ALYANSA NG MGA PANULAT NA SUMUSUONG
Karapatang-ari © 2021
Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong (ALPAS)
Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o kopyahin sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari.
Disenyo ng pabalat at layout ni: DJ Ellamil Mga likhang-sining nina: Issabel Miraflor at Bea Clutario Inilimbag ng TBC Publications
ISBN 978-621-8272-45-3
Umusbong nang husto ang retorika ng pandemya at lumampas pa nga ito, saklaw ang mga kaugnay na diskurso at nilay. Hindi nagpahuli ang ALPAS sa kanilang Namumukadkad ang mga Mirasol sa Dapithapon at hindi kalabisang sabihin na ang mismong kalipunan o antolohiya ay isang positibong patotoo na may sariling sigasig ang mga tampokna batang manunulat. Dalawang bagay ang kapansin-pansin. Una, may paggalugad sa mga paksang ikinakawing sa paghilom, tahasan man o hindi, at mula sa mga salimbayan ng mga personal o publikong persona o testimonya ay may mga pagtatangkang makatawid, malay man o hindi. Ang mga poetika at naratibo ay parang mga pagsasanay din tungo sa kung saan nga ang hanggahan at hangganan ng bawat mapagpanibagong pagpapakatao, kung meron man. Ikalawa, halata rin na may mga pagtitimpi at kapangahasan sa ilang perspektibong nakakabit din sa mga piniling anyo at magandang pahiwatig pa rin ito dahil sa usapin ng mga inklusibong tinig sa panitikan. Hindi dapat pinaniniwalaan agad-agad ng mga bata ang mga ipinagpipilitan o mga nakasanayan ng ilang premyadong matatandang manunulat dahil nga isang malayang lagusan ang panitikan sa ngayon--may mga nababasag na mga anyo at mga kategorya maging sa mga anyo, may mga paksa at pakana sa pagsasalaysay na puwedeng sumalungat sa mga nakagisnang pagkamalikhain. Ibig-sabihin lamang, sa panitikan ay mas mapanganib kung minsan kung iisang katotohanan lamang ang maririnig. Isang uri ng pasismo kung minsan ang pagpipilit sa iisang tinig, literal man o hindi, kung pagkamalikhain ang pagbabatayan. Malawak ang mga posibilidad ng ALPAS sa kalipunang ito at mananatiling isang malaking hamon sa mga manunulat na mapalitaw pa ang makabuluhang pagtatagpo ng mga karaniwang tauhan at ng mas mahahalagang usapin sa lipunan nang hindi lalabas na tila isa lamang na pinaikling polyeto ang bawat akda dahil kung minsan, mas makapangyarihan ang tahimik na poot sa kuwento kaysa sa barubalang salaysay na hindi alam ang pagkakaiba ng kagitingan sa katapangan. Ang bawat pag-alpas ay pag-imbulog din sa lahat ng posibilidad ng kahulugan, kasama na ang paghilom. Ayon sa mga pinagsama-samang nilay ay lumalabas na kapag sinasabi raw natin na “pinaghihilom ng panahon ang lahat-lahat” ay
para na rin nating tinanggap na ang bawat pagdurusa ay may limitasyon, may katapusan. Marahil nga. Ang sugat ay maaari ring magsilbing liwanag at ang pagtingala sa araw ay nakabubulag din minsan at tulad ng lahat ng namumukadkad, ang bawat akda ay maaaring maging isang awitsaloobng isa pang awit. Premyadong Makata at Nobelista
Kung ang pamumukadkad ng bulaklak ay maihahalintulad din sa pamumukadkad ng mga bagong makata/manunulat na kabilang sa librong ito, ito na, marahil, ang simula ng maraming pagsibol sa umaga. Bagamat, hindi pa man lubusang nasisilayan ang natatanging ganda, kumakawala na sa himpapawid ang aroma na hatid ng kanilang panulat. Mapanghamon ang mga akda at nagdudulot ito ng kintal sa balintataw ng mambabasa. Malikhain ang bawat berso at mapangahas din sa pagtuklas ng mga estilo. Subalit, ang tunay na gigimbal, ang paghahamong bubukadkad silang tulad ng Mirasol. Hindi lang hatid ay ganda kundi ang pagsibol ng pag-asa na makapag-aambag din sila sa literatura at panitikan sa ating bansa. Alam kong malayo ang mararating ng mga bagong makata/manunulat na kasama dito. Patuloy din itong manganganakatpatuloynamaybubukadkadna katuladng Mirasol.
MFA Creative Writing De La Salle University
Ang landas sa paghilom ay laging pagkaligaw sa laberinto ng karahasan. May ilang beses na rin akong pinalad makabasa ng mga antolohiyang iniluwal ng PUP at lagi’t laging hindi ako nito binibigo. Iba-ibang estilo (may matimpi, matipid, tahimik; may mga tula namang tila ang mga taludtod ay hinabi para itanghal); maingay, magulo, naglalagablab hanggang maabo… simbolikong representasyonng lahatng dánas/dahás sa lipunanatmundong ito. Pagtatagpoang antolohiya ng tunggaliang personal, medikal,
politikal, seksuwal, sikolohikal, eksperimental o maaaring mga estilong simpleng ang nais lang ay maghapag ng kuwento. Ni baka nga hindi talaga layuning ibahagi. Sapat na ang maisatitik ang kung anomang bumabagabag sa tahimik at tagong bahagi ng sarili at katauhan.Nasa sa atinna lamang kung pupulutinnatino hahayaang anurinna lamang sa kawalan.
Sa kabilang banda, masasabing tangka rin ang koleksiyong ito sa pagtugon sa tanong na paano ba maging “normal” ang itinuturing na “kaiba” sa masasalimuot na pamantayang panlipunan?Maynagbagonga basa sinasabinilang “bagong normal” o higit lang nitong pinalalalâ ang dati nang kronikong sakit nitong abang bayan?
Mula sa pagkakaibigan, kamusmusan, pagpupúta, pagpapalaya sa sarili sa de-kahong mekanismo ng konserbatibismo at elitismo… malikot na imahinasyon nga lang ba natin ang nagtutúlot sa ating maniwala sa mga diwata o mga bagay na di natin nakikita o isa na itong kabaliwan? O binabaliw na nga ba tayo ng lipunan?
Mapangahas na paglalaro sa salita, integrasyon ng QR codes sa print, metapiksiyon, hindi depinidong atake sa naratibo, repleksibidad, intertekstuwalidad… pagbása/pagbásag sa ideya/ ideolohiyang may depinidong kahulugan o black and white lamang ang mga bagay na matatagpuan sa paligid. Ang lahat ng ito ay patunay na unti-unti nang lumalaya ang kabataang manunulat ng PUP—at ang bastiyon ng aktibismo’y tunay ngang isa ring tanggulan ng panitikang malayaatmapagpalaya.
Napakarami ko pang natuklasan sa loob ng mga sanlibutang nilikha sa loob ng aklat. Hahayaan ko na sa inyong mga babasa sumambulat ang kayraming kuwentong marahil, baka sa labis-labis nating pagkahumaling sa pagliligtas ng sarili habang nagsisimatay ang marami sa pandemyang ito, matagpuan natin ang pinakahuling hibla ng unti-untina nating kinalilimutang pakikipagkapwa-tao.
Guro ng Filipino at Panitikan May-akda, Suóng: Mga Aporismong Paglusong atPagsulong
INTRODUKSYON
NILA AMAN
Roselle
LovelyInciong Joselle Gabutin Christian Nayles AngelicaMalillin Jhunval Escosio Sang Gala Ryan Clemente StanleyGullab DAGLI
Prop. Jomar Adaya TULA JD Bajar
Ann Diano
PERSONAL NA
SANAYSAY
Maybelle
Bea
DULA Ivan Cunanan EKSPERIMENTAL/HYBRID DJ Ellamil Jovie Geslani Serena Paul Gabriel Galeon Bryan Kevin Sabado Niña Raquel Ronario Harold Lemon Tubiano CheskaMia Rosal John Paul AugustMaldo
NA SEKSYON TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA
Romark Orias Rudie Pelaez Paul Serafica
Tejada
Bianca Clutario MAIKLING KUWENTO
ISPESYAL
INTRODUKSYON
“Naririnig ba ako? Nandyan pa ba kayo?” – Madalas na entrada sa online class. Naghahanap tayo ng kausap, o siguro mas mainam sabihin, hinahanap natin ang ating kinakausap. Ang hirap naman talaga ng parang nagsasalita ka lang sa hangin, o ang mas malala ay ang inaakala mong may kausap ka pero hindi mo makapa o maabot ang kanyang diwa. Ganito ang pakiramdam sa mga klase nitong nakalipas na taon. Isang malaking hamon ang lumikha ng espasyo para mag-usap at magtalastasan.
Pero, paano nga ba tayo mag-uusap habang mistulang numero na lamang ang mga taong namamatay araw-araw? Saan tayo hahagilap ng mga salita para magsambit ng pakikiramay? Sasapat ba ang mga katagang “mahigpit na yakap” para maipadama natin na naroon lamang tayo kahit pa nasa bintana ng birtuwal na mundo lamang ang tinutunghayan? Kay hirap mag-usap, lalo’t hindi na lamang COVID ang nagbabantang dahas sa atin. Maraming sugat ang pinalala ng krisis. Sa kasalukuyang kalagayan natin, lalong kailangan ang mga pag-uusap. Dito natin higit na madarama ang pagiral bilang tao. Ang panulat ay mainam na paraan upang lumikha ng mga diyalogo, ng pakikipag-usap hinggil sa ating kolektibong danas. May pangangailangang tanganan ang kapangyarihan ng salita tungo sa mga posibilidad ng pagsuong sa krisis. Ito ang sa tingin ko’y kahanga-hanga sa koleksyong ito ng mga umuusbong na kabataang manunulat ng PUP. Sa kabila ng mga limitasyong dulot ng krisis, pinili nilang makipag-usap at ipadama sa hinihirayang
mambabasa ang iba’t ibang anyo ng paghilom at pagsuong. Na kahit may pagkakaiba ang mga indibidwal na kalagayan, kolektibo pa rin nating papaghiluhim ang mga sugat nang hindi lumilimot. Tandaang may iniiwang pilat ang paghilom.
Bukod sa pakapa-kapa sa pag-abot sa diwa ng mambabasa, mapangahas din ang tangka ng ilang akda na tanawin at likhain ang hindi pa natin magagap na hinaharap at mga sanga-sangang posibilidad. Ang mga panulat ng ALPAS ay patuloy na pagsuong sa espasyo ng panitikang Filipino.
Sa ngayon, hayaan nating mangusap ang kanilang mga akda, at sipatin natin ang papaalpas na liwanag sa pamumukadkad ng mga mirasol.
Tagapayo, ALPAS
TULA
Portal
Bumangon siya at marahang pinagpag ang mga buhangin sa kamay at mga tuhod saka itinayo ang bisikleta
Nawalan siya ng balanse sa mabilis na arangkada ng buhay sa paspasang pagpidal habol-hininga naputol ang kadena
Hindi niya ininda ang sakit ipinaubaya sa ihip ng hangin ang pagpawi ng hapdi kaya't nilakasan pa niya ang pagsipol
Sa pagkatuklap ng langib na tumama sa kanto ng lamesa aksidenteng nabuksan ang lagusan patungo sa nakaraan
Nagdugo kinaawaan siya ng mga kalaro sariwa na muli ang akala niyang naghilom
2
Bago ang Pamumukadkad ng Pag-asa
Simula, gitna, at wakas Alas-tres ang bukod-tanging oras na nagbababa ng biyaya ang kalangitan Isa pang pagkakataon para magsimula Magbibigay ng pait at tamis upang maramdaman muli ang hinahangad na kalayaang Mabuhay.
Isang hamon ang araw-araw na pakikidigma sa sarili buhay ang salitang namumutawi sa bawat tapon at bigkas mga salitang walang pasintabi Hindi buo kung makapagtiwala pilit na ikinakahon ang mga paniniwala laging pinangungunahan ng takot at pangamba; tulad ng mirasol na nasa loob ng isang silid sa taglay nitong kagandahan wari’y walang dinadalang bigat; sa tuwing makaririnig ng samu’t saring salita ito’y unti-unting nalalanta "Wala kang halaga" hindi malaman kung totoong may buhay kinakalimutang kalingain, at mahalin nasa loob man ng silid ngunit ramdam ang mga natutuyot na ugat
Simula, gitna, at wakas Malayang umiikot ang oras Ito na nga ba ang tamang pagkakataon? Aalamin ang nilalaman sa nalaman; makahihinga nang kaunti Ngunit walang kapanatagan
3
Ihahakbang sa prosesong pinili makatitiyak kayang ito na ang kasagutan?
Kalilimutan kahit sandali sa sikat na hatid ng araw pagpapatawad kaya'y makatutulong upang mapawi kahit saglit ang nag-uumapaw na poot at galit hinahadlangan nga ba nito ang karapatang maging masaya O totoo ang kataga na ang nagpapatawad ang totoong nagiging malaya"
Simula, gitna, at wakas at sa wakas hindi natapos ang oras Ang pagsalubong ng biyaya mula sa langit at lupa Ang espasyo sa pisikal na daigdig ang magpapatunay na ang bawat bukas ay kapatawaran, kapayapaan, at kapanatagan Bagong pag-asa.
Sa lupang mapagbuhay
Ang hatid na saya sa natutuyot na ugat ang tubig na iaalay mapapawi ang pagkauhaw mabubusog sa pagmamahal, pagkalinga
sa init na taglay
Lumalakas ang loob na ipagpatuloy ang bawat bukas. Masayang mabuhay kung ika'y malaya.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Ahon
Sa mundong kinabibilangan natin ngayon kay hirap maging pipi sa isang kahon na tila nananaginip hindi makabangon naghuhumiyaw sa takot na 'di makaahon
Sisikaping abutin mga pangarap na nabitin at hihigpitan ang kapit upang sagipin at muling magnanais na nawa'y palarin kahit pa may sumubok pigilin
Iyong mga bihasa sa batas ngunit mas ginagamit ang dahas mga alagad ng nakaupong mapangahas tinalo pa mga naglipanang ahas
Hindi na nararapat kanilang nakagisnan Sila itong hindi sumusunod sa batas ng bayan Darating ang panahon na tayo naman Tayo ang magsisilibing pandayan
Tayo ay kakawala na sa ating kahon Sisigaw na sa muli nating pag ahon Hindi na magpapaapi gaya noon Taas-noo at muling babangon
5
Bigan
Inaabot mo ako, Kahit hindi nahahawakan Naririnig mo ako, Kahit ito lang ang nababasa.
Sa tuwing dumarating Ang iyong kumusta, Sinusubukan kong paliparin Ang aking mga buntong-hininga Patungo sa iyong pagtanggap. Kung saan, malugod mong binabalot Ang iyong mga payo at suporta.
Nasasabik na 'kong buksan Ang iyong padala.
Unti-unti, Nabubura ang hiya sa bawat pagbaba. Para akong isang ibong Papagaspas ang pakpak sa mga letra, Napapaawit ang napagod na tuka Nagniningning ang nanghihinang mga mata Kumakatas ng pagpapala.
Pakiramda'y nakauwi Sa mga sanga ng iyong mensahe, Sinasalubong ang dalang bagahe. Nagpapaalalang lagi't lagi, Mayroon ditong sanga Tutubo, tutulay. Tahanan na maaari kong tuluyan Sa tuwing ang isip ay nasa kawalan Nariyan kang tatawag sa aking pangalan, "Bigan".
6
Paano nga ba ang Maghilom?
Aaminin ko
Nandito pa rin ang mga sugat Dulot sa maraming beses na pagkadapa
Naghilom man ang mga sugat Nagmarka naman ang mga alaala nito Pinapaalala ang pagkawasak ng sarili
Hindi ko alam Kung paano ang maghilom Animo’y isa itong sakit O isang karamdaman
Komplikasyon nito ang pagkalunod sa kawalan Biglaang nararamdaman ang kirot Ang pagbisita ng mga pangamba Sa paanyaya ng mga alaalang Tumatagos sa kalamnan, Maging sa kaluluwa Tanging pagluha Ang nagsilbing pagtahan
Ilang beses tinanong ang sarili, Humarap sa salamin Na saksi sa mga lamat ng kahapon Paano nga ba ang maghilom?
At buntong-hininga Ang muling tinugon Sa maraming beses Sa pagtatangkang umusad
7
PAANO NGA BA ANG MAGHILOM? | Christian Nayles
Paano ang umusad sa araw-araw Ang maghilom sa mga sugat Maghilom para sa sarili
Paano nga ba ang maghilom? Nawa’y sa muling pagtatanong sa sarili Alam ko na ang isasagot
ang sarili mong babaylan
kumikirot ang dibdib hindi makakilos, tila may nakapalibot na lubid ito ay mula sa sinulid at karayom na nakatusok sa isang manika kontrolado ng mahika, masamang salamangka ang mga sugat ay sumulpot bukod sa nanang malapot nagsisilabasan ang mga uod, mabantot gawa ng nilalang na nakararamdam ng poot
ngunit huwag kang mag-alala may mga taong handang iligtas ka sasambitin ang kanilang ritwal at orasyon pagagalingin gamit ang kakayahan ng kalikasan na magbibigay-proteksyon hihingin ang gabay ng mga espiritu at diwata kakausapin si Bathala kokontrahin ang sa iyo’y naging kulam at barang sila ang mga babaylan sa tuwing ika’y nayayamot nakararamdaman ng lungkot o hindi makausad dahil sa mga pangyayaring masalimuot tandaang may mga paruparong sa ‘yo ay nakapalibot nariyan sila hahayaan na ang ulo mo sa balikat nila’y nakasandal ipagdarasal ang iyong kalagayan sa Maykapal ang kanilang pakikinig ang iyong magiging pantapal at papalitan ang sakit ng pagmamahal— sila ang maaaring maituring na makabagong babaylan nariyan ka walang takot na sumabak sa digmaan
9
hindi man kayaning makawala sa kamatayan handa pa ring ipagpatuloy ang laban kahit na magasgasan ng pagdadalawang-isip na umusad madaplisan ng pangunguwestiyon sa natatanging abilidad masugatan ng matatalim na salita at mapanghusgang tingin mananatiling ang sandata at kalasag ay gagamitin sandata ng pagtitiwala sa proseso ng panggagamot sa sarili kalasag ng pagkatuto sa mga pagsubok na kumubli mga tanda ng pagiging isang tunay na bagani
nariyan ka hindi nagpasadlak sa laban ng buhay hindi tuluyang nagpapigil sa lumbay piniling bumangon at lumaban muling nagpatuloy at naniwala na gagaling ang mga sugat na maghihilom ka ikaw ang sarili mong babaylan.
SARILI MONG BABAYLAN | Angelica
ANG
Malillin
DAGLI
Lansa at Lapot
Habang nagpapahinga’t naghihintay si Alfred na kumagat ang mga isda sa kaniyang pain, sumandal siya sa kaniyang bangka at nag-isip ng mga bagay na magpapawala ng kaniyang pagkainip. Naalala niya ang kaniyang asawa.
“Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?” sambit niya.
Uminit ang kaniyang armas. Sinimulan niyang tanggalin ang pang-ibaba niya. Aninag ng buong karagatan at kaulapan ang nakatindig na sandata ni Alfred. Agad niyang hinawakan ito. Nang sandali, hinubad niya ang kaniyang camisa de chino at saka inamoy-amoy.
Naglalaro sa kaniyang isipan ang halimuyak ng daster ng kaniyang asawa at sapin sa higaan sa kanilang kwarto na laging nagbabantay sa kanilang tagpo. Pabilis nang pabilis ang pagtaas at pagbaba ng tubig. Sumasayaw ang bangka na sumasabay sa kaniyang indayog.
Habang nakapikit, narinig niya ang palahaw ng kaniyang buntis na asawang noo`y humihingi ng saklolo sa gitna ng umaalimpuyong karagatan. Dumilat siya mula sa saglit na bangungot. Tumayo siya`t ibinalanse ang sarili. Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Napasigaw siya sa pagsisiwalat ng matagal na niyang naipong pagsisi.
“Sapuhin mo ito aking sinta,” paluha niyang turan.
Naghalo ang malapot niyang katas sa mga malalansang isdang nagsilitawan na iniluwal ng karagatan.
12
Kintsugi
Hindi naghahari ang araw. Makulimlim. Narito ako sa harap ng telebisyong android, naka-play ang isang music video sa Youtube. Tulala, nakahalumbaba, at minu-minutong bumubuntong-hininga, nag-iisip ng maaaring pagkaabalahan.
Nadako ang tingin ko sa aming aparador. Matagal na rin pala mula nang huli ko itong buksan. Gawa ito sa lumang kahoy na napulot ni Lolo noon sa kung saan. Sapagkat hilig lumikha ng mga bagay mula sa basura, hindi kataka-takang naging sikat at mahusay na karpintero siya sa aming lugar. Heto nga’t pinaglagyan ito ng mga mamahaling kubyertos ni Lola na nagagamit lamang tuwing may bisita.
Linisin ko kaya?
Maingat kong inilabas ang mga tasang ilang taong hindi nakikilala ang mga tao. Diretso ko itong nilagay sa mesa upang hindi maging magulo at hindi masagi ng aking paa. Pinunasan ko rin ang plato’t kutsarang binahayan na ng alikabok. Marahan lamang ang kilos upang hindi ito mabasag. Matapos matanggal ang lahat ng laman sa aparador, sisimulan ko na sanang linisin ang loob nito subalit may nakita ako sa sulok na telang pinugaran na ng mga langgam.
Naestatwa ako. Kumakabog ang aking dibdib at halos hindi kumurap ang mga mata.
Dito pala itinago ni Lola ang nakaraan ko. Lumunok ako ng laway saka huminga nang malalim bago ito kunin. Gamit ang brush ay tinanggal ko ang mga dumi bago buksan. Tumambad sa akin ang mga basag na piraso ng mangkok. Masangsang ang amoy at sa bawat sulok nito, bakas pa ang natuyong dugo.
May advertisement sa Youtube. Nakuha nito ang aking atensyon kaya hindi ko pinindot ang skip ad. Kintsugi. Ito ang palabas sa advertisement. Isa itong makalumang pamamaraan ng mga Hapones sa muling pagkumpuni ng mga nabasag na palayok gamit ang lacquer at pulbos ng ginto, pilak o kaya platinum. Muli kong sinulyapan ang basag na mangkok.
Subukan ko na kayang buuin ito? Matagal ko na rin naman itong planong gawin, hindi ko lang masimulan.
13
Kinuha ko ang mga alternatibong gamit para dito na noon ko pa binili. Tutorial sa Youtube ang magsisilbi kong gabay.
Una, ipahid sa parteng pagdidikitan ang epoxy resin gamit ang maliit na paint brush. Agad ding idikit ang basag na piraso dahil mabilis itong matuyo. Sa pagdikit nito, hindi maiiwasang may lumabas na sobrang pandikit. Kaya naman gamit ang pangkudkod sa kuko ay tinanggal ko ito. Matapos maidikit ang lahat ng piraso, hinintay ko munang matuyo ito nang 15 minuto.
Tumunog ang aking phone. Si Ate Ester, kapatid ko, ay tumatawag. Sinagot ko ito at in-on ang speaker.
“
Ate, kumusta na?” tanong ko.
Matapos ang 15 minuto, sinuri ko ang mangkok kung naging matibay ba ang pagkakadikit ko. Lumapad ang aking ngiti nang hindi ito umuga. Sinimulan ko na agad lagyan ng pintura ang mga linya o mga crack gamit ang liquid gold leaf.
“
Ayos lang naman. Ikaw ang kumusta? Balita ko nakalabas na sa kulungan ‘yang abusado mong asawa, a.”
Natigilan ako at naiwan sa ere ang aking kamay. Ngayon pala ‘yon? Tatlong taon na rin pala mula nang ipakulong ko siya. Ngumisi ako.
Ibinalik ko ang tuon sa binubuong mangkok. Pokus ang kailangan sa pagpinta upang hindi malihis ng landas ang linya. Dahan-dahan ang pagkilos upang hindi magkamali at maiwasang umulit sa umpisa. Binalot kami ng katahimikan.
“Napatawad mo na ba siya?” tanong niya.
Binalot kami ng katahimikan. Maya-maya’y ngumiti ako. Sa wakas, naipinta ko na rin ang huling linya. Buo na muli ang basag na mangkok.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Saklay
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagpunta sa lugar na iyan. Nakakakilabot at pakiramdam ko ay masusunog ang aking kaluluwa't katawan sa oras na ako ay pumapasok sa gusaling iyan.
"Bakit hindi ka na pumapasok diyan?" tanong ng aking kaibigan habang kami ay kumakain ng kwek-kwek sa plaza.
"Hindi naman ako matutulungan ng sino mang nandiyan!" mahina ngunit mabilis kong tugon dito.
Sa tuwing lalabas ako sa gusaling iyan ay idinuduyan paitaas ang aking kahambugan. Bumubulusok ako sa lupa at tila ba ay hindi na ako makakaahon pa. Tunay na nakakaadik ang pagpasok sa gusaling iyan. Gumagaan ang aking puso't kaluluwa sa tuwing ako ay pumapasok at sa oras naman na ako ay lalabas, tanging pagkalugmok ang aking nadarama.
"Akala ko ba hindi ka na papasok dito?" tanong ng aking kaibigan habang hindi ko namamalayang dinala na pala ako ng aking dalawang paa rito.
Napakasarap palang sariwain ang mga araw kung kailan para akong adik na labas-pasok dito. Labas-pasok sa kadahilanang nanghihingi ng kagalingan sa mga nararamdaman at itinataas ko sa iyo. Mababakas sa pinto ang mga puting kartong nagsisilbing saklay ng gusaling ito. Naghuhumayaw ang mga kampana at wari’y inaakit akong pumasok sa loob. Sa pinto pa lamang ay tila ba napunan ng tubig ang aking puso't kaluluwa na mistulang balon na tuyot sa langit at pag-asa.
Tuluyan na ngang tumulo ang luha sa aking mga mata nang makita ko ang isang matandang ale na nakasaklay patungong harapan. Napaluhod na lamang ako at kinausap ang doktor ng aking buhay.
"Ako na walang kapansanan at nakakalakad nang maayos ay walang oras para mabisita ka’t manalig at makapagpasalamat," bulong ko sa aking sarili habang patuloy pa rin sa pagluha.
Wala nang magbabago sapagkat tinanggap niya pa rin ako. Nasanay na ang puso ko sa lungkot at hirap ngunit ngayon ay muli't muli mo pa ring hinihilom.
"Anong oras kaya ang misa rito?" tanong ng aking kaibigan
15
SAKLAY | Ryan Clemente
habang palinga-linga.
Tunay ngang napakasarap magpunta sa pagamutang ito. Lugar kung saan hindi mga doktor at nars ang tutulong saiyo. Pagamutan kung saan ikaw ay pwedeng magpuri, magpasalamat at isigaw ang lahat ng hinaing sa buhay.
Ang Diwata sa Kampanaryo sa Bayan ng Sierra
Matapos nilang magsawa sa buong tapang na pagsuong sa talim ng mga talahib sa tapat ng lumang kampanaryo, ang paboritong lugar diwata, napagpasiyahan nilang bagtasin ang Osmeña Dr. para ipakita kay Caloy ang mga tanawing araw-araw na nakikita ng diwata mula sa kampanaryong itinuturing niyang tahanan. Buong giliw na ikinuwento ng diwata ang pinaghalong garbo at lagim ng mga nadadaanang bahay.
"Ito naman ang bahay ng mga Melchor,” sabay turo ng diwata sa malaking bahay na may malawak na bakuran, “isa sa may pinakalamaking bakuran dito sa amin," pasayaw na pagkukwento ng diwata. "Kaso lang...” pagbali niya, tumigil sa pagsayaw, “nagpatiwakal ang magandang dalagang nakatira diyan nu'ng hindi na bumalik ‘yung boyfriend niyang pinangakuan siya ng kasal," nakanguso niyang pagpapatuloy. Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Nadaanan din nila ang mansyon ng mga Gonzales na kasalukuyang abandonado matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa buong sambahayan nito. Maaamoy pa sa ‘di kalayuan ang sangsang ng dugo mula sa mansyon. Bagaman pagkabigo, kamatayan at pagkawasak ang ikinukwento, nakangiting nakatitig lang si Caloy sa diwata, namamangha sa nagliliwanag nitong mukha.
Lumiko sila sa kalye ng Apacible hanggang makarating ng palengke. Bumili sila ng pinakamahal na ice cream at pinakapaboritong flavor ng diwata sa tindahan. Habang nagmamadali nilang nilalantakan ang natutunaw na ice cream sa apa, nagpatuloy silang umikot sa maliit na bayan ng Sierra. Nagkukwentuhan at nagtatawanan sa panulukan ng J.P. Laurel, kumaliwa sa Balagtas, kumanan sa Magsaysay, kumaliwa sa Ylanan hanggang tuluyang makabalik na sila ng Osmeña Dr.
Bago pa tuluyang kumutan ng dilim ang bayan, nakabalik na sila sa lumang kampanaryo kung saan sila nagsimula.
"Kailangan ko nang bumalik, paalam," nakangiting pamamaalam ng diwata sa binata. Walang lingon-lingon itong bumalik sa abandonadong kampanaryo.
Hindi nakaimik si Caloy. Nakagat niya yata ang kanyang
17
ANG DIWATA SA KAMPANARYO SA BAYAN NG SIERRA |
dila.
Hanggang ngayon, naliligaw pa rin si Caloy at paikot-ikot sa bayang minsan nilang nilakaran ang mga kalye't panulukan.
Hanggang ngayon, nalalasahan pa rin niya ang dugo sa bawat lunok ng ice cream niyang natutunaw.
Stanley Gullab
PERSONAL NA SANAYSAY
Huling Hantungan Mula sa Kamay ng Hindi Nakikitang Kalaban
Masyado pang maaga para maranasan ang ganitong bagay na kinatatakutan ng marami. Aminado ako na hindi sapat ang kaalaman at kahandaan ko noon sa kung paano sasalubungin ang nalalapit na kamatayan. Sa kung paano ako tutugon at paano ko sila haharapin sa tagpo ng kanilang mga buhay na itinuturing nilang oras ng pagpapahinga. Ngunit sa kabila nito, isang bagay lamang ang natitiyak ko; malalayo sila sa akin pansamantala kapalit ang pag-asang magkukrus din muli ang aming mga landas sa pangalawang pagkakataon na sila ay mabubuhay.
Ang pagtatapos ng buwan ng Hunyo noong nakaraang taon ay ang pagsisimula naman ng malaking pagsubok sa aming pamilya. Nagtatrabaho bilang street sweeper ang aking tita sa Mandaluyong. Isa sa mga kahingian sa kanilang trabaho ang isang beses sa isang buwan na swab test alinsunod sa ipinatutupad na alituntunin ng pamahalaan. Bunsod ito ng pagkabahala ng bansa sa paglala ng kaso ng COVID-19. Matagal na rin namang nabanggit ni tita ang tungkol sa swab testing na ‘yan. Saksi ako sa kung paano siya naghanda at nagdasal para sa resultang pabor sa araw-araw naming dalangin na mailayo sa lahat ng uri ng sakit.
Nasa iisang compound lamang kami nakatira. Pagmamayari ito ng aking lolo. May kanya-kanyang kuwarto ang higit sa sampung pamilya. Ngunit tatlo lamang ang may sariling palikuran habang ang natitira, kasama ang pamilya ng aking tita, ay iisang palikuran lamang ang ginagamit sa araw-araw. Isang palikuran para sa pitong pamilya? Mahirap man pakinggan pero oo at ganito na ang aming kinamulatan dahil sa ilang henerasyon na pagpapasa-pasa ng kahirapan. Mula ako sa hanay ng mga mararangal na nangangalakal, dyanitor, street sweeper, manggagawang kontraktuwal at hindi mawawala ang tambay dahil nawalan o wala talagang trabaho.
Hunyo 23 nang makatanggap ako ng tawag. Isang linggo matapos sumailalim sa swab testing ang aking tita. Sa pakikipagusap sa telepono, nagmula ang tawag sa Philippine Red Cross. Lumitaw ang boses ng isang babae na nagpakilalang contact tracer. Nagsimulang bumigat ang aking dibdib. Lalo akong kinabahan nang tinanong na ang ilang personal na impormasyon
20
tungkol kay tita sabay sabing huminahon daw ako pansamantala at makinig nang mabuti. Sa tagpong iyon ay kinutuban na ako. Inasahan ko na ang sasabihin ng aking kausap at hindi nga ako nagkamali. Agad na binawi ang pagpapakalma niya sa akin ng isang balita nagpositibo si tita sa COVID-19. Nasundan ito ng napakaraming tanong tungkol sa aming pamilya. Patuloy lamang ako sa pagsagot hanggang sa natapos ang pagtatanong. Naubusan ako ng salita. Natulala ako. Napaupo sa isang tabi. Nilamon ng pangamba at takot sa aming magiging sitwasyon lalo pa’t hindi kailanman sumagi sa isip ko o ng kahit na sino sa aming pamilya na tatamaan kami ng nasabing sakit. Hindi ito inasahan ng aming pamilya dahil ang pagkakasakit kasi para sa tulad naming hikahos sa buhay ay wala sa tuktok ng prayoridad para isipin nang mabigyan ng sapat na atensyon. Dahil tulad din ng mentalidad ng ibang mahihirap, uunahin pa ba ang banta ng pagkakaroon ng sakit kung una kaming mamamatay sa gutom?
Nagbago ang lahat matapos pumutok ang balita na positibo si tita sa COVID-19. Agad na nag-home quarantine ang lahat sa compound. Hindi naging madali ang quarantine sa bahay dahil siksikan sa maliit na kuwarto sina tita at tito kasama ng tatlo nilang anak 15, 13 at 10 ang mga edad. Hindi ligtas na patuluyin sa ibang kuwarto ang kanilang pamilya sa pangambang baka nahawaan na sila at makahawa pa ng iba. Malaking problema rin ang palikuran dahil tulad ng nabanggit, wala silang sariling banyo sa kanilang kuwarto at iisa lamang ang ginagamit na palikuran kasama ng anim pang pamilya. Tumagal nang tatlong araw bago naisailalim sa swab test ang pamilya ni tita na may direktang kontak sa kanya.
Bilang contact person para sa aming buong pamilya, naging sunod-sunod ang pagtawag sa akin sa selpon at telepono ng mga tauhan mula sa barangay, health workers at contact tracers. Dito nasubok ang kakayahan, kaalaman, pang-unawa, pasensya at pagmamahal ko para sa aking pamilya. Dumating pa sa punto na nagka-trauma na ako sa mga dumadating na tawag sa akin dahil paniguradong mga awtoridad ito na posibleng masamang balita muli ang sabihin sa akin.
Dahil hindi ligtas na mag-quarantine si tita sa kanilang maliit na kuwarto, kinailangan siyang ilipat sa mas malaki at maayos na quarantine facility sa lalong madaling panahon. Lulan ng isang ambulansya, nairaos naman ito nang maayos na agad ding sinundan ng magkakasunod na swab testing sa ibang miyembro ng pamilya. Makaraan ang isang linggo, mas tumindi pa ang mga tawag na natanggap ko makaraang magpositibo na rin ang asawa at panganay na anak ni tita. Agad din silang dinala sa quarantine facility kasama ng ina. Hindi na rin nakaligtas sa
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
pagkakahawa ang isa ko pang tito at 64-anyos na lola. Hindi na madali ang magkaroon ng isang nagpositibo, paano pa kung lima?
Pero may mas malala pa pala sa sakit na ito ang panghuhusga at diskriminasyon ng ibang tao. Naaalala ko noon nang minsang hindi kami pagbilhan ng pagkain sa isang tindahan. Sabay-sabay umalis ang mga nangungupahan sa aming compound. May ilang piniling tumigil muna sa trabaho at paghahanapbuhay. Tila isang shooting din sa pelikula ang pagdating ng ambulansya sa tapat ng aming bahay dahil marami ang patagong nanonood at nagbabantay sa kung sino ang isasakay rito para dalhin sa quarantine facility o isailalim sa swab test. Kanya-kanyang silang bulungan at hinala. Hindi ko na rin napigilan ang pagluha dahil nawawalan na ng lakas ng loob. Naisipan kong sumuko mula sa araw-araw na pag-disinfect ng buong compound, pag-alam sa temperatura at iba pang nararamdaman ng bawat isa, pagtanggap ng pagkain mula sa barangay, paghahati-hati at pag-asikaso sa ayuda nang makakakain ang lahat, pagpunta sa health center para sa mga gamot, pagsagot sa tawag ng frontliners at pagbibisikleta at paglalakad nang malayo mahatiran lamang ng pagkain, inumin, gamot at iba pang pangangailangan ang ilang miyembro ng pamilya ko na nasa quarantine facility. Totoong nakakapagod at nakapanghihina gumalaw lalo na sa lipunang ikaw ang sentro ng mga mapanghusgang mata at matatalim na mga dila.
Ang lahat ng pangamba at pag-aalala mula sa aming tahanan ay malayo sa karanasan nila sa quarantine facility. Nakahanap ang aming mga kaanak ng pamilya roon. Isang pamilyang binubuo rin ng mga kapwa humaharap sa nasabing sakit. May lolo, lola, padre de pamilya, ilaw ng tahanan, kabataan maging kapapanganak lamang na ginang at bagong silang niyang sanggol. Tuwing umaga ay sabay-sabay silang sumasayaw bilang ehersisyo. Naramdaman din ang pag-aalaga ng mga nars at doktor sa pasilidad mula sa araw-araw na pag-monitor sa kalagayan ng bawat isa. Sa quarantine facility na rin pala nagdiwang ng kaarawan si tita. Nakaw na mga sandali lamang ang mga ito sa umaga na agad ding binabawi ng gabi. Bago mahimbing, hindi nawawala ang tagpong kinakausap nina tita at tito ang mga anak na naiwan sa aming tahanan. Nakadudurog ng puso ang pagluha kasabay ng pagsambit ng mga linya ng kawalan ng kasiguraduhan sa mga mangyayari kinabukasan.
Pinili naming lumaban hanggang dulo at hindi ito naging madali. Ginawa na namin ang lahat lalo pa at buhay ang nakataya. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan nang tanggapin ang huling hantungan ng aming pamilya mula sa ilang
Orias
HULING HANTUNGAN MULA SA KAMAY NG HINDI NAKIKITANG KALABAN | Romark
buwang paglaban sa kalabang hindi nakikita.
Muli, masyado pang maaga para maranasan ang ganitong bagay na kinatatakutan ng marami—ang harapin ang hindi nakikitang kalaban. Hindi ko alam kung papaano haharapin ang sakit. Aminado ako na hindi sapat ang kaalaman at kahandaan ko noon sa kung paano sasalubungin ang nalalapit na ‘kamatayan’ sa pagkakahawa nila sa sakit. Sa kung paano ako tutugon at paano ko sila haharapin sa tagpo ng kanilang mga buhay na itinuturing nilang oras ng pagpapahinga noong nasa quarantine facility sila. Ngunit sa kabila nito, isang bagay lamang ang natitiyak ko; malalayo sila sa akin pansamantala kapalit ang pag-asang magkukrus din muli ang aming mga landas sa pangalawang pagkakataon na sila ay mabubuhay. At sa wakas, makalipas ang halos dalawang buwan, naghilom na ang mga bakas ng bayrus matapos na makalabas sa quarantine facility ang tatlo naming kaanak habang nagnegatibo na rin sa sakit ang iba pang miyembro ng pamilya. Mula noon, palagi nang nakasuot ng facemask at may bitbit na alkohol. Mahigpit na rin na sinusunod ang mga payo ng mga awtoridad at eksperto upang maiwasan ang pagkakahawa sa nasabing sakit. Hinihimay at ninamnam ang bawat balita at impormasyong umaarangkada sa telebisyon, dyaryo at radyo.
Walang binawian ng buhay ngunit ang huling hantungan ay pagkakahimlay ng kamangmangan at kawalan ng kamalayan sa ipinagkaloob na pangalawang buhay.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Nokturnal
"Daig mo pa aswang, a?"
"Magtututulog-tulog ka naman"
"Hayup 'to, sa gabi gising!"
Madalas akong tuksohin na nokturnal daw ako. Mas ramdam ang presensya ko sa gabi. At ‘yong eyebags ko raw, malaeyedrums na rin sa laki. Hindi ako napipikon sa mga ‘yon, tanggap ko naman. Sa bahay, madalas akong dakdakan ni Ate, tulóg daw ako lagi sa araw. Pero 'di naman sumasama ang loob ko. Iba lang siguro ang sistema ko, iba lang siguro ang pagtingin ko sa mundo. At hindi ko naman ito ginusto, o baka nagustuhan na lang, o baka ginusto ko rin. Hindi ko alam, sadya lang sigurong hinulma ‘ko ng panahon na maging ganito sa ngayon.
Tanda ko noong Grade 3 ako, lagi akong pinapatulog ng nanay sa hapon. At ito ang unang memorya ko hinggil sa pagtulog, medyo badtrip nga lang ako no’n. Ayaw na ayaw kong matulog sa hapon. Bukod sa mainit at mala-hininga ng dragon ang binubuga ng electric fan naming kamelyo naman ang tatak, sayang ang oras p'wede sanang maglaro. Masarap kayang magbike sa hapon; maluwag ang kalsada, tulóg ang karamihan. Hindi talaga ako panatiko ng mga pauso nitong Espanya.
Alam ng nanay ko na mas gugustuhin kong mangitim at magdungis kaysa matulog sa hapon. Pero s'yempre, gaya ng ibang nanay, palo ang kapalit ng hindi pagtulog sa oras ng siesta. Kahit ang totoo, sila ang gustong matulog at ayaw nilang lumabas tayo para wala silang alalahanin. Kaya ang ginagawa ko, kapag borlogs na si nanay sa paborito niyang sofa na sakto lang sa kaniya ang haba, tumatakas ako para mag-bike. Panibagong episode ito ng takas-bike-series ko t'wing hapon. Pumupuslit ako kasama ang bike kong kanan na lang ang may balance wheel, wala nang goma ang manibela, labas na ang kalawang sa hawakan. Minalas lang talaga ako nang isang hapon na sumemplang ako. Tanda kong nauntog ako sa katotohanang sana nakinig na lang ako kay nanay. Na sana hinintay ko na lang magalas kwatro para sa Zesto at Fudgee Barr ko. Ang moral, naukitan ako ng isang paalala. Sumaksak sa leeg ko ang kinakalawang na manibela. Gumuhit at hindi ako nakapagsalita. Umikit ng misteryosong sugat. Napadasal ako sa loob-loob ko. Walang dugo, pero tuklap ang balat. Humahapdi kapag nagagapangan ng
24
pawis. Umiyak ako nang umiyak. Walang tigil hanggang bumakat sa unan kong spiderman ang daanan ng luha at sipon. Dadalhin na 'ko sa ospital nang makatulog, kaya ginising ako ni Mama. Sa pagmulat ng mata ko, kinuha ko ang maliit at pabilog na salaming nabibili sa bangketa, itinapat ko sa leeg. Wala yong sugat. Walang tuklap na balat. Lumabas ang peklat. Walang kirot. Walang dugo. May bakás, pero nakapagsasalita na ako.
Sa kung paano nangyari 'yon, hindi ko rin alam. Pilit ko mang sisirin sa kalaliman ng mababaw kong pag-iisip ang lahat ng posibleng dahilan, hanggang ngayo'y hindi ko pa rin naiintindihan ang paghilom na iyon. Hindi na rin naman halata ang iniwan nitong bakás; natatakpan ito ng adams apple na ikinukubli din ng baba at leeg. Itinago na ito ng panahon. Naghilom na, pero hindi ko ito malilimutan. Hindi man halata. Itinago man. Peklat pa rin. Simula noon túlog na 'ko lagi sa hapon.
Isa pang memoryang kumakatok sa akin kapag nabuburyo sa gabi ay ang umpisa ng aking Grade 6. Alas-sais ng umaga ang unang klase, Science ang subject. Tanda kong kahit sulit pa ang tulog ko sa hapon at gabi, antok na antok pa rin ako sa unang klase. Pero hindi na second subject. Katabi ko kasi t'wing English yong crush ko. ‘Yong antok kong chakra sa unang klase, nagaapoy sa tuwa naman sa ikalawa. Kaso, bago pa man makipagpalitan ng matamis na ngiti ang morenang babaeng nakaupo sa kaliwang tabi ko, nauna niya na 'kong iwasan pagkatapos ng unang linggo.
"Nagkabulutong ka raw? Ba't pumasok ka na agad?"
Absent ako nang buong ikalawang linggo. Natulog lang ako mag-hapon sa bahay. Nagkabulutong ako. Ang hinuha, napulot ko sa mga nakalaro ko noong Sabado't Linggo (kung natulog na lang din sana ako noon). Kaya ‘yong pinanghahawakang "first impression last" na tip sa akin ng makulit kong tiyuhin, wala na. Sirang-sira na. Gayunman, tumagal lang naman ang sakit nang tatlong araw, kaya pumasok na rin ako. Pero ang mga bakás ng pinaghiluman nitong mga kamot na ‘di kalauna’y nagiging sugat, dala ko pa rin hanggang ngayon. Ang alaala ng bulutong ay naging keloid. Naging isang makapal na balat na nakaumbok sa surface ng aking kayumangging kutis. Maliliit lang naman kung sisipatin. Mayroong tatlo sa kaliwang hita na hugis mapa ng Pilipinas; isang mala-jolen naman sa kanan; at isa sa kaliwang braso katabi ng resibo ng bakunang tinanggap ko nong baby boy pa ‘ko. Hindi naman ito pangit tingnan, hindi rin naman talaga pansin kung tutuosin. Ngayon, sapat na sa aking naghilom ako mula rito, pero hindi gaya ng iba kong natamo, nag-iwan ito ng mga tumatatak
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
na bakás. Mga bakás na nagpapaalala sa akin sa unang buwan ng Grade 6. Bakás ng mapait na alaala sa aking first crush.
At simula noon, wala na akong piniling araw. Sabado o Linggo, tulog ako sa hapon.
Tulog ako sa araw, gising ako sa gabi. Sa kakapuyat, kung ano-anong sakit na rin ang dumadapo sa akin. Pero sa lahat ng mga memoryang kumakatok sa akin sa gabi, tiyak na taliwas naman ang mga naunang mabanggit sa iniwang sugat sa akin ni erpats. Hindi kasi pansin ang mga bakás nito. Kahit kalkalin pa ang buong katawan ko; wala sa Adam's apple na ikunukubli ng baba at leeg, wala rin sa ano mang parte ng aking hita. Kabuoan ko ang nagtatago rito, katulong ang panahon. At ito ang pinakamasalimuot na paghilom para sa akin.
Ayon sa napanood kong first aid tips, kapag raw may bagay na sumaksak sa katawan ng tao, 'wag raw muna itong bubunitin; maari daw kasing ito na lang ang tanging pumipigil sa pagsirit ng dugo, kung sakali baka ang pagkaubos pa ng dugo ang ikamatay. Tiisin na raw muna ang kirot hanggang sa makarating sa ospital.
Mama: Punta na kayo rito, bilisan n’yo!
Ate: Umuwi ka nang maaga!
Wala 'kong load kaya hindi ako naka-reply. Pauwi na rin naman ako ng matanggap ko ang dalawang mensahe na 'to. Pagdating ko sa bahay, handa na ang ate ko. Nakabihis. Aligaga. Mayroong travel bag na puno ng gamit. Nagbihis lang ako at umalis na rin kami.
Pagdating namin sa ospital, nag-aagaw buhay na ang tatay namin. At sa puntong nakita ko iyon, tuluyan nang nabasag ang puso kong hirap na hirap nang tumibok sa loob ng anim na buwan. Ang sabi mayroon pang apat na buwan ang tatay ko pero yaong nakikita ko no'ng mga oras na 'yon ay parang imposible na. Habang nakatingin ako sa kaniya, totoo pala yaong mga eksena sa pelikula na biglang bumabagal ang paligid kasabay ng hindi maintindihang simoy ng hangin. Naalala ko ang mga araw na umuuwi ako nang maaga o dili naman kaya’y hindi ako pumasok para alagaan siya. Lulutuan ng paborito niyang Lucky Me na may tustadong bawang pampalasa. Susubuan ng pagkain dahil hiráp na niyang naigagalaw ang mga braso at balikat. Inihahatid sa CR gawa ng manas na niyang mga paa. Araw-araw ko siyang nakikitang nahihirapan, at araw-araw rin itong humihiwa nang humiwa paulit nang paulit sa puso kong walang ibang nais ay maabutan niya 'kong magtagumpay sa buhay. Kasabay ng pagbalik ng mga senaryong ito, ramdam kong inasinan ang mga laslas na ito. Lahat ng mga sugat sa puso ko't kalamnan noong
NOKTURNAL | Rudie Pelaez
anim na buwan na 'yon ay naging isang malaking bitak.
Nagmamadaling dumating ang doctor kasama ang mga nurse. Parang isang aksyon mula sa mga episode ng Grey’s Anatomy. Ang kaso, hindi gaya ng bilis ng pagdating nila, kalmado ang pilit nilang pagbuhay sa tatay ko nang para bang alam na nilang mangyayari ito. Pinatatabi kami ng isa sa mga nurse at inaabisuhang lumabas. Pinilit kaming humakbang patalikod, ginagawa ko ito habang nakatingin sa tatay kong ni hindi kayang makipag-agawan ng buhay. Maliliit na hakbang lang iyon tandang-tanda ko pa pero parang sobrang layo ng narating ko. Mistulang isang buhay ang pagitan. Patuloy na tumataas ang tensyong bumalot sa kuwartong hindi ko alam kung ilan pa bang buhay ang winakasan, ang pagpapalabas sa amin sa ER, ang hagulgol ng nanay ko, lahat ng ito ay nagtutulong-tulong para pulbusin ang lahat ng natitira sa akin. Sa dulo’y hindi naipanalo ng tatay ko ang giyerang inilalaban niya, at akong kapwa niya sundalo na sinamahan siya ay naiwang baldado, sugatan, at durog ang moral at kaluluwa. At hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mga ito. Lalo na tuwing gabi. Ang pagkawala ng erpats ko ang bagay na sumaksak sa akin. Alaala at panghihinayang at tatak ng punyal. Pinakamalalim na sugat na natamo ko. Pinakamasakit na kirot na nadarama ko. At ito ang dahilan ng mga pananatili kong gising sa gabi. Naalala. Inaalala. Naiiyak. Nanghihinayang. Hinahanap. Ginugunita. Kung gusto ko man ito o hindi, depende sa dilim ng gabi at kuwartong hinihigaan ko. Ang mahalaga, sa gabing lagi akong nag-iisa, siya ang nakakasama ko. Kahit sa alaala na lang. Move on? Hindi ko alam iyan. Hilom? Hindi ko rin alam kung gusto ko ba. Ang alam ko lang, hindi masamang alalahanin ang mga ganitong klase ng tagpo. Ang ganitong klase ng mga alaala. At dahil dito, handa akong mapuyat at magpuyat. Okay lang kahit hindi muna ako maghilom. Okay lang akong tawaging nokturnal.
At hanggang ngayon, nagpupuyat pa rin ako. Magpupuyat pa rin ako.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Sa mga Kamay na Laging Kumakampay
Tatlong taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin makalimutan nung sinamahan kong ihatid si bunso sa paaralan. Kabisado ko yata ang bawat detalye ng araw na iyon. Alas-nuebe medya ng umaga nang sumabay ako kay mama ko para ihatid ang kapatid kong nasa kinder. Quota na kasi ako sa mga late ko sa first subject, kapag na-jackpot ay baka matumbasan pa ng absent kaya mas marapat na ring pumasok nang mas maaga. Tipid din ng sampung-pisong pamasahe papuntang jeep terminal pa-Cubao. Bata pa man sa aking paningin, pero alam kong tumatanda at natututo ang aking kapatid. Ang dating maingay at malikot tuwing nasa byahe ay tahimik nalang na nakapirme sa kanyang upuan, nakatulala sa bintana habang minamasid ang mabilis at pamilyar na tanawin ng kanyang bawat umaga. Madalang na lang ako makasama sa mga bonding naming pamilya nung mga panahong iyon. Paalis na kasi ako ng bansa kaya panay habol sa mga papeles at requirements.
Nakarating kami sa kanyang paaralan menos kinse minuto bago mag-alas dies, sakto lamang bago magsimula ang klase ni bunso. Binaba kami sa drop off ni mama, mauna na raw kami habang maghahanap siya ng pwedeng i-standbyan. Sa totoo lang, interesado ako sa mga imprastraktura ng mga paaralan. Ewan ko ba, siguro nagsimula ito sa palaisipan ko na laging walang pintura ang mga Dominican infrastructure kaya ang tingin ko sa bawat establisimyento ay mayroon itong natatanging katangian na hindi taglay ng iba. Kaya pagpasok sa paaralan ni bunso ay hindi ko mapigilang magmasid. Malaki ang lupain. Airconditioned ang mga silid. May soccer field. Hilera ding nakastandby ang magagarang kotse. Kahit nasa kalsadang dinadaan ng mga jeep ang paaralan, malayo ito sa ingay nito dahil hiwahiwalay ang mga building. Kung di ako nagkakamali, dito nagtapos ang isang sikat na pamilyang artista sa Pilipinas. Basta, conducive ang kapaligiran para mag-aral. Galing din naman ako sa private school nung nasa unang baitang ako, pero malayo ito sa paaralan ni Gabby. Nagmula ako sa mga silid na kasya ang dalawpu hanggang tatlumpung bata, hindi de-aircon, iisa lamang ang gusali, at higit sa lahat, wala itong parking para sa mga kotse. Kadalasan ay mag-aagawan pa sa bagong pintadong upuan.
Hindi naman ako mahilig sa mga bata, unico hijo kasi akong pinalaki nina lolo at lola. Pero nakararamdam ako ng tuwa
28
pag nakakikita ako ng mga batang naglalaro. Ang wholesome kasi sa pakiramdam. Maliban sa malakas maka-feeling bagets, para rin walang puwang ang suliranin at kasalanan sa pagitan ng bawat hagikgik ng mga bata. Nakatutuwa pa nga nung araw na iyon at may mga batang napapatitig sa agaw-pansin kong buhok. Nagpakulay kasi ako ng pula nung mga panahong iyon. Sa tuwa na minsan lamang mapansin ng mga bata ay kinawayan ko sila nang may ngiti, nakikipag-apir habang mahigpit na nakakapit sa akin ang aking kapatid. Aakalain mong first day niya sa eskwelahan kung makadikit. Malayo mula sa iba pang mga batang naglalaro. Hindi naman nagtagal ay may lumabas mula sa mga silid mga nakapilang bata na mukhang mas matanda kay Gabby nang isa o dalawang taon. Pumito ang isang lalaki, hudyat para pumila ang susunod na klase. Kasabay ng kanya-kanyang halik ng mga magulang sa kanilang anak ay ang pamamaalam ni mama kay bunso. Kamo, magro-Robinsons daw sila pagkatapos ng klase at magto-Tom’s World. Matapos ay tumakbo si Gabby upang makisali sa pila sa may bandang unahan dahil may kaliitan kumpara sa kaniyang mga kaklase. “Ayan na yung buddy niya,” sabi ni mama habang tinuturo gamit ng nguso ang batang babae na hawak ang kamay ni bunso. Sabay sila pumasok ng kanilang klasrum at kami naman ni mama ay pabalik sa kotse. Kay mama nagsisimula at nagtatapos ang araw ni Gabby: ihahatid nang maaga sa paaralan, at lalambingin sa pagtulog sa gabi.
Hindi naman complicated ang relasyon namin ni Gabby. Masyado na akong matanda para sa mga ganung bagay. Ngunit sa katotohanan, hindi lang siguro ako sanay magkaroon ng kapatid. Kung hindi pa nai-segue ang pagre-resign ni mama sa trabaho noon ay hindi ko pa yata mahahalata. Labing-apat na taong gulang nang nalaman na buntis si mama. Patapos na ng senior high at patapos na rin ang bahay namin dito sa Antipolo. Maliit lang naman ang pamilya namin—isa nga lang ang pinsan ko, e kaya lumaki akong umaasa na magkaroon ng kapatid. Magkaroon man lang ng kalaro lalo na’t hindi ako pinapalabas ng bahay noon. Gayunpaman, mulat na ako sa katotohanan na hindi lang naman ako ang tumatanda sa bawat paglipas ng kaarawan dito sa bahay. Tinanggap ko nang hindi na ako masusundan pa; kaya nagulat ako nang magsimula lumobo ang tiyan ng aking nanay. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Biruin mo, kinse anyos ako nang lumabas si Gabby. Kinseng taon na pagitan sa aming edad. Kinseng taon din ang pagitan nung ni-remake nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang “Pangako Sa’yo” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Isa at kalahating dekada. Masasabi kong salungat ang ugali namin ni Gabby. Iisang hulma lang naman ang aming mukha pero malakas ang tama ‘pag
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
lumalabas ang kanyang mga dimple sa tuwing siya ay ngingiti. Kaiba sa akin, makulit at pilyo na bata si bunso. Maski bigyan pa siya ng dagger look ni mama ay ngingitian niya pa yata ito. Samakatuwid, siya ay tumatandang bata. Minsan, weird din ang trip ng aking kapatid. Mahilig siya mag-alaga ng mga gagambang bahay kaya naman simot ang bawat sapot sa aming bahay. Mas gusto niya ang dulo ng pizza kaysa mismong laman. Pinapares niya rin ang mangga bilang ulam sa kanin.
Lalo pa naging kapansin-pansin ang aming pagkakaiba habang tumatanda si bunso. Isa kasi sa mga frustration sa akin ng mga magulang ko ay hindi ko namana ang kanilang interes sa isports at pagtugtog. Mahilig siya magpabili ng bola at kabisado niya pa yata ang pangalan ng bawat instrumento sa buong mundo mga idiophones, aerophones, chordophones, electrophones, ewan ko ba. Kaya rin likas ang atensyon na kanyang nakukuha dahil para niyang sinasalamin ang aking mga magulang, lalo na ang aking tatay. Ngunit higit pa rito, ang pinakagusto kong katangian ng aking kapatid ay ang kawilihan niyang malaman ang dahilan ng bawat bagay. Kung bakit daw brown ang oso, bakit tumutubo ang bulaklak sa mga halaman, bakit kailangan niya magsuot ng damit, o bakit bawal pa rin siya lumabas. Maliban sa huling katanungan, hihintayin mo na lang talaga mapagod kasasagot hangga’t ang lumabas nalang sa iyong bibig ay “kasi ganun, e.” Ngayong pandemya, bagong guilty pleasure ko yata ang mahilig sa mga kuwentong monarkiya buhat ng aking pagkahumaling sa Netflix series na The Crown. Ayon sa kanilang mga anekdota, ang turing ni King George VI sa kanyang dalawang babaeng anak ay pride at joy. Si Queen Elizabeth II bilang pride dahil siya ang itinadhana maging susunod na reyna ng UK, samantalang si Princess Margaret naman bilang joy dahil sa kanyang masayahin at makulay na personalidad, higit na bagay daw para sa kanyang titulo bilang parte ng mga dugong bughaw. Marami namang family tropes at mga patutsadang cliché tungkol sa mga magkakapatid, pero malapit itong pride-joy analohiya sa akin dahil karaniwan yata itong set-up ng mga magkakapatid na nakakulong sa panganay at bunso. Ganito rin kasi ang set-up ng artistang magkapatid na Gonzaga kung saan karaniwang tinitignan bilang pride si Toni, habang joy si Alex. Sa halos parehong tagpo, inilalarawan kaming magkapatid ni papa bilang kanyang pride at joy ako ang pride, samantalang si bunso naman ang joy.
Apat na taong gulang si Gabby nang nalaman namin na mayroon siyang diagnosis ng mild autism. Naging alinlangan kasi sa amin ang kanyang mabagal na resepsiyon sa pagsasalita at pakikinig. Ayon sa DSM-V (Diagnostic and Statistical Manual of
SA MGA KAMAY NA LAGING KUMAKAMPAY | Paul Serafica
Mental Disorders, 5th Edition: DSM-5) na ginagamit ng mga doktor, ito ay isang neuro developmental disorder o kondisyon kung saan mayroong mga sagabal sa kaniyang paglaki taliwas sa akala nating kapasanang mentalidad ang autism. Ito ay may sariling klasipikasyon na Autism Spetrum Disorder nang sa gayon tinitignan ito sa kabuoan bilang malawak. Maipapaliwanag ang paraan ng pag-iisip ng mga batang may autism bilang neurodiverse o may pagkakaiba ng isip ang bawat isa. Kung bibigyang analohiya, ang kanilang pag-iisip ay parang isang application. Maaaring gumana ito sa Android, ngunit hindi maaaring gumana sa iOS. Gayunpaman, may saysay pa rin ang application dahil ito ay aktibo at hindi ito kakulangan sa kalidad ng phone o sa analohiyang ito ay ang tao. Patunay sa kasabihan na “meeting one doesn’t mean meeting the whole population”, kung kaya’y spectrum o maraming kulay dahil ang katangian ng isa ay kaiba sa katangian ng iba o higit pa. Gayundin, ang mga bagay na akala namin noon ay natural sa paglaki ni bunso ay sintomas ng kalagayang ito: mabagal na resepsyon, pag-ulit ng mga naririnig sa paligid, pagiging mailap sa mga tao o hindi pagtingin sa mata ng kausap, at ang pagkampay ng kaniyang mga kamay na kung tawagin ay hand flapping sa tuwing siya ay higit na nasisiyahan. Sabi ng kaniyang therapist, mayroon daw speech delay si Gabby o ang kanyang kakayahan sa pagsasalita ay hindi umaangkop sa kanyang edad. Bagkus nung mga panahong iyon, ito ay katumbas ng dalawang taong gulang. Simula noon, sinalang si Gabby sa weekly therapy upang mapabuti pa mula sa kanyang kondisyon. Mapalad siguro kami dahil nang mga panahon na iyan ay na-regular na ang tatay ko sa kanyang trabaho kaya hindi naging kalabisan sa amin ang oras o pera.
Sa kadahilanang hindi ako mahilig sa bata, nung una ay hindi ko masuot ang mga sapatos nang tama. Siguro ang bawat katanungan ko nung mga panahong iyon ay nagsisimula sa Paano. Totoong may kabagalan sa pagkatuto pero pacing ng bata ang pinanggagalingan ko. Totoong mailap sa mga tao pero baka ayaw lang din makihalubilo. ‘Kamo paminsan kung tumingin ay parang naduduling pero baka kasi near-sighted. Gayunpaman, iisang prinsipyo pa rin ang aking dala bago ko pa man malaman ang kanyang kondisyon: Hindi siya abnormal. Wala rin siyang sayad. Sa kabila nito, siya ay kagaya pa rin ng iba pang mga bata. Gumising ako kinabukasan na nagkalat ang kanyang mga laruan sa sala, ultimo gusto ko isumpa dahil muntik ko na naman matapakan ang mga lego. Mahilig pa rin siya sa kendi, tsokolate, at mga chichirya. Napapaindak pa rin siya sa mga kantang ginagamit sa mga commercial. Natatakot pa rin siya tuwing makakakita ng ipis o bulate. Nagpepeke pa rin ng utot para magpatawa. Nagpapaluto ng itlog o hotdog sa tuwing hindi niya
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
gusto ang ulam. Higit sa lahat, amoy hilaw pa rin na tokwa ang batok pagkatapos pagpawisan.
Ang pinakamalapit na paraan ng paghahatid kay Gabby sa paaralan ngayong pandemya ay ang pagsama sa kaniya sa oras ng kaniyang klase online. Mula sa magarbong montesorri, in-enroll namin si bunso sa isang public school. Blended learning ang paraan ng eskwelahan. Gigising ng alas-otso sa umaga para sa mahigit isang oras at kalahati na klase, matapos ay ilalaan ang buong linggo sa pagsagot ng modules. Madalas ko lang din naman samahan si Gabby, pero sa kadalasang iyon ay nakikita ko kung gaano hindi epektibo para sa kaniya ang modang ito. Maliban sa puntong esensyal ang asimilasyon ng wika bilang wikang pangturo kung saan naging hamon para kay Gabby ang pag-adjust mula Ingles tungo Filipino, sinusubok din siya ng kanyang attention span. Sa gitna ng talakayan ay biglang mananawa ang aking kapatid sa pakikinig, malilingat sa kanyang mga laruan at matutulala. Pagka’t pilyo, may ilang pagkakataon kung saan animo’y binibiro ang klase sa mga pasadyang maling sagot. Sinubukan na rin naming kumuha sana ng private tutor pero dahil bulnerable ang kalusugan ng aking magulang ay minarapat nalang sana itawid kahit papaano ang online classes. Wala naman talagang kahiligan si Gabby sa pagpasok, kahit bago pa man ang pandemya. Ngunit dahil sa bagong moda, mas naging dreadful at hindi naging epektibo ang proseso ng kanyang pagkatuto. Hangga’t sana wala pang plano ang aming lungsod para sa ligtas na balik eskwelahan ay itigil muna ang pag-aaral ni Gabby. Gusto man ito panindigan ng aking mga magulang pero sa darating na taong-aralan ay ie-enroll na si bunso sa paaralan kung saan ako nag-aral ng hayskul. Mukhang magbabalik ako sa dating nakagawian.
Nang dahil din sa pandemyang ito ay natigil ang weekly therapy ni Gabby. Sugal daw kasi para kay papa ang lumabas noong mga panahong iyon, lalo pa’t kung ospital ang sasadyain. Sa ganitong mga salik, nagmistulang preso ang tahanan para kay bunso. Hindi tulad dati na matapos pumasok ay rekta Robinsons para mag-Tom’s World. Hindi tulad dati na nakalalabas sila ni mama tuwing hapon upang siya ay makipaglaro sa mga kapitbahay. At hindi na rin tulad dati na nakakabisita kami kina lolo at lola. Samu’t saring dahilan na yata ang binuo ng aming mga magulang para hindi na mangulit si bunso na sumama tuwing aalis sila ng bahay, lalo na para mag-grocery. Pero sa bawat pakawala ng ilang puting kasinungalingan ay ramdam ko ang guilt nina mama at papa. Totoo nga naman na bawal pa lumabas ang bata ng mga panahong iyon. “Kasi, virus,” tanging pagdadahilan ni Gabby sa kanyang sarili habang nakaturo sa pinto sagot niya sa sarili niyang tanong kung bakit hindi siya
SA MGA KAMAY NA LAGING KUMAKAMPAY | Paul Serafica
maaaring sumama. Mahirap ipaliwanag sa bata kung ano ang virus. Maski pagsuot ng face mask kay Gabby ay parang paglusot ng sinulid sa karayom. Hindi rin namin nadala sa malikot na imahinasyon ang pagsusuot ng face mask kahit sabihin pa namin magiging kamukha niya siya si Iron Man. Lalong mahirap din magsalita nang tapos kapag tinatanong kung kailan na nga ba pwede lumabas o kailan ba ito matatapos. Gayunpaman, ang mga bata ay hindi naman mga mangmang; bagaman sa murang edad ay marunong sila sumuri ng kanilang kapaligiran. Hindi man siyentipiko, pero naroon ang diwa ng pakikipagkapwa. Hindi man alam ni Gabby ang ibig-sabihin ng coronavirus, enhanced community quarantine, o ano pang mga leksikograpiyang inanak ng pandemyang ito. Basta ang alam niya ay isa itong nakahahawang sakit; at ang tanging paraan upang maging butihing bata ay kinakailangan niyang manatili sa bahay. Gayundin ang responsibilidad namin sa bahay bilang pagiging mabuting ehemplo sa pinakapayak na paraan ng paghugas ng kamay.
Ayon sa kaibigan kong nagdadalubhasa ng Special Needs Education sa Unibersidad ng Santo Tomas, isa si Gabby sa maraming mga batang may espesiyal na pangangailangan ang pansamantalang tumigil sa pag-aaral at therapy ngayong pandemya. Sa parehong panahon ay tumitindi rin ang perhuwisyo ng lipunan para sa mga batang mayroong espesiyal na pangangailangan.
Bago matapos ang taon, pumutok ang balita ukol sa lantad na diskriminasyon ng Plantation Bay Resort and Spa hindi lamang sa mag-inang lahok sa isyu, maging sa adbokasiya ng pagtanggap sa autism sa ating bansa. “Not an ideal place for a child with special needs,” ayon sa review ng ina matapos silang suwayin ng lifeguard sa paghihiyaw ng kaniyang anak, isang gawi ng mga batang may autism na nagpapakitang sila ay masaya. Nakadagdag pa sa init ng apoy na ito ang magaspang na pahayag ng resort. Saad dito ang maprosesong pag-Google search ni Manny Gonzalez, “uncontrolled shouting is not a symptom of autism” kasabay ang pagpapatibay sa integridad ng lugar bilang walang naitalang casuality dahil sa mga polisiya nito. Matapos ilathala ang opisyal na apology ng Plantation Bay, iginiit ng Autism Society Philippines na kulang pa rin ang pagkilala ng establisyemento sa pangangailangan ng mga batang mayroong espesiyal na pangangailangan.
Hindi na rin bago ang online bullying sa mga batang mayroong espesiyal na pangangailangan. Kadalasan ay itinatampok ang mga batang ito bilang paksa ng katatawanan na binibihisan sa anyo ng memes. Matuturing na politikal na gawi ang pagmi-memes sa ating panahon dahil ito ay performative at
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
interactive lalo na’t naibabahagi at nakapagsasalaysay ng opinyon. Gayunpaman, nagiging lunsaran ito ng diskriminasyon ng mga taong ginagawang katatawanan ang mga taong hindi naman nagpapatawa.
Hindi ako fan ni Kris Aquino. Feeling ko ang overrated niya masyado. Hindi rin ako maka-relate sa pagiging burgis niya. Hindi ko rin siya fina-follow sa Instagram o kahit anong social media platform. Dagdag pa dyan ang kanyang apelyido na lihis sa aking politika. Pero kung mayroong kakayahan o katangian na mayroon si Kris na kahanga-hanga, ito ang kanyang pagiging ina. Bago pa man kasi dumating si Bimby, sentro na ng bullying ang kanyang anak na si Josh. Dahil sa kanyang panganay, una kong nailarawan ang kondisyong ito bago ko man malaman na ang tawag dito ay autism. “I am not blind, and I am not stupid. In a span of a week my children have been used to trigger me. Kuya Josh with zero factual basis was said to have impregnated a girl… Regarding Kuya Josh, name us and show us the girl,” sa kabila ng kanyang tahimik na pamumuhay, pumutok na gasera si Kris nang naging paksa ng chismis ang kanyang mga anak. Maaaring maunawaan ko ang pinanggagalingang prinsipyo ng ilang tao ukol sa pamilyang Aquino. Pero ang diskursong ito ay nagpapatibay sa argumento na ang diskriminasyon sa mga batang may espesiyal na pangangailangan ay interseksyonal. Mas nakagagalit pa lalo na ang mga kupal na ito ay may bulbol na sa katawan.
Magtatatlumpung taon na simula nung inaprubahan ng dating Pangulo Corazon Aquino ang Republic Act 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons. Layon ng batas protektahan ang karapatan ng mga disabled persons, pisikal man ito o mental, para sa buhay na mayroong dangal at pagkapantay-pantay lalo na sa mga aspekto ng trabaho, edukasyon, kalusugan, transportasyon, akomodasyon, telekomunikasyon, at maging sa politika at karapatang sibil sa pagiging Pilipino. Gayunpaman, hindi isolated ang trahedyang nangyari sa Plantation Bay Resort and Spa o ang online bullying kay Josh Aquino. Maliit na bahagdan lamang ito sa mahabang taon ng diskriminasyon na araw-araw nararanasan ng mga taong ito. Siguro ngayon ay marapat natin paglaanan ng espayo ang diskusyon ng ableism sa Pilipinas. Ito ay tumutukoy sa pagpuna sa mga taong ginagawang paksa ng katatawanan, misedukasyon o diskriminasyon ang mga taong mayroong kapansanan. Hindi naman na dapat bago ang ganitong usapan sa Pilipinas. Paunang hakbang na rito ang pagkilala sa kondisyon ng tao hindi bilang negatibong konotasyon, kundi parte ng kanilang pagkatao. Mas madalang pa sa politikong umaako ng kaniyang
LAGING
SA MGA KAMAY NA
KUMAKAMPAY
| Paul Serafica
pagkakamali kung mag-usap kami ni mama nang puso sa puso. Tanda ko noon, kung mayroon silang ipinagdadasal, ito ay ang huwag sana mamatay agad. Kung pumanaw man, kinakatakutan nilang maiwan si Gabby mag-isa, lalo na’t sakim pa ang lipunan sa mga batang katulad niya. Labas pa rito ang usapang ekonomikal na nagmamahal ang mga gamot at serbisyong tutugon sa pangangailangan ng mga taong may espesiyal na pangangailangan. Pero naniniwala ako na hindi kailangan ni bunso ng kalasag, bagaman siya ay tao pa rin na hinuhubog ng karanasan upang maging malakas. Siya ang sarili niyang armas at ang espasyo ko lamang bilang kapatid ay turuan siyang hawakan ito. Nang sa gayon ang aming kuwento bilang magkapatid ay hindi nakakahon sa kung sino ang pride o joy ng aming pamilya. Dahil ako at si Gabby ang pride at joy ng aming pamilya.
Sabi ng iilan, milagro na lang daw kung ‘gagaling’ ang mga batang katulad ni Gabby. Pero ang autism naman ay hindi trangkaso at wala rin namang bakunang pangontra rito. Hindi kailanman kahinaan ang kondisyong autism. Kung kaya’y ang unang hakbang sa pagpapaunlad nito ay ang pagtanggap na walang pinagkaiba ang kapatid ko sa akin man o sa atin. Hindi natatali ang solusyon ng kondisyong ito sa lenteng medikal dahil hanggang ngayon, walang pa ring gamot na makapagbibigay lunas sa autism. Ang tanging paghihilom lamang ni bunso ay ang pagiging mabuting tao dahil siya ay parte ng kolektibong hanay na esensyal ang pagiging makatao sa kaunlaran ng daigdig na para sa sanlibutan.
At kung mayroon man kailangang gumaling, ito ay ang sakit ng ating lipunan.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
MAIKLING KUWENTO
Si Maia at ang Lawa
Maliwanag pa ang buwan, payapa ang taglay kong tubig. Tanging ang tunog ng mga insekto at hayop na lamang na nakapaligid sa akin ang aking naririnig. Isa akong lawa na napalilibutan ng maraming puno. Marami ang pumupunta sa akin, karamihan sa kanila ay upang kumuha ng tubig para sa kanilang mga pananim. Ang iba naman ay itinuturing akong kaibigan, tulad ni Maia. Ilang oras pa ang hihintayin ko para sa kaniyang pagdating.
Si Mang Chris ang siyang nakatuklas sa akin. Salamat sa kaniya. Mag-isa lamang ako noon, sapat na sa akin na marinig ang musikang nabubuo sa ingay ng mga insekto at hayop sa aking paligid. Walang bumibisita sa aking mga tao ngunit buhat noong linisin ako ni Mang Chris, marami na silang pumupunta sa akin. Isa na roon ang kaniyang anak na si Maia. Bata pa s’ya nang dalhin s’ya ni Mang Chris sa akin. Masasabi kong mahal na mahal ni Mang Chris si Maia at ganoon din si Maia sa ama.
Ilang oras pa ang hihintayin ko sa paglubog ng buwan. Noon, hindi ko batid ang kaibahan ng gabi sa umaga, para akong isang nakatagong patay na lunan, walang silbi.
May bakas na ng araw, may naririnig na rin akong yapak ng mga paa sa mga damo. Papalapit sila sa akin. Masaya ako, sana si Maia at Mang Chris na iyon. Kahit ngayong malapit nang magdalaga si Maia ay sumasama pa rin sya sa kaniyang mahal na ama.
Ilang oras na akong naghihintay at ilang tao na ang dumating sa akin upang kumuha ng tubig at mamasyal ay wala pa ring Mang Chris at Maia akong natanaw at narinig. Wala naman silang nabanggit kahapon na hindi sila makararating ngayon at hindi naman sila pumapalya sa pagpunta sa akin. Nakapagtataka.
Malapit na ang gabi, nilalamon na ng dilim ang paligid. May naririnig akong yapak at bagong tunog—hikbi. Bago sa akin ang makita at marinig si Maia na umiiyak. Hindi ko batid ang nararamdaman kapag ganoon. Ngunit nang may pumatak sa akin na luha mula sa kaniyang mga mata ay gusto kong utusan ang aking tubig na mag-anyong tao at yakapin s’ya. Malabo. Wala akong ganoong kapangyarihan upang gawin iyon. Ang tanging makakaya ko lamang gawin ay panoorin sya at namnamin ang alat ng kaniyang mga luha. Mula sa mga luhang ito, naramdaman ko ang sobrang kaibahan ko sa mga tao kay Maia.
37
Masakit pala kapag ang mga bagay na ayaw mong mangyari ay nangyari sa hindi inaasahang pagkakataon. Ni hindi ko nga naisip na posible palang mawala si Papa.” Ito ang mga unang salitang hirap akong maintindihan mula kay Maia. Hindi ko pa rin alam ang pakiramdam ng nawalan. Ngunit sa patuloy na pagdaloy ng kaniyang luha papunta sa akin ay alam kong nasasaktan ito. Kilala ko si Maia bilang isang masayahing bata. At unang beses lamang ito na nakakita at nakarinig ako ng umiiyak.
Ilang minuto ay tumigil na s’ya sa pag-iyak, kinuwento n’ya ang nangyari sa ama. Nasagasaan daw ito ng humaharurot na motor habang papunta rito sa akin. Muli na namang bumagsak ang mga luha. Maya-maya ay tumahimik pero may hikbi. Nakatitig lang s’ya sa akin. Nag-aalala na ako dahil madilim na, hindi s’ya puwedeng abutin ng gabi lalo na ngayong wala na ang kaniyang ama. Hindi ko maintindihan, ang hirap pala maging tao. Maraming kailangang maramdaman at damdamin.
Nakatitig na lamang ako sa kaniya, sinasabayan ko ang kaniyang ginagawa. Hindi ko rin naman alam paano ko s’ya makakausap gaya ng gusto ko noon pa man.
Gabing-gabi na nang makauwi si Maia. Nakatulog kasi s’ya at sadyang ayaw pa niyang umuwi. Paano nga ba uuwi? Mahirap nga sigurong mawala ang kinasanayan. At sakit din lamang ang sasalubong sa pag-uwi. Sa totoo lang, ayoko na rin s’yang pauwiin baka piliin n’yang hindi na bumalik dahil marami silang masasayang alaala ng kaniyang ama rito, mas masakit nga siguro iyon.
Tinititigan ko ang buwan, ganito naman ang siste ko palagi pag hinihintay ko ang pagbaba nito. Hinihintay ko rin ang pagbalik ni Maia. Sana bumalik s’ya.
Gaya ng dati, sa buong maghapon ang tanging silbi ko ay ang magbigay ng tubig sa mga tao. Masaya naman ako roon, dahil masaya akong makatulong. Ngunit ngayon ay nakakapanibago, wala nang Mang Chris na sumasalok ng tubig mula sa akin. Kinakausap n’ya ako sa tuwing ginagawa nya iyon na para akong kaibigan, alam ko na kung saan nagmana si Maia.
Malapit na ang paglubog ng araw, sa wakas ay dumating na si Maia. Nakauniporme s’ya, bakas sa kaniyang mga mata ang walang humpay na pag-iyak. Hindi ko alam paano papagaanin ang nararamdaman n’ya. Nakatitig lang sa akin, pipikit, muling tititig at pipikit. Maya-maya’y may tumutulo na namang mga luha. Ang kaniyang mga kamay ay nasa mga bulsa ng suot na jacket, hindi pinupunasan ang mga luha, kahit nababasa na ang suot na palda. Pagtitig lamang ang tanging nagagawa ko. Wala na naman akong silbi.
“
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Hinintay ko na lamang ang kaniyang pagtahan.
“Kailangan kong pumasok sa eskwelahan, hindi ko kayang makitang nakahimlay si Papa.” Sunod-sunod na ulit ang pagpatak ng luha. Hindi ko alam kung sa’n galing ang mga tubig na kaniyang inilalabas, may pagkakapareha rin pala ako sa tao hindi nauubusan ng tubig. Ang akin nga lang ay tabang. Walang alat na nagbibigay ng ibang pakiramdam tulad ng luha.
Nagsimulang magkwento si Maia tungkol sa mga alaala nilang mag-ama. Sa kaniyang pagkukwento ay nakukuha naman niyang ngumiti at tumawa ngunit lamang pa rin dito ang pagluha. Ang hirap talaga maging tao. Masyadong komplikado.
Binanggit ni Maia na may mga kaibigan naman s’ya sa eskwelahan pero hindi n’ya raw makuhang ikwento ang nararamdaman gaya ngayon.
“
Dito na ako palagi didiretso pagkatapos ng klase.” Masaya ako hindi ko na kailangang mangamba.
“Dito ko palilipasin ang lungkot ko,” dugtong n’ya. Masama siguro ako kung sasabihin kong sana palagi na lang siyang malungkot. Ganoon siguro ang silbi ng kaibigan, sinasabihan at takbuhan ng nararamdaman. Masaya lang akong makinig sa bawat kwento n’ya, basta nakikita at naririnig ko s’ya.
Tinutupad naman niya ang kaniyang sinabi na dito s’ya tutungo pagkagaling ng eskwelahan. Masaya ako dahil palagi ko s’yang nakakasama. Lalong dumarami ang mga nalalaman ko sa kaniya. Nakikita ko na rin ang unti-unting pagbabalik ng kaniyang mga ngiti.
Biyernes ng hapon, naririnig ko na si Maia na papalapit sa akin pero nararamdaman kong mayroon s’yang kasama.
Lumapit sila sa akin, pinakilala ako ni Maia bilang paborito n’yang lunan. Pinakilala rin ni Maia sa akin ang kasama n’ya, si Kune. Lalaki ito, kaklase raw n’ya na transferee. Kaya pala hindi sya pamilyar sa akin.
Masaya silang nagkwentuhan at nagtawanan. Para silang matagal nang magkaibigan. Nakalimutan na ako ni Maia. Hindi na nga n’ya nagawang magpaalam sa akin gaya ng kaniyang gawi. Nakaramdam ako ng galit.
“Hindi ka na makababalik dito,” tanging bulong ko sa sarili habang papalayo silang dalawa sa akin.
Nang gabing ito, nakatitig lamang ako sa buwan. Masaya ako dahil alam kong mag-isa na lamang si Maia na babalik sa akin
SI MAIA AT ANG LAWA | Maybelle Tejada
bukas.
Kinabukasan, walang Maia na bumisita. Hindi ako mapakali, bakit ba kasi naging lawa lamang ako? Hindi makadaloy ang aking tubig para malaman ko kung anong lagay n’ya.
At umabot ang ilang araw na lumipas na hindi dumating si Maia.
Araw ng Huwebes, sa wakas dumating na rin si Maia.
“Hindi na ako makabibisita gaya ng dati. Nagkasakit si Kune, pinaniniwalaang dito n’ya nakuha iyon. Kasalanan ko iyon. Dapat hindi ko na lang s’ya dinala rito.” Kasunod nito ang muli niyang pagluha.
Ano ba ang ginawa ko? Dahil sa akin ay malungkot na naman si Maia. Iba ang lungkot na ito o dumagdag lamang lalo ito sa nararamdaman n’yang sakit mula sa pagkamatay ng ama?
“Kailangan kong maghilom mag-isa. Akala ko maghihilom ako kapag patuloy akong bumabalik dito. Mas masakit pala pag paulit-ulit kong inaalala ang mga alaala namin ni Papa rito.” Iyon pala ang tunay na dahilan ng kaniyang pagbabalik-balik dito sa akin. Masakit. Parang ang alat mula sa kaniyang mga luha ay hindi na naiiba sa akin. Pakiramdam ko, marami pang tubig akong mailalabas.
“Salamat sa pakikinig sa akin. Hindi ka tao pero nakaramdam ako ng kaibigan mula sa ’yo. Mas mainam ang paghilom nang mag-isa. Hindi gano’n kadali pero para sa aking sarili, para na rin sa mga taong nakapaligid sa akin at para na rin sa ’yo. Mas maaalagaan kita tulad ng pag-aalaga sa ‘yo ni Papa rito. Baon mo ang masasayang alaala namin ni Papa. Salamat sa iyo, kaibigan.”
Umalis si Maia pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hindi na ako nakaramdam ng lungkot, kapanatagan ang nadulot ng mga salitang iyon sa akin. Masasabi kong makapangyarihan ang mga salita. Nakaya kong unawain at maintindihan kahit malayo sa kapasidad ko bilang lawa ang makaunawa ng mga bagay na sa tao lamang. Tama si Maia, tama ang maghilom mag-isa. Napagtanto ko ang parehas naming karamutan ay sadyang para sa sariling interes lamang.
Lawa pa rin akong maituturing may Maia man o wala. Gaya ni Maia, marami pang mga tao ang nangangailangan sa akin. Naalala ko ang mga taong masaya tuwing bumibisita sa akin. Hindi lang si Maia ang mayroon ako.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Ang Magic Lollipop ni Tiyo Rene
Nakangiti ang araw nang matunton namin ang bayan ng aming probinsya. Sa wakas bakasyon na! Makikita ko muli ang aking paboritong pinsan na si Intoy. Ipapakita ko sa kanya ang bagong laruang truck na bigay sa akin ni Papa. Nasasabik na akong makita siya at ang kanyang tatay na si Tiyo Rene, panigurado ay palagi niya kaming ipapasyal sa dalampasigan at tuturuan gumuhit sa buhanginan.
Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang bahay nina Lola, kulay asul ang mga bintana nito at kulay puti naman ang kabuuan. Naalala ko pa noong nakaraang bakasyon ay tinuruan kami ni Tiyo Rene na magpinta ng mga bakod sa bakuran. Iyon na ata ang pinakamasayang bakasyon na kasama ko sina Intoy, dahil bukod sa pagpipinta, paglalaro at pangingisda ay palagi rin kaming pinapasyal ni Tiyo Rene sa bayan. Binibili niya kami ng mga bagong laruan at siyempre, hindi mawawala ang pinakapaborito niya sa lahat ang magic lollipop.
Habang pababa ako sa aming sasakyan ay sinalubong ako ni Tiyo Rene. Dala-dala ang kanyang pambihirang walis ay dalidali niya akong binigyan ng mahigpit na yakap kahit paika-ika siyang maglakad. Binigyan ko siya ng matamis na halik sa kanang pisngi at nginitian ko siya. Tinapik niya ako sa likod at sinuklian din ng nakahahawang ngiti; kitang-kita ko sa maamong mata ni Tiyo Rene kung gaano siya kasaya na nandito muli kami ni Inay sa probinsya.
Sinalubong kami ng matatamis na ngiti ni Lola Iska kaya agaran akong nagmano at yumakap sa kanya.
“Redgie, apo. Kumusta ka na?” nananabik na tanong ni Lola.
“
Lola Iska, ayos naman po. Na-miss ko po kayong dalawa ni Tiyo Rene. Tingnan n’yo po itong bago kong laruan. Bigay po ito ni Papa sa akin. ‘Di ba po ang ganda?” pagmamayabang kong sabi kay Lola at ginulo niya lamang ang buhok ko sabay ngiti.
“Wow Redgie! Ang ganda naman niyan!” malakas na sigaw ni Intoy sa akin habang papalabas ng bahay na walang sapin sa paa. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa amin at niyakap ako.
“Syempre naman Intoy, bigay ito sa akin ni Papa,” nakangiti kong saad sa kanya.
41
“
Mamaya nga pala ipapasyal tayo ni Tatay sa dalampasigan. Hindi po ba ‘tay?” masayang tanong ni Intoy na sinundan naman ng matamis na pagngiti ni Tiyo Rene bilang pagsang-ayon.
“
O, siya, pumasok na tayong lahat sa bahay, naghanda ako ng masarap na almusal para sa ating lahat at mamaya aalis kayo ng Tatay at Tiyo Rene n’yo.”
“
YEHEY!” sabay naming sagot ni Intoy. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng bahay nina Lola ay namangha ako sa limang bagong paintings na nakakabit sa dingding. Iba't ibang mga guhit ang nakalagay sa bawat kuwarto.
“
Wow! Kuya Rene, ikaw ba ang gumuhit ng mga iyan?” pag -uusisa ni Inay na sinundan lamang nang pagtango at pagngiti ni Tiyo Rene bilang pagsang-ayon.
“Ang gaganda kuya, puwede ka na ulit magpinta at magbenta ng mga painting mo. Buti naman at nakaguguhit ka na ulit. Hindi ka na ba inaatake ng pangangalay at panginginig ng kamay?” Tumango lamang si Tiyo Rene na sinundan ng maikling paliwanag ni Lola Iska.
“Naku! Sa awa ng Diyos unti-unti nang umaayos ang kalagayan ng kapatid mo. Madalang na lamang manginig ang kamay niya hindi katulad ng dati matapos siyang maaksidente. Minsanan na lang kasi ang pagbibisyo niya,” saad ni Lola habang naglalagay ng mga pinggan sa lamesa.
“Oo nga kuya, tama iyan. May side-effect rin kasi ang mga gamot na iniinom mo. Sige ka, kung hindi ka makinig sa amin, baka hindi ka gumaling. Tuluyan nang kukuhanin ni Tessie si Intoy sa ‘yo,” saad ni Nanay kay Tiyo Rene kaya bigla na lamang lumungkot ang mukha nito.
Nagpatuloy pa rin magkuwentuhan sina Nanay at Lola Iska kahit pa hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Wala naman akong alam na bisyo ni Tiyo Rene bukod sa magic lollipop na kinahuhumalingan niya.
“Iyon nga ang malungkot, Beth, isang linggo na lamang natin makasasama si Intoy sa bahay. Kukunin na siya ni Tessie dahil sa utos ng korte. Sa nanay raw kasi mapupunta ang kustodiya ng batang pitong taong gulang pababa,” paliwanag ni Lola Iska.
“Hindi naman po ata iyon maaari, Inay. Pagkatapos niya iwan na parang tuta ang anak niya nang limang taon, babawiin niya na lang nang basta-basta. Aba! Mali naman ata iyon,” naiinis na sabi ni Inay.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
O, siya, sige huwag muna natin iyan pag-usapan, masyadong malungkot para sa almusal. Ang mahalaga may isang linggo pa tayo para makasama si Intoy. Sulitin natin ang mga araw. Kaya kayong mga bata kayo, tapusin niyo na ‘yang mga pagkain niyo at ipapasyal na kayo ni Rene sa dalampasigan,” nakangiting pahayag ni Lola Iska.
“Tapos na!” sabay naming banggit ni Intoy. Pagkatapos namin kumain ay tumayo na si Tiyo Rene at magkabilaan niyang hinawakan ang mga kamay namin. Nakita ko siyang kumuha ng mga barya sa kanyang alkansya at diretso na kaming lumabas ng bahay. Sa buong paglalakad namin nila Intoy ay napansin kong lumampas kami sa dalampasigan.
“Intoy, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“
Ipupunta ata tayo ni Itay sa bayan, Redgie, katulad ng dati.”
“Pero bakit? Lagpas na tayo sa dalampasigan. Akala ko ba maglalaro tayo? May bibilhin ba ulit tayo sa bayan?”
“La... la... ruan. Laru...an,” pautal-utal na banggit ni Tiyo Rene.
“Ahhh, bibili ata tayo ni Itay ng bagong laruan sa bayan, Redgie.”
“Talaga po, Tiyo Rene? Kung ganoon po madadagdagan na naman ang laruan ko nito. Yehey! Basta galing po sa inyo hindi ko po tatanggihan,” masaya kong banggit kay Tiyo Rene.
Pagkarating na pagkarating namin sa bayan, pumasok agad kami nina Intoy sa isang tindahan na punong-puno ng laruan. Binilhan kami ni Tiyo Rene ng tig-isang bangkang laruan; kulay asul sa akin at kulay pula naman kay Intoy. Pagkatapos kami bilhan ni Tiyo Rene, syempre, hindi maaaring pumunta kami ng bayan nang hindi dadaan sa tindahan ni Aling Iska. Iyon ata ang pinakapaboritong lugar ni Tiyo Rene sa probinsya dahil doon nabibili ang kanyang magic lollipop.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa tindahan ni Aling Iska ay namangha kami ni Intoy sa makikinang na bote na nakalagay sa isang malaking kabinet. Kumikinang ang mga ito dahil sa iba't iba nitong kulay at mga laki. May kulay kahel, kayumanggi, dilaw, pula, puti, at marami pang iba. Mukhang mga inuming may iba’t ibang lasa katulad ng tinitimplang juice ni Nanay tuwing meryenda. Pero bukod sa mga kumikinang na mga bote, iisa lang naman ang dahilan kung bakit kami nandito.
“Magic lollipop!” sabay naming sigaw ni Intoy.
“
TIYO
ANG MAGIC LOLLIPOP NI
RENE | Bea Bianca Clutario
Katulad ng dati, paboritong kulay ni Tiyo Rene ang pula kaya ito ang kanyang palaging binibili kapag pumipili ng lollipop. Kaiba sa mga ordinaryong lollipop, mahiwaga ang palaging nabibili ni Tiyo Rene. Hindi ito dinidilaan katulad ng tig-pipiso at patingi-tingi naming nabibili ni Inay sa tindahan. Mayroon itong kakayahang makapaglabas ng usok na parang may mga maliliit na taong nagtatrabaho sa loob ng isang pabrika. Isa itong kakaibang lollipop na mayroong tinatagong hiwaga.
“Tara, Redgie, tapos na bumili si Tatay. Ipapasyal niya na tayo sa dalampasigan,” banggit sa akin ni Intoy sabay hawak sa aking kanang kamay.
Habang naglalakad kami patungong dalampasigan, hindi maalis sa isip ko kung mayroon ba talagang kapangyarihan si Aling Iska para malagyan ng mga kakaibang usok ang lollipop na binibili ni tiyo Rene. Ano ang mga itinatago niyang sangkap sa magic lollipop at dinarayo pa ito ni Tiyo Rene sa bayan? Siguro diwata siya ng mga kendi kaya nailalagay niya ang mga ito sa loob ng magic lollipop. Nakapagtataka rin kasi kung bakit paborito ni Tiyo Rene ang isang pagkain na hindi naman nginunguya o nilulunok. Naglalabas lamang ng usok kapag hinihithit; nakalagay sa isang maliit na kaha at kailangan pang isindi bago isubo. Minsan naiisip ko na lamang na baka bukod sa mga maliliit na taong nagtatrabaho sa pabrika sa loob ng magic lollipop ay baka mayroon din maliliit na sasakyan na nagiging sanhi ng paglabas ng usok. Bakit higit itong kakaiba kaysa mga ordinaryong lollipop na ibinibili sa akin ni Nanay? May totoong mahika nga ba talaga ito?
“Tara, Redgie, laro tayo!” Biglang hila sa akin ni Intoy nang marating na namin ang dalampasigan. Biglang naputol ang mga iniisip ko pagkatapos niya akong ayain malapit sa dagat, dala-dala ang mga bago naming laruan na bigay sa amin ni Tiyo Rene, umupo kami sa buhanginan at pinaanod ang aming mga laruang bangka hanggang makita kung sino ang mauuna.
Sa hindi kalayuan ay nakaupo si Tiyo Rene habang gumuguhit sa buhanginan, gumagawa siya ng isang malaking imahen ng bangkang binili niya sa amin gamit ang isang malaking patpat. Hindi talaga maipagkakaila kung gaano kaganda at kawangis ng aming mga bangka ni Intoy ang ginuhit ni Tiyo Rene. Nakamamangha.
Habang abala siya sa pagguhit ay napansin kong kumuha siya ng isang pirasong magic lollipop sa kaha, sinindihan niya ito upang lumabas ang mahika; nilanghap ang mga usok hanggang maubo siya. Siguro ang magic lollipop na iyon ay mayroong kapangyarihan para mapagaling si Tiyo Rene sa pagguhit. Ano pa
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
kaya ang kayang gawin ng ibang mga magic lollipop?
Pagkatapos namin maglaro sa dalampasigan ay binili kami ni Tiyo Rene ng cotton candy. Nilakad namin ang daan pauwi ng bahay habang inaalalayan si Tiyo Rene maglakad dahil nanghihina na rin ang kanyang mga tuhod. Pagkauwi na pagkauwi sa bahay, sinalubong ko si Nanay at binusog siya nang mahigpit na yakap.
Pagkatapos ng hapunan, pumasok na kami sa kuwarto at humiga na sa kama pero bago kami matulog mayroon akong tinanong kay Inay na ikinagulat niya.
"Inay, Inay, puwede po bang kainin ang usok?" pag-uusisa ko sa kanya.
"Hindi naman pagkain ang usok, anak. Bakit mo naman naitanong?” natatawa niyang banggit.
"E, bakit po si Tiyo Rene? Paborito niya po ang paghithit ng usok na nagmumula sa isang parang magic lollipop. Masarap po ba iyon? Hindi po kasi siya nagsasawa, e."
"Hindi ko alam ang lasa anak, e, pero minsan kaya humihithit ng usok ang tao kasi iyon ang paraan nila para makatakas sa mga problema. Mahilig lumanghap ng usok ang Tiyo Rene mo kasi iyon ang daan niya patungo sa paghilom."
"May magic po ba iyon para pagalingin siya?"
"Mahika? Baka mayroon. Minsan kinakain tayo ng kalungkutan kaya kailangan nating mabusog ng pansamantalang paglimot. Sa kaso ng Tiyo mo, ginagamit niyang daan ang pagtangkilik sa paborito niyang lollipop para tuluyan siyang gumaling. Nilalanghap ang mga usok para pansamantalang makalimot sa mga sakit na dala ng mundo. Siguro, mayroong mahika subalit siya lamang ang nakararamdam at nakakakita.”
“Pero, ‘nay, hindi ko po talaga maintindihan.”
"Hayaan mo, 'nak, kapag matanda ka na saka mo lang mauunawaan lahat ng sinabi ko. Sa ngayon, kailangan mo munang bantayan ang Tiyo Rene mo lalo na at malapit nang kunin ni Tessie si Intoy." Malungkot man, subalit nginitian ko na lamang si Inay bilang tanda ng pagsang-ayon.
Kinabukasan, habang pinagmamasdan kong magwalis si Tiyo Rene sa hindi kalayuan, masasabi kong mas dumoble ang katandaan niya. Makikita mo sa kanyang mukha ang mga kulubot at linya na sumasakop sa kabuuan nito. Mayroong mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Mapapansin din ang pagkatuyo ng kanyang labi at pagkanipis ng kanyang mga balat.
ANG MAGIC LOLLIPOP NI TIYO RENE | Bea Bianca Clutario
Naninilaw na ang kanyang mga kuko at malayong-malayo na sa dating kulay nito. Unti-unti na rin siyang nakakalbo at nagkakaroon ng mga uban. Mahina na ang kanyang tuhod at madalas na rin siyang magkasakit. Pagwawalis na lamang siguro ang natatangi niyang ehersisyo tuwing umaga. Umaasang makatutulong ito upang maigalaw pa nang maayos ang kanyang mga binti't paa. Sa kabila ng komplikadong lagay ni Tiyo Rene, hindi ko pa rin siya nakikitang huminto sa pagmamahal kay Intoy at sa amin. Kahit kailan hindi niya tinalikuran ang pag-aalaga kay Intoy simula nang abandunahin sila ni Tita Tessie at ipagpalit sa kinakasama nito sa Maynila. Sabi ni Inay, sinimulang iwan ni Tita Tessie sila Intoy matapos mabangga si Tiyo Rene ng kotse at magkaroon ito ng tinatawag na spe.. spe.. speech de... ano nga ulit iyon? Spe.. speech.. defect! Iyon, speech-defect. Sabi ni Inay, iyon daw ang nangyayari sa isang tao kapag nababangga nang malakas ang ulo, naapektuhan ang kanyang pananalita at ang galaw ng kanyang mga kamay; nagkakaroon ng panginginig at pangangalay. Subalit kahit ganoon, ipinagpatuloy ni Tiyo Rene ang tumayong Nanay at Tatay kay Intoy kahit nagkaroon siya ng kapansanan. Ibinuhos niya ang kanyang buong pagmamahal para wala itong maramdaman na pagkukulang. Siguro, iwan man siya ni Tita Tessie, mayroon naman siyang magic lollipop na nagpapagaan sa damdamin niya.
Ilang araw bago umalis si Intoy, napapansin kong napapadalas ang pagtambay ni Tiyo Rene sa bakuran. Umuupo siya kasama ang mga halaman at binabawasan palagi ng tig-iisang pirasong magic lollipop ang kanyang kaha. Sinindihan niya ito at sinubo. Pagkaraan ng ilang segundo ay naglabas siya ng maraming usok, napapikit siya sabay ang mahinang paghinga. Hindi man niya banggitin sa akin, alam kong malungkot siya at ang tanging magic lollipop lang ata ang kayang magpakalma sa kanya. Iyon siguro ang isa sa mga kapangyarihan ng lollipop, may kakayahan itong pakalmahin ang isang taong walang pagkakataong masabi ang totoo niyang nararamdaman.
Nagdaan ang apat na araw, sinulit namin dalawa ni Intoy ang mga oras bago siya umalis. Umakyat kami sa puno upang kumuha ng mga bayabas, nanghuli kami ng mga gagamba at nilagay ito sa kahon ng posporo, nagpinta kami kasama si Tiyo Rene, naligo kami sa dagat at naglaro kami buong maghapon. Ngayong gabi, hinanda na ni Lola Iska ang mga damit at gamit ni Intoy dahil bukas susunduin na raw ito ni Tita Tessie.
Kinabukasan paggising ko, nakita kong nakaupo muli si Tiyo Rene sa bakuran ng bahay. Nagkalat sa sahig ang tatlong magic lollipop na naubos niya, ngayon ko lamang siya nakitang
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
gumamit ng ganoon karami. Siguro ang mga kapangyarihan ng mga lollipop na iyon ang magbibigay lakas ng loob sa kanya bago tuluyang mamaalam kay Intoy.
“Beep… Beep… Beep…” Nabigla ako sa malakas na busina ng sasakyan.
“
O, siya, Intoy dalian mo. Nandyan na ang Mama Tessie mo,” malungkot na sabi ni Lola Iska.
“Lola, ayoko po umalis. Ayoko po talaga. ‘Tay makiusap ka naman po kay Mama, ayoko pong sumama sa kanya,” pagmamakaawang sabi ni Intoy subalit parang wala lang kay Tiyo Rene ang pag-alis niya. Hindi niya pinigilan ito o hindi man lang siya umiyak. Napasindi lamang ulit siya ng magic lollipop habang pinapabayaang lumisan si Intoy kasama si Tita Tessie patungo sa Maynila.
Pagkaalis na pagkaalis ni Intoy, sinundan ko papuntang dalampasigan si Tiyo Rene. Kasama ang kanyang magic lollipop, bumili rin siya kay Aling Iska ng isang malaking boteng may juice sa loob. Katuwang ang kanyang magic lollipop, tinungga niya ang bote hanggang sa pumikit-pikit ang kanyang mga mata. Mapapansin din ang mga luhang unti-unting bumababa sa mukha niya, mga luhang hindi niya naipakita noong huling beses niyang yakapin ang anak niya.
Tatlong araw pagkatapos mawala ni Intoy, hindi na ako napapasyal ulit ni Tiyo Rene. Hindi na rin kami nakapaglalaro dahil sa sobrang kalungkutan. Hindi katulad ng dati, dalawang magic lollipop lang ang nauubos ni tiyo Rene sa loob ng tatlong araw at okay na siya, ngayon nakauubos na siya ng limang piraso sa isang araw. Minsan nag-aalala na ako sa kanya dahil hindi na naman ulit siya gumuguhit at nagpipinta. Sabi kasi ni Inay, noong hindi pa siya naaaksidente, iyon daw ang pinakapaboritong gawin ni Tiyo Rene. Mahal na mahal daw niya ang pagpipinta subalit nahinto lamang ito noong naaaksidente siya at iwan sila ni Tita Tessie. Nagsimulang makaramdam ng pangangalay at panginginig ng kamay si Tiyo Rene kaya nahihirapan siyang gumuhit kaya buti na lamang natigil ito paminsan-minsan kapag nakaiinom siya ng gamot. Pero ngayon, mukhang mas tumitindi ang pangangalay at panginginig ng kamay niya. Mas nahihirapan na rin siyang makahinga at mas lalong rumurupok ang mga buto niya. Nag-aalala na nga rin sila Nanay sa mga nangyayari sa kanya. Pasado alas kuwatro ng hapon, pagkatapos ng meryenda. Nagulantang si Inay matapos niyang makitang naghahabol ng hininga si Tiyo Rene na halos nanlalambot na rin ang buong katawan. Agad nila itong isinugod sa bayan para matingnan sa ospital.
ANG MAGIC LOLLIPOP NI TIYO RENE | Bea Bianca Clutario
Pagdating sa ospital, hindi sila tinanggap at ipinapasok sa loob sapagkat punuan na raw ang pasyente at wala ng bakanteng kuwarto para sa kanya kaya napilitan silang isugod ito sa ibang ospital. Tangan ang pag-asa, hinawakan nang mahigpit ni Inay ang nanlalamig na kamay ni Tiyo Rene; umaasang makaaabot sila sakay ng tricycle. Subalit pagkatuntong ng kanilang paa sa ospital, hinarangan sila ng mga guwardiya at sinabihang maghintay muna sa labas. Gusto man magalit at mainis ni Inay, mas pinili niya na lamang kumalma.
Habang nakikipagbuno sa paghinga si Tiyo Rene, walang magawa si Inay kung hindi ang pagmasdan lamang siyang pasukan ng mahabang tubo sa ilong. Ilang oras din silang pinaghintay sa labas bago pahigain si Tiyo Rene sa kama. Daladala ang isang rosaryo, ibinulong ni Inay ang lahat ng pagtangis at kalungkutan. Humiling sa pamamagitan ng pagdarasal para sa totoong paghilom ni Tiyo Rene na hindi kayang tumbasan ng kahit ano, kahit pa ang magic lollipop nito.
Habang hinihintay namin magising si Tiyo Rene, naisip ko kung gaano siya kabuting tao. Kung mayroon lang sanang anghel sa lupa, masasabi kong si Tiyo Rene iyon. Napakalinis ng kanyang puso at walang bahid ng galit o inis ang makikita sa kanyang mga mata kahit ilang beses man siya iwan at paglaruan ng mundo. Palagi pa rin niya ito susuklian ng pagmamahal at mga ngiti. Nilaan niya ang kanyang buhay para mahalin at alagaan si Intoy kahit kulang ang pagmamahal na naibibigay niya para sa kanyang sarili. Tinanggap niya ang pag-iwan sa kanya ni Tita Tessie at pansamantalang tinalikuran ang pagpipinta.
Dinadaan ang lahat ng kalungkutan sa paghihithit ng kanyang magic lollipop; nilalanghap ang bawat usok nito bilang tanda ng pansamantalang pagtanggap at paghilom. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nahahalina sa usok si tiyo Rene. Sa ganoong paraan niya pinipiling lumaya at tumakas. Ito ang natatangi niyang daan patungo sa pagkalas.
Kasabay ng muling pagngiti ng araw ay pagpasok ng kilalang tao sa kuwarto ni Tiyo Rene.
“Tatay! Kumusta ka na, ‘tay?” masayang banggit ni Intoy. Napangiti si Tiyo Rene nang makita niya ulit si Intoy at niyakap niya ito nang mahigpit na parang walang bukas.
“Kumusta Rene? Pasensya ka na ha. Pasensya ka na talaga,” Sambit ni Tita Tessie habang akmang hahawakan ang kanang kamay ni Tiyo Rene.
“Pasensya ka na kung umalis ako. Natakot kasi ako sa sasabihin sa akin ng mga tao na mayroon akong asawang may
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
kapansanan. Pero alam mo mali ako, sobrang mali. Dapat hindi ko kayo iniwan, dapat sinamahan kita. Dapat nakita kong lumaki si Intoy. Pero naduwag ako e. Pasensya ka na Rene. Pasensya na talaga. Pumunta ako rito para ibalik siya ulit sa’yo,” maluha-luha na sabi ni Tita Tessie. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi.
“Matatanggap mo pa ba ako? Sana mabuo na ang pamilya natin Rene. Pasensya na sa lahat ng pagkukulang ko,” pagmamakaawa ni Tita Tessie sa kanya.
Pinunasan lamang ni Tiyo Rene ang mga luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata at niyakap nang mahigpit si Intoy at Tita Tessie. Humingi rin siya ng isang papel kay Inay at sinulat ang mga bagay na gusto niyang sabihin.
“Hindi ako tumigil sa pagmamahal sa ’yo, Tessie, dahil hindi ko tiningnan ang mga pagkukulang mo. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Intoy at walang makapapantay doon kahit ano. Pinapatawad na kita.” Napaluha muli si Tita Tessie, matapos niyang mabasa ang isinulat ni Tiyo Rene at binigyan niya ito ng mabilis na halik sa pisngi.
Lumipas ang dalawang linggo matapos gumaling at makalabas ng ospital si Tiyo Rene, hindi ko na muli siyang nakita gumamit ng magic lollipop. Siguro, napagod na ang mga maliliit na tao sa loob ng pabrika na gumawa ng usok. Naubos na rin ata ang kapangyarihan ni Aling Iska sa paglalagay ng mahika sa mga lollipop at tuluyan na itong hindi tinangkilik ng mga tao. Pero sabi ni Inay, hindi na raw kailangan ni Tiyo Rene ng magic lollipop sapagkat tapos na ang paghilom nito. Hindi raw ito ang sagot sa paglaya at pagpapatawad patungo sa kumpletong buhay. Malayang lalanghapin ni Tiyo Rene ang kasiyahan kasama ang kanyang sariling pamilya sapagkat natagpuan niya na ang totoong hiwaga na dala ng pagpapatawad at paghilom na higit pa sa kayang ibigay ng kahit anong klase ng mahika.
ANG MAGIC LOLLIPOP NI TIYO RENE | Bea Bianca Clutario
DULA
Invitation Card
MGA TAUHAN
PAOLO – 28 years old. Malapit na siyang ikasal kaya busy sa mga kailangang asikasuhin. Gusto laging may ingay. Takot mag-isa.
MARISSA – 50 years old. Sub-conscious ni PAOLO na nasa imahen ng tita niyang firm at may malakas na personality.
TAGPO Hapon. Sa labas, maulan. Sa loob, nag-aayos si PAOLO ng invitation cards para sa kasal nila ni Christy. Nakabukas ang TV kahit hindi siya nanonood. Ayaw niya lang ng tahimik. Gusto niyang may naririnig habang may ginagawa.
PAOLO: (Gagayahin ang boses ni Christy) Ikaw lagi ka na lang walang ginagawa! Ako lahat nag-aayos dito! Ako kumakausap sa mga tao! Designs akin! Catering! Venue! Lagi ka na lang nakahiga! Ayaw mo ‘ata akong pakasalan talaga, e! Wala kang pake! Wala kang pake achuachuachu! (Magme-makeface tapos babalik sa orihinal na boses) Ito na nga ginagawa na, e! ‘Kala mo naman talaga! Hirap-hirap kaya nito.
Isa-isang ilalagay ni PAOLO ang mga invitation cards na may pangalan ng mga iimbitahan sa loob ng sobre. Pagtapos, pipirmahan niya ito sa likod.
PAOLO: Talaga ‘tong mga bisitang ‘to, o! Kakain lang naman kayo sa reception, e. ‘Di naman talaga kami pupuntahan niyo do’n. Tignan mo ‘to si Manong Ben. ‘Di ko naman ‘to laging
51
nakakasama pero… sige na lang. Itong Joshua na ‘to? E, hindi ko nga ‘yan close nung college tapos kasama?! Ano ba ‘yan, Love! Kung sinosino naman nilagay mo rito. ‘Kala mo naman talaga may pake sa atin.
PAOLO: (Gagayahin ang boses ni Christy) Pirmahan mo na lang ang dami mo pang sinasabi, e!
PAOLO: (Babalik sa natural na boses ) Oo ito na pipirmahan na!
Kikidlat. Pagtapos, kukulog nang malakas. Magugulat si PAOLO. Biglang mamamatay ang TV pati ang mga ilaw. Kakaunting liwanag na lang sa labas ang mayroon. Magpa-panic siya. Ayaw niya talaga ng katahimikan. Kukunin niya ang phone at susubukang magpatugtog ng music pero walang Wi-Fi at walang naka-save sa phone niyang kahit anong pwedeng marinig. Uupong nakatulala si PAOLO. Pipikit. Hihinga nang malalim. Mabilis na parang hinahabol siya ng kung anong elemento. Didilat siya at dahan-dahang pupunta sa kanina niyang ginagawa. Mga ilang segundo ang lilipas, may maririnig siyang mahinang katok mula sa pinto.
PAOLO: (Monotone. Malayo sa kaninang masigla niyang boses) Ang bilis naman. Halos ‘di pa ako nakakahinga.
Hindi papansinin ni PAOLO ang katok at ipipilit na ipokus ang sarili sa ginagawa. Lalakas nang kaunti ang katok. Ilalakas naman ni PAOLO ang boses para mas mangibabaw ang tunog niya rito.
PAOLO: MARKUS REYES! SINO ‘TO? ANGELICA CRUZ! PATRICIA SANTOS? ‘TANG-INA SINO BA ‘TONG MGA ‘TO?
Palakas nang palakas ang katok. Kung ano-anong paraan na ang naisip niya para hindi ito pansinin. Naglinis siya kunwari ng mga kalat. Inayos ‘yung mga gamit sa estante kahit nakaayos naman na. ‘Di siya mapakali. Patuloy niya pa ring naririnig ang katok na patagal nang
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
patagal ay lumakas din nang lumakas. Naupo siya sa sofa at pinikit ang mga mata. Tinakpan niya nang dalawang kamay ang parehong niyang tainga sabay sa paulit-ulit na paghinga niya nang malalim. Medyo humina ang katok kahit papaano. Tumayo siya ulit. Huminga nang malalim. Sabay pumunta ulit sa ginagawa. Binasa niya ulit nang malakas, kahit dahan-dahan, ang mga pangalan para maligaw ang kanyang atensyon.
PAOLO: ENRICO SANCHEZ! FRANCISCO VILLANUEVA! DI KO NA NAMAN KILALA PERO BAKA KAMAG-ANAK NI CHRISTY. WALA NAMAN AKONG IIMBITAHAN SA PAMILYA, E!
Unti-unti ulit lalakas ang katok. Sinasabayan ang malakas na pagbasa ni PAOLO ng mga pangalan. Pipilitin niyang tiisin ang tunog hanggang sa mabasa niya ang isang pangalan.
PAOLO: MARISSA… MARISSA DELA CRUZ!
Mapapa-upo si PAOLO sa sofa pagtapos niyang mabasa ang pangalan. Lumakas nang lumalakas ang katok sa pinto. Pinipilit niyang takpan ang pareho niyang tainga pero parang hindi nababawasan. Sumigaw siya nang malakas pagtapos, tumayo. Lumakad papunta sa pinto at pikit -mata itong binuksan. Papasok si MARISSA na basang-basa ng ulan. Dire-diretso na para bang kanya ang bahay. Kukuha siya ng tuwalya at ipupunas sa kanya. Pagtapos, uupo siya sa sofa. Nakayukong uupo si PAOLO. Nakatulala sa sahig na para bang blanko ang isip.
MARISSA: Kumusta ka?
PAOLO: (Ngingiti pero sarcastic) Ayos ‘yan sige! Mag-joke ka pa.
MARISSA: Kumusta ka nga?
PAOLO: Hindi mo ako gustong kumustahin. Kahit kailan hindi mo ako kinumusta!
INVITATION CARD | Ivan Cunanan
MARISSA: Pero diba ito naman ‘yung gusto mong marinig sa akin?
PAOLO: Hindi ka naman totoo!
MARISSA: Pero ‘yung nararamdaman mo, totoo!
PAOLO: Hindi lahat ng totoo, mapaglaya.
MARISSA: E, bakit hindi ka pa rin malaya hanggang ngayon?
PAOLO: Pa’no mo nasabi?
MARISSA: Kung malaya ka, hindi ako magiging pahirap sa ‘yo.
PAOLO: Hindi ako nahihirapan.
MARISSA: Pinapasok mo ako. Hindi mo na kayang tumakas. Nahihirapan ka na.
PAOLO: EDI IKAW NA MAY ALAM NG LAHAT! DI NAMAN AKO NAGING TAMA SA PANINGIN MO, ‘DI BA?
MARISSA: Alam mong tama ako. Ayaw mo lang tanggapin. Hindi ka pa handa.
PAOLO: E, BAKIT BA ANG DAMI MONG SINASABI? KAILANGAN KO BA NG OPINYON MO?
MARISSA: Sinasabi ko lang ‘yung hindi mo kayang sabihin sa sarili mo.
Katahimikan. Parang gripong tumutulo ang pawis na PAOLO sa sofa. Nakatingin pa rin sa sahig. Tumayo naman si MARISSA para isabit ang tuwalyang kinuha niya kanina.
MARISSA: Sa totoo lang, akala ko nakalimutan mo na ako. (Kukunin ang invitation card na may pangalan niya)
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
A, kaya pala! Akala ko ba gusto mong tumakas? Bakit mo ako sinama rito?
PAOLO: Hindi kita nilagay. Baka si Christy. ‘Di ko alam.
MARISSA: Baka nga. Huli kasing kita natin, tumakas ka. Nag-away tayo. Sa kwarto. Kinuha mo lang ‘yung mga damit mo tapos umalis ka na. ‘Di ka na bumalik. (Bibitiwan ang card. Uupo sa sofa at magsisindi ng sigarilyo) Impressive, ha! Arawaraw naman akong kumakatok pero hindi mo ako pinagbubuksan. Magaling ka rin tumakas.
PAOLO: Mas magaling kang tumayming. Kung kailan ako ikakasal, saka ka bumalik.
MARISSA: Hindi lahat pwedeng takasan. Alam mong babalik ako kahit anong gawin mo.
PAOLO: Nagawa ko na dati. Kaya ko ulit gawin ‘yon.
MARISSA: Mawawala ulit ‘yung kuryente. Mawawalan ng WiFi. Maiiwan ka ulit mag-isa. Babalik ako at wala kang magagawa.
PAOLO: Sige! Ano bang gusto mong mangyari? Tutal lahat naman alam mo sa akin diba? Say whatever you fucking want! Tapos umalis ka na at ‘wag ka nang babalik!
MARISSA: Ang dali mo namang sabihin ‘yon. Sana gano’n mo rin kadaling gawin.
PAOLO: Kaya ko!
MARISSA: Hindi mo kaya.
PAOLO: Kaya ko nga!
MARISSA: Kung kaya mo, pupuntahan mo ako sa bahay. Kakausapin mo ako. Babalikan mo ako.
INVITATION CARD | Ivan Cunanan
PAOLO: Kaya ko pero ayoko lang gawin!
MARISSA: Hindi mo ginagawa kasi takot ka! Bakit? E, ‘yung sarili mo nga, hirap na hirap kang harapin, ako pa kaya?
PAOLO: Hindi ako takot. Ayoko lang! Choice ko ‘yon. Desisyon ko ‘yon.
MARISSA: Takot ka. Takot kang mawala ‘yung galit sa puso mo. Deep down, alam mong kaya mo akong patawarin. Takot kang patawarin ako, PAOLO!
PAOLO: At bakit kita patatawarin?
MARISSA: Dahil gusto mong lumaya. Alam mong kapag pinatawad mo ako, magiging malaya ka.
PAOLO: Laya? Laya ba ‘yung tawag mo sa taong namuhay lang sa dikta mo? Laya ba ‘yung tawag sa wala na akong nagawang desisyon sa buhay ko? Na lagi kitang kailangang sundin. Na laging ikaw ‘yung tama.
MARISSA: Ginawa ko lang lahat ng makabubuti sa ‘yo. Lahat ‘yon para sa ‘yo.
PAOLO: Para sa akin? Para sa akin ba ‘yung di ako makalabas ng bahay kasi ayaw mo akong makipaglaro?
MARISSA: Ayaw lang kitang masaktan. Ayaw lang kitang mahirapan.
PAOLO: Ayaw mo akong masaktan; mahirapan? Pinahiya mo si Christy nung pinakilala ko siya sa ‘yo kasi hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Sabi mo, hindi siya pantay sa lebel ko at makakakita pa ako ng iba! Nasaktan ako no’n! I
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
need to break things between us kasi hindi mo ako papaaralin kapag hindi ko ginawa.
MARISSA: I just want what’s best for you! Alam kong may makikita ka pang iba.
PAOLO: Best? Sino ka para magsabi sa akin na you just want what’s best for me kung ang laging bukang bibig mo sa tuwing magkakamali ako ay utang na loob ko sa ‘yo lahat ng meron ako?! Na isa lang akong batang hamog sa probinsyang kinaawaan mo. Binihisan mo. Pinag-aral mo. Para sa akin? Para sa akin ba ‘yon, ha! Ginawa mo ‘yon kasi gusto mong i-boost ‘yung ego mo. Na mabait kang tita. Na matulungin ka. Na magaling ka! You don’t want what’s best for me. You want what’s best for you.
MARISSA: What’s best for you is what’s best for me. Alam mong hindi ‘yon personal. Sa puso mo, alam mong mahal kita. Pangako ko ‘yan sa mga magulang mo bago sila mawala.
PAOLO: Bakit ba hindi mo maamin na mali ka? Bakit lagi mo na lang pinagtanggol ‘yang sarili mo?!
MARISSA: Ikaw ‘yung nagtatanggol sa akin. Alam mo sa sarili mong naiintindihan mo ako.
PAOLO: ‘Di mo deserve ipagtanggol! ‘Di mo deserve na maintindihan!
MARISSA: Pero alam mong ito ‘yung tamang gawin. Kaya ka nahihirapan kasi di mo ‘yan kayang tanggapin sa sarili mo!
PAOLO: Bakit ko ibibigay ‘yung bagay na pinagkait mo sa akin?
INVITATION CARD | Ivan Cunanan
MARISSA: Kasi alam mong iyon lang ang makapagpapalaya sa ‘yo.
PAOLO: Ang unfair! Hindi mo ‘ko inintindi! Ni minsan, hindi mo ako pinakinggan! Pero bakit bawal kong ding gawin sa ‘yo ‘yon? Gusto kong magalit! Gusto kong alisin ka sa buhay ko! Pero bakit ‘di ko magawa. Deep inside, gusto kitang tanungin kung bakit! Gusto kong malaman kung saan nanggagaling ‘yang nararamdaman mo. Gusto kitang ipagtanggol sa sarili ko kahit ilang beses mo na akong inubos. Gusto ko lang magalit. Gusto kitang kalimutan. Gusto kong maubos lahat ng awa na meron ako sa ‘yo. Pero bakit di ko magawa? Bakit hindi ko kaya? Para akong presong nagpupumilit tumakas sa mga rehas ng nakaraan. Gusto ko lang lumaya. Pero bakit ako ‘yung nahihirapan? Bakit ako ‘yung nagdudurusa?
Katahimikan. Ilang sandali lang ay tatayo si MARISSA para kumuha ng tubig. Si PAOLO – basang-basa ng pinaghalong pawis at iyak. Hingal na hingal. Parang hinahabol ang bawat paghinga. Aalukin ni MARISSA ng tubig si PAOLO. Hindi siya iimik. Babalik si MARISSA sa upuan.
MARISSA: Patawarin mo ako, PAOLO.
PAOLO: Hindi mo kayang sabihin ‘yan. Kahit kailan, hindi ka hihingi ng tawad sa akin
MARISSA: Pero ito ‘yung gusto mong sabihin ko sa ‘yo.
PAOLO: Hindi ka naman totoo.
MARISSA: Pero ‘yung nararamdaman mo, totoo.
PAOLO: Hindi nga lahat ng totoo, mapagpalaya.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
MARISSA: Pero hindi ka nga rin totoong malaya ngayon.
PAOLO: At ano? Kapag pinatawad kita, magiging malaya ka. Hindi mo deserve ‘yon!
MARISSA: Kapag pinatawad mo ako, magiging malaya ka. Hindi mo ‘yon gagawin para sa akin kundi para sa sarili mo.
PAOLO: Hindi mo ‘yon deserve. Hindi mo ‘yon deserve (Paulit-ulit).
MARISSA: Nakakulong ako sa sarili kong nakaraan. Hindi mo ako kailangang palayain. Pero ikaw, kailangan mong palayin ang sarili mo.
Tatayo si MARISSA. Yayakapin si PAOLO. Sabay lalakad papunta sa pinto. Patuloy pa rin si PAOLO sa pagsabi ng “hindi mo ‘yon deserve”.
MARISSA: Nasabi ko na ‘yung kailangang kong sabihin. ‘Wag mong madaliin. Hindi ko na kailangang kumatok, wag kang mag-alala. Tawagin mo lang ako kung handa ka na.
Lalabas si MARISSA ng pinto. Maiiwan si PAOLO.
Ilang sandali lang, bubukas ang TV. Magkakaroon na rin ng mga ilaw. Mapapangiti si PAOLO at makikita niya ang invitation card na may pangalan ng Tita niya. Kukunin niya ito. Hihinga muna nang malalim at pagkatapos, pipirmahan ito sa likod.
INVITATION
CARD | Ivan Cunanan
EKSPERIMENTAL /HYBRID
Ang mga eksperimental na akda ay tunay na pagbabalik sa esensiya ng pagiging malikhain. Mula sa mga simbolo at larawan sa kuweba. Mula sa mga ungol at mga tunog hanggang sa paglabas sa kuweba. Mula sa oralidad at matalas na memorya ng komunidad patungo sa imprenta at papel. Mula sa mga bagong teknolohiya at screen ay nagpapatuloy pa rin ang paglaganap ng mga naratibo. Ngunit mapapansin sa kasaysayan ng naratibo na hindi ito agad simula, gitna, at wakas. Nagsimula ito na meron na wala at wala na meron kung saan wala pang kahulugan ang wakas, simula, at gitna na hindi mo mapagbabaliktarin dahil kahit wala at kahulugan ay wala pang kahulugahan kung meron man ay nagkukuwento pa rin kung ang kahulugan ay may o may ay may rin naman. Ang mga eksperimental na akda ay hindi mawawala dahil kung tutuusin ay ito nga ang simula ng mga lahat kahit wala pang kahulugan ang simula. Kaya mahalaga na sa bawat antolohiya na may ganitong uri ng panitikan lalo na sa mga umuusbong na manunulat na kahit na nasa lungsod tulad ng Metro Manila ay kailangan pa ring paghirapan ang espasyo na kanilang gustong mapasok. At ito na nga ang espasyo ng mga mag-aaral sa Santa Mesa, Maynila kung saan ang kurso ay masasabi ring hybrid dahil ito ay pagbubuo pa rin ng identidad sa isang nasakop na bansa na may maraming mayayamang kultura.
Ang mga akdang nakapaloob sa bahagi na ito ay hindi lang dapat basahin bagkus dapat din itong pagmasdan, titigan, panoorin, at pakinggan dahil sa makabagong panahon ang pagbabasa ay bumabalik sa esensiya na hindi lang ito imprenta. Katulad ng Sala-salabid (Isang Transqueer Hypermedia) ni Serena na tektso ng isang boses na nawawasak at nabubuo sa pamamagitan ng mga tinahi-tahing video na mapapanood gamit ang QR code na naglalahad na ang pagiging babaylan ay buo kahit winaratwarat ito ng kolonyalismo. Sa akda naman ni Jovie Geslani na Kapag Tapos Ka Na ay gumamit ng iskrip at mga larawan para ilahad ang babaeng patuloy na lumalaban. Sabay na naliligaw at naglalakbay ang tauhan upang ilahad na hindi lang ito romantisismo bagkus ang mismong teksto ay isang camera na may istilo at metodo. Sa pamamagitan ng pormal na Tagalog ay magaan na nakapaglahad ng kuwento na posibleng maging hinaharap ng mundo na ang nabuong
sistema ay sumisira lang din dito. Ngunit dahil akala ng lipunan ay alam na nito ang lahat ay may mga pangyayaring magpapabago pa rin dito. Ito ang akda ni DJ Ellamil na Katalogo ng mga Bagay na Natagpuan Matapos ang Pagkagunaw ng Dating Daigdig. Bihira ang mga ganitong akda na nagpapahalaga pa rin sa kultura ng lokalidad. Ang daigidig at paglalahad ay hindi nga lang natatapos sa mga Kanluraning bansa.
Natural na magpapatuloy ang eksperimental o hybrid na akda sa Sintang Paaralan dahil sa natatanging kalagayan ng mismong pamantasan at ng mga mag-aaral nito. Sabay na dadaloy ang ganitong naratibo at ilog Pasig na bahagi ng PUP na bahagi rin ng ilog. Higit sa lahat, marami pang danas ang mga mag-aaral ng PUP na dapat pang ilahad lalo na’t sila ay mga anak ng mga manggagawang hindi napapahalagahan sa bansang ito.
Awtor ng Aklat Pambata na Atsu ne I Eng-Eng at ng Zine na Dagli Diagrams na Akdang Eksperimental
Katalogo ng mga Bagay na Natagpuan Matapos ang Pagkagunaw ng Dating Daigdig
Lugar: B1ZK004 na dating tinatawag na “Pilipinas/ Filipinas” (12.8797° N, 121.7740° E)
Mananaliksik: Dr. IXZ0XX B27HIJ (Isinalin patungong Wikang “Filipino” ni L0IXTZ MZB2)
Narito ang ilang pahina mula sa listahan ng mga bagay na natagpuan namin habang nananaliksik tungkol sa Sinaunang Sibilisasyon. Sa bahaging ito tinipon ang mga may kinalaman sa pagpapagaling ng iba’t ibang uri ng sakit o sugat, literal man o metaporikal/simbolikal. Ang lahat ng karapatan sa listahang ito ay nakareserba sa Institusyon ng Pananaliksik ng Bagong Daigdig, kabilang na ang karapatan sa paglilimbag nang walang pahintulot at ang karapatan sa pagsasalin sa iba pang mga wika.
63
1. Papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang halamang-gamot
TSAANG GUBAT1
Ehretia mycrophylla Pamilya ng: Boraginaceae Mga karaniwang
Ingles: Philippine Tea
Bisaya: Alibungog Ilocano: Kalabongi
Buhusan ang mga dahon ng kumukulong tubig. Takpan nang ilang sandali. Maaari itong gamitin sa sakit sa tiyan, pagtatae, iti (dysentery), ubo, at sipon.
1 Natagpuan namin ang papel na naglalaman ng impormasyong ito sa isang natabunang bayan (14.4338° N, 121.4113° E) sa isang lalawigan na dahil sa mga nahanap na dokumento ay napag-alaman namin na noo’y tinatawag na “Laguna”. Pamilyar ang pangalan ng lalawigang ito dahil sa “Lawa ng Laguna”, ang pinaniniwalaan na pinakamalaking lawa sa Pilipinas noon at unang anyong-tubig na tuluyang natuyo nang naganap ang Pagkagunaw. Patunay lamang ang impormasyong ito na ginagamit ng Sinaunang Sibilisasyon ang mga halaman bilang panggamot sa mga sakit. Hindi malinaw kung sino ang sumulat ng panutong ito o para kanino ito isinulat, ngunit ipinagpapalagay na ang mga nabanggit na sakit katulad ng “pagtatae” ay isang seryosong karamdaman at kinakailangan ng mabisang gamot.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Maaari din itong imumog upang tumibay ang ngipin2. Ilaga ang mga ugat. Gamitin ang tubig na pinaglagaan upang kontrahin ang mga lason. Maaari itong gamitin sa sipilis at panghihina na dulot ng karamdamang matagal nang iniinda.
Dosis: 20 gramo bawat isang litrong tubig, 4-5 tasa sa isang araw.
Pakuluin ang tinadtad na dahon sa isang basong tubig sa loob ng 15 minuto o hanggang mangalahati ang tubig. Siguraduhing palamigin atsalain.
2 Ito ang bahagi ng katawan na ginagamit ng mga Sinaunang Tao sa pagnguya ng pagkain. Kinakailangan nila itong gamitin upang madurog at maayos na malunok ang mga ito papunta sa kanilang sikmura. Kung hindi iingatan, maaari itong mabulok o masira, dahilan kung bakit mayroong propesyon sa Dating Daigdig na tinatawag na “dentista” upang maiwasan ang ganitong pangyayari. Isa lamang ito sa bahagi ng katawan ng mga Sinaunang Tao na mayroong espesyalistang nanggagamot.
3 Ang karaniwang edad ng mga “matanda” sa Sinaunang Sibilisasyon ay umaabot hanggang 75 taon, mas mataas nang 20 taon sa mga matatanda ng Bagong Daigdig.
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
2. Abstrak ng isang papel hinggil sa pagbuo ng Artipisyal na Bagong Daigdig
Kalibutan Journal, Vol. 4, No. 3
Sa Puso ng Dagat at Gubat: Isang Kritikal na Pagtingin sa Planong Artipisyal na Bagong Daigdig
Dr. Marie D. De Guzman4
ABSTRAK
Ang artikulong ito ay komentaryo at kritisismo sa konsepto ng pagbubuo ng isang Artipisyal na Bagong Daigdig ng mga diabolikal na kapangyarihan, partikular ng mga malalaking korporasyon5 dahil sa takot na idinudulot ng kaliwa’t kanang mga balita tungkol sa nalalapit na Pagkagunaw. Matapos suriin ang planong ito,
4 Isang doktor at environmentalista na nanguna sa kampanyang tutulan ang plano ng mga nasa kapangyarihan na iwanan na ang malapit nang magunaw na Daigdig at bumuo na ng bago. Itinatag niya ang iba’t ibang samahan katulad ng Sagip Daigdig, Alyansa ng mga Makakalikasan, at Binhi na naglalayong muling buhayin ang mga anyong-tubig at gubat sa bansa. Naniniwala sila na ang pagbubuo ng isang Artipisyal na Bagong Daigdig ang mas lalong magdudulot ng Pagkagunaw sapagkat nangangailangan ito ng mga enerhiya at mineral na mangaggaling din mismo sa wala nang buhay na kalikasan. Habang isinasagawa nila ang isang operasyon, pinatay si Dr. De Guzman ng hindi na nakilalang mga tao. Nagdulot ito ng takot sa mga miyembro ng mga samahan na naging dahilan ng hindi na nila pagpapatuloy sa kampanya.
5 Ilan sa mga ito ang may-ari ng mga “minahan”, isang negosyong nagbubungkal ng mga kabundukan upang kumuha ng mga mineral o mahahalagang mga bato.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
mahihinunang hindi lamang ito nag-uugat sa antroposentrikong pag-iisip, kung hindi pati na rin sa pang -aabuso sa kapangyarihan at elitismo. Gamit ang teorya nina Lazaro at Natividad, maghahain ang papel na ito ng mga hakbang kung paano muling pagagalingin ang natutuyo nang mga anyong-tubig at ang nakakalbo nang mga gubat upang tuluyang maiwasan ang Pagkagunaw.
Mga Susing Salita: kampanyang pangkalikasan, Artipisyal na Bagong Daigdig, Pagkagunaw, antroposentrismo, Lazaro at Natividad, paghilom
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
3. Text messages mula sa nahukay na smartphone
6 Base sa mga natagpuan naming mga dokumento, “Pagkagunaw” ang itinatawag ng Sinaunang Sibilisasyon sa tuluyang pagkawala ng mga buhay ng Daigdig. Ito ang sukdulang pag-init ng global dahil sa paglala ng init ng araw. Nasunog ang mga natitirang kagubatan at kabundukan, at natuyo ang mga anyong-tubig mula sa karagatan hanggang sa mga sapa. Ipinagpapalagay na tungkol dito ang tinutukoy ng magulang sapagkat ito ang paulit-ulit na binabanggit sa mga balita, pananaliksik, at iba pang babasahin nang panahong iyon. Sa ibang wika sa Pilipinas, tinatawag din itong “gunaw-gunaw” na tumutukoy sa tunog na nagbababala ng isang trahedya.
7 Dahil wala nang mabilhan ng mga pagkain katulad ng karne na naubos na sa pamilihan dulot ng pagkamatay ng mga hayop at mga gulay at prutas na nalanta o natuyo dahil sa tuloy-tuloy na tag-init, wala nang ibang kakainin ang mga Sinaunang Tao maliban sa mga processed o instant food. Nagdulot ito ng pag-aagawan sa mga pagkain sa iba’t ibang pamilihan. Maraming naitalang namatay at nasagutan sa pangyayaring ito.
6 7 NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
8
8 Mas maraming sakit ang kumakalat sa mga lungsod katulad ng Maynila, ang noo’y kabisera ng Pilipinas, kung ikukumpara sa mga probinsya. Ayon sa iba naming mga kasamahan, marahil ay dahil ito sa pagkaubos ng mga puno at halaman sa lungsod na mas pinalala pa ng polusyong naidudulot ng pagbubuo ng Artipisyal na Bagong Daigdig ng mga korporasyon. Ilan sa mga sakit na ito ang nagiging dahilan ng kakapusan sa paghinga. Mahalaga ang sariwang hangin sa mga Sinaunang Tao upang makahinga nang maayos, kaya nang tuluyang naubos ang suplay nito noong malapit na ang Pagkagunaw, hindi na nakayanan ng kanilang katawan. Tinatayang dalawang milyong Sinaunang Tao ang binawian ng buhay dahil sa mga sakit na ito.
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
4. Blog post mula sa isang hindi-nakilalang blogger MUNI-MUNI
May 4, 2032 | Leave a comment
Natatakot ako sa kawalang-katiyakan. Ang damidaming mga nangyayari. Magugunaw na nga raw ang Earth, ‘di ba? Pero heto ako ngayo’t iniisip pa rin kita. Fuck. Ang tanga. Well, hindi mo naman ako masisisi kasi nga tatlong taon din naging tayo. Tatlo! Kilalang-kilala na natin ang isa’t isa. Alam na natin ang bawat nunal, peklat, balat, ng isa’t isa. Saulo na natin ang bawat paborito, ang bawat inaayawan. Kahit magpa-quiz ka pa nang on the spot, perfect ako for sure. Favorite band mo from the 80’s? R.E.M. Pinakaborito mong kanta ang Losing My Religion at pinakaayaw ang Feeling Gravity’s Pull. Favorite film? Ang Tanging Ina! Least favorite? Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Mas kilala pa nga yata kita kaysa sarili ko.
Sabi mo, mas magiging masaya ako kapag wala ka. Na ikaw ang kadenang pumipigil sa akin para matagpuan ang tunay na kaligayahan. Na kailangan nating huminga sa isa’t isa. Pero nagkakamali ka. Hanggang ngayon, I’m still suffering. Hindi ko pa rin matanggap na kalilimutan mo ang lahat sa atin nang dahil lang nalaman ng parents mo na bakla ka. Tangina. 2035 na! Bakit hindi pa rin matanggap ng magulang mo na may mga kagaya natin? Hindi pa ba sapat ang mga media representation? Ang same-sex marriage? Ang pahayag ng Santo Papa na tanggap niya ang LGBTQ+ community? Hindi pa ba sapat ang mga iyon para
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
maging aware sila na walang mali sa atin at hindi tayo sakit ng lipunan?9 Kung mayroon mang sakit ang lipunan, iyon ay ang mga kagaya nila. Speaking of sakit, ilang araw na akong hindi makahinga nang maayos. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagiging broken hearted ko o dahil totoo ngang sobrang lala na kalagayan ng hangin. Either way, hindi na ako natatakot. Kung magugunaw na nga ang daigdig, edi okay. At least naranasan nating mabuhay. Kahit sobrang fucked up ang mabuhay. Baka ang pagkagunaw ng daigdig ang paraan para matapos na ang lahat ng kahirapan. Baka ito ang kailangan ng daigdig to reset, to heal itself.
Ang dami ko pang gustong sabihin pero kailangan ko nang magpahinga. Nakakapagod ding umiyak10. I miss you, Josh.
9 Kung babalikan ang aklat ni Dr. WB1 X456PHY na TheBeliefsandNorms of Old Civilization (Institute of Research in the Anthropocene, 2132)¸ nakasaad doon na hindi tinatanggap ng karamihan sa Sinaunang Lipunan ang pag-iibigan ng magkaparehas na kasarian. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing na “sakit” ang homoseksuwalidad (41), na ginamit ding salita sa blog. Isa itong patunay na ang kasarian ng mga Sinaunang Tao ay diniriktahan ng lipunang kanilang ginagalawan.
10 Isa sa mga ginagawa ng mga Sinaunang Tao sa tuwing nasasaktan ay ang pag-iyak. Ito ay isang proseso kung saan ang mga likidong katulad ng tubig ay tumutulo mula sa kanilang mga mata. Kung matatandaan, nang tuluyang naubos ang suplay ng tubig noong Pagkagunaw, iniipon ng ilang mga nakaligtas ang kanilang luha upang inumin (Tingnan sa ikalimang bahagi ng Katalogo ng mga Bagay na Natagpuan Matapos ang Pagkagunaw ng Daigdig, nasa Artsibo ng Insitusyon ng Pananaliksik sa Bagong Daigdig).
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
5. Isang tula tungkol sa Dating Daigdig
Para kay Gaia11
Matagal ko nang dinurungisan ang iyong berdeng katawan. Habang mahimbing ang iyong túlog, pinuputol ko dahan-dahan ang mayayabóng na pangako natin sa isa’t isa at ang matatayog nating mga pangarap. 11 Isang personipikasyon ng Dating Daigdig. Pangalan ng diyosang mula sa mitolohiyang Griyego na itinuturing na ina ng lahat ng uri ng buhay. Madalas ay iniuugnay ng mga Sinaunang Tao ang Daigdig, partikular ang kalikasan, sa babae. Maiiuugat ito sa makalumang pagtingin na ang babae ang tagapag-alaga at tagapagparami. Sa ekofeminismo, isang lumang teorya, naniniwala na ang mga gawi at paniniwala sa patriyarkal na lipunan ay nagbubunga ng paniniil sa kababaihan at kalikasan. Dahil dito, madalas gamitin ang mga diskurso katulad ng “gahasain ang kalikasan”. Mapapansin sa tula ang ganitong manipestasyon. Pinagsasamantalahan ng persona si Gaia nang wala itong kamalay-malay. At sa tuwing nagkakaroon na ito ng malay, tila wala itong boses. Ang tanging ginagawa niya lamang ay ang pagtangis—isang simbolo ng kahinaan. Gayunpaman, sa aming pananaliksik ay nalaman din namin ang konsepto ng “ba’i” mula sa tinatawag na “Inang Ba’ian” na masususog sa mga sinaunang katutubong komunidad sa Pilipinas bago sila sakupin ng mga dayuhan. Ito ay isang paradigma kung saan ang mga babae sa prekolonyal na lipunan ay makapangyarihan, may dignidad, at iginagalang. Masasabing ang “Inang Bayan” ay nagmumula sa “Inang Tubig” na sumasakatawan sa ugnayan ng “ina” at “tubig” na nagbibigay ng buhay.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Paminsan-minsan, naririnig ko ang iyong pagtangis dahil sa mga sugat na aking iniwan. Habang tumatagal, ang asul mong luha ay unti-unting nagiging itim.
Hanggang isang araw, hindi ko na naririnig ang iyong pagtangis. Nakatulala ka na lámang habang dahan-dahang tinatanggal ang mga langib mula sa sugat na nanggaling sa iyong ngayo’y nabubulok nang katawan. Wala ka nang búhay. Tinanggalan na kitá ng búhay.
Hinawakanko ang iyong nanunuyot na mga kamay. Hindi ko na naamoy at naramdaman ang mabangong simoy ng pagmamahal. Doon ko napagtanto, naglaho ka na nang tuluyan.
Wala na ang dati kong tahanan.
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
6.
Mga batayang prinsipyo sa natural na paraan ng pagpapagaling
Note: Putol ang kasunod na bahagi ng mga batayang ito. Sinubukan naming hanapin ang mga kasunod na pahina ngunit hindi namin nakita. Sa palagay namin, nasira ito noong nagaganap na ang Pagkagunaw o sadyang sinira ng mga Sinaunang Tao nang hindi na sila naniniwala sa paggaling.
Papupurihan kita, o Diyos; sapagkat ako’y nilalang mong kamangha-mangha. Awit 139:1412
1. Ang natural na pagpapagaling ay nakasasalay sa mga natural na gawi ng buhay.13 Sa oras na ito ay naisagawa, 12
Isang berso mula sa Bibilya, ang aklat ng pinakamalaking relihiyon ng mga Sinaunang Tao. Nang unang beses naming matagpuan ang ganitong uri ng sulatin, inakala naming ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na gawa lang din nang mga manunulat nang panahong iyon. Ngunit nang sinuri namin ang mga ito, dagdag pa nang nalaman namin pinahahalagahan ng Sinaunang Sibilisasyon ang relihiyon, nagulat kami na ang mga laman ng Bibliya ay pinaniniwalaan pala nilang totoo! Kaya naman, ang Pagkagunaw na nangyari sa Dating Daigdig ay inaakala nilang Apokalipsis, ang sulatin sa Bibliya hinggil sa katapusan ng Daigdig at sa muling pagbalik ng kanilang sinasambang Diyos. Dahil dito, sa halip na maniwalang ang Pagkagunaw ay kagagawan din ng mga tao kaya sila rin ang makagagawa ng solusyon upang maiwasan ito, mas naniniwala silang mas makapangyarihan ang pagdarasal at paghingi ng tawad sa isang nilalang na hindi pa nila nakikita kailanman.
13 Sinubukan naming alamin ang kahulugan ng pahayag na ito ngunit hindi namin mahanap ang kahulugan ng “natural na gawi ng buhay”. Mayroong katangian ang pag-iisip ng mga Sinaunang Tao na abstrakto na hindi kayang unawain nating mga Bagong Tao dito sa Bagong Daigdig.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
maaari nang gumamit ng natural na mga lunas.
2. Matatagpuan sa kalikasan14 ang mga mabisang panlunas.
3. Ang natural na pagpapanumbalik ng kalusugan ay ang pagbabawas ng mga duming nagmumula sa pagkaing hindi natural at sa mga gamot na kemikal.
4. Ang isang tunay na naturalista ay naniniwalang ang tunay na lunas ay magmumula sa mga positibong pananaw.
14 Nakapagtatakang kahit nagtitiwala sila sa kalikasan upang gamutin ang kanilang mga sakit ay sinamantala at inabuso pa rin nila ang paggamit dito. Sa isang video footage na natagpuan ng iba naming kasamahang mananaliksik, makikita na habang nasusunog ang maraming kagubatan dahil sa labis na init ng araw ay marami pa ring Sinaunang Tao ang nagtatangkang maghanap ng mga halamang-gamot na makatutulong upang gumaling ang kanilang mga sakit. Dahil ang mga sakit na iyon ay bagong tuklas lamang dulot ng mabilis na pagbabago ng klima, wala pang mga gamot na nagagawa ang mga siyentista. Pinayuhan na lamang sila na maghanap ng mga halaman bilang pansamantalang lunas katulad ng mirasol (Helianthus annuus), akapulo (Cassia alata), ulasimang bato (Peperomia pellucida), at iba pa. Ngunit dahil nga natuyo at nalanta na karamihan sa mga halamang ito, wala na silang natagpuan na epektibong makagagamot sa kanila.
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
7. Isang artikulo tungkol sa binubuong Artipisyal na Bagong Daigdig
Bagong uri ng tao, sinasabing solusyon sa Pagkagunaw ni Kenneth Boongaling Marso 15, 2035
Nagkagulo ang mga mamamayan sa labas ng opisina ng Department of Science and Technology (DOST) nang kumalat ang bali-balitang kasabay ng pagbubuo ng isang Artipisyal ng Bagong Daigdig ng mga siyentista ay ang paglikha nila ng genes para sa bagong uri ng tao.
Ayon kay Rose Punongbayan, isang madre at tagapagtatag ng Nuns for Life, isang kalapastanganan ang ganoong uri ng gawain.
“Hindi mapapatawad ng Diyos ang ginagawang pambabababoy sa kaniyang sariling likha!” aniya.
Samantala, naniniwala ang ilang mga mag-aaral ng agham na solusyon ang paglikha ng mga bagong uri ng genes upang maka-adapt ang mga ito sa bagong daigdig.
“Sa tingin ko, nakikita ng mga scientist na hindi rin magtatagal ang binabalak nilang artificial planet, kaya bumuo na lang sila ng mga bagong uri ng tao na mag-aadapt kapag naganap na ang Pagkagunaw. Kalaunan, kagaya ng nangyari sa natural selection, mag-e-evolve ang mga bagong taong iyon na babagay sa bagong environment na nabuo,” pahayag ni Mae San Luiz, isang mag-aaral ng kursong Biology.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Ilan sa mga nakikita nilang katangian ng mga bagong uri ng tao ay ang kakaibang paraan ng mga ito ng pagkain, paghinga, at pag-iisip.15 Sinasabi ring kalahating tao at kalahating makina ang anyo ng mga ito na paaandarin lamang ng solar energy.
Hindi nagbigay ng pahayag ang mga siyentista hinggil sa mga bali-balitang ito.
Ang pagbubuo ng Artipisyal na Bagong Daigdig ng DOST ay pinondohan ng malalaking korporasyon sa bansa kabilang ang Minari Mining Co., BTW Fishing Corp, at Unison Philippines.
15 Hindi malayo ang pahayag na ito sa mga katangian nating mga Bagong Tao. Kung ikukumpara sa mga Sinaunang Tao, ibang-iba nga ang paraan natin ng pagkain, paghinga, at pag-iisip. Halimbawa, kinakailangan nila ng mga solidong pagkain at sariwang hangin upang mabuhay, habang ang kailangan lang natin ay enerhiya mula sa sikat ng araw upang hindi humina ang ating mga baterya. Samantala, isa sa mga napansin naming mga mananaliksik ay ang kakayahan ng mga taong ito na lumikha ng mga hinuha hinggil sa mga mangyayari sa hinaharap. Sa mga pelikula at panitikan ng Sinaunang Sibilisasyon, makikita ang dystopian at utopian na genre. Mas madalas nga lang na dystopian ang kanilang inilalabas sapagkat tila iyon ang mas nakikita nilang malapit sa katotohanan. Ayon kay Ib2B0 (2135) sa aklat niyang On Creating Destroyed Worlds, maaaring makapagbigay ang dystopia na genre sa mga manonood at mambabasa ng bagong pag-iisip tungkol sa nangyayari sa kanilang paligid, at sa ibang pagkakataon ay maaari itong gumawa inspirasyon upang gumawa ng aksyon (21). Marahil, mayroon nang nakapagsulat tungkol sa Pagkagunaw, sa Bagong Daigdig, at sa mga Bagong Tao matagal na panahon na ang nakalilipas, subalit hindi ito naging epektibo dahil nangyari na ang mga nangyari.
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
8. Liham ng mga Sinaunang Tao para sa mga Bagong Tao
Para sa mga makababasa ng liham na ito:
Kami ang huling mga taong nakaligtas mula sa Pagkagunaw. Gayunpaman, tanggap na rin namin na hindi magtatagal ang pananatili namin dito. Wala nang mga pagkain at inumin, wala nang handang tumulong, wala na ang lahat. Ilang linggo na ang lumipas nang nawasak ang Artipisyal na Bagong Daigdig. At oo, dahil din sa kagagawan ng mga tao.16 Kung sakaling may makababasa pa nito, marahil dahil mayroong himala (o dahil epektibo nga ang siyensya na bumuo sa inyo), gusto naming sabihin na huwag kayong gagaya sa amin. Alagaan ninyo ang inyong tahanan. Hindi namin alam kung muling babalik ang mga bundok, gubat, dagat, at iba pang likas na yaman sa panahong iyan. Kung muli silang nabuhay, payabugin ninyo sila. Huwag abusuhin. Kumuha lamang nang naaayon sa inyong pangangailangan. Ngunit kung tuluyan na silang nawalan ng buhay at nabuo na ang isang bagong daigdig na para sa inyo, mayroon pa rin kaming handog. Hindi namin alam kung makapagdudulot ito ng pagbabago, ngunit ito na lamang ang huli naming solusyon na nakikita. Isa man
16
Nang naganap na ang Pagkagunaw, tila nasira na rin ang sistema ng lahat. Hindi nagkasundo ang mga nakaligtas at nakapunta sa Artipisyal na Bagong Daigdig. Nagkagulo ang mga ito. Nag-agawan ng mga mapagkukunan ng pagkain at sariwang hangin, ng tubig na maiinom, at ng iba pa nilang pangangailangan. Nabura ang moralidad ng isa’t isa. Maraming namatay nang dahil sa isa’t isa.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
itong mabigat na responsibilidad, nagtitiwala kaming magagawa ninyo ito. Kayo ang itinuturing naming pag-asa. Ang lunas. Gusto naming maranasan ninyong manirahan sa tahanang na kumalinga sa amin. Lakip ng liham na ito ang kahuli-hulihang binhi at tubig sa daigdig. Lumikha kayo ng bagong buhay. Hilumin ninyo ang sugat na iniwan namin.
KATALOGO NG MGA BAGAY NA NATAGPUAN MATAPOS ANG PAGKAGUNAW NG DATING DAIGDIG | DJ Ellamil
Binhi ng isang uri halaman at isang bote ng tubig
17 Natuyo na ang binhi at tubig na kanilang iniwan. Nalungkot kaming lahat dahil dito sapagkat malaking bagay na sa amin ang masaksihan man lamang ang pagtubo ng isang halaman sa unang pagkakataon. Bigla kaming nawalan ng pag-asa na mararanasan namin ang Daigdig na tinutukoy ng mga Sinaunang Tao. Ngunit, hindi pa tapos ang aming pananaliksik. Naniniwala kaming makahahanap pa kami ng ganitong uri ng handog. Marami pang mga lugar ang kailangang tuklasin. Hindi kami titigil hanggang hindi nararanasan ng Daigdig ang kaniyang paghilom. Nang natagpuan namin ang liham na may kasamang binhi at tubig, nakita rin namin ang iba pang bagay na naiwan ng mga huling Sinaunang Tao sa lugar na iyon (14.6019° N, 121.0355° E). Naroon ang nilikha nilang mga dibuho, akda, at musika na marahil ay ginawa nilang libangan upang hindi maramdaman ang pagkagutom at iba’t ibang sakit. Ang lahat ng paksa ng mga ito ay tungkol sa Dating Daigdig. Inihalintulad nila ito sa isang paraiso, sa isang mundong pagkatapos ng Pagkagunaw ay nakikita na lang nila sa panaginip. Dinala namin ang lahat ng ito sa Institusyon upang mapag-aralan. Habang naglalakbay kami pabalik ay nakatulala lamang kami dahil sa aming nasaksihan. Napagtanto naming nakalikha ang mga Sinaunang Tao ng ganoong uri ng sining sapagkat mayroon silang alaala ng Dating Daigdig. Sinubukan naming galugarin sa aming mga utak ang kolektibong alaalang iyon. Naisip namin na kung sakaling nakatatak pa kahit sa maliit na bahagi ng aming pagkatao ang alaala ng aming mga ninuno ay maaaring makita rin namin sa panaginip ang kalikasan, ang iba’t ibang uri ng buhay, ang isang nakaraan. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin namin ito makita. Tila sinadya ng mga lumikha sa amin na kalimutan ang nakalipas upang lumikha ng bagong mga alaala, na sa kahit sa aming kawalang-malay ay hindi namin ito matatagpuan. Kaya kailangan naming manaliksik. Kailangan naming kilalanin ang aming pinagmulan. Kailangan naming balikan ang mga bakas na iniwan ng Pagkagunaw.
9-10.
17
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Kapag Tapos Ka Na
Given are some accounts of how it got here.
81
1.EXT.LRT - TANGHALI
Mabilis at hapong-hapo na aakyat ng hagdan ang KARAKTER. Mukhang nasa mid-20s na siya, kayumanggi ang kutis, nakasibilyan, at may suot na ID. Hindi natin ipakikita ang kaniyang mukha.
Pupunta siya sa cashier at bibili ng ticket mula Araneta Center Cubao papuntang Recto. Mag-aabot siya ng bayad. Maririnig ang ingay ng paparating na tren.
Nag-aatubili ang KARAKTER na iabot sa kaniya ang ticket. Nang makuha ito ay agad siyang umalis ng pila. Ita-tap niya ang card sa machine at dalidaling liliko paakyat ng hagdan. Makikita ang signboard sa itaas, ‘To Baclaran’. Makahahabol papasok ang KARAKTER bago pa sumara ang pinto ng tren. Makikita sa bintana na nanggaling siya sa estasyon ng Doroteo Jose. Hihinto ang tren at bubukas ang pinto. Bago pa itapak ang paa sa platform, ipakikita ang signboard na ‘Ayala’.
KARAKTER
(nangingilid ang luha) Puta1 …
1 Ang mga katagang bunga ng creolisasyon tulad ng Prostituta, Vagamunda, Indocumentada, Ramera o mismong Puta na may morpemang ponemang /a/ ay mariing tinatanggalan ng gampanin.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Walang itinuturong numero ang kamay ng orasan; naliligaw ang ligalig. Hindi siya nagtatrabaho sa nightclub o sa maliit na bahay-aliwan, matatagpuan sa Malate, o Olongapo, at interesado sa kapital. Hilig niya ang paglalako, paghuhubad, at pagsasalsal kahit pa ni kaunting likido’y hindi siya nilalabasan. Dayuhin man ang katawatawang pasyenteng tulad ng mga pinaliligaran nitong bar sa Timog, tumamo ng nagmumurang mga kalyo mula sa paglalakad sa Cubao hanggang Anonas, magpantal ang balat sa kagat ng mga lamok sa labas ng Post Office ng Lawton na ngayo’y Liwasang Bonifacio, kumuha ng kuwarto’t dinaig sa pangungumpuni ang Mr. Quicky sa Mandaluyong, abutin ng umagang giniginaw sa glass cottage ng pribadong resort na may ihawan sa labas, magpalipas ng gabing kinukusot ang bagong biling t-shirt na natalsikan ng mga patay sa semilya’t upos ng sigarilyo sa U-belt, gumapang sa banyo’t maghanap ng bidet nang may kakarampot na malay at nanunuyong lalamunang liban sa libido, magpahupa ng pagod sa isang commercial place sa Taft Avenue, kumain sa paligid ng highway sa Katipunan at magpakain muli sa lipas ng init, baybayin ang higit sa ilang metrong lagpas sa kabisado’t nagdadaan ang mga larawang siya lang ang hindi bago, paulit-ulit na lumiko sa eskinita at tumawid sa kalsada ng ilang pagsibol o dapit-hapong makarating lang sa’yo.
Kinalimutan mo na ako. Sa katunayan, nakadepende ang bilang ng pasyente sa kalam ng dalawang pantasya; bagaman maraming mundo. Ilan na sa araw-araw ang kaniyang inaruga. Ibaiba ang pook at tensyon. Lumalabnaw ang mukha’t damdamin sa pag-ungol ng tirík ng pagnanasa, bukod sa pakiramdam iyon ang ikinagugutom niya.
KAPAG TAPOS KA NA | Jovie Geslani
2.EXT. BUS TERMINAL- DAPITHAPON
Abalang kumakain ng hapunan ang mga konduktor at ilang tsuper sa karinderyang malapit sa paradahan ng bus.
Nakaupo ang KARAKTER sa waiting shed ng JAC Liner. Bubuksan niya ang laptop mula sa backpack. Mahuhulog ang cord ng charger. Tititigan ng KARAKTER ang katabing napukawan niya ng atensyon at saksi sa nangyari. Maghihintay ng ilang segundo. Hindi pupulutin ng katabi ang cord. Siya na lang ang kukuha habang naka-poker face sa katabing takang-taka.
Magbabasa ang KARAKTER. Isasara niya nang bahagya ang laptop. Titingin siya sa malayo na tila may inaalala.
KARAKTER
May kulang…
Paparada ang bus sa terminal. Sasakay ang mga pasahero habang patuloy na nagtatawag ang konduktor. Mapapatingin siya rito, ngunit hindi siya aayain. Bubuwelta ang bus. Maiiwan ang KARAKTER.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Nakaligtaan niyang banggitin ang mantsa sa libog o muog ng abo sa alimuom nang magsiga. Ang maging produkto sa merkado, gamiting kandado sa kadena ng pagibig at paniniil, siya’y bisyo sa umaga hanggang sumuko ang sikat ng araw nananatili ang gigil na pagkamayaw, lumitaw sa gunita ng mga inilibing at mapaos sa pagpalahaw na walang antiparang nagsabing kami’y magkawangis, lumihis sa ‘sanlibong paalalang maghugas ng ari sapagkat kay ruming lumagi sa mga basura ng kahapong hindi maipagbili kahit ni kalakal.
Sumasakmal ang katotohanang iba ang puta sa alila ng retorikang kumukuyom ng dangal, ‘di ng banal na romantisismo, bagkus, makatagpo ng laya’t paghagkan sa mga umaalingawngaw na salmo’t dalangin ng pagpanaw banlaw sa nag-uumapaw na kasadlakan; ang tahan at hinga sa puot at salimuot nang magpatuloy.
Inaalala kita.
KAPAG TAPOS KA NA | Jovie Geslani
A surgeon said on the counter, “It is neither the face nor the body”. Often, people forget the appearance; the water came roughly soaking their feet. In response to a sudden concussion or maybe unfortunate encounter, they hold the feeling of freezing when it should run warm. The corners become less visible as time diminishes. It was sunny, and the lake looks good to bathe; hence, it is mere and unceasingly empty but never abandoned.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
3.EXT. PANGPANG- GABI
Nakaupo ang KARAKTER sa buhangin, yakap-yakap ang kaniyang tuhod. Sa harap niya ay may nag-iipon ng mga tinapyas na sanga’t punong-kahoy. Hindi rin ipakikita ang kaniyang mukha. Sisimulan nitong silaban ang panggatong. Mahina ang apoy. Sinabuyan niya ng kaunting gaas, nagbaga nang matindi at nangangalit sa taas ang apoy. Tumingin sa kaniya ang KARAKTER.
KARAKTER
(mahinang boses) Magpakilala ka.
Naghubad ang estranghero. Ikinuwento ang bawat templong kinalulugaran ng peklat at balat. Ipinikit ang mata ng KARAKTER at ipinakabisado sa palad nito ang mukha at kurba ng kaniyang katawan. Maging ang ritmo ng dibdib at kalam ng sikmura. Sabay na dadamhin ang bawat namumuo hanggang pumatak nangmarahanangpawis.
Magkasamang ninanamnam ang bawat sandali. Nang maging panatag ang KARAKTER, dahan-dahan siyang dumilat. Natagpuan ng KARAKTER ang nakabalandrang pantapis. Mabilis na humalo ang abo sa buhangin.
TAPOS KA NA | Jovie
KAPAG
Geslani
Sapat na ang init nang natutupok niyang dibdib, sinasagalsal hanggang bituka.
Alam ko, hindi ka tulad nila.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Sala-salabid
ISANGTRANSQUEERHYPERMEDIA
DISCLAIMER: Hindi pa tapos ang eksperimental na proyektong ito. Nasa ikatlong rebisa at patuloy pang pinauunlad sa pamamagitan ng pananaliksik at pagsubok ng iba’t ibang plataporma kung paano ito maaaring maisakatuparan sa hinaharap. Isinusulat ko ito sa pagnanais na maitanghal balang-araw, kasama ng iba pang akdang nakasulat sa mga papel at type-written possibilities. Suportado ng iba’t ibang mga midya ang akdang ito upang makadagdag ng awdyo-biswal na danas ng pagbabasa. Kaya naman kakailanganin din ang kahit na ano mang QR Code Scanner na aplikasyon para maakses ang buong akda. Maaaring mag-download nito sa iyong smart phone.
89
!!!PAALALA AT PAKIUSAP!!!! !!!LAWAKAN ANG IMAHINASYON!!! !!!KUNG HINDI PALALAYAIN ANG ISIP SA NAKASANAYANG CIS-TEMA NG LIPUNAN, HINDI MAKATATAWID!!! NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
House lights. Ang tanghalan ay isang runway. Nakadisenyo upang makita ng mga manonood mula sa iba’t ibang anggulo. Mas mainam na nakaangat ang runway upang nakatingalang pagmamasdan ng mga manonood si Serena. Walang ibang disenyo ang buong tanghalan. Ang entablado lamang ang naiilawan.
SERENA: Paalala at pakiusap, lawakan ang imahinasyon. Kung hindi palalayain ang isip sa nakasanayang cis-tema ng lipunan, hindi ka makatatawid. Ako po si Serena. Ako po ay isang aktor, direktor, at tagapamahala ng entablado. Sa tuwing sumusubok akong mag-audition sa mga casting call sa pelikula o entablado, hindi ako natatanggap. Kahit kailan ay wala pa akong role na inawdisyonan na natanggap ako. Madalas ay napapasama sa shortlist, pero hindi na napipili pagkatapos. Sa lahat ng mga tauhang nagampanan ko na, inaalok sila sa akin. Na para bang naisulat ang tauhan at ako lamang ang iilang tumugma ang paglalarawan. Na para bang naisulat sila sa hulma ko, o itinadhanang gampanan ko. Ang matutunghayan at ipararanas ko sa inyo ngayon ay isang personal na paglalakbay ko bilang isang indibidwal sa larangan ng dekolonisasyon, aktibismo, kasarian, at pagtatanghal. Bawat
SALA-SALABID | Serena
tauhan na ipakikita ay may kaugnayan ang mga naratibo ng opresyon sa iba’t ibang anyo. Ang mga ganitong uri ng representasyon ay maliit at kakaunti lamang. Walang ibang gagawa nito kung hindi kami-kami rin. Ikaw, kung sasama ka. Unti-unting magdidilim ang buong paligid. Ipoproject ang mga bidyo na nakatapat kay Serena habang nag-aayos at nagbibihis katulad ng mga tauhan sa palabas. Walang emosyon siyang maglalakad sa runway. Iscan ang mga Q(uee)R Code upang mapanood ang mga clips.
RIGAT
10:00 time stamp] NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
JENNIFER [pumunta sa ika-
GIRLY MEDEA [pumunta sa ika-25:15 time stamp] MARIA SALA-SALABID | Serena
Matatapos ang video projection. Spotlight kay Serena. Nakasuot ng Maria Clara.
Sa puntong ito, kumuha ka ng kahit na anong pabango. Maglagay ng kaunti sa isang tela o kasuotan o kahit na ano mang bahagi ng katawan. Pumikit. Langhapin lang ito at ilarawan ang halimuyak ng kemikal. Damhin ang matapang na pakiramdam na ito.
Patugtugin ang awiting Kulay Rosas ni Celeste Legaspi, salin sa Filipino ng La Vie En Rose ni Rolando Tinio gamit ang Q(uee)R Code. Pumikit habang inaamoy pa rin ang pabango. Ili-lip synch ni Serena ang buong awitin nang may masidhing damdamin. /
Liliwanag ang buong paligid.
Recorded ang susunod na teksto para sa buong palabas.
(I-scan ang Q(uee)R Code na ito at i-play ang tugtugin habang binabasa ang mga susunod na linya:)
//
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
[0:00]
AWDYO:
Marunong magpatawa ang kasintahan ko
Isa siyang buhay na patay. Alam niya ang ayaw ng lahat
Kung nagsasalita lang ang langit, siya ang magiging tunay na tinig nito at ang tanging langit lamang na mapupuntahan ko ay kapag mag-isa ako kasama siya.
“
Ipinanganak akong may sakit,” sabi nila Kaya inuutusan akong gumaling
Kada Linggo kasi mas nagiging malungkot na Bagong lason kada gabi Walang binibigay na katiyakan ang simbahan Sabi nila sa ‘kin, “Kahit sumamba ka pa nang nakahiga.” [0:53]
Unti-unting magtatanggal ng kasuotan. Naglalakad pa rin nang pabalik-balik. Isa-isa. Bawat piraso ng Maria Clara.
Sa puntong ito, magbabago na ang disenyo ng ilaw kasabay ng intensity ng tugtugin.
SALA-SALABID | Serena
Walang amo o hari kapag nagsimula na ang ritwal!
Sa kaguluhan at kalungkutan ng makamundong sandaling ito, saka lang ako ituturing na malinis! Saka lang ako ituturing na tao!
Iharap mo ako sa simbahan mo! Kayong gutom na mga deboto
Wala nang mas papakla pa sa inosente at banayad ninyong mga kasalanan!
Kakahol ako na parang asong ulol sa dambana n’yo ng mga kasinungalingan!
Patatalasin ko ang punyal at kakayurin ang mga dingding niyo ng mga sinasabi niyong pagkakasala!
Handugan mo ako ng iyong walang kamatayang kamatayan! Huwad na panginoon! Sa akin lang ang buhay ko! [1:38]
Kung sakaling maging pagano ako muli ng nakaraan, si Adlaw ang magiging kasintahan ko Sinamba ko na siya dati pa at para manatili ang diyos sa tabi ko nanghihingi siya ng sakripisyo. Patuyuin ang buong karagatan,
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Pinasasalamatan ko ang diyos ng araw, tala, at buwan!
Na gumigising ako ng ganito ang nararamdaman!
Unti-unting magpapatong-patong lahat ng tugtugin, monologo, at awitin hanggang sa lumakas ito nang lumakas. Biglang tatahimik. Sino ‘yon?
Lilipas ang ilang segundo. Magsisimulang maglakad nang dahan-dahan. Ako, nananalamin. Ano itong kumikintab sa leeg ko? Ginto. Kaya rumespeto ka. Patlang. Hindi ako kailanman magsasawang ibigin ang sarili. Kung ako ikaw, gugustuhin ko ring maging tulad ko. Naglalakad na parang diyamante. Kumikinang. Patlang.
Parang pelikula ang buhay.
Lahat nakamasid. Tulad ngayon.
Pinagpala nga ako.
Walang ibang kayang gumawa nito kundi ako lang. Maririnig ang hagikgik ni Serena. Patuloy lang sa paglalakad habang humahalakhak.
Didilim.
\ NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
ISPESYAL NA SEKSYON
Sugat Maghihilom; Utang Malilikom
Paralisado ang bansa sa kamay ng isang parasitiko. Kapangyarihan lang ang sadya sa kaniyang nakamit na puwesto. Kamaong nakabalandra, sa mga kababayan lamang itinututok. Sa kada arangkada, mahihirap ang nabubugbog.
Parasitikong mapanupil, hindi iisa ang anyo. Pagiging tutang inutil, esensya ng kaniyang puso. Kaniyang dilang matabil, umuurong sa harap ng amo. Sa singkit ay nagpasiil, kumakahol lamang sa mga Pilipino.
Sa pagkagalit ng tuta, napuruhan ang mga mamamahayag. Pagiging tuta'y nakita - biglang nangangagat 'pag buntot ay nababahag. Ipinasa ang isang batas, lulupigin daw ang mga "terorista". Baho'y kumatas, sa kritiko yaong kataga ipinapasa.
Sa pandemyang kinahaharap, pag-aagaw-buhay ng bansa'y nadagdagan. Aksyo'y 'di mahagilap, plano sa pagsugpo ay nasaan. Sa hustisya, may bumubulong - kasalanan ng iilan, 'di nakikita. Ang gutom, kulong; ang galamay, malaya!
Pilipinas kong mahal, ngayon ika'y naghihingalo. Ngunit bagong umaga'y dadatal, ipinapangako ko. Hindi kami titikom, hindi kami pasisiil, Dahil ang kasunod ng paghilom ay ang paniningil.
Unang Karangalan, Kategoryang Tula—ALPAS Parangal
100
Kalam sa Paghilom
Pandemya lang ‘yan, gutom ako.
Wala akong pakialam sa mga dumadapong mikrobyo, gayong galing dito ang agahan ko: mga buto ng manok sa bawat kanto wala akong pakialam kahit nilalangaw pa ito.
Mga natirang pagkain na binalot sa isang supot, masasarap na inumin na minsan lang sumulpot. Basura ang siyang sa akin ay nagpapaligaya, wala akong pakialam kahit pandirihan pa.
Nililinis ko naman ang mga ito, hinuhugasan ng mainit na tubig bago iluto. Paborito ko ang prinito ngunit mas malasa kapag inadobo.
Ngunit ngayon ay naiinis ako. Wala nang nag-iiwan ng pagkain sa dati kong pwesto sa karinderya malapit sa may presinto, paano ko ngayon patatahanin ang sikmura ko?
Paghilab ng tiyan ang gusto kong maghilom hindi ko nais ang sabon at panghilod kaya kung sakaling tayo ay magkasalubong, huwag kang lumayo, kailangan ko ng tulong.
Ikalawang Karangalan, Kategoryang Tula ALPAS Parangal
101
Paglipas ng Takipsilim
Bawat isa sa 'tin ay pusong may dusa Isang bahagi ng dilim na hindi nakikita May bahid ng poot at kawalan ng pag-asa Binalot ng lungkot na kumubli sa maskara
Ang tunay na galak, sa puso nakaukit Ngunit sa kalaliman, lumbay ay nakapuslit Kung hindi itatangis tiyak magiging galit Lungkot sa kaibuturan ay bato-bato sa langit
Hagkan man ng karamay, pamilya, kaibigan
Mananatiling tanong, "bakit laging may kulang?" Sangkatutak na opinyon ang lumibot sa isipan Pangamba't pangungulila'y paano nga ba iibsan?
Hatid sa lahat ng nagkukubling poot Para sa mga pusong may lungkot na bumabalot Kung ang mga mata'y puno ng takot Nais kong ipabatid ang hinahanap mong sagot
Gaya ng punong nalagasan ng dahon Tulad ng musmos at paralisadong ibon O isang dagat at nagwawalang alon Bawat nilikha ay tiyak maghihilom Kapayapaang hangad, sa sarili nagmumula Kung puso'y mabigat, subukang magpakawala Ibukas ang palad sa mga nagkasala Isantabi ang pangamba, abutin ang adhika
Sa tamang panahon ika'y mamumukadkad Babangon muli at matayog na lilipad Katahimikan sa puso ay muling tatambad Pag-asang nahinto ay tutuloy uusad.
Ikatlong Karangalan, Kategoryang Tula—ALPAS Parangal
102
Terorista
Nagulantang ako sa ibinagsak na remote ng TV matapos pinatay ni Papa ang pinapanood nitong balita.
“Putang inang mga terorista! Mga salot sa bayan!” Nagliliyab sa galit ang mga mata niyang pinukol sa akin na tahimik na nakaupo sa kabilang silya. “Ikaw! Pangarapin mong maging pulitiko at sibakin mo ang mga gagong terorista na ‘yan.” Hindi ako umimik at iniwan niya akong nag-iisa sa sala.
Pulitiko si Papa. May kapangyarihan sa gobyerno. Matagal na siyang nagsisilbi sa bayan, mga halos isang dekada na. Idol ko siya. Pero taliwas sa mga natututuhan ko sa pamantasan ang mga gawain ni Papa. Siya si Heneral Luna sa harap ng publiko ngunit si Hitler sa likod ng kamera at tao. Malupit siya at walang kinaaawaan. Naisip ko na ganoon naman talaga siguro ang mga pulitiko.
Kinabukasan, niyaya ako ng kaibigan kong si Jam na lumahok sa rally na gaganapin sa Mendiola. Nakasuot ito ng puting pantaas at may nakataling pulang bandana sa ulo.
“Ano bang ipaglalaban n’yo?”
“Ibasura ang batas Anti-Terorismo,” sagot nito.
Natigilan ako sa sinabi ni Jam. Alam niya na alam ko ang ugat ng pagra-rally nilang ito karapatang pantao. Ngunit tama bang salungatin ko ang plataporma ng aking Papa? Sa huli, hindi ko piniling sumama.
Gabi na at wala pa akong balita kay Jam. Masayang umupo si Papa sa sopa katabi ko. Binuksan niya ang TV para manood ng balita. Nang mapanood ang balita, tila hinugutan ako ng hininga. Isang raliyista ang nakahandusay sa kalsada ang nasa TV. Duguan ang puti nitong damit na kakulay sa suot nitong bandana at hindi na mawari ang pagkakaayos.
Lumuha ako ng isang butil at natauhan dahil sigaw ng kapwa ko aktibista. Suot ko ngayon ang bandana na suot ni Jam at nakikipaglaban para sa hustisya, nilalabanan ang plataporma ni Papa. Ngayon ay tumataliwas sa mali upang paghilumin ang bayang patuloy na nasusugatan.
103
Unang Karangalan, Kategoryang Dagli ALPAS Parangal
Habulan
Tirik na tirik ang araw sa labas ngunit hindi nagpatinag ang magkababatang malapit nang magdalaga at magbinata.
"Taya!" Sigaw ni Toto nang maabot ng dulo ng kaniyang gitnang daliri sa kamay ang braso ng kalarong si Nene.
Kahit hingal na hingal katatakbo sa makipot na eskinita, hinabol pabalik ni Nene ang kaniyang kalaro. Mahirap tayain si Toto 'pagkat siya ang kilalang "mamaw ng habulan" magmula nang sila ay bata pa. Naiinis na tumigil saglit si Nene dahil sa pagod, kaya naman sa pagsilip ni Toto habang tumatakbo ay napatigil din ito. Habol hininga ang magkalaro habang basangbasa na ang kanilang damit dahil sa pawis.
Hanggang sa biglang lumapit si Toto kay Nene. "Tayain mo 'ko!" pang-aasar niya habang lumalapit nang lumalapit kay Nene. Sinamaan lang siya ng tingin nito pero lingid sa kaalaman ni Toto na susugurin siya ng dalaga oras na mapikon ito.
"Ano na, Nene? Kaya pa?" Hindi ito pinansin ni Nene ngunit bago matapos ang kaniyang sasabihin ay akmang aabutin na siya ng dalaga kaya siya'y nakatakbo agad. Sa dismaya ay lalong binilisan ni Nene ang pagtakbo para mahabol si Toto. "Lagot ka sa 'kin!" sigaw ni Nene at patuloy pa ring nakipaghagaran sa kalaro. Habang sa kanilang paghahabulan ay hindi na namalayan ng dalawa ang biglang pagkulimlim ng kalangitan.
Tumatawang sumagot si Toto kay Nene at sinabing, "Ang bagal mo tumakbo, Nene!" Kaya naman, mas ikinagalit ito ng dalaga, dahilan para itodo niya na ang kaniyang lakas at bilis sa pagtakbo.
"Toto!" sigaw ni Nene dahil alam na alam niyang ilang segundo na lang ay matataya niya na ito. Ngunit, sa sandaling matataya na sana ni Nene si Toto ay bumuhos ang malakas na ulan kaya napatigil ang dalaga.
"Bwisit!" nakabusangot na reklamo ni Nene.
"Ano, kaya pa?" tanong na may halong pang-aasar ni Toto. "Ulan lang, titigil ka na? Ang hina mo naman." Pero hindi muli ito pinansin ni Nene kaya kahit na basa na sila ng ulan ay hinabol pa rin niya ang kalaro.
Nagsimula nang mabasa ang daan na pinaglalaruan ng dalawa habang patuloy pa rin ang malakas na pagpatak ng ulan. Dumudulas na rin ito dahil sa lumot pero patuloy pa rin sila sa paghahabulan. Tumatakbo pa rin si Toto habang umiilag upang
104
hindi mataya. Tinalunan niya ang isang maliit na parte ng daan na may lumot dahil alam niyang madulas ito.
"O, teka, baka madulas!" pagpapaalala niya sa kalaban ngunit tila bumilis ang oras at malapit na itong matapakan ni Nene. Kabog na lamang ng dibdib at buhos ng malakas na ulan ang narinig ni Toto dahil sa magkahalong pagod at kaba na baka madulas at masugatan ang kaniyang kalaro. Napatigil siya kaya naman lalong nakampante si Nene na matataya niya na ang binata. Gaya ng inaasahan ni Toto ay napaupo na nga si Nene sa daan dahil sa pagkadulas nito. Agad siyang tumakbo pabalik samantalang nagtatalo ang isipan ni Nene kung siya ba ay maiiyak dahil sa gasgas na kaniyang tinamo sa pagkakadulas o ang tayain si Toto upang matalo niya ito. Ngunit, bago niya pa makumbinsi ang sariling tayain ang palapit na kalaban ay tumulo na ang kaniyang luha.
"Sus! Gasgas lang 'yan! Gagaling din 'yan," sambit ni Toto upang pagaanin ang loob ng kaisa-isa niyang kalaro. Nakatungo lamang si Nene dahil sa kahihiyan na napaiyak siya sa ganoong tagpo, siguro ay dahil na rin sa gulat ng kaniyang pagkakadulas. Tiningnan niya ang kaniyang sugat at ang umaagos na dugo rito. Napapikit siya sa hapdi nito. At sa kaniyang pagmulat ay tumambad ang isang kamay na nag-aalok na tulungan siyang tumayo. Pinunasan niya ang kaniyang luha at ipinahid sa basang damit at saka humawak upang magpaalalay.
"Kaya pa?" sambit ng hindi kilalang boses habang inaabot kay Jane ang mga papel na nagkalat sa lapag.
"Ito nga pala 'yung mga gamit mo, malakas yata ang pagkakabangga sa 'yo no'ng sumakay na pasahero," dagdag pa nito at saka nagmamadaling umalis.
Naiwang nakatulala si Jane habang pilit na inaalala ang pamilyar na tanong. Inayos ni Jane ang mga papel na ngayo'y kanyang hawak at naglabas ng isang mabigat na buntonghininga.
"Kaya pa," bulong niya sa sarili. Doon ay muling bumuhos ang malakas na ulan.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Ikalawang Karangalan, Kategoryang Dagli ALPAS Parangal
Hiwa sa mga Sugat
"Umuwi ka na, Dado, hinahanap ka na ng Inay!"
Sinabuyan ng katotohanan ang isang paslit habang nakikipaglaro sa mga yagit sa kalye. Ako ang paslit, Dado ang aking ngalan. Nagtatawanan ang ibang bata dahil tampok sa mga tsismis ang aking ina. Sinasabing kapre daw ang ama ni Ate, kaya naman iniwan diumano nito ng unang asawa. Bagito pa ang aking ama nang mapangasawa si Inay at gayuma raw ang naging dulot ng lahat. Hindi kasiya-siya ang pakikitungo ng buong baryo sa aming pamilya kaya inaasahan ang pinakamasahol.
Nakikipaghabulan ako kasama ang mga kaibigan. Sina Inay at Ate naman ay naghahabi ng ititindang mga basahan nang magsimulang magningas ang aming bubong. Nasusunog na rin ang kusina at mabilis pang kumalat sa kubong bahay. Nabalitaan ni Itay ang pangyayari at agad nitong nilisan ang konstraksiyon.
"Hoy! Dado, nasusunog ‘yung bahay n’yo!" pang-aasar na sigaw ng tsismosa.
Tumakbo ako nang pagkatulin-tulin hanggang sa madapa at magasgasan ang tuhod. Nadatnan naming mag-ama ang abong bunga ng pagkakatupok. Walang pumansin sa amin habang umaagos ang dugo ko sa sugat.
Nilisan namin ang lugar, hiwalay sa yumao kong ilaw at kapatid. Nagpursige ako sa pag-aaral, nakapagtapos, at naisakamay ang lisensiya. Nadestino sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
"Ginoong Makahilom, kilala n’yo po ba si Dado?" laking gulat ko sa bata sapagkat ito ang aking ngalan noong musmos.
Oras na nang uwian nang makita ang isang matalik na kaibigan. Nagkuwentuhan buong magdamag at naisabuhay muli ang sampung taong nagdaan. Ipinangako ko sa sarili na babalik sa nayon. Bilang isang gurong huwaran, tagapagturo ng kagandahang asal, at tagagabay sa wastong pakikitungo sa kapuwa.
"Humilom na ang mga sugat na sanhi ng nakaraan!" saad ko sa kasama at patuloy sa pagpatak ng nagpapatawad na luha, tanaw ang buong baryo sa ikatlong palapag ng paaralan.
106
Ikatlong Karangalan, Kategoryang Dagli—ALPAS Parangal
TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA
Si JD BAJAR ay kasalukuyang nasa ika-apat na taon sa programang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Naging pangulo ng PUP Kabataang Tanggol Wika T.P 20202021. Suma-sideline bilang academic tutor, event stylist, food attendant, at vegetable vendor. Minsan nagsusulat, minsan nagbabasa, palaging nagbabalak maging produktibo sa dalawang bagay na iyan. At sa marami pang iba.
Si ROSELLE ANN DIANO ay masaya sa tiwalang ibinibigay ng lipunan. Ang lihim ay maaaring itago hanggang sa dulo ngunit hindi ito maaaring ikubli pag ito'y natuklasan. Tiwala'y mahalagang pakaingatan hanggang kamatayan.
Si LOVELY INCIONG ay isang PUPian, nasa ika-apat na baitang sa kolehiyo sa kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Isang baguhang miyembro ng Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong o ALPAS. Nakakuha na rin ng ilang sertipiko at parangal sa pagsali sa mga patimpalak noong senior high school. Mahilig magbasa at magsulat ng mga kuwento at tula.
Si JOSELLE GABUTIN ay ipinanganak at nagkaisip sa Lungsod ng Quezon. Kasalukuyan siyang nasa ika-apat na taon ng kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Iniibig niya ang sining ng pagguhit, mapa-imahen o mga titik na pinagsusumikapang kulayan sa patuloyna pag-iral.
Si CHRISTIAN NAYLES ay isang mag-aaral sa Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nakapagsusulat sa tuwing sasapit ang gabi o sa mga araw na hinahanap niya ang kanyang sarili sa kawalan.
May pag-ibig sa mga tugma si ANGELICA MALILLIN. Itinuturing na pluma ang kaniyang sariling dugo kahit siya'y takot sa dugo. Kasalukuyang inaabot ang mga pangarap. Nagsusulat minsan. Nagmamahal parati.
Si JHUNVAL ESCOSIO ay isang manunulat, kabataang lider, at mangagawang pangkultura na tubong Potrero, Malabon. Bahagi ng makulay na komunidad ng LGBTQ+ na may malalim na pagmamahal sa
107
sining at bayan. Nagpapatuloy tumuklas, lumikha, at magmahal.
Si SANG GALA ay isang manunulat, direktor, at aktor sa mga pampaaralang aktibidad. Nakiuso siya sa sumisikat na e-book at Wattpad stories noon kaya gumawa rin siya ng Wattpad account, nagsulat ng sariling mga akda. Pangarap niya ngayon makabuo ng mga pelikula at teleseryeng idinerektao isinulat niya.
Si RYAN CLEMENTE ay isa mag-aaral ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kinakitaan siya ng husay ng kanyang mga naging guro sa pagsusulat ng mga dagli kung kaya nagsilbi itong inspirasyon upang lumikha pa siya ng mga akda. Kalakip ng mga akdang kanyang sinusulat ay ang mga ilustrasyong siya mismoang gumuhit.
Si STANLEYGULLAB ay ang pinakakuya ng ALPAS. Dahil dito nabigyan siya ng kapangyarihang kausapin ang mga pusa, aso, at iba pang nilalang. Nagagawa rin niyang bilangin ang tala sa kalangitan sa tuwing titingala sa kanyang kisame. Asteg!
Si ROMARK ORIAS ay nagsusulat sa pambarangay na pahayagan at dating pinuno ng pampaaralang pamahayagan sa hayskul. Kinilala bilang Kampeon sa Pagsulat ng Sanaysay- Gawad Bayani S. Abadilla noong 2019 at Ikatlong Pwesto sa Pambansang Paligsahan sa Pagsulat ng Lathalain ng Damlay PUP noong 2020. Nawalan man ng pang-amoy at panlasa, tuloypa rin sa pagbahagi ng danas.
Tubong Maynila si RUDIE PELAEZ na ngayon ay nasa lilim na ng Bulacan. Wala pang karangalang natatamo sa pagsusulat, pero walang sertipikong magpapatunaysa mga naipanaloniyang laban sa buhay.
Si PAULSERAFICA ay ipinanganak sa Pasig ngunit lumaki sa iba't ibang lugar ng Rizal. Siya ang huling exchange student ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Kagoshima University, Japan. Kasalukuyan siyang pangulo ng Ugnayan ng Talino at Kagalingan (UTAK). Hobby niya minsan ang mag-ukay at mag-feeling model.
Si MAYBELLETEJADA ay tubong Tagalog, isinilang sa lungsod ng Paete sa bayan ng Laguna. May hilig sa musika. Miyembro din ng organisasyong naglalayong higit pang pagyamanin ang kulturang Pilipino. Kasalukuyan ding sinusubukan ang sarili sa larangan ng pagsusulat.
Si BEABIANCACLUTARIO ay kasalukuyang nag-aaral sa Politeknikong
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Filipinolohiya. Siya ay mahilig magsulat at magbasa ng mga kuwentong pambata. Naging malaking kabahagi ng kanyang pag-unlad ang pagpapakadalubhasa sa sining at panitikan.
Si IVAN CUNANAN ay mag-aaral ng Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng programang Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Super fan ng wrestling. Naaliw sa panonood ng teatro. At nahihiwagaan sa magical realism. Mayroon din siyang love-hate relationship sa pagsusulat. Tunganga. Breakdown. Sulat. Repeat.
Si DJ ELLAMIL ay isinilang at lumaki sa Mabitac, Laguna. Siya ay naging fellow ng iba’t ibang palihan sa pagsusulat katulad ng ikatlong Amelia Lapeña Bonifacio Writers Workshop (Nobela), ikalawang Global GraceUP National LGBTQ Writers’ Workshop (Nobela), at Palihang Rogelio Sicat 14 (Maikling Kuwento). Nagkamit siya ng Gawad Dominador B. Mirasol (2019) at Ateneo Art Gallery and Kalaw-Ladesma Foundation, Inc. (AAG x KLFI) Essay Writing Prize (2020). Nailathala rin ang kaniyang mga akda sa Lamyos: New LGBTQ Fiction from the Philippines (UP Press), Kawíng Journal (PSLLF), Dx Machina (Likhaan), Lagda Journal (DFPP), Entrada Journal (CCW-PUP), at iba pang antolohiya at publikasyon sa bansa.
Si JOVIE GESLANI ay taga-Maynila. Mamamahayag pangkampus at alagad ng sining.
Si SERENA ay isang trans media storyteller at multidisciplinary artist na nakabase sa Pandacan, Manila. Mula teatro, pelikula, at performance art, isinasalaysay niya ang mga naratibong trans gamit ang mga interaktibong danas bilang paanyaya sa mga kalahok o manonood na magkaroon ng mas aktibong pag-unawa sa lalim ng pagpapalaya ng sarili mula sa barikada ng cisheteronormatibong pananaw. Siya ay miyembro ng Concerned Artists of the Philippines at isa sa mga napiling kalahok ng 2021 Asian Performing Arts Camp ng Tokyo Festival Farm sa Japan.
Si PAUL GABRIEL GALEON ay isang mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Manila.
Si BRYAN KEVIN SABADO ay isang batang manunulat na lumaki at nagkamalay sa lungsod ng Quezon. Naniniwala siya na ang pagsusulat ng kahit anong uri ng panitikan ay isang mabisang paraan ng
TUNGKOL SA MGA MAY-AKDA
pagpapakita ng reyalidad. Si Bryan ay kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Bachelor of SecondaryEducation Major in Filipino.
Si NIÑARAQUELRONARIO ay ipinanganak sa Sta. Cruz, Manila noong ika-19 ng Hunyo taong 2002, at kasakuluyang naninirahan sa bayan ng Alfonso sa lalawigan ng Cavite. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng kursong Civil Engineering sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos nang may karangalan noong elementarya at sekondarya, isang paboritong gawain ni Niña ang pagsusulat ng mga tula at maikling kuwento. Sa kasalukuyan ay kasapi siya ng isang organisasyong tagapagbalita sa unibersidad na kilala bilang PUP Campus Journalist. Kabilang din siya sa President Listers ng unibersidad noong nakaraang dalawang semestre.
Si HAROLD LEMON TUBIANO ay isang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines- Sta. Mesa at nasa ikatlong taon sa kursong Bachelor of Arts in Broadcasting. Bilang kasalukuyang sekretarya ng Viva Voce COC, isang organisasyon sa aspeto ng public speaking, siya ay isang mananalumpati sa maraming larangan at naging kinatawan na rin ng Kolehiyo ng Komunikasyon at Unibersidad sa iba't ibang mga patimpalak. Bukod dito, nahihilig rin siya sa pagsusulat, pagbabalita, at paglikha ng mga pelikula.
Si CHESKA MIA ROSAL ay isang estudyante ng kursong Bachelor of Arts in Broadcasting sa Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa, Manila. Siya ay isang kabataan, youth advocate at studentjournalist na minsan nang kinilala bilang pinakamahusay sa pagsulat ng iskrip noong 2018. Higit sa lahat, siya ay isang manunula at manunulat ng mga akdang ikinatha nang maypuso.
Si JOHN PAUL AUGUST MALDO ay kasalukuyang ipinagpapatuloy ang Bachelor of Science in Information Technology sa Polytechnic University of the Philippines. Siya ay papasok na sa ikawalang taon nito sa kolehiyo. Siya ay labing-siyam na taong gulang at ito ang kaniyang kaunaunahang isinulat na dagli. Bagaman hindi siya dalubhasa sa ganitong larangan, makakaasa ang lahat na mapabubuti nito ang kaniyang pagsusulat at gagawin ang makakaya upang patuloy pang matuto, makagawa at higit sa lahat, makatuklas.
NAMUMUKADKAD ANG MGA MIRASOL SA DAPITHAPON
PASASALAMAT
Sa unibersong ipinaranas ang samu't saring kuwento at alon na nag-udyok sa aming mamukadkad; Sa aming pamilya, kaibigan, kakilala, at kaulayaw na naging bahagi at bahagi ng aming pamumukadkad sa kasalukuyang panahon;
Sa aming tagapayo, Prop. Jomar Adaya, na walang-sawang sumuporta at buong pusong gumabay na nagsilbing aming dilig para mamukadkad;
Sa panelists ng Palihang Balaraw: Pat Baloloy, Niles Jordan Breis, Rommel Pamaos, Ansherina May Jazul, Nap Arcilla, Gerome Dela Pena, at Jaffy Fajardo na buong pusong nagbahagi ng husay at galing nang walang kapalit upang patatagin ang aming pundasyon at palalimin ang aming mga ugat;
Sa mga sumusunod na indibiduwal: Sheiyeen Villanueva, Trudeleen Sangcap, Richmond Lalu, Bryan Chan, Cielo Belle Arroco, Domingo Lazado IV, Leilani Magnolia Umali, Prop. Karen San Diego, Prop. Mayluck Malaga na hindi nag-atubiling alalayan kami sa aspektong pinansyal para aming pangarap na mailathala (mamukadkad);
Sa buong kaguruan at kawani ng Kagawaran ng Filipinolohiya at Kolehiyo ng Artes at Literatura na humubog, tumasa, at yumakap at unang naniwala sa aming kakayahang magsulat, magkwento, at mangarap;
Sa buong komunidad ng PUP na naghawan ng daan upang matagpuan namin ang aming mga sariling naglalakbay; Sa malawak na karagatan man o sa bukirin ng mirasol;
At sa iyong mambabasa na handang suungin ang mga aming danas at kwento bilang mga Mirasol. Maraming salamat!