Ang Aghamanon Tomo XVII, Blg. 1

Page 1

Paghinga’t Pahinga sa Agos ng Tagumpay

sundan sa pahina 4

Daan Patungong EduKALIDAD

sundan sa pahina 12

BALIK-SILID | KUHA NI ALYSSA DE VILLA Matiyagang nakikinig ang mga mag-aaral ng ika-11 baitang sa kanilang klase sa Disaster Readiness and Risk Reduction (DRRR) sa kanilang silid-aralan noong ika-6 ng Abril, matapos muling buksan ng Rizal National Science High School ang kanilang mga pasilidad para sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Pagbabalik sa Dating Normal: 64% Riscian, pabor sa limited F2F

S

Project AKAP, tugon sa hamong kinakaharap ng mga mag-aaral ngayong pandemya FAye Laracas

ang-ayon ang mahigit kumulang 576 estudyante ng Rizal National Science High School (RiSci) na makatutulong ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga kaguruan at kapwa mag-aaral, sapagkat mas pinadali nito ang edukasyon para sa lahat.

Ayon sa survey na isinagawa ng Ang Aghamanon noong Pebrero 2022, 64% estudyante ang tumala na makabubuti ang f2f classes. 3.4% naman ang sumagot na hindi ito makabubuti, habang 32.6% ang hindi sigurado. “Marami po kasing mga estudyante na mas hamak na natututo kapag f2f classes dahil mas nasusubaybayan sila ng kanilang mga guro at nakikipag tulungan sila sa kanilang mga kaklase,” saad ni Joana Villarias, mag-aaral mula RiSci at isa sa sumagot na makabubuti ang face-to-face. Sa kabilang banda, ayon naman kay Nica Velasquez, hindi siya sigurado kung makabubuti ito sapagkat may posibilidad pa rin ng panganib. “Mabuti ito kapag siguradong ayos na ang lahat dahil mas natututo ako at may tsansa na makihalubilo sa mga kapwa estudyante ko. Ngunit ngayon na walang kasiguraduhan kung ayos na ang lahat, mas mahirap ito,” aniya ni Velasquez. Bilang karagdagan, mula kay

Eunice Membrebe na mag-aaral din ng RiSci, nakakakaba raw ang faceto-face dahil sa tagal ng panahong pananatili sa tahanan, na nagdulot ng hindi pagkasanay sa pakikihalubilo. Idinagdag pa niya na kahit ganoon pa man, nakakaramdam pa rin siya ng pagkasabik na makita at makausap ang mga bagong kaibigan na kanyang nakilala nang magsimula ang online distance learning (ODL). Bukod dito, sinimulan na ng paaralan noong Ika-21 ng Marso ang pagbabalik sa face-to-face classes, na may 157 kalahok, dulot ng pag apruba ng lokal na pamahalaan ng Binangonan sa pagsasagawa nito. Mula sa mga dokumentong inilabas ng RiSci sa kanilang Facebook page, naglalaman ito ng resolusyon na nagapruba sa pagsasagawa ng pinalawak na face-to-face classes sa paaralan. Ito ay isinaalang alang sa mga alituntuning itinakda ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Isinaad ni Christian Joseff Bolivar, parte ng estudyanteng lumahok sa faceto-face classes, na epektibo ang faceto-face classes dahil mas na-eenganyo siyang matuto ng mga aralin lalo na’t mahirap ang mga paksa sa ikatlong markahan at maigi niyang naiintindihan ang mga itinuturo kumpara sa ODL. “Napag-isip ko rin na ito na ang aking huling taon bilang senior high school sa RiSci at hindi pa ako nakakaranas ng Face-to-Face classes dahil isa akong new student last year, noong grade 11. Bukod pa rito, wala ring mga abala o istorbo sa Faceto-Face classes kaya’t nahikayat ako na piliin ito kaysa sa Online Class,” ani Bolivar. Nilinaw rin niya na dapat isaalang alang ang pagkakaroon ng sapat na mga bitamina at pagkain para sa lahat ng mga estudyante upang hindi bumaba ang immune system at magkaroon ng panlaban sa mga sakit. Ang pagiging bakunado rin ng bawat estudyante ang tutulong sa implementasyon ng Face-toFace classes.

Emotional distress, hindi maiiwasan sa mga estudyante ngayong pandemya – kasalukuyang G8 student

I

pinahayag ng kasalukuyang Grade 8 student ng Rizal National Science High School (RNSHS) na hindi maiiwasan ang emotional breakdowns sa mga mag-aaral lalo na ngayong panahon ng pandemya. Isinaad ni Arannelle Faye Alas na bagaman ang patong-patong na school requirements ang madalas na nagiging dahilan ng emotional distress ng mga mag-aaral, mismong ang pandemya din ang nagdudulot nito para sa kanya. Thinking whether this will ever end or how this will affect my life further are just some of the reasons why it can trigger emotional problems Aranelle Faye Alas RNSHS Student

Base sa isinagawang pagsusuri ng Philippine Health System, laganap na 16% ng mental health disorders sa mga kabataang Pilipino ang naiulat at pangatlo din ito sa pinakakaraniwang sakit ng mga Pilipino sa datos ng National Statistics Office (NSO). Matatandaang naiulat ng Department of Health (DOH) noong nakaraang taon na hindi bababa sa halos 3.6 milyong Pilipino ang nakararanas ng mental health issues ngayong pandemya. Saad ni Frances Prescilla Cuevas, chief health program officer ng DOH’s Disease Prevention and Control Bureau, humigitkumulang 1.14 milyong Pilipino ang may depresyon, 847,000 na nakakaranas ng alcohol-use disorders, habang 520,000 ang nasuring may bipolar disorder. Ayon naman kay Gng. Dulce Calces, guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Guidance Counselor ng RNSHS, dahil sa hindi normal na sitwasyon, hindi maiiwasan ng mga estudyante ang makaramdam ng kalungkutan na nakakabahala sa kanilang kalusugan kung magtatagal.

“Napakahalaga pa naman sa kanilang pag-unlad ang physical at social contact sa mga kaibigan at iba pang kapamilya,” aniya. Sa kabila nito, ipinahayag niyang wala pa namang nagpapasangguni sa kanyang matinding suliranin o kakaibang isyu dahil na rin sa mabilisang pagtugon ng mga class adviser sa kanilang homeroom teacher duties. Bago pa man ang pandemya, sumailalim din ang mga guro sa mga training, tulad ng Mental Health First Aid, upang magkaroon ng malalim na kaalaman sa isyung ito, at maagaran ang mental health problems na nangangailangan ng aksyon, katuwang ang magulang ng mga mag-aaral. Sinisimulan na din ng paaralan ang bagong proyektong pinangalanang “Kaagapay Project” na naglalayong mabigyang-tugon ang mental health needs ng mga estudyante.

MARIELLE GALLEGO

MARIELLE GALLEGO

N

agsilbing tugon ang pagpapatupad ng Project AKAP (Anak, Kamusta ang Pagaaral) upang mapanatiling konektado ang mga RiSician na humaharap sa mga hamong hatid ng new normal na edukasyon. Base sa Division Memo no. 55, s. of 2021 ng Department of Education (DepEd), makakatulong ang proyektong ito sa pagpapabuti ng kakayahan ng mag-aaral gayundin ang pakikilahok ng magulang sa proseso ng pag-aaral. “Ang pangunahing layunin ng AKAP ay akapin, kamustahin ang mga estudyante na nagkakaroon ng difficulties, at sabihin na nating struggles sa pagharap sa new normal,“ ani G. Angelo Venus, gurong taga-patnubay sa ikapitong baitang at AKAP Coordinator ng Rizal National Science High School. Nakapaloob sa gawain ng proyektong ito ang home visitation upang diretsahang makausap o makamusta at matugunan ang mga hamon sa pag-aaral ng mga estudyante. “Actually, may mga pagsusuri na, na ang home visitation ay makakatulong talaga sa pag-aaral,” aniya Venus. Sa unang taong pampanuruan na ipinatupad ang online distance learning (ODL) modality, binigyang-tuon ng AKAP team ng paaralan ang mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang lalo na’t maituturing itong transitional period para sa kanila. Sa isang panayam kay Bb. Dahlia Ramos, gurong tagapatnubay sa ikawalong baitang at Prefect of Discipline para sa baitang pito at walo, isinaad niya ang mga dahilang kanilang naobserbahan at natuklasan sa mga estudyanteng nahihirapan sa pagtugon at binigyang-diin ang distractions na kinakaharap nila habang nag-aaral. “Umamin sila na they are distracted, example ng distractions nila, number 1 yung gaming, kahit during class hours naglalaro sila, then yung iba naman social media, [tulad ng] YouTube, Facebook,” saad ni Ramos.

sundan sa pahina 2 dahilan ng

DISTRACTIONS SA ODL GAMING SOCIAL MEDIA Psychological/ mental Health Problems impormasyon mula kay Bb. Ramos | gawa ni Jelen Corpuz


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.