KASAYSAYAN NEWSPAPER

Page 1

KASAYSAYAN

KASALUKUYAN

KAPANAHUNAN

KULTURA, PULITIKA, EKONOMIYA KULTURA, PULITIKA, EKONOMIYA

REPRESENTASYONG

KULTURAL: MULA SA

PILIPINO TUNGO SA TANAW NA MUNDO

Sa bawat pahina ng Vogue Philippines, isang himig ng pag-asa at pag-angat ang ating naririnig Itinampok ang mga indigenous people at kababaihan Sa pagtangkilik sa mga boses at kwento ng mga kababaihan, katulad na lamang ng ginagawa ng Vogue Philippines, hindi lamang nabibigyan-daan ang kanilang pag-usbong, kundi pati na rin ang patuloy na pag-angat ng kanilang mga adhikain at ambisyon

pahina 4-5

Giyera sa Pulitika, Nakakasawa na!

ni Fordy Ancajas

Nag-iba ang ihip ng hangin at tila naging malaking palaisipan sa mga taga suporta ng Marcos-Duterte ang kanilang hindi pagkakasundo kamakailan lamang

UniTeam nga ba talaga o UniTea?

Nagkakaisa o nagkakawatak?

TUYONG MUNDO, TUYONG EKONOMIYA

Pinatutukan ni Pangulong Marcos Jr ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang epekto ng El Nino sa ekonomiya Katuwiran ng Punong Ehekutibo, hindi maikakaila na aabutin pa ng hanggang halos kalahati ng taon ang panahon ng tagtuyot Dagdag pa, ani ni Pangulong Marcos pahina 6-7

ni Airah Patula pahina 8-9

Sa bawat araw na walang katiyakan kung ano ang maaaring mangyari, ating nasasaksihan ang kagitingan ng mga mamamahayag na ito lalong-lalo na sa kalagitnaan ng umiigting na giyera ng Israel at Gaza Ngunit kung ating iisipin, para sa kanila, ano nga ba ang kanilang tunay na kinakaharap sa likod ng mga kamera? Ano ang kanilang tunay na pananaw sa kabila ng mga salitang kanilang ipinahahayag sa kanilang mikropono?

Ang digmaang Israel-Gaza ay nagkaroon ng matinding pinsala sa mga mamamahayag mula nang ilunsad ng Hamas ang

pahina 2-3

Saquilayanmulingumariba pagkataposngapatnataon, nagwagikayakayColumna?

nina Ivana Ignacio at Christian Cotejar

Sa "thrilling" showdown na naganap noong ika-3 ng abril sa DLSU-D 2024 Intramurals, Men's Singles Table Tennis, ang pambato mula sa College of Criminal Justice Education (CCJE) na si John Paolo Saquilayan ay nagbabalik mula sa kaniyang "4-year hiatus",

Ang CCJE Pride na si Saquilayan ay nagpakitang gilas ng abilidad sa kapana-panabik na laban ng CCJE vs CBAA Ang unang set ay agad nang pinagunahan ni Saquilayan sa iskor na 11-9 Subalit sa pangalawang set ay

pahina 13-14

MAMAMAHAYAGPARASA
ENERO-MAYO 2024 AGHAM PAMPULITIKA
NI RAINA MACALACAD ni Klarence Villahermosa at Airah Patula
MASA:PAKIKIPAGSAPALARAN SAGITNANGGIYERA
1

Balitang Pandaigdig

B O S E S N G B A Y A N I

Source: HIndusan Times

Pakikipagsapalaran

MAMAMAHAYAG

PARASAMASA

“Sapagka't ang nananatili hanggang sa katapusan, ay magsasabi ng kasaysayan. Ginawa namin ang aming maaari. Alalahanin ninyo kami.”

Isa sa mga katagang hindi lamang nagpapakita ng dedikasyon sa kanilang propesyon bagkus ay sumisimbolo rin ng pagsasakripisyo at katapangan, handang paglingkuran ang sambayanan at magsilbing boses ng mga mamamayan lalong-lalo na sa gitna ng kaguluhan

Sa bawat araw na walang katiyakan kung ano ang maaaring mangyari, ating nasasaksihan ang kagitingan ng mga mamamahayag na ito lalong-lalo na sa kalagitnaan ng umiigting na giyera ng Israel at Gaza. Ngunit kung ating iisipin, para sa kanila, ano nga ba ang kanilang tunay na kinakaharap sa likod ng mga kamera? Ano ang kanilang tunay na pananaw sa kabila ng mga salitang kanilang ipinahahayag sa kanilang mikropono? Ito ay ilan lamang sa mga katanungan na maaaring sumagi sa ating mga isipan

SAGITNANGGIYERA

Ang digmaang Israel-Gaza ay nagkaroon ng matinding pinsala sa mga mamamahayag mula nang ilunsad ng Hamas ang hindi pa naganap na pag-atake nito laban sa Israel noong Oktubre 7 at nagdeklara ng digmaan ang Israel sa militanteng grupong Palestinian, na naglunsad ng mga welga sa nakaharang na Gaza Strip Noong Mayo 3, 2024, ipinakita sa paunang pagsisiyasat ng CPJ na hindi bababa sa 97 mamamahayag at manggagawa sa media ang kabilang sa mahigit 35,000 napatay mula noong nagsimula ang digmaan noong Oktubre 7 na may mahigit 34,000 Palestinian na pagkamatay sa Gaza at West Bank at 1,200 pagkamatay sa Israel

Mahigit sa 30 mga organisasyon ng balita ang pumirma sa isang bukas na liham na nagpapahayag ng pakikiisa sa mga mamamahayag na nagtatrabaho sa Gaza at nananawagan para sa kanilang proteksyon at kalayaang mag-ulat

Ang liham, na pinag-ugnay ng Committee to Protect Journalists (CPJ), ay nilagdaan ng mga pandaigdigang ahensya ng balita na AFP, AP at Reuters, pati na rin ang iba pang nangungunang media outlet kabilang ang Guardian, New York Times, BBC News at Haaretz ng Israel

LASALYANEWS MAYO2024
2

B O S E S N G B A Y A N I

“Ang mga mamamahayag ay mga sibilyan at ang mga awtoridad ng Israel ay dapat protektahan ang mga mamamahayag bilang hindi nakikipaglaban ayon sa internasyonal na batas," sabi ng liham, na nilagdaan din ng Association for International Broadcasters at ng World Association of Newspapers and News Publishers (WAN-IFRA)

“Nagagawa naming magpakita ng mga eksenang ayaw nilang (Israeli forces) na ipakita namin. Nagagawa naming ihatid ang isang realidad na pinagsisikapan nilang ikubli at itago... Naihatid namin ang katotohanan.” –Mohammad Ahmed

Mahirap man sa kanilang kalagayan at desisyon na gampanan ang kanilang mga tungkulin para sa mga tao ay kinakailangan nilang mag sakripisyo Sa kabila ng kaba, takot, at pangamba sa gitna ng hindi mawari na katapusan ng giyera ay nananatili silang tapat at matapang na maghayag at gamitin ang kanilang mga boses para sa mga mamamayan.

Source: HIndusan Times

"Kami ay sumasakop sa digmaan sa Gaza dahil ito ang aming tungkulin sa pamamahayag. Ito ay ipinagkatiwala sa amin,” sabi ng 31taong-gulang na si Mariam Abu Dagga, isang photojournalist para sa Independent Arabic na lumikas sa katimugang Gaza city ng Rafah. “Hinamon namin ang pananakop ng Israel. Hinamon namin ang mahihirap na kalagayan at ang realidad ng digmaang ito, isang digmaang genocidal.” (Al-Jazeera)

Kagaya nila Mohammad Ahmed, isang lokal na photojournalist, at kaniyang saad– maging sila man ay tao rin bago gampanan ang kanilang mga tungkulin. Maging sila ay may emosyon, pamilyang naiwanan, takot, at kalungkutan na nadarama sa bawat araw na kanilang tinatahak.

Sa gitna ng giyera na ito, ang mga mamamahayag ang atin ring nagsisilbing modernong bayani – handang isakripisyo ang kanilang mga buhay para sa mga tao Kagaya ng mga kwento sa kasaysayan, hinding-hindi mawawala ang kagitingan at katapangan ng mga mamamahayag na ito gayundin naman ang kanilang mga kasama na nasa likod ng telebisyon na ating nakikita. Sila ang patuloy din na lumalaban para sa boses ng mga tao kung kaya naman bilang kapalit ay proteksyon para sa kanila ay patuloy nating ipaglaban at ipagkaloob sa kanila.

SUPPORT AND DONATE TO GAZA

CONTACT NUMBER: +44 (0)20 3983 9000

WEBSITE: HELP Rescue-UK ORG

CONTACT NUMBER: 4188

WEBSITE: savethechildren org

CONTACT NUMBER: 0951-384-9986

WEBSITE: PHILIPPINE-PALENSTINE FRIENDSHIP ASSOCIATION

MAMAMAHAYAGPARASAMASA

Isinulat ni: Airah Patula

3 LASALYANEWS MAYO2024

Representasyong Kultural: Mula sa mga Filipino

Representasyong Kultural: Mula sa mga Filipino

Representasyong Kultural: Mula sa mga Filipino

Tungo sa Tanaw ng Mundo Tungo sa Tanaw ng Mundo Tungo sa Tanaw ng Mundo

Sa pahina ng Vogue Philippines, isang himig ng pag-asa at pag-angat ang ating naririnig Ang magasin na ito ay hindi lamang naglalaman ng mga larawan at mga artikulo sa moda; ito ay isang himagsikan, isang pag-aalsa laban sa pagkalimot sa ating kultura at pagkakakilanlan. Ito ay isang salamin ng yaman at ganda ng ating inang bayan

Sa paglalakbay sa mundo ng sining at kultura, narito ang isang kwento na hindi dapat malimutan: ang kwento ni Apo Whang-Od, ang pinakakilalang mambabatok mula sa Buscalan Village sa Kalinga Sa isang artikulong isinulat ni Audrey Carpio sa magasin, binigyang-diin ang kanyang papel bilang isang bantog na tiga-sulong ng kulturang Filipino Sa kabila ng kanyang katandaan, ang kanyang mga indelible marks ay patuloy na nagpapahayag ng yaman at kasaysayan ng ating bayan

Sa mga pahina ng bawat isyu ng magasin, ipinapakita ang di-matatawarang galing at husay ng mga Filipino designer at modelo sa pangunguna ng mga magagaling na alagad ng sining at photography tulad nina Neal Oshima, Mark Nicdao, Artu Nepomuceno, at marami pang iba Ang kwento naman ng mga Filipina-Nigerian models na sina Lorraine at Laura Ojimba ay isang pagpapakita ng kahalagahan ng sisterhood at pagkakaisa sa mundo ng

fashion Ang kanilang kwento ay hindi lamang tungkol sa kanilang tinataglay na kagandahan at talino bilang mga modelo; ito rin ay nagbibigay pagasa sa pag-unlad ng industriya ng fashion sa Pilipinas mula sa pagtataguyod ng diversity at inclusion

Ang pagtatampok sa mga indigenous people at kababaihan, tulad ni Rosie Sula na pinakabatang GAMABA artist, ay patunay ng patuloy na pag-angat at pagbibigay-diin sa kanilang mga kontribusyon sa ating lipunan Hindi rin natin dapat kalimutan ang mga kwento nina Dr Dolores Ramirez na isang National Scientist, Alice Reyes na kilalang National Artist for Dance, Felice Prudente Sta Maria na kilalang manunulat, Marian Pastor Roces na mananalaysay, at Glenda Barretto na tanyag bilang isang chef Ang kanilang mga kwento ng tagumpay at pagsisikap sa kanilang kanya-kanyang mga larangan ay nagpapakita ng kahalagahan ng determinasyon at pagmamahal sa bayan. Sa pagtangkilik sa mga boses at kwento ng mga kababaihan, katulad na lamang ng ginagawa ng Vogue Philippines, hindi lamang nabibigyan-daan ang kanilang pag-usbong, kundi pati na rin ang patuloy na pag-angat ng kanilang mga adhikain at ambisyon

Sa pagtatapos, ang Vogue Philippines ay higit pa

4 LASALYANEWS MAYO2024
ISINULAT NI: RAINA ANNE MACALACAD OBRA NI: RAINA MACALACAD

sa isang magasin; ito ay isang tanglaw ng kagandahan, inspirasyon, at pag-asa Sa bawat pahina, ito ay patuloy na nagbibigay-daan sa mga boses ng mga kababaihan at mga indigenous people, na nagtutulak sa atin upang magpunyagi at mangarap ng malaki para sa ating bayan at sa ating sarili Ang ating paglalakbay sa mundo ng sining at kultura ay hindi lamang isang paghahanap ng kagandahan, ngunit isang pagtuklas at at pagsaliksik ng ating sariling pagkakakilanlan

yaman bilang isang lahi

Sa pagdiriwang ng Mayo bilang Pambansang Buwan ng Pamana, tampok sa Vogue Philippines si Rosie Sula, ang National Living Treasure para sa T'boli Chanting, na nagbibigay boses sa mga awit ng kanyang mga kababayan Maaaring bumili ng kopya para sa May issue ng Vogue Philippines, na ngayon ay available na sa mga newsstands at sa shop vogue ph

“IT’S SUMMERTIME!”: ANG KUWENTO NG

TAGUMPAY NI MARINA SUMMERS

Source: https://www instagram com/p/Cgf5C0SLRo-/

Isa na nga diyan ay ang mundo ng drag Kung saan ang mga babae at lalaki, ‘di alintana sa kanilang sekswalidad, ay nagbibihis at nag-aanyo ng kabaligtaran sa kanilang kasarian Ang mga lalaki ay madalas na tinatawag na Drag Queen, at ang mga babae ay madalas na tinatawag na Drag King (hindi ito ang sitwasiyon sa lahat ng oras, maaari silang pumili ng kanilang nais gayahin)

Ang pinakakilalang Pilipino ngayon sa mundo ng drag ay ang Drag Queen na nagngangalang Marina Summers. Umani siya ng parangal at suporta ng maraming Pilipino nang mapasama siya sa Final Top 4 ng paligsahang banyagang pinamagatang Rupaul’s Drag Race UK vs The World Ngunit bago ang kaniyang tinahak sa nasabing tunggalian ng mga Drag Queen, siya ang runner-up ng lokal bersiyon ng drag competition na nabanggit: ang Rupaul’s Drag Race Philippines

Ang punong hurado ng nasabing kompetisiyon ay si Paolo Ballesteros, kung saan naging first runner-up si Summers sa kaniyang grupo Nagpamalas siya ng kani–

Sadyang kahanga-hanga ang angking talento ng mga Pilipino pagdating sa mga bagay-bagay, kahit ano pa man iyan Likas din sa kanila ang pagkahilig sa mga paligsahang nagpapakita ng kanilang kakayahan sa kanilang mga larangan Palabiruan nawa ng mga ilang matatanda na kahit saang bansa ka magtungo ay may Pilipinong lumalaban sa mga tunggalian mapa-tagisan ng talino, pagpapasikat ng katawan, isports, at iba pa, tiyak na magagaling at mahuhusay ang mga Pilipinong kabilang dito

yang kakayahan sa pagkanta, pagsayaw, pananahi,at pagganap sa mga binibigay na karakter sa kanila ng mga prodyuser Nabanggit niya sa palabas na ang kaniyang pangalang Marina Summers ay dahil sa kaniyang kahiligan sa dagat at sa mga pangtropikal na bagay

Minahal siya lalo ng taumbayan nang manatiling kalmado sa kabila ng kaniyang nakaraang alitan sa mga ilang kasama niya (Minty Fresh at Brigiding) Kinabahan ang lahat nang gayahin niya ang dating presidente na si Gloria Macapagal-Arroyo para sa segmentong Snatch Game (kailangan ay kopyahin ng mga kalahok ang isang personalidad, mula sa kanilang hitsura hanggang sa kanilang mga ‘mannerisms’ at makapagbigay saya sa madla upang manalo), kung saan marami siyang mga biro na kontrobersiyal at pagpaparinig sa dating pulitiko Naki-sing along din ang mga tao sa kaniyang verse sa popular na kantang Pop Off Ate!, kung saan miyembro siya ng grupong tinawag na Flexbomb

Ngunit, simula pa lamang ang lahat ng pagmamahal na kaniyang natanggap sa kaniyang personal na misyon.

5
LASALYANEWS MAYO2024
ISINULAT NI: LIAN ALISTAIR CORDOVA

Sa huling episode ng ‘Drag Race Philippines: Untucked!’ , nagsalita si Summers patungkol sa kaniyang paglaki bilang isang miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ Ani niya, “Bata pa lang kami, talagang baklang-bakla na talaga ako Super thankful ako sa kanila kasi hindi nila pinaramdam sa akin na different ako ” Prominente sa kaniyang Drag ang kaniyang pagiging bukas-palad sa pagtulong na maitaguyod ang mga sosiyo-politikal na isyu gaya ng naisaad sa itaas– maging ang pagtulong sa pagpapamulat ng mga tao, lalo na ng mga magulang sa sangkabaklaan. Isinisalaysay niya sa nasabing episode kung gaano siya kasuwerte na tinanggap siya nang buong-buo ng kaniyang pamilya mula pagkabata at ipinahayag niya ang hinaing para sa mga kasama sa komunidad, “Hindi ko naramdaman na may mali sa pagiging ako. And I wish that for everyone I wish that for every household in this country and everywhere else.” na siyang sinang-ayunan ng mga kasama sa paligsahan

Sa Drag Philippines, nanalo siya ng dalawang Maxi (Major) Challenge, at isang Mini Challenge

Source: https://www instagram com/p/C2CoecaqG6O/

Source: https://www instagram com/p/CjZ5SBgOpXv/?img index=4

Matapos ang paligsahan sa Pilipinas ay naging isa siya sa hulang kandidato ng mga netizens nang mag-anunsiyo ang Drag Race UK na mayroon itong bagong kabanata Ito ay buhat nang manahimik si Summers ng ilang buwan sa kaniyang mga social media accounts, isang senyales na ang isang drag queen ay kasama sa isang paligsahan Tinuldukan nawa ang hinuha ng mga tao nang ilabas ang poster para sa kompetisiyon ang opisiyal na account ng Drag Race UK at makikitang kabilang si Summers dito (pinaka-kaliwa, nakasuot ng bughaw)

Pinakita ni Summers ang kaniyang kagalingan sa pagtatanghal mula sa umpisa pa lamang, ang resulta nito ay siya ang kampyeon sa unang episode ng kompetisiyon Nagpasiklab siya gamit ang sariling bersiyon niya ng “Amakabogera” ni Maymay Entrata, na pinalitan niyang “I’m a Filipina” Sumayaw at nag-lipsync si Summers sa sarili niyang liriko, nagpasabog pa ito nang animo’y naglaro siya sa apoy noong ilabas niya ang isang silk veil poi na ipinaikot-ikot niya habang gumigiling Sa labanan upang mapanalunan ang unang episode ay nakatunggali niya si La Grande Dame (France) at ang kinalabasan nga nito ay ang kaniyang tagumpay

Nanalo muli si Summers sa ika-lima at ika-anim na episode, nagtapos siya na may ikatlong gantimpala nang matalo sa lipsync laban kay Hannah Conda Sa kabila nito ay nakangiti siyang lumabas ng kompetisiyon

Source: https://www instagram com/marinaxsummers/

Habang siya ay nasa loob ng paligsahan, ni minsa’y hindi niya nakalimutan na banggitin ang talentong angkin ng mga Pilipino Mula sa kanilang mga panayam magkakalaban habang nagkukuwentuhan sila sa kanilang mga estasiyon, sa kaniyang pagbandera ng mga kasuotang hango sa inspirasiyon mula sa mga Pilipino, hanggang sa kaniyang mga kasagutan sa mga hurado, makikita mo kung gaano kalaki ang pagmamahal ni Summers sa Pilipinas. Pinahanga niya ang mga hurado sa kaniyang husay sa pagsagot at pagtatanghal, maging sa mga hindi niya kalakasan (pagpapatawa) ay hinangaan pa rin siya dahil sinubukan niya ito sa abot ng makakaya Ani niya sa isang episode, hindi siya natatakot sa mga hamon na ibinibigay sa kanila dahil bitbit niya ang suporta ng mga kababayan.

Bigo man si Summers na makuha ang korona sa ikalawang pagkakataon, nakuha naman niya ang puso ng mas maraming Pilipino kasama na ngayon ang buong mundo

6 LASALYANEWS MAYO2024

GIYERA SA GIYERA SA

PPULITIKA, ULITIKA, NNAKAKASAWA AKAKASAWA NNA! A!

“UniTeam” at “Sama-samang pagbangon ng Pilipinas” Ilan lamang iyan sa mga naging islogan na nagluklok sa tambalang MarcosDuterte sa malacañang.

Kamakailan lamang ay nagliyab na ang nagbaba–

gang alitan sa pagitan ng dalawang pamilya Ito ay nagugat sa isang rally na kung saan inakusahan ni Rodrigo Duterte na isa umanong drug addict ang kasalukuyang presidente. Sa parehong rally, hiningi ni Sebastian Duterte, alkalde ng davao, na magbitiw na sa pwesto ang pangulo Samantalang tinutulan naman ng bise presidente ang planong peace talks ng administrasyon sa mga rebeldeng komunista. Tugon ni Marcos Jr. na marahil sumobra si Rodrigo Duterte sa pagkonsumo ng Fentanyl, isang gamot na iniinom ng dating pangulo Naging mailap naman ang tugon unang ginang na si Liza Marcos sa bise presidente na kapansin-pansin na iniiwasan ng unang ginang ang bise sa tuwing sila ay nasa isang pagtitipon ( Inquirer Net, 2024)

UNITY nga ba talaga o UniTea? Nagkakaisa o nagkakawatak-watak?

Ano ang implikasyon ng alitan ng dalawang pamilya sa sistema ng pulitika ng Pilipinas? At anong klaseng imahe ang ipinapakita nito sa mamamayan ng ating bansa?

Sumentro ang kanilang kampanya sa mga katagang “Pagkakaisa tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas” Ang kanilang pag-upo bilang opisyales ang naging dahilan marahil kung bakit sila ang maituturing na pinaka makapangyarihang pamilya sa larangan ng pulitika sa Pilipinas

Ang tambalang Marcos-Duterte ang pumukaw sa milyon-milyong botante. Kapit-bisig kung tutuusin ang kanilang samahan kasing tibay ng agila at tigre ang kanilang pagkakaibigan

Gayunpaman, tila naging malaking palaisipan sa nakararami lalo na sa kanilang mga taga suporta ang kanilang hindi pagkakasundo Hindi mawari na kung bakit sa kabila ng kanilang matibay na pinagsamahan sa nagdaang halalan, ay hahantong sa hindi pagkakaunawaan.

Masasabi na isang mahalagang isyu ang iringan sa pagitan ng mga pinaka matataas na opisyales ng ating bansa Nararapat lamang na huwag nating ipagkibit-balikat ang ganitong uri ng usapin sapagkat sila dapat ang magsilbing mabuting ihemplo sa mga mamamayan, at hindi maging ugat ng hidwaan.

Hindi natin maitatatwa ang katotohanan na ang pulitika sa ating bansa ay lubhang ay hindi kaayaaya Isa sa mga halimbawa nito ang ay tinatawag na ‘political family’ o ‘political dynasty’, ito ay ang isang pangkat ng mga pulitiko na namana ang pampublikong katungkulan mula sa kanilang mga kapamilya, na nagtatagal sa kapangyarihan sa iba't ibang antas batay sa koneksyon, kumbaga iisang pamilya lamang ang namumuno sa lahat ng sulok sa gobyerno

Ayon kay Prospero De Vera, isang Propesor sa UP Diliman, hindi na makokontrol ang dinastiyang pulitikal sa Pilipinas. Dahil sa kasalukuyan, wala pa ring batas na nagbabawal sa ganitong uri ng sistema-

Editoryal Editoryal
ISINULAT NI: FORDY ANCAJAS OBRA NI: FORDY ANCAJAS
7

kahit na nakasaad sa Article 2 Section 26 ng ating saligang batas na dapat na pigilan ang sistemang dinastiya Ang rason kung bakit hindi ito maipasa sa lehislatura ay dahil mismong ang mga gumagawa ng batas ay kabilang sa dinastiyang pulitikal sila at sila rin ang maaapektuhan kung ito ay maisasabatas.

Sa kabilang dako, ipinapakita rin nito ang dekadang isyung lipunan na tinatawag na ‘Political War’ o ‘Distabilisadong Pulitika’. Ibig sabihin, nagkakaroon ng alitan sa pagitan ng malalaking pangalan sa kadahilanang hindi magkasundo-sundo sa isang pulisiya, paniniwala o di kaya naman ay paninindigan Ito ay isang dagok dahil kung ang mga lider ng bansa ay hindi magkakasundo-sundo at patuloy na magaalitan ay magreresulta sa kaguluhan. Sa halip mahahalagang problema ang pagtuunan, mababaling lamang ang atensiyon sa pakikipag iringan Kung ito ay magpapatuloy, walang magbabago sa sistemang puno ng kahirapan, kurapsyon, at kaguluhan

Hindi ba’t nakakasawa na kung mag-aalitan na lamang sa halip na magkaisa? Mawawalan tiwala ang mga tao sa gobyerno lalo na sa mga pulitiko.

Nakakasawa nang isipin na wari ay wala nang konkretong solusyon ang isyung ito Kahit na imposible, tungkulin parin ng mga mamamayan na huwag magkibit-balikat sa ganitong isyu Magsilbi nawa itong mga suliraning panlipunan bilang isang aral na bumoto nang tama pumili ng lider na isasantabi ang personal na interes upang makapag lingkod ng buong tapat Lider na hindi mapapako ang mga pangako Maging matalinong mamamayan at magsilbing boses sa mga taong kapos rito Kung gagamitan ng katalinuhan ang pagsusuri sa mga opsiyales ng gobyerno, ay makasisigurado na hindi nila maabuso ang kanilang kapangyarihan.

Samakatuwid, talagang nakatatak na sa pulitika ng Pilipinas ang hidwaan at hindi pagkakamabutihan Subalit responsibilidad parin ng isang lider na pagsilbihan ang kaniyang nasasakupan nang buong talino at maging mabuting ihemplo rito Nakapanlulumo lamang isipin na kung sino pa ang sumisigaw ng pagkakaisa at pagtutulungan ay siya ring magiging dahilan ng hidwaan at kaguluhan. Ang tunay na lider ay may pananagutan sa mga salita na kaniyang binibitawan, mga salitang kaniya dapat na pinapahalagahan mga salitang may pinatutunguhan Talagang nakakasawa nang makita na ang mga lider na nagaalitan at nagsisismula ng kaguluhan Dahil kung mangigibabaw lamang ang pulitika sa sistema ng pamahalaan, ay talagang wala nang pag-asa itong bayan.

Sabi nga ni Lualhati Bautista “ Ang payapang pampang ay para lamang sa mga sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.”

Bayan, kayo ang humusga.

Editoryal
Editoryal
8
OBRA NI: FORDY ANCAJAS

Balitang Pang Balitang Pangkalakalkalakalan an

TUYONG TUYONG TUYONG MUNDO MUNDO MUNDO, TUYONG , TUYONG , TUYONG EKONOMIYA EKONOMIYA EKONOMIYA

Handa nga ba ang Pilipinas sa matinding tagtuyot na ating kakaharapin o ngayo’y kinahaharap na? Ang tagtuyot na kadalasan nating naririnig lalong-lalo na tuwing malapit na ang tag-init o summer ani ng nakararami Ngunit ano nga ba ang tagtuyot mula sa mga mata ng ating mga kababayang Pilipino na patuloy na naaapektuhan ng lubusan sa pangyayaring ito

Ang El Niño o tagtuyot kung tawagin ay isang natural phenomena na nagdudulot ng pagbaba sa pag-ulan at nagreresulta sa kakulangan sa tubig para sa mga pananim Ito ay nakakaapekto sa produksyon ng agrikultura at kalakalan Sa panahon ng El Niño, bumababa ang suplay ng mga produkto dahil tuyo ang mga lupain, na nagiging dahilan sa pagtaas ng presyo ng ilang produkto tulad ng bigas, gulay at iba pa.

Sa mga nakalipas na buwan ay pataas din nang pataas ang init na nararanasan kung saan hindi lamang ito nakaaapekto sa pisikal na kalagayan ng bawat isa, kasama na riyan ang pag suspinde ng mga klase para sa kalusugan ng mga mag-aaral, lalong-lalo na ang naitalang pagtaas ng pagkasira sa agrikultura at pangingisda sa ating bansa Pinatutukan ni Pangulong Marcos Jr ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang epekto ng El Nino sa ekonomiya. Katuwiran ng Punong Ehekutibo, hindi maikakaila na aabutin pa ng hanggang halos kalahati ng taon ang panahon ng tagtuyot Dagdag pa, ani ni Pangulong Marcos

ay kinakailangan nang maisakatuparan ang mga gawain o hakbangin upang hindi na sumirit ang presyo ng mga bilihin, lalong-lalo na sa mga pagkain dahil sa kakulangan sa produksiyon nito

Ipinahayag ng Pangulo na makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga magsasaka at mangingisda na sobrang naapektuhan ng pagkasira ng kanilang hanapbuhay dahil sa sobrang init ng panahon Ayon din sa kaniya, malaki ang maging epekto sa ekonomiya ang kakulangan ng produksiyon sa pagkain dahil ang mga ito ay nagpapataas sa implasyon Sa huling ulat ng Kagawaran ng agrikultura noong Mayo 12 na nilabas ang pinsala sa agrikultura ay umabot na sa mahigit na anim na bilyong piso.

Ngayong taon lamang, ang ilang mga ekonomista sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nakabuo ng isang pag-aaral na sumusukat sa epekto ng pagtaas ng init sa data ng ekonomiya ng Pilipinas tulad ng paglago at inflation ng GDP (gross domestic product) Anila, ang isang-degree na Celsius na pagtaas ng taunang average na temperatura ay nagpapababa ng paglago ng GDP ng 0 37 percentage point Iyan ay makabuluhan sa istatistika: maaari mong ibukod na ito ay dahil sa pagkakataon. At ang epekto ay tumataas sa 0.47 percentage point kung isasaalang-alang mo ang mga kaganapan sa El Niño

LASALYANEWS MAYO2024
ISINULAT NINA: AIRAH GRACE PATULA AT KLARENCE VILLAHERMOSA
9
OBRA NI: FORDY ANCAJAS

Pang Pangkalakalkalakalan an

Ang umiigting na tensyon politika sa ating mga karatig bansa ay labis ring hindi nakatutulong sa ating kalagayan sa kasalukuyan gayundin naman ay nakakaapekto din ito sa pandaigdigang pangkalakalang paghirap sa global financing, pagtaas ng gasolina at food shock na maaaring magdulot ng mabilis na pagtaas ng inflation Kung kaya naman sagot ng Pangulo ay kinakailangan ring pag-igtingin ang pagpapatatag ng mga imprastraktura, sistemang pangkalusugan, at sistema ng edukasyon sa ating bansa.

Kagaya ng mga magsasaka ay labis rin namang naapektuhan ang mga iba’t-ibang sektor sa ating bansa Kung kaya naman sa gitna ng matinding tagtuyot na ito, karamihan ay siyang nakararanas nang biglaang pagtaas ng dugo at iba pang mga karamdaman Ang suliranin na ating kinakaharap dito ay ang sistemang pangkalusugan na kung saan ay dapat maibigay sa bawat isang Pilipino sa pamamaraang mas abot-kaya nila kagaya na lamang ng mga presyo ng bilihin gamot at idagdag pa ang buwis na kaakibat nito

Ang pagkonsumo ng sambahayan sa lunsod ay mas negatibong apektado kaysa sa pagkonsumo ng sambahayan sa kanayunan, lalo na ang mga sambahayan ng pagsasaka, sa panahon ng malalakas na kaganapan sa El Niño dahil ang mga sambahayan sa lunsod ay mas malamang na maging mga netong mamimili (net consumption) ng mga produktong pagkain Ito ay maaaring magdulot ng higit na malnutrisyon at kahirapan sa pagkonsumo para sa mahihirap, dahil ang mahihirap na pamilya ay gumagastos ng higit sa kanilang kabuuang kita sa pagkain Tinatantya ng World Bank na ang karamihan sa pagtaas ng kahirapan, mula 25 porsiyento noong 1997 hanggang 28 porsiyento noong 1998, ay nauugnay sa epekto ng El Niño shock sa sektor ng agrikultura.

Sa panahong tagtuyot na nararanasan ng bansa, nawa’y magkaroon pa ng isang maayos na pamamaraan upang mabigyang pansin lalong-lalo na ang mga mamamayang nasa laylayan ng ating lipunan. Ang tuyot at init na nasasaksihan sa araw-araw ay magsilbi ring pagpapaalala sa bawat isa kung ano-ano pa nga ba ang mga bagay na dapat paghandaan upang ating ekonomiya’y hindi tuluyang matuyot Ang tanong ay: mas maghahanda ba ang administrasyong Marcos sa pagkakataong ito? O nasa mga Pilipino na ba ang muling pag-iingat para sa kanilang sarili?

FGA TRADING LPGDELIVERY

NOW HIRING!! CASHIER

18-35 years old AT LEAST COLLEGE GRADUATE (preferably ACCOUNTANCY or BUSINESS graduates) MUST HAVE PLEASING PERSONALITY MUST HAVE AN EXPERIENCE IF INTERESTED, PLEASE CONTACT US: 09283628193 EMAIL US AT: aliceguo@gmail.com

Don’tWorry,wecanhelpyou!

GOTOOURWEBSITE

https://lordylujilleluke3.wixsi te.com/eunoiainlfuenceyouth

OR EMAIL US eunoiaweinfluenceyouth@gmail.com

CALL US NOW AND ORDER: 09107309144/ 09397767488 Reminder: Provide your NAME AND COMPLETE ADDRESS upon messaging Fast Delivery Free Installation Cheaper 10% discount for loyal customers AroundDasmariñasCaviteOnly
LASALYANEWS MAYO2024
MENTAL
NEED
AND PSYCHOLOGICAL SUPPORT?
A D V E R T I S E M E N T S 10

LibangangLasalyaNews

“TATU” “TATU”

CROSSWORD:

PAHALANG:

1 Sampung utos o mga batas moral na pinananampalatayanan ng maraming relihiyon

4 Mamamayan o may kaugnayan sa bansang Espanya

5 Agham na tumatalakay sa kabuuan ng uniberso at mga bituin

7 Mamamayan o may kaugnayan sa bansang Hapon

9 Maikling dokumento na naglalaman ng mga simulain o mga prinsipyo

10 Kilusang armado o pwersang pag-aalsa laban sa pamahalaan o kolonyalismo

PABABA:

2 Mamamayan o may kaugnayan sa Estados Unidos ng Amerika

3 Isang bansa sa Timog-Silangang Asya

6 Salaysay o rekord ng mga pangyayari sa nakaraan

8 Kalagayan ng pagiging malaya o hindi nasasakupan

M a y 1 7 , 2 0 2 4 11
NILIKHA NI: James Cantre

Lifestyle

B E A T T H E H E A T , N G A Y O N G T A G - I N I T ! B E A T T H E H E A T , N G A Y O N G T A G - I N I T !

Akolangbaangnakakaramdam?Sobranginittt!Nag-anunsyongaangPAG-ASAnaumabotnasa'dangerouslevel'ang heatindexditosaatin!

Gayunpaman, ang summer ay panahon pa rin ng kasiyahan! Ito ang pinakahihintay na panahon para sa nakararami, kung saan maaari tayong mag-relax, magsaya, at gumawa ng mga hindi malilimutang alaala kasama ang inyong mga pamilya at kaibigan kaya’t patayin mo na ang mga electric fan at aircon sa iyong bahay dahil oras na para magplano ng mga aktibidad!

Para siguradong ma-enjoy mo ang summer ng ligtas at puno ng kasiyahan,naritoangilangtipsnamakakatulongsaiyo!

Para sa mga mahilig magbakasyon at magta beach, ang Boracay ay isang sikat na destinasy summer dahil sa mala-paraiso nitong ganda makikita mo ang dinadayo na white sand sobrang saya puntahan

Ang El Nido, Palawan naman ay nag-aalok ng kagandahan na isa sa mga pinaka hinahangaa mundo tulad ng limestone cliffs at hidden lag na swak itong puntahan para sa mga nagh kakaibang adventure! Kung mas gusto mo mga water sports, ang Siargao, Apo Reef, at Hundred Islands ay mainam na

LASALYANEWS MAYO2024
source: PINTEREST https://pin it/7xquQymsc
ISINULAT NI: JOSHUA NIEVES
12
OBRA NI: FORDY ANCAJAS
source: PINTEREST https://pin it/7tXzR6egX

Lifestyle

destinasyon para sa surfing, snorkeling, at island hopping. Pero kung ayaw mo naman mapalayo, may waterpark sa Maynila tulad ng Splash Island at Aqua Planet na tiyak makapagbibigay ng kasiyahan sa inyong pamilya, lalo na sa mga bata

source: PINTEREST, https://pin it/6qAB2ssO5

source: PINTEREST https://pin it/7BC6NTMd7

source: PINTEREST https://pin it/3LlvEaOhF

Kung mas trip mo naman ang gumala, ang Rizal Park, Intramuros, at iba pang mga makasaysayang lugar ay makapagbibigay ng pagkakataon sayo na makapasyal, makapag muni-muni, at masaksihan ang mayaman na kasaysayan ng Pilipinas At siyempre, hindi makukumpleto ang gala mo ngayong summer kung walang masasarap na pagkain! Ang halo-halo, isang pinaghalong minatamis na prutas, gatas, at yelo, ay ang hinahanap-hanap na panghimagas na siguradong magpapalamig sa iyo Ang iba't ibang flavor ng ice cream, mula sa sorbetes hanggang sa gelato, ay isang matamis na paraan para labanan ang init. Ang mga sariwang fruit shake, tulad ng mango shake at buko shake, ay hindi lamang masarap kundi nakapagpapalusog din!

Ngunit sa kabila ng kasiyahan, mahalaga rin na maging maingat sa panahon ng tag-init dahil sa mga sakit na maaaring makuha Ang heat stroke ay isang seryosong kondisyon na maaaring mangyari kapag ang katawan ay hindi na kayang magpalamig. Ang sunburn naman ay ang pagkapaso ng balat dahil sa sobrang exposure sa araw At ang dehydration ay ang pagkawala ng tubig sa katawan dahil sa sobrang pawis o hindi pag-inom ng sapat na tubig Upang maiwasan ang mga sakit na ito, ugaliing magsuot ng sombrero, maglagay ng sunscreen, uminom ng maraming tubig, at kumain ng mga prutas at gulay para siguradong safe ka ngayong panahon ng tag-init.

Ang summer dito sa Pilipinas ay talaga namang punong-puno ng saya, mga world-class na adventure at destinasyon, at mga dessert na dito mo lang matitikman! Sa pamamagitan ng pagiging handa at pagiging maingat, tiyak na sobra kang makapag-eenjoy at makakabuo ng pinaka-memorable na summer vacation kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan kahit saan ka man mapunta. Dito na nagtatapos ang ating kwentuhan, kita-kits!

LASALYANEWS MAYO2024
13
OBRA NI: LIAN CORDOVA

John Saquilayan, muling umariba pagkatapos ng apat na taon. nagwagi kaya kay Allen Columna?

Sa ‘thrilling’ showdown na naganap noong ika-3 ng abril sa DLSU-D 2024 Intramurals, Men's Singles Table Tennis, ang pambato mula sa College of Criminal Justice Education (CCJE) na si John Paolo Saquilayan ay nagbabalik mula sa kaniyang "4 year hiatus", upang sindakin ang kaniyang katunggali na si Allen Kjell Columna mula sa College of Business Administration and Accountancy (CBAA)

Ang CCJE Pride na si Saquilayan ay nagpakitang gilas ng abilidad sa kapanapanabik na laban ng CCJE vs CBAA Ang unang set ay agad nang pinangunahan ni Saquilayan puntos na 11-9. Makikita ang kakaibang estilo ni Saquilayan sa paghawak niya ng raketa, gumagamit siya ng ‘Penhold Grip’ na nagbibigay sa manlalaro ng mas maiging kontrol sa raketa.

Agad na nagsimula ang ikalawang set kung saan nagpamalas si Columna ng mas agresibong estilo ng paglalaro gamit ang kaniyang tradisyunal na ‘Shakehand Grip’ Dito ay agad na naagaw ni Columna ang mata ng publiko sa puntos na 11-2.

source:https://wwwfacebookcom/photo/?fbid=813201757510740&set=pcb812778694219713

I S 14 LASALYANEWS MAYO2024
KUHA ANG LARAWAN NI: IVANA IGNACIO ISINULAT NINA: Ivana Ignacio at Christian Cotejar

SPORT SPORT

S S

Tara na't maging AKTIBO!

Naging mainit ang palitan ng atake ng magkatunggali sa ikatlong set na kung saan ay parehas nilang pilit na ipinapatumba ang isa’t isa Nagpakawala ng sunod-sunod na ‘Topspin’ si Saquilayan, isang agresibong opensa na nagpapamalas ng kakaibang abilidad ng manlalaro, subalit hindi ito naging sapat sa matinding depensa ng batikang manlalaro na si Columna Nagtapos ang pangatlong set na may puntos na 13-11 pabor kay Columna.

Sa aming panayam sa pambato ng CCJE na si Saquilayan, nabanggit niya na talagang ‘Intense’ ang laban, ika niya na “Na-mental block” siya, at “nakampante masyado”. Dagdag pa niya na halos apat na taon rin siyang hindi naglaro. “Sobrang challenging kasi lagi ko rin siya nakikita maglaro every intrams, tapos marami experience kaya binasa ko maigi yung gameplay niya para makuha ko kung paano yung gagawin kong laro”, pahayag ni Saquilayan.

Hindi man pinalad si Saquilayan sa pagkamit ng pagkapanalo laban kay Columna, siya naman ay pinagpala sa pagkakaroon ng mabuting puso sa pamamagitan ng sportsmanship at determinasyon na kanyang ipinamalas sa laban Higit na pinuri niya ang kanyang katunggali na si Columna "Intramurals is just a friendly game, so enjoy lang Nagulat talaga ako kasi unang beses kami maglaban, magaling talaga si Columna", ani ni Saquilayan.

Nagmarka sa mga manonood ang pasiklaban ni Saquilayan at Columna. Dahil sa kanilang kahanga-hangang galing sa paglalaro ay naging mas kapanapanabik pa ang isports ng table tennis Ang dalawang pambato ay muli pa ding aasahan at aabangan ng mga manonood sa mga susunod na taon ng DLSU-D Intramurals

Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, hindi mawawala ang 'stress' mula sa pagkaraming mga aktibidad na ibinibigay ng ating mga propesor Kung kaya’t hindi rin maaalis sa atin na maghanap ng libangan, at isang libangan ng maraming mga mag-aaral na kagaya natin ay ang 'sports'

Ang pagsali sa mga sports activity ay nagiging kaaya-ayang libangan para sa maraming estudyant. Ito ay nagbibigay ng saya at pahinga sa atin mula sa matinding pressure sa eskwelahan maging sa iba't-ibang bagay na kinakaharap natin sa buhay.

Sa pamamagitan rin ng 'sports' ay magkakaroon tayo mabuting kalusugan, hindi lamang pisikal, kung hindi pati na rin ang mabuting mental na kalagayan Kung kaya't ating hikayatin ang ating mga sarili na magkaroon ng 'sports' na ating tunay na ikasasaya at higit sa lahat ay makapupulutan din natin ng aral na maaari nating magamit sa pang-araw-araw, isang halimbawa na nito ay ang pagkakaroon ng displina at pag-aalaga sa ating mga sarili

II
15 LASALYANEWS MAYO2024
NANAKITNAKASU-KASUAN? i-LOLAREMEDIOSAMONAYAN! AngLolaRemediosaayhindigamotathindidapatgamitingpanggamotsaanumanguringsakit PAALALA:

MGA SANGGUNIAN:

(n.d.). CNN, Retrieved May 7, 2024, from https://edition.cnn.com/2024/05/05/europe/ukrainiancivilians-detained-russian-prisons-intl-cmd/index.html

(n.d.). BBC. Retrieved May 7, 2024, from https://www.bbc.com/news/newsbeat-44124396? fbclid=IwAR247EWK6V3ec6iM8-lGP7udti7I8Yh3Md6XHe_WAzTCTkZzcQ1JP2ZKWvM

(n.d.). CPJ. Retrieved May 7, 2024, from https://cpj.org/2024/05/journalist-casualties-in-the-israelgaza-conflict/?fbclid=IwAR21Cbxy-xsImXkvcJzVE9uxgfVmLXgnFxLnNac3WiPpSb1-YPoUw5QTlVo

(n.d.). The Guardian. Retrieved May 7, 2024, from https://www.theguardian.com/world/2024/feb/29/media-outlets-call-for-protection-of-journalistsworking-in-gaza?fbclid=IwAR1G7-5pxEMz4KKYx-X7NKVQ5El4q2_i4gctsUhXpn6IeDLW1oaVn7PYaoI

ABS-CBN News. (2012, October 24). Law can’t control political dynasties: UP prof [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=fn0al5Lv9ug

Al-Sabbah, A. Q. (2024, May 3). Haunted by their colleagues’ deaths: The journalists risking their lives to report from Gaza. CNN. Retrieved May 7, 2024, from https://edition.cnn.com/2024/05/02/middleeast/palestinian-journalists-gaza-world-press-freedomday-intl-cmd/index.html

Almazan, T., & Almazan, T. (2024, May 2). How this editorial honors the heritage of Bukidnon and its people. Vogue Philippines. https://vogue.ph/fashion/tomorrow-land-behind-the-fashion-payinghomage-to-bukidnon/

Bombo Radyo Philippines, Retrieved May 14, 2024, from https://www.bomboradyo.com/epekto-ng-elnino-phenomenon-sa-suplay-ng-pagkain-at-ekonomiya-ng-ph-minimal-lang-neda

Carpio, A., & Carpio, A. (2024, April 30). Rosie Sula sings the songs of her people. Vogue Philippines. https://vogue.ph/lifestyle/culture/national-living-treasure-rosie-sula-sings-the-songs-of-her-people/

Carpio, A., & Nepomuceno, A. (2023, April 7). Meet the 106-Year-Old Woman Keeping an Ancient Filipino Tattooing Tradition Alive. Vogue. https://www.vogue.com/article/apo-whang-od-and-theindelible-marks-of-filipino-identity

De Borja, R., & De Borja, R. (2023, July 31). What’s Glenda Barretto cooking these days? Vogue Philippines. https://vogue.ph/lifestyle/people/glenda-barretto-vogue-cover-story/

De Borja, R., & De Borja, R. (2023b, October 3). Alice Reyes sets the stage ablaze with her fellow national artists |. Vogue Philippines. https://vogue.ph/lifestyle/people/alice-reyes-vogue-cover-story/

De Borja, R., & De Borja, R. (2023b, October 3). Dr. Dolores Ramirez continues to plant the seeds of tomorrow. Vogue Philippines. https://vogue.ph/lifestyle/people/dr-dolores-ramirez-continues-toplant-the-seeds-of-tomorrow/

De Borja, R., & De Borja, R. (2023b, October 3). Felice prudente Sta. Maria reads the Dictionary—And you should too. Vogue Philippines. https://vogue.ph/lifestyle/people/felice-prudente-sta-maria-voguecover-story/

De Borja, R., & De Borja, R. (2023c, October 17). MaRIaN Pastor Roces is asking us to think Again—And better. Vogue Philippines. https://vogue.ph/lifestyle/people/marian-pastor-roces-vogue-cover-story/

Dev-Site. (2021, June 9). A guide to the most common illnesses during the summer season. Makati Medical Center. https://www.makatimed.net.ph/blogs/a-guide-to-the-most-common-illnesses-duringthe-summer-season/

LASALYANEWS MAYO2024 16

MGA SANGGUNIAN:

Epekto ng El Niño sa ekonomiya pinatutukan ni Pangulong Marcos Jr. (2024, January 15). Radyo Inquirer. Retrieved May 14, 2024, from https://radyo.inquirer.net/337269/epekto-ng-el-nino-saekonomiya-pinatutukan-ni-pangulong-marcos-jr

Gozum, I. (2024, January 20). Is the Philippines prepared for El Niño Rappler. Retrieved May 14, 2024, from https://www.rappler.com/newsbreak/explainers/is-philippines-ready-el-nino/

Jackson, C. M. A. (2024, February 6). Marcos and Duterte clan alliance ruptures. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/06/2331407/marcos-and-duterte-clan-alliance-ruptures

Lalu, G. P. (2024, April 16). Marcos to Duterte: ‘What did you compromise?’ INQUIRER.net. https://globalnation.inquirer.net/231773/marcos-to-duterte-what-did-you-compromise

Nery, J. (2024, April 20). [Newsstand] Duterte vs Marcos: A rift impossible to bridge, a wound impossible to heal. RAPPLER https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/newsstand-dutertevs-marcos-rift-impossible-to-bridge/

Pesek, W. (2024, May 8). Duterte vs. Marcos ‘Game of Thrones’ threatens Philippine GDP. Forbes. https://www.forbes.com/sites/williampesek/2024/01/31/duterte-vs-marcos-game-of-thronesthreatens-philippine-gdp/?sh=9c8ac082b6a5

Sarabia, C., & Sarabia, C. (2024, May 3). The models who paint a portrait of a vibrant Mindanao. Vogue Philippines. https://vogue.ph/beauty/mindanaoan-models-neal-oshima-mark-nicdao/

Striking a Balance: Managing El Niño and La Niña in Philippines' Agriculture - Philippines. (2019, April 2). ReliefWeb. Retrieved May 14, 2024, from https://reliefweb.int/report/philippines/striking-balancemanaging-el-ni-o-and-la-ni-philippines-agriculture

Taculao, P. B. S. (2023, March 30). Summer activities to embrace the season - Manila Standard. Manila Standard. https://manilastandard.net/?p=314318227

LASALYANEWS MAYO2024 17
IKALAWANG PANGKAT MGA MANUNULAT: Lider: ANCAJAS, FORDY T. Cantre, james randolph CORDOVA, LIAN ALISTAIR cotejar, cHRISTIAN PATULA, AIRAH GRACE IGNACIO, AUTESSA IVANA macalacad, raina ANNE Villahermosa, klarence PANGLADADO, LEINARD PINAL NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA MGA BABASAHIN HINGGIL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS AGHAM PAMPULITIKA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
KASAYSAYAN NEWSPAPER by Talia Cordova - Issuu