Skip to main content

The Varsitarian P.Y. 2017-2018 Issue 04

Page 8

8 Filipino

IKA-29 NG NOBYEMBRE, 2017

Patnugot: Jolau V. Ocampo

Higit sa ‘po’ at ‘opo’ ang paggalang —kawani ng KWF SA PAGDIRIWANG ng Filipino Values Month ngayong Nobyembre, nais palawakin ni Jerry Gracio, manunulat at komisyoner para sa mga wika ng SamarLeyte sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang pananaw ng mga Filipino ukol sa paggalang sa mga kultura ng bansa. “Dapat nating tingnan na ang Filipino ay multicultural. Halimbawa, iyong simbolo ng paggalang sa paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ ay hindi totoo sa lahat ng ethnic groups natin,” ani Gracio sa isang panayam sa Varsitarian. Binigay niyang halimbawa ang mga Ilokano at ang mga Bisaya na hindi tunay na gumagamit ng mga nabanggit na salita sapagkat walang katumbas ang mga ito sa kanilang taal na wika. Ginagamit lamang nila ang mga ito sa Maynila upang makipagsabayan sa nakasanayang paraan ng pakikipag-usap dito. “Malaking problema na lagi tayong nag-iisip mula sa capital o sa Maynila. Ang tingin natin, kung ano ang tatak ng pagiging magalang ng mga Tagalog, iyon din ang values na dapat taglayin ng ibang mga pangkat,” dagdag pa niya. Iginiit ni Gracio na sapagkat hindi nakasanayang gumamit ng “po” at “opo” ng ibang mga pangkat bukod sa mga Tagalog, maaaring isipin ng mga taga-Maynila na hindi sila magalang sa pakikipag-usap. “Kung gumagamit ka ng Bisaya, halimbawa, magalang ka pa rin kahit

walang ‘po’ at ‘opo.’ Ibig sabihin lang, iyong paghahayag ng paggalang ay may iba’t ibang pamamaraan sa iba’t iba nating mga lugar,” wika niya. Giit ni Gracio, bagaman walang tiyak na katumbas ang mga nabanggit na salita sa kabisayaan, ipinapakita nila ang pagbibigay-galang sa pamamagitan ng paglalakip ng m g a angkop n a

Luma at bagong ortograpiyang Filipino, kabilang sa Filipino Spell Checker BANAS ka ba sa Microsoft Word tuwing nagkakaroon ng kulay-pulang linya sa ibaba ng mga salita sa wikang Filipino, dahil hindi ito naka-programa sa popular na wordprocessing software? Huwag mayamot dahil ang ortograpiyang ginamit nina Rizal, Bonifacio, at iba pang mga bayaning manunulat ay ilulunsad na “Filipino Spell Checker” sa susunod na taon sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Humigit-kumulang 60 milyong mga salita mula sa iba’t ibang wika sa Filipinas ang nakapaloob sa Filipino Spell Checker. “‘Yung corpus collection ay hindi naman namin nililimitahan sa mga corpus na nakukuha o nilathala o n l i n e . ‘Yung mga ganoong

document kinokolekta pa rin namin siya, lalo na ‘yung mga article ni Bonifacio, ni Rizal, so kailangan pa rin natin silang tingnan,” wika ni Jeslie del Ayre, mananaliksik sa wika sa KWF. Binigyang diin ni Ayre ang kahalagahan ng teknolohiya sa modernong paggamit ng wikang Filipino. “Marapat lamang na magkaroon din ng ibang paraan gamit ang teknolohiya para naman sa modernong paggamit ng Filipino,” aniya. Taong 2016 nang simulan ang pagbuo ng nabanggit na software sa pamamagitan ng pagbuo ng mga rule pattern na nakabatay sa Ortograpiyang Pambansa na inilathala ng komisyon noong 2013. Nagkaroon ng pilot-testing sa tanggapan ng KWF ngunit patuloy pa rin ang ilang kawani ng komisyon sa pagsasanay sa software at pagsasayos sa mga kakulangan nito. Dagdag pa ni John Enrico Torralba, pinuno ng sangay ng edukasiyon at networking sa KWF, sa mga pormal na sulatin mas malilinang ang paggamit ng nabanggit na software. ERMA R. EDERA

tawag sa mga nakatatanda. “Mayroong tawag sa mga nakatatanda, halimbawa, ang ‘manong’ at ‘manang.’ Katumbas iyon ng ‘kuya’ at ‘ate,’” wika niya. Halagahan sa pamamagitan ng mga kilos Samantala, iminungkahi naman ni Gracio na bagaman hindi magkakatulad ang mga paraan ng halagahan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, nagkakasundo naman ang mga ito sa pamamagitan ng pagkilos tulad ng pagmamano. “Karamihan sa mga Pinoy ay nagmamano. Sa urban areas, napalitan na ito ng pagbeso. Kaya nagbabago iyong pamamaraan ng pagpapakita ng value o h a l a g a h a n ,” aniya.

Binanggit din ni Gracio ang hindi pagsagot nang pabalang sa mga nakatatanda bilang isa sa mga katangian na karaniwan sa lahat ng mga pangkat at rehiyon sa Filipinas. Aniya, paraan ito ng pagtanggap na higit na malawak ang kaalaman ng mga nakatatanda kumpara sa mga nakababata sapagkat mas marami nang napagdaanan sa buhay ang mga ito. “Kahit na wala kang ‘po’ at ‘opo’ sa Bisaya, hindi mo sasagutin nang pabalang ang mga tao. Iyon ay nagpapakita ng paggalang bilang bata ka pa at siya ay matanda at alam mong mas maraming wisdom na ang na-accumulate nito kompara sa iyo,” paliwanag ni Gracio. Higit pa sa pagbibigay-galang sa pamamagitan ng pananalita at sa pangaraw-araw na kilos sa paligid ng mga nakatatanda at sa awtoridad, binigyang-diin ni Gracio na may mga katangian ang mga Filipino na kinakailangan nilang paigtingin. “Mas kailangan nating paigtingin ang pagdadamayan, pakikipagkapuwa, o baka kailangan nga nating paigtingin iyong paggalang sa kapuwa sa kasalukuyan,” wika niya. “Sa kabuuan, ang tingin ko ay hindi nasusukat sa salita lamang ang paggalang, nasusukat ito sa actions o sa gawa. Iyong paggalang ay nasusukat sa iba pang values tulad ng pakikipagkapuwa at pagdamay. Kasi kung mayroon kang paggalang, mayroon ka rin pagdamay.” WINONA S. SADIA

Usapang Uste

Monumento para sa mga nasawi noong digmaan Ni CHRIS V. GAMOSO

ALAM ba ninyong mayroong mungkahi noon sa pagpapatayo ng monumento bilang pag-alala sa mga Tomasinong namayapa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Pinangunahan ng UST Post, isang asosasiyon ng mga dating mag-aaral ng Unibersidad, ang pagtatayo noong 1949 batay sa ulat ng Varsitarian. Ginamit dito ang disenyong ginawa ng Dekano ng Kolehiyo ng Arkitektura na si Antonio Rocha. Hindi naman pinangalanan ang mga Tomasinong pinaglalaanan ng monumento. Ayon sa ulat, nagkakahalaga ng humigit-kumulang dalawang libong piso ang monumento. Nabuo ito sa pamamagitan ng boluntaryong pamimigay ng kontribusiyon. Naglaan ang mga dating mag-aaral sa Unibersidad ng tatlo hanggang 10 piso bawat isa. Nagbigay naman ng ambag ang mga kasapi ng fakultad kung saan nabibilang ang pangulo ng UST Post at propesor sa Kolehiyo ng Medisina na si Basilio Valdes. Nakipag-ugnayan ang asosasiyon sa Central Board of Students at iba pang mga organisasyon sa ikatatagumpay ng gawain. Inilahad din ng Secretary General noon na si Padre Francisco Villacorta, O.P. ang pakikipagtulungan ng administrasiyon sa mga nag-ayos nito. Subalit sa kabila ng mga plano at inambag ng mga Tomasino, hindi natuloy ang pagsasagawa ng nasabing proyekto. Tomasino siya Ang kontribusiyon at dedikasiyon sa Simbahang Katolika ang nagpapatunay na karapat-dapat parangalan bilang

Outstanding Thomasian si Arsobispo Bernardito Auza. Nakuha ni Arsobispo Auza ang kaniyang Licentiate in Philosophy noong 1981 at Licentiate in Theology, master’s degree sa Education noong 1986 sa Unibersidad. Inordina naman siya noong Hunyo 29, 1985. Nagtapos siya ng Doktorado sa Sacred Theology noong 1990 at Licentiate in Canon Law noong 1989 sa Pontifical University of St. Thomas (Angelicum) sa Roma. Nakumbinsi siyang pumasok sa Pontifical Ecclesiastical Academy (Vatican Diplomatic School). Dito niya nakuha ang diploma para sa Holy See Foreign Service noong 1990. Kasalukuyan siyang umuupo bilang Permanent Observer of the Holy See to the United Nations sa New York at Permanent Observer of the Holy See to the Organization of American States sa Washington, D.C. Si Arsobispo Auza rin ang Titular Bishop of Suacia, Apostolic Nuncio to Haiti, at Co-Consecrated Bishop sa Saint Peter’s Basilica sa Vatican. Tomasalitaan kulukutí (png.) maliliit na paninda na karaniwang makikita sa maliliit na tindahan. Hal. Sa Filipinas lang nakikita ang mga tingi-tingi maging ang mga kulukutí na tila palamuti. Mga Sanggunian: The Varsitarian TOTAL Awards 2016 UP Diksiyonaryong Filipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook