TANAWÍN

1 [pandiwa] pagmasid sa isang eksena mula sa malayo nang hindi malapitan.
2 [pangngalan] aklat-panglarawang likha ng BAJ 2-1D.
PUP College of Communication
Para sa mga tagpong madalas lamang daan-daanan, sa mga lugar na hindi naman masyadong pinapahalagahan, sa mga bagay na siguro ay pangkaraniwan, sa mga taong pamilyar ang mukha pero hindi ang kwento—para sa inyo ang librong ito. Librong tipid sa salita pero maraming mensahe. Sa pamamagitan ng paglalaro ng lente at liwanag— huminto, nakihalubilo, at nagkwento ang mga kaibigan ko mula sa BAJ 2-1D. Sinong mag-aakalang ang mga pangkaraniwang bagay at buhay pala sa paligid ang magpapatalas ng mata ng bawat isa sa amin pagdating sa pagkuha ng litrato.
Salamat sa lahat ng naging bahagi ng pagbuo ng TANAWÍN. Salamat sa lahat ng tao at kwento sa bawat litratong nakalakip dito.
Patuloy pa tayong magmasid at pumitik upang hulihin ang mga sandali sa Sta. Mesa, sa Marikina, sa Cavite, sa Bulacan, at sa kahit saan pang kasuloksulukan.
Katrina Lazarra
Creative
BAJ 2-1D
Director,
TANAWÍN
Katrina Lazarra
Creative Director
Jan Mike Cabangin
Head Layout Artist
Mary Rose Maligmat
Ghilieah Valeska Tabbada
Copy Editors
Glaciane Kelly Lacerna Graphics Designer
Aries Altavano
Jane Andes
Rejina Mae Aniano
Francesca Rose Bacordo
Shannia Angel Cabuello
Charmie Rose Cepe
Mary Grace Cortez
Aaron Ernest Cruz
Piolo Cudal
Jaycel Ines Dela Cruz
Maicah Rachel Eugenio
Charlize Andrea Fortunado
Ma. Elca Andrea Grengia
Dave Carlos Jacinto
Mikaelah Bianca Panopio
Ryan Jericho Quito
Contributors
Pagsubaybay sa mga bagay sa loob at karatigtahanan. Pagtimpla sa ilaw gamit ang ningning ng gintong araw sa pagkubli ng munting bahagi ng pangkaraniwan.
Ngitingtuladnghatidngmainit na pandesal tuwing umaga, kiliting mula sa hanging humahaplos sa pisngi tuwing nakatawa. Magbalik-tanaw sa nakaraan na siyang kanlungan ngmuntingkaligayahan.
If you’re
and you know it, say “hooray!” — Arf arf!
Ang kaligirang pumupukaw ng madalas lingid sa kamalayan. Maaaring sa paligid o kung saan mang hinahalikan ng araw. Panimula sa esensya ng pag-iral mula balat hanggang litid.
Sa tuwing naririnig ang salitang “Valenzuela,” maiisip ng ilan na ito ay isang lungsod sa Metro Manila, isang sentro ng urbanisasyon, o kaya’t marami pang iba. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, tahanan din ito ni Dr. Pio Valenzuela—isang doktor, lider, at isa sa mga Katipunero noong panahonngKastila.
Limitado ang alingawngaw. Walang naghihintayang estudyante sa tarangkahan.Walaringnagliliwaliwsadaanan.Matumaldinangmgakainan sa tapat gawa ng walang pasok. Ang tanging presensya ng mga tao sa CEA noong araw na iyon ay dahil sa sari-saring aktibidades na tatanawing masayangalaalamulasapangkaraniwanghinaharap.
Sa isang Huwebes ng gabi, sinuyod ng isang graffiti artist na si SCHIZO ang kahabaan ng pader ng C5, Quezon City. Sa isang lipunang pilit na pinatatahimik ang mga progresibong artista, layunin niyang buwagin ang kinagawiang ideya na ang ganitong uri ng sining ay isangkrimen.
Pagbalikwas sa nakasanayang pananaw at panimula ng bagong kamalayan. Tunguhin ang mundo sa labas ng kahong tanawin at sisirin ang lalim ng bawat pigura sa lente.
Tagapagdaloyngbuhayangilog.Isa itong espasyo kung saan nagtatagpong muli ang tao at kalikasan.SaksirinangilogMarikina sa bagong buhay sa pagpapayabong nggulay.Subalitkinakaharapngmga maggugulay dito ang mga hamong pangkalikasantuladngbahaatpeste, patinarinangkawalang-katiyakansa hiram na lupang ilang dekadang binubungkalan.
Mahalagang pagtibayin nating muliangpundasyonngatingmga pamanangyamansapagkatitoang nangangalaga sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Mahalagang pagtibayin nating muliangpundasyonngatingmga pamanangyamansapagkatitoang nangangalaga sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Sa kabila ng mga ibinabato sa kanya ng mga taong nais siyang hatakin pababa, isang aspeto ng kanyang katauhan ang hinding-hindi mabubuwag: wala siyang katulad.
Bilang isang transwoman, dala niya ang bigat ng mga stereotype na madalas ibato sa kanya, tulad ng “ang pagiging color guard ay para sa cisgender nababaelamang.”Ngunitsakanyangpagtangansa pagkakakilanlan, patuloy na inuukit ni Avril ang kanyang puwang sa corps sa kabila ng mga limitasyong ipinataw ng lipunan at binabaka ang nakagisnangpananawnitoukolsagenderroles.
Kung sakaling tuluyang ma-phase out ang mga tradisyunal na dyipni sa kalsada, isa lang ang nasa isip ni Manong Rolando na ngayo’y 65 taong gulang at 34 taon nang namamasada: “Wala tambay na lang kami. Hindi na kami makakasabay sa mga modernong dyip, wala kamingpambili.”
May iba tayong mga daang tatahakin para puntahan ang mga lugar na nais marating. May madadaanang mga kalsada,eskinita,otawirangilangbesesnangnapuntahan, minsanunangbesespalang,atminsanpinagmamasdanna langdahilibanaangdaankapagito’ynaparoonan.Perosa huli,kahitanongdaanpamanangnilalakaran,dinadaanan, otinatawiran,iisalangdinanglandaspauwi.
Lahat ng ito'y nagsimula sa maliliit na sandaling ikinubli sa nagmamadaling mundo. Pitik na siyang kinuha mula sa isang pangkaraniwang eksena na isinalarawan sa mga pangkaraniwang letra. Araw-araw nagagamit, minu-minutong nababanggit na sa sobrang kasanayan, ang tunay na mensahe'y nalaktawan. Ngunit sa pagtalbog ng liwanag sa lente ay siya namang paglitaw ng katotohanan.
Hango sa “Loob, Ligid, at Lalim ng Tekstong Pampanitikan” ni Galileo S. Zafra, inihahandog ng BAJ 2-1D ang aklat-panlarawang ito na isang tala ng mga munting eksplorasyon, at nagsilbing aral kung paano tanawín ang kwento sa likod ng pormang biswal tulad ng kritikal na pag-aanalisa sa mga teksto.
Gamit ang lente, ating tuntunin ang mga imahe mula sa pangkaraniwang impresyon hanggang sa mga isyung panlipunang marapat lapatan ng aksyon.
Get to know more: