Ang Kayali 2019-2020 I Tomo I Bilang I

Page 1

PINAS FORWARD MINDANAO, Naglunsad ng leadership camp

Mga mag-aaral, nahimok

Sealtiel Je Basmayor N

agsagawa ang mga kasapi ng Pinas Forward Mindanao ng dalawang araw na leadership camp sa mga mag-aaral ng Andap National High School (ANHS) upang iparating sa kanila ang kahalagahan ng maayos na pamumuno tungo sa ikauunlad ng bansa.

Sa pangunguna ni G. Jan Vincent Iriberri, Movement Building Department Team Leader ng Gawad Kalinga Southern Mindanao, nais niyang ipanunawa sa mga nangangarap na kabataang lideres ng paaralan ang pagnanais nila na makabuo ng isang matibay na bayan.

Ang nasabing programa ay isa sa mga adbokasiya ng Gawad Kalinga na naglalayong makapaglunsad ng mga pag-uusap, forums, at diskusyon kung paano magagamit ang mga makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang isang bansa sa pamamagitan ng mga simpleng gawain, civic engagement, at volunteerism.

Kaagapay ng nasabing programa ang Message, Movements, Media, Inc. (MVM) at Globe Telecom sa pag-oorganisa ng halos 50 na mga interesadong kabataan na nais tuparin ang mga layunin ng organisasyon.

Sa unang araw, agad na umarangkada ang mga team building activies gaya ng Salinlahi: Piling-pili, Pinong-Pino kung saan pinahalagahan ang katangian ng isang lider at Sandigan: Habang May Pilipino, May Pag-asa na nagkaroon ng open forum sa mga karanasan ng bawat isa.

Isa sa mga highlight ng naturang programa ay ang Sambayanan: Let’s Move Pinas Forward Activity na kung saan nagsagawa ang lahat na mga kalahok ng isang clean-up drive activity sa mga kalapit na mga ilog sa lugar upang tiyaking ito’y maayos at malinis.

Dahil dito, nauunawaan ng lahat ng kasali ang magandang naidudulot ng pakikilahok sa ganitong gawain upang malinang ang kanilang kakayahan bilang isang youth leaders di lamang sa loob ng paaralan pati na rin sa komunidad na kinabibilangan nila.

“Mauunawaan mo kung gaano ka-importante ang isang lider sa komunidad na dapat ay maasahan para sa ganun ang lahat ng kanyang nasasakupan ay may tiwala at tutulongan siya sa lahat ng kanyang mga adkokasiya para sa ikauunlad ng lahat”, ani Angelito, partisipante.

Dagdag pa niya, na binigyang-diin ng aktibedades ang maayos na paggamit ng social media na sa halip gamitin sa mga masasamang gawain ay gawin itong tulay upang maka-impluwensiya sa mga tao gaya na lamang ng pag-popost ng mga tree-planting activities, clean-up drives at iba pa.

Sa ngayon, hinihikayat ng mga kalahok ang iba pang estudyante sa pangunguna ng SSG upang ituro ang lahat ng kanilang natutunan mula sa camp.

Paaralan, inireklamo sa WayK

Punong Guro, umaksyon!

Stampede, naranasan ng ilang mag-aaral SSG, nagpaliwanag

Jhudielxan Basmayor

Pansamantalang mananatili si Alyas Boboy sa Bahay ng Kalinga matapos mahuli ng mga atoridad na may hawak na marijuana.

“Doon muna siya sa Bahay Kalinga mamamalagi for 6 months until matapos niya ang Reform Program. Kailangan niya ito para din sa ikabubuti niya,” pahayag ni Mariel Aseo isang local na kinatawan ng DSWD.

Paliwanag niya, bukod sa mga lecture at counseling na isinasagawa sa center, maari pa ring ipagpatuloy ni Bob yang kanyang pag-aaral para hindi sa maiwanan ng kanyang mga kaklase. “Ako ay mangongolekta ng modules at assessment papers ng lahat ng kanyang subjects every month para maisakatuparan niya ang mga kinakailangan para matapos ang kanyang kasalukuyang grade level,” dagdag ni Aseo. Samantala, nalungkot ang mga magulang sa kasawiang sinapit ng kanilang anak. “Isa itong napakalaking pagsubok sa aming pamilya. Hindi ako makapaniwala na isa pala ang anak ko sa biktima nito. Wala naman kaming napansin na kakaiba sa kanya. Kilala ko naman lahat ng kaibigan niya,” sabi ni Mang Lumagod.

Si Lumagod ang ama ni Boboy at ang PTA President ng paaralan king saan siya nag-enroll. Sa kabila ng pag-aresto, nanatiling positibo ang mga magulang. “Lagi naming siyang binibisita at pinaaalalahanan na magiging okay ang lahat paglabas niya. Magdasal siya araw-araw. Sana ay hindi siya mawalan ng pag-asa,” pahayag ni Mang Lumagod. Si Boboy ay 16 anyos pa nang arestuhin sa isang basketball court sa Nawasa, Andap New Bataan, Davao de Oro noong Perbrero 28, 2023. Sa module na isinauli ni Boboy, isinulat niya, “Ma’am, ikumusta mo nalang ako sa aking mga kaklase.”

AG-TEK Plastic- Free Gulayan, itinalaga

08 06

Di umano, may umalmang magulang dahil sa fines na ipinapataw ng SGG sa mga estudyanteng hindi makakalahok sa alinmang aktibidades ng paaralan sa kadahilanang nais makontrol ang labas-pasok ng mga mag-aaral sa campus tuwing may mga programa. Dahil sa nangyari, agad na umaksyon si G. Ronan Bille Ayco at ang mga guro upang mabusisi ang tunay na nangyari at kung bakit humantong pa sa pagpapa-ere sa radyo ang naturang sitwasyon. Kaugnay nito, binisita ni G. Ayco kasama ni G. Lumapat, presidente ng PTA, upang linawin ang isyu sa pagitan ng nagreklamong magulang at sa patakaran ng SSG. “Ang pagpapatupad sa isa sa mga patakaran ng SSG ang siyang punto sa aming pag-uusap, sapagkat hindi sila pwedeng mangolekta nang kahit gano ka laking pera mula sa mga estudyante dahil wala itong lagda at hindi ito legal”, ani G. Ayco matapos silang makapag-usap kay Atty. Tusay, broadcaster ng nasabing radio station. Ayon pa sa kanya, ang pangongolekta ng SSG ay isang compulsory at mandatory at kailangang maging boluntaryo upang maging legal gaya na lamang ng pagkakaroon ng fund-raising activity na tinugunan din ng Division Legal Officer. Kaya ang nangyari ay gumawa na lamang ng alternatibong paraan ang paaralan upang makontrol ang labas-pasok ng mga mag-aaral at ito ay ang magdagdag ng

Nilinaw ni G. Ronan Bille Ayco na ang pangongolekta ng SSG ay isang compulsory at mandatory at kailangang maging boluntaryo upang maging legal.

puntos at magbigay ng credits sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng rewarding system. Inihinto narin ng mga guro ang magbigay ng resibo sa PTA dahil ang dapat lamang mangolekta nito ay ang PTA Treasurer na si Gng. Mirasol Comnag upang maiwasan narin ng paaralan ang masangkot sa ganitong usapin. Ayon rin kay Gng. Maria Editha Awing, masakit sa parte niya bilang isang guro ang nangyari kasi iba kapag ibinroadcast na, mas lalaki ang issue sapagkat media na ang pinag-uusapan.

“Ngunit kahit nakaramdam ako ng kaunting galit, naiintindihan ko naman ang panig ng magulang, baka kasi hindi niya alam ang patakaran ng ating paaralan. Sana nga lang, dumiretso siya rito dahil ang ANHS naman talaga ang concern sa problemang ito” saad pa niya.

Sa kabilang dako naman, kahit negatibo ang natanggap ng mataas na paaralan ng Andap, nagbigay naman ito ng positibong resulta sa mga guro upang mas palawakin pa ang ang kanilang pang-unawa sa ganitong klaseng sitwasyon.

GRACYL JOY Marquiso agulantang ang mga guro sa Andap National High School (ANHS) matapos idinaos ang Intramurals 2019 dahil sa reklamong ini-ere sa estasyong WayK FM hinggil sa hinaing na patakaran ng SSG. N
NEW BATAAN, DAVAO DE ORO, REHIYON XI TOMO I - BILANG I- MARSO- ABRIL 2023
Bandeha ng Pangarap
KILOS-KABATAAN. Nakinig ang mga partisipanteng estudyante ng Andap National High School sa tagubilin ng kanilang facilitator ng Pinas Forwad Mindanao para gagawing clean-up drive activity sa ilog ng Mayo. Sealtiel Je Basmayor SHS XII

ang kayali

Gate at Fencing Projects, sinimulan Problema sa Cutting Classes posibleng

Sealtiel Je

KAng Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ANDAP

TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019

matugunan

umbensido ang mga guro na maaaring mabawasan ang bilang ng mga estudyanteng tumatakas sa klase kung ganap ng maitayo at matapos ang gate at fencing projects na kasalukuyang sinisimulan ng paaralan.

Ayon sa pahayag ni Ginoong Alhzene Panes, guro at guidance counselor sa senior high school, na posibleng lumiit ang bilang ng mga estudyanteng tumatakas sa klase matapos magkaroon ng bakod ang paaralan sa kadahilanang mahirap na sa mga ito’ng akyatin ang anim na talampakang taas ng gate.

Ngunit dagdag pa niya, “Hindi maitatangging meron paring mga estudyanteng inaakyat ang pader kahit pa sa kataasan nito at sa mga basag na boteng inilagay sa itaas nito.”

Gayun din ang reklamo ng tindera ng school canteen na si Gng. Elena Sultan na kahit pagalitan pa nila ang mga estudyante na umaakyat sa pader ay pinagtatawanan lang sila nito.

Samantala, inamin ni Gng. Ofelia Carpentero, may ari ng tindahan sa labas ng eskwelahan na kadalasan sa mga estudyanteng tumatakas sa klase ay nag iinuman at nag susugalan sa labas ng kanyang tindahan.

“Katunayan, may pagkakataon pa ngang nakikiusap silang mag videoke at huwag ko raw silang isumbong sa mga guro.” ani Ofelia.

Sa ngayon, tinatapos na ang gate at fencing project at hinahanapan na ng solusyon ang mga suliraning may kinalaman sa pag-cucutting classes habang nagsasagawa na rin ng ibayong pagpapaalala ng mga guro sa mga nasabing estudyante.

Cellophanes at plastics sa canteen, ipinagbawal na ng paaralan Mga nagtitinda, dismayado

Ruffa Mae Bayon

Binigyang-diin ng paaralan ng Andap National High School (ANHS) ang pagbabawal sa paggamit ng mga cellophanes at plastics ng mga nagtitinda sa canteen ng paaralan upang maibsan ang problema sa basura.

Inihayag ni Gng. Emma Valdesco, canteen in-charge ng paaralan na ang nasabing talaga ay naayon sa resolusyon ng Parent- Teachers Association upang maiwasn ang labis na pagdami ng mga basurang cellopane at plastics sa paaralan.

“Hindi lang paaralan natin ang makakabenepisyo ng panukalang ito, kundi pati rin ang mga hayop sa paligid na posibleng maka – injest at maaring magkaroon ng problema sa kanilang digestive at reproductive organs”, ani Gng. Valdesco.

Gayundin ang gusto ni G. Ronan Bille Ayco, punong-guro, na gawing zero plastic waste ang paaralan upang mabawasan ang mga solid wastes sa campus.

“Alinsunod ito sa batas ng Department of Education (DepEd) at kailangan natin itong sundin para na rin mapahalagahan ang kalusugan ng mga mag-aaral”, giit ni G. Ayco.

Samantala, labis na nadismaya ang mga nagtitinda sa nasabing canteen sa itinalagang kautusan ng paaralan sapagkat naapektuhan ang kita nila araw-araw na mas lumiit kumpara sa sa mga nagdaang buwan.

Bagaman, umaasa ang lahat na may magandang epekto ang nasabing kautusan sa ikauunlad ng paaralan hinggil sa problema sa basura.

Tanggap na ni John Paul Tinay, 12, na hindi na siya makakatakas sa klase dahil sinimulan nang itayo ng paaralan ang anim na talampakang pader.

MALUSOG NA PANGANGATAWAN, BINIGYANG HALAGA NG MGA GURO

Jemara Budadong

I

binida ng mga guro sa Andap National High School (ANHS) ang kahalagahan ng pag kakaroon ng malusog na pangangatawan bilang tulay sa maayos na pagtuturo sa kanilang The Biggest Losser Challenge.

Binigyang diin ni Gng. Anabel C. Baylon, guro ng paaralan, kung ano ang kahalagahan maidudulot ng pagkakaroon ng malusog na pangangtawan.

“Para sa akin bilang isang guro na sumali sa programa, nagampanan ko ng maayos ang aking mga tungkulin at nalampasan ko ang ibat –ibang hamon sa aking pagtuturo”, pahayag ni Gng. Baylon.

“Naging mabuti ang epekto nito sa akin dahil natuto akong mag monitor sa aking kalusugan, noon ay parati akong hinihingal at napapagod pero ngayon naging maayos na ang aking pakiramdam,” sabi ni Bb. Sushmita Dayanara Relampagos, guro.

Dagdag pa nya, mabuting sumali siya sa programa dahil natuto siyang kumain ng mgamasusustansyang pagkain na nag bibigay sa kanya ng lakas sa pagtuturo.

Gayunpaman, hindi lang ang mga guro ang naka benipisyo sa nasabing programa kundi pati narin ang kanilang mga estudyante dahil nababaling na ang atensiyon ng mga estudyante sa kanilang mga guro sa kagalingan nilang mag turo.

PAGKOLEKTA NG MGA SUSI NG MOTORSIKLO, ISINULONG NG SSG

Mary Grace Medrano

pinatupad ng SSG sa mataas na paaralan ng Andap ang pagkolekta ng susi ng mga estudyanteng may motor upang makontrol ang pagsibat ng ilang mag-aaral. I

Pinangunahan ng SSG President na si Sealtiel Je Basmayor ang paglunsad ng proyektong pagkokolekta ng mga susi ng motor sa estudyante upang maiwasan ang mga isyu at problema sa paaralan dulot ng pagkakadisgrasya ng sino mang studyante na lumiliban sa klase.

“Sinisikap namin na maging matagumpay ang pagpapatupad sa proyektong ito sa ating paaralan upang maiwasan ang pagliban sa klase ng mga studyante para iwas problema dahil sa pag cutting classes ng mga ito.’’ Pahayag niya. Dagdag pa niya, “maraming magandang benepisyo tayong makukuha dito. Una, nalalayo ang bawat estudyante sa aksidente. Pangalawa, naiiwasan ang pagliban sa klase ng mga ito. Pangatlo, nagiging kampante ang bawat magulang sa araw-araw na pagpasok ng kanilang mga anak.”

Samantala, ang proyektong ito’y mainit na sinuportahan ng ilang estudyante sa nasabing paaralan at suportado nila ang mga patakaran at layunin sa programang ito.

“Okay na okay po ang proyektong ito dahil hindi kami madaling nakakalabas ng campus dahil wala sa amin ang mga susi during class hour at nadedesiplina din kami.” Pahayag ni Ricky Digal, 16, nagdadala ng motorsiklo sa paaralan. Alinsunod sa patakarang ito, mas nagiging matiwasay at maaliwalas tingnan ang school ground dahil sa pagkaka organisa ng mga motorsiklo. Kaugnay nito, basi sa tala at impormasyon ng SSG, 27% ng mga studyante sa paaralan ang nagdadala ng motorsiklo araw-araw. Sinisikap ng mga opisyales ng SSG at sa tulong ng mga guro sa bawat baitang na mapanatili ang proyektong ito.

Mga Estudyanteng Nagsusugal Ng “Taksi”, Timbog Ng Mga Guro Diciplinarian Ng Paaralan, Gumawa Ng Aksyon

NRUFFA MAE Bayon ahuli sa akto ng mga guro ang ilang mga estudyante ng Andap National High School (ANHS) na nagsusugal ng “TAKSI” sa likod na paaralan sa kasagsagan ng klase noong ika- 27 ng Setyembre 2019 bandang alas 9:00 ng umaga.

Nahuli sa akto ng mga guro ang ilang mga estudyante ng Andap National Highscool (ANHS) na nagsusugal ng “TAKSI” sa likod na paaralan sa kasagsagan ng klase noong ika- 27 ng Setyembre 2019 bandang alas 9:00 ng umaga.

Sinasabing ang mga estudyanteng ito ay mula sa baitang 9 na nagkasundo na mag-cut para maglaro ng sugal na taksi.

Pinangangambahan ngayon ng mga guro ang mga estudyanteng nasasangkot sa ganitong gawain sapagkat ito ay nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng nag-cucutting classes at ng pagbaba ng performance at partisipasyon sa klase.

“Itong gawaing ito ang isa sa dahilan kung bakit bumababa ang markang nakukuha ng mga estudyanteng na sangkot, sapagkat di na sila nakaka fucos sa kanilang pag aaral at di na rin sila nakakasali sa mga quizzes at oral,”pahayag ni Gng.Reuela Leah Salas, tagapayo sa baiting 9.

Bilang tugon sa pangyayaring ito ipinatawag ng disciplinarian ng paaralan ang mga magulang ng mga estudyanteng nasangkot sa pangyayari upang maipaalam sa kanila ang gawaing kinasangkutan ng kanilang mga anak.

“Nakasaad sa ating School Rules and Policies na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusugal o Gambling sa ating paaralan, pwede na ma-suspend o ma-expel ang sinumang estudyanteng makikitang naglalaro ng taksi kapag umabot na ito ng tatlong beses,” ayon kay Gng.Emma C.Valdesco, School Disciplinarian.

Ayon sa isang estudyanteng nasangkot sa gawaing ito, ang dahilan kung bakit sila nagtataksi ay dahil isa ito sa kanilang libangan ng kanyang mga kaibigan.

Ngunit ipinaliwanag ng mga guro na ito’y hindi mabuting gawain sapagkat ito ang nagiging dahilan kung bakit sila ay nakakakuha ng mababang marka sa klase.

“Mas maganda pang hasain ang ating mga kakayahan at talento kaysa maglaro ng mga walang kabuluhan bagay na mayroong masamang epekto sa ating buhay at pag aaral”,ayon kay Meragel Bendo, Grade 9 student .

Bunga sa pangyayaring ito,umaksyon ang mga guro at sa kasalukuyan mas pinaiigting nila ang pag checheck ng attendance ng mga estudyante at mayroon naring nag roroving sa loob at pati na rin ang labas ng paaralan na pwedeng pagtaguan ng mga naglalaro ng TAKSI.

NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019
02 BALITA

Ang

Problema sa tubig, inaksyonan ng paaralan Faucet Stations, naayos na!

Sealtiel Je

Basmayor

Opisyal na inanunsyo ni G. Ronan Bille Ayco, punong guro ng Andap National High School (ANHS) noong ika-8 ng Oktubre sa harap ng mag-aaral na maari ng gamitin ang mga faucet sa lahat ng istasyon sa paaralan upang matugunan narin ang pangangailangan at hinaing ng mga mag-aaral hinggil sa suplay sa tubig.

Ayon pa kay G. Ayco na tinitiyak ng paaralan ang mga pangunahing pangangailang ng mga mag-aaral lalong lalo na pagdating sa suplay ng tubig.

“Ang pagpapaayos sa mga faucet stations ay isa sa aming binigyang diin kasama ng lahat ng opisyales ng Parent-Teachers Association sa nangyari School’s Board Members Meeting kamakailan lang noong ika – 3 ng Setyembre ”, pahayag ni G. Ayco.

Sinabi pa niya na sinisiguro ng paaralan na ang lahat ng mga facilities nito ay nasa tamang kondisyon lalo’t maaring maapektuhan nito ang kalusugan ng mga bata dahil nagiging sanhi ito kung bakit nagkakasakit ang mga bata at hindi maganda ang performance sa paaralan dahil na rin sa kakapusan ng tubig habang ang ilang mag-aaral naman ay nakakaranas ng tinatawag na water-borne diseases na tulad ng diarrhea.

“Labis ko talagang ikinatuwa na nagkaroon narin ng maayos na suplay ng tubig sa ating paaralan. Makakainom na ako ng tama at hindi na naghahanap ng maiinuman kung saan-saan”, giit ni Rency Obial, Grade 7 student.

Positibo rin ang pahayag ni Bb. Gracyle Camanero, Guro sa Grade 7 na nagsabing naging . kontrolado na ang labas-pasok ng kanyang mga estudyante para mag-CR sapagkat may suplay na ng tubig sa kanilang sariling palikuran.

Sa ngayon, patuloy ang pag-momonitor ng paaralan sa lahat ng faucets sa labas man o loob ng silid –aralan upang masigurong nasa tamang kondisyon ang mga ito at mag-aaral tuwing klase.

Kawalan ng partisipasyon ng mga

magulang, napansin ng mga guro

Family Day Acivities, palalakasin

SAngelica Quirol

Ilang estudyante, ginawang iskolar ng mga guro

Nagpapasalamat ang mga estudyanteng napili ng ilang guro ng Andap National High School (ANHS) bilang iskolar sa kadahilanang sila ay nakitaan ng potensyal at labis na pagsusumikap upang makapag-aral. inang-ayunan ng halos lahat ng mga guro ng Andap National High School (ANHS) ang napansing kawalan ng patisipasyon ng mga magulang sa kanilang anak sa iilang palantuntunan ng paaralan.

Giniit ni Bb. Jessa Joy Andarza, guro, na iilan lamang ang lumalahok na mga magulang sa kanilang mga anak kung ito ay may sasalihang kumpetisyon sa loob at labas man ng paaralan.

“Sana ang mga magulang na walang pakialam sa mga tungkulin ng kanilang mga anak dito sa paaralan ay pagtuunan nila ng pansin at bigyan nila ng oras upang malaman nila ang problema at katayuan ng kanilang mga anak lalong lalo na pagdating sa akademiko”, saad ni Gng. Valdesco, guro.

“Aminado akong hindi nakakalahok sa mga gawain sa paaralan, busy kasi sa trabaho at pagtaguyod sa aming pangangailangan araw-araw, pero sinisikap ko namang makadalo pag may oras ako”, pahayag ni Virginia Tuñacao, magulang.

Sa pahayag ni Mary Grace Mabanding, estudyante, na nagaganahan siyang gawin ang kaniyang makakaya sa alinmang mga kompetisyong sinasalihan kung nakikita at nararamdaman niya ang suporta ng kanilang mga magulang.

Sa survey, walo sa sampung mag-aaral ang pabor na magkaroon ng family day activity ang paaralan upang mabigyan ng pagkakataon at importansya ang relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Angelica Quirol

“Hindi magkamayaw ang aking sarili nung oras na kinuha ako ni maam Albarico bilang kanyang iskolar, diko akaling nakitaan niya ako ng potensyal at hangad kong makapagtapos ng pag-aaral”, ani Sunshine, estudyante.

Isa si Sunshine sa tatlong mga iskolar ni Gng. Jessel Albarico na mga pawang mga Grade 12 at graduating students na ngayong taon na nabigyan ng pagkakataon upang makapag-aral.

“Hindi ko pinangsisihan na sila ang mga naging iskolar ko, masinop sila mag-aral at talagang may mararating sila pagdating ng araw”, pahayag ni Gng. Albarico.

Gayundin ang naging sitwasyon nila Noe at Nelven na kapwa Grade 12 at graduating students na pawang iskolar ni Bb. Cañete.

“Silang dalawa ay mga responsible at maasahang mag-aaral kaya wala akong pag-alinlangang kunin sila bilang mga iskolar ko”, saad niya.

Kaugnay nito ang labis na pagkatuwa ng punong guro ng paaralan na si G. Ayco na ayon sa kanya, ang pagbibigay pagkakataon sa mga mag-aaral upang makapag-aral ay isang malaking tulong tungo sa pag-abot nila sa kani-kanilang mga hangarin.

Kakulangan ng cr, tinutukan ng paaralan Mga mag- aaral, labis na natuwa

IJemara Budadong naksyonan ng Andap National High School (ANHS) ang kakulangan ng CR sa lahat ng silid aralan upang mas maging komportable at maibsan ang labas pasok ng mga estudyante tuwing klase.

“Nangangailangan talaga ng maraming CR dito upang hindi na kami lalabas ng campus kung kami ay mag c-cr.” giit ni Sheryl Saigad, estudyante.

Sinang-ayunan naman ito ni Jessiel Famor, isa ding mag- aaral na kailangan talagang bigyang pansin ng paaralan ang kakulangan ng CR para sa kapakanan ng lahat.

Sa kabila nito, napagdesisyo nan ng mga guro ng paaralan na palalakasin ang pagkakaroon ng family day activities upang maging matibay ang samahan at ugnayan ng mga magulang sa kanilang mga anak sapag- kat nakapagbibigay din ito ng kumpy- ansa sa sarili ng mga lumalahok na mga estudyante sa anumang kumpetisyon na kanilang sasalihan.

“Sa dami ba naman ng mga estudyante dito malamang may pagkakataon na sabay kaming gagamit ng CR, lalo na kaming mga babae, kaya labis akong natuwa dahil may CR na ngayon sa lahat ng silid aralan.” Pahayag ni Mary Jane Maasin, estudyante.

Ayon nga kay Bb. Sushmita Relampagos, Grade 8 Adviser, dahil may sapat ng palikuran sa lahat ng silid-aralan hindi na lumalabas ang kanyang mga estudyanye sa campus sa oras ng kanyang klase upang gumamit ng CR, at wala na din silang idadahilan kung may balak silang mag cutting classes.

“Nakakabuti rin ito sa mga estudyante lalo na ang mga babae dahil hindi na sila pumupunta anumang lugar upang umihi.” dagdag pa ni Bb. Relampagos.

Dahil sa ginawang aksyon ng Paaralang Secondarya ng Andap, ang suliraning ito ay naresulba at ngayon naging matiwasay ang pagtuturo ng mga guro dahil wala ng lumalabas na estudyante sa oras ng klase at tuloy-tuloy na ang kanilang talakayan.

Away-babae, napapadalas na Mga guro,

labis na nabahala

Labis na naalarma ang mga guro sa Andap National High School (ANHS) dahil sa pauli-ulit na nangyayaring away na purong

Ika-16 ng Agosto 2019 ang unang nangyaring away nina Ashien May Evangelista at Rhea Mae Amando na pawang mga Grade 7 Mahogany sa kadahilanang sinampal ni Ashien sa mukha si Rhea dahil galit umano ito.

Sa pahayag ni Ashien, nakakapuno na ang mga pang-iisturbo kaya di niya napigilang makapanakit at masampal si Rhea.

Ayon naman kay Rhea, humingi siya ng tawad ng napansin niyang akmang sasampalin siya ni Ashien, inakala kasi nito na katuwaan lang ang lahat ngunit hindi nagpatinag ang isa at diretsahang sinampal siya nito.

Agad na pinatawag ang dalawa sa disciplinarian office upang maayos ang problema at pinayuhan na kung mauulit pa ang ganitong insidente ay walang pag-aalinlangang ipapatawag ang kanilang mga magulang.

Ngunit, naulit ang parehong insidente noong ika-22 ng Agosto ng sabuyan ni Rhea ng tinta ng ballpen na halos mapuno na ang uniporme ni Ashien na sobra naman nitong ikinagalit.

Naresolba naman ang alitan ng ipinaliwanag ni G. Jhan Paul Libradilla, tagapayo, sa mga magulang ng dalawang babae ang totoong nangyari, at humingi naman despensa ang dalawang

panig ng naganap ang 2nd Homeroom meeting.

Sa kabila nito, kamakailan lang nung ika-10 ng Oktubre, isang away na naman ang naganap sa pagitan ni Ashien at Eutemio Macog sa kadahilanang napagbintangan di umano ni Ashien ng maling paratang si Eutemio na agad naman nitong inambagan ng suntok sa likod.

Sa ulat mula sa guidance office, tatlo hanggang apat na kaso ng away na sangkot ang mga kababaihan ang naitala kada buwan na labis ng ikinabahala ng administrasyon.

Sa pahayag ni Gng. Kareen Bagcat, guidance counselor, nilinaw niyang labis na nakakabahala ang ganitong sitwasyon lalo’t kadalasan mga babae ang sangkot na sa kabila ng masugid na pagpapa-alala sa mga posibleng masamang maidulot nito ay di parin natinag.

Ito’y sinangayunan rin ng lahat ng mga guro na kailangang bigyan ng aksyon at idaan sa isang obserbasyon ang mga batang pauli-ulit ng nadadawit sa mga away.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng counselling ang paaralan sa mga estudyanteng napapadalas ang away, at laging pina-aalahanan kung ano ang magandang maidudulot ng pagkakaroon ng magadang asal sa loob o labas man ng paaralan.

IRAH NICOLE Orepaypay
mga babae sa Grade 7 Mahogany nito lang mga nakaraang buwan.
NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019
ang kayali
03 BALITA
ANDAP
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa
TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019

Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa

TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE

KATALINUHANG DI LANG SA MARKA

Ang pagiging matalino ay hindi bumabase sa marka ng isang estudyante, kung hindi sa bawat aral na kanyang natutunan sa oras ng klase.

Isang napakapait na realidad ang pagkamit ng malaking marka bilang isang kompetisyon ng ilang mag-aaral sa ibat ibang paaralan dito sa ating bansa kahit ang katotohanan ay salat naman talaga sa makabuluhang kaalaman. Kamakailan lang naipamahagi ang mga “report cards” sa mga magulang ng mga estudyante sa Andap National High School (ANHS) para sa unang kwarter ng taong panuruan. Marami ang namangha, ngunit mas marami ang nanghihinayang ng Makita ito.

Bakit ba labis ang ating pagpapahalaga sa mga numerong ito? Para ba masali sa mga “Top Notchers?”, para ba maging sikat ka sa loob o labas ng paaralan? Para ba maging kapansin pansin ni crush? O baka para malaman na talagang matalino ka.

Hindi lahat ng nasali sa “Top Notchers” ay talagang matalino at hindi lahat ng hindi kasali rito ay bobo, Sapagkat, ang tunay na talino ay hindi lamang nasusukat sa numero o sa mga akademikong gawain.

Pito sa sampung estudyante ng Andap NHS ang nagsasabing hindi bumabase sa marka ang pagiging matalino ng isang estudyante kung hindi bumabase ito sa kung ano ang asal mo.

Minsan, ang pagkagustong makakuha ng mataas na marka ay ang una ring pinagmulan ng away, hinanakit at gulo ng mga estudyante dahil sa inggitan, pataasan ng puri at pagiging sipsip sa klase, at dito na rin mismo makikita kung ano ba talaga ang tunay na katalinuhan.

Sa kabilang banda may mga estudyante rin na sinisisi ang mga guro kung bakit nakakuha ng maliit na marka, tama pa ba to?, Ang totoo ginagawa lang nila kung ano talaga ang kanilang trabaho, o baka kulang lang talaga ang pagsisikap na ipinakita mo.

Hindi natin sila masisisi dahil ang trabaho lang nila ay ang magturo at gumawa ng marka hindi ang magrebesa nito. Hindi lingid sa ating kaalaman na talagang magandang pagmasdan kapag ang ating “report cards” ay puro 90 ang laman at ipagmalaki pa ng mga magulang, pero aanhin pa ba ang lahat ng ito kung mataas ang marka mo pero wala kana mang respeto? Maraming mga estudyante na matataas ang marka subalit sa simpleng galang lang sana ay hindi nila kayang ipakita at ipadama, bakit ba ganito? Matatawag ba talaga natin na sila’y tunay na matalino? Kung wala namang naipapakitang respeto, halos kaya nang makipag away at maliitin ang mga guro. Ang totoo lang naman talaga sa pataasan lang sila nanalo pero sa ugali naman sila natatalo.

Kaya ang katalinuhan ay hindi lang tanging sa marka o sa numero ang binabasehan kundi,sa busilak na puso ng isang estudyante o sa indibidwal dahil hindi lahat ng matalino ay talagang tunay na matalino at hindi lahat nang bobo ay talagang bobo sapagkat dito sa mundo walang pang nabubuhay na bobo . Wag nating maliitin ang mga estudyanteng sa tingin natin ay wala lang, sa tingin natin ay meron silang kakulangan dahil ang totoo, sila talaga ang nakatanggap ng tunay na katalinuhan dito sa mundo hindi man sa marka kung hindi sa bawat aksyon at asal na kanilang ipinakita.

Ang katalinuhan ay hindi paligsahan na dapat sa puri ay mag pataasan kung hindi sa asal na gagawin, sa asal na ipapakita at sa ganda nang loob na kayang maipadama sa mga taong pumapaligid sa kanya.

RESPETO

PALAGAY PUNTO

Disiplina sa Pangongolekta Takdang aralin, Paalam Kasinungalingang Pangako!

Napakapait isipin na nagdadasa ang mga estudyante sa kabila ng mga disiplinang ginagawa ng mga guro upang sila’y tumino sa alinmang alituntunin ng paaralan. Napaka-importante na malaman ng bawat estudyante ang mga pangdidisiplina ng kanilang mga guro sa upang maging maayos ang pamamalakad ng paaralan.

Isang paraan upang madisiplina ang mga mag-aaral ay ang pagpapataw ng fines. Dahil dito, naiibsan ang alinmang kaguluhan na nangyayari sa paaralan sapagkat ayaw ng karamihang estudyante na magbayad ng multa.

Ngunit base sa DepEd Order No. 19, s. 2008 - Implementation Of No Collection Policy In All Public Elementary And Secondary Schools, pinagbabawalang ang anumang pangongolekta sa mga bata liban nalang kung ito ay isang boluntaryong gawain gaya ng Boy/Girl Scouts membership, Red Cross Membership, Anti-TB Fund Drive, PTCA, School Publication, at Membership in student organizations.

Dahil sa panukalang ito, maraming mga estudyante ang naging dependent dahil sa halos malaya na sila sa kanilang gagawin, maraming mga mag-aaral ang nagiging abusado at walang pakialam dahil wala naman silang babayaran, at maraming mag-aaral ang nagiging supakero at supakera sa kanilang guro. Dahil ditto, labis na naapektuhan ang mga guro sapagkat mahirap na sa kanila disiplinahin ang mga estudyante.

Sa kabilang banda, kung ating ma-iisip, maraming magandang naidudulot ang pagkakaroon ng fines o pagmumulta sa mga estudyante. Una na riyan ay ang kontrol sa pag-uugali. Dahil sa hindi nila gustong makapagbayad sa penalty nila ay umiiwas sila na makagawa ng mali o gulo sa loob man o labas ng paaralan. Dahil na rin dito, ito’y nagdudulot ng magandang asal ng mga mag-aaral at napapanatili ang kaayusan.

Pangalawa, sa mga nakokolektang pera, may pantustus ng kaunti ang silid-aralan sa mga gastusin gaya na lamang ng pagbili ng floorwax, mga bagong walis tambo, at iba pang kagamitan sa kakailanganin sa loob ng silid. Dahil sa mga ito, napapanitli ang kaayusan at kalinisan na nagbubunga sa tinatawag nilang conducive to learning na isa sa mga layon ng Department of Education (DepEd) upang magkaroon ng kalidad na edukasyon.

Pangatlo, natutugan ang mga minor accidents na di maiwasang mangyari sa loob at labas ng silid-aralan sapagkat may sapat na naipong pundo ang klase dahil narin sa pangongolekta. Kung ano man ang kakailanganing bilhin ay agad itong naibibigay.

Pang-apat, lingid naman sa lahat ng paaralan ng bansa ang pagdiriwang ng pasko o Christmas Party at mga year-end party upang maipakita ang pagmamahal sa ating Diyos sa araw ng kanyang kapanganakan, at dahil sa may sapat na pundong nakolekta ay maaring itong magamit sa lahat ng mga pangangailangan sa nasabing selebrasyon. Liban sa mga donasyon na maaring ibigay ng mga hpnor students ay makakatustos din ang mga napipong pundo para punuin kung ano man ang mga kulang.

Hindi naman masama ang pagkokolekta kung ito naman ay nasa tamang paraan. Dapat nating maisip kung ano ba ang mga magagandang naidudulot kung bakit ito pinapatupad. Tinitignan lang ng mga guro sa kapakanan ng kanilang mga estudyante na sa pamamagitan ng ganitong kasunduan, nananatili nila ang kaayusan ng buong klase, na nadidisiplina niya ang mga ito dahil sa maayos na pangongolekta.

“HB No.3883 na nagsasaad ng No Assignment Policy (NAP) ikinalugod ng mga estudyante.”

Ang batas na ito ay nagsasaad sa pag-babawal ng pagbibigay ng takdang aralin sa mga estudyate sa alinmang paaralan, publiko man o pribado. Sa kabila nito, maraming guro ang nadismaya dahil may mga oras na hindi nila natatapos ang kanilang klase kaya kadalasan ay ginagawa nila itong takdang aralin sa mga bata. Maraming leksyon sila na hindi natatapos sa tamang oras at ginagawa nalang nila itong takdang aralin para malaman din nila kung may natutunan ba ng mga estudyante ang kanilang tinalakay na leksyon.

Sa kabila ng batas na ito marami mga estudyanteng nakahinga ng maluwag dahil mababawasan ang kanilang pasanin at magkaroon na ng malaking oras para sa kanilang pamilya ngunit hindi nasakop ang paggawa ng pananaliksik. Sa kabila naman nito magagaanan nadin sa pakiramdam bilang estudyante at mag kakaroon nadin ng malaking oras para sa pamilya,kaibigan at iba pa.

Nagsimula ang batas na ito noong Agosto 28, 2019 ang pagbigay ng DepEd Memorandum No. 392,series of 2010. Nangako din ang Department of Education (DepEd) na ipagbabawal ang takdang aralin ng mga estudyante at para maiwasan ang pagkakaroon ng pagkawala ng malaking oras para sa pamilya dahil sa paggugol ng oras dahil sa pagaaral dahil sa umaga pumupunta sa paaralan at sa hapon na uuwi o nagagabi dahil sa paggawa ng takdang aralin at pananaliksik para may ipasa sa guro at mag karoon ng malaki o hindi bagsak na marka.

Kailangan natin sumunod sa batas na ipinapatupad ng gobyerno at wag suwain ang mga ito at isipin natin na ang ginagawa nila ay para sa ating lahat para sa ikaka unlad ng sambayanan at tayong mga estudayante ay gina gastusan ng pamahalaan para maging maganda ang ating kinabukasan sa hinarap na problema ng ating lipunan. At sana gagawain ng gobyerno ang kanilang tuntunin o trabaho ng ay dangal at makatao na naaayon

Bilang

ang kayali patnugutan 2019-2020

“Itigil ang korupsyon!” ang matatag na pahayag ng karamihan na naglalayong mapabuti ang sariling lipunan.

Maraming tao ang nagdurusa dahil sa malnutrisyon at kahirapan na siyang bunga sa patuloy na katiwalian. Bakit may iilan parin opisyales ng administrasyon ang hilig magnakaw sa kaban ng bayan! Hindi ba nila alam na dahil sa kanilang mapanlinlang na gawain ay labis na naapektuhan ang mamayan lalong lalo na ang bansa nito? Nasaan na ngayon ang hustisya ng lahat ng mga tao na buong pusong nagtatrabaho makapagbayad lamang ng buwis? Kalapastangan!

Nagbabakasyon sila saan-saan; nag-shoshopping sa alinmang malls, nagpapatayo ng mga malalaking mansyon, at bumili ng mga mararangyang kotse para ano? Para pagnakawan ang kaban ng bayan?! Paano nila ito nasisikmura? Binigyan sila ng pagkakataong mailuklok sa ninais nilang posisyon upang maglingkod sa mga tao ngunit anong nangyari? Tila isang sampal sa mukha ng mamamayan ang kanilang kalapastanganang ginawa.

Sa halip na suportahan ang mga pangangailangan ng mga tao at palaguin ang ekonomiya ng lipunan, pinag-aaksayahan lang nila ang pera para sa kanilang mga luho. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng kilos ng mga tao – pag-rarally at pag-wewelga laban sa kanila ay patuloy pa rin ang kanilang pangungurakot.

Sila’y banta sa komunidad. Isang banta na maaaring humantong sa pagkasira at kawalang pag-asa ng ating bansa. Nahuhulaan mo na ba ang mangyayari sa ating bayan sa hinaharap kung ang ganitong modus ay patuloy na umiiral?

Sa tuwing nanawagan ang bansa ng halalan, samu’t-saring personalidad ang humihingi ng suporta sa publiko upang mapili at maiboto. Naglalapag ng mga plataporma at pangako tungkol sa kanilang paninindigan laban sa katiwalian. Ngunit ng mailuklok na at maging bahagi ng gobyerno, sila mismo ay nagiging tiwali at kawatan sa pera ng bayan.

Sila’y isang hayop na sakim sa pera, isang hayop na binalewala ang lahat nilang tungkulin na paglingkuran ang bayan. Naniniwala sila na ang pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo na kung wala ito, ang kanilang buhay ay tila walang saysay. Kung hindi ngayon, kailan!? Kailan ang tamang panahon upang ito’y bigyang aksyon? Simulan na natin ang isang agarang pagkilos habang mayroon pa tayong sapat na oras. Ngayon ang tamang panahon! ngayon ang tamang oras na singilin sila sa kanilang mga kasinunganlingang pangako! Ngayon na!

Pangkalahatang Patnugot: Sealtiel Je Basmayor Kawaksing Patnugot: Ronald Diano

Patnugot sa Balita: Ruffa Bayon Patnugot sa Editoryal: Ronal Diano Patnugot sa

Lathalain: Gracyle Joy Marquiso Patnugot sa AgTek: Axcel Patumbon Patnugot sa

Isports: Irah Nicole Orepaypay Tagakuha ng Larawan: Sealtiel Je Basmayor Tagaguhit ng Kartong Editoryal: Jhudielxane Basmayor, Leanne Loveros Dibuhista: Emilito Cayacay, Emile Emplio Tagabalita: Ruffa Bayon, Sealtiel Je Basmayor, Jhudielxane Basmayor, Gracyle Joy Marquiso, Jemara Budadong, Mary Grace Medrano, Airah Nicole Oripaypay, Angelica Quirol, Honey Zamora

Kasangguni: Bb. Jessa Joy Andarza Tagapayo: G. Jhan Paul Libradilla Punongguro: G. Ronan Bille Ayco

sa kanlang sweldo
isang estudyante dapat parin tayong maging responsable
mga gawain sa paaralan at sumunod sa alituntunin at hindi umasa o mag pakampanti dahil sa batas na ito sapagkat bilang isang estudyante sa paaralan ng local na gobyerno dapat parin tayo maging isang karapat
para umunlad ang ating bayan mula sa kahirapan at
modelo sa lahat ng mag-aaral.
sa
dapat
para maging
Christine Mato-og Jerick Canales
NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 04 EDITORYAL ang kayali
Cherrybie Resula
ANDAP
2019

Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ANDAP

TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019

Pananaw sa SOGIE

Kailangan pa bang gumawa nang panukalang batas para lang makamit ang konsepto ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng bagay? O kailingan lang nating matututunan ang pagrespeto sa gitna ng ating pagkakaiba-iba? Yan ang mga katanungang nais nating maunawaan kung saan tayo papanig sa gitna ng malaking isyu tungkol sa paghain ng panukalang batas bilang 4982 o “Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Act” na naglalayong mabigyan ng pantay na karapatan ang mga miyembro ng Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders, Intersex, Queers at Asexuals (LGBTQIA+) community. Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang isang transwoman sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti-discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.

Hindi lingid sa ating kaalaman na

talamak ang usapan tungkol sa LGBTQIA+ kung saan sila ay nakakaranas ng diskriminasyon. Madami na tayong nakasalamuha na mga miyembro nito na nakakaranas ng matinding depresyon mula sa kapwa nila. May mga takot maging totoo sa sarili nila dahil takot silang madiskrimina ang kanilang personal na pagkatao. Hindi natin maipagkakait na karamihan sa kanila ay may respeto, may pakikitungo sa kapwa at mabuting asal. Sa kabila niyan, mayroon ding mga miyembro na mahirap pakisamahan dahil sa kaibahan ng kanilang kaugalian. Gayunpaman, napakahalaga parin na bigyan natin sila nang respeto bigyan nang pantay na karapatan bilang tao dahil tayong lahat ay dapat pantay pantay.

Sa pagkamulat ng ating kaisipan tungkol sa SOGIE Bill, maraming mga tao ang nagbigay na mga opinion at kuro-kuro. Isa na rito ang paglaganap ng imoralidad sa ating lipunan na kung saan kung ating uunawain, hindi naman immoral

ang pagpapakatotoo. Ang immoral ay ang panghuhusga ang pagbibigay ng maiksing pagkakataon para mapatunayan ang sarili na katanggap tanggap sa lipunan. Ang iba naman nagsasabing baka ma-abuso nila ang pagtanggap sa kanila sa lipunan na magdidiin sa kanila nang masamang impluwensiya sa mga kabataan na magdudulot ng kalituhan sa kanilang kaisipan.

Kung ang pagrespeto at pagtanggap sa LGBTQIA+ sa ating lipunan ay ating maibigay nang taos puso, edi hindi na nating kailangang gumawa at ipasa ang SOGIE Bill na iyan para lang ito maisakatuparan. Pero kung hindi naman, ang pagpasa nang SOGIE bill ang solusyon kaugnay sa problema, para sa pantay na karapatang pantao na may respeto sa kapwa tao at takot sa Diyos patungo sa pagsulong sa katiwasayan nang mga mamamayan.

SEPARATION ANXIETY

Ayon sa mga panayam ng karamihan ay sang-ayon sa paghihiwalay ng babae at lalaki sa isang seksyon. Makakatulong daw ito upang mabawasan ang bilang ng teen pregnancies na kung saan posibleng dahilan nito ay ang pagsasama ng babae at lalaki sa isang silid.

Sa Andap National High School (ANHS)may ginanap na pakikipanayam hinggil sa Paghihiwalay ng lalaki at babae sa seksyon . Marami ang sumang ayon sa paghihiwalay ng seksyon dahil masaya daw pag puro lalaki ang magsasamasama sa isang silid, saad ni’ ‘’Jaylou N. Omani’’na isang lalaki. Subalit may mga mag-aaral rin na hindi sumang ayon na paghihiwalayin ng seksyon ang mga babae at mga lalaki dahil mas mabuting may interaksyon ang babae

at lalaki sa isa’t isa , tugon ni ‘’Gracyl joy Marquiso’’.May obserbasyon sa kalinisan at may katiwasayan ang isang seksyion pag may babae , pangangatwiran ni ‘’Jhon Ridd Tabangcura ’’

Sa ANHS na may kabuoang 3- na populasyon , na kung saan 45% ang sumang ayon na ihiwalay ng seksyon ang babae at lalaki.Para makaiwas sa anomang posibling mangyari na hindi maganda ,kailangang ipatupad ang ganiton pamamalakad.

Sa kabilang banda naman ay ikinalulungkot itong malaman ng karamihang estudyante lalo na sa mga kabataang mas komportableng gumalaw at makisama sa kanilang opposite sex.

NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 05
EDITORYAL ang kayali
Jemara Budadong Ronald Diano

BANDEHA NG AKING MGA PANGARAP

Gracyle Joy Marquizo

Mulat na ang dalawa kong mata bago pa man sumapit ang ika-alas tres ng umaga. Bagamat hindi ko pa maaninag ang sinag ng haring araw, kita ko na ang simula ng aking normal na buhay. Nakalahad sa harapan ko ang daan na siyang tinatahak sa minutong ako’y nakaapak sa paaralan, patungo sa mga katagang, “Uy, magkano ang isang piraso nito?”.

Inaantok pa man ang diwa ko, kailangan ko nang bumangon upang tulongan ang inay sa pagluluto ng mga kakaning ibebenta ko sa skwela. Patungo sa kusina kong asan siya naka pwesto, amoy ko na ang niluluto niya. Puto na naman sa araw na ito, pag-iisip na ayaw kong isatinig. Matamlay kong kinuha ang lalagyanan ng niluluto

atsaka nagmano sa kaniya. Muli, narinig ko na naman ang linyang madalas kong marinig sa aking ina, “O, dapat maubos mo itong mga puto para makatulong ka sa amin ng ama mo.” Linyang madalas nagsisindi ng apoy sa kaloob-looban ng aking pagkatao, at nagpapaalab ng emosyon sa aking munting puso.

Sa unahang upuan ako nakaupo dahil sa kagustuhan na makinig sa klase kahit na ba sa bawat sandali may kukulbit upang bumili sa aking panindang ang halaga lamang ay dalawang piso. Hindi man halata, ngunit hirap akong magbadyet sa kakainin ko tuwing recess namin. Sampung pisong baon, limang piso lamang ang dapat na

gastusin sa isang araw. Swerte na lamang kung may matira pa sa pera ko. Ngunit, salamat naman sa Panginoon at may pagkain paring nagkakahalaga sa tatlong piso, may pambili pa ako ng tubig pampabawas sa uhaw na aking nadarama.

Gutom pa ang aking tiyan at nakatanaw sa mga putong aking tinitinda. Ibig ko sana itong kainin kahit isang piraso, ngunit nasaisip ko naman ang pagod nina tatay. Tahimik kong pinagmamasdan ang aking mga kaklaseng hawak sa dalawang kamay ang mga pagkaing sa tingin palang mamahalin. Normal sa edad ko ang makaramdam ng inggit sa kanila, malayang nakakabili, malayang nakakakain, malayang nakakatawa, malayang nakakahalubilo sa mga kaibigan. Napatingin sila sa gawi ko at parang nanliit ako kompara sa kanila, nahihiya kong inalis ang tingin at pigil ang luha sabay sabi ko sa isip, “Kaya ko ito!”

Mano kay itay, mano kay inay, kuha sa sisidlan ng tubig, punta sa lababo, buklat ng aklat at kwaderno, bunot ng natirang limang piso, ipinasok sa alkansyang nakagawian ko. Masaya akong tumakbo sa gawi nina inay upang ibigay ang kita kong nagkakahalaga ng isang daang piso. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa aking puso nang makita ang ngiti nila at marinig ang pagpapasalamat dahil sa perang inilahad. Sapat na pampawi ng gutom sa isang araw, sapat na para kunan ng pambaon nina bunso.

Habang pinagmamasdan sila, bigla kong naalala na may proyekto nga pala akong kailangan gawin na kailangan ng pera para matapos ito. Ibig ko mang manghingi sa kita ko, may pinagplanuhan na sila para dito. Kaya naman agad akong tumakbo sa kwarto at hinalungkat ang naipon ko, sa layunin na ako nalang ang maglaan para sa sarili.

Isang bagong araw, bagong metros na paglalakad sa daanan patungo sa pangalawa kong tahanan, bitbit ko ang paninda na palaging nasa aking tabi natanaw ko na ang paaralan ng Andap National High School. Ang paaralan kung saan itinayo ko ang aking munting negosyo, ang aking kapalaran na kailangang harapin sa pangaraw-araw. Inipon ko ang hangarin na sana dumating ang panahon na ako ang maging dahilan para makaahon sa kahirapan ang aking pamilya, na sana sa munting gawa kong ito, maging inspirasyon nawa ako sa mga kabataang ka-edad ko. Ikinakahiya man ito ng karamihan, sisiguraduhin kong may bukas ang larangang ito. Ako si Rhiaca Diano, may edad na labing-tatlong taong gulang, at ito ang bandeha ng aking mga pangarap.

Atraksyon sa Asul na Silid

Cherrybie Resula

Kapansin-pansin sa mataas na paaralan ng Andap ang malabughaw na silid-aralan ng baitang 7 seksyon Mahogany na pinapayuhan ni G. Jhan Paul E. Libradilla.

Isa sa mga paboritong kulay ni G. Libradilla ay ang kulay asul kaya di maipagkakaila na ganun din ang naging kulay ng kanyang silid-aralan. Nung una, pangarap na talaga niya ang magkaroon ng asul na classroom at natupad nga ang kagustuhan niyang ito ng naging opisyal na siya bilang tagapagturo sa ilalim ng DepEd. Mula sa frame ng pisara, mga silya, bulletin boards, bookshelves, kisame, at iba pang kagamitan na makikita sa silid-aralan ay purong may bahid ng kulay bughaw. Nakakamangha sapagkat kagaya ng iba ring kapansin-pansing silid mula sa iba’t ibang paaralan ay isa ang silid-aralan ng grade 7-Mahogany na may malinis at maayos tignan dahil sa maamong kulay asul nito.

Kung gastusin ang pag-uusapan, di maipagkakailang gumastos ng sarili niyang pera si G. Libradilla upang mapaganda ang kanyang silid sapagkat di lang isang simpleng silid ang gusto niyang mangyari kundi, gusto niya itong maging pangalawang tahanan ng kanyang mga estudyante kung saan sila ay tanggap at may maayos na pag-aaralan. Maliban sa paboritong kulay ni G. Libradilla ang asul, pinili niya ito dahil sa mga benepisyo na maaring makuha dito. Sinasabing ang kulay asul ay nakapagpapababa ng labis na pag-alala o agresyon maging sa highblood o heart rate ng isang tao, sa kadahilanang kalakip ng naturang kulay ay ang katahimikan, pagkamahinahon, at kapayapaan. Kaya ganun nalang ang pagkagusto niya dito. Hindi naging madali ang paaran bago natapos ang nasabing silid-aralan. Bukod sa mga gastusin ay kinakailangan din ang dobleng kayod at pagsusumikap. Sa katunayan, si G. Libradilla mismo kasama ng kanyang tatlong nakababatang kapatid ang nagtutulungan mula sa pagpinta ng mga silya hanggang sa kisame matapos lang ang ginustong klase ng silid-aralan. Hindi naman nabalewa ang lahat ng mga pagsusumikap sapagkat nagustuhan ito ng kanyang mga estudyante at ng kanyang mga kaguro. Mas lalong nasiyahan si G. Libradilla ng labis na ikinatuwa ni Gng. Jabines, punong-guro sa Mabini NHS at isa sa mga evaluator sa katatapos lang na Oplan Bisita Eskuwela ang mismong silid-aralan. Sinabi ni Gng. Jabines na napaka-conducive ng silid na kung saan maiinganyo talagang makinig ang mga bata sa klase ng guro.

Sa ngayon, pinapanatili ni G. Libradilla ang kagandahan at kaayusan ng kanyang silid-aralan para sa kapakanan ng kanyang mga estudyante. “Ginagawa ko ito di lang dahil sa gusto ko, ngunit dahil tinatanaw ko ang kapakanan ng aking mga mag-aaral, na gusto ko pagkapasok palang nila sa aking silid ay mararamdaman na nilang tanggap sila magkaiba man ang kanilang mga pinanggalingan”, masayang sabi ni G. Libradilla.

Kilabot sa Room 8

Angelica Quirol M

aniniwala ba ang kararamihan kung isa lang ang nakakaramdam? Ngunit paano kung ikaw at ang iba’y nararamdaman na din ang kababalaghan.

Nagsimula sa haka-hakang binaliwala at pinagtawanan lamang ng iilan,hanggang sa naranasan na ng karamihang estudyante na dumaan sa nasabing silid-aralan.Tipikal sa mga paaralan ang tinatawag na horror story, at isa ito sa karamihang natatamasa ng ilang paaralan. Sa loob nang isang silid may kung anong pangyayaring hindi normal na nasasaksihan ng mga estudyanteng nag aaral dito at ito’y muling nabigyang buhay ng mga usap-usapan tungkol sa kani-kanilang karanasan. “Meron akong nararamdamang kakaiba nung unang pagpasok ko pa lamang sa silid na iyon lalo na’t isa akong bagong guro dito sa paaralan na parang may kakaibang hugis o awra” ayon sa kasalukuyang guro ng silid na si Gng. Marivic Hayana. Binaliwala lang niya ang mga iyon, ngunit sa pagtagal nang panahon nakakaramdam na din ang mga bagong estudyanteng nagaaral dito. Nakakakita sila ng tila ba mga patak ng dugo sa loob ng cr sa naturang silid. Isa sa mga nakasaksi ay ang estudyanteng itago nalang natin sa pangalang Aying. “Una nun ay may nakita akong dugo sa loob nang cr at agad ay naramdaman ko ang takot, kaya nagmadali akong lumabas at ng tinignan naman ulit ng aking mga kaklase ay wala na”, ani Aying.

Sabi pa niya na pagkaraan ng ilang araw ng katatapos lang niyang mag-cr at akmang lalabas na ay nakaramdam siya ng isang pwersang nagtulak para hindi siya makalabas. Agad na nagsitayuan ang kanyang mga balahibo dahil sa insidenteng iyon. Sa kabilang dako, sa kwento naman ng isang gurong nakapagturo sa nasabing silid, na dati ay nahahati pa ito sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ay bodega na kinabibilangan ng nasabing cr at ang isa naman ay classroom ng mga estudyante. Habang sila ay nagkakalase mayroong mga tinig na tila ba kumakanta na walang liriko sa loob ng cr na nasa bodega. Nakaramdam sila ng takot maging ang kanilang mga balahibo’y nagsitayuan na. Ang lahat ay nakiramdam narin sa sususnod na maaring mangyayari ngunit di na ito nasundan. Pagsapit ng ikalawang markahan ng taong iyon ay pinatanggal na ang pader na naghahati rito, at dahil sa nangyari tila ba mas dumarami ang pagpaparamdam. Kaugnay nito, marami mga kababaihan ang nagsasabing minsan nakakaramdam sila na para bang may humihinga malapit sa kanilang liig kasabay ang kaaibang hangin na di mawari kung saan nanggaling. Hindi nila nauunawaan kung ano ba talaga ang pinababatid ng mga pangyayaring ito. Minsan din ay bigla na lamang aagos ang tubig mula sa gripo sa loob ng banyo kahit wala namang tao, at kung minsa’y parang may taong naliligo sa loob. “Ako yung tagadala ng susi at araw-araw, ako ang nagbubukas at nagsasarado ng aming silid aralan. Nakakatakot talaga, kadalasan may kung anong ingay akong naririnig at nakakasinghot ng malansang amoy na nanggagaling sa loob ng cr”, ani Yesha, estudyante. Araw-araw, iba iba ang kababalaghang natatamasa ng mga estudyante sa nasabing silid aralan at may mga nagsasabing naapektuhan na nito ang mga pag-uugali ng mga mag-aaral. Kaya maraming nagtatanong na dahil ba sa mainit ang kanilang ulo o baka dahil may kung anong masamang puwersa na tumutulak sa kanilang para magwala. Sa kabilang banda, mayroon ding mga kababalaghan na nakita sa loob ng cr na di umano’y isang handprints na putik na hindi mawari kung saan ito

NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 06 LATHALAIN ang kayali
na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ANDAP TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019
Ang Opisyal
nanggaling. Sobrang natakot ang mga mag-aaral kaya naman umuuwi na sila agad pagkatapos ng klase. Ayon sa pinakaunang guro ng room 8, naitayo ang building walong taon na ang nakalipas,at ito ang pinakamatagal na building na naitayo. Dagdag pa niya na noong hindi pa nangyari ang bagyong Pablo, maaliwalas ang silid ngunit nag-iba t naging negatibo ang awra matapos naminsala si Pablo. Gayunpaman, dapat lakasan natin ang ating loob at paigtingin ang ating paniniwala sa ating Poong Maykapal sapagkat nandiyan lang Siya palagi sa ating tabi gumagabay sa alinmang katatakutang maari nating maramdaman. Dasal at tiwala ang dapat nating baonin araw-araw.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ANDAP

TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019

Kapasanang di hadlang

Honey

Zamora

Labis na sakit ang aking nararamdaman sa tuwing inaapi ako ng aking mga kamag-aral dahil sa aking kapansanan. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at matulungan ang aking mga magulang kaya hindi ko alintana ang mga pang-aapi nila.

Batang kokey, kimpang, bakang ay ilan lamang sa mga kantyaw nila sa akin. Minsan naging pisikalan na ang kanilang pang-aapi at labis na akong naaapektuhan.

Oo, tanggap ko naman at aminado ako sa aking kapansanan, pero may mga oras talaga na napupuno na ang aking pasensya at kadalsa’y napapasabak sa away. Dahil na rin dito, madalas ay napupunta ako sa guidance office.

Tatlumpong minuto ang aking nilalakad upang marating ang aming paaralan. Kahit hirap ako dahil sa aking katayuan, buo ang aking loob at nagpupursige akong makapasok makamtan lang aking mga pangarap. Ikatlo ako sa apat naming magkakapatid, magsasaka sa bukid ang aking ama habang nasa bahay lang ang aking ina. Hindi ko ikinahihiya ang aking katayuan sa buhay sapagkat sa kabila ng mga pang-aalipusta ng ibang tao ay parating nandiyan palagi ang aking pamilya na nagpapasaya sa akin.

Laging sinasabi ng aking mga magulang kung gaano kaimportante ang edukasyon. Pinapaalala nila na kahit anumang mangyari, pagdating ng araw kung may pinag-aralan ka ay may patutunguhan ka. Ito ang isa sa naging motibasyon ko upang magpursigeng mag-aral. Ito ang naging

Maling Bintang

inspirasyon ko na sa kabila ng aking kapansanan ay kayang kong magpatuloy, kaya kong itawid ang lahat, at kaya kong abutin ang aking mga pangarap sa buhay.

Gusto ko na pagdating ng araw ako na naman ang mag-aalaga sa aking mga magulang, ako naman ang magpapa-aaral sa bunso namin, at ako ang magtataguyod sa aming pamilya. Gustong-gusto ko iyon kaya pinagbubutihan ko ngayon. Wala na akong pakialam sa kanila, ang Diyos ng bahala basta alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan, na biktima lang ako sa tinatawag nilang bullying.

Alam kong isa lamang ako sa mga taong may kapansanan rin na nais mamuhay ng normal, na nais makaramdam ng pagmamahal at walang pang-aalipusta ng ibang tao. Tao lang rin kami, may emosyon at nasasaktan. Sana naman ay mamulat ang nakararami kung gaano kahirap ang aming mga pasanin sa likod ng kanilang mapanghusgang ugali. Sana ay mamulat sila na kaya rin namin, kaya rin naming makibagay sa takbo ng buhay. Ako si Eutemio Macog, 13, isang batang may pangarap at naniniwalang hindi hadlang ang kapansanan sa iyong mga mithiin sa buhay.

Isa lamang akong simpleng bata na gustong makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit ito’y unti-unting nawawala dahil sa mga maling bintang na wala namang matibay na katibayan. Tiwala ng mga taong malalapit sa akin ay tila naglaho na parang bula. Galit at puot ang namumuo sa aking sarili dahil sa lahat ng mapait kung naranasan. Ito na ba ang bunga ng mga maling bintang? Napakadaya naman kung ganun. Kulang na basehan ang galaw, postura, pananamit at pananalita upang direktang pagbintangan ang isang tao. Pruweba, ang siyang dapat pagbabasehan.

Hanggang kailan ko papatunayan na wala akong alam at hindi ako kabilang sa sinasabi nilang “gang” kuno? Habang ako’y nasa aking silid, habang ang luha ay patuloy na pumapatak, habang ako’y pinagsasalitaan ng mga masasamang salita, naiisip kung tila huli na ang lahat para sa aking mga pangarap. Hanggang sa nagsawa na akong mapagbintangan, nagsawa na akong manahimik nalang at sinagot sila ng pabalang. Hanggang malimit na lamang akong pumapasok sa aming silid aralan. Ayaw ko ng masisi, ayaw ko na ng paulit-ulit na iyak, pagod na ako. Nakakasawa na, nakakasawa ng pumasok sa guidance office araw-araw at maririnig ang paulit-ulit na sermon. Hindi naman ako perpekto, pero ang mga tao kung makatingin para bang mapanghusga. May iba rin na kung makapagsalita parang hindi ko narinig, kesyo daw ang angas ko, ang yabang ko, at ang tigas daw ng ulo ko. Hanggang kailan kayo magsasawang ako ay paratangan niyo?! Lagi nalang akong pinagbubuhatan ng kamay ng aking pamilya dahil sa mga bintang na nasasagap nila.

“Tama na! ayoko na. Pagod na akong mabugbog, wala akong kasalanan, ma pa!”, hinaing ko mula sa kanilang walang tigil na kakahampas ng matigas na bagay sa aking katawan. Para bang namanhid na ang aking buong katawan sa sakit hanggang mag-itim ang anking paningin.

Pagmulat ko akala ko patay na ako akala ko tapos na ang paghihirap ko pero hindi. Sinubukan kong tumayo at harapin ang panibago na namang pagsubok.

Napagdesisyunan kong tumigil nalang sa pag aaral dahil alam kong malapit na akong ma-drop out sa klase. Ilang araw na akong pasok-liban, ngunit pilit kung kinakalimutan ang problema dahil ayaw kung pagsisihan sa huli ang mga maling desisyon na maari kung magawa.

Ang tanging tanong na nabuo sa aking isipan ay bakit ako labis na nagpapa-apekto?

Di dapat ako magpapa-apekto datapwat ay simulang baguhin ang aking sarali upang ako’y respetuhin at mahalin. Ika nga nila kailangan mo munang respetuhin ang iyong sarili bago ka respetuhin ng iba.

Wala naman talagang problema kaso nabubuhay tayo sa mundong mapanghusga . Inilahad ng isang estudyateng napagbintangan pero patuloy paring lumalaban!

SUPORTA ANG DAHILAN SA PAGGUHO NG AKING KINABUKASAN

EDUKASYON, Edukasyon na syang sumulat sa blankong papel ng utak ko, edukasyong nagbibigay liwanag sa dilim na tinatahak ko, edukasyong napaka importante sa bawat isa, na dapat sanay bigyan ito ng malaking pansin at halaga, sapagkat, ito lamang ang tanging paraan, natin bilang kabataan, upang masungkit at mahubog ang magandang kinabukasan. Ang tanging susi ng ating buhay, ay ang pagsusunog ng kilay, at upang umangat ang buhay na matagal na nating hinihintay.

Apat na kilometro mula bahay pa skwelahan, binalewala ang pagod at sakit makapasok lang sa silid-aralan, habang dala-dala ang hinanakit na nararamdaman, na nakaukit sa aking puso at isipan. Minulat ko ang ang aking mata at hinarap ang realidad ng lungkot sanhi ng mga problema, problema na parang ligaw na bala, na sa iba sana itinadhana pero sa akin tumama. Gusto kung umahon sa ibabaw ng problema na ito, upang maramdaman ko kung paano talaga mabuhay ng matiwasay dito sa mundo, pero parang Malabo na ata, kasi kahit anong pilit ko unti-unti talaga akong hihilain ng problema pababa.

Suporta ng magulang? Dito ako nag kulang! Isipan ay naging mangmang kung ano ba talaga ang dahilan, siguro dahil sa kakulangan, at siguro dahil sa kakapusan. Huminto sa pag aaral dahil sa kahirapan, mga naglahong pangarap, nais ko sanang balikan, pero hindi ko na talaga kaya dahil nga sa kakulangan ng suporta. kahit uniporme hindi makabili, kahit bolpen makagawa paring mangutang sa tindahan ni aling bebe. Walang makikitang pagkain sa hapagan, ang mga kaldero ay walang nilalaman, at masakit pa kung pakinggan na nagmula mismo sa bibig na mga magulang yong sasabihin nalang “huminto ka na sa pag aaral hindi makakatulong sayo yan!”

Maraming katanungan ang bumubulong sa isipan, kung bakit nanatiling nakakulong sa rehas ng kahirapan. Minsan nga sa patalim nakakapit, dahil sa sobrang gipit. Minsan man ang alimuom ay narinig, pero itinataboy nalang ang mga tinig, nakinig sa sariling panig at tumayo sa sariling mga paa habang nakatindig. Balat sibuyas tayo kung makaasta pero sa kunting problema ay natumba, at kahit pagod na pagod na pilit paring ibubukang bibig na “KAYA PA!”.

Pagsasaka ang aking sinapit, at dito ko nasubukan ang buhay na mapait, tanging pagbugwal ng lupa, ang paraang ginawa ko para kumita, at ito ang ginagawa kong hakbang, upang makatulong sa aking magulang. Hindi hindi ako susuko sa mga pangarap ko na hinubog ng panahon, sapagkat, alam ko na dito sa mundo ang sumusuko ang laging natatalo…

NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019
07
LATHALAIN ang kayali
Yesha Elisha Marquizo

Plastic-free Gulayan

Christine Mato-og

Isa ngayon sa adbokasiya ng Andap National High School (ANHS) ay ang pagpapatupad ng isang plastic-free na mga hardin lalong lalo na pagdating sa Gulalayan sa Paaralan (GPP) na isa sa mga programang isinusulong ng DepEd.

Sa pangungulo ni Gng. Jennelyn Cañete, tagapagdaloy ng nasabing programa, isinusulong ng paaralan ang pagpapagawa ng mga lalagyan ng mga halaman na gawa mula sa natural na materyales gaya ng kahoy, bunot ng niyog, at iba pa.

“Isa sa mga magandang hakbang upang maiwasan ang mga sakit na maaring makuha mula sa mga pananim ay ang pagbabawal sa paggamit ng mga plastics na siyang pinagtataniman ng mga gulay”, ani G. Cañete.

Ayon sa pag-aaral, ang antas ng global na produksiyon ng plastik ay lalong tumatas at umabot na sa 322 milyong tonelada ang nagawa sa buong mundo, 9% ay pawang recycle, 12% ang nasusunog at ang natitirang 79% ay pinapadala sa mga landfills o leak sa kapaligiran.

Ang pagkakaroon ng mga plastik sa kapaligiran, macroplastic man o microplastics, ay isa sa mga pandaigdigang isyu na kinakaharap ng buong mundo sapagkat ito ay labis na nakakaapekto sa ating planeta at kabilang sa mga pangunahing banta sa biodiversity dahil sa maari itong ma-injest.

Sa kabila nito, ang pagpa - Plastic Mulching o ang pagpapalambot gamit ang mga pinipirasong plastics upang mapayaman o ma-insulate ang lupa ay isang karaniwang kasanayan sa ibang bansa na imbis direktang gagamitin ang plastic bilang lalagyan ay ginigiling muna para gawing fertilizer. Sa pahayag ni G. Cañete, inamin niyang gusto niyang subukan ang plastic mulching ngunit napaisip siya na ma-dedefeat ang layunin niyang gawing plastic-free ang kanyang gulayan kaya mas pinili niyang gamitin ang mga materyales na gaya ng mga nabubulok na dahon, kahoy, at iba pa bilang fertilizer imbis plastics.

Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng mga decomposed materials bilang fertilizer ay isa sa mga likas na proseso na pangunahing ginagawa upang magkakaroon ng isang produktibong agrikultura.

Ang mga residu mula sa mga decomposed materials na ginawang fertilizer ay siyang nagpapakain ng mga organismo sa lupa na nagpapalusog sa mga halaman at nagreresulta sa pagkakaroon ng masagana at produktibong ani.

Sa ngayon, patuloy ang pag-momonitor sa GPP at sa lahat ng mga hardin sa paaralan upang mapanatili ang adbokasiya, sa katunayan, nagsasagawa si G. Cañete ng alay-linis dalawang beses kada buwan upang masigurong malinis ang mga gulayan.

The Biggest Losser contest, umarangkada

Mga Guro, nahamon

Axcel Patumbon

Ika nga ng nakararami na ‘Health is Wealth’, ang ating kalusugan mismo ang ating kayamanan kaya naman naglunsad ang ilang guro sa

mataas na paaralan ng Andap National High School (ANHS) ng isang programa na “the Biggest Losser” kung saan hinihikayat ang mga guro na magpapayat.

Sina Gng. Jennelyn Cañete, Gng.Annabel Baylon, at Bb. Sushmita Dayanara Relampagos ang mga gurong lumahok sa nasabing programang na pawang may gustong pumayat.

Ayon sa mga eksperto, 5% hanggang 10% na mga taong nagbawas ng timbang mula sa kanilang orihinal na bigat ay maaaring makabenepisyo sa pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Samakatuwid, ang mga taong may type 2 na diabetes at nakapagbawas ng 7% na timbang sa loob lamang ng 30 minutong ehersisyo ay maiiwasan ang mahigit 60% na panganib dulot diabetes.

Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng wastong timbang ay nakakasarap sa pakiramdam, nakapagbibigay ng maayos na paghinga, nakapagpapabilis ng galaw, nakakatulong sa masarap na tulog, nakapagpapapatulis ng memorya, at napapalayo sa pagkakaroon ng kanser.

Bigas- Mais, Patok

Axcel Patumbon

Isa ngayon sa mga paboritong kainin ng mga guro ng Andap National High School (ANHS) tuwing tanghalian ay ang bigas mais kaysa sa kanilang nakasanayang bigas palay sa kadahilanang ito’y may maraming benepisyo sa kalusugan ng isang tao.

Ang pagbabawas ng dami ng asukal at carbohydrates na ini-intake, pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina, may mabuting taba,at mga gulay, at tamang pag-eehersisyo ng tatlong beses sa isang lingo ay ilan lamang sa tatlong paraan kung paano magbawas ng timbang.

Kung mas mapabilisan naman ang gusto mong pagpapayat, narito ang ilang mga tips:

1. Kumain ng agahan na sagana sa protina.

2. Iwasan ang matatamis na inumin.

3. Uminom ng tubig kalahating oras bago kumain.

4. Pumili ng mga pagkaing nakakabawas ng timbang.

5. Uminom ng soluble powder.

6. Uminom ng kape at tsaa.

7. Kumain ng mabagal.

8. I-monitor ang timbang mo araw-araw.

9. Magkaroon ng sapat na tulog.

Ayon kay Gng. Baylon, ang labis na katabaan ay maaaring dahilan para ma bully ang isang guro, at iniiwasan niya itong mangyari sa kanyang sarili kaya lubos ang kanyang pagsusumikap magkaroon lang ng tamang pangangatawan.

Ang bigas mais ay nanggagaling sa halamang mais na sinasabing nagmula sa Mexico at Gitnang Amerika na isa sa mga pangunahing pagkain ng nasabing lugar. Dahil na rin sa mga magagandang naidudulot nito sa kalusugan ng isang tao kaya mas pinili ng ilan na ito ang gawing kain nila.

Ayon sa pag-aaral, ilan sa mga benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng bigas mais ay magandang pantunaw, pampigil anemia, nagpapataas ng enerhiya, nagpapababa ng LDL Cholesterol o bad cholesterol, pampaiwas diabetes at alta-presyon, nagpapabuti ng paningin,

anti-cancer, kapaki-pakinabang sa panahon pagbubuntis, at maganda sa puso.

Bukod sa health benefits nito, mayroon ding magandang naidudulot ang bigas mais sa balat ng tao, sapagkat ito ay mayaman sa bitamina gaya ng Vitamin C, Thiamin at Niacin, pati na rin ang mineral at antioxidants na nakakatulong sa pagpapakinis at nagpapaiwas sa anumang problema sa balat.

Sa ngayon, sinusulong ng Department of Agriculture (DOA) ang pagkain ng bigas mais dahil na rin sa maraming benepisyo nito sa kalusugan ng isang tao.

NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 08 AG-TEK
kayali
ang
Pahayagan
Mataas
Paaralang Pambansa ANDAP TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019
Ang Opisyal na
ng
na

Ang

ANYCAST, sa magaang pagtuturo

Bida ngayon sa lahat ng guro ng Andap National High School (ANHS) ang paggamit ng anycast device upang mapadali at maging technology-based instruction ang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Ang Anycast Device ay isang teknolohiya na ikakabit sa TV para magkaroon ng diretsahang connection sa alinmang device gaya ng cellphone, laptop, at iba pa.

Sa built-in na screen mirroring settings mula sa cellphone ay mas napapabilis ang pag-connect at pag - screen mirror ng cellphone patungong laptop na siyang nagpapadali sa diskusyon ng mga nagtuturo.

Ilan sa mga magagandang hatid dulot ng paggamit ng Anycast Device ay ang iwas hassle at less time consuming na pamamaraan at paghahanda sa klase.

Ito ay sinang-ayonan ni Jhan Paul Libradilla, guro ng nasabing paaralan, na automatic na niyang naipapakita sa kanyang mga mag-aaral ang downloaded videos na may kinalaman sa kanyang leksyon.

“Instead na i-tatranfer ko pa siya sa laptop para mai-view gamit ang HDMI connection, diretsahan kung naikakapita sa mga mag-aaral ang mga nai-download kung videos at powerpoints”, giit niya.

Ayon naman kay Jessa Joy Andarza, Guro at seller ng Anycast Device, na dumarami ang orders ng Anycast sa kanya dahil sa mga positibong naidudulot nito sa kaayusan ng pagtuturo.

“Sa katunayan, iniimbitahan ako ng ilang guro sa ibang paaralan upang bumili at turuan sila kung paano gamitin ang Anycast”, pahayag ni Joy.

Isa din sa mga benepisyo ng paggamit ng Anycast ay ang impluwensya nito sa atensyon ng mga estudyante kung saan nababawasan ang mga interruptions tuwing klase.

“Naging maayos ang takbo ng aming leksyon sapagkat tuloy-tuloy na ang talakayan at malinaw ng naipakita sa amin kung ano man ibig sabihin ng tinuturo ng aming guro”, ani Honey, estudyante mula sa Grade 10. Sa ngayon, patuloy ang paggamit ng mga guro sa Anycast Device sa kani-kanilang klase at mas naging aktibo ang mga mag-aaral sa kadahilanang mas na-aappreciate nila ang pagtuturo ng kanilang mga guro.

Katatapos lang na idinaos ang Scimath Fair Celebration sa Mataas na Paaralan ng Andap sa nakaraang Ika-1 ng Oktubre ngunit naging libangan na ng halos karamihang mag-aaral ang paglalaro ng Rubik’s Cube na isa sa mga kompetisyon sa nasabing programa.

Nilahokan ng tig-tatatlong estudyante bawat seksyon ang Rubik’s Cube Contest na kung saan paunahan silang i-solve ang cube na may kalakip na oras.

Walang pinipiling edad ang paglalaro ng Rubik’s, basta’t ikaw ay may sapat na cognitive capability ay maari mong itong malutas, at hindi lang iyan, kinakailangan din ang pagkakaroon ng pasensya, interes, at sikap sa paglalaro nito.

Para malutas ang isang Rubik’s Cube, kinakailangan maging pamilyar ka sa mga pattern upang mabilis mong mabuo at ma-igrupo ang lahat ng kulay sa kanilang kinabibilangan.

Kaugnay nito, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa nagbibigay ito ng aliw ay mayroon din itong magandang naidudulot partikular sa utak ng isang tao, ito ay ang mga sumusunod:

• Nakapagpapabuti sa memorya

• Nakapagpapataas ng pasensya

• Nakakatulong upang maging Problem Solver

• Nakapagpapanatili ng isip na maging aktibo

• Nakapapapabilis ng reflexes

• Nakapagpapadebelop ng bilis ng kamay

• Nakatutulong upang maiwasan ang pagkaka roon ng mild addiction

Sa nakaraan lang na District Festival of Talents in Science na ginanap sa Bantacan National High School, nasungkit nila Mary Joy Quirol mula sa Grade 7 Category at John Allen Cornella mula sa Grade 8 Category ang kampyonato sa Rubik’s Cube Contest at sila ay lalahok sa darating na Division Festival of Talents sa Maragusan, Compostela Valley.

AG-TEK ang kayali NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 09
TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ANDAP Rubiks Cube, SIKAT! Irah Nicole Orepaypay Irah Nicole Orepaypay

Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang

Intramurals 2019, matagumpay na idinaos

Raging Blue Dragons na pinangunahan nila Mildred Madulin, Kareen Bagcat, at Emma Valdesco.

Sa unang araw, ipinanamalas na ng bawat koponan ang kanilang galing sa pagsasayaw ng Zumba sa kompetisyong Super Zumba Street dance and Showdown na ginawa sa Crossing Andap at sinundan naman sa ANHS Activity Center.

Labis ang sigaw ng bawat koponan ng ianunsyo na ang mga nagwagi at nagpamalas ng galing sa pagsasayaw, at nakuha ng Tenacious Green Hornets ang kampyonato sa nasabing paligsahan.

Naging simultaneous ang takbo ng programa habang isinasagawa ang mga outdoor at indoor games kasama na rin ang mga Minute to Win it Challenge na labis namang ikinatuwa ng mga estudyante.

Jhudielxane

Basmayor

Matagumpay na ipinagdiriwang mula Ika-12 hanggang ika-13 ng Setyembre,ng Andap National High School ang Intramurals 2019 na may temang “Soar High in the Horizon of Sports” na masayang idinaraos ng lahat ng estudyante at guro ng paaralan.

Pinangunahan nina Ronan Bille Ayco, School In-Charge at Jessa Joy Andarza, School Sports Coordinator ang nasabing aktibidades na sinundan ng parade, lighting of Urn, at banner raising ng bawat koponan.

Binubuo ng apat na magkalabang pangkat ang nasabing programa, una ay ang Mighty Red Centaur na pinangunahan nina Jennelyn Cañete, Jay Ann Vidal, at Marivic Hayana.

Sila Alhzene Panes, Sushmita Dayanara Relampagos, Maria Editha Awing, at Gracyle Camanero naman ang namumuno sa Ferocious Yellow Sphinx, habang ang sa Tenacious Green Hornets naman ay sina Michael Vicente, Jessel Albarico, at Anabel Baylon.

Di rin papahuli ang kampeon sa nakaraang taon na ang

Hindi rin mawawala ang isa sa mga pangunahin at inaabangang parte ng aktibidad, ang Search for Mr. and Ms. Intramurals 2019 na pinangunahan ni Jhan Paul Libradilla na mas pinaghandaan ng bawat grupo sapagkat sa pictorials palang ay di na pakakabog ang lahat ng contestants.

Lalong lumakas ang hiyawan ng kinorohanan sila

Jessie Teves mula sa Mighty Red Centaur at Angelica Quirol ng Ferocious Yellow Sphinx bilang bagong Mr. and Ms. Intramurals 2019.

Sa kabuuang resulta, itinanghal na Overall Champion ang Ferorious Yellow Sphinx na nakakuha ng kabuuang 446 puntos sa lahat ng kompetisyon na sinundan naman sa unang puwesto ng Tenacious Green Hornets na may kabuuang 461 puntos, habang 442 puntos naman ang nakuha ng Raging Blue Dragons na nasa ikalawang puwesto, at ang Mighty Red Centaur na nasa ikatlong puwesto na nakakuha ng may kabuuang 397 puntos.

Puno ng saya, kasabikan at matatamis na ala-ala ng matapos ipagdiwang ang Intramurals 2019 na kahit manalo man o matalo, ay talagang pinagbutihan ng mga manlalaro ng bawat koponan ang mga kompetisyong kanilang sinalihan at buong puso nilang binigay ang lahat ng kanilang makakaya sa paglalaro.

Isang manlalaro, kapansin-pansin sa NBSAA 2019 Volleyball Game

Jhudielxane

Basmayor

Nagpakitang gilas si Angelyn Monsilagan, Grade 7 student at isang manlalaro ng Andap National High School (ANHS) Volleyball Team sa laban nila kontra Camanlangan National High School noong NBSAA meet 2019.

Sa liit ni Angelyn, di inakala ng marami na mayroon siyang sapat na lakas sa tuwing titirahin niya ang bola na mula sa mga hampas ng kalaban.

Sa katunayang, naipapasok din niya ang bola na may kalakasan sa mga pagkakataong siya na ang mag-seserve, at minsan dahil sa lakas ng impact ay di ito nasasangga ng kabilang grupo.

Sa naunang intramurals ng paaralan ay nakitaan na ng potensyal si Angelyn ni Gng. Marivic Hayana, coach ng volleyball, at ang totoo’y di pa siguradong kukunin si Angelyn dahil nga sa kanyang liit, ngunit dahil sa determinasyon at galing na kanyang ipinamalas sa bawat laro ay nakuha siya sa grupo.

Naging mahigpit ang laban ng dalawang koponan sapagkat may pagkakapareho lang sila ng lakas.

Sa unang game, nanalo ang Andap NHS kontra Camanlangan NHS sa iskor na 25-15, habang nabawi naman ng natalong grupo ang pagkapanalo sa ikalawang game sa iskor na 25-17.

Dahil sa nangyari, nagkaroon ng decision game na lalong nagpa-init sa labanan ng dalawang grupo at di na magkamayaw ang mga tagasuportang madla ng bawat panig.

“Gagawin talaga naming ang lahat ng aming makakaya upang manalo sa huling laban”, ani Angelyn bago sinimulan ang huling laro.

Nagkaroon muna ang 4 slides bago nalaman ang panalo na nakuha ng Camanlangan NHS sa iskor na 27-26.

Natalo man ang Andap NHS Volleyball Team Girls, naging pursigido naman si Angelyn at ang ibang manlalaro na babawiin ang pagkapanalo sa susunod na taon.

NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 10 ISPORTS ang kayali
ANDAP TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019
Pambansa
PAGKAKAISA SA KAGILIRAN NG PAMPALAKASAN.
Naghanda ang lahat para sa gagawing parade sa opening ng intramurals 2019.
Sealtiel Je Basmayor SHS XII SMALL BUT TERRIBLE. Tinanggap ni Angelyn Monsilagan, 12 - kaliwa, ang bola mula sa spike ng kalabang koponan ng Camanlangan National High School. Sealtiel Je Basmayor SHS XII

Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa

Grade 7 Students, nakitaan ng potensyal sa Dancesports

Road to Provincial, gustong sungkitin

AXCEL Patumbon

Pusposan ang paghahanda nina Roel Digal at Cleah Rency Alimento na pawang mga grade 7 students ng Andap Natioanl High School sa kanilang training sa dancesports sa gaganaping New Bataan Schools Athletic Association (NBSAA) Meet 2019.

Sa pangunguna ni G. Jhan Paul Libradilla, coach at mentor sa nasabing sport, nakitaan niya ng potensyal ang dalawang kaya walang pag-alinlangan kinuha niya ang mga ito bilang bagong meyimbero ng kanyang Dancesports team na rerepresinta sa paaralan.

Dating gymnast si Cleah nung siya’y elementary palang habang hilig sa pagsasayaw naman ang kinagigiliwang libangan ni Roel, kaya di mapagkakaila mabilis silang turuan ng iba’t ibang Latin dances.

Balot ng tensyon ang mga

estudyanteng nanood ng badminton sa playing venue ng Andap National High School sa nakaraang Intramurals 2019 dahil sa malakidlat na hampas ng mga manlalarong babae kanilang mga rocket sa layuning masungkit ang panalo.

Nakiisa sa larong ito ang mga

Dating ng qualifier ang dancesports team ni G. Libradilla sa Compostela Valley Province Athletic Association (CVPAA) Meet sa nakaraang taon na nilahokan nina Sealtiel Je Basmayor at Sheila Mae Bestudio na pawang grade 12 students na ngayong taon kaya ganun na lamang ang labis na pag-eensayo na ginawa niya sa mga bago niyang mananayaw.

“Nung araw na nagpa-audition kami para sa mga freshmen bilang bagong meyimbero ng Hugyaw Dance Company, tumatak agad sa isipan ko sina Cleah at Roel mapatos silang sumayaw, small but terrible yung kanilang magiging dating dance floor”, ani G. Libradilla.

Sa tulong na rin nila Sealtiel at Sheila, madaling natutunan ng dalawang bata ang mga basic steps ng Cha Cha Cha, Rumba, at Jive at mabilis na nasaulo ang kanilang dance routine na itinuro ni G. Libradilla.

Upang manalo, tiwala sa poong may-kapal, determinasyon, kumpyansa sa sarili, at lakas ng loob ang gustong ipabaon ni G. Libradilla kina Cleah at Roel sa NBSSA Meet 2019 na gaganapin sa darating na ika-14 hanggang ika-15 ng Oktubre 2019.

NBSAA Meet 2019, Umarangkada!

manlalarong sina Diane Trixie Paring (single A), Hazel Mae Sepe (single B), at Leanne Loveroz at Noviemae Davis (doubles) kasama ang kanilang tagapayo at coach na si Sushmita Dayanara Relampagos.

Ipinamalas ng mga nasabing manlalaro ang kanilang kagalingan sa paglalaro sa pamamagitan ng pagpapataob sa kani-kanilang kalaban.

Ipinakita nila na kahit sila’y mga babae ay may ibubuga sila pagdating sa isports at palakasan partikular na sa larong badminton. Hinirang ang nasabing manlalaro bilang kampeon at inaasahang ilalaban sa NBSAA Meet 2019 na gaganapin sa darating na ika-14 hanggang ika-15 ng Oktubre 2019.

Ilang Atleta ng Andap NHS, humakot ng parangal

Sealtiel Je Basmayor

Naging mapayapa at matagumpay ang pagdaos ng New Bataan Schools Athletic Association Meet (NBSAA) 2019 na ginanap noong ika-14 hanggang ika-15 ng Oktubre sa Don Sarmiento Sports Complex, New Bataan, ComVal.

Sa pangunguna ni Gng. Bernadette Gastanes, School Principal II ng Camanlangan NHS at Sports Delegation Head ng New Bataan, maayos na nasimulan ang naturang programa na nilahokan ng pitong delegasyon, ang Andap NHS, Bantacan NHS, New Bataan NHS, Camanlangan NHS, Cogonon Integrated School, at Cagan NHS/Pongpong Integrated School.

Alas otso ng umaga pormal na inumpisahan ang programa na sinimulan ng parade, saludo, at lighting of urn ng mga qualified na atleta sa nakaraang taon ng bawat delegasyon.

Kaugnay nito ang pagpupursige ng lahat ng manlalaro ng delegasyon ng Andap NHS na pinangunahan ni G. Ronan Bille Ayco, School In-Charge, upang makakuha ng parangal at mapabilang sa mga qualified athletes na daldalhin sa Provicial Meet na mangyayari pa rin sa bayan ng Montevista.

Mahigpit ang naging laban ng bawat delegasyon sa bawat sports event, at isa na riyan ang volleyball women na talaga namang nagpadagundong sa playing venue dahil sa close fight ng bawat koponan.sa huling araw ng aktibedades, opisyal na inanunsyo ng secretariat ang mga nag-qualify na manlalaro sa provincial meet, at may iilang atleta mula sa Andap NHS ang nakasali gaya

ng mga sumusunod:

• Athletics - Jerick Canales at Angeline Mapayo

• Taekwondo - Jemar Canales at Kenny Estroga

• Volleyball Women - Angel Amodayon

• Sepak Takraw Women - Zyla Marie Ayocan - Jerami Comnag - Sheryl Kaye Saigad

• Billiard - Jericko Basta

• Gymnastics - Weyah Jericka May Pancho at Marian Leon

• Dancesports - Sealtiel Je Basmayor, Roel Digal, Cleah Rency Alimento

Balot ng kasiyahan ang lahat ng manlalaro sa Andap NHS matapos ang mga pangyayari, may mga umuwi mang talunan pero mas nanaig ang kanilang ligaya sa lahat ng kanilang kasamahang lalaban pa sa darating na Provincial Meet 2019.

ISPORTS ang kayali NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY, REHIYON XI TOMO I - BILANG III- HUNYO - SETYEMBRE 2019 11
ANDAP
TOMO I- BILANG I- HUNYO- SETYEMBRE 2019
Girls nagpasasiklab ng galing sa Intramurals 2019
Badminton
DETERMINASYON AT LAKAS NG LOOB. Nag-ensayo sina Roel Digal at Cleah Rency Alimento (Kanan) ng Dancesports sa gaganapin na NBSAA Meet 2019. Sealtiel Je Basmayor SHS XII

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.