Ang Aninag - NOHS (Aug 1 - Oct 31, 2017)

Page 1

Implementasyon ng SPJ

Pangungunahan ng Neg. Occ. • Sheris Casurao •

Pangungunahan ng Negros Occidental High School ang paghahandog ng Special Program in Journalism sa Dibisyon ng Negros Occidental sa taong pampaaralan 2018-2019.

“Bilang isa sa mga nangungunang paaralan sa dibisyon ng Negros Occidental tungkulin ko bilang punongguro na maging lider sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa sa paaralan katulad ng SPJ,” pahayag ni Mario Amaca, punongguro ng NOHS. Dagdag pa niya na naglalayon ang SPJ na matuunan nang pansin ang mga mag-aaral na may talento sa pagsusulat at pagsasalita sa larangan ng pamamahayag. Kabilang ang SPJ sa mga karagdagang programa na kung saan ang kwalipikasyon ng mag-aaral na maaring sumali sa programang ito pareho rin sa iba pang mga kurikulum sa NOHS katulad ng Special Program in Arts at Isports. Magkakaroon ng mga patnubay para sa implementasyon ng SPJ sa Pebrero 2018. Itinalaga ang kagawaran ng Ingles at Filipino sa pangunguna ng pagpapatupad ng bagong programa sa NOHS.

NILALAMAN

SPJ sa Kaunlaran

1

“Sinisiguro ko na magiging maayos ang pagpapatupad ng SPJ sa NOHS at maging pantay-pantay ang lahat ng kurikulum dito,” dagdag ni Amaca. Kasama sa mga paaralan sa Dibisyon ng Negros Occidental na nagpaplanong magpapatupad ng SPJ ang Hinigaran National High School at maraming pang iba. “Pabor talaga ako sa pag-iimplementa ng SPJ sa mga paaralan dahil naniniwala ako na ang bawat mag-aaral ay may sariling kahusayan at kapag may SPJ na, mas matututukan ng mga mag-aaral ang kanilang nais na gawin at ang kanilang at makapokus sa kanilang angking galing,” pahayag ni Rica Villacanas, isang mamahayag ng Negros Occidental High School. Nakapag-implementa na ang ibang paaralan sa bansa ng SPJ at inaasahan na mas maparami ang paaralang magimplementa nito.

2

NOHS Alumnus namayagpag sa Masskara Queen

World Taekwando Championship

3

NOHSian sumungkit ng pilak


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Ang Aninag - NOHS (Aug 1 - Oct 31, 2017) by Ang Aninag - NOHS - Issuu