OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG PANGASINAN TAON LXXXIII BLG. 1 Ang BAYBAY DAGAT
HUNYO-NOBYEMBRE 2016
1
Hunyo - Nobyembre 2015
‘Senior High School’, inilunsad na
Tatlong guro, pasado sa NQESH ni Jeansha Mae Viray Muling pinatunayan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan o PMPP ang pamamayagpag sa NQESH ng mga gurong kumuha ng naturang pagsusulit para maging punongguro o mapataas ang posisyon. Ang naturang NQESH o National Qualifying Exam for School Heads ay isang mekanismo sa pagpili ng mga bihasa at karapat-dapat na maging pinuno ng paaralan. Matatandaang kumuha ng pagsusulit sina G. Rockny G. Nicolas, G. Celito C. Bugarin, pawang mga guro sa asignaturang Matematika at si G. Armando Victorio, guro sa Agham at Teknolohiya, na mapalad na pumasa. Sa kasalukuyan ay nasa iba’t ibang paaralan na sila ng Division I bilang mga punongguro. Matinding review sessions ang pinagdaanan ng tatlong guro upang makapasa sa nasabing pagsusulit. Matatandaan ding nanguna sa NQESH ang dating ulong guro V ng T.L.E. na si Gng. Jocelyn Untalan at nakakuha ng 99.99% ratings. Patunay lamang ito sa matinding dedikasyon ng mga guro ng PMPP na makalikha ng mga dekalibreng punongguro.
LINGAYEN, PANGASINAN -Upang makasunod sa pambansang reporma sa edukasyon, ipinatupad na ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan sa akademikong taon 20162017 ang Senior High School (SHS), na magdaragdag ng ika-11 at ika-12 na baitang sa mataas na paaralan. Ayon sa opisyal na pahayag, ang SHS ay alinsunod sa mga pamantayan sa ilalim ng Philippine Qualification Framework at ASEAN Qualification Framework, kung saan inuuri ang antas ng kasanayan at edukasyon na kailangan bilang kwalipikasyon sa iba’t ibang trabaho. Si G. Florante S. Tamondong, kasalukuyang punongguro sa PMPP ang siya ring punongguro ng SHS
katuwang niya ang mga ulungguro ng iba’t ibang departamento sa naturang paaralan upang mas lalong mapabuti at mapaunlad ang kalidad ng SHS sa paaralan. Ayon sa punongguro, malaki ang maitutulong ng SHS sa pagiging handa ng mga magaaral na tutuloy sa kolehiyo. Pagkatapos ng dalawang taon sa SHS, ang mga mag-aaral ay inaasahang magiging mas matatag at handang handa ng suungin ang anumang hamon sa kolehiyo. Malaki ang tulong ng bagong sistema ng edukasyon sa ating bansa lalo na sa mga magulang sapagkat ang dagdag na dalawang taon sa hayskul ay libre o walang bayad sa pampublikong paaralan habang sa pribadong paaralan ay magbibigay parin ng tulong pinansyal ang gobyerno. Layunin ng PMPP na mapagtibay at mabigyan ng
sapat, maganda at dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral kaya’t puspusan ang ginawang pagsasanay at pagpili sa mga gurong nagtuturo sa SHS at ang mga makabagong gamit pangteknolohiya ang siyang sandata ng mga guro rito. Samantala may 871 bilang na mag-aaral sa SHS ang naitala ng PMPP sa taong kasalukuyan na nagmula pa sa iba’t ibang paaralan hindi lamang sa bayan ng Lingayen kundi sa buong Pangasinan. Sa bawat strand ay may naitalang bilang ng mga mag-aaral STEM, 171, GAS, 198, ABM, 168, HUMSS, 72 , TVL, 214 at 48 naman sa SPORTS. Mayroon ding 20 na bilang ng mga masisigasig at magagaling na mga guro na kasalukuyang nagtuturo sa SHS ngayong taon. Malaking tulong din ang bawat strands sa pagpili ng
espesyalisasyon ng mga magaaral na magpapatuloy sa kolehiyo. Maglalaan ang Science and Technology Engineering and Mathematics (STEM) strand ng kinakailangang academic grounding sa mga gustong kumuha ng kurso sa kolehiyo sa physical sciences, mathematics, engineering and technology. Nakadisensyo ang liberal arts education at social science strand upang mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral na naglalayong kumuha ng liberal arts (Philosophy), Literature, Communication Arts, Journalism, Education at Social Science (Sociology, History, Behavioral science, Psychology, at Asian science). Ito ang hakbang ng DepEd sa pagpapaigi ng kalidad ng basic education sa bansa. (Apple Lucinario)
PAGCOR, umagapay sa pagpapagawa ng silid sa PMPP Isa lamang ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan o PMPP ang mapalad sa humigit kumulang na 480 silid-aralan na ibinahagi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR. Mula sa kanilang tema na “Matuwid na Daan sa SilidAralan” na pinamumunuan ng Tagapangulo at Chief Executive Officer Cristino Naguiat Jr. na katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan. Sinimulan ang naturang gusali noong ika – 17 ng Disyembre 2015 at
pinondohan ito ng Php 39,547,194.45. Mayroon itong tatlong palapag at ang bawat palapag ay may 6 na silid – aralan. Ayon sa Tagapangulo na si G. Naguiat , ipinatatayo ang mga silid-aralan na ito sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng gobyerno para sa maganda at kalidad na edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Gusto nilang mapabuti ang pasilidad para sa mas produktibong pagtuturo ng mga guro at magkaroon ng magandang edukasyon ang bawat mag-aaral. Ikinatuwa naman ng mga magulang ang naturang proyekto ng PAGCOR para sa ikabubuti ng kanilang mga anak at para sa mga
“Matuwid na Daan sa Silid-Aralan”. Bagong tayong gusali sa PMPP katuwang ng PAGCOR
susunod pang henerasyon. Inaasahan naman ng PMPP mula sa pamumuno ng punong guro na si G. Florante S. Tamon-
dong na sa susunod na pasukan ay maaari na itong magamit ng mga guro at mag – aaral. (Marlon Valle)
Nag-uwi ng karangalan ang limang Senior Girl Scouts (SGS) ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan (PMPP) sa ginanap na National Chief Girl Scout Medal Scheme (CGSMS) Project, kung saan ang Awarding Ceremony ay ginanap sa Philippine International Convention Center
(PICC), Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City, Manila nitong Nobyembre 4, 2016. Tinanggap nina SGS Cindy P. Brian, SGS Djohamie Denise V. Urayan, SGS Airy Jane J. Bernardo, SGS Justine Gayle B. De Guzman, at SGS Rizza Abigail
Senior Girls Scout ng PMPP, pinarangalan
sundan
sa
pahina
...2