Piyesa Ng Tagumpay

Page 1

PIYESA NG

TAGUMPAY

FERREEANDREEVM. PUNZALAN AKADEMIKONGPORTFOLIOSA SAFILAK IKA-21NGHUNYO 2023

Ang portfolio na ito ay may pamagat na "Piyesa Ng Tagumpay" Ang salitang "Piyesa" ay isang porsyon ng isang bagay o kagamitan, maaari itong mahambing sa mga salitang piraso, bahagi, o parte. Samantalang ang salitang "Tagumpay" ay nangangahulugang katuparan ng anumang plano, balak o layunin

BAKIT ITO ANG NAPILING PAMAGAT?

Bagamat ang ito ang

napiling pamagat

sapagkat ang bawat

piyesa o mga piraso ng mga napag-aralan at mga gawain sa

asignaturang SAFILAK

dahil nagkaroon ang may akda ng progreso sa larangan ng pag

sulat na syang

nakapag bigay ng

dagdag kaalaman.

Naging mas umunlad at gumaling ang

manunulat sa wikang ito

Bukod pa dito, ay nakarating o nakaabot ang may akda sa

huling bahagi ng

akademikong taon na nagsisilbing tagumpay ngunit hindi pa itong ang tagumpay na kanyang inaasam

bagamat ito pa

lamang ang simula

kung kaya't marami

pang tagumpay ang

kanyang makakamit na makakabuo ng

isang buong piraso

Kaya taos-pusong nag papasalamat ang may akda sa lahat ng naging kasama nito sa hirap at ginhawa sa akademikong taon na ito sapagkat walang iwanan ang naganap kundi pag tutulungan lamang at pag sasamahan ng bawat isa. Una, ang may akda ay lubusang nagpapasalamat sa kanyang guro na si Binibining Mikee sapagkat hindi siya nawalan ng gana at motibasyon na makapagbigay kaalaman at kasama na rin ang patuloy na pag papasaya at pag bibigay ngiti sa mga

estudyante Nag papasalamat rin ang may akda sapagkat ginabayan, tinulungan, at binigyan kami ng oportunidad na mai-tama namin ang aming akademikong sulatin

Pangalawa, nagpapasalamat siya sa kanyang mga kaklase at mga kagrupo na laging nandyan na laging bukas ang kanilang mga palad kung sakaling may mga hindi pag kakaintindihan o mga may salitang kailangan isalin sa pangungusap ay lagi silang nandyan Kung hindi dahil sa kanila hindi magiging makabuluhan at magiging makulay ang buhay kasama niya ito sa asaran, saya, at na rin sa kalungkutan ng buhay At ang pang huli, lubos na pinapasalamatan niya ang Diyos na nagbigay ng lakas at motibasyon na matapos ang mga sulatin at sa pag gabay sa mga desisyon sa buhay

PAGPAPASALAMAT
02

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA NG PAMAGAT

PROLOGO

TALAAN NG NILALAMAN

REPLEKTIBONG SANAYSAY

POSISYONG PAPEL (BURADOR)

POSISYONG PAPEL (PINAL)

LARAWANG SANAYSAY

ABSTRAK EPILOGO BIONOTE WAKAS

6. 3. 19.
12. 4. 21. 22. 23. 24. 03
1.
2.

Replektibong sanaysay

NATUTUNANKO SAJUNIORHIGH SCHOOL?

Ano nga ba ang mga karanasan ko noong pag tungtong ko sa high school? May mga natutunan ba ko sa buhay? Lumaki ba kong isang mabuting indibidwal? Bagamat ito ang mga katanungan sa aking isipan nang isinusulat ko ito

Ako’y nagmuni muni saglit at inalala ang mga karanasan ko noong pagtatapos ng elementarya, kasabay ng pagtatapos ay kakalipat lang rin namin ng bagong bahay sa Santo Tomas Ang unang taon ko sa high school ay nakaramdam ako ng halo halong emosyon (gulat, saya, kaba at iba pa) dahil ako’y na culture shock kumbaga sa aking naobserbahan ay dito ko naintindihan na may iba’t ibang klase pala talaga ng pagpapalaki sa mga estudyante bagama’t ang kanilang mga galawan ay ibang iba sa akin kaya naaalala naman ay madalas akong mag tanong sakanila. Naaalala ko pa noon ang mga kaklase ko ay nag sasalita ng “salaw” na ibig sabihin ay makulit o bastos Ang salitang ito ay isang espresyon ng mga Batangueño.

Nang matapos ang aking unang taon sa highschool, ako naman ay tumungtong na ng ika-walong baitang kung saan dito ko naranasan at naramdaman na ako’y isang independent, ito lamang ang aking nasa isip noon sapagkat hinayaan nako ng magulang ko magcommute ng mag isa ngunit habang inaalala ko ang nakaraan ay sumagi sa isipan ko napaka mahiyain ko noon at ibang iba na talaga ang naging epekto ng highschool saakin Noon, sa pag hingi ko ng sukli sapagkat minsan ay kulang ang sukli na binibigay ng mga tsuper ay nahihiya pa ko kunin ito sa kadahilanan na ayaw kong marinig ng mga pasahero ang aking boses ni maski sa pag order sa mga fastfood ay nahihiya rin ako Ngunit ngayon ay hindi nako nakakaramdam ng kaba o hiya sa aking mga galaw lalo’t napagtanto ko na walang magaganap o mangyayare sa buhay ko kung parati akong mahihiya kaya’t hangga’t maaari ay sinusubukan ko ng mas makapag socialize ng sa paraan na ito ay mas maging aktibo ako

ANONGABAANG
04

Replektibong sanaysay

NATUTUNANKOSA JUNIORHIGHSCHOOL?

Nang ika-siyam ko na baitang dito ko na mas lalo naintindihan ang aking sarili, dahil ang mga gawain noong elementarya ay walang katulad kumpara sa highschool. Mas nagkaroon na ko ng confidence sa sarili sapagkat naalala ko noon ay puros roleplay ang mga pinapagawa at ang huli kong natatandaan ay nag papraktis kami ng buong seksyon patungkol sa isang Performance task na pinamagatang “Romeo and Juliet” subalit sa kasamaang palad ay hindi namin ito naipresenta sa kadahilanan ng pag laganap ng pandemya o COVID-19 sa bansa kaya’t napilitang magbakasyon ang eskwelahan.

Makalipas ng ilang buwan ay nagkaroon ng ibang klase ng pag tuturo na online class kung saan ay ako ay nasa ika-sampung baitang na, malapit na matapos ang Junor high school. Sa unang buwan ng akademikong taon na to ay iniisip ko na maayos at masaya dahil walang mga roleplay, mga personal na pagsusulit at iba pa. Ngunit lahat ng ito ay sa una lang pala masaya dahil ng dumaan ang ilan pang buwan na puros ganito ay nalungkot ako bagama’t napansin ko na wala nako nakakausap na mga kaibigan, laging mag isa. Wala nang natututunan sapagkat puros pasa nalang ng mga pinapagawa ng mga guro na kung saan ay ako ay nadrain sa mga paulit-ulit na lamang na pinapagawa wala ng pag babago Ngunit dahil dito mas lalo kong binigyang pansin ang mga kasanayan o skills na kung saan ay nag bunga ito sa aking senior high school at dito rin nasubok ang aking mental na pagiisip

Bilang pag wawakas ng aking mga karanasan ay masasabi ko lamang na ang mga karanasan ko noong Junior high school partikular na ang bawat baitang ay may aral o kasanayan na matututunan, nasasabi ko ito sapagkat habang sinusulat ko ay inoobserbahan ko rin ang aking mga naging galawan ngayong nasa senior high school nako Ang mga karanasan na ito ay nag sisilbing patunay o tanda kung saan ako o ikaw nag simula.

ANONGABAANG
05

POSISYONGPAPELHINGGILSAPAGPAPATUPAD

NGMANDATORYROTCSAMAG-AARALNG SENIORHIGHSCHOOL(BURADOR)

Ang ROTC o mas kilala na Reserve Officers’ Training Corps ay dapat nga ba gawing Mandatory sa mag-aaral ng senior high school sa Pilipinas. Ang mandatoryong ROTC ay isa sa tatlong bahagi ng NSTP o National Service Training Program. Idinisenyo para sa mga kabataan o partikular na ang mga estudyante para mabigyan ng scholarship sa kolehiyo kapalit nito ay pag lingkod sa militar kung saan ay sila ay huhulmahin na maging isang mabuti at mahusay na mamamayan na maaaring magsilbi bilang mga reserbang opisyal sa militar ng Pilipinas kung kinakailangan. Layunin ng ROTC ay maturuan ang mga estudyante ng disiplina, pagpapahalaga sa pagkamamamayan, pamumuno at iba pa.

Ang ROTC ay isa sa mga nangungunang programa na tinuturuan at inihahanda ang mga estudyante sa reyalidad ng buhay. Sabi sa mga balita, pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na kasalukuyang sekretarya ng edukasyon na noong Enero 2022 na umaasa siyang isasama ni Marcos ang programa na mandatoryong ROTC sa kanyang legislative adyenda. Nang sumapit ang unang State Of the Nation (SONA), Julyo 25, nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa kongreso na magpasa ng batas na magbabalik sa ROTC bilang mandatoryong bahagi ng mga programa sa senior high school. Nang matatandaan natin hinimok din ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na buhayin ang mandatoryong ROTC noong 2018.

FE AK FI POSISYONG
PAPEL
06
Mula sa Wikipedia Mula sa Wikipedia

POSISYONGPAPELHINGGILSAPAGPAPATUPAD

NGMANDATORYROTCSAMAG-AARALNG SENIORHIGHSCHOOL(BURADOR)

Gayunpaman may malaking bilang pa rin ang mga hindi sumasangayon dito sa kadahilanang mga kontrobersyal na mga isyu noon. Naging resulta nito, ay nababalisa ang mga taong bayan kung isasagawa ang mandatoryong ROTC sa Senior High, sa kabilang dako naman ay may mataas na din na bilang ang mga sumasang-ayon rito dahil sa mga benepisyo na puwedeng makuha rito.

Nasabi sa isang pananaliksik na ang ROTC ay pinaniniwalaan at nakita na kayang maitaguyod ang kultura ng disiplina at responsibilad sa kadahilanan na ang kombinasyon ng pag aaral ng kolehiyo at pag dedesiplina ng ROTC ay nag kakaroon ng makabuluhang resulta na syang nai-aaply ng mga estudyante sa kanilang buhay na mahasa ang kanilang pisikal at emosyonal na kaisipan at kaanyuan na makakatulong na maging matanggumpay sa anumang mapagkumpetensiyang kapaligiran.

Ang ROTC ay nailimbag noong taong

1922 sa Pilipinas at inalis noong

2002 dahil sa mga maling

pamamaraan at pag labag sa karapatang pantao.

Hindi lamang benepisyo sa sarili ang kaya ibigay ng pag kakaroon ng mandatoryong ROTC kundi pati na rin sa lipunan. Sa programang ito mahahasa ang mga kasanayan, pamumuno, at pagiging disiplinado ng isang indibidwal. Maaaring makapagbigay ng pinansyal na tulong lalo na sa mga kolehiyo na gusto maipag patuloy ang pag aaral upang makamit ang kanilang mga

pangarap na kung tutuusin ay isang bagay na mahirap gawin ng kanilang sarili lamang. Samakatuwid, ako ay sumasangayon sa pag pagpapatupad ng mandatoryong ROTC sa mga senior high school.

ZALAN SA POSISYONG PAPEL
07
Mula sa Central Philippines University

POSISYONGPAPELHINGGILSAPAGPAPATUPAD

NGMANDATORYROTCSAMAG-AARALNG SENIORHIGHSCHOOL(BURADOR)

Nasabi sa isang pananaliksik na ang ROTC ay pinaniniwalaan at nakita na kayang maitaguyod ang kultura ng disiplina at responsibilad sa kadahilanan na ang kombinasyon ng pag aaral ng kolehiyo at pag dedesiplina ng ROTC ay nag kakaroon ng makabuluhang resulta na syang nai-aaply ng mga estudyante sa kanilang buhay na mahasa ang kanilang pisikal at emosyonal na kaisipan at kaanyuan na makakatulong na maging matanggumpay sa anumang mapagkumpetensiyang kapaligiran. Ang ROTC ay nailimbag noong taong 1922 sa Pilipinas at inalis noong 2002 dahil sa mga maling pamamaraan at pag labag sa karapatang pantao.

Hindi lamang benepisyo sa sarili ang kaya ibigay ng pag kakaroon ng mandatoryong ROTC kundi pati na rin sa lipunan. Sa programang ito mahahasa ang mga kasanayan, pamumuno, at pagiging disiplinado ng isang indibidwal. Maaaring makapagbigay ng pinansyal na tulong lalo na sa mga kolehiyo na gusto maipag patuloy ang pag aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap na kung tutuusin ay isang bagay na mahirap gawin ng kanilang sarili lamang. Samakatuwid, ako ay sumasang-ayon sa pag pagpapatupad ng mandatoryong ROTC sa mga senior highschool.

Madami ang dahilan kung bakit mataas bilang ng mga tao na hindi sumang-ayon sa pagpapatupad ng mandatoryong ROTC ayon sa Children Rights Network (CRN) na isa sa pinakamalaking alyansa ng mga organisasyon at ahensya na nagsusulong para sa batas ng mga karapatan ng mga bata sa Pilipinas. Ipinaliwanag na natatakot at ipinahayag nila na hindi ito kailangan sapagkat baka mag resulta lamang ito sa trahedya ng mga mag-aaral.

POSISYONG PAPEL
08
Mula sa Rappler

POSISYONG PAPEL

POSISYONGPAPELHINGGILSAPAGPAPATUPAD

NGMANDATORYROTCSAMAG-AARALNG

SENIORHIGHSCHOOL(BURADOR)

Naisalaysay nila ito sapagkat kung magbabalik tayo sa kasaysayan ng

ROTC sa Pilipinas ay nag karoon ng maintinding kontrobersang kaso

noong taong 2001 na may mga kaso ng paglabag ng mga karapatang pantao na at maling pag-uugali ng

mga instructor. Kasangkot pa dito, nang magsampa ng pormal na reklamo ang dalawang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Mark Welson Chua at si Romulo

Yumul laban sa kanilang mga

nakatataas na naglantad ng

mabibigat na alegasyon ng katiwalian sa kanyang ROTC unit.

Matapos ang isang buwan na maipublish ang artikulo ay natagpuan ang walang buhay na katawan ni Chua na syang nag-udyok sa mga

grupo ng mga estudyante na magsagawa ng mga rally.

Sa gitna ng krisis samu’t saring problema ang kinakaharap ng ating bansa kabilang na dito ang mga terorismo at mga krimen lumalaganap sa buong bansa. Kung titingnan natin ito ng maigi at pinag aralan mabuti ang ugat ng mga problema ito ay ang bansa natin mismo. Dahil hindi lahat ng tao ay edukado ang nagiging bunga neto ay marami ang mga walang trabaho, pera at pagkakaisa. Unang una ang pag papatupad ng mandatoryong ROTC ay hindi pinagtutuunan ng pansin ang problema sa loob ng programa kundi pati na rin ang mga nasa politika at papel ng mga militar sa ating bansa na magsilbe upang protektahan ang lahat ng mga tao at ang paligid upang magkaroon ng tahimik at ligtas kapaligiran.

09 Mula sa Philippine News Agency
Mula sa Wikipedia

POSISYONGPAPELHINGGILSAPAGPAPATUPAD

NGMANDATORYROTCSAMAG-AARALNG SENIORHIGHSCHOOL(BURADOR)

Ang mandatoryong ROTC ay hindi lamang isang programa na makakatulong sa pagiging isang mabuti at mahusay na mamamayan kundi maaari rin itong makapag

bigay o makapag-papanatili ng mga mag-aaral ng pinansyal na suporta na makakatulong sa kanilang edukasyon ngunit sa sitwasyon natin ngayon, sa kasamaang palad marami ang hindi nakakapag

kolehiyo sa kadahilanan ng kahirapan na alam naman natin na mahirap makapag tapos dahil may kamahalan o kailangan mag labas ng malaking halaga ng salapi ang pag aaral sa koheliyo ngunit ang pag papatupad ng mandatoryong ROTC at pag lingkod ay mabibigyang pagkakataon ang bawat estudyante na makapag tapos at magkaroon rin ng trabaho sa militar. Bagama’t pag mas tumaas ang rates ng mga edukado sa bansa ay mag tataguyod ito ng pagtaas sa mga indibidwal na magkaroon ng trabaho, kita, kalusugan, at pagbabawas ng kahirapan.

Ang pagpapalalim ng kaisipan at pagiintindi sa pagsasagawa ng mandatoryong ROTC ay malalaman natin na makakaapekto ito sa positibong paraan sa pamamagitan paglakap ng impormasyon sa ibang bansa tulad nalang sa South Korea na pinapatupad sakanila ang mandatoryong ROTC na syang nag papakita ng malaking resulta sa pagkakaroon ng mga kabataan ng pagiging nationalismo, disiplinado, pag tutulungan ng bawat isa.

ZALAN SA POSISYONG PAPEL
10
Mula sa Anadolu Agency

POSISYONGPAPELHINGGILSAPAGPAPATUPAD

NGMANDATORYROTCSAMAG-AARALNG SENIORHIGHSCHOOL(BURADOR)

Para sa kabuuan, ang pag papatupad ng mandatoryong ROTC ay makakatulong hindi lamang sa pansarili kundi pati na rin sa buong bansa. Makakadulot ng kabutihan ang pag papalaganap ng mandatoryong ROTC na mas maging disiplinado at responsable ang mga mamamayan, mas maging progesibo ang bansa, mas ligtas na kapaligiran, mas mag karoon ng matibay na kabataan sa pisikal at emosyonal na kaisipan at kaanyuan, at higit sa lahat ay mag karoon ng pag kakaisa para masolusyonan ang pag teterorismo at pag rerebelde. Para sa pag tatapos, upang maisaayos at hindi na muli maulit ang malubhang kasaysayan noon ay kinakailangan ng malaking pag babago at matinding pag susuri ng mga

kagamitan kabilang dito ang mga

kritiko na dapat na ngayong magtaas ng kanilang mga boses upang matiyak na ang mga problema ng mga paaralan, mga magulang, mga mag-aaral ay maririnig lahat.

Ang mga taga turo ay dapat dumaan sa masusing pagsasanay lalo na sa kalidad at pamamaraan ng pagtuturo upang mag-ingatan sa pisikal, mental, at panlipunang kagalingan ng mga taga turo lalo na ang mga estudyante nang sa gayon ay maisagawa ng tama at mabuti upang masunod ang layunin ng mandatoryang ROTC.

ZALAN SA POSISYONG PAPEL
11

POSISYONG PAPEL

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Ang ROTC o mas kilala na Reserve Officers’ Training Corps ay dapat nga ba gawing Mandatory sa magaaral ng senior high school sa Pilipinas? Ang mandatoryong ROTC ay isa sa tatlong bahagi ng NSTP o National Service Training

Program. Idinisenyo para sa mga kabataan o partikular

na ang mga estudyante para mabigyan ng scholarship sa kolehiyo kapalit nito ay pag lingkod

sa militar kung saan ay sila ay huhulmahin na maging isang mabuti at mahusay na mamamayan na maaaring magsilbi bilang mga reserbang opisyal sa militar ng Pilipinas kung kinakailangan.

Layunin ng ROTC ay maturuan ang mga estudyante ng disiplina, pagpapahalaga sa pagkamamamayan, pamumuno at iba pa. Ang ROTC ay isa sa mga nangungunang programa na tinuturuan at inihahanda ang mga estudyante sa reyalidad ng buhay. Pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na kasalukuyang sekretarya ng edukasyon na noong Enero 2022 na umaasa siyang isasama ni Marcos ang programa ng mandatoryong ROTC sa kanyang legislative adyenda. Nang sumapit ang unang State of the Nation Address (SONA), Julyo 25, nanawagan si Pangulong Bongbong

Marcos sa Kongreso na magpasa ng batas na magbabalik sa ROTC bilang

mandatoryong bahagi ng mga programa sa senior high school. Nang matatandaan natin hinimok din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na buhayin ang mandatoryong ROTC noong 2018.

12
Mula sa Wikipedia

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Ayon sa isang survey ng Pulse Asia, Ang mga Pilipino ay pabor sa pag pagpapatupad ng Mandatoryong ROTC bagamat ay pinaniniwalaan ng mga respondente na ang mga magaaral ay magkakaroon ng disiplina at responsibilidad. Ang ROTC ay idinisenyo upang magbigay ng mga kapaligirang hamon kasama ang mga pakikipag-ugnayan sa lipunan nang sa gayon ay mas mahasa ang mga umuusbong na pinuno at mas pagbutihin ang kanilang kakayahan.

Kung kaya’t ang isang indibidwal ay may natatanging pag-uugali sa kabila ng mabuti o hindi mabuting modelo na pinuno. Ang programang ROTC ay gumagamit ng interactive na pagtuturo na kung saan ay sila ay maaaring maka eksperyensya ng pamumuno ng militar, pagtugon sa kalamidad, pagbabasa ng mapa, kurso ng lubid at mga kasanayan sa kaligtasan ng gubat ipinapatupad bawat lingo. Na syang makakapagbigay ng pagkakataon sa mga estudyante na mag reflect upang palawakin ang kanilang karanasan, tiwala sa sarili, at sa huli ang kanilang pang-unawa sa uri ng pagiging pinuno nila na hahantong sa pagiging mas mabuting indibidwal. Ang ROTC ay nailimbag noong taong 1922 sa Pilipinas at inalis noong 2002 dahil sa mga maling pamamaraan at pag labag sa karapatang pantao.

Base sa pag aaral ni Bandura, kilala dahil sa pag-aaral kung paano ang pagmamasid at pagmomodelo ay may malalim na impluwensya sa pag-aaral. Pahayag nito, matapos mabuo ng mga indibidwal ang kakayahang matuto sa pamamagitan ng obserbasyon, hindi sila mapipigilan ng iba na iproseso ang nasaksihan. Dagdag pa nito na kahit na may impluwensya ang paligid ay may abilidad ang isang mag-aaral na pumili ng katangian sa pamamagitan ng pang-unawa.

POSISYONG PAPEL
Mula sa Philippine Star
13
Mula sa OneNews.PH

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Madami ang dahilan kung bakit

mataas ang bilang ng mga tao na hindi sumang-ayon sa pagpapatupad ng mandatoryong

ROTC at ayon sa Children Rights Network (CRN) na isa sa pinakamalaking alyansa ng mga

organisasyon at ahensya na nagsusulong para sa batas ng mga karapatan ng mga bata sa Pilipinas.

Ipinaliwanag na natatakot at ipinahayag nila na hindi ito

kailangan sapagkat baka mag resulta lamang ito sa trahedya ng mga mag-aaral. Naisalaysay nila ito

sapagkat kung magbabalik tayo sa

kasaysayan ng ROTC sa Pilipinas ay nag karoon ng maintinding

kontrobersang kaso noong taong

2001 na may mga kaso ng paglabag ng mga karapatang pantao na at maling pag-uugali ng mga instructor.

Hindi lamang benepisyo sa sarili ang kaya ibigay ng pag kakaroon ng mandatoryong ROTC kundi pati na rin sa lipunan. Sa programang ito mahahasa ang mga kasanayan, pamumuno, at pagiging disiplinado ng isang indibidwal. Maaaring makapagbigay ng pinansyal na tulong lalo na sa mga kolehiyo na gusto maipag patuloy ang pag aaral upang

makamit ang kanilang mga pangarap na kung tutuusin ay isang bagay na mahirap gawin ng kanilang sarili lamang. Samakatuwid, ako ay sumasang-ayon sa pag pagpapatupad ng mandatoryong ROTC sa mga senior high school.

Kasangkot pa dito, nang magsampa ng pormal na reklamo ang dalawang

estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Mark Welson Chua at si Romulo Yumul laban sa kanilang mga

nakatataas na naglantad ng mabibigat na alegasyon ng katiwalian sa kanilang ROTC unit. Matapos ang isang buwan na mai-publish ang artikulo ay

natagpuan ang walang buhay na katawan ni Chua na syang nag-udyok sa mga grupo ng mga estudyante na magsagawa ng mga protesta.

POSISYONG PAPEL
14
Mula sa Philippine News Agency

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Ang mandatoryong ROTC ay hindi

lamang isang programa na makakatulong sa pagiging isang mabuti at mahusay na mamamayan kundi maaari rin itong makapag bigay o makapag-papanatili ng mga mag-aaral ng pinansyal na suporta na

makakatulong sa kanilang edukasyon

ngunit sa sitwasyon natin ngayon, sa kasamaang palad marami ang hindi

nakakapag kolehiyo sa kadahilanan ng

kahirapan na alam ng marami na mahirap makapag tapos dahil may kamahalan o kailangan mag labas ng

malaking halaga ng salapi ang pag

aaral sa koheliyo, ngunit ang pag

papatupad ng mandatoryong ROTC at pag lingkod ay mabibigyang

pagkakataon ang bawat estudyante na makapag tapos at magkaroon rin ng trabaho sa militar.

Sa gitna ng krisis samu’t saring problema ang kinakaharap ng ating bansa kabilang na dito ang mga terorismo at mga krimen na lumalaganap sa buong bansa. Kung titingnan natin ito ng maigi at pagaaralan mabuti ang ugat ng mga problemang ito ay ang bansa natin mismo. Sa kadahilanang hindi lahat ng tao ay edukado ang nagiging bunga nito ay marami ang mga walang trabaho, pera at pagkakaisa. Ang pag papatupad ng mandatoryong ROTC ay makakatulong masolusyunan ang mga problemang ito bagamat dahil ay dinisiplina ang lahat ng indibidwal, ay matututo kung paano respetuhin ang isa’t-sa. Mapapatibay rin ang papel ang mga militar sa ating bansa na magsilbe upang protektahan ang lahat ng mga tao at ang paligid upang magkaroon ng tahimik at ligtas kapaligiran kasama pa nito ang pagturo .

Bagama’t pag mas tumaas ang rates ng mga edukado sa bansa ay mag

tataguyod ito ng pagtaas sa mga indibidwal na magkaroon ng magandang epekto tulad nalang

pagkakaroon trabaho, kita, mabuting kalusugan, at pagbabawas ng kahirapan.

POSISYONG PAPEL
15
Mula sa Rappler

POSISYONG PAPEL

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Ang pagpapalalim ng kaisipan at pagiintindi sa pagsasagawa ng mandatoryong ROTC ay malalaman natin na makakaapekto ito sa positibong paraan sa pamamagitan paglakap ng impormasyon sa ibang bansa

tulad nalang sa South Korea na pinapatupad sakanila ang mandatoryong ROTC na syang

nag papakita ng malaking

resulta sa pagkakaroon ng mga

kabataan ng pagiging

nationalismo, disiplinado, pag

tutulungan ng bawat isa.

Ang disiplina ay nagsasanay sa isip at pagkatao ng isang indibidwal upang magkaroon ng pagpipigil sa sarili at pagsunod. Ang kawalan ng disiplina ay nangangahulugan ng kawalan ng kontrol dahil hindi nila alam ang kanilang limitasyon. Hindi nila iniisip ang kahihinatnan ng kanilang mga aksyon. Madalas silang gumawa ng maraming masasamang desisyon sa kanilang buhay. Ang dahilan nito ay ang kanilang labis na damdamin na humahantong sa padalus-dalos na mga desisyon at sa masamang resulta.

Mula kay Cho Jeongwon
16
Mula sa Philippines Star

POSISYONG PAPEL

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Para sa kabuuan, ang pag

papatupad ng mandatoryong

ROTC ay makakatulong hindi

lamang sa pansarili kundi pati na rin sa buong bansa. Makakadulot ng kabutihan ang pag

papalaganap ng mandatoryong

ROTC na mas maging disiplinado at responsable ang mga

mamamayan, mas maging

progesibo ang bansa, mas ligtas na kapaligiran, mas mag karoon

ng matibay na kabataan sa pisikal at emosyonal na kaisipan at kaanyuan, at higit sa lahat ay mag

karoon ng pag kakaisa para masolusyonan ang pag

teterorismo at pag rerebelde

ngunit ang mga tuturuan ay mga

estudyante pa lamang hindi mga opisyal kung kaya’t hindi

masyadong mahigpit o malupit sa kanilang pagsasanay, dapat ito ay tamang pagsasanay lang; upang

maiwasan ang ilang mga isyu

tungkol sa mga mapang-abusong kaso ng kapangyarihan.

Para sa pag tatapos, upang maisaayos at hindi na muli maulit ang malubhang kasaysayan noon, kung ang gobyerno ay magbibigay ng maayos na polisiya at mabisa na mga modules para sa pagtuturo ng military training program. Sa pamamagitan rin ng pag dinig sa mga karanasan ng mga nasa ROTC noon at hinggin sila ng suhesiyon sa kung paano mas mapapabuti pa ang ROTC.

Mula sa SUNSTAR
17

POSISYONGPAPELHINGGILSA

PAGPAPATUPADNGMANDATORYROTCSA

MAG-AARALNGSENIORHIGHSCHOOL(PINAL)

Magkaroon ng masusing training ang mga magtuturo o mag sasanay sa mga mag-aaral bagamat kailangan nila mag takda ng mga pamantayan kung kwalipikado ba sila magturo.

Magkaroon ng biglaang pag checheck up sa mga estudyante upang malaman ang kanilang

kalagayan nang sa gayon ay maiwasan ang mga pag labag sa mga karapatang pantao katulad na lamang ang kasong

pag-patay kay Mark Chua. Nang sa gayon ay maisagawa ng tama at mabuti upang masunod ang layunin ng mandatoryang ROTC.

Sanggunian:

: Mandatory ROTC for Senior High among PBBM legislative agenda (2022, July 26) PIA https://pia.gov.ph/news/2022/07/26/mandatory-rotc-for-senior-high-among-pbbm-legislative-agenda Ready or not, it’s time to decide on mandatory ROTC. (2023, May 26). Manila Bulletin. https://mb com ph/2023/01/31/ready-or-not-its-time-to-decide-on-mandatory-rotc/ ROTC Philippines: Understanding Its Benefits And Risks (2023, February 6) OFW Life https://www pinoyofw.com/news/45997-rotc-philippines.html

A (2018, December 10) Child Rights Network: Military training cannot be mandatory for children – Child Rights Network Child Rights Network: Military Training Cannot Be Mandatory for Children – Child Rights Network http://childrightsnetwork ph/news/child-rights-network-military-training-cannot-be-mandatory-forchildren/#:~:text=Making%20ROTC%20mandatory%20again%20may,of%20the%20course%20years%20ago.

POSISYONG PAPEL
Mula sa SUNSTAR
18

LARAWANG SANAYSAY ISANGPUSO, PARA SA LAHAT

Maraming mga tao na may iba’t ibang kahulugan patungkol sa salitang pamilya. Hindi lamang kapag sinabing pamilya ay relasyon lamang sa mga kamag-anak ngunit ito ay malawak pa. Ang iba tinuturing na pamilya ang mgamagulangatmgakapatidtuladna lamang ang makikita sa larawan.

Bagamat ang karamihan ay sumasangayon na ang pamilya ay isang bond na nailalarawan ng respeto, pagmamahal, atkatapatan.

Bagamat ang matatawag na pamilya ay lubos na nakakapag bigay saya ngunit mas makakamit ang tunay na saya sa buhay kung mapapahalaga ng tama ang mga mahal sa buhay. Sa simpleng pag lalaan ng oras o pag yakap sa mga magulang o mga lolo at lola, tulad nalang ng makikita sa litrato.

Bagama’t may ilan rin na sasabihin na ang kanilang mga kaibigan ay itinuturing na rin nila pamilya partikular na ang pinakamalalapit na kaibigan isa sa mga kadahilanan o mga paliwanag nito ay ang mga kaibigan ay ang mag kaibigan ay nag sisilbeng haligi o suporta kung saan ay lagi nandyan ang mga kaibigan sa kahit ano mang problema na syang nakakasama sa mga problem ana kinakaharap kaya’t may lumang kasabihan na ang mga kaibiganayparangpamilyanarin.

ALAN A POSISYONG PAPEL
19

LARAWANG SANAYSAY ISANGPUSO, PARA SA LAHAT

Ang may matawag na pamilya ay mainam na masarap pakinggan ngunit huwag kalimutan na ang mga nasa paligid lalo na ang mga taong tinuturing na pamilya ay hindi habang buhay nasa mundo kaya’t habang sila ay nandyan ay bigyan sila ng tunay na pagmamahal, serbisyo at halaga sa isa’t isa. Ang pamilya ay isang kayamanannabigayngDiyosnahindinasusukat.

ALAN A POSISYONG
PAPEL
20

Pangalan ng Institusyon: National University - Laguna

Address/Kinatatayuan: Km. 53 Pan-Philippine Hwy, Calamba, 4029 Laguna

PAMAGAT: Panukalang Proyekto ng Hiraya Manawari: Education PH Movement -

PAG-BA-SA

MAY-AKDA: Punzalan, Ferree Andreev

Kurso: STEM (Science, Technology, Engineering, at Mathematics)

Taon: 2023

Basesapag-aaralnoong2019atsakasalukuyangtaon.Angmgakonklusyonng pag-aaral ay nagpakita na ang mataas na kalidad na edukasyon at pangangalaga sa maagang pagkabata ay nagbibigay sa kanila ng pinakamahusay na simula sa buhay; na siyang nag-aalok sa mga ito ng malaking pagkakataon na lumago at matuto. Ngunit napagtanto na ang mga pangunahing mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Kumpol 6 at 7 ay nakaranas ng kahirapan sa pagbasa bilang resulta ng mahinang pag-aaral, kawalan ng pagnanais, at mababang pagpapahalaga sa sarili. Kaya’t ang eskwelahang Looc Elementary School ay kabilang sa pampublikong paaralan ng Calamba City at ito ang pinagtuunan ng pansin ng mga miyembro ng Hiraya Manawari. Layunin ng proyektong ito na makapag turo at mapabuti sa pagbasa ang mga piling estudyante mula sa saklaw na anim hanggang walong gulang ng baitang dalawa. Samantala, ang mga metodonggagamitinparasaproyektongitoaypagbrainstorming,pagbiliatpag bigay ng mga kailangan na materyales at papeles sa eskwelahan, paggawa ng mga lesson plan at pag bigay ng 20-page printed worksheets na gagamitin at ibibigay sa bawat estudyante na tuturuan na maaaring magsilbing reviewer nila. Sa mga gastusin sa pagbili ng mga kagamitan at mga materyales sa pagbabasa kabilang din dito ang mga gagastusin sa recital, awarding at transportasyon. Ang panukalang proyektong ito ay inaasahang nagkakahalaga ng ₱ 17,890.00 at tatagal ng dalawang buwan at may klase ng tatlong araw kada linggo ang proyektong PAG-BA-SA; tatlong linggo para sa paghahanda ng proyekto, at limang linggo para sa aplikasyon nito Bilang konklusyon, ang inaasahang resulta nang may magandang reading comprehension sa mga batang mag-aaral ay magkakaroon ng magandang epekto hindi lamang sa kanilang buhay kundi patinarinsamgataosapaligidnila.

Mga susing salita: Reading Comprehension, Proyektong PAG-BA-SA, Looc ElementarySchool,Baitangdalawa,Pabula,Worksheets,Bokabularyo,Recital

ABSTRAK
21

EPILOGO: HULING REKPLEKTIBONG

SANAYSAY

Sa nalalapit na huling bahagi ng Portpolio na ito ng isinimulan at habang ginagawa ng may akda ito ay napagtanto niya na ang lahat ng isinagawa sa asignaturang SAFILAK ay may matututunan bagamat hindi niya napapansin na bawat pag sulat o mga gawain na ibinibigay ng kanyang guro ay nagkakaroon siya ng dagdag kaalaman at kasanayan sa larangan ng pagsulat na syang maaaring magamit sa ibang aspeto ng buhay lalo na sa tunay na realidad ng mundo, dagdag pa dito ng may akda lubusan syang nagpapasalamat sa kadahilanan na kahit hindi niya pinag kakainteresan ang pag sulat ay sinubukan niya ito at nag pursigi na tapusin ang mga gawain Sa gitna ng pag pupursigi ng may akda ay napagtanto niya na mas natuto syang mas mahalin ang pagsulat at ang wikang Filipino Mas napalawak ng pag sulat ang kanyang bokabularyo sa wikang Filipino kasabay nito ay nagkaroon rin siya ng mga

katangian tulad na lamang ng tiyaga, sapagkat ang pag sulat ay hindi dapat minamadali ito ay pinaglalaanan ng oras upang maging maayos ang resulta ng gawa

Sa dinami-dami ng napagtanto ng may akda ay mayroon siyang isang natutunan na tumatak sa isipan nya sa gitna ng akademikong taon na ito na sa tingin niya ay isa sa pinakamahalagang dapat maintindihan ng bawat indibidwal Sa bawat ipinapagawa o bawat mga itinuturo sa atin ng mga guro ay hindi dapat ito ibinibabalewala sapagkat isa ito sa mga paraan upang mas pag yabungin ang mga kasanayan Tulad na lamang ng mga pag presenta sa harapan, sa paraang ito mas matututo ka maiharap ang iyong sarili sa mga tao, sa tunay na buhay ito ay isinasagawa kung kaya't sa eskwelahan pa lamang ay hinuhubog na ang personalidad, kasanayan, at pakikisalamuha ng isang estudyante kung kaya't imbis na magreklamo sa dami ng ipinapagawa ng mga guro ay magpasalamat na lamang sapagkat inilalaan ng mga guro ang kanilang oras at kaalaman para lamang matuto ang isang estudyante sa larangan ng kanilang asignatura na syang maaaring magamit para sa kanilang sariling kapakanan

22

FERREE ANDREEV M. PUNZALAN

BIONOTE

TUNGKOL SA MAY-AKDA

SI FERREE ANDREEV M. PUNZALAN AY ISANG ESTUDYANTE SA NATIONAL UNIVERSITY LAGUNA. SIYA AY

KASULUKUYANG NAG-AARAL SA BAITANG

12 NG SENIOR HIGH SCHOOL SA STRAND NA STEM O SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AT MATH. NAKATANGGAP

SYA NG AKADEMIKONG KARANGALAN NOONG TAONG 2021 SA ESKWELAHANG

NU LAGUNA. NOONG SEKONDARYA PA

SYA BILANG JUNIOR HIGH, NAGING

PRESIDENTE SYA NG KANILANG CLUB NA

ALTAR SERVER KUNG SAAN AY NATUTO

SYA MAG LINGKOD AT MAG GABAY SA

MGA BATA AT MGA KAMAG ARAL NYA

23

PIYESA NG TAGUMPAY

2
A N D R E E V P U N Z A L A N S A F I L A K 24
0 2 3

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Piyesa Ng Tagumpay by AndreevPunzalan - Issuu