Skip to main content

The Varsitarian P.Y. 2015-2016 Issue 02

Page 11

Patnugot: Maria Koreena M. Eslava

Filipino 11

IKA-26 NG SETYEMBRE, 2015

Suliraning pampanitikan, tinalakay sa Asean Literary Symposium Nina JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS at BERNADETTE A. PAMINTUAN KAWALAN ng suporta sa pagsasalin at kakulangan sa pondo ang ilan sa mga pangunahing suliranin sa panitikan ng mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (Asean), ayon sa mga iskolar at mga propesor na dumalo sa Asean Literary Symposium sa Ateneo de Manila University mula ika-26 hanggang ika-28 ng Agosto. “We love [the] English and American

Usapang Uste MULA PAHINA 2

Nakalulumbay isipin ani Brillantes na maraming magagaling na manunulat ang tumitigil sa pagsulat bunsod ng kawalan ng sapat na suporta mula sa mga kinauukulan kaya iminungkahi niya ang pagbibigay ng Unibersidad ng kaukulang benepisyo tulad ng scholarships, subsidies o travel grants. Isang sagradong uri ng panitikan ang Katolikong panitikan. Binubuo ito ng mga simbolong kumakatawan sa mga katotohanang tanging pananampalataya lamang ang makapagpapaliwanag. Kaugnay nito, ang mga tema ng Katolikong pagsulat ay umiikot sa kabutihan at kasamaan, biyaya’t kasalanan, buhay na walang hanggan at pagdurusa sa impiyerno, at marami pang iba. Datapwat isang Kristiyanong bansa ang Filipinas, aminado si Brillantes na mahirap makamtan ang mahusay na Katolikong panitikan at epektibong Katolikong pagsulat kaya nangangailangan pa ang mga manunulat ang matimtimang pagsasanay at mahabang panahon. Patuloy na pinupunan ng Simbahang Katolika ang mga pahina ng ating kasaysayan. Batid ni Brillantes na marami pa itong pagsubok na susuungin. Aniya, ito ang dapat pangalagaan at ipaglaban ng mga kabataang manunulat. Tomasino siya Tampok ang natatanging talento ng isang arkitektong Tomasino sa iba’t ibang proyektong panlungsod tulad ng Tourism Master Plan of Metro Manila at Urban Renewal Tourism Master Plan for the City of Manila, na kapuwa inilatag upang masolusyunan ang iba’t ibang suliranin at maibalik ang kagandahan ng mga lansangan ng Kamaynilaan. Taglay ang kaniyang mga karanasan mula sa Canada, Estados Unidos at Filipinas, magiliw na nagsisilbi sa iba’t ibang lungsod ang arkitektong si Jose Ramon Carunungan upang pagbutihin ang disenyo ng mga

writers so much, we don’t know anything about our [Southeast Asian] neighbors. It’s always about translation,” ani Prop. Nor Faridah Binti Abdul Manaf ng International Islamic University Malaysia sa unang araw ng symposium. Ani Manaf, ang kawalan ng pagtangkilik at pagsasalin ng mga akda mula sa rehiyong Asean ay sanhi ng kanluraning pag-iisip, o mataas na pagtingin sa mga akda ng kanluran. “We are so busy understanding our own identity as Indonesian[s] and have no time to look at our neighbors,” pagsang-ayon ni Prop. Melani Budianta ng Universitas Indonesia. Binigyang-diin ng dalawang propesor ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang maaaring mag-ugnay sa bawat miyembro ng rehiyong Asean. “If we want to work as a group then there should be a unifying language. We [must] take the effort of learning [ for example] Tagalog and Malay,” ani Manaf. L i b a n sa kawalan ng wikang makapag-uugnay sa bawat bansa sa Asean, problema rin ang kawalan ng matatag na wikang pambansa sa kani-kaniyang bayan, ayon kay Prop. Loh Chin Ee ng Nanyang

komunidad at palakasin ang turismo sa mga ito. Taong 1984 nang magtapos ng BS Architecture sa UST si Carunungan bago siya kumuha ng Civil Engineering sa California. Ilang taon ang kaniyang ginugol sa Amerika bago siya bumalik sa bansa noong 2002 upang kumuha ng panibagong degree sa Urban Planning sa Unibersidad ng Pilpinas. May espesyalisasiyon siya sa larangan ng planning, architectural design at project management. Ilan lamang ang City of Valenzuela Government Center, Azure Residential Resort at Jaro Estates sa mga proyektong pinaglaanan niya ng panahon. Katuwang ang kaniyang maybahay, isa ring arkitekto, nagtayo si Carunungan ng isang architectural firm na kinabibilangan ng mga premyadong arkitekto, interior designer at urban planner sa Filipinas. Sa kasalukuyan, nakapagdisenyo na sila ng mahigit-kumulang 100,000 ektaryang lupain kabilang na ang ilang nasa labas ng bansa. Layunin ni Carunungan at ng kaniyang mga kasamahan ang pagandahin at isaayos ang urbanidad sa loob at labas ng bansa habang pinangangalagaan ang kalikasan. “Good work becomes a legacy,” ayon sa website ng kaniyang architectural firm. “Lead by example, be sensitive to the needs of the client [and] be a solution-finder.” BERNADETTE A. PAMINTUAN

Tomasalitaan Halop (PNG)—sa sinaunang lipunang Bisaya, tubog sa ginto na takip sa ngipin Hal.: Naaalala ko pa ang sinaunang kuwentong-bayan tungkol sa mahiwagang halop na kumikinang sa bibig ng isang matandang lalaki. Mga Sanggunian: The Varsitarian: Tomo XXX Blg. 12, Enero 1959 2014 TOTAL Awards Souvenir Program. Jose Ramon P. Carunungan. Nakuha mula sa carunungan-partners.com/

Technological University Singapore. “We promote the ‘Speak Good English’ movement where we encourage everyone to use standard English. Singlish (pinaghalong Singaporean at Ingles) is not encouraged to be used in school,” ani Chin Ee. Dagdag pa niya, dahil sa mabilis na pag-unlad ng bansa, ginigiba ang mga institusiyong pangkasaysayan upang palitan ng mga istrukturang pangtransportasiyon na pangunahing dahilan kung kaya’t nalilimutan ng mga kabataan ang kanilang panitikan at kasaysayan. Sang-ayon si Budianta na nagkikibitbalikat ang pamahalaan sa larangan ng panitikan na nahahayaan na lamang mabulok ang mga sinaunang manuskrito sa Indonesia na nakasulat sa Arabic, Javanese at Malay, dahil sa kawalan ng sapat na pondo. Binigyang-pansin din ni Budianta ang katatasan ng mga akdang isinusulat sapagkat sa kaniyang bansa, unti-unti nang nawawala ang kahalagahan ng pagsusuri sa mga akda o pagkakaroon ng literary criticism na nagtatakda at nagsusuri ng mga natatanging akda sa isang bansa. “There’s no quality writing anymore. It has been a concern [in our country because there’s] very little literary criticism nowadays,” aniya. “We scholars focus only on research and teaching. Nobody wants to do literary criticism anymore.” Isa ring suliranin ng mga bansang Asean—partikular na ng Pilipinas—ang kawalan ng interes sa mga kurso ng sining at panitikan dahil mas binibigyang pansin ang kulturang popular at mga araling ekonomiko at teknikal, ayon kay Prop. Michael Coroza, convenor ng symposium. “Only few parents want to support their children’s love for arts and literature because they don’t find it practical compared to technical courses like engineering,” ani Chin Ee.

Pagsasalin Dismayado ang mga Filipinong delegado sa kultura ng pagsasalin sa bansa kung saan nauuwi lamang sa mga textbook ang mga isinaling akda sa Filipino, imbes na naililimbag nang maayos at napababantog sa mga Filipinong mambabasa. Idiniin ni Mario Miclat, propesor ng Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas at isang ring tagapagsalin, na ang pagtingin sa wikang Filipino bilang isang mas nakabababang wika kumpara sa Ingles ang ugat ng suliranin sa ating kulturang pampanitikan. “Filipinos would not admit that they read Filipino literature,” aniya. Dagdag pa niya, hindi lamang dapat mga akda sa Ingles ang isinasalin sa wikang Filipino kung hindi pati na rin ang mga akda ng mga karatig-bayan sa Asya na nasa wikang Indones, Lao o Malay. Iginiit naman ni Danilo Francisco M. Reyes, assistant professor sa Department of English ng School of Humanities ng Ateneo, na nararapat parangalan ang mga Filipinong iskolar na nagsasalin ng mga akdang banyaga sa wikang Filipino at suportahan ng pamahalaan ang kanilang mga adhikain. “We should reward translators and scholars. We should also protect them from piracies and unjust appropriations,” ani Reyes. Layon ng tatlong araw na pagpupulong na makalikha ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa Asean kung saan maaaring magbahaginan ng kani-kaniyang panitikan. Isa sa mga hakbangin ng simposiyum ang pagkakaroon ng cross-translation project kung saan isasalin sa wikang Filipino at gagamitin sa pagtuturo ang mga akda ng iba pang bansa sa Asean. Anim lamang sa sampung bansa sa Asean ang may kinatawan sa tatlong araw na pagpupulong: Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Laos at Filipinas.

Tomasino kinilala sa paggamit ng wikang Filipino sa Pilosopiya KINILALA ang ambag ng dalawang Tomasino sa wikang Filipino sa kani-kanilang larangan sa nagdaang Buwan ng Wikang Pambansa. Iginawad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kay Prop. Florentino Timbreza, propesor ng UST Graduate School, ang “Gawad Dangal ng Wikang Filipino” para sa kaniyang kontribusiyon sa pagpapaunlad ng wikang Filipino at larangan ng Pilosopiya, noong ika-19 ng Agosto sa Sulo Riviera Hotel, Lungsod Quezon. Ipinagkakaloob ang parangal sa mga piling indibidwal na may angking kontribusiyon sa pagpapaangat ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at dominyo ng kapangyarihan, ayon sa KWF. “[Binibigyang] pagpapahalaga nito (Gawad Dangal ng Wikang Filipino) ang aking matagal na pagsisikap at pagpupursigi na mapaunlad ang wikang Filipino,” ani Timbreza sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon sa KWF, napayabong ni Timbreza ang larangan ng Pilosopiya sa bansa mula sa kaniyang pandoktoradong disertasiyon hanggang sa ngayon. “Nag-iwan ng mohon sa pambansang wika ang kaniyang doktoradong disertasiyon at yumanig sa daigdig ng Pilosopiya ang kaniyang unang aklat. Binuksan niya ang pinto sa mga katutubong kultura at malinaw na inilarawan ang hugis ng kaisipan at kaloobang Filipino,” pahayag ng KWF. Tinaguriang “Ama ng Pilosopiyang Filipino” si Timbreza dahil sa kaniyang pagpapalawig sa larangan ng Pilosopiya sa bansa, maging ang kaniyang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo. Pinakilala rin niya ang “Pilosopiyang Filipino” na nakabatay sa mga katutubong pananaw sa bansa. Sa katunayan, siya ang unang nakapagpalimbag ng aklat tungkol sa Pilosopiyang Filipino at kaakda ng kauna-unahan at nag-iisang ensiklopediya ng Pilosopiya sa bansa noong 1983. Sa kasaysayan ng edukasiyon sa Filipinas, si Timbreza ang kauna-unahang nagsulat at nagdepensa ng disertasiyon gamit ang wikang Filipino para sa kaniyang pagkadoktorado sa Pilosopiya sa Unibersidad noong 1980. Bukod sa pagiging propesor, isa ring tagasalin, kritiko at manunulat si Timbreza. Samantala ipinagkaloob naman kay Victor Emmanuel Carmelo “Vim” Nadera Jr., dating patnugot ng Varsitarian at nagtatag ng taunang parangal pampanitikan nito na Gawad Ustetika, ang prestihiyosong “Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas” para sa Tulang Filipino, kaalinsabay ang ika-41 na Kongreso ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)

noong ika-28 ng Agosto sa Ateneo de Manila University. Mula 1988, ginagawaran ng UMPIL ang mga Filipino na malaki ang naiambag sa pagpapayabong at pagpapalaganap ng panitikan sa iba't ibang kategorya at wika katulad ng Ingles, Hiligaynon, Iloko, Filipino at Cebuano. Para kay Nadera, naiiba ang gawad na ito sa mga naunang parangal na kaniyang natanggap sapagkat kinikilala nito ang lahat ng kaniyang ginawa sa talambuhay niya bilang isang manunulat. “Tinuhog nito ang lahat ng mga gantimpalang nakuha mo noon hanggang ngayon. Parang sinulid itong nagkukuwintas sa iyong sampal at halik ng mga karanasan. Ang galing nito ay galit sa ating kapuwa-manunulat,” ani Nadera sa isang email na ipinadala sa Varsitarian.

Kilala si Nadera bilang tagapasimuno ng Poetry Therapy sa bansa. Ito ang paggamit ng pagtula bilang terapiya sa mga pasyenteng may kanser at AIDS, at maging sa mga inabusong kababaihan at mga batang lansangan. Siya rin ang pinakabatang makata na hinirang na Makata ng Taon noong 1985 ng dating Surian sa Wikang Filipino (ngayon KWF). JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Timbreza

Nadera


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
The Varsitarian P.Y. 2015-2016 Issue 02 by The Varsitarian - Issuu