6 Filipino
Patnugot: Maria Koreena M. Eslava
IKA-29 NG AGOSTO, 2015
Katatasan sa pagtuturo ng wikang Filipino, binigyang-diin sa pambansang kongreso Ni JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Ruth Mabanglo
Mga kuha ni ALVIN JOSEPH KASIBAN
HINAMON ng mga dalubhasa sa wikang Filipino ang mga guro na lalong pag-ibayuhin ang kanilang pagtuturo ng wikang pambansa at wikang katutubo. “Hindi tayo makakaasa na maging mahusay na mahusay ang mga mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo (mga guro) nito,” ani Ruth Mabanglo, dating propesor sa Unibersidad ng Hawaii, sa unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na idinaos sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan noong ika-5 ng Agosto. Ayon kay Mabanglo, kailangang suriin ang kakayahan ng mga guro na nagtuturo ng wikang Filipino gayundin ang mga materyales na kanilang ginagamit na nakalulumpo sa kakayahan nilang magturo at manaliksik. “Sa kasalukuyan, hindi naman makatotohanan ang mga aklat na pinagagamit sa mga estudyante. Isinulat ito ng mga awtor na ang nasa isip ay leksiyon ang tangi [nitong] layunin, upang mapadali ang gawain,” aniya. Makabubuting gamitin bilang panturo ang mga “soap opera” at pelikulang Filipino sapagkat hindi nakatuon ang mga ito sa pagtuturo kundi sa gumagamit ng wika, at makahuhubog pa ang mga ito sa pandinig ng mga mag-aaral. Batid naman ni Jimmy Fong, komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na ang papalit-palit na kurikulum ang nagpahirap sa mga gurong magturo sa wikang katutubo. “Ang pagbabaybay sa mother tongue at sa Filipino ay parehong-pareho. Ito ang sabihin ninyo sa kanila (mga mag-aaral),” ani Fong. “Maraming mag-aaral ang nawawalan ng motibasyong matututo sa wikang Filipino pagtuntong ng ika-apat na baitang dahil sa kasanayan sa wikang katutubo,” dagdag pa niya. ‘Patakarang Pangwika’ “Higit sa kawalan ng kasanayan sa pagtuturo sa wikang Filipino, nakababahala din ang kawalan ng isang unibersidad ng sarili nitong patakarang pangwika o language policy dahil nawawalan ng tiyak na tunguhin ang mga itinuturo sa magaaral,” ayon kay Prop. Prospero De Vera III, Vice President for Public Affairs ng Unibersidad ng Pilipinas.
“Mekanismo ito (patakarang pangwika) upang ang galing ng [wikang Filipino] ay umusbong at lumabas. Walang direksyon sa kaguruan, sa mga estudyante lalo nang walang nailalaang atensyon doon sa pagproduce ng knowledge products,” sabi ni De Vera sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon kay Roberto Ampil, tagapangulo ng Departamento ng Filipino, ang patakarang pangwika ang siyang nagtatakda kung anong wika ang dapat gamitin—Ingles o Filipino—sa larang ng pananaliksik, paguturo sa klase, maging sa pag-uusap sa isang pulong o sa mga magulang hanggang sa mga sertipiko at palatandaan. “Ang patakarang pangwika ang nagbibigay sa atin ng identidad kung ang institusyon ba ay maka-Ingles o maka-Filipino,” sabi ni Ampil sa isang panayam sa Varsitarian. “At malinaw na ang Unibersidad ay walang patakarang pangwika.” Sa kaso ng UST, naisasantabi ang mga proyektong nagsusulong sa wikang Filipino lalo na sa pananaliksik at paggamit nito sa iba’t ibang disiplina dahil sa kawalan ng patakarang pangwika. Dagdag pa rito, hindi napalalakas ang wikang Filipino at ang kursong kaugnay nito, tulad ng Bachelor of Science in Education Major in Filipino, patungo sa pagkakaroon ng Masteral at Doktorado na programa, ayon kay G. Jonathan Geronimo, guro ng Filipino sa College of Commerce and Business Administration. “Kung may malinaw na polisiya, madaling masusuportahan ang ganitong mga simulain (proyekto) sa pagtuturo gamit ‘yung Filipino sa teknikal na disiplina at gayon din ang pangangailangan sa lumalakas na pananaliksik sa larangan ng Filipino sa UST,” ani Geronimo sa isang panayam sa Varsitarian. “Gusto natin maging premiere university sa pananaliksik [ngunit hindi tayo] makapagsagawa ng pananaliksik dahil ang inaakala natin ay dapat sa Ingles lang ito gayong ang daming oportunidad at pagkakataon para sa Filipino – galugarin at magsagawa ng pananaliksik sa wikang Filipino bilang midyum,” ani Ampil. Sa mahigit apat na dekada ng Unibersidad, hindi ito nagkaroon ng sariling patakarang pangwika. Taong 1938 nang itinaguyod ni Jose Villa Panganiban, nagtatag ng Varsitarian, ang Departamento ng Tagalog upang isulong ang
Roberto Añonuevo
Jimmy Fong
Wika PAHINA 3 Virgilio Almario
Usapang Uste
Editoryal
Diwa ng Kabataan
MULA SA PAHINA 4
Ni BERNADETTE A. PAMINTUAN NOON pa man, kayunin na ng Unibersidad ang palawakin at paunlarin ang kaalaman at wastong paggamit ng wikang pambansa kung kaya't isang kapisanan ang itinatag ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Edukasyon noong Agosto 1947. “Diwa ng Kabataan” ang naging tawag sa naturang samahan sapagkat pangunahing adhikain nito ang buksan ang kamalayan ng mga Tomasino sa kagandahan at kahalagahan ng Wikang Filipino. Kinabilangan ito noon ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Education Major in Filipino. Si Jose Villa Panganiban, isang lengguwista’t unang tagapangulo
ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad, ang naging unang tagapayo nito samantalang si Emiliano Rico Silverio naman ang unang nahalal na pangulo. Magugunitang si Panganiban din ang itinuturing na tagapagtatag o “Ama ng Varsitarian” dahil pinangunahan niya ang pagkakatatag ng pahayagan noong 1928. Setyembre 1947 nang ipagdiwang ang tinaguriang pista ng Diwa ng Kabataan na dinaluhan naman ng mga mananagalog. Idinaos ang animo’y kapihan ng mga tanyag na mambabalarila at mga bantog na pangalan sa larangan ng panitikang Filipino. Nagkaroon ng tulaan at awitan, tampok ang mga lathala ng mga manunulat. Sa pagtitipon ding ito pinagkasunduang gawaran ang ilang miyembro bilang Mutya ng Pagtitipon, Mutya ng Inang Wika at Mutya ng Diwa ng Kabataan. Isang buwan makalipas ang pista, ginawaran ng kapisanan sa Caloocan ang ilang manunulat sa Filipino. Nilahukan ito nina Lope K.
Santos, Dionisio San Agustin, Nemesio Caravana at marami pang ibang peryodista sa iba’t ibang pahayagan at magasin. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng mga samahang pampanitikan sa Unibersidad, tulad ng UST Panulat, Tanggol Wika at marami pang iba, ang mga layunin at gampanin na sinimulan ng Diwa ng Kabataan. Layon nila na imulat ang kamalayan ng mga Tomasino sa pambansang wika at bigyan ng panibagong sigla ang paggamit nito. Katuwang ang mga guro, mga mag-aaral at mga nagpapakadalubhasa sa wika, inaasahang mas magiging malaki ang maiaambag ng Unibersidad sa pagyabong ng Filipino sa mga henerasiyong darating.
unang organisasiyon sa Filipinas na kumakalinga at nagbibigay ng edukasiyon sa mga hearingimpaired. Naitatag ito bilang pagalala sa kaniyang namayapang anak. Tinutulungan ng nasabing nonprofit foundation ang mga batang may kapansanan sa pandinig at pagsasalita. Napamahal na kay Buhay at magiliw siyang tinatawag na “Teacher Mom” ng mga batang kaniyang natulungan. Dagdag pa rito, naging kaunaunahang tagapangulo ng Speech Department ng Unibersidad si Buhay, at nagsilbi bilang speech therapist sa Manila Hearing Aid Center at sa Apolinario Mabini Rehabilitation Center na nasa loob mismo ng UST Hospital. Walang pag-iimbot na ibinahagi ni Buhay ang kaniyang kaalaman at ginamit ito upang makatulong sa kaniyang kapuwa. Bukod sa pagiging isang alagad ng agham panrehabilitasiyon, isa rin siyang prominenteng may-akda at respetadong akademiko. Pinarangalan siyang “Most Exalted Sister” ng Phi Lambda Sigma Sorority at ng iba pang samahan kagaya ng Honorary Society for Women in Speech in America at Quota International, Inc.
Tomasino Siya Dugong Tomasino ang nananalaytay sa isang tanyag na speech therapist na ginugol ang buhay sa paglilingkod at pagaaruga sa mga may kapansanan sa pagsasalita at pandinig. Nagtapos ng kursong AB Philosophy sa Faculty of Philosophy and Letters (ngayon Arts and Letters) si Leticia Nietes-Buhay noong 1952 at nagpakadalubhasa sa larangan ng Speech Therapy sa Unibersidad ng Illinois sa Estados Tomasalitaan Unidos. Upasala (PNG) - paghamak sa Taong 1987 nang itatag kapuwa; panlalait; pagmumura niya ang Maria Lena Buhay Memorial Foundation, Inc. at Usapang Uste PAHINA 10 nagsilbing direktor nito. Ito ang
global. Tinatayang sa susunod na hererasyon, ang magiging presidente ng Estados Unidos ay Kastila ang unang wika. Maging ang mga Koreano, Hapon at Sino ay nag-aaral ng Kastila para lalong mapatingkad ang kanilang komersiyo. Bukod sa pagiging bahagi ng araw-araw na buhay ang paggamit sa wikang Ingles at Kastila, ang kasanayan sa paggamit ng mga ito ay nagbibigay ng potensiyal sa mga Filipinong umangat sa labas ng bansa. Pinapatunayan ito ng iba’t ibang pandaigdigang enkuwesta o panlipunang pagsisiyasat na pumapalo mula sa ikatlo hanggang sa ika-anim na puwesto ang Filipinas bilang bansang may pinakamalaking English-speaking population. Sa kabila nito, nakababahala na marami pa rin sa mga Filipino, kahit na mga nakapagtapos na sa kolehiyo, ang hirap sa pakikipagtalastasan gamit ang mga pandaigdigang wika, lalo na sa Ingles, kung saan ang mga naunang henerasiyon ay garil na. Lalo pang nakababahala na hindi na pinagyaman ng Filipino ang Kastila, na tulad ng Ingles ay isang "global language." Hindi rin kaaya-aya para sa tinaguriang pangalawa sa mga pinakamalaking “business process outsourcing (BPO) country” ang resulta na isang pag-aaral ng IT & Business Process Association of the Philippines na walo hanggang 10 porsiyento lamang ang hiring rate na naitatala sa Filipinas dahil sa kakulangan sa kasanayan, lalo na sa paggamit ng wikang Ingles. Marami ang nakakapagsalita ng Ingles, ngunit sa hindi tamang paraan—kulang ang kaalaman sa paggamit ng tamang balarila at hindi pulido ang pagbuo ng mga pangungusap. Samantala, maaari sanang mapalawig ang lakas ng Filipinas sa BPO kung marunong lamanag mag-Kastila ang Filipino dahil maging ang mga malalaking kumpanya sa Estados Unidos at sa Kanluran ay nangangailangan ng Editoryal PAHINA 10