Skip to main content

DAPITAN 2022: Hintayan

Page 129

SANGANDAAN ni Nikko Miguel M. Garcia

N

iyaya mo ako na magsimula muli, ituloy anuman ang ating naiwan. Maaaring ipagwalang-bahala ang iyong paanyaya tulad ng pangangati ng sugat sa paa, ng kislap ng barya sa kalsadang nilalakad pagkagaling sa trabaho.

Nakayuko, hindi malaman kung ang susunod na hakbang ay palapit o palayo sa daang patuloy na magpapatuloy kahit na hindi tanawin saanman ito patungo. F

Paano ba tayo magsisimula muli? Narito ako sa hugpungan. HINTAYAN

129


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
DAPITAN 2022: Hintayan by The Flame - Issuu