-gilas sa tatlong antas ng hirap ng kompetisyon kung saan nakapagtala sila ng kabuoang puntos na 17 kaugnay sa kanilang kagalingan sa nasabing talisan ng talino.
“During the contest kase, ‘di naman talaga maiiwasan ‘yung kaba, nagkaroon kami ng ilang mga hindi pagkakasunduan sa sagot pero nagawa naman namin itong malagpasan sa pamamagitan ng maayos na decisions at pag-uusap.” ani rin ni John Neo, isa ring kalahok. Nagbigay din umano ng gabay at suporta si G. Obungen sa buong proseso ng kanilang paghahanda dahil sa kabila ng limitadong magpapakunan at badyet, nagawa niyang magbigay ng epektibong training na nagresulta sa mataas na performance ng grupo.
“Ang tiwala at teamwork ng grupo ay naging pundasyon ng kanilang tagumpay, naging determinado ang grupo na ibigay ang kanilang pinakamahusay at ito ay nagbunga ng resulta na ikinararangal ng buong paaralan.” dagdag ni Obungen. Nagbigay ang parangal na ito ng bagong pag-asa at motibasyon para sa PEQNHS na patuloy na paghusayin ang kanilang programa sa akademiko ang kanilang tagumpay ay patunay na sa tamang kombinasyon ng tiyaga, disiplina, at mahusay na mentorship ay kayang makamit ang anumang layunin.
Inaasahan naman na sa susunod na taon mas marami pang estudyante ang magbibigay ng karangalan at magpapakita ng kahusayan sa larangan ng akademiko gaya ng Statistic Quiz Bee na nagsilbing patunay na ang pagsusumikap at determinasyon ay laging may magandang bunga.
Isinulat ni: Jenny G. Collado
Isinulat ni: Jenny G. Collado
Isinulat ni: Danielle Nicole G. Domingo
OPINYON

Opisyal na Pampahayagang
Pangkampus ng
President Elpidio Quirino
National High School - I
Patnugutan
Venice Nicaela E. Catalan
Punong Patnugot
Jenny G. Collado
Patnugot sa Balita
Alexa L. Lopez
Patnugot sa Lathalain
Patnugot sa Isports
Famkee B. Romero
Patnugot Sa Agham
Kartunista
Flora Mae S. Aloot
Kolumnista
Samuel Philipp L. Laron
Maniniyot
Christof Jade D. Baradi
Taga-anyo ng Pahina
Manunulat
Crisanto Gamboa Jr.
Micca G. Panelo
Liza L. Viduya
Phoebe H. Dela Vega
Bea Heart Dulatre
Danielle G. Domingo
John Dexter T. Fabro
Althea F. Facundo
Matt Harvie A. Aspuria
Walang Kwentang Solusyon
Maliwanag pa sa sikat ng araw na bigo ang implementasyon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng itinurong pangmatagalang solusyon sa mababang antas ng literasi at komprehensyon sa bansa na DepEd Order No. 1 s. 2024 o mas kilala sa tawag na ‘Catch-up Fridays’ sa maraming paaralan sa bansa kabilang na ang President Elpidio Qurino National High School (PEQNHS) nang ramdam hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng mga guro na wala na itong kwenta dahil hindi rin naman ito matagumpay na isinagawa.
Nagsimula ang programang ito noong Enero 12 noong nakaraang taon, dalawang araw lang pagkatapos maglabas ng (DepEd) ng memorandum ukol dito sa ilalim ng MATATAG kurikulum. Ayon sa memo, kalahati umano sa mga araw ng Biyernes ng panuruang taon ay ilalaan sa pagbabasa, samantalang ang kalahati nama’y ilalaan sa kapayapaan ng kaisipan, pagpapahalaga sa kaugalian, kalusugan, at pagpapaunlad ng literasi at komprehensiyon ng mga mag-aaral na hindi rin naman nai-implementa nang maayos sa PEQNHS dahil na rin sa ikli ng panahong paghahabol ng mga gawain sa paaralan dahil sa kagustuhan ng
DepEd na ibalik ang dating DepEd Calendar kung saan nilalayong ibalik ang pasukan sa Hunyo. Masasalanta lamang ng transisyon na ito ang regular na proseso ng kanilang pag-aaral.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga
lamang ng nakababahalang resulta ng Program for International Students Assesment (PISA) na nagbunyag ng nakalulungkot na katotohanan tungkol sa antas ng literasi sa bansa. Lumabas sa naging pagtataya na ika- 77 ang Pilipinas sa 81 na bansa na nakiisa rin sa nasabing pagsusulit. Malinaw na manipestasyon ito ng malalang problema ng bansa pagdating sa antas ng literasi na hanggang ngayon ay di pa rin nabibigyan ng akmang solusyon. Hindi naman naging sapat na solusyon ang ‘Catch-up Fridays’ dahil sa hindi episyenteng daloy ng implementasyon ng nasabing programa.
“Hindi rin naman nasunod yun (Catch-Up Fridays) kasi parang tinatamad na pumasok yung mga estudyante kasi alam nila na non-recorded yung activities na pinapagawa namin. Wala pang gaanong budget na inilaan dito, kami pa gumawa ng ibang reading materials noon. Atsaka masyadong konti ang oras na
na nasusunod ang layunin ng programa. Naipakikita rin ang hindi epektibong implementasyon nito, dahil imbis positibo ang maging epekto nito ay naging pasakit pa sa mga guro.
Gayunpaman, walang patutunguhan ang programang ito kung hindi lamang mahaba ang pasensya ng mga guro, kaya naman malaking tandang pananong pa rin ang nakaguhit sa noo ng ibang kaguruan sa PEQNHS kung paano ipagsisiksikan ang mga gawain sa ilalim ng kurikulum. Kung hindi lamang mahal ng mga guro ang kanilang mga trabaho at handang i-sakripisyo ang kanilang oras at pagod, pati na rin ang paggawa sa ‘reading materials’ na gagamitin ng mga mag-aaral sa mga aktibidad sa ilalim ng pagbabasa na dagdag pa sa kanilang trabaho, ay simula una ay tuluyang wala nang mangyayari sa programa. Bilang depensa naman ng DepEd, imbes na suspendihin na nang tuluyan sa halip ay "palalakasin"
pagkukulang ang programa na kinakailangang pang nguyain upang unti-unting tunawin ang tunay na layunin nito. Sa holistikong perspektibo, hindi kailanman naging epektibo ang implementasyon ng programang pilit isinusubo kung hindi pa ito nanguya ng maayos at metikulosong idinaan sa proseso ng pagtukoy ng mga kahinaan at kalakasan ng programa. Sa malinaw na negatibong naging epekto nito, hindi na matutuloy pa ang plano’t layunin ng DepEd na mapabuti ang kakayanan sa komprehensyon at literasi ng mga Pilipinong mag-aaral kung ipipilit pang i-implementa ang ‘Catch-Up Fridays’. Nararapat lamang na magkaroon pa ng mas epektibong alternatibong mga programang mas sinuri ng mga eksperto na may tiyak na patutunguhan, de kalidad, akma sa lahat ng aspeto, at paniguradong hindi lamang eksperimentong walang patutunguhan.

Louise Mae E. Vierness
Freddie E. Gumaru Jr.

Binaha Pa ng Gawain DAPAT LANG
ni Louise Mae Viernes
Insensitibo ang nirebisang kautusang inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na patuloy na nag-uutos sa mga guro na magbigay ng mga gawain sa mga mag-aaral kahit sa gitna ng matinding kalamidad. Ang DepEd Order No. 022, s. 2024, na inilabas noong ika-23 ng Disyembre 2023, ay nagdulot ng labis na pasanin sa mga estudyante ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS). Sa halip na tubig baha lamang ang iniisip ng mga mag-aaral, nadagdagan pa ito ng pagbaha ng mga gawaing akademiko.
Kahit pa man nirebisa na ang kautusang ito, wala namang nagbago. Pasakit pa rin sa gaya naming mga mag-aaral na kakapiranggot ang pribilehiyo. Sa kabila ng magkakasunod na mga nagdaang bagyo—Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito na pawang malalakas o super typhoon na nagdudulot ng pagkawala ng kuryente at signal hindi lamang sa Luzon, kundi maging sa buong bansa, may mga paaralan pa ring nagpapatupad ng online classes, nagbibigay ng modules, at nagtatakda ng mga mahigpit na deadlines. Kaya naman, isang malaking tanong para sa mga mag-aaral ng PEQNHS: Ano nga ba ang prayoridad ng DepEd sa panahon ng kalamidad—ang kaligtasan ng mga mag-aaral o ang pagpasa ng mga gawaing walang saysay?
Naninindigan akong mas makatarungan kung sa panahon ng sakuna, itigil muna ang lahat ng pag-aalala sa mga papeles at gawain at magtuon ng pansin sa kaligtasan at pangangailangan ng bawat isa.
Sa panahon ng kalamidad, ang pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, kuryente, at signal ay hindi laging abot-kamay. Sa mga oras na ito, ang edukasyon ay hindi dapat magsilbing pasanin, kundi isang gabay na magbibigay liwanag sa mga mag-aaral sa gitna ng dilim ng kalamidad. Ngunit sa kasalukuyan, tila ang mga desisyon ng ilang edukasyonal na institusyon ay nagpapakita ng kawalan ng malasakit, na siyang nagbibigay agam-agam sa akin kung ano nga ba talaga ang layunin ng edukasyon sa bansa. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin sa mga paaralan ang tila bulag sa mga realidad na ito. llang estudyante ng PEQNHS ang nagbahagi ng kanilang pagkadismaya sa kautusang ito. “Napaka-walang kwenta. Honestly speaking, bumabagyo na nga, tapos gusto


nilang magpa-modular? Ayusin dapat ng DepEd ‘yan dahil during calamities, hindi accessible every time ang basic needs gaya ng electricity. Syempre, hihina yung signal. Tsaka dapat kaligtasan yung inuuna, hindi yung activities,” may pagka-inis na pahayag ni Crisanto Gamboa.
Malinaw na bunga nito ang hindi na pagkatuon ng mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga gawain kung mismong kaligtasan ng kanilang mga pamilya ang nakaatang sa kanilang mga balikat.
Ayon pa kay Walter Villanueva, “Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan nating estudyante, hindi yung iniisip natin yung ipapasa natin habang bumabagyo.” Ang ganitong mga pahayag ay repleksyon ng pagkadismaya ng mga magaaral. Paano nga naman magagawa ang mga gawain kung ang mismong kaligtasan ng kanilang pamilya ang higit na iniintindi? Dagdag pa rito, hindi lahat ng paaralan ay nagpapakita ng malasakit sa pamamagitan ng pag-aadjust sa deadlines o pagtigil ng mga gawain habang may kalamidad.
Malinaw na manipestasyon lamang ito ng ng kawalan ng konsiderasyon para sa sitwasyon naming mga mag-aaral. Paano magiging makatarungan ang ganitong kalakaran kung mismong mga estudyante ay hirap makahanap ng signal at kuryente? Sa halip na maibsan ang hirap na dulot ng kalamidad, tila mas nagiging pabigat pa ang sistema ng edukasyon na inaasahang dapat magpapagaan ng buhay ng mga kabataan.
Sa gitna ng ganitong sitwasyon, mas nararapat pagtuunan ng pansin ng
Department of Education ang paggawa ng mas makataong polisiya sa panahon ng kalamidad. Hindi na sapat ang simpleng “walang pasok” kung ang mga estudyante ay pinahihirapan pa rin sa pamamagitan ng hindi makatuwirang deadlines at
PINTIG NG TINIG
pagpapataw ng mga gawain. Halimbawa lamang ang kasalukuyang sistema ng pagpapakita ng kawalang-pakialam sa tunay na kalagayan ng mga estudyante. Nakasasakit ng damdamin na makita ang mga estudyanteng nagdurusa sa ilalim ng sistemang tila nakakalimot sa kanilang kalagayan. Panahon na upang buksan ng DepEd ang kanilang mga mata at pakinggan ang mga hinaing ng kanilang mga mag-aaral. Sa panahon ng bagyo, dapat unahin ang buhay bago ang anumang aktibidad. Sapagkat sa huli, ang edukasyon na walang malasakit ay isa lamang hungkag na pangako ng kaunlaran. Kung ako ang tatanungin, simple lang ang solusyon: Gawing mas sensitibo at makatao ang sistema ng edukasyon. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang edukasyon ay nagiging sandigan ng mga mag-aaral sa gitna ng anumang unos, hindi isang karagdagang pabigat. Dapat magpatupad ang DepEd ng mga patakarang mas magaan at mas makatarungan para sa mga estudyanteng dumaranas ng matinding kalamidad. Sa halip na magtakda ng mahigpit na deadlines o magpataw ng online classes, maaari nilang i-adjust ang mga deadlines o ipagpaliban ang mga aktibidad hanggang matapos ang kalamidad at makabangon ang mga estudyante. Mahalaga ring isaalang-alang ang mga mag-aaral na walang access sa internet at kuryente, at gawing ‘flexible ang mga paraan ng pagaabot ng mga gawain. Sa ganitong paraan, ang edukasyong matatamasa ng bawat mag-aaral ay magiging isang edukasyon na may malasakit—isang sistema na hindi lamang tumutok sa pagkatuto kundi sa kabuuang kapakanan ng bawat magaaral. Sapagkat ang edukasyong walang malasakit ay isa lamang hungkag na pangako ng progreso.
Pasaning dulot ng mga inaanay na silid ng Grade 9, matutuldukan na sa wakas
ni Gabrielle Tricia Dacpano alaga namang ang pagpapahalaga ng mga guro sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga mag-aaral ay isang bagay na hindi matatawaran, at ito ay ipinakita ng mga guro ng President Elpidio National High School (PEQNHS) sa kanilang hakbang na ayusin ang mga silid-aralan ng ika-siyam na baitang. Pinangunahan ni G. Juan O. Dacanay Jr., Department Head ng Araling Panlipunan, ang paglutas sa mga matagal nang suliranin ng mga silid na puno ng anay, na hindi lamang isang abala kundi isang banta sa kaligtasan ng mga estudyante.
Ayon kay G. Dacanay, matagal nang naroroon ang mga sira sa mga silid-aralan, at sa kalaunan ay naging isang seryosong usapin ang panganib ng mga ito. Kung titingnan, makatarungan lamang na bigyan ng pansin ang mga gusali ng paaralan, sapagkat sa huli, ang kaligtasan ng mga kabataan ang nakataya. Ang mga bubong na marupok dahil sa anay, at ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakuna, ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Kaya’t walang duda, ang pagpapagawa ng mga silid-aralan ay nararapat lamang na mangyari sa lalong madaling panahon.
“Nagpapasalamat po kami kasi naayos na po ang classroom namin, sa totoo lang po natatakot na rin po noon ‘yung parents namin para sa kaligtasan namin kasi anytime pwede bumagsak ‘yung kisame..” Masayang pamamahagi ni Heart Bea Dulatre, mag-aaral ng PEQNHS na apektado sa mga klasrum na inayos. Ito’y indikasyon na matatanggal na ang pangamba ng mga magulang ng mga mag-aaral ukol sa kanilang kaligtasan. Mas mabuti nang naayos ang problema kesa hihintayin pang masira nang tuluyan ang
Sa kabila ng mga pagsubok sa badyet, na madalas magpabigat sa mga ganitong proyekto, ang pagtutok ni G. Dacanay at ang
PUNTO DE VISTA
ni ALTHEA ESTAFANIE F. FACUNDO

Baril sa Sintido na ang Pumuputol sa Dila
Tila tinanggalan kami ng karapatang magpahayag sa taon-taon na lamang na pagpatay sa mga kapwa namin mamamahayag lalo na sa bansa. Nangangamba rin ang ibang mamamahayag pangkampus ng paaralang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) dahil sa pagsulputan ng mga balita ukol dito, dahilan upang mawalan kami ng kumpyansang ipagpatuloy ang pangarap naming maging mamamahayag sa hinaharap.
Noong taong 2022, ayon sa report ng Committee to Protect Journalists (CPJ), pampito ang Pilipinas sa pinakamasamang bansa laban sa mga mamamahayag. Malinaw na manipestasyong hindi binibigyan ng halaga’t proteksyon ang mga gaya namin sa bansang ito. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na anak ng dating pangulong diktador Marcos Sr., tatlong mamamahayag na ang pinatay at ang mga ito’y wala pang malinaw na resulta at hustisya hanggang sa kasalukuyan.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na maraming naibabalitang pangyayari ang hindi kaaya-aya sa mata ng mga taong nasa matataas ang posisyon na dawit dito kaya ginagawa nila ang lahat upang patahimikin ang mga nakaaalam sa maiitim nilang sikreto, kahit pa ito’y pagnakaw sa buhay ng mamamayang ginagawa lamang ang kaniyang trabaho—ang maghatid ng katotohanan at mahalin ang kaniyang bansa.
Mas lumakas pa ang kalabog sa mga dibdib naming mga mag-aaral nang maging Bise Presidente ang anak ng dating pangulong Rodrigo R. Duterte na na kilala sa marahas na pagtingin nito sa mga mamamahayag dahil ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility, tinatayang 21 mamamahayag ang pinaslang sa loob ng administrasyong Duterte.
DepEd Order No. 022, s. 2024
“Parang nakakatakot naman maging journalist sa panahon ngayon, hindi siya ligtas lalo pa’t pinagsamang Marcos at Duterte ang may pinaka matataas na posisyon sa gobyerno,” ayon kay Jerose Sabaulan, mag-aaral ng PEQNHS na noon ay mamamahayag ngunit tumigil nang sabihan siya ng kanyang mga magulang na huwag nang ipagpatuloy ito sa pangambang baka siya’y bigla nalang maglaho o paslangin sa daan.

patuloy na nag-uutos sa mga guro na magbigay ng mga gawain sa mga mag-aaral kahit sa gitna ng matinding kalamidad
Pinagmulan: Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)


ISIP-ISIP MUNA
Ang Opisyal na Pampahayagang Pangkampus ng
President Elpidio Quirino National High School Agoo Dibisyon ng La Union - Rehiyon 1
ni Micca G. Panelo
Nadismaya ako nang marinig ko ang usapin na umaaray na naman ang taumbayan sa dami ng bayarin. Paano ba naman kasi, sa pagsalubong ng taong 2025 ay sumabay din ang pagtaas ng kontribusyon rate sa Social Security System o SSS mula 14% patungo sa antas na 15%. Para sa iba na nasa ilalim ng mga pribadong kumpanya, maaaring nakakagalak ito dahil nangangahulugang tataas din ang kanilang makukuhang pensyon sa hinaharap. Subalit, para sa karamihan, lalo na ang mga ‘voluntary contributor’, isa na naman itong karagdagang pasanin lalo na’t patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin habang nananatiling mababa ang kanilang mga sahod.
Gayunpaman, naniniwala ako na ang buhay ay maihahalintulad sa isang barya, kung saan ang kabilang parte ay may mabuting epekto habang ang kabila ay hindi. Ang layunin ng SSS na pataasin ang contribution rate ay upang mapatatag ang pondo at magbigay ng mas mataas na benepisyo sa mga miyembro sa panahon ng kanilang pagreretiro na nagdudulot ng mas maayos at komportableng buhay.
Karamihan sa naman sa mga mamamayan, ang pagtaas ng kontribusyon ay parang pagpasok ng karayom sa sinulid, kung gaano kaliit ang butas ng karayom, gayon din kaliit ang kakayahan nilang makasabay sa patuloy na pagtaas, na nagiging dahilan ng patuloy nilang pagbaba. Ang masaklap pa rito, ang mga voluntary contributor tulad ng mga may sariling pangkabuhayan at iba pang mga manggagawa na hindi sakop ng gobyerno o kumpanya, ay mas lalong nahihirapan pag dating sa gastos. Malinaw na manipestasyon ito na sa kabila ng kanilang pagsisikap na kumayod, tila walang awa ang patuloy na pagtaas ng kanilang mga bayarin.
Ayon kay Beverly, guro mula sa President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS), ang pagtaas ng contribution
FLORA MAE S. ALOOT
rate ay may malaking epekto sa kanya. Bilang dating private employee, alam niya ang benepisyong hatid ng SSS, kahati niya kasi ang kanyang employer sa pagbabayad nito. Kaya naman nang siya ay naging government employee, pinagpasyahan niya na ipinagpatuloy ang contribution bilang isang voluntary contributor at magisa na niya lamang aakuin.
“Para sa akin, maganda ito para sa mga private employees dahil tataas yung kontribusyon nila na ihuhulog. Mas malaki yung chance na tumaas ang makukuha nilang pensyon in the future, at isa pa, kahati naman nila ang kanilang employer sa pagbabayad kaya kahit paano, hindi sila gaanong mahihirapan,” ani niya.
“Pero dahil voluntary contributor ako, mabigat ito para sa akin. Una, wala akong kahati sa pagbabayad at yung sahod ko ay sakto lang din sa budget namin. Pangalawa, mandatory ito kaya kahit mabigat sa akin, wala naman akong magagawa,” dagdag pa niya.
Ayon naman kay Thess, magulang ng isang mag-aaral sa PEQNHS, dagdag isipin at problema na naman pagdating sa kanilang budget ang pagtaas ng kontribusyon sa SSS. “Tataas na naman
ang rate, buti sana kung isang beses lang sa isang taon ka magbabayad, eh ang problema buwan-buwan mo siya kailangan bayaran,” ani niya.
Ang mga hinaing ng mga mamamayang tulad nina Beverly at Thess ay sumasalamin sa malawak na kalagayan ng maraming Pilipino. Habang patuloy na tumataas ang mga bayarin at nananatiling mababa ang kita, maraming Pilipino ang napipilitan magtiis. Kaya naman, mahalagang tugunan ng pamahalaan ang mga hinaing ng mamamayan. Kabilang dito ang pagbibigay ng sapat at malinaw na impormasyon tungkol sa paggamit ng pondo, at ang kooperasyon sa pagitan ng sektor ng gobyerno at pribado. Higit sa lahat, isa sa mga pangunahing hakbang ay ang pagtaas ng sahod para sa mga Pilipino.
Samakatuwid, ang pagsisikap at tulong ng gobyerno ang susi upang putulin ang mahabang hilba ng mataas na bayarin. Bawat pasanin at sakripisyo ay bahagi ng ating paglalakbay tungo sa daan ng kaunlaran. Nawa’y magpatuloy tayong umasa at magsumikap, dahil ang tunay na pagbabago ay nasa ating mga kamay.
Isang Pagpapanggap: 21-Peso Meal sa Gitna ng Krisis
DepEd Order No. 1 s. 2024

Sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin at lumalalang kahirapan sa bansa, inilunsad kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang programa na nagtatampok ng tinatawag nilang “21-peso meal.” Layunin umano nitong ipakita na sa halagang 21 pesos, posible pa ring makapaghanda ng masustansyang pagkain para sa isang indibidwal. Ayon sa isang opisyal ng DSWD, ang 21 pesos ay sapat na umano para makapagbigay ng masustansyang pagkain. Subalit, sa likod ng mensaheng ito, makikita ang tila malalim na ‘out of touch’ ang gobyerno sa reyalidad ng pang-araw-araw na pamumuhay ng karaniwang Pilipino.

Itinurong pangmatagalang solusyon sa mababang antas ng literasi at komprehensyon sa bansa
Pinagmulan: DEPED
Binubuo nina John Neo Ramos ng 12-Astraea, Jerry Sumaya at Alexa Lopez ng 12-Spica ay nagpakitang-gilas sa tatlong antas ng hirap ng kompetisyon—easy, moderate, at hard—kung saan nakapagtala sila ng kabuoang puntos na 17 kaugnay sa kanilang kagalingan sa nasabing talisan ng talino.
Nagpatunay lamang ang kanilang ipinakitang galing na ang tiyaga, husay, at tamang pagaangkop sa presyon na kanilang naransan ay mahalaga sa ganitong uri ng kompetisyon, sa kabila ng limitadong panahon ng paghahanda, nagawa ng mga estudyante ng PEQNHS na makamit ang prestihiyosong puwesto sa kompetisyon.

nahirapan sa pagtratraining noon kase start pa lang ng second quarter, kaya nkapag-focus pa kami roon and then masaya kami sa result kase alam naman namin na ginawa namin ‘ung best naming tatlo.” pahayag ni Jerry Sumaya, isa sa
Dagdag pa rito, hindi rin umano naging madali ang landas ng mga kalahok patungo sa tagumpay at isa sa mga pangunahing hamon na kanilang hinarap ay ang mabilisang pagdedesisyon sa gitna
“During the contest kase, ‘di naman talaga maiiwasan ‘yung kaba, nagkaroon kami ng ilang mga hindi pagkakasunduan sa sagot pero nagawa naman namin itong malagpasan sa pamamagitan ng maayos na decisions at pag-uusap.” ani rin ni
Sa kabila ng mga ito, nanatiling kalmado ang mga miyembro ng grupo at ginamit ang kanilang kaalaman at diskarte upang malampasan ang mga
“‘Yung time management talaga namin ‘yung
ooverthink sa pagsagot at nagtagumpay pa rin kami sa abot ng aming makakaya.” pagdidiin pa
pag-eensayo, dagdag pa ni Ramos at Sumaya ay nagpakita ng epektibong paggamit ng oras sa pamamagitan ng maayos na pamamahala sa oras, habang si Lopez naman na kanilang kasama ay
gumawa ng paraan upang maabot ang parehong mga layunin.
Sa kabila ng magkaibang diskarte, nagawa nilang pagsabayin ang kanilang mga responsibilidad bilang estudyante at kalahok ng kompetisyon.
“Kailangan talaga ng focus at disiplina para mapagsabay ang training at academics. Kahit challenging, nakakatuwa na worth it lahat ng effort.” wika ni Ramos.
Malaki ang naging papel ng mahusay na mentorship sa tagumpay ng grupo ni G. Obungen at nagbigay din siya umano ng gabay at suporta sa buong proseso ng kanilang paghahanda dahil sa kabila ng limitadong magpapakunan at badyet, nagawa niyang magbigay ng epektibong training na nagresulta sa mataas na performance ng grupo.
“Ang tiwala at teamwork ng grupo ay naging pundasyon ng kanilang tagumpay, sa kabila ng mga balakid, naging determinado ang grupo na ibigay ang kanilang pinakamahusay, at ito ay nagbunga ng resulta na ikinararangal ng buong paaralan.” dagdag ni Obungen.
Hindi lamang isang tagumpay para sa grupo ang pagkakapasok sa Top 10 ng PEQNHS, kundi pati na rin para sa buong komunidad ng paaralan, ang kanilang dedikasyon di umano ay nagsisilbing inspirasyon para sa iba pang mga estudyante na patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap sa kabila ng mga hamon.
“Ang tagumpay na ito ay para sa buong PEQNHS. Sana maging inspirasyon ito para sa iba na magpursige at magtiwala sa kanilang kakayahan.” dugtong na wika ni Obungen Nagbigay ang parangal na ito ng bagong pag-asa at motibasyon para sa PEQNHS na patuloy na paghusayin ang kanilang programa sa akademiko, ang kanilang tagumpay ay patunay na sa tamang kombinasyon ng tiyaga, disiplina, at mahusay na mentorship ay kayang makamit ang anumang layunin.
Patuloy na umaasa ang PEQNHS na sa mga susunod na taon, mas marami pang estudyante ang magbibigay ng karangalan sa paaralan at magpapakita ng kahusayan sa larangan ng akademiko, ang Statistic Quiz Bee ay nagsilbing patunay na ang pagsusumikap at determinasyon ay laging may magandang bunga.
MULAT
ni Jenny G. Collado

Daig ng Maagap ang Masipag
Isa sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng mga paaralan ngayon ay ang kawalan ng disiplina ng mga estudyante pagdating sa oras. Ang pagiging huli sa klase ay tila naging pangkaraniwang bagay na lamang para sa ilan, ngunit ang epekto nito ay mas malalim kaysa sa inaakala. Ang pagiging huli ay hindi lamang simpleng pagpasok ng late; ito ay sumasalamin sa kakulangan ng responsibilidad, respeto sa oras, at disiplina na dapat sanang nahuhubog habang nasa paaralan.
Ayon kay Gng. Diana Rose Baldoza, isang guro sa pampublikong paaralan ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS), “Ang pagiging late ng mga estudyante ay nagdudulot ng hindi lamang pagkawala ng oras sa pag-aaral, kundi pati na rin pagkakataon para sa kanilang pag-unlad. Kailangan natin silang gabayan nang may pagmamahal at pag-unawa upang matutunan nila ang halaga ng disiplina sa oras at responsibilidad. Siyempre ito ay pagwawalang-bahala sa oras ng ibang tao. Hindi ito magandang kaugalian ng mga Filipino.” Ang bawat minutong nawala dahil sa pagiging late ay hindi na maibabalik, at sa isang semester na puno ng mga gawain, bawat minuto ay mahalaga.
Para sa akin, ang pagiging late ng estudyante ay maaaring dulot ng iba’t ibang dahilan—mula sa trapik, mahirap na transportasyon, hanggang sa kawalan ng maayos na time management. Gayunpaman, hindi dapat ito gawing palusot upang ipagpatuloy ang ugaling ito. Ang mga paaralan ay nagbibigay ng malinaw na oras ng klase, ngunit madalas ay hindi ito siniseryoso ng ilang estudyante. Isa pang aspeto na nakakadagdag sa problema ay ang kakulangan ng accountability sa bahay. Kapag ang mga magulang o guardian mismo ay hindi tinuturuan ang kanilang mga anak na pahalagahan ang oras, ito’y nagiging normal na ugali. Isang senior high school student mula sa Quezon City ang nagsabi, “Minsan hindi ko sinasadyang ma-late kasi gabi na ako natutulog. Pero minsan, kahit alam kong late na, iniisip ko na okay lang kasi marami naman akong kaklase na late din.” Ang ganitong mentalidad ay nagpapakita ng kawalan ng inisyatiba upang baguhin ang sitwasyon.
Sa aking palagay, ang pagiging huli ay hindi lamang nakakaapekto sa indibidwal kundi sa buong sistema ng edukasyon. Sa tuwing may late na estudyante, naaabala ang daloy ng talakayan sa klase. Ang mga guro, sa halip na magpatuloy sa pagtuturo, ay napipilitang ulitin ang mga naunang bahagi ng aralin para sa mga latecomer. Ito ay nagdudulot ng pagkawala ng oras para sa mas malalim na talakayan o iba pang aktibidad.
Bukod dito, ang pagiging late ay nagiging ugat ng hindi magandang pag-uugali sa hinaharap. Kapag hindi naitama ang ganitong asal habang bata pa, maaari itong magpatuloy sa trabaho o iba pang aspeto ng buhay. Ang kawalan ng disiplina sa oras ay nagiging hadlang sa pag-unlad, hindi lamang ng isang tao kundi ng buong komunidad.
Paano ito masosolusyunan? Una, kailangang palakasin ng mga paaralan ang pagpapatupad ng mga patakaran laban sa pagiging late. Ang pagbibigay ng parusa tulad ng pagbawas sa puntos o pagsasagawa ng remedial classes ay maaaring mag-udyok sa mga estudyante na maging maagap. Pangalawa, dapat makipagtulungan ang mga magulang at guro upang turuan ang mga bata ng kahalagahan ng time management. Ang pagkakaroon ng malinaw na schedule at pagsasanay na sundin ito ay makakatulong sa pagbuo ng disiplina. Higit sa lahat, kailangang baguhin ng mga estudyante ang kanilang pananaw ukol sa oras. Ang oras ay isang yaman na hindi na maibabalik kapag nawala. Kapag ang isang estudyante ay natutong pahalagahan ang bawat minuto, natututo rin siya ng respeto sa sarili at sa iba. Ayon kay kay Gng. Diana Rose Baldoza, “Ang paaralan ay hindi lamang lugar ng pagkatuto ng akademikong kaalaman kundi pati ng disiplina. Ang pagiging on time ay isang simpleng ugali, pero ito’y may malawak na implikasyon sa karakter ng isang tao.”
Sa kabuuan, ang punctuality ay hindi lamang simpleng pagpasok ng maaga. Ito ay simbolo ng respeto sa sistema ng edukasyon, sa mga guro, at sa mga kaklase. Ang pagiging maagap ay isang disiplina na dapat sanayin ng bawat estudyante. Nararapat lamang kung nais nilang maging handa sa mas malalaking hamon sa hinaharap, dapat nilang simulan sa tamang pagpapahalaga sa oras ngayon.

ni Crisanto Gamboa Jr.
Ibigay pondo para sa talento
Lubhang nakadidismaya na sa kabila ng ‘dimatawarang halaga ng mga organisasyong pang-edukasyon tulad ng dyornalismo, palakasan, at iba pang grupong akademiko, patuloy silang isinasantabi pagdating sa alokasyon ng pondo. Dahil sa ganitong kapabayaan ay tila pagkakait ng mahalagang oportunidad upang malinang ang talento at kasanayan ng mga estudyante—mga pundasyon ng kanilang kinabukasan. Bilang bahagi ng sektor ng dyornalismo, ramdam ang kawalan ng suporta mula sa mga nakatataas, isang katotohanang nagdudulot ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng mga organisasyon. Hindi lamang ito nakapanlulumo; isa rin itong hadlang sa pagtaguyod ng mga makabagong lider at tagapagtaguyod ng pagbabago.
Sa kabila ng limitadong pondo, patuloy ang pagsusumikap ng mga miyembro ng organisasyon na gampanan ang kanilang tungkulin at maghatid ng dekalidad na serbisyo. Subalit, hanggang kailan nila kakayaning saluhin ang bigat ng sistemang tila binabalewala ang kanilang ambag? Lahat ng mga organisasyong ito ay hindi basta extracurricular—sila ang lunsaran ng mga hinaharap na lider, manunulat, atleta, at eksperto.
Hindi maikakailang nagreresulta ang kakulangan ng suporta sa limitadong oportunidad para sa mga estudyante. Napipilitan silang umasa sa sariling diskarte at abuloy mula sa mga miyembro, isang sistemang hindi sustainable o makatarungan. Habang dumadami ang hamon, tila nananatiling bingi ang mga institusyon sa hinaing ng mga organisasyong ito.
“Masakit isipin na yung mismong school na nirerepresent namin ay hindi man lang kami masuportahan kahit sa basic needs,” ayon kay Larra, isang student-athlete mula PEQNHS. Kanyang binigyang-diin ang pagkadismaya dahil sa kakulangan ng pinansyal na suporta mula sa paaralan. Maraming gustong maging student-athlete, ngunit dahil sa kakulangan ng pondo, napipilitan silang bitawan ang kanilang pangarap na irepresenta ang paaralan at hubugin ang kanilang talento.
Ang ganitong sitwasyon ay nararapat bigyang-pansin ng paaralan. Hindi lahat ng estudyante ay may kakayahang suportahan ang sarili upang maipagpatuloy ang kanilang layuning maging atleta o mamamahayag. Nakakalungkot isipin na sa halip na tulungan ang mga estudyanteng ito, tila pinababayaan sila ng institusyon, na nagreresulta sa pagkasayang ng potensyal na maipamalas pa ang kanilang kakayahan.
“Hindi rin naman para sa amin ang ginagawa namin kundi para rin sa school,” pahayag ni Larra. Aniya, walang tulong pinansyal mula sa paaralan, at lahat ng gastusin ay mula sa sariling bulsa. Sa likod ng pagbati ng paaralan sa mga tagumpay ng student-athletes at student-journalists, nakatatawang isipin na wala pala silang naging ambag sa paghubog sa mga ito. Bilang student-journalist, hindi sapat ang suportang moral mula sa paaralan; nararapat ding maglaan ng pondo para sa mga pangunahing pangangailangan upang makatulong sa mas maayos na paglinang ng aming talento.
Nakapanlulumo rin isipin na, sa halip na makatulong, tila isa pa ang paaralan sa nagpapahirap sa mga estudyante sa pamamagitan ng kakulangan ng pinansyal na suporta. Nakapanlulumo na ang mismong punong-guro ang pumipigil sa mga estudyante na maabot ang kanilang potensyal.
Sa kabuuan, ang kakulangan ng suporta mula sa paaralan ang pumipigil sa maraming estudyante na ipagpatuloy ang kanilang layuning mahasa ang talento. Sa mga ganitong kritikal na sitwasyon ay hindi lamang nagdudulot ng problema sa mga kasalukuyang organisasyon, kundi pati na rin sa kinabukasan ng mga estudyanteng nais magtagumpay sa kanilang larangan.
Nararapat lamang na maglaan ng sapat na pondo para sa mga organisasyon tulad ng dyornalismo, isports, at iba pang akademikong grupo. Ito ay maaaring gamitin para sa pangunahing pangangailangan tulad ng jersey, pagkain, at iba pa. Higit pa rito, nararapat na maging mulat ang punong-guro sa sitwasyon ng bawat organisasyon upang magawan ng nararapat na solusyon. Sa huli, ang kakulangan ng pinansyal na suporta ay mareresolba lamang kung ang mga lider ng paaralan ay magiging aktibo sa pagresolba ng mga suliraning ito. Panahon na upang kumilos—ang tagumpay ng mga organisasyong ito ay tagumpay rin ng buong komunidad.
ni Venice Nicaela E. Catalan
Buena Nocheng Leche Leche

Hindi ko pa nga nababawi ang puyat ko noong bagong taon, pinapasok na agad kami sa eskwela. Habang ang holiday season ay isang pagkakataon para sa kasiyahan at paggunita ng mga tradisyon, ang pagbabalikeskwela noong Enero 2 ay tila isang desisyon na hindi isinasaalang-alang ang tunay na kalagayan ng mga guro, mag-aaral, at kanilang mga pamilya. Sa isang panahon na karaniwang puno ng kagalakan at kasiyahan, ang sapilitang pagbabalik sa klase isang araw pagkatapos ng Bagong Taon ay hindi lamang pisikal na nakakapagod, kundi emosyonal ding mabigat. Sa palagay ko, hindi ito ang pinakamainam na hakbang, lalo na’t ang ganitong desisyon ay nagpapakita ng kakulangan ng malasakit sa kapakanan ng bawat isa.
Ayon kay Gng. Diana Rose Baldoza, isang guro sa pampublikong paaralan ng President Elpidio Quirino National High School, “Malungkot dahil kailangan ng pumasok ng mga kawani ng gobyerno…” Ang saloobing ito ay hindi lamang limitado sa mga guro. Ang mga mag-aaral, na nagdiwang din ng mahahabang gabi kasama ang kanilang pamilya, ay dumaranas ng parehong hirap at pagod.
Itinuturing na panahon ng pahinga ang ‘holiday season’, paggunita sa tradisyon, at pagkakabuklod ng pamilya. Ngunit ang pagbabalikeskwela isang araw pagkatapos ng Bagong Taon ay nag-alis ng pagkakataon para sa maayos na transition mula sa kasiyahan patungo sa seryosong pag-aaral. Para sa maraming mag-aaral, ang Enero 2 ay hindi sapat upang makabawi mula sa mga puyat at pagod na dulot ng holiday rush.
Sa isang panayam kay Flordhel R. Regacho, isang senior high school student, sinabi niya, “Sobrang hirap bumangon noong Enero 2. Kakapuyat lang namin para mag-celebrate ng New Year, tapos kailangan agad magaral? Parang hindi man lang kami binigyan ng oras para huminga.” Ang ganitong damdamin ay karaniwan sa mga estudyante, lalo na’t hindi lamang pisikal ang epekto ng kawalan ng pahinga, kundi pati emosyonal at mental.
Para sa akin, isa rin sa mga pangunahing salik na nagpapabigat sa ganitong desisyon ay ang hirap
ni Phoebe H. Dela Vega
sa pagbiyahe. Maraming guro at mag-aaral ang nagmumula pa sa probinsiya upang magdiwang kasama ang kanilang mga pamilya. Sa kabila ng mataas na pamasahe at mahahabang pila sa terminal, kailangang magmadali pabalik sa lungsod upang makapasok sa klase. Para sa iba, ang ganitong pagmamadali ay nagdudulot ng mas malaking stress kaysa dapat sana’y kasiyahan ng holiday season. Bukod dito, hindi rin maikakaila ang epekto ng maagang pagbabalik sa kalidad ng pagtuturo at pag-aaral. Ang mga guro, na karaniwang abala rin sa holiday preparation, ay walang sapat na oras para maghanda ng kanilang mga aralin. Dahil dito, bumababa ang kalidad ng edukasyon na kanilang naibibigay. Samantala, ang mga magaaral, na inaasahan ng mag-focus sa klase, ay hirap ding makapagconcentrate dahil sa kakulangan ng pahinga.
Hindi lang naman tungkol sa pisikal na pagkapagod ang inirereklamo naming mga mag-aaral. Para sa akin, ito ay sumasalamin sa kakulangan ng konsiderasyon sa pagpaplano ng ‘academic calendar’. Bagama’t naiintindihan ang pangangailangang tapusin ang akademikong taon sa takdang panahon, hindi ito sapat na dahilan upang isakripisyo ang kapakanan ng mga guro at mag-aaral. Ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang ganitong sitwasyon sa hinaharap? Una, dapat bigyang pansin ang pagpapalawig ng holiday break hanggang Enero 3 o 4 upang
magkaroon ng sapat na oras para sa pahinga at pagbawi. Makakatulong nang malaki sa pisikal at mental na kalusugan ng mga guro at mag-aaral ang isang karagdagang araw o dalawa ng pahinga.
Pangalawa, dapat magkaroon ng mas bukas na konsultasyon sa pagitan ng Department of Education (DepEd), mga guro, magulang, at mag-aaral ukol sa academic calendar. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang mga desisyon ay hindi lamang naaayon sa mga deadline kundi tumutugon din sa tunay na pangangailangan ng bawat isa. Higit sa lahat, para sa akin dapat maunawaan na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagpasok sa klase at pagtapos ng curriculum. Ito ay tungkol sa paglikha ng kapaligirang nakatutulong sa holistic na pagkatuto at paghubog ng pagkatao. Ang pahinga ay hindi luho kundi isang mahalagang bahagi ng prosesong ito.
Sa holistikong perspektibo, ang desisyong magsimula ang klase noong Enero 2 ay isang malinaw na halimbawa ng insensitibong pagpapasya. Sa halip na magdulot ng produktibong simula, ito ay nagdala ng stress at kawalang gana. Panahon na upang baguhin ang ganitong sistema at magbigay-daan sa mas makataong academic calendar. Sa huli, ang pag-aaral ay magiging mas makabuluhan kung ito’y isasagawa nang may konsiderasyon at malasakit sa kapakanan ng lahat.
TIGIL MUNA
Walang Patutunguhang Bangayan

Pagkatapos gulantangin ang taong bayan, nakadidismaya ang naging mala-sirkong pamamalakad ng pamahalaan. Lantaran itong napuno ng mga “payasong” tila isinusuka, hindi ng baul, kundi ng isa’t isa, nang umingay ang bangayan at pagpapalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng pamilyang Marcos at Duterte. Ang ganitong eksena ay ikinadismaya ng maraming Elpidians, sapagkat sumasalamin ito sa arawaraw na sistema sa loob ng klasrum, kung saan hindi rin maiwasang magbangayan ang mga “lider” ukol sa mga proyekto. Ang nakikita sa itaas ay tila nagiging larawan ng nangyayari sa ibaba—isang salamin ng pagkakahati at kawalan ng pagkakaisa.
Sa bangayang pinapairal ng dating magkapartido, taong bayan ang naiipit at isinasantabi ang mga isyung nararapat bigyang pansin. Gaya sa loob ng silid-aralan, sa halip na marami nang matapos na gawain sa proyekto, nauuna pang mag-away ang mga lider kaya’t walang natatapos. Sa batuhan ng mga pambabatikos sa isa’t isa, tila ba personal na away na ang pinaiiral at nagkakapersonalan na. Nagkakaroon din ng away dahil may mga miyembrong hindi tumutulong, kaya’t kinakakailangan ng mabusising pag-uusap upang masolusyonan ito.
Parang hindi naman na naipakikita ang layunin ng kanilang plataporma nung eleksyon na “Unity” dahil nag-aaway naman sila. Katulad ito ng mga lider sa loob ng silid-aralan kung saan nag-aaway sila kaya nagkakaroon ng pagkabaha-bahagi sa pagitan ng mga mag-aaral. Nagkakaroon pa ng parinigan at kampihan na nagdudulot ng gulo.
Ngunit para sa akin, kung ang isyung ito ng mga lider ng bansa’y kakalkalin sa mas malalim na perspektibo, pareho lang naman nilang pinapairal ang kanilang pansariling mga interes. Kung mas binigyan lang sana nila ng pansin at inilaan ang oras ng kanilang walang
kabuluhang bangayan sa pagpapalago ng bayan, hindi na sana nagkaroon pa ng kaguluhan.
Salungat ang pinapakita at lumalabas sa kanilang mga bibig ang “propesyunal” na salitang inihalintulad nila sa relasyong mayroon umano sila sa kasalukuyan. Kung tutuusin, ang mga isyung personal ng mga “lider” na naglilider-lideran ay wala nang kaugnayan sa mga isyung kinakaharap ng bansa na kinakailangang tutukan. Sa holistikong perspektibo, isang malaking kahangalan sa sistema ang pagpapairal ng dalawang politiko kaya’t sila’y hindi magandang halimbawa sa mga mag-aaral. Ito’y nagsisilbing kababuyan sa matagal nang may gusot na sistema na pilit pinaplantsa ng mga tunay na intensyon sa bayan.
Dahil dito, nararapat lamang na ipagsawalang-bahala na ang mga walang kwentang bagay at gawin na lamang ang trabaho sapagkat sa kanila naming mga miyembro ipinagkatiwala ang proyekto. Walang mangyayari kung magsisisihan lamang ang aming mga lider kung sinong tama’t mali, bagkus sinasayang lamang nila ang oras na makagawa ng pagbabago sa hinaharap. Alam mo ba News?
IPED Month
Ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtataguyod sa Indigenous People’s Education (IPED) Month upang itaas ang kamalayan at pagpapahalaga sa mamamayang pamana ng kultura ng mga katutubo sa bansa. WAGI SA PATIMPALAK Dalawang mag-aaral sa President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang nagdala ng karangalan sa paaralan matapos makamit ang kampeonato sa Provincial UP NAMNAMA Contest
Liham sa Punong Patnugot
Isang abiso mula sa isang Elpidian Sa Punong Patnugot,
Nakatutuwa kung iisipin ang napakalaking bunga ng pagpapalaganap ng kaalaman ng pahayagang pangkampus sa mga mag-aaral ng institusyon. Aking naisipan na magandang pagkakataon ang platapormang ito upang magpahayag ng mga importanteng impormasyon sa mga mag-aaral ukol sa mga isyung kinakaharap ng ating paaralan. Dahil dito, nais kong mabigyan ng parte sa ating dyaryo kung saan mabibigyang kaliwanagan ang DepEd Order No. 022, s. 2024 na nagsasaad na patuloy pa ring magbibigay ang mga guro ng mga gawain sa mga mag-aaral sa kahit na nasa gitna ng matinding kalamidad. Ano ba ang opinyon ng patnugutan ng Ang Bisyon patungkol dito? Maraming salamat sa pagtugon! Pagpalain kayo nawa.
Ang Opisyal na Pampahayagang Pangkampus ng President Elpidio Quirino National High School
Shielakbo ng Karera: Pagbagtas sa Agos ng Hikaos
Isinulat ni: Alexa L.
Sa likod ng matarik na bulubundukin ng Ambitacay, Agoo, La Union matatagpuan ang isang payak at simplemng tahanan na punong-puno ng kwento ng sakripisyo, pag-asa at pagkakahig-tuka. Bago pa man sumikat ang araw, tangan na niya ang bunga ng kanilang pagkakayod-kalabaw na siyang pangunahing sanhi ng salaping bubusog sa kanilang kumakalam na kalamnan, ang mga gulay mula sa kanilang taniman. Kasalukuyang nagsusunog ng kilay si Shiela Khate Palajoren, 1- anyos na dalaga, sa sekondaryang paaralan ng President Elpidio Quirino, kung saan hindi lamang ito ang kinaiinugan ng kaniyang mundo bagkus isa rin siya sa dagat ng mga taong tumatakbo para sa kanilang pangarap, siya rin ay isa ring atleta. Kaakibat ng pagiging mag-aaral, minabuti niya ring ituring itong daan sa paglalako ng mga gulay na bunga ng dugo’t pawis ng kaniyang ina.
Kung ihahalintulad sa iba, maituturing siyang ‘breadwinner’ ng kanilang pamilya. Sa bata at inosente niyang isipan, hindi lubos mawari ni Shiela ang pagpanaw ng kanilang ama. Sa kasalukuyan, nariyan ang kaniyang ina na siyang tumatayo bilang ilaw at haligi ng munti nilang tahanan, katuwang niya ang siyam na supling na inabandona ng namayapa niyang ama, isa na roon si Shiela. Bilang pang-pito sa siyam na magkakapatid, ang pag-inog ng pamumuhay ni Shiela ay hindi sing ligaya tulad ng sa iba, kundi ito’y puno ng pagsubok na siyang nagsisilbing gasolina niya na siyang patuloy na nagpapalagablab sa naghihingalo niyang determinasyon.
Salamisim Mula sa Mulat na Mata Kasabay ng nakabibinging pagtilaok ng mga manok ay ang paggising ng diwa ni Shiela, kung saan halohalong emosyon ang makikita sa mulat niyang mga mata. “Pagpatak ng alas sais, handa na akong umalis sa bahay bitbit ang mga gulay na inani ni mama na ititinda ko sa paaralan sa mga guro, estudyente o kaya sa kantina.”
Magiliw na ani ni Shiela ngunit bakas ang pagkagaralgal ng boses dahil sa hikaos ng buhay na sinapit ng kanilang pamilya. Hindi pangkaraniwan ang kaniyang kalakasan at katatagan. Sa kabila ng pagiging hasa niya sa larangan ng pagtakbo, kailanma’y hindi niya binalak takbuhan ang mga hikaos na kinahaharap ng kanilang pamilya, bagkus niyakap niya ito at tinuring niya bilang isang sandata upang untiunting bagtasin ang pait ng kanilang suliranin.
Habang ang kaniyang katawan ay tila sumisigaw na sa sakit dulot ng kapaguran at kahinaan, ay ang siyang pagsalungat naman ng inaasam-asam niyang kapalaran na segu-segundong bumabagabag sa kaniyang isipan. Ito,y lubid ng kaniyang mga pangarap tungo sa karangyaan na para sakaniya’y hindi mababali kailanman. Tunay nga namang ang bawat pawis at pagkakayod-kalabaw ni Shiela kaagapay ang kaniyang ina at iba pang mga kapatid ay daan upang makamtan ang mas masaganang kinabukasan. Medalyang Pilak, Bunga ng Paghihirap “Bukod sa pagiging estudyanteng naglalako ng gulay, isa rin akong atleta.” Nakangiting bintawan ni Shiela ang mga kataga. Tangan ang bigat ng kaniyang mga yapak sa pag-takbo at pakikipag-unahan upang masungkit ang tumataginting na karangaralan, kaniya ring natuklasan ang kaibahan ng estado ng kaniyang kabuhayan. Subalit hindi ito nagmistulang puno sa gitna ng daan na siyang haharang at makapagpapahingal kay Shiela. Sa madaling salita’y hindi naging hadlang ang kanilang kakapusan na nagdulot ng napakalaking butas sa bulsa ng kanilang pamilya upang magpatuloy siya sa paglakbay sa daang pati siya ay walang kasiguraduhan. “Sa bawat pagtakbo ko, nakatatak sa isipan ko ang mukha ng aking in ana kakikitaan ng matamis

Lakbay Tagumpay


:
Pagiging Malakas sa Kabila ng Hinangin Niyang Landas
Sa isang payak at munting tahanan sa Mangaldan, Pangasinan isinilang ang magiting na babaeng si Gng. Madelyn noong ika-12 sa araw ng nobyembre, taong 1981. Siya’y pangalawa sa anim na magkakapatid, hinubog at lumaki sa pamilyang walang gintong kutsara sa bibig Kayod kalabaw siya, pati na ang kaniyang mga kapatid na itinaguyod ng kanilang magulang, ngunit dahil sa pagkakasakit ng kaniyang ama, kinakailangan niyang mag-hanap buhay upang matustutusan at magpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral. “Mula second year high school hanggang sa kolehiyo, working student ako.” Naka ngiting ani Gng. Madelyn habang isinasalaysay ang salamisim ng pinagdaanan niya noon.
Sa inosente at bata niyang isipan tumatak ang larawan ng isang chemical engineer, ang pangarap na ninais niya sanang makamtan. Subalit tila nag-iba ang thip ng hangin, dahil sa kasalukuyan isa na siyang ganap na head teacher at taga pagturo sa asignaturang agham. Hindi man niya naipasakamay ang mithiin, laking pasasalamat pa rin ni Gng. Madelyn na sa likod ng hagupit na dala ng paghihikaos, kasabay ng kaniyang pagkakahig tuka at mga tulong na ipinaabot ng kaniyang butihing lolo at lola, nabibit niya ang kaniyang mga yapak sa entablado suot-suot ang toga at mga aral na bitbit niya hanggang sa mga susunod na kabanata. “Mahirap mang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral ay kinaya ko dahil gysto ko balang araw ay maiahon ako sa hirap ang aking pamilya “Subalit, hindi rin maiwasang ni Gng. Madelyn ang makaramdam ng kalungkutan sa katotohanang sa kanilang magkakapatid, siva lamang ang nakapagtapos sa kolehiyo. Gayunpaman, mas minabuti niyang gawin na lamang itong inspirasyon upang tuluyan na niyang mabagtas ang kahirapang umiinog sa kanilang tahanan.
Tungkuling Habang Buhay at Taospuso Niyang Tatanawin
Bilang ilaw ng tahanan, ginto kung maituturing ni Gng. Madelyn ang oras kasama ang kaniyang pamilya. “Mahirap talaga ang working nanay pero sa aawa ng Diyos, napagsasabay ko naman. Kaya lang minsan ay nagkakaroon ng problema lalo na sa paglalaan ng oras para sa pamilya.” Malungkot na ani Gng. Madelyn. Dagdag pa rito ang pagiging ina niya rin sa loob ng silid-aralan, pagsubok din kay Gng. Madelyn ang mga mag-aaral na mahirap hikayating mag-aral at matuto. Ngunit sa mundong nag uumapaw ang mga hamon at pagsubok, may mga tao pa ring tila walang kapaguran at patuloy na nag- aalab ang dedikasyon sa kaniyang tungkulin at propesyon, isa na si Gng Madelyn doon.
Sa likod ng mga
Kung Paano Isinulat ang Lukso sa Propesyon Tagumpay
ulad ng bayaning may natatanging kapangyarihan na puno ng liwanag at pag-asa na tinatanaw ng sangkatauhan, sinasalamin ni Gng. Madelyn A. Fangon si Wonder woman. Bilang ilaw ng kanilang tahanan, butihing anak sa kaniyang magulang, may mala-mamong puso para sa kapwa niya nilalang, at nag uumapaw sa dedikasyon upang matulungan ang kabataang makamtan ang kanilang mga inaasam asam, tunay nga namang maituturing siyang bayaning may natatanging kapangyarihan. Tagalay ang karunungan at mga aral na baon niya mula sa kaniyang karanasan sa mapaghamong mundo, hindi nya lubos akalaing mapapasakamay niya ang posisyon bilang Head

puno sa daan, hindi pa rin ito hinayaan at pinalampas ni Gng. Madelyn, sapagkat isang karagalan para sakaniya ang mailuklok sa posisyong minimithi rin ng karamihan at nais na makamtan. “Hindi ko inaasahan na ma-promote ako bilang Department Head ng Science. Masaya na rin kasi ako bilang isang simpelng guro.” Hindi makapaniwalang bitaw ni Gng. Madelyn na bakas ang kagalakan sa tinig. Kung tutuusin, ito’y inako niya bilang panibagong hamon na naman, subalit hindi ibig sabihin na hindi niya sisikaping magampanan ng tama ang kaniyang tungkulin, bagkus buong puso niya itong tatanawin at gagampanan. Bukod sa pagiging guro at ina, siya rin ay isang natatangi at butihing anak. Anak na lubos ang pagtanaw ng utang na loob at punong puno ng nag uumapaw na determinasyon upang makatulong at mapadali ang pag-ahon nila sa nararanasang agos ng paghihikaos. Sa bawat pagkakataon, lagi’t laging nandiyan upang suportahan ang kaniyang mga kapatid at magulang, sapagkat nakatatak sa kaniyang isipan na sa kabila ng naipasakamay niyang katagumpayan, sila pa rin ang tumayo niyang unang guro at ang nagmulat sakaniya sa tunay na paglipana ng iniinugang mundo.
Bitbit ang nag uumapaw na determinasyong pabaon sakaniya ng salamisim ng kaniyang kahapon, isang mensahe ang nais ipa-batid ni Gng. Madelyn A. Fangon sa mga minamahal niyang mag- aaral, “Pahalagahan ninyom ang inyong pag-aaral at huwag kalilimutang magpasalamat sa inyong mga magulang at kamag-aral.” Pupunong puno ng admirasyon na saad niya. Dahil dito, mapatutunayang tunay ngang isa siya sa dagat ng mga tagapagturong naniniwala at patuloy na maniniwala sa mga mag- aaral na may taglay na karunungan at mayb naglalagablab ng determinasyon upang makipagsagupaan sa labanan para sa kanilang mga inaasam-asam.
Tiyak, siya rin ay tinitangala na ng karamihan, lalo na ang mga kapwa niya guro na may puso at malasakit din sa kanilang mga trabaho. “Napakasayang makita na maging matagumpay ang bawat bata na naturuan ng tama kalakip ang mga kabutihang-asal.” Tila mapupunit na ang mga labing saad ni Gng. Madelyn na siyang tunay na maituturing niyang isa pang inspirasyon bukod sa kaniyang mga anak at pamilya. Napagtagumpayang Bilog ng Buhay
Sa kabila ng kaniyang tagumpay sa propesyon, hindi niya ipinagsasawalang bahala ang pinakamahalagang papel na kaniyang ginagampanan ay bilang ina. Na kung saan, sa bawat hapunan, siya’y nagsisilbing tagapagluto ng makakain sa hapag upang busugin ang kanilang kalamnan, at sa bawat gabi nagiging tagapagturo muli upang gabaya ang kaniyang mga anak sa kanilang takdang aralin. Yan ay ilan lamang sa mga tungkuling nagpapakita kung gaano niya isinasapuso ang kaniyang mga tungkulin. Tulad nga ni wonder woman, siya ang nagsilbing matatag na pader na siyang nagbibigay proteksiyon sa kaniyang pamilya bilang kaagapay ng kaniya ring mapagmahal na asawa. Kung saan ang kaniyang lakas ay hindi lamang nakikita sa kakayahan niya sa trabaho, bagkus pati na sa kakayahang magbigay ng walang hangganang pagmamahal sa kaniyang mga supling.
“Lagi kayong gumawa ng kabutihan at maging mapagpakumbaba sa tuwing kayo ay nagtatagumpay. Huwag kalimutang magdasal at magpasalamat sa maykapal sa kaniyang paggabay.” Taas noo at makabuluhang ani Gng. Madelyn na tiyak mag-iiwan ng kakintalan sa kapwa niya guro at ina. Sa kasalukuyan, isa nang tinitingalang imahe si Gng. Madelyn A. Fangon sa larangan ng pagtuturo. Baon ang mga aral na kaniyang itinuro sakaniya ng mapanghamong agos ng panahon, patuloy siyang nagsisilbing ehemplo sa mga kapwa niya guro, mga butihing mag-aaral at ina.
Tulad ng isang imahe ng bayaning makikita sa mga komiks, isang representasyon ang kaniyang karanasan na naglalaman ng mga pagsubok na pilit siyang sinusubok, buti nalang, minabuti niyang gawing sandata ang kaniyang taglay na karunungan, natatanging kakayahan at malakas na pangangatawan upang sugpuin at ipasahangin ang mga hamong nagsilbing puno sa gitna ng kaniyangdaan. Daan tungo sa mithiing nais niyang makamtan pati na ang pangarap niyang buhay na puno ng kasaganahan.
Tunay ngang sa bawat salamisim ng kaniyang mga pinagdaanan kasabay ng mga papel na kaniyang ginagampanan, patuloy pa rin si Gng. Madelyn sa pagpapakita ng kahusayan at tapang, katulad ni wonder woman na kinakaya ang lahat ng pasan, may mga hamon man na nagsisilbing hamon sa daan ay wala siyang inaatrasan. Isang patunay si Gng. Madelyn na hindi nangangailangang may kakaiba at natatangi kang kapangyarihan upang mapagtagumpayan ang anomang hikaos na mraranasan, bagkus nararapat lamang ang kalakasang mula sa puso, isipang puno ng kaalaman at katawang handang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay. Pagpalain nawa.



Speed Dating: Nakagawian sa Ngayon, Ibang iba sa Noon
Isinulat: Althea Estafanie F. Facundo
Sa paglipana ng mga hindi kaaya-ayang gawain sa pamayanan, tila nagsilbing kinaaliwan ng karamihan lalo na ng kabataan ang mabilisang pag hahanap ng kasiyahan at aliw sa pansamantalang pag-ibig. Hindi na katulad ng mga nakaraang panahon, kung saan ang proseso ng pagkakilala at ang pagbubukas ng mga puso ay dumaan sa maingat at tapat na paghihintay. Sa kasalukuyan, laganap ang 'speed dating,' isang modernong pagsasagisag ng pagmamadali na nagpapakita ng pagpapasawalang sa kasanayang nakagawian, ito'y nagsilbing sagot sa mga naghahangad at nais na magkaroon ng kausap sa loob ng isang iglap, bagama’t hindi ito nangangako ng anumang pangako sa hinaharap.
Kung titignan, ang 'Speed Dating' ay isang kaganapan na kasing bilis ng daloy ng hangin. Dahil sa pabago-bagong emosyon at tila naliligaw na daloy ng namuong relasyon. Ang ganitong uri ng pakikipagkilala ay nagiging isang laro ng pasang-uli, isang pagtuklas ng mga walang kwentang sandali na maaaring magdulot ng pansamantalang ligaya ngunit walang kasiguraduhan sa mas malalim na koneksyon. Parang isang bituin na kumikislap sa dilim ng gabi—mabilis at magaan, ngunit sa isang iglap, maaaring maglaho. Ani ng isa sa mga mag-aaral ng PEQNHS, para kay Zanna Dane Palajoren, ang mabilisang paghahanap ng karelasyon sa ganitong pamamaraan ay isang hakbang na malayo sa pagka-banal ng tunay na pag-ibig. Para sa kanya, ang paghahanap ng ‘The One’ ay hindi isang bagay na dapat madaliin, kundi isang proseso ng masusing pagkakilala na dumarating sa tamang panahon, katulad ng isang punong kahoy na tumutubo mula sa maliliit na buto, na nangangailangan ng araw na umaabot ng buwan o taon upang masuguro ang kariktan nito ,hindi sa isang iglap, kundi sa bawat araw na puno ng pagpapahalaga. Ngunit sa likod ng kasalimuotang dala nito, mayroon pa ring mga kabataan ang pinagahalagahaan ang nakagawian noon at patuloy pa ring niyayakap magpasahanggang ngayon. Pinatunayan ito ni Liza Lorena Viduya, magaaral sa PEQNHS nasa ika-11 na baitang nang kaniyang sinang ayunan ang binitawang salita ni Zanna, tunay nga namang hindi sapat na komportable lang tayo sa isang tao pagkatapos ng isang maikling pag-uusap upang sabihing ito na ang hinahanap nating karelasyon. Ito'y maihahalintulad sa isang bulaklak na namumukadkad sa ilalim ng tirik na araw, ngunit mabilis ring nalalanta kapag hindi dinidiligan at nilalaanan ng sapat na alaga at oras. Hindi ba’t tulad ng
isang sining, ang tunay na pagmamahal ay nag-uumpisa sa isang detalyadong pag-guhit at hindi sa biglaang pagkulay. Tunay rin namang isa itong ugali na sumasalamin sa desperasyon, isang paglalakbay sa agos ng damdaming hindi nakatuntong sa pook ng masinsinang pagninilay. Katulad ng isang alon na dumadaan at humahampas lamang sa dalampasigan, nagbubunga ito sa pagmamadali ng puso na nagiging sanhi ng kalituhan, at sa halip na magdulot ng kagalakan, nagiging sanhi ng lungkot at kabiguan. Ang 'Speed Dating' ay tulad ng isang apoy na hindi pa maayos na nasisindihan. May mga taong nagpapaakit sa init at aliw na dulot nito, ngunit sa kabila ng init, may panganib na nakalamat, at sa oras na ng pagka yapos nito'y maiiwan na lamang ang abo na bakas ng isang pagnanasa na walang kahihinatnan. Sa ganitong mga kaganapan, ang pagmamadali sa relasyon ay nagiging isang mabilisang laro na sa huli’y nagdudulot lamang ng pagkatalo. Kung susumahin, ang paghahanap ng tunay na pagmamahal ay isang paglalakbay na nangangailangan ng mga munting hakbang na puno ng ingat at nararapat na tapat. Tulad ng isang obra maestra na kinakailangang likhain ng mahabang panahon, ang tunay na pag-ibig ay isang daan na tanging sa tamang oras at sa tamang pagkakataon lamang matutuklasan. Sa halip na sumunod sa mabilisang agos ng 'Speed Dating,' mas makabubuti kung bibigyan natin ang ating mga puso ng pagkakataong maghintay, magbulay-bulay sa buhay, at masusing magpasya, nang hindi mabilisan ang pagtatakda ng kapalaran sa mga pagkikita na minsan lamang. Kung baga, hindi dapat hayaan na maging 'speed ending' ang isang bagay na nararapat sanang magtagal at magbigay ng mas matamis na kaligayahan.

SaliTAX: Kung paano nagBIDA ang mga Elpidians para sa Buwis

Unsung Heroes: Sa Lilim ng Pintuang Bakal, May mga Guwardiyang hindi nanghihingi ng Parangal
Isinulat: Pauline G. Lopez
Sa likod ng bawat araw na puno ng abala, ingay, at mga pangarap, may mga tahimik na bayani na hindi humihingi ng pansin. Tila sila’y mga anino sa ating komunidad, palaging nandiyan, nakatayo sa pintuan ng ating mga tahanan, negosyo, at mga institusyon, nagmamasid, nag-aalaga, at nagbibigay ng proteksyon nang walang hinihinging kapalit. Sila ang mga guwardiya—mga tao na patuloy na nagsisilbing ilaw at tagapangalaga ng ating kaligtasan, kahit na ang kanilang mga sakripisyo ay madalas na hindi nakikita o napapansin. Ang kanilang trabaho ay isang tapat na serbisyo na puno ng dedikasyon, tapang, at malasakit. Bagamat hindi laging maganda ang pagkakilala sa kanilang mga gawain, sa puso ng bawat guwardiya ay isang walang kapantay na misyon: ang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.
Isa sa mga hindi nakikitang bayani ay si Reynaldo S. Selga, isang 57-taong gulang na guwardiya na kasalukuyang nagtatrabaho sa President Elpidio Quirino National High School sa bayan ng Agoo, La Union. Sa likas na tanawin ng kabundukan matatagpuan ang barangay Macalva Sur, kung saan matatagpuan si G. Reynaldo o mas kilala as “Manong Rey”. Sa bawat araw ng kanyang buhay bilang guwardiya, ipinagpapatuloy niya ang isang tahimik na misyon na mabigay proteksyon, hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi maging sa bawat mag-aaral, guro’t, magulang na labas-pasok sa Kastilyo ng mga Elpidian. Sakripisyo ng Pagtatanggol “Mahirap kasi maraming may gusto sa trabaho na ‘to, pero thankful dahil nakuha ako rito,” may pagpapakumbabang tugon ni Manong Rey. Ang katawaga’t propesyong ito may malalim na kahulugan para kay Manong Rey, hindi ito tipikal na pagtayo at pagbabantay lamang sa tarangkahan. Bagkus, sa bawat hakbang na tinatahak nya papuntang trabaho kasabay nang pagtilaok ng manok sa tuwing alasingko’y natutunan niyang ang kanyang papel ay higit pa sa pagbabantay ng mga pinto at pagsiguro ng kaligtasan ng mga tao. Narating ng kanyang hinuha na hindi lamang ito isang posisyon, kundi isang misyon, isang responsibilidad na puno ng sakripisyo at dedikasyon. Sa Kailaliman ng Hamon
“Yung mag-traffic sa umaga, magbantay sa gate, mag-robbing sa hapon,” kwento ni Manong Rey. Ang bawat araw ni Reynaldo bilang guwardiya ay puno ng pagsubok at hirap. Mula sa matinding trapiko sa umaga hanggang sa mahahabang oras ng pagbabantay sa mga pasilidad, hindi madali ang trabaho. Ang mga gawain na madalas ay hindi binibigyan ng pansin, gaya ng pagbabantay sa mga pasilidad, at pagtugon sa mga pangangailangan ng iba, ay tumatagal ng maraming oras at lakas. Subalit para kay Manong Rey, ang mga simpleng gawaing ito ay may malalim na kahulugan. Sa kanyang mga mata, ang mga ito ay hindi lamang isang trabaho, kundi isang misyon na nagsisilbing proteksyon sa mga tao at nagtataguyod ng kaayusan sa komunidad. Sa bawat hakbang na ginagawa niya, nagiging tagapangalaga siya ng kaligtasan, isang misyon ng serbisyo na nagpapalakas sa pagkakaisa ng buong komunidad.
Paghango ng Lakas mula sa Pamilya “Kapag umuuwi ng hapon, nakikipaglaro ako sa apo,” ani Manong Rey. Sa kabila ng mahahabang oras sa pagtatrabaho at sa pagod, natutunan niyang maghanap ng kaligayahan
sa mga simpleng bagay. Ang bawat tawanan, kwentuhan, at laro kasama ang kaniyang apo ay nagsisilbing lunas sa pagod na dulot ng matinding araw. Sa mga sandaling iyon, nararamdaman niyang ang tunay na halaga ng buhay ay hindi lamang sa mga sakripisyo sa trabaho, kundi sa mga pagmumuni at pagmamahal na ibinubukas ng pamilya. Ang mga simpleng sandali ng kasiyahan na kasama ang mga mahal sa buhay ay siyang nagbibigay lakas sa kanya upang patuloy na magsikap. Pundasyon ng Lakas at Inspirasyon “Family,” sagot ni Manong nang tanungin siya tungkol sa kung ano ang kanyang motibasyon. Ang pamilya ni Reynaldo ay hindi lamang isang dahilan upang magsikap, kundi ang pinakamahalagang inspirasyon sa kanyang buhay. Ang bawat hakbang sa kanyang paglalakbay bilang guwardiya ay nagsisilbing hakbang na naglalayon ng mas maginhawang buhay para sa kanyang pamilya. Sa bawat sakripisyo na dulot ng trabaho, ang kanyang pamilya ang nagsisilbing ilaw at gabay na nagtitiyak na magpapatuloy siya sa kabila ng mga pagsubok. Ang bawat tagumpay ni Reynaldo ay hindi lamang para sa kanya, kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay upang magbigay ng mas magandang kinabukasan sa kanyang pamilya. Sa kabila ng lahat ng hirap, ang pamilya ang siyang lakas na nagtutulak sa kanya upang magpatuloy. Tahimik na Bayani
Ang mga guwardiya tulad ni Manong Rey ay ang hindi madalas natutuunan ng lente ng kamera. Tulad niya’y ang mga tahimik na bayani na nagsisilbing tagapangalaga ng ating kaligtasan. Ang kanilang mga sakripisyo ay madalas pikitmata sa nakararami. Ngunit sa lente ng pamilya ni Manong Rey at ng mga Elpidian, siya ay tunay na bayani. Hindi hinihingi ang papuri, ni pag-alala, kundi patuloy na naglilingkod nang may malasakit at dedikasyon. Tulay niya ang mga bayani, mga guwardiya na walang inaasahang parangal, ngunit patuloy na nagsisilbing haligi ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang tahimik na serbisyo, ipinapakita nila ang halaga ng pagpapahalaga sa bawat sandali ng pagmamahal at pagtulong sa iba. Ang kanilang pagiging guwardiya ay isang misyon na nagsisilbing pundasyon ng mas matatag na komunidad, isang buhay na puno ng sakripisyo at isang serbisyo na hindi matutumbasan ng kahit anong papuri. Mahalaga ang papel ng mga guwardiya sa ating lipunan, ngunit madalas ay hindi nila natatamo ang mga papuri at pagkilala na nararapat sa kanila. Ang kwento ni Reynaldo
S. Selga ay isang patunay ng mga tahimik na bayani sa ating bansa. Sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at mga sakripisyo, nagsisilbing guwardiya sila hindi lamang sa mga institusyon kundi pati na rin sa kanilang pamilya at buong komunidad. Ang kanilang buhay ay puno ng tapang, malasakit, at pagmamahal, at sa kanilang mga simpleng gawain ay itinataguyod nila ang seguridad at kaayusan. Ang kanilang misyon ay magpatuloy na maging tagapagtanggol ng kaligtasan,
Isinulat: Micca G. Panelo
Sa mundo kung saan ang kamalayan at kaalaman sa pananalapi ng bawat mamamayang Pilipino ay nagiging mas mahalaga, isang grupo ng mag-aaral ang masiglang tumindig upang tumugon sa hamon. Kaakibat ng pagiging malikhain at determinado, nagbuklod sila upang makalikha ng isang nakakaengganyong bidyo na naghahatid ng kaalaman sa kahalagahan ng pagbabayad ng buwis. Isa itong patunay na ang pag-unawa sa mahahalagang usapin tulad ng buwis ay isang tulay tungo sa pagbuo ng isang mas maunlad na lipunan.
Mula sa matayog na paaralan ng President Elpidio Quirino National High School, ang mga mag-aaral mula sa piling larangan ng ABM o Accountancy, Business, and Management ang namuno sa pagbuo ng kolektibong kampanya ukol sa responsibilidad ng pagbabayad ng buwis. Ang kanilang dedikasyon at mayamang kaisipan ay may mahalagang papel sa kanilang inisyatibo, na may layong magbigay ng kaalaman at inspirasyon. Kaugnay nito ang nakaraang pagsasagawa ng programa ng Provincial Government of La Union at Provincial Treasury na nagsilbing pundasyon sa mga mag-aaral upang gamitin ang kanilang boses sa kampanya. Ang programa ay pinamagatang “Financial Literacy and Tax Awareness Campaign” dahil sa layunin nilang palawakin ang isipan ng mga mag-aaral patungkol sa pera at buwis, nagtagumpay sila sa pagsasagawa ng isang nakakaengganyong paraan ng pag-aaral.

Dahil na rin sa pagpapalalim ng interes ng mga mag-aaral mula sa mahahalagang konsepto ng ‘financial literacy’, nagtagumpay sila na palawakin ang yaman ng kanilang kaalaman sa usaping salapi. Nakapaghatid din sila ng kaaya-ayang proyekto na kabuklod pa rin ng financial program, isang bidyo kampanya upang mahikayat ang mamamayan sa pagbabayad ng buwis.
Itinampok din nila ang isang programa ng Provincial Government of La Union na BIDA KA o Buwis nga Intay binaydan Dur-as ti Amin a KAPROBINSYAnihan. Isa ito sa paraan ng pamahalaan upang hikayatin ang bawat isa sa tamang pagbabayad ng kanilang buwis. Isa pa sa inihayag sa bidyo ay ang mga relatibong kaganapan sa ating pang-araw-araw na buhay, ang simpleng pagtawid at paggamit ng pampublikong daanan na isa sa maraming benepisyo ng buwis. Bilang katuwang ng mga bagong aral at iba’t ibang perspektibo, tunay nga na ang mga salita ay nag-uugnay sa gawa, dahil sa simpleng pagkilos na isinagawa ng mga itinalagang tauhan, ay tila naging isang liwanag upang mahanap ng mga mag-aaral na Elpidians ang isang daan patungo sa sama-samang pag-unlad. Ayon sa isang mag-aaral na kasama sa pagbuo ng kampanya, naniniwala siya na bawat isa sa atin ay may papel sa pagpapaunlad ng bansa. “Hindi lang naman mga nagtatrabaho ang nagbabayad ng buwis; maging kami ring mga estudyante. Dahil sa simpleng pagbili mo lang sa supermarket, ikaw ang nagbabayad ng mga buwis na ipinapataw dito,” saad ng mag-aaral na si Keira. Sa kabuuan, ang bawat dedikasyon, kaalaman, at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral na Elpidians ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa kanilang mga kapwa kabataan, kundi pati na rin sa mas malawak na lipunan. Ang kanilang paglalahad ng boses sa pamamagitan ng proyekto ng kampanya ay nagbigay ng kolektibong pag-unawa sa kahalagahan ng pagbabayad ng buwis. Ang bidyo kampanya ng mga mag-aaral ay tunay ngang nagBIDA dahil sa kahanga-hangang halimbawa ng pagiging aktibong kabataan na may malasakit sa lipunan.


Anti-Silos University: Jak Roberto, Gradweyt na! Elpidians, Kailan Kaya?
Sa paglipana ng iba’t ibang yugto na umiinog sa ating buhay, minsan mo na rin bang kinaadikan ang tambalang BarJack? na unang nakilala noong taong 2017 dahil sa mga nakakikilig na teleserye at pelikula na kung tawagin noong ‘Kapuso Series’, kung saan mula sa pagiging magkatambalan na nasaksihan ng karamihan, nagkatuluyan at nauwi sa pitong taong pagmamahalan. Kung noo’y napupuno ang sala ng dumadagundong na impit na hiyawan at tili habang kinikilig sakanilang mga romantikong eksena atteleserye habnag nanonood ng telebisyon, sa kalauna’y napalitan ito ng hagulgol at pagkabagsak na mga ngiti sa labi. Kung anong labis na saya at inspirasyon ang idinulot ng BarJack satin, ay siya namang katumbas ng labis na pagkasawi na hatid ng pagsasara ng kanilang kabanata.
“Akala ko sila na ang tunay na kahulugan ng “forever,” lalo na’t sa dami ng mga loveteams na nagkawatak-watak, sila na lang ang natirang matibay. Isa rin kasi sila sa nag-set ng standards ng karamihan. siguro hindi maiintindihan ng iba dahil iba-iba at nag uusbungan na yung mga tambalan na swak talaga sa bagong generation.” Mangiyak-ngiyak na pagkkwento ni Mary Devine R. Dalao, mag-aaral sa ika-12 na baitang ng President Elpidio Quirino National High School PEQNHS na hilig din ang panonood sa mga tambalan, isa na roon ang BarJack. Makulay na Kapa ng Pag-ibig Sa Meant To Be Dito sumipa ang karera ng kanilang tambalan, sa kanilang kauna-unahang teleserye, ang Meant To Be noong taong 2017 Kung saan ibinida ang karakter na si Maria “Billie” Belinda na siyang sumasalamin sa salamisim ng isang dalaga sa pagtatalaga ng nararapat na hanap-buhay para sa kaniya upang mapagaan ang pasan ng kaniyang pamilya, na nauwi sa pag-ibig ngunit hindi lamang para sa isang lalaki lamang, bagkus apat sila. Isa na roon si “Andoy” ang karakter ni Jak Roberto, ngunit sa kasamaang palad, hindi sila ang naka tali sap ag-ibig na dala ng tadhana para sa isa’t isa. Gayunpaman, hindi man pinalad sa palabas, nasungkit naman ni Jak ang malamamong puso ni Barbie sa tunay na buhay. Hindi nga naman maipagkakaila ang kagandahang taglay ni Barbie, kaya naman, hindi mabilang na kalalakihan ang sakniya’y nabibighani. Ngunit sa huli, sa dagat ng kalalakihang nais siyang hagkan, si Jak ang kaniyang nasungkit at napiling ipagkatiwala ang puso niyang punong-puno ng pag-ibig.
Isang Unibersidad, Umusbong, Sinubok ang kanilang Relasyon
Sa likod ng taong hinubog ng pagmamahalan at kasiyahan, hindi maipagkakaila ang mga punong nakahrang sa daan. Dahil din sa katanyagan at kagandahan ni Barbie, paglipas ng panahon ay naipapares na rin siya sa ibang kalalakihan sa industrya. Ang pinaka matunog na pangalan ng maginoo niyang naka tambalan, si David Licauco ang lalaking magpapatibok sa puso ni Barbie sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra.
“Naka pag-enroll na po ako sa Anti-Silos University” taas noo at matawa-tawang bitaw ni Sean Arly R. Garcia, isang estudyante sa paaralan ng PEQNHS. Ani niya’y sikat ang unibersidad na ito sa social media na kinaaaliwan ng karamihan, lalo na ang kabataang
kalalakihan. Kanila itong itinalaga sa pangalan ni Jak Roberto, dahil sa tambalang ‘Barda’ nina Barbie Forteza at David Licauco na siyang tinitilian at kinahuhumalingan naman ng kababaihan. Napuno ng tanong ang karamihan, hindi nga raw ba talaga nagseselos at kinaiinggitan ni Jak ang katambalan ng kaniyang kasintahan. Marahil pa sa kanilang hiwalayan, hindi maiiwasan ng taong bayan ang pagbabato ng kanilang opinyon noong nadurog ang kanilang puso dahil sa hiwalayan ng Barjack. Kung saan naging isang mainit sa tainga ng karamihan ang pangalan ni David na siyang inaakusahang isang dahilan ng kanilang hiwalayan . Nagsimula sa Kilig na Dala ng Pag-ibig, Nagtapos sa Tahimik na Tinig
“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened.” Ani ni Barbie nang kaniyang isiwalat sa madla ang relasyon nilang natuldukan. Sa pitong taon pagsasama ng dalawang mahusay na artista, maraming tao ang kanilang napabilib hindi lamang dahil sa makabagbag-puso nilang aktingingan sa harap ng kamera, bagkus maging ang relasyon nila sa likod man ng kamera.
“Naniniwala na akong wala talagang forever!” patok na katagang hinaing ng maraming Pilipino nang si Barbie Forteza mismo ang nagkumpirma ng paghihiwalayan nila ni Jak Roberto. Kasabay ng pag-agos ng luha ng mga fans nila sa social media dala ng labis na pagkadismaya, ang ilan pay nagsabing hindi na sila muling maniniwala sa pag-ibig pa.
Isang representasyon ang pagkawakas ng pagmamahalan nilang humubog sa pitong taon nilang relasyon na tunay ngang lahat ng magagandang bagay at pagsasamahan ay may hangganan, sa ayaw at gusto man ng karamihan, sila’y walang magagawa sapagkat nakatakda ito sa kanilang kapalaran. Ngunit sa kabila ng pagkabigo at labis na kalungkutan, huwag nating hahayaang balutin tayo ng takot at pigilan ang sarili sa pagkilala ng bagong tao na siyang makakasama mo sa paglikha ng bagong kabanata. Nawa’y mag-iwan ng pagkatanto at kakintalan sa atin ang hiwalayanng Barjack upang nang sa gayon, mas bigyang pagpapahalaga ang bawat oras at segundong kapiling natin ang mga mahal natin sa buhay. Dahil ang bawat kabanata sa ating kwntong naka-ukit sap ag-inog ng ating pamumuhay, ay itinadhana rin upang mawakasan at mabigyang katukdukan.
Saranggola ni Nene: kKung Paano Kumapit sa Pisi ng Pangarap
Matayog kung magpalipad ng saranggola ang kaibigan kong si Nene. Sa kanyang mapupungay na matang nakatitig sa malayong narating ng kanyang saranggola ay maapuhap ang kanyang pagnanais na mapataas pa ito ng tuwina, naroon ang kagalakan, ang kanyang kasabikan, ang pagkaabik na tulad ng kanyang saranggola ay balang araw malayo at mataas din ang mararating ng kanyang pangarap. May panggagalaiti sa kanyang ngipi’t bibig habang
Mabilis na dumatal ang dapit-hapon, simbilis ng kidlat ang naging pagbabago ng lahat. Sa isang iglap, nakita ko na lamang ang saranggola niya’y pigtas na, sira-sira’t ‘di na ata kayang lumipad – nagising na lamang ako isang umaga, iyong kasama kong nagpapalipad ng saranggola isa ng batang ina. Si Nene, may kirot sa pusong binitiwan ang saranggola. Nasama siya sa limang daang dalagitang nabubuntis sa loob ng isang araw, nadagdag siya sa kaso ng teenage pregnancy sa bansa. Magugulat

SQUID GAME: Paglathala sa Tunay na Kalakaran ng Lipunan
Isinulat: Alexa L. Lopez
Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa mas magandang bukas? Tanong na tiyak bumabagabag sa isipan ng mga manonood sa pelikulang umiinog sa masasalimuot na mga laro at matitinding pagsubok na puno ng pangamba at takot. Seryeng tumangay sa atensyon ng buong mundo, patuloy na kinagigiliwan ng karamihan, mga matatanda man o kabataan. Mula sa bansang Timog Korea, obra maestra ni Hwang Donghyuk, direktor ng nasabing serye, ang ”Squid Game.”
Dala ng pagkaburyo sa seryeng bagong kinahuhumalingan ng karamihan, akin na ring pinanood ang Squid Game na siyang bukambibig ng kapwa ko mag-aaral sa loob ng aming silid-aralan. Ang Squid Game ay umiikot sa samo’t saring serye ng laro na tila walang katapusan, kung saan ang mga kalahok, mga taong sanay sa paghihikaos – mga mahihirap. Sila ay nakikipagbunuan upang makamtan ang perang itinuturing nilang katumbas ng kanilang kabuhayan. Kung saan, ang pinakabida sa seryeng ito na si Seong Gi-hun o mas kilalang si player 456, na siyang nais tuldukan at malaman kung sino nga ba ang puno’t dulo ng larong nag-iiwan sa mga inosenteng nais lamang yumaman sa masalimuot na kondisyon; buhay ang kapalit kapag sa laro ay hindi ka nagwagi. Sa kabila ng mga laro na sanhi ng pagdanas ng dugo, ang Squid Game ay may layuning magbigay daan para sa mga manonood na mag-isip at magmuni-muni sa katanungang namumutawi ang katanungan kung hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang tao para lamang sa tagumpay at salapi. Nagiging kasangga ng bawat karakter ang kanilang mga pangarap, pangarap na mismong sila’y walang kasiguraduhan kung hanggang saan ba sila dadalhin at kung an oba ang tunay nilang kahahantungan. Tunay na ang serye ay nagbubukas ng pinto para sa mga tanong tungkol sa tunay na halaga ng buhay, pagkatao, at ang mga prinsipyong umiinog dito.


Masasabi ngang obra maestra ito lalo na pagdating sa sinematograpiya at mga karakter na siyang nagbibigay buhay sa pelikula. Bukod sa malalim na mensahe at matinding plot, ang kalidad ng Squid Game ay hindi rin matatawaran. Mayroon itong hindi pangkaraniwang visual style kung saan nagtataglay ng kakaibang tensyon at emosyonal na lalim ang bawat eksena at madarama mor in ang bigat ng atmospera. Dagdag mo pa ang pagka-kontrast ng bawat episode na siyang nagdagdag sa kabangisan ng bawat laro, at pinatindi ang pagpapakita ng paghahangad ng mga karakter sa premyo at tagumpay. Bukod pa riyan, hindi lamang ito nagbigay-diin sa mga intensyon ng bawat laro, kundi binigyan nitong kakayahan ang mga manonood na madama ang tindi ng panganib at tensyon sa bawat hakbang ng mga karakter. Ang mga eksena ng paghaharap at pagkatalo ng mga kalahok ay nagsanib upang maghatid ng obrang tiyak na makapag iiwan ng kakintalan na tatatak sa ating isipan. Bagamat ang Squid Game ay puno ng tensyon at kabangisan, ang tunay na mensahe nito ay nagsisilbing isang pagsasalamin sa ating lipunan. Isinasalaysay nito ang hindi pagkakapantay-pantay at ang desperasyon na nararanasan ng mga tao sa ilalim ng matinding paghihikaos na nararanasan nila sap aginog ng kanilang pamumuhay. Ang bawat karakter sa serye ay may kanya-kanyang kwento ng pagkatalo at pangarap. Sa kabila ng lahat ng kanilang paghihirap, ang bawat isa ay nagiging handa na magsakripisyo ng kanilang moralidad upang maipasakamy lamang ang premyo, kahit pa kapalit man ang kanilang buhay. Sa likod ng nakapanlulumo at malaabong takbo ng kaganapan sa serye, ang Squid Game ay nag-iiwan ng mahalagang kakintalan: ang buhay ay puno ng laro, ngunit hindi lahat ng laro ay patas, at hindi lahat ng tagumpay ay hahantong sa masagang katapusan. Sa huli, ito ay hindi lamang isang palabas na nagpapalakas sa dangal ng buhay; ito ay isang pagsasalamin sa ating lipunan at sa ating kakayahan na magnasa, magsakripisyo, at magbago. Isang laro ng buhay na patuloy na magpapalalim ng ating pang-unawa at pagpapahalaga sa ating mga prinsipyo na siyang namumutawi sa pagkakakilanlan ng bawat nilalang.

Isinulat: Alexa L. Lopez
Isinulat: Venice Nicaela E. Catalan
Bunganga Ni BumabalintunaSara,
Nagpasan sa krus ang mga Pilipino sa isang napakainit na isyu. Isyung tinututukan at sinusubaybayan ng bawat kabataan. Nitong nakaraang taon, sumabog ang alitan sa pagitan ni Inday Sara at ng presidente kasama ang kanyang asawa. Takot sa dibdib, iyan ang nararamdaman ng nakararami sa pagkabahalang magkakaroon ng malaking kaguluhan na makaaapekto sa kanilang pangkabuhayan, lalong lalo na ang pagdisiplina sa mga kabataan na tiyak na magiging sanhi ng malaking porsyentong pagbaba ng kabataang mayroong kabutihan. Sa paglilingkod ni Inday Sara, ang kanyang guhit ng palad na pala ang nakataya para sa bansa. Putok sa buhong sumabog ang isyu umano patungkol sa pagbulsa ni Sara ng 500 Million Pesos Confidential Funds at 112.5 Million Pesos naman galing sa DepEd Funds. Ang pangyayaring ito ay nagresulta sa isang kalbarvo. Noong Nobyembre 2024, kumalat ang isyu patungkol dito. Agad-agad gumawa ng alimuon at opinyon ang mga tao dahil sa pangyayaring nakaapeto. Bumula ang kanyang bibig at isiniwalat ang panig sa daigdig na naging sanhi ng awayan ng dalawang panig. Pinagmumura niya ang presidente ng buong tapang at walang kinatatakutan. “P****ina niyong lahat”, sambit ni Sara, nadala sa taranta na siya’y pagbantaan dahil sa maling pag aakala. Buwayang lubog tingin ng madla sakanya subalit tila’y nabigla lamang siya sa kanyang sawikain dahil sa bintang sakanya. Ang aksyon ni Sara na ito ay umapekto sa madla lalo na sa mga kabataan sa bansa. Bukang liwayway, bunganga ng kabataan, mas lalong lumikot dahil sa pagmumura ni Sara na naka post sa online. Mahigit 70 bahagdan ng kabuuang dagup ng kabataan ang nagmumura at ito’y nakababahala. Paano nga ba ito masusulosyonan? Paano nga ba ito malalagpasan? Paano nga ba ito matatanggal sa lipunan? Masusulosyonan ito sa pamamagitan ng simpleng tulong balikatan ng bawat tao, hindi lamang ng bansa kundi buong daigdig ng madla. Iwasto ang mali, maging isang mabuti. Ayusin ang pananalita, maging isang modelo sa madla.
bawat isa ng mundong puno ng hiwaga at himala. Hindi man naging maganda ang naging aksyon ni Sara, ngunit ang bawat isa ay may pagkakataong maghanap ng ginintuang pag-asa. Ito’y naging tanda na ang mga tao ay nagkakamali at may karapatang muling bumawi. Nawa’y ang pagmumura ni Sara ay hindi hubugin at gawin ng mga kabataang mamamayan. Ikrus sa noo, na sa bawat salitang binabanggit ng mga bibig ay mayroong kaabit na malaking suliranin na makaaapekto sa daigdig.
Ang mga kabataan ng ngayon ay tulad ng mga bulaklak sa isang hardin—kapwa maganda ngunit may mga tinik na maaaring magdulot ng pinsala sa kanilang paglaki. Sa tuwing ang isang tao, lalo na ang isang lider, ay nagpapakita ng hindi magandang halimbawa, ito ay nagiging salamin ng kanilang ugali na maaaring maghatid ng masamang impluwensya sa mga kabataan. Ang ating wika, na itinuturing na mahalagang yaman, ay katulad ng isang ilog na dumadaloy— mabilis at madalas nag-iiwan ng bakas sa mga dumi at buhangin na tinatahak nito. Ang mga salitang ating binibigkas ay may mga epekto na hindi agad nakikita, ngunit tiyak ay hahantong sa mga hindi inaasahang kalalabasan.
SDG 3: Pagpapaigting ng Kalusugan at Kagalingan para sa Ligtas na Kabuhayang punong-puno ng Kasaganahan.
Ang SDG 3, na naglalayong isulong ang kalusugan at kagalingan, ay isang mahalagang hakbang upang tugunan ang kalusugan ng bawat mamamayan, pati na ang kalusugan ng katawan at isipan. Sa kabila ng mga pagsubok sa kabuhayan, trabaho, at mga responsibilidad, karamihan sa kabataan ay nahaharap sa matinding pasanin dulot ng mga alalahaning nagmumula sa pag-inog ng kanilang buhay. Ang mga salik na ito, mula sa mga pangarap at ambisyon hanggang sa mga hamon sa araw-araw, ay nagiging sanhi ng labis na pagaalala na humahadlang sa kanilang kaligayahan at kapayapaan. Kaya’t napakahalaga ang pagkakaroon ng masusing pang-unawa, pagkalinga, at suporta sa kanilang kalusugan upang magtagumpay sa mga pagsubok at mapanatili ang kanilang kagalingan—ang unang hakbang tungo sa isang mas magaan at masaganang kinabukasan.

Mahalaga ang pagkakaroon ng pananagutan sa ating mga aksyon, lalo na sa mga mata ng kabataan na tinitingala ang mga pinuno ng bansa. Dapat sana ay magsilbing gabay ang mga lider na tulad ni Inday Sara at iba pang mga politiko sa tamang daan—isang landas na magpapakita ng respeto, paggalang, at disiplina. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang mga kabataan ay masigasig at puno ng pagnanasa, at kung hindi sila bibigyan ng wastong halimbawa, maaaring mawalan sila ng direksyon at mapariwara.
Bawat araw ay pagkakataon upang baguhin ang ating mga pagkakamali. Ang pagsisisi ay hindi sa huli, kundi sa simula ng ating pagkilos.
Si Sara, na tulad ng isang ilaw na nawalan ng kinang, ay may pagkakataong muling magsimula. Siya, at ang bawat isa, ay may tungkulin na baguhin ang kanilang mga aksyon upang hindi na muling magdulot ng kaguluhan sa mga kabataan at sa buong bansa. Sa bawat hakbang

a buhay, hindi laging tagumpay ang hatid ng bawat araw. Minsan nariyan ang kasiyahan, at lalong hindi nawawala riyan ang pinakamalaking pagsubok at hamon – ang kabiguan. Kaya naman ang mga kabataan na abala sa mga gawaing pampaaralan, idagdag mo pa ang mga alituntuning sa tahanan ay dapat ding isakatuparan, ay nakararanas ng tinatawag na stress.
quid mos sum nus dolente ceperi derfernatios moluptasi
dolorecto magnihilit, officiu ntionet
“Kung may kantang magkapaglalarawan sa kalagayan ko, siguro yung kantang ‘Burnout’ na iyon ng bandang Itchiworms ,” matawa-tawang saad ni Altaire G. Ablog Jr., isang mag-aaral na handa nang gumradweyt mula sa President Elpidio Quirino National High School. Ayon sa kanya, sinasalamin ng kantang ito ang matinding pagkapagod na tila ang tao’y nagiging lantang gulay na, hindi lamang sa pisikal, bagkus pati na ang emosyonal at Gayunpaman, sa gitna ng kasalimuotang dala ng mga obligasyon at gawain, dala ng pagnanais na maipasakamay ang init at sigla na dala ng mga mithiin, huwag nating iwaksi sa ating isipan ang katotohanang nararapat din tayong mamahinga upang mag-ipon muli ng enerhiya nang mapagtagumpayan ang hikahos na pilit na namumutawi at bumabagabag sa ating isipan. Narito ang ilang hakbang upang mairaos ang ‘stress’ na nararamdaman at maiwasan ang labis na pagka-burnout lalo na sa mga estudyante’t

1.Paglalaan ng Oras sa Sarili. Labis ng pagsusumikap at paggugol ng oras sa mga bagay na siyang daan upang makamit ang inaasam-asam, tila nagiging bula at naipagsasawalang-bahala na nating alagaan ang ating sarili. Gaya na lamang ng makina, paano ito mapaaandar at magiging epektibo kung hindi ito pinagpapahinga? Tiyak na maghihingalo ito.Nararapat lamang na tayo’y mamahinga at huminga upang malanghap ang sandal ng kaluwagan mula sa matuling pag-inog ng buhay. Kung tutuusin, hindi ito pag-sasayang ng oras bagkus pag-inom ito ng malamig na tubig pagkatapos makipag-sagupaan sa matinding init. Ang pagiging magulo sa buhay ay parang isang kwento ng barkong sumasalungso sa hagupit ng alon – ang mga gawain ay samu’t sari at nakalilito. Kapag may mga bagay na hindi organisado, ang takbo ng ating isipan ay mas nagiging isang gulo ng mga pirasong pilit na hinahanap ang tamang direksyon. Gayundin, dapat lamang na mayroon kang sinusunod na iskedyul na siyang nagsisilbing kalendaryo mo upang mas maging kalmado at kontrolado.

horsus habus. Obunum in det finam noterem obuntis hiliam, nicast elabuni hicaet apere non sedet gra in seris pore dinatoris sentea Sciisque dientil cae factum sis facii populud emquit L. Sat, Patum re conoctorus avo, deperfir ia oc tum perendu cerena, omnit, fic opti, que patius, caelicto vis? Bi sultorum ocuterenia cepsed renequidius, caet? Itat,Opublint faus abuntem ovicae tum inum ta merionsula mus? Senatus virtem nocaell atiemus, teatum atiente pra contemo raverum pernius, aus mo morus, mo tere, et ventem inat dees! Valia re ta, se, patilicae incerum inatum in Etra nocus vitatis senatus, vid furae am consuli, se comne aut grat, pat, quid ducii imulium poneri senequit. O tu effrehe menicam publicae noverrio conDamentem hos egitus intenatquos labites cipientem omnerei forum aurs tuis. Satilicaecit vitictum ad morterb issesteres pra? Ad moerestero, notarit, con Ita nos, nulicae et verfenti, qui conscesena, consul cepernis bonlostria rebem in aucit; intiam fordit ad culoccit; C. Bussolto nos mum es nes? Ahaceri ssuloc, oc, etis. Obus estessus Maribus la noressesili cotemquius villere, quo inprim me con silius, quod cota Satis hicae tiendam inihi, quit, quo casdam aribus videm abununtum moena, qua rem pra non verus. Senatus convero neque quidem re in virmihi lintris. Por la nordius tem caet vissid di, si paturor timis.
3. Makipag-usap, Makipag-rekonekta sa mga Isang hindi matatawarang yaman ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa pagitan ng inyong pamilya. Sa gitna ng mga bagyong dumarating, nagsisilbi silang matibay na puno na siyang nagbibigay lilim at proteksyon sa atin. Tila ang simpleng bati at pakikipag-usap sa kanila’y isang mabisang gamot sa nararamdamang pasakit ng puso at isipan. Kaya naman, huwag mag-atubiling lumapit sa mga tunay na nagmamalasakit gaya ng ating pamilya.
aut a is aspedit quuntis debit et, qui

Ota voloratquos aute suntis con poribus tiorro consequatem ium

4. Pakikipag-halubilo sa Positibong Support . Nagsisilbi silang kaliwanagan sa mala-abong kalsada sa buhay. Sa pamamagitan ng simpleng “Kaya mo ‘yan” o ‘di kaya’y “Nandito lang kami”, lahat ng pasanin ng bawat gawain ay gumagaan. Tunay na ikaw ay may masasandalan, lalo na’t alam mong nandiyan sila palagi sa oras ng kagipitan at pangangailangan.
Equidendi dem eiur, ea porest
5. Pagpapahalaga Sa Oras. Sa bawat galaw ng kamay sa orasan, ang bawat segundo ay maituturing na yaman, yamang kahit na sino ay walang kakayahan upang ito’y mabalikan. Ang pagiging mahusay sa time management ay isang sining na nagtuturo sa atin kung paano balansehin ang ating mga obligasyon at gawain. Kaya naman, tunay mong maisasakatuparan at malalampasan ang iyong stress kung marunong ka sa paggamit sa iyong oras.
Volorectibus etur mo occaboresto excepel ecaborruntia acescia veles magniam nis
dolumquam, sequame
sinitat ommodig entiatur? Andis doloribea corepel mi, ommolum, in eiunt. quonfecone et rem, sus, nossule sterum quam, Cupes? Feris obsendelicie ficulibus factuus firmaio rurnihi, spestemum
Sa likod ng mga nararapat na gawin upang ibalanse ang pamumuhay at pagkakaroon ng halaga at dahilan habang ikaw ay nabubuhay, hindi ito kayang sugpuin ng dali-dali’t isang iglap lamang. Ang buhay ay puno ng naglalakihang alon na tigib ng mga hamon, ngunit sa bawat hakbang na tayo’y humihinga at namamahinga, matututo tayong
Anterum hoctus eremus, senihili, nontem taribuncerem es! Pala Sent virid nosus Mae inatqui et grae consimo vehemor iampopos, num, tem patus conventem, nium re cut vatis, quam iuspiem fecient iaeliam publi, or audeffrei se mis videsil horunc ficionsus, Catiurorem dum Romnihiliam manulto diciis audercemus, con turnihilici publiendem hos actur la diusqui inatiam nesseni hilintrorta vivivirmis. Senius sedi, nimedien vessulicem nesta vit, num moripti, sticienatios intillabem delleri caelinte conlost? Gulos heber ad isque prare cut pulestr orendii publin vid Casdactus es perfectu etilica quit, sciam audentus convere muroxim ihilibestra, strit fur, quit is nonvoctur, Cas nocus la invocri demprop ubliciaet, efactam a comne et ine popoptiae ferobus. Pecriam octum iam noniurio condi, nonfici enterit num aperunt. Sciem, consim mus fur locula iptemei sta nondese ssinat auctus ex mo ere patina, aucienat caesil hilia? Me quita des menatus voctus dic morum con hoc ignatus sendit delarit publicis fuid in dem se, mur peribut cori contemum in

Isinulat ni: Pauline M. Lopez
Isinulat ni: Alexa L. Lopez

Hindi ka nag-iisa sa hamon ng Mental Health

Patuloy na nagbabago ang mundo kaya iba’t ibang uri ng ‘stress’, presyur at hamon sa emosyon ang kinakaharap ng mga mag-aaral sa panahon ngayon, libo-libong mag-aaral ang binabalot ng takot at depresyon, kaya upang mapigilan ang pagkasira ng ‘mental health’ ng mga kabataan nagsagawa ng isang panayan ang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) patungkol sa mental health noong ika-24 ng Oktubre. Sa patuloy na pagbabago ng panahon sa teknolohiya at edukasyon napakaraming kabataan ang nakararanas ng mga problema sa mental health, na may malalalim na epekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pag-aaral. “Nais naming bigyan ng liwanag ang mga anino ng mental health.Gusto namin ipaalam sa mga kabataan na bawat isip, bawat kwento, ay nararapat na makita, marinig at pahalagahan. Sama-sama, maaari nating sirain ang stigma, pasiglahin ang pag-unawa, at lumikha ng isang mundo kung saan ang mental health ng bawat isa ay mahalaga”, paglalahad ni Christiene Ara Marie A. Basallo, presidente ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG). Hindi biro ang isyu patungkol sa Mental Health sapagkat maraming tao ang nagnanais na umayos na ang kanilang pag-iisip marahil malaki ang masamang epektong dinudulot nito lalo na sa mga kabataan.
Mga nakaaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral Maraming bagay ang nakaaapekto sa pag-iisip ng mga kabataan tulad na lamang ng patuloy na pagdami ng presyur sa akademiya. Dahil sa mataas na ekspektasyon na nakukuha ng mga mag-aaral sa
mga ito na maging perpekto at ikumpara ang sarili sa iba.
Nagdudulot ng labis na presyur ang pagkakaroon ng mataas na expectasyon na kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkabahala at kawalan ng kumpiyansa. Sa paggamit din ng ‘online platforms’ kaya nakararanas ang mga kabataan ng cyberbullying, pressure sa kanilang itsura, at kakulangan ng privacy.
Epekto ng hindi pagseseryoso sa ‘mental health’
Sa hindi magseryoso o pagpansin sa mental health ng mga kabataan ay maaaring humantong sa negatibong epekto na maaaring makaapekto hindi lamang sa kanilang kasalukuyan kundi pati na rin sa kanilang kinabukasan.
Kadalasan ay pilinilit na lamang nilang itago ang kanilang totoong nararamdaman at magmukhang matapang kahit sila ay nahihirapan at hindi alam kung paano ipapahayag ang nararamdaman.
Maaari ding humantong sa malubhang kondisyon tulad ng chronic depression, panic disorders, o post-traumatic stress disorder (PTSD) - sa simpleng stress ay maaring mauwi sa ‘burnout’ ng isang tao. Sa halip na pagtuonan nila ng pansin ang kanilang mga aralin at gawain, ang kanilang isipan ay puno ng mga alalahanin at negatibong pag-iisip.
Paraan upang maprotektahan ang mental health ng isang tao
Kinakailangang maging bukas ang iyong isipan at bigyang-pansin ang kanilang nararamdaman, nararapat ding ipaalam sa kanila na hindi sila nag-iisa at mayroon silang kasama sa bawat problemang kinakaharap nila.


Gaano man kahirap isawalang bahala ang mga negatibong pangyayari, hindi pa rin dapat nawawala ang oras niyo sa inyong sarili.
Panatilihing malusog ang iyong katawan at huwag matakot ibahagi ang nararamdaman sa inyong
Maging handa sa babala ng MPOX Virus
Isinulat: Famkee B. Romero
Humaharap ngayon sa seryosong hamon ang Pilipinas matapos magkaroon ng naitalang kaso ng Monkeypox (MPOX) sa bansa kaya’t muling napag-usapan ang kahalagahan ng kaligtasan at inanyayahan umano ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang kanilang mag-aaral na maging handa at mag-ingat upang hindi mahawa sa nasabing virus.
Habang patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang pagkalat nito, muling nagpapaalala ang gobyerno at mga ahensya ng kalusugan na mahalaga ang pag-iingat upang mapigilan ang paglaganap ng sakit dahil nais lamang ng mga ito ang kaligtasan ng bawat isa sa ating bansa. Paano ito kumakalat?
Ayon sa Department of Health (DOH), maaaring maipasa ang virus sa mula sa hayop patungo sa tao pati na rin sa pagita ng mga tao sa pamamagitan ng direktang kontak sa balat ng isang apektadong tao, likido ng katawan, o kontaminadong bagay tulad ng damit o gamit sa taong may sakit.
Maaari rin itong kumalat o maipasa mula sa hayop na infected, tulad ng rodents o unggoy, sa pamamagitan ng kagat, kalmot, o pagkain ng kontaminadong karne, dahil dito mahalaga rin ang pagpapakalat ng tamang impormasyon at pagsunod sa mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Mga sintomas ng MPOX
Ilan sa mga sintomas ng MPOX virus ay may pagkakatulad sa smallpox, kabilang sa sintomas ng virus ay lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, namamaga ang kulani at pagkakaroon ng pantal na maaaring maging paltos o sugat, na karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang apat na liggo.
Bagama’t ito ay bihira, maaari itong magdulot ng malubhang komplikasyon o sa masamang palad ay humantong sa kamatayan, karamihan man sa mga may kaso

Importanteng protektahan at pangalagahan natin ang ating sarili lalo na ang ating isipan, bagama’t maraming problema ang dumadaan hindi dapat ito maging sanhi sa pagkasira ng mental health ng mga estudyante.

binahagi ng Philippine Red Cross (PRC) ng “Alagang Red Cross Health Caravan” ang mga tulong tulad ng ‘blood donating drive’, pagtest ng dugo, ‘dental and health check-up’, at mayroon ding libreng check-up sa mga mag-aaral ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) na siyang matagumpay na inorganisa sa tulong ng faculty and staff members ng PEQNHS at Supreme Secondary Learners Government (SSLG) noong ika-30 ng Agosto.

Ayon sa PRC, may kakulangan pa rin sa suplay ng dugo sa bansa, lalo na sa mga probinya kung saan limitado ang ‘access’ sa ‘blood banks’, kung saan ang kakulngan na ito ay nagdudulot ng pagkaantala sa mga kritikal na operasyon at paggamot, tulad na lamang ng ‘chemotherapy’, ‘dialysis’, at ‘emergency surgeries’.
“Sa ginanap na blood donation, daan-daaang boluntaryo ang nakisa, kabilang na ang mga guro at mag-aaral ng aming paaralan, ang aktibidad ay naglalayong hikayatin ang kabataan na maging aktibong bahagi ng mga nakataong gawain”, paglalahad ni Christiene Ara Marie Basallo, president ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG).
Maliban sa PRC, nakilahok din ang iba’t ibang pampubliko at pribadong ahensiya tulad na lamang ng Bureu of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Armed Force of the Philippines (AFP), Philippine Air Force (PAF), Philippine Coast Guard (PCG), Provincial Health Office (PHO), Rotary Club of San Fernando La Union, LD Lions Club, Barangay Officials of San Agustin East, at marami pang ahensiya upang tumulong at makiisa sa ginawang aktibidad. “Upang masigurado ang kaligtasan ng mga magaaral, siniguro ng mga doctor at nurses na dumaan
sila sa masusing screening bago sila mag-donate upang matiyak na ang kanilang kalusugan ay hindi maapektuhan habang nagbibigay ng dugo”, dagdag pa ni Basallo.
Binigyang diin din ang benepisyo ng ‘blood donation’ sa kalusugan ng nagbibigay, maaari itong makatulong ito sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo at pag-iwas sa ilang sakit, na siyang nagbigay umano ng inspirasyon sa mga mag-aaral dahil sa kanilang simpleng tulong ay may epektong hindi patatawaran.
“Since first time kong mag-donate ng dugo, medjo kinakabahan at natatakot ako pero imbes na magpadala sa takot ay inisip ko nalang ‘yung benefits nung pagdodonate ko, na hindi lang ito makatutulong sa akin na malilinis at maaayos ang blood circulation ko, kundi pat isa mga taong nangangailngan ng dugo”, ani John Dexter T. Fabro, mag-aaral sa PEQNHS na naghandog ng dugo.
Inaasahan na sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, makakamtam ang isang ligtas na hinaharap dahil sa paraang ito na ibinibigay ng mga mamamayan ay mayroong malaking epekto sa ibang tao na hindi matatawaran, isa itong malaking hakbang upang makatulong sa marami pang buhay.
ay gumagaling, maaari pa rin itong magdulot ng komplikasyon sa mga taong may mahinang immune system.
Mga dapat gawin upang makaiwas sa virus
Upang mapanatiling ligtas ang sarili sa kumakalat na sakit sa ating bansa, nararapat na palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, iwasan din ang masyadong pakikihalubilo sa iba’t ibang tao, umiwas din sa pagkain ng mga hilaw o hindi masyadong luto na karne mula sa mga hayop na maaaring carrier ng virus.
Nararapat din na kung ikaw ay nakakaramdam ng sintomas dito ay agad na sumangguni sa doctor upang agad na maagapan ang nararamdaman, ang mabilis na pagkilala sa mga sintomas, pagpapakonsulta sa doktor, at maingat na pag-iwas sa kontak ay ilan lamang sa mga epektibong paraan upang mapigilan ang paglaganap ng sakit. Sa simpleng paghuhugas ng kamay, pagiwas sa paggamit ng personal na gamit ng iba, at pagsusuot ng mask sa matataong lugar ay malalaking hakbang upang mabawasan ang panganib ng impeksyon.
Inaasahan na sa pamamagitan ng pagkakaisa, maingat na pagkilos at tamang kaalaman ng mga mag-aaral sa PEQNHS at mga mamamayan sa bansa, maiiwasan ang mas malawakang epekto ng anumang sakit na maaaring dumating, maaari ding mapigilan ang paglaganap ng Mpox at mapanatiling ligtas ang komunidad.
kaso na ng Monkeypox (MPOX) ang ibinalita sa Pilipinas sa taong 2024. Pinagmulan: Kagawaran ng Kalusugan
Upang umayos at luminis ang ating mga dalampasigan nagsagawa ng proyekto ang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) na Coastal Clean Up na siyang matagumpay na isinagawa kung saan nagsanib pwersa ang mga mag-aaral sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG), mga guro sa PEQNHS at mga barangay officials ng Cabaguan at San Isidro, Agoo, La Union upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng dalampasigan sa nasabing lugar noong ika-30 ng Nobyembre.
Ayon sa SSLG, ang pangunahing layunin ng Coastal Clean Up ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat tao para mapanatili ang kagandahan nito at maging ‘trash-free’ umano ang ating ‘coastal areas’, dahil din sa paglilinis ng mga kalat sa baybayin maraming mga tao ang nagpupunta sa lugar upang mamasyal, bagama’t maliit ang aktibidad na ito malaki ang epekto nito sa ating kapaligiran.
“By cleaning up our coastal areas, we can reduce harmful substance in the water that could harm marine life kaya bilang mag-aaral nagtulungan kami to preserve the cleanliness and sustainability of the ocean. We also encourage our classmates to join the clean up program para ating mga baybayin”, paglalahad ni Christiene Ara Marie A. Basallo, presidente ng SSLG ‘organization’.
Dagdag pa niya, nagtipon-tipon ang mahigit sa 50 katao mula sa PEQNHS, kung kaya’t mahigit 23 na lagayan ng basura ang kanilang napuno sa paglilinis sa dalampasigan ng Batog, sanhi ito ng kanilang pagkakaisa at pagtutulungan kaya nila napagtagumpayan ng maayos at nakakolekta ng maraming basura. “Gusto naming maimpluwensiyahan ang mga kabataan sa paglilinis ng kanilang mga basura dahil alam kong sa simpleng pagpulot ng mga basura ay mayroon ng malaking tulong sa ating kalikasan. Naniniwala rin ako na sa pakonti konting step na tinitake naming mas magiging maganda ang ating kalikasan, dahil hindi lang naman para sa atin ang proyektong ito kundi pati na rin sa ating inang kalikasan”, pagpapahayag ni Basallo.
Ayon pa sa kaniya, nais ng kanilang organisasyon na magkaroon ng malay ang mga kabataan sa ating kapaligiran, hindi lamang sa loob kundi pati na rin sa labas ng ating paaralan, nais kong ipalaganap ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng malinis ni kapaligiran, sapagkat kung hindi natin isasagawa ito ngayon pa lamang ay hindi natin makikita ang magandang resulta nito sa ating kapaligiran. “Napakahalagang isinasagawa ang ganitong aktibidad upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng ating mundo, dahil naniniwala akong the cleaner the environment the higher the biodiversity for a better economy. Ang magandang kapaligiran ay dulot ng ating pagtutulungan”, pagbabahagi naman ni Mary Ester Joy G. Sarte, miyembro ng Youth Environment School Organization.
Sa kabilang banda, nakaaalarma man ang dami ng basura na kumakalat sa mga baybayin hindi nag-atubili ang mga mag-aaral ng PEQNHS na nagboluntaryo at mga miyembro ng organisasyon sa PEQNHS na tumulong sa mga SSLG, YES-O at Barkada Kontra Droga (BKD) sa paglilinis ng dalampasigan, marahil ang polusyon ay nananatiling isang mahalagang isyu, at ang pagkilos ay sumasailalim sa kanilang dedikasyon at determinasyon upang bumuo ng mas malinis na komunidad. IInaasahan na ipagpapatuloy pa ng PEQNHS ang ganitong proyekto na isinasagawa kada anim na buwan upang mapanatili ang kagandahan at mas pa-iigtingin pa umano ng PEQNHS ang ganitong proyekto para sa ating dalampasigan at inang kalikasan.


Isinulat: Famkee B. Romero
Isinulat: Liza B. Viduya
Hindi ka nag-iisa sa Hamon sa Mental Health


Hindi maipaliwanag na sakit ang buwanang nararanasan ng bawat kabataang kababaihan, hindi yan lingid sa mundo at hindi rin nakailag ang mga Gabriellang Elpidian mula sa pasakit na ito. Ang kahirapan sa buwanang daloy o pagreregla ay isang normal na kalagayan at nararanasan ng mga babae, buwanang pasakit, pahirap, hindi lang pisikal kundi maging sa mental na kalagayan ng mga babae. Kaya naman, panaghoy ng Gabriellang Elpidian ang pagkakaroon ng libreng ‘sanitary napkin’ sa bawat silid aralan para sa kababaihan.
Maraming mga kabataang babae sa President Elpidio Quirino National High School ang nahihirapan sa araw ng buwanang dalaw. Ayon sa Mediko.ph ang menstrual cycle ay nagsisimula sa edad na 11 hanggang 14 kung kailan dumadating ang maturidad o pagdadalaga ng mga batang babae. Ang menstrual cycle o buwanang dalaw ay ang pagbabago o kaganapan sa katawan ng babae bilang paghahanda sa pagbubuntis at pagdadalaga ng mga kababaihan. Dagdag naman ni Sen. Sonny Angara, naghain siya ng batas na layong mag mabigyan ng libreng pasador o napkin ang mga babaeng estudyante sa mga pampublikong paaralan. Sa kanyang senate bill No.2658 o ang panukalang free menstrual products act ipinaliwanag ni
AI, Alam Mo Ba?: Epekto ng Paggamit ng Artificial Intelligence sa mga Mag-aaral
Angara na napakahalaga na mapalakas ang mga kababaihan dahil sila ang nangangalaga ng kalusugan ng pamilya.
Binanggit pa ni Angara na halos 120 milyong pilipino sa kasalukuyan, 34 milyon ang kabataang babae at kababaihan na nasa productive age. Nakasaad sa panukala, na magtutulungan ang Department of Health (DOH) at Department of Education o (DepEd) sa pamamahagi ng libreng “menstrual pads o products”.
Sa bawat silid-aralan ng mga Gabriellang Elpidians, isang makulay na hakbang patungo sa pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan ang inisyatibang pamimigay ng libreng sanitary pads. Sa panahon ngayon, hindi maikakaila ang kahalagahan ng mga hakbang na ito


upang masiguro ang kalinisan, dignidad, at kaginhawaan ng mga mag-aaral, lalo na ang mga kababaiahan. Subalit ang kawalan ng access sa mga produktong pangkalinisan ng mga Elpidians ay nagdudulot ng malaking problema para sa mga kababaihang may buwanang dalaw. Maaari silang mahantong sa kahihiyan, pag-iwas sa paaralan, at diskriminasyon ng ibang kapwa mag-aaral nito. Lalo na ang mga kalalakihan. Gayunpaman, bawat mag-aaral, bawat kabataan, ay binibigyang pagkakataon upang magtagumpay sa larangan ng edukasyon ng walang inaalala bukod sa mga pangarap na kanilang ninanasa. Ang kakulangan ng access sa sanitary napkins ng mga estudyante sa PEQNHS ay isang malaking problema para sa mga
kabataang babae pati na sa buong Pilipinas, na nagdudulot ng kahihiyan, pag-iwas sa paaralan, at diskriminasyon. Ang “Free Menstrual Products Act” ay isang mahalagang hakbang upang matugunan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sanitary napkins sa mga paaralan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong hakbang, isang maaliwalas na daan ang nabubuksan para sa bawat Gabriellang Elpidian upang lumakad ng buo, matatag at walang pag aalinlangan. Tunay ngang ang libreng pamamahagi ng sanitary pads ay isang paalala na ang bawat kababaihan, may nararapat na pagkalinga, pagmamahal at paggalang.
Mainit na tinanggap ng buong mundo ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya na tunay na kapansin-pansin dahil sa kakayahan nitong mabilis at epektibong masolusyunan ang iba’t ibang hamon ng modernong panahon. Gayumpaman, higit pa sa pagresolba ng mga problema, napadadali rin nito ang mga gawain, nagdudulot ng mas malaking pagtitipid sa oras at lakas.
Sa konteksto ng buhay estudyante, nagsisilbing katuwang ito sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pag-aaral, tulad ng paggawa ng takdang-aralin, pananaliksik, proyekto, at iba pa. Kilala ito sa pangalang “AI” o “artificial intelligence.”
Ang artipisyal na katalinuhan ay isang sangay ng agham pang-kompyuter na nakatuon sa paglikha ng mga sistemang kayang magsagawa ng mga tungkuling karaniwang ginagamitan ng talino ng tao. Kabilang dito ang pag-unawa sa wika, paglutas ng mga problema, pagtulong sa paggawa ng desisyon, at maging ang paggaya ng boses at anyo ng tao. Mula sa tangkay ng simpleng algritmo, patungo sa bunga ng sopistikadong neural networks, ang AI ay patuloy na nagiging bahagi ng ating buhay— mula edukasyon, negosyo, medisina, maging sa libangan. Malinaw na maraming mag-aaral ang umaasa sa tulong ng AI. Ang pag-usbong ng libo-libong aplikasyon na gumagamit ng AI upang suportahan ang mga estudyante ay patunay ng malaking impluwensiya nito. Halimbawa, ayon sa resulta ng pananaliksik na isinagawa ng mga mag-aaral na STEM mula sa President Elpidio Quirino National High School, ang paggamit ng AI educational apps tulad ng Gizmo ay nakatulong upang mapadali ang pag-aaral ng mga estudyante. Sa kanilang datos, lumabas na 37.20% ng mga estudyanteng Elpidian ang sumang-ayon na pinahusay nito ang kanilang akademikong performance, samantalang 37.80% ang nagsabing naging mas mabisa ang kanilang retention o pag-alala ng mga paksa. Bukod dito, 36.60% ang naniniwala
na nakatutulong ang mga ito sa pag-unawa ng komplikadong mga konsepto. Subalit, ayon naman sa isang pag-aaral ng Humanities & Social Sciences, ipinakita na may negatibong epekto ang paggamit ng AI, partikular sa larangan ng edukasyon. Ayon sa kanilang pag-aaral na, “The Effect of AI-reliance on Student’s Academic Performance and Behavior”, 68.9% sa mga respondents ang aminadong naging “tamad” dahil sa pagiging dependent sa AI. 27.7% naman ang nagsabing inaasa sa AI ang paggawa ng desisyon. Kung susumahin ang AI ay isa lamang gabay sa ating pag-aaral, hindi ito dapat maging ganap na pamalit sa ating pagsisikap na maabot ang ating mga pangarap. Malaki mang tulong ang teknolohiya sa ating edukasyon, subalit ito ang posibleng magpahirap sa ating kinabukasan sa hinaharap; sapagkat ang patuloy na pagdepende sa AI ay magdudulot kakulangan sa kaalaman at pagkawala ng tiwala sa sariling mong kakayahan. Bilang isang estudyante, dapat lang na matutuhan natin ang mag-balanse sa paggamit ng teknolohiya at pagpapayaman ng ating sariling kakayahan. Hindi dapat natin isubo ang panandaliang solusyong inihahain ng AI. Kung susumahin, nakasalalay parin sa ating desisyon kung paano natin gagamitin ang mga makabagong pag-unlad sa mabuting
E-Take Note Mo: Mga Benepisyo ng Paggamit ng Digital Note-taking sa mga Mag-aaral
ilang isang magiting at masipag na estudyante, aasahan mong baon-baon nito ang kaniyang makukulay na kwaderno at bolpen, handa na sa pagtitake down notes habang ang kanilang guro ay nagtuturo. Sapagkat karaniwang pasakit sa kamay ang pagti-take down notes ng sandamakmak na mga susulatin, hindi maikakaila na ito ay ikinatatanaran ng karamihang estudyante. Anila, hihingi na lamang ng kopya sa kanilang mga kaklase. Ngunit sa modernong panahong kinabibilanagan natin ngayon, marami nang imbensiyong ginagamit upang mapagaanang buhay ng mga estudyante sa maraming paraan, kasama na riyan ang pag-take down notes gamit ang mga makabagong gadyets. Ito ang tinatawag na “digital note-taking”.
Ang digital note-taking ay isang proseso ng paggamit ng kompyuter, tablet at telepono upang ayusin, i-organisa, at i-edit ang mga mahahalagang impormasyon at mga tala ng pag-aaral at iba pang mga dokumento. Gamit ang mga aplikasyon sa telepono tulad ng Evernote, OneNote, Simplenote, sa kompyuter gaya ng Microsoft OneNote, Evernote, Bear,, at mga digital notebook tulad ng Tablet, iPad, at Surface, hindi na kailangang gumamit pa ng tradisyonal na papel at panulat sa pagtatala. “Mas maganda ang digital note-taking, [dahil] nagiging mas “organized” ang notes ko”, saad ni Hadley Asuncion, mag-aaral ng 11-STEM. Dagdag pa niya, malaking tulong ang “categorization” features ng digital notes, kung saan maaring i-categorize by subject o by topic ang mga tala o notes. Ayon sakanya, napabibilis nito ang paghahanap ng file o impormasyon na kailangan. Narito ang ilang mga benepisyo ng digital note-taking: BENEPISYONG PANG-AKADEMIKO
Malaking benepisyo sa pang-akademiko nga ang hatid ng Digital note-taking. Sa pamamagitan ng tama at responsableng paggamit, napagagaan nito ang pagaaral –napabibilis nito pag-organisa at paghahanap ng mga tala o impormasyon. Nakatutulong rin ito sa pagre-review sapagkat isa sa mga features ng digital notes ay ang paggamit ng flashcards, highlights, o summary features para sa mas mabilis na pag-aaral. Maaari ring magdagdag ng images, graphs, videos, at audio recordings para mas madaling maunawaan ang mga konsepto sa mas interaktibo at flexible na paraan.
BENEPISYONG PRAKTIKAL
Sa pangmatagalan, ang paggamit ng digital note-taking ay masasabing cost-effective. Hindi na kailangang bumili ng maraming notebooks, ballpen, o highlighters. Sa isang app o device lang, lahat ng kailangan ay magagamit. Dagdag pa rito, sa mga apps tulad ng Evernote, Google Keep, at Notion, maaaring i-share ang notes sa kaklase o guro para sa group projects o peer reviews.
KARAGDAGANG BENEPISYO
Dagdag benepisyo rin ang mapatitipid nito ang oras ng paghahanap at pagtatala ng mga notes. Magkakaroon din ng kaluwagan sa kanilang pag-aaral, sapagkat maaari pa nilang hatiin ang kanilang ibang oras sa iba’t ibang gawain sa eskwel.
Isang dagdag na benepisyo rin ang ay mapatataas nito ang kaalaman sa digital literacy, sapagkat natututo rin ang mga mag-aaral gumamit ng mga productivity tools na magagamit hindi lang sa paaralan kundi pati sa trabaho sa hinaharap. Sa kabuuan, ang digital note-taking ay may malaking epekto sa mga magaaral, lalo na sa pagpapahusay ng kanilang pag-aaral at pagiging produktibo. Sa pamamagitan ng mas organisado, madaling ma-access, at interaktibong paraan ng pagtatala, nagiging mas epektibo ang pagkuha at pagproseso ng impormasyon. Nakakatulong din ito sa pagpapadali ng paghahanap ng mga tala, pag-oorganisa ng mga ideya, at pakikipagtulungan sa iba. Gayunpaman, tulad ng anumang teknolohiya, kailangan itong gamitin nang tama upang maiwasan ang mga posibleng distraksyon at negatibong epekto. Sapagkat sa tamang disiplina at paggamit, ang digital note-taking ay isang makapangyarihang kasangkapan na maaaring magdulot ng tagumpay sa akademiko at sa iba
ng
paraan. Ang pag-iingat ay isang paraan upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng AI. Ang kakayanan nito na gumaya ng boses, mukha, at maging ang buong pagkakakilanlan ng isang tao ay isang nakababahalang elemento na maaring mag dulot ng masamang epekto sa mga gumagamit nito.
Dagdag pa rito, napakahalaga na mabuhay tayo ng may sariling kaalaman at hindi umasa lang sa isang pindot mula sa teknolohiya. Tulad nga ng sabi ng AI, ang mga impormasyon na kanyang ibinibigay ay hindi garantisadong tiyak. Kaya naman ang kabuuang pagdepende sa mga ‘generated answers’ na ibinibigay nito ay maaaring magdulot ng masama o maging sanhi ng kapahamakan. Sa holistikong perspektibo, ang AI ay patuloy na magiging bahagi ng ating pamumuhay. Sa mundong ating ginagalawan, ang teknolohiya ang nagbubukas ng pinto para sa makabagong solusyon at inobatibong naglalayong mapadali ang ating pamumuhay. Gayunpaman, nasa ating mga kamay ang responsibilidad na gamitin ito nang wasto at may sapat na pananaw at kaalaman. Sa wastong paggamit, ang AI ay maaaring maging isa sa pinakamabisang kasangkapan tungo sa mas matagumpay na kinabukasan.


pang aspeto
buhay.
Isinulat ni Famkee B. Romero
Isinulat ni Dexter T. Fabro
Isinulat ni Liza B. Viduya

Isa
Paglabo ng Mata, Paglabo ng Pag-aaral
nang seryosong isyu na nararanasan sa President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang patuloy na paglabo ng paningin ng mga estudyante. Sa panahong ang teknolohiya at online na edukasyon ay bahagi na ng pang-arawaraw na pamumuhay ng estudyante, nagiging mas mahalaga ang pagbibigay-pansin sa epekto nito sa kalusugan ng mata ng mga mag-aaral.
Maraming mag-aaral sa PEQNHS ang umaasa sa mga gadyet tulad ng mga smartphone, laptop, at tablet, lalo na sa pag-aaral. Sa mga klase at gawaing pang-akademiko, ang sobrang paggamit ng mga gadyet ay nagdudulot ng mga karaniwang sintomas tulad ng malabong paningin, pangangalay ng mata, at pamumula o pangangati.
“Digital eye strain” ang isa sa mga pangunahing kondisyon na nararanasan ng mga estudyante dahil sa matagal na paglalantad sa screen. Sa mga mag-aaral na umaabot sa maraming oras sa harap ng kompyuter para sa kanilang mga takdang-aralin, pananaliksik, o maging sa paglilibang, hindi malayong magkaroon sila ng pananakit ng ulo, malabong paningin, at pagkatuyo ng mata.
Upang mabawasan ang masamang epekto ng blue light mula sa mga screen, ang paggamit ng blue light filters ay inirerekomenda ng mga eksperto. Makatutulong din ang mga aplikasyon na nagbibigay ng paalala na magpahinga o limitahan ang oras ng paggamit ng mga gadyet.
Sa PEQNHS, nakikita kong maaaring isulong ang pagsunod sa 20-20-20 rule: bawat 20 minuto ng pagtutok sa screen, tumingin sa isang bagay na 20 talampakan ang layo sa loob ng 20 segundo. Bukod dito, ang tamang postura habang gumagamit ng gadyet ay mahalaga rin upang maiwasan ang sobrang pagod sa mata at leeg.
Mahalagang bahagi ng paglutas sa problemang ito ang kooperasyon ng paaralan at pamilya. Ang PEQNHS ay maaaring maglunsad ng kampanya para sa kalusugan ng mata, tulad ng pagsasagawa ng seminars tungkol sa ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya. Ang mga magulang naman ay dapat hikayatin ang kanilang mga anak na magkaroon ng balanseng oras sa paggamit ng gadyet at pisikal na aktibidad.
Higit sa lahat, dapat na regular na magpatingin sa ophthalmologist dahil ito’y mahalaga upang maagapan ang anumang posibleng kondisyon sa mata. Maaaring hikayatin ng ating paaralan ang mga mag-aaral at kanilang pamilya na maglaan ng oras para sa regular na check-up.

Nakagugulat na may mababasa tayo online na nagsasabing may kumakalat na namang virus sa ating mundo. Mas nakagugulat pa dito, mismong World Health Organization (WHO) raw ang nagsabi ng balitang ito. Para sa’kin, dapat munang siguraduhin ang isang balita kung ito ay totoo o hindi dahil maaari itong magdulot ng pangamba sa mga tao lalo na't kagagaling lang natin sa isang pandemya.
Sa kabutihang palad, kinumpirma na ng World Health Organization (WHO) na wala silang natatanggap na balita na may kumakalat umanong virus sa bansang Tsina. Paniwalaan natin ang WHO dahil ito ay “reliable source”, hindi rin daw sila maglalabas ng pahayag kung ito ay peke dahil ang pekeng impormasyon ay maaaring makapagdulot ng pangamba sa mga tao. Ngunit, ang kinababahala ng mga tao ay ang pagkakaroon ng banta ng sinasabing virus kung hindi naman pala ito totoo.
sex-ed para sa lahat SANA
Ipokrito
ang mga kritiko ng Senate Bill no. 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 sa pagiging abala sa pangunguna sa mga debate sa internet dahil tinatapakan umano nito ang moralidad ng mga Pilipino, kahit pa ma’y balintuna sa katotohanang una sa buong mundo ang Pilipinas pagdating sa panonood ng ‘porn’ o malalaswang mga panoorin taon-taon.
Abala ang mga Pilipino pagpuna ng naturang bill dahil sa pinaniniwalaang banta sa kanilang moralidad o “Filipino values” kesa isipin ang mabuting dulot nito sa kritikal na pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy at iba pang suliraning ukol sa pang-aabusong sekswal. Dahil sa “boomer mentality” na ito ng mga Pilipino, nagiging bisible lamang ang linya sa pagitan ng Pilipinas at ng mga mauunlad na bansa sa buong mundo.
Kaugnay nito, nagmagaling na naman ang Presidenteng si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan naglabas ng dalawang pahayag na kontradiksyon ng isa’t-isa. Unang komento nito ay positibo, umani ng komendasyon sa mamamayan kung saan sumusuporta umano siya edukasyon
Sumasalamin lamang ito na hindi talaga binasa ni Marcos ang naturang Bill bago maglabas ng pahayag na magbibigay gulantang sa mamamayan.
Ayon sa grupong Save the Children, ang edukasyon umano sa mga tahanan at paaralan at higit pang mga serbisyong pangkalusugan para sa kabataan ay mahalaga sa Pilipinas upang matugunan ang 35% na pagtaas sa mga pagbubuntis. Indikasyon na ang Senate Bill 1979 isang polisiyang makatutulong upang mapigilan ang maagang pagbubuntis.

“Akala ko naman magkakaroon na naman ng pandemic, made-delay na naman ‘yung pag-graduate namin. Sa totoo lang, sana hindi naman naglalabas ng ganong (fake news) info ‘yang mga health orgs. kasi nakaka-alarma talaga…” ani Jan Kyla Serquina, mag-aaral ng PEQNHS. Indikasyon na talaga namang nakaaalarma ang mga nilalabas na isyu na ito ukol sa kalusugan lalo pa’t maraming naantalang importanteng okasyon noong nagkapandemya na talaga namang naging pasakit sa sangkatauhan. Kapag may nababasa tayo online ay agad agad nating pinaniniwalaan dahil lamang sa rami ng likes nito. Hindi natin ito kinukumpara ng maigi kung ito ba ay totoo o peke. Lumalaganap ang mga tsimis at haka-haka kaya mas naniniwala ang nga tao dahil sa dami ng tsimis online at kanila naman itong kinakalat sa kanilang mga lugar.
Bilang isang Elpidian, dapat alam natin kung tama o mali ang balita online. Hindi yung isa pa tayo sa nagpapakalat ng tsimis
“Mas maganda pang ma-prevent yung pagbubuntis kesa naman wala silang ipapakain sa anak nila tapos yung bata rin ang mahihirapan kalaunan. I’m firm na malaking tulong itong bill para mabawasan din yung poverty rates ng bansa.” ani Krisha Mae Dulay, mag-aaral ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS). Ito’y nagpapakita lamang ng pakikiramay ng mag-aaral sa hirap na magiging dulot ng maagang pagbubuntis.
Sa loob lamang ng paaralan ng PEQNHS, nasa isa hanggang tatlo ang nabubuntis taon-taon, dahilan upang hindi na magpatuloy ang mga ito sa pag-aaral dahil sa kahihiyan dulot ng pagbubuntis. Kahit pa man mayroong sariling Teen Center ang PEQNHS, hindi pa rin maiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral dahil din sa kakulangan ng pagiging bukas ng gobyerno sa kabuoan sa Sa kabutihang palad, mayroong Open High School Program na itinataguyod ang PEQNHS kung saan kahit nasa tahanan ang mga mag-aaral na hindi na makapasok sa paaralan ay binibigyan pa rin sila ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng ‘online classes’ at modyuls. Ngunit, hindi dahil mayroong Open High School Program ang paaralan ay hihikayatin nang mabuntis nang maaga ang mga mag-aaral, bagkus ipakita ang kahihinatnat ng kanilang kakulangan sa kaalamang sekswal. Ayon kay Jhean Erich Calanno, isang magaaral ng PEQNHS, dahil din umano sa pagiging ‘conservative’ ng mga magulang sa loob ng tahanan, hindi napag-uusapan ang reyalidad na ang kabataang Pilipino’y bukas na sa usaping sekswal kung saan mabibigyang sila ng kaalaman upang mapigilan ang pagiging batang mga magulang. Malinaw na manipestasyon itong ang ignoranteng pag-iisip ng matatanda ang humihila sa edukasyong sekswal ng bansa. Sa holistikong perspektibo, nararapat na lamang ipasa ang nasabing bill dahil kung mababawasan ang mga nanganganak nang maaga, mas malaki ang tyansang sila’y makapag-aral pa at kalauna’y magkapamilya kapag sila’y handa na. Oras na rin upang makipagsabayan ng Pilipinas sa mauunlad na bansa, kung saan bukas ang kanilang mga gobyerno sa usaping edukasyong sekswal. Mabibigyang proteksyon din ng polisiyang ito ang mga naaabusong sekswal ng kanilang mga tinuturing na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman at tapang sa kabataang kilalanin ang kanilang mga sariling katawan.
online na wala namang katotohanan at nabasa lang din naman online ang tsimis. Maging matalino tayo at huwag paniniwala sa tsismis na walang katotohanan. Sa holistikong perspektibo, dapat na gumawa ng polisiya ang gobyerno ukol sa mga nagpapakalat ng fake news kung saan papatawan ang mga ito ng karampatang parusa upang magtanda. Paigtingin din dapat ng ating gobyerno ang proteksyon ukol sa privacy at laban sa paglaganap ng fake news. Tayo namang mamamayan, huwag din tayong magkakalat ng tsismis kung wala namang katotohanan. Makiisa tayo sa pagpuksa ng mga maling impormasyon hindi yung nakikiisa tayo sa pagpapakalat nito. Maaring makapagdulot ng pangamba sa mga tao ang pekeng impormasyon kaya huwag tayong magpapakalat ng ganitong uri ng tsismis. Maging matalino at mapag usisa samga nababasa online dahil hindi lahat ng nasa online ay totoo.

Pregnancy Act of 2023, polisiyang nagbibigay proteksyon sa kabataan laban sa maagang pagbubuntis.
Pinagmulan: Republika ng Pilipinas

Isinulat ni Famkee B. Romero


Kampeon si Magno: Bunga ng Determinasyon, Baon Ng Nagdaang Mga Hamon

a likod ng bawat tagumpay ay nakatago ang isang kwento ng tapang, tiyaga, at walang hanggang pagsusumikap. Sa bawat pawis na tumulo at bawat pagod na naranasan, isang pangarap ang untiunting hinubog—ganito ang kwento ni Zyrendel Khate A. Magno, isang atleta at mag-aaral na lumilipad sa tagumpay tulad ng isang agilang matagal nang naghahanda sa paglipad sa himpapawid.
Ipinanganak noong Mayo 13 sa malamig na lungsod ng Baguio, si Zyrendel ay lumaki sa isang pamilyang puno ng pagmamahalan at saya. Ang mga alaalang kasama ang pamilya’t kaibigan ay tulad ng mga bituing kumikislap sa kanyang gunita—mga larong puno ng halakhak, akyat-baba sa mga puno, at saya sa baryo. Subalit, ang kanyang simpleng mundo ay nagbago nang matagpuan niya ang isports na Wushu, isang daang hindi niya akalaing magdadala sa kanya sa mas mataas na antas ng pagkilala. Sa ikaapat na taon ng kanyang Junior High School, binuksan ni Ginang Mery Ann Hidalgo ang pinto patungo sa larangan ng Wushu. Sa simula’y tila naglalakad siya sa landas ng matatalim na bato—masakit, mahirap, halos ayaw na niyang magpatuloy. Ngunit sa bawat hakbang, ang kanyang pamilya ang naging ilaw na nagbigay-liwanag sa kanyang daan. Hindi niya iniwan ang laban, at sa halip, ginamit niya ang bawat sugat bilang lakas upang
Hindi naging madali ang landas ni Zyrendel. Ang pandemya ay tila isang unos na pansamantalang sumira sa kanyang mga pangarap. Ngunit tulad ng bahagharing sumusunod sa ulan, nakita niya ang liwanag sa likod ng ulap. Sa edad na 14, sumabak siya sa kanyang unang kompetisyon noong Marso 2023. Bagamat baguhan, nagawa niyang mag-uwi ng gintong medalya at maging kinatawan sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet.
Sa bawat kompetisyong sinalihan, isa siyang mandirigmang hindi nagpatinag. Sa District Meet 2024, nagningning ang kanyang bituin nang muli siyang maguwi ng ginto, na sinundan ng tagumpay sa Provincial Meet 2024. Bagamat hindi pinalad na mag-uwi ng medalya sa R1AA noong nakaraang taon, nagpatuloy siya. Ngayon, handa na siyang muling lumaban sa
Nakakapanabik talagang masaksihan ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at mundo ng laro. Mula sa mga simpleng app na nagbibigay-aliw sa pang-araw-araw nating buhay, ngayon ay nagbabago at lumalawak ito upang maging isang matunog na laro sa larangan ng e-sports. Sa Pilipinas, kung saan nangingibabaw ang mga laro tulad ng Mobile Legends, Call of Duty, at League of Legends, unti-unting lumilitaw ang isang tahimik ngunit makapangyarihang rebolusyon sa pag-usbong ng mas simpleng mga laro tulad ng Block Blast.
Ang Block Blast ay may simpleng mekaniks: kailangan mong i-organisa ang mga bloke upang makabuo ng tamang pormasyon, at pagkatapos ay sirain ang mga ito upang magbigay daan para sa mga susunod na bloke. Habang lumalampas ka sa bawat hamon, tataas ang iyong puntos at masusubok ang iyong diskarte.
Sa kabila ng pagiging simple ng larong ito, ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa mga manlalaro dahil nagbibigay ito ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang iba't ibang estratehiya at taktika. Ito rin ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naaakit ang marami na subukan ang laro.
Hindi tulad ng mga karaniwang laro sa e-sports na nangangailangan ng mamahaling kagamitan katulad

ng kompyuter at masinsinang pagsasanay, ang Block Blast ay nagbibigay ng kakaibang karanasan, dahil ito ay madaling laruin at maa-access sa kahit anong mobile device at ang maganda pa, hindi ito kinakailangan ng internet.. Hindi nito kinikilala ang limitasyon ng estado sa buhay, kaya’t nagiging daan ito para makilahok ang mas maraming tao mula sa iba’t ibang antas ng lipunan. Isa itong malugod na paanyaya sa sinuman na pumasok sa masiglang mundo ng laro, nang walang takot sa posibleng malaking gastusin. Higit pa sa pagiging simpleng puzzle game, ang Block Blast ay isa na rin ngayong mainit na laro sa lumalaking mundo ng e-sports. Habang dumarami ang mga manlalaro at tagasuporta nito,
Kyle Jacang: Tagalay na Kakayahan, Sandata Upang Maipagsawalang Bahala ang Kapansanan


lumalakas din ang posibilidad nitong makakuha ng mas malaking atensyon at puwang sa industriya. Sa kabila ng pagiging simple, ang laro ay nagdadala ng aliw, saya, at hamon na kinagigiliwan ng marami. Sa huli, ang pagsikat ng Block Blast ay isang patunay na ang e-sports ay para sa lahat. Nagsisilbi itong tulay sa mga manlalaro mula sa iba’t ibang antas ng buhay, nagkakaisa sa isang mundo kung saan ang pampalipas-oras at kompetisyon nagsama-sama. Sa kasalukuyan, handang-handa na ang Block Blast na tumapak sa spotlight bilang hindi lamang isang laro, kundi bilang tagapaghatid ng oportunidad at inspirasyon sa umaarangkadang industriya ng e-sports.
paparating na R1AA na gaganapin sa Pebrero, bitbit ay ang alab ng kanyang determinasyon.
Ngunit hindi lamang sa Wushu kilala si Zyrendel. Siya rin ay isang bituin sa larangan ng akademiks. Mula elementarya, palagi siyang nasa listahan ng mga may karangalan, isang patunay na kayang pagsabayin ang kahusayan sa pag-aaral at pag-eensayo. Kabilang rin siya sa Mamamahayag ng kanyang minamahal paaralan. Kamakailan, pinatunayan niyang kaya rin niya ang pagsusulat matapos magwagi sa patimpalak sa pagsulat ng Editoryal at maging bahagi sa mga aarangkada a DSPC 2025.
Bilang isang Igorot at bahagi ng mga Indigenous People, ipinagmamalaki ni Zyrendel ang kanyang pinagmulan. Ang kanyang pagmamahal sa musika, pagbasa ng libro, at pagluluto ay patunay na siya’y hindi lamang isang atleta at estudyante kundi isang taong puno ng talento at pangarap.
Dalawa ang lamang ang kanyang pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral upang maibsan ang pasanin ng kanyang pamilya at ang makarating sa Palarong Pambansa—ang pinakamataas na entablado para sa mga batang atleta. Dito, nais niyang mag-uwi ng gintong medalya, hindi lamang bilang patunay ng kanyang kahusayan, kundi bilang sagisag ng kanyang determinasyon at pagmamahal sa kanyang ginagawa.
“It’s okay to rest, but never okay to stop, until you’ve reached your goal to be at the top,” ang mga salitang tila mantra ni Zyrendel sa kanyang sarili. Ang bawat hakbang niya ngayon ay patungo sa tagumpay, tulad ng agilang lumilipad patungo sa tuktok ng kabundukan, hindi nagmamadali ngunit sigurado sa kanyang direksyon.
Mag-aaral, Atleta at Mamamahayag. Iyan si Zyrendel Khate Magno, isang inspirasyon at buhay na patunay nang masigasig na kabataang Pinoy.

inasalamin ng kaniyang mga salamisim ang bawat pawis at paghihikaos na iginugugol niya sa larangan ng isports pati na sa kaniyang pag-susunog ng kilay sa paaralan na siyang tunay na magtatalaga sa kaniyang kahihinatnan at kapalaran. Sa likod ng kaniyang pagkakaroon ng kapansanan na siyang pilit na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng puwang sa kaniyang buhay, kaniya itong winawaksi kabalikat ang kakayahan niyang natatangi. Isang mag-aaral mula sa ika-11 na baitang sa paaralan ng President Elpidio Quirino National High School [PEQNHS], siya si Kyle N. Jacang. Kinikilala sa larangan ng isports sa paglalaro ng bolang rattan o kilala bilang sepak kasabay nang paggugol niya ng oras sa mga libro at numerong magsisilbi niyang gabay upang makasabay sa agos ng buhay.
Gaya ni superman, kaya ring lumipad ni Kyle upang isalba ang bolang didikta sa kakayahan niya. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, hindi niya tangan ang kabuuan ng kaniyang katauhan, dahil sa siya’y ipinanganak at lumaking iisa lamang ang mulat na mata. Gayunpaman, inalis ni Kyle sa kaniyang isipan ang mga agam-agam na siyang pilit na bumibingi sa kaniya sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagkakaroon ng puspusang determinasyon upang makaahon sa rumaragasang dagat na puno ng pag-aalinlangan at walang kasiguraduhan.
Katapangang Pabaon ng Kaniyang Magulang “Bata pa lamang ako, hilig ko nang maglaro kasama ang mga kaibigan ko.” Nakangiting ani ni Kyle habang binabalikan ang nakaraan. Sa inosente at makulit niyang isipan punong-puno ito ng hangarin, pati na sa kadiliman na taglay ng isa niyang pikit na mata, ay ang makulay niyaVng pangarap na inaasam-asam. Katuwang niya ang kanoyang mga magulang na siyang suportado at palagi siyang pinapaalalahanang ingatan ang kalagayan ng katawan at kalusugan tuwing siya’y sasalang na court.

Sa pag-inog ng kaniyang kapalaran, bitbit niya ang natatanging kakayahan sa paglalaro ng sepak takraw hanggang sa makatungtong siya sa sekundarya. Ngayon, gamit ang galing at husay niya mula sa karanasan sa paglalaro, at motibasyong hatid ng kaniyang pamilya’t mga kaibigan, tampok na ang apelyido niya sa nasabing larangan. Mithiing ‘sing Taas ng Kaniyang mga Talon Noong kapapanganak niya pa lamang noong taong 2008, buwan ng Hulyo, bitbit niya na ang pagkakaroon ng kapansanan, ngunit ang karamihan ay hanga sakaniya sapagkat hindi niya ito itinuring na puno sa daan, bagkus ginawa niya itong dahilan upang magbigay inspirasyon sa mga katulad niyang tila tinatapakan ang sangkatauhan. “Sanay na ako sa nasasabi nila tungkol sa mata ko.” Ani ng binatilyo, ngunit bakas ang pagkahiya sa kaniyang tinig. Tila naging hamon din para sa kaniya ang pagsasabay ng paglalaro at pag-aaral niya, lalo na’t wala siya sa klase tuwing siya’y nagpapakitang gilas sa larong sepak takraw, dagdag mo pa ang mga aktibidad na ipinapagaw ng bawt guro. Subalit ang solusyon niya’y “Pilit ko pa ring inaaral kung ano man yung nakaligtaan ko, dahil ginusto kong maglaro at gusto ko ring makapasa at makapagtapos, kaya pinaninindigan ko nang maigi yung desisyon ko.” Taas noong ani Kyle. Bawat sipa niya’y may kaakibat na kwento, kwentong magbibigay lakas loob sa mga katulad niyang tila pilit na minamaliit at tinatak-tapakan lamang. Dala ng pagbibigay ni Kyle ng kaniyang puso sa tuwing siya’y naglalaro, kapalit naman nito’y tropeo, tropeong bitbit niya at pang habang buhay niyang maipagmamalaki. Nawa’y magsilbing inspirasyon si Kyle sa karamihan, lalo na sa mga katulad niyang may kapansanan. Na kahit hindi man sing-lakas ni batman, sing-tulin ni flash, at sing-taas ng lipad ni superman, para kay Kyle hindi importante ang pagkakaroon ng ganitong katangian, basta ikaw ay determinado at sigurado sa landas na iyong tinahak na
ma’y hindi ka magpapasindak sa agos na dala ng paghihikaos.
kailan
Isinulat ni Louise Mae E. Viernes
Isinulat ni Louise Mae E. Viernes
Isinulat ni Alexa L. Lopez
Suportang Pinansyal sa mga Atleta, Ibigay
Nakapanlulumong isipin na sa kabila ng kanilang pasusumikap at pagpupursigi sa kanilang respetadong isports, tila napapabayaan ang mga pangangailangan ng mga student-athletes, lalo na sa aspeto ng pinansyal na tulong. Ganito ang sitwasyon sa maraming paaralan sa bansa, kabilang na ang paaralan ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS). Sa halip na makapagtuon ng pansin sa kanilang pagsasanay at pagpapabuti sa kanilang mga kakayahan, nababalisa sila sa paghahanap ng pantustos para sa kanilang mga gastusin. Sa isang panayam kay Daniel Jade Cabunoc, isang manlalaro ng Chess ng PEQNHS, inilahad niya ang kaniyang nagging karanasan

rin ito sa mga pampalakasang patimpalak sa loob ng paaralan gaya ng Intramurals. Halimbawa ng mga larong ito ang ang Mobile Legends: Bang bang (MLBB), Block Blast, at Call of Duty Mobile (CODM). Talagang natuwa kaming mga mag-aaral nang malaman ito dahil sa wakas mayroon na ring sports vna para saaming wala sa tamang hugis ang kalusugan.
Sa kabila ng mga kinakaharap na isyu ng mga larong kasangkot ang mga ‘electronic devices’ at pinaniniwalaang isa itong dahilan ng pagkalulong ng mga mag-aaral sa gadyet, hindi pa rin nakalilimutan ng mga paaralan ang iba’t-ibang kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang larangan kaya’t isinagawa na ito para na rin sa sosyal na kapakanan ng mga mag-aaral.
Sa katunayan, ang mga tinuturing na “pasaway” sa paaralan na mga mag-aaral ng Technical, Vocational, and Livelihood track, ay nagwagi sa MLBB Tournament noong Intramurals 2024 ng PEQNHS. Sumasalamin lamang ito na ang bawat bata ay may talento at kasanayang tinatago sa kabila ng iba’t-ibang personalidad na ipinapakita ng bawat isa. Hindi lang naman kasi simpleng paglalaro ang kinakailangan sa e-sports, sa katunayan napapabuti rin nito ang kritikal na pag-iisip dahil kinakailangan din ng estratehiya upang manalo.
lahat ng mga atleta rito sa bansa at mayroon silang badyet taontaon. Sa kasamaang palad, ang malaking porsyento ng naturang badyet ay nailalaan lamang para sa mga national athletes, maliit lang ang natitira sa mga student-athletes. Integrasyon na hindi halos abot ng mga benepisyong sakop ng batas na ito ang mga atletang
Isa itong malinaw na anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sapagkat sa mga tulad ng mga national athletes, ang mga studentathletes ay nagbuuwis rin naman ng dugo at pawis bilang puhunan sa kanilang mga larangan. Kaya’t malaking katanungan pa rin ang iniiwan nito sa student-athletes na gaya ni Daniel kung bakit hindi maipataas ang suportang natatanggap ng mga student-athletes kung pareho naman ang pagsusumikap na kanilang ibinubuhos sa
Kung susuriing mainam, masasabi na hindi katanggap-tanggap ang turing sa mga student-athletes dahil hindi buo ang suportang kanilang natatanggap mula sa gobyerno. Bukod pa rito, mayroon mang badyet para sa lahat ng mga atleta rito sa bansa ay hindi pa rin maipataas ang naiaabot na tulong-pinansyal at pondong pagpapagawa sa mga imprastrakturang makatutulong sa kanila sapagkat hindi patas ang hatian ng badyet dahil mas malaki ang
Dahil dito, nararapat lamang na magbigay ng masusing pansin ang gobyerno sa usaping ito. Kailangang rebisahin ng PSC ang alokasyon ng pondo upang masigurong makakatanggap ang mga student-athletes ng nararapat na suporta. Ang pagtaas ng badyet para sa kanila ay hindi lamang makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan kundi magbibigay-daan din upang maabot nila ang mas mataas na antas ng kompetisyon, tulad ng pagiging national
Panahon na upang wakasan ang ganitong uri ng kawalan ng pagkakapantay-pantay. Ang bawat pawis, dugo, at dedikasyon ng mga student-athletes ay nararapat suklian ng sapat na suporta mula sa gobyerno. Sa pamamagitan nito, matutulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap at magdala ng karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan kundi sa
Komportableng venue, pakiusap ng studentathletes

Nadidismaya akong isipin na hindi sapat ang ibinibigay na suporta ng pamahalaan partikular na sa ‘venue’ para sa ating mga student-athletes dito sa bansa, partikular na ng mga manlalaro ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) dahil para silang sardinas na nagsisiksikan sa maliit na quadrangle ng paaralan para mag-ensayo.
Imbes sana'y sila lamang ay nakatuon sa kanilang mga pag-eensayo ay nababaling ang kanilang atensyon sa pag-iisip kung saan sila mag-eensayo upang masiguro ang pagkapanalo sa mga larong kanilang sinasalihan. Siyang mga bagay na ipinangako ng mga nasa itaas ay kanilang kinakalimutan kapag sila na ay nakaupo na sa kanilang pwesto.
"Minsan hindi po namin alam kung saan kami mag-eensayo kasi bawal naman daw po rito sa school. Bukod sa masikip po, nadidisrupt din daw po ‘yung mga klase kasi maingay." malungkot na sambit ni Kurt Jeryl Blasabas, captain ball ng PEQNHS Volleyball team boys. Hindi naman natin maipagkakailang makapagbibigay ng balakid ang mga ganitong ganap sa ating mga student-athletes upang kanilang maabot ang kani-kanilang mga pangarap. Dagdag pa rito'y, hindi rin nila maabot ang tunay na kapasidad nila bilang mga manlalaro dahil sa ito'y nakakapagbigay sakanila na pagkabagabag.
Kaugnay nito, ang Philippine Sports Commission (PSC) na naitatag sa pamamagitan ng Republic Act. 6847 upang pangasiwaan ang lahat ng manlalaro rito sa bansa at mayroon silang taunang badyet. Datapwat, hindi naman sapat ito upang magpagawa ang mga paaralan ng mga venue na kanilang pag-eensayuhan. Kaya’t talaga namang masalimuot na nangyayari ito sa ating mga student-athletes at hindi karapatdapat dahil, dugo, pawis, at pagsasakripisyo din ang kanilang puhunan sa bawat pagkakataon na sila ay sasabak sa kompetisyon.
“I think it’s time po para bigyan naman ng pansin ng government yung sector ng sports. Kasi sa pagkakaalam ko, talaga pong pati national athletes wala rin pong sapat na venue for their practices.” ani Dominic Marata, manlalaro ng Elpidians Volleyball Team Boys. Nagpapakita lamang ito ng kakulangan ng suporta sa kabuoan para sa mga atletang Pinoy.
“Buti naman po meron nang mga e-sports tuwing Intrams, kasi what if dun lang po kami magaling diba?” ani Jerry Sumaya
i-sakripisyo ang ilang araw na pag-eensayo sa mga pisikal na isports sa ilang oras lamang na gugugulin sa kanilang sariling mga ‘cellphone’.
Kaugnay nito, nabibigyan ding oportunidad ang mga batang hindi kayang maglaro gamit ang bola o baton dahil sa kanilang mga pisikal na karamdaman sa pamamagitan ng pagpapamalas ng galing at talento sa makabagong larangan ng isports. Naipakikita lamang nitong sumasabay na tayo sa makabagong panahon at pagsulong ng modernisasyon.
“Marami rin ako nagiging kaibigan tuwing nakikipagtournament ako ng CODM, pati mga akala ko dating hindi ko malalapitan, naging kaibigan ko na.” saan naman ni Isabelo Cases Jr., manlalaro ng PEQNHS. Malinaw itong manipestasyon na hindi lamang kritikal na pag-iisip ang nalilinang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang pakikipagkaibigan.
Kaya naman, lubos akong natutuwa nang malamang mayroon nang nagaganap na e-sports na kompetisyon sa mga paaralan. Nararapat ding bigyang pansin ito ng mga paaralang hindi pa ito ginagawa sa kanilang mga institusyon dahil bukod sa masaya ito, nakakakuha rin ng parangal ang mga bata dahilan upang sila’y magpatuloy pa. Kailangan na rin ito dahil sa pag-usbong ng makabagong panahon.
Sa kabuoan, masasabi nating hindi kaayaaya ang hindi pagbibigay ng sapat na tulong sa venue sa ating mga student-athletes. Dahil hindi lamang ito magiging balakid sa pagkamit sa kanilang pagkapanalo, magiging balakid rin ito sa pag-abot nila ng kanikanilang pangarap.
Dahil dito, nararapat lamang na magbigay aksiyon ang pamahalaan sa masalimuot na kinakaharap na ating mga student-athletes sa pamamagitan ng pagdadagdag sa badyet upang may pang-pagawa sa mga venue na bukas sa publiko, para na rin maabot sa ating mga student-athletes at kanilang tuparin ang mga pangakong nagmimistulang bulong sa hangin kapag nakukuha na nila ang kanilang kailangan. Kailangan ng bigyang lunas habang maaga pa ang bulok na sistemang nangyayari sa ating bansa upang hindi na ito maging balakid sa pagabot ng kanilang mga pangarap.
ANO NA
Isinulat ni Louise Mae Viernes


SAGUPAAN NG MGA HIGANTE
PEQNHS, Hindi Nagpatinag sa Kabila ng Pagkatalo sa BNHS, 75-88
Sa kabila ng matinding hamon at tensyon sa basketball court, nagpakita ng lakas, puso, at determinasyon ang President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) sa laban nila kontra sa Bauang National High School (BNHS). Bagamat nagtapos ang laro sa 75-88 pabor sa BNHS, hindi matatawaran ang ipinamalas na tapang ng PEQNHS sa buong laro.
PEQNHS, binakuran ang sariling baryo sa Agoo East Cluster Meet 2024
Dinomina ng President Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang kampeonato sa iba’t ibang larong pampalakasan sa Agoo East Cluster Meet sa PEQNHS Quadrangle noong ikalima ng Nobyembre 2024 dahilan upang kanilang maselyuhan ang pwesto sa Unit IV Meet. Sa pangunguna ni Ginang Editha Herrera, Agoo East Cluster Chairperson na siya ring punong guro ng PEQNHS, matagumpay na naisagawa ang Agoo East Cluster Meet 2024 para sa mga pambatong atleta ng paaralang Agoo National Vocational High School (ANVHS) at Capas Integrated School (CAPAS IS). Masigabong siklaban ang nanguna sa pagbubukas ng Cluster Meet para sa mga masisigasig na mga atleta ng mga nasabing tatlong paaralan ng Agoo East, pinangunahan naman ng butihing chairperson na si Ginang. Herrera ang pagbubukas ng nasabing programa.
“How I love to see these players with those coaches behind, it’s first time to have cluster meet in PEQNHS and it is good because those athletes are so close to us.” pahayag ni Gng. Herrera.
Dagdag pa rito, sinindihan din ang nasabing friendship urn na nagsisimbolo ng pagsisimula at pagkakaibigan ng mga bawat atleta na sasabak sa kometisyon na pinangunahan nila Laurence Emperador ng CAPAS IS, Jay John Lacbawan ng PEQNHS at Harvey Aquino ng ANVHS.

Sa unang quarter, agresibo ang simula ng PEQNHS. Ang kanilang koponan ay nagsilbing isang umaangat na alon, sinusubukang pigilan ang maagang paglusob ng BNHS. Ang point guard ng PEQNHS, si Kelvin Cabrera, ay nagbigay ng matitinik na assists at long-range shots, na nagpanatili ng kumpiyansa sa koponan. Bagamat natapos ang unang quarter na may kalamangan ang BNHS sa 23-18, ramdam ng lahat na hindi basta-basta susuko ang PEQNHS.





lumaban ang PEQNHS, ngunit nahirapan sila sa matitibay na depensa ng BNHS. Ang power forward ng PEQNHS na si Miranda ay nagpakitang-gilas sa kanyang pag-atake sa ilalim ng ring, na sinabayan ng malalakas na rebounds at block attempts. Gayunpaman, tila masyadong organisado ang galaw ng BNHS, na nakapanatili ng pitong puntos na kalamangan sa pagtatapos ng quarter, 65-58. Sa ikaapat na quarter, muling sumiklab ang determinasyon ng PEQNHS. Nagpakawala ng matitinding opensa si Cabrera habang ang buong koponan ay nagpakita ng walang takot na depensa. Sa kabila ng bawat pagsubok nilang habulin ang kalamangan, hindi sila nakahanap ng sapat na puwang para tuluyang makabawi. Ang BNHS ay nanatiling matatag, at sa huli, nagtapos ang laro sa 88-75
Bagamat natalo sa laban, pinatunayan ng PEQNHS na sila’y isang koponang hindi bastabasta sumusuko. Sa bawat galaw at puntos na kanilang nakuha, makikita ang kanilang puso para sa laro. Ang kanilang pagkatalo ay hindi tanda ng kahinaan kundi ng isang pagkakataon upang matuto, maghanda, at bumalik nang mas malakas sa susunod na laban. Ayon sa coach ng PEQNHS, “Hindi natatapos ang laban sa iisang laro lamang. Ang tunay na tagumpay ay nasa ating kakayahang bumangon at magpatuloy.”
Sa mga darating na araw, tiyak na maghahanda ang PEQNHS para sa muling pagsagupa sa BNHS. Ang bawat pagkatalo ay isa lamang hakbang patungo sa mas malaking tagumpay. At sa huling pagkakataon, itinataas ng PEQNHS ang bandila ng kanilang eskuwelahan bilang simbolo ng tapang, pagkakaisa, at pag-asa.
“Kahit na anong gawin niyo, there is always competition in a game, but it’s not how you win the game, just make friends because at the end of the tournament, you build relationships with the other schools.” masayang paglalahad ni Mayor Frank O. Sibuma na dumalo rin sa pagbubukas ng programa. Pagkatapos naman ng ilang araw na pakikipagbakbakan gamit ang iba’t ibang kasanayan sa isports, binigyang katuldukan ni Ginoong Inocencio Lopez Jr., Head Teacher III ng departamento ng MAPEH ang nasabing kompetisyon kung saan humakot ang PEQNHS ng mga medalya: Anim na ginto at tatlong pilak naman sa Athletics Girls. Lahat ng pambato ng Table Tennis boys ay nagwagi, pati na rin ang Basketball Boys, Chess Boys, Chess Girls, Sepak Takraw Girls, Sepak Takraw Boys, Volleyball Girls, at Volleyball Boys. Nakapasok din sa Unit IV Meet ang mga manlalaro ng Dance Sport. Samantala, kahit nakalikom ng limang ginto, dalawang pilak, at apat na tanso sa Athletics Boys, ay hindi naselyuhan ni Nash Estolero ang pwesto sa Uit IV Meet. Inaasahan naman ang aktibong pakikipaglaban ng mga deligante sa Unit IV Meet magsilbing inspirasyon ang kanilang kagalingan para matamasa ang inaasam na kampeonato.
amayagpag ang President Elpidio Quirino National High School sa La Union Provincial Meet na ginanap noong ika-9 hanggang ika13 ng Disyembre matapos nitong makuha ang pinakamataas na karangalan sa iba’t ibang paligsahan. Sa larangan ng lawn tennis, tatlong medalya ang naiuwi ng paaralan, na naging daan para sa kanilang mga atleta na makaharap ang pinakamahuhusay na manlalaro mula sa buong Rehiyon 1 sa nalalapit na Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet.
Sa kabila ng isang mahigpit na labanan para sa bronze medal, hindi nagpatinag ang manlalarong si Jay Jay Dacanay ng single boys ng Unit IV. Sa unang set, nahuhuli si Dacanay sa iskor na 7-3, ngunit sa kanyang determinasyon at husay, nagawa niyang habulin at talunin ang kalaban. Ang kanyang mabilis na paggalaw at depensa ang nagdala ng tagumpay sa unang set. Dahil sa momentum, maayos ang naging laro niya sa ikalawang set. Ngunit parang biglang humangin sa kanya dahil tumalim ang mga tira ng kalaban at gumaling ang depensa nito. Nagawa ng kalaban na manalo sa ikalawang set, kaya naging pantay
Sa simula ng ikatlo at panghuling set, naging naguumapaw sa tensyon ang paligid na nagpasimulang magbigay kaba kay Dacanay. Ngunit dahil sa mga salita ng kanyang coach na nagbigay ng direksyon, naging matatag ang laro ni Dacanay. Sa huli, bagaman matatag ang naging laro ni Dacanay, nagpakitang-gilas rin naman ang kaniyang kalaban, kung kaya’t hindi nya naiselyo pagkakataon niyang makalaro sa gold medal match at makasali sa R1AA. Sa kabila ng pagkatalo, taas-noo pa rin at may pagmamalaki si Dacanay
Sa gold medal match, isa pang player mula sa PEQNHS, si Marco Abando, ang lumaban. Habang nakatutok sa gold medal at sa pwesto sa R1AA team,
ibinuhos ni Abando ang lahat ng makakaya niya sa laro. Sa unang set, nanaig ang karanasan ng kalaban kaya’t nasungkit nito ang panalo. Sa ikalawang set,
ibinuhos ni Abando ang kanyang kakayahan at determinasyon maging ang kanyang buong lakas, ngunit sa huli, nanaig pa rin ang kalaban sa deuce na nagtapos sa iskor na 2-0. Nakamit ni Abando ang silver medal at siya ay aabante at kabilang sa kakatwan sa La Union para sa R1AA.
Samantala sa girl doubles, para bang naglalakad-lakad lang sa parke sina Janelle Asprec at Alyssa Nicole Linatoc habang inungusan nila ang kanilang mga kalaban sa isang direktang panalo sa set at nakamit ang pwesto sa gold medal match. Walang tatalo sa mga manlalarong may karanasan at kaalaman sa laro. Yan ang mga salitang makapaglalarawan sa gold medal match nina Asprec at Linatoc. Sa unang bahagi ng unang set, habang sila ay nangunguna ng 5-2, si Linatoc ang nagtatanggol sa likod at si Asprec ang nagtatanggol sa harap. Nagawa nila ang isang nangingibabaw na panalo sa unang set na ginagawa ang iskor na 1-0. Pagkatapos ng unang set, nagpatuloy ang laro. Habang medyo nawawala sa pokus si Linatoc, nanguna si Asprec. Dahil sa kanya, nagkaroon sila ng apat na puntos na agwatan, 6 – 2. Sa gitna ng set, nakabawi si Linatoc at nagsimulang ipagpatuloy ang kanyang natural na laro. Dahil dito, patuloy silang lumayo sa kanilang mga kalaban at ginawa ang ikalawang set na isang eksaktong kopya ng unang set, nangingibabaw. Pagkatapos ng nangingibabaw na laro, sina Asprec at Linatoc ang mga manlalaro na kumakatawan sa Unit IV sa R1AA sa kategorya ng lawn tennis. Sa pagtatapos ng Provincial Meet 2024, puno ng determinasyon ang mga kwalipikadong manlalaro mula PEQNHS upang ibigay ang kanilang pinakamahusay sa R1AA Meet 2025. Sa patuloy na pagsasanay at dedikasyon, tiyak na kanilang mapagmamalaki ang kanilang paaralan at ang buong komunidad na kanilang kinakatawan.
Kyle Jacang: Tagalay na Kakayahan, Sandata Upang Maipagsawalang Bahala ang Kapansanan pahina 18
Suportang Pinansyal sa mga Atleta, Ibigay
Isinulat ni Louise Mae E. Viernes
Isinulat ni Louise Mae E. Viernes
ANGKING PANALO
Tagumpay na dinomina ng mga atleta ng President
Elpidio Quirino National High School (PEQNHS) ang kabuoang pagkapanalo