kanyang upuan. Katulad ng dalawa, nanlilisk din ang mga mata niya. Nagkagulo na sa classroom. Kanya-kanya nang pulusan ang mga estudyante. Si Gemma naman ay iyak nang iyak sa sulok. Ang mga pangyayaring iyon ay nagdulot ng matinding trauma sa lahat ng mga nakasaksi. Sabi nila, sinapian ang tatlo. Hindi naman maalala ng mga estudyante ang nangyari sa kanila. Nang hiningian si Gemma ng paliwanag tungkol sa paratang sa kanya ng mga bata, sinabi niyang baka gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga mag-aaral. “Paano po ako magiging mamamatay tao?” mataray niyang sagot sa kanyang principal. Natawa na lang ang punungguro. “E.. paano nga ba? Buhay pa naman sila. Siguro nga sinapian sila ng masasamang espiritu.” Sa gilid ng mga labi ni Gemma, isang salita ang nais
niyang
pakawalan,
ngunit
hindi
niya
ito
nasambit. Mas makakabuti kung ililihim niya ang