e-ISSN :2378-703X
Volume-07, Issue-01, pp-251-256
www.ajhssr.com
e-ISSN :2378-703X
Volume-07, Issue-01, pp-251-256
www.ajhssr.com
1(Senior High School Teacher Dr. Panfilo Castro National High School, Department of Education, Philippines)
2(Senior High School Teacher Dr. Panfilo Castro National High School, Department of Education, Philippines)
ABSTRACT:This study focuses on the linguistic situation of Candelaria, Quezon: An Analysis. Based on the data gathered from the respondents of the study, it shows that some of the terminologies of the said town in the Philippines are dying, because the new generation was not familiar with the terminologies and they were not using them in the daily conversation. It proved that in the may be in the early times, the terminologies that reflected the culture and literature of the said town will not be heard anymore.
KEYWORDS:Linguistics, Situation, Analysis, Candelaria, Quezon
Wika ang nagiging kasangkapan ng bawat isa upang magkakilanlan, mababakas din sa wika kung anong kultura at maging tradisyon ang umiiral sa isang partikular na lugar. Kasiglahan ng wika ay makikita sa mga gumagamit nito, kaya natutuwang Makita at marinig kung ang isang wika ay patuloy na ginagamit at lumaganap sa mga indibiwal na kabahagi nito.
Ayon kay Añonuevo (2020) sa kanyang sanaysay na may pamagat na Nanganagnib na wika “Wika ang artsibo ng kasaysayan, “ang turan ni Ralph Waldo Emerson, maaaring maglaho ang wika ng kasaysayan, kultura at ideolohiya at ito ay ay hanggang sa artsibo na lang mga alala na parang kisap-matang nawala. Hindi lamang mga hayop, halaman at mga pangkat ng minorya ang maaaring maglaho sa daigdig. Kundi pati na rin ang mga katutubong wika sa iba’t ibang bansa at ito ay base sa pag-aaral na isinagawa ng UNESCO, Discovery Communications, at UN Works Programme. Tinukoy nila ang mga nganganib na 18 wika at kung saan ito matatagpuan Scots Gaelic (Scotland); Saami (Sweden); Karaim (Lithuania); Istro-Romania (Croatia); Haida (Canada); Kadazandusun (Malaysia); Ainu (Japan); Sharda Script, Lepcha, at Idu Mishmi (India); Kayan Murik (Malaysia); Cucapa (Mexico); Tobas (Argentina); Naso (Panama); Itza Guatemala; ‡Khomani (Africa); Baka (Gabon); Bunuba (Australia). Ayon pa sa kanya ay hindi na natin dapat pang lumayo o lumabas ng bansa dahil dito na lamang sa Filipinas ay napakarami ng mga wika ang nanganganib Agta (Palawan at Luzon); Itawis (Cagayan); at Karao (Benguet). Mababanggit din ang Sinama, ang wika ng pangkat etnikong Sama, na ang malaking bilang ay nasa Zamboanga Peninsula, Sitangkai, at Tawi-tawi. Nakapaloob sa Sama ang tinaguriang
“Sama Laut” na kilala rin bilang “Bajaw,” “Bajau,” “Badjao,” o “Orang Bajau.” Kaanak din ng Sama ang Jama Mapun ng Isla Mapun. Napaka halaga ng wika dahil ito ay simbulo ng kultura at ng liping pinagmulan. Marahil kung wala na ang mga ito ay wala nang makakarinig mga ganitong wika sa Maynila. Matagal natin na sinisisi ang Ingles dahil sa konlonyalisasyon na dinala sa atin. At dahil ay ito rin ang kadalasngginagamit sa iba’t ibang larangan. Marahil ay kailangan na nating kumilos upang mapanatili ang iba’t ibang mga wikain sa ating bansa. Huwag tayong maniwala na ating wika ay ginagamit lamang sa mga kawalang kadahilanan. Huwag na nating asahan ang tulong ng iba’t ibang ahensiya sa pagpapanatili nito. Bagkus kailangan itong magmula sa atin. Sa bayan naman ng Candelaria, Quezon ng bansang Pilipinas, samu’t saring kultura, tradisyon at wika ang umiiral dito. Dahil ito ay bayan kung saan pinagtitibay ng panahon at binigkis ng mga paniniwala ng sinaunang Candelariahin. Ngunit kumusta na nga ba ang wikang umiiral at sinasalita rito? Ang mga minana pa ba ng bawat isang salita ay patuloy pa bang ginagamit? O ito ba ay nawala na at tunay na nakalimutan. Kaya naman ang pagaaral na ito ay isang pag-aanalisa sa wika at kultura ng nasabing bayan kung patuloy pa bana ginagamit ito o tunay na nakalimutan na ng mga makabagong Candelariahin.
Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na, Sitwasyong Pangwika ng Candelaria, Quezon: Isang Pagaanalisa, ninanais nito na matugunan ang sumusunod na katanungan: 1. Ano ang salik ng pagkakakilanlan ng mga tagasagot batay sa; edad, kasarian, at wikang ginagamit? 2. Ano ang sitwasyong pangwika ng Candelaria, Quezon batay sa: patay, binyag, kasal, gawain, at iba pang salita? 3.Batay sa mga nakuhang datos, Ano ang Implikasyon nito sa Sitwasyong Pangwika ng Candelaria, Quezon?
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Sa pagkuha ng iba’t ibang mga salita o terminolohiya, ang mananaliksik ay pumunta sa mga pinakaliblib o tagong lugar ng Candelaria Quezon, dahil batay sa isinagawa pagtatanong at rekomendasyon ng mga tao, ay nandoon ang mga matatandang tao at mga lehitimong mga taga Candelaria. Pagkatapos nito ay nagsimulang magpasagot sa mga nasabing tao ng sinusunod pa rin ang health and safety protocol. Ipinaliwanag ng mananaliksik sa mga tagasagot na ito ay may cover letter na naglalaman na anoman ang mga makukuhang datos mula sa kanila ay mananatiling pribado at nasa mabuting pangangalaga ng mananaliksik. Nang makakuha ng mga salita o terminolohiya, ito naman ay inilagay sa paraang sarbey-kwestiyuneyr kung saan ito ay pinasagutan sa mga kabataan ng nasabing lugar na bunubuo ng 50 na lalake at 50 na babae na may kabuoang 100 na mga kabataan. Gumamit ng Simple Random Sampling ang mga mananaliksik upang masigurado ang na hindi naging bais at tama ang pagpili sa mga naging tagasot. Pagkatapos makapagpasagot sa mga ito, ang mga nakuhang datos ay isinaayos at kinuwenta sa pamamagitan ng Mean at Standard Deveiation upang masukat ang kanilang pananaw kung kanila pa bang naririnig ang mga sumusunod na salita.
TALAHANAYAN 1. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa edad:
Ipinapakita ng Talahanayan 1 ang mga edad ng naging tagasagot sa pag-aaral, makikita na ang tatlumpong porsiyento 30% ay nasa edad ng 59 pababa. Tatlumpung porsiyento 30% pa rin nasa mga edad na 60-69 at sa huli, apatnapung porsiyento 40% naman ang 70 pataas ang edad. Tunay may malaking kinalaman ang edad sa pagkatuto ng wika, dahil na rin sa ang mga naging tagasagot sa pakuha ng mga salita, maaari talaga na ang kanilang ginagamit na salita ay lehitimong mga Candelariahin.
TALAHANAYAN 2. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa kasarian:
Ipinapakita lamang ng Talahanayan 2ang mga kasarian ng mga tagasagot sa pagkuha ng mga sumusunod na salita. 50% sa mga ito ay lalake at 50% din mula naman sa mga babae, maging ang kasarian ay nagpakita rin ng ambag sa pagkuha ng mga salita. Dahil maaaring ang ilang mga salita ay nagmula sa kailang naging hanap-buhay na sinasabi na may binabagayang kasarian.
TALAHANAYAN 3. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa Wikang Ginagamit:
100%
Ipinapakita lamang ng Talahanayan 3 na ang naging tagasagot sa pagkuha ng mga datos sa mga sumusunod na salita ay 100 na porsiyento na taga Candelaria, Quezon. Ito upang masigurado ng mananaliksik na ang naging laman ng sumusunod na salita na pasasagutan sa mga kabataan sa pamamagitan ng sarbey kuwestiyuneyr ay lehitimong mga salita ng nasabing bayan.
TALAHANAYAN 4. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa binyag: Mga
Pananda: 4.50-5.00 Madalas na ginagamit, 3.50-4.49 Hindi madalas na ginagamit, 2.50-3.49 Paminsan-minsan, 1.50-2.49, bahagya 1.00-1.49 Hindi na ginagamit
Ipinapakita lamang ng Talahanayan 4 ang Sitwasyong pangwika ng Candelaria, Quezon batay sa binyag. Kung saan ang indicator 2 ang may pinaka mataas na mean na 4.25 at SD na 0.64 at may interpretasyon na Hindi madalas na ginagamit. Habang ang Indicator 5 naman ang pinakamababa na mean na 3.81 at SD na 0.83 at may interpretasyon na Hindi madalas na ginagamit. Batay sa naging datos na makikita sa itaas maaring pamilyar pa rin naman ang kasalukuyang henerasyon sa mga terminolohiya sa itaas, ngunit kapansin-pansin na rin na may pagbaba na ito. Ayon kay Guia (2019), “Ang mga pagdiriwang ngayon ay itinuturing na malaki ang kontribusyon sa kultura at pag-unlad ng ekonomiya. May malaking epekto ang pagdiriwang ng pista sa pagunlad ng kultural na turismo. Ginagamit na ngayon ng mga namamahala sa kapistahan ang mga makasaysayan at kultural na mga tema upang bumuo ng mga taunang kaganapan sa makaakit ng mga bisita at lumikha ng kultural na imahe sa host city sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga pagdiriwang sa mga komunidad. Ang pagnanais para sa mga pagdiriwang at kaganapan ay hindi partikular na idinisenyo upang tugunan ang pangangailangan para sa anumang partikular na grupo. Ang pagho-host ng mga kaganapan ay madalas umunlad dahil sa turismo at ekonomiya, mga pagkakataong dagdag sa mga benepisyong panlipunan at pangkultura. Mahalaga sa isang komunidad ang pagpapaunlad ng turismo sa pamamagitan ng mga pagdiriwang.”
TALAHANAYAN 5. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa kasal:
Pananda: 4.50-5.00 Madalas na ginagamit, 3.50-4.49 Hindi madalas na ginagamit, 2.50-3.49
Paminsan-minsan, 1.50-2.49, bahagya 1.00-1.49 Hindi na ginagamit
Ipinapakita lamang ng Talahanayan 5 ang Sitwasyong pangwika ng Candelaria, Quezon batay sa kasal. Kung saan ang indicator 1 ang may pinaka mataas na mean na 3.12 at SD na 0.75 at may interpretasyon na paminsan-minsan. Habang ang Indicator 4 naman ang pinakamababa na mean na 1.14 at SD na 0.50 at may interpretasyon na Hindi na ginagamit. Kapansin-pansin sa mga datos sa itaas ay masyado nang mabababa ang ito at hindi na malabo na tuluyan na itong mawala sa sirkulasyon. Ayon kay Taruc (2016), ang kultura ay bahagi na nang ating pamumuhay, simula nang tayo ay ipinanganak ay mayroon tayong mga kulturang ginagawa at sinusunod. Nakikita ito sa iba’t ibang mga okasyon tulad na lamang ng kasal. Isang pinakamahalagang okasyon para sa mga tao ang kasal. Ang kasal ay nauugnay sa kultura dahil ito ay isang tradisyon kung saan nagkakaroon ng kasunduan ng puso, diwa, at isipan na iginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo sa pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao. Ang pamamaraan ng kasal ay nag-iiba-iba, ito ay naaayon sa kung ano ang paraan ng seremonya at ritwal na isinasagawa sa isang lipunan, ito rin ay naaayon sa kung anung klaseng kultura meron sa isang lipunan. Ang pagpapakasal din ay isa sa pinakamahalagang desisyon na gagawin ng magkasintahan. Ito ay seryosong bagay dahil sa mata ng diyos, kapag ikinasal ang dalawang tao, sila ay magiging isa at tanging kamatayan lamang ang makakapaghiwalay sa kanila. Ngunit kailangan din na maging legal ang pagpapakasal nila upang maging sa batas ay ituturing silang mag-asawa.
TALAHANAYAN 6. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa patay:
Pananda: 4.50-5.00 Madalas na ginagamit, 3.50-4.49 Hindi madalas na ginagamit, 2.50-3.49
1.50-2.49, bahagya 1.00-1.49 Hindi na ginagamit
Ipinapakita lamang ng Talahanayan 6 ang Sitwasyong Pangwika ng Candelaria, Quezon batay saatay na ang indicator 2 ang may pinakamataas na mean na 3.29 at may SD na 0.80 at may interpretasyon na Paminsan-minsan, habang indicator 4 naman ang pinakamababa na mean na mayroong 1.52 at may SD na 0.49 at may interpretasyon na Bahagya na ginagamit. Batay sa ipinakitang datos sa itaas na kapansin-pansin na masyado nang mabababa ang mga nakuhang score sa bawat indicator, kaya naman mapatutunayan nito na malampit nang hindi gamitin sa sirkulasyon ang mga naturang salita. Ayon sa pananaliksik ni Siojo (2016), mula sa panahong mayabong pa ang paniniwala sa mga superstisyon, ay mahigpit na sinusunod ang mga pamahiin na may nilalaman na iba’t ibang mga kadahilanan at mga layunin o bagay na nararapat na maiwasan. Subalit sapagkat sa pagbabago at pagiging industriyalisado ng mundo, sumasabay din ang pagbabago sa konteksto o hindi naman kaya ay sa antas ng paniniwala o pagtanggap sa mga matatandang mga paniniwala. Nagpapabago ito ng sistema ng pagpapahalaga ng mga tao at maging ng kanilang kultura. Karaniwang sinasalamin nito ang mga kaugalian, tradisyon, at gawi ng isang pangkat, na kung saan maaaring ibatay sa relihiyosong paniniwala, opinyon, luma man o popular na mga gawi. Ang mga paniniwala o pamahiin tuwing may patay ang nagsisilbing gabay at babala upang maiwasan ang kamalasan sa buhay. Nagsasaad ito ng mga dapat at hindi dapat gawin upang maiwasan ang malas sa buhay. Ang malas na tinutukoy dito ay iniuugnay sa pagkakaroon ng sakit at kamatayan. Malinaw na naipapakita dito ang likas na takot ng mga tao sa kamatayan at maging sa usapin ng kalusugan. Dahil ang mga pamahiin tungkol sa patay ay iniuugnay sa kamatayan, ang pagsunod dito ay nagiging paraan ng pangangalaga sa buhay at kalusugan ng mga namatayan at dumalaw sa patay.
TALAHANAYAN 7. Sitwasyong Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa Gawain:
Pananda: 4.50-5.00 Madalas na ginagamit, 3.50-4.49 Hindi madalas na ginagamit, 2.50-3.49 Paminsan-minsan, 1.50-2.49, bahagya 1.00-1.49 Hindi na ginagamit
Ipinapakita ng Talahanayan 7 ang Sitwasyong Pangwika ng Candelaria, Quezon batay sa Gawain, ang Indicator 5 ang may pinaka mataas na mean na 3.08 at SD na 0.87 at may interpretasyon na Bahagya na ginagamit. Samantala ang indicator 1 ang may pinaka mababa na mean na 2.08 at SD na 0.30 na may interpretasyon na Paminsan-minsan na ginagamit. Batay na rin sa ipinakitang mga datos sa itaas, muli ito ay masyadong mababa ang mean, dahil na rin marahil sa pag-usad ng makabagong henerasyon, kaya hindi nagiging pamilyar ang mga bata sa kasalukuyan. Ayon kay Dela Cruz (2011), ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maaari natin itong ituring bilang batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura, at bilang mabisang kasangkapan sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Ang wika ay hindi abstraktong nilikha ng mga nakapagaral o ng bumubuo ng diksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawain, pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang kasama. Dagdag pa, ang wika ang susi sa tagumpay ng pag-usbong ng isang lahi sa paglikha at pagpapanatili ng kultura sapagkat kung walang wika, ang kakayahan upang makabuo ng mga kaisipan at tradisyon ay hindi makatotohanan.
TALAHANAYAN 8. Sitwasyon Pangwika ng Candelaria Quezon batay sa iba pang mga Salita:
Ipinapakita lamang ng Talahanayan 8 na ang Sitwasyong Pangwika ng Candelaria, Quezon batay sa iba pang mga salita, ang indicator 7 ang may pinaka mataas na mean na 4.89 at may SD na 0.20 at may interpretasyon na Madalas na ginagamit, habang ang indicator 3 naman ang pinaka mababa na 1.01 at SD na 0.10 at may interpretasyon na Hindi na ginagamit. Batay sa mga datos sa itaas mapapansin na may ilang mga salita na tunay na masyadong mababa at nasa antas na ng hindi na ginagamit. Ito ay nakababahala nang tunay dahil sa maaaring ilang taon na lamang ay tuluyan na itong mawawala. Ayon naman sa pag-aaral ni Archibald
A. Hill, ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binibuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase ng pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang artitraryo at kontrolado ng lipunan. Kung kontrolado ng lipunan ang wika, nangangahulugan lamang ito na ang mga taong nasa iisang lipunan ang siyang nagtatakda at nagkakasundo sa mga simbolo o mga salitang gagamitin upang sila ay higit na magkaunawaan.
IV. KONGKLUSYON
Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging kongklusyon; 1.Para sa demograpikong profayl ng mga tagasagot sa pagkuha ng mga salita na ginamit sa pag-aaral batay sa edad, tunay na masasabing ang mga matatanda na lamang na mga tagaCandelaria, Quezon ang nakakagamit at nakauunawa ng mga salitang nagmula mismo sa nasabing bayan, Batay naman sa kasarian ay makikita rin na ang mga ibinigay na mga salita ay batay sa kung anong kasarian at ginagawa ng mga ito, at sa wikang ginamit, ay makikita ang kinuha lamang ng mga mananaliksik rito ay yung mga lehitimong salita na nagmula sa nasabing lugar. 2. Batay naman sa Sitwasyong Pangwika ng Candelaria, Quezon batay sa binyag, kasal, patay at Gawain, may mga mangilangilan pa rin naman na mga salita na ginagamit at nauunawaan ng mga kasalukuyang henerasyon, ngunit batay pa rin sa ipinakitang datos ay marami na sa mga salita ay sinang-ayunan na hindi na nila nauunawaan at ginagamit. 3. Kaya naman nagkaroon ito ng implikasyon na, maaaring mawala na ang mga sumusunod na salita/wika dahil na rin sa walang gumagamit na nito.
[1]. Anay, D., R. (2018). Mula sa https://idoc.pub/documents/mga-pista-sa-pilipinas-eljq15rx2541 [2]. Aragon, J. (2016). SAKRAMENTO NG KASAL. https://www.slideshare.net/Joemer25/katekesissa-sakramento-ng-kasal [3]. Arrogante, J., A. (2003). https://www.scribd.com/presentation/517637763/Ang-wika-y-mahalaganginstrumento-ng-komunikasyon-Makatutulong-sa-pagkakaroon-ng-mabungang-inter-aksiyon[4]. Avillano, L. (2013). Ang Tradisyunal na Kasalang Pilipino. Mula sa https://pin.it/3QFKeSM [5]. Dela Cruz, E. (2011). Nakuha sa https://www.academia.edu/37857689/Ano_ba_ang_kaugnayan_ng_wika_sa_kultura [6]. Guia, Jhaypee (2019). Mula sa https://www.studocu.com/ph/document/olivarez-college/elementaryeducation/mga-kontribusyon-at-epekto-ng -turismo-tungo-sa-patuloy-na-pag-unlad-ng-ekonomiya-ngbansang-pilipinas
[7]. Roberto T. Anonuevo, August 27, 2020 Nanganganib na Wika https://www.tagaloglang.com/ nangangab-na-wika
[8]. Siojo, Ron. (2016). The Philippines - Superstitions and Beliefs. Retrieved on June 2015, from http://aboutphilippines.ph/filer/Superstit ions-and-Beliefs.pdf
[9]. Taruc, Z., R. (2016). Tradisyon ng Kasal at Kaugalian. Mula sa https://tl.inditics.com/mga-tradisyonng-kasal-at-kaugalian/