Ang Talon ng Tamaraw: Kapayapaan sa Bawat Patak ng Tubig
N
agsasawa ka na ba sa mainit na sikat ng araw, ihip ng hangin sa tabing dagat at maalat na tubig dagat? Isang kaaya-ayang tanawin ang bubungad sa inyong mga mata dahil sa maaliwalas na tubig na nanggagaling sa itaas ng bundok. Ang Talon ng Tamaraw na apatnaraan at dalawampu’t tatlong metro ang taas ay isang kamangha-manghang obra maestra ng Diyos sa kalikasan. Ang talon ay makikita sa tabi ng daan na sakop ng Brgy. Villaflor, Puerto Galera na malapit lamang sa Lungsod ng San Teodoro. Nagmistulang isang paraiso ang Talon ng Tamaraw dahil sa serye ng maliliit na talon bago ang huling patak ng malamig na tubig ay maka-abot sa pool na makikita sa ibaba. Ito’y magandang lugar para sa isang piknik dahil mayroong picnic area na nilaan para sa mga turistang gustong kumain at maligo. Hindi makwenta ang kaligayahan na matatamo ng isang turistang uhaw sa kalikasan at magandang tanawin kapag ang Talon ng Tamaraw ang pag-uusapan. Ang pangalan ng talon ay hango sa hayop na tamaraw o Mindoro Dwarf Buffalo (na nakabilang sa uri ng Bubalus mindorensis) na karaniwang makikita sa Oriental Mindoro. Mayroong istatwang bato ng tamaraw malapit sa talon at ito ang nagsisilbing tatak ng Talon ng Tamaraw. Ang Tamaraw ay nabibilang sa pamilyang Bovidae na katulad din sa kalabaw o Water Buffalo. May karaniwang taas na
100 hanggang 105 sentimetro ang balikat ng tamaraw, 220 sentimetro ang haba ng katawan nito at 60 sentimetro naman ang buntot. Nasa pagitan ng 200 hanggang 300 kilogramo ang timbang ng mga babaeng tamaraw. May madilim na pagkakayumanggi hanggang abuhing kulay ang mga nasa hustong gulang na mga tamaraw. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon,hindi mas mababang uri ng kalabaw ang tamaraw; mas malaki lamang ito nang kaunti. May ilang pagkakaiba ito sa kalabaw - ang tamaraw ay mas mabuhok nang kaunti, may mga maliwanag na marka sa kaniyang mukha at may mas maikling sungay na parang titik V. Unang naitala ang tamaraw noong 1888 sa pulo ng Mindoro. Sa ngayon, nanganganib na ang lahi ng tamaraw sapagkat ito’y hinuhuli ng mga mangangasong interesado sa karne nito. Kaunti na lamang ang natitirang tamaraw sa Mindoro at nasa listahan na ito sa mga endangered species sa Pilipinas. Noong 2004 nang pinatupad ang Proklamasyon Blg. 692, itinala na ang unang araw ng Oktubre bilang holiday ng mga manggagawa sa probinsya. Ito ay kasama ng Buwan ng Konserbasyon ng Tamaraw at nagpapaalala sa mga tagaMindoro ng kahalagahan ng pag-aalaga sa mga Tamaraw at ang tirahan nito. Isa itong hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng mga Tamaraw sa Mindoro. Ang kalabaw ay ang pambansang hayop ng Pilipinas, ngunit masasabing ang Tamaraw ay isa ring
Ni Jenny Castro
pambansang simbolo ng Pilipinas. Ang Tamaraw ay makikita sa isang piso noong dekada ‘80 at dekada ‘90. Ang Talon ng Tamaraw ay nagsilbing kapalit sa mga dagat sa Puerto Galera. Kahit maraming talon sa isla, ang Talon ng Tamaraw ang talagang masasabing makakabighani sa mga mata ng mga turista. Dalawampu’t limang piso bawat tao ang bayad upang makapasok sa resort na makikita sa ibaba ng tulay kung gusto ng mga bumibisita na magpahinga sa mga upuan at mesa sa ilalim habang nakikinig sa musika ng bawat patak ng tubig na nanggagaling sa talon. Mararating ang Talon ng Tamaraw sa loob ng dalawang oras kapag ika’y sumakay ng dyip patungong Brgy. Villaflor mula sa Puerto Galera o Calapan. Maaari ring marating ito kapag may pribadong sasakyan. Ang pagbisita sa Puerto Galera ay hindi makukumpleto kapag hindi mo masilayan ang kagandahan ng Talon ng Tamaraw. Walang katulad ang kagandahan ng talon. Mayroong mga murang tindang souvenir sa gilid ng daan sa tapat ng talon para sa mga dumarayong turista. Habang papalapit pa lamang, maririnig mo na agad ang tunog ng pagbagsak ng malamig na tubig ng talon sa swimming pool sa ibaba nito. Nagsusumamo ng kapayapaan sa bawat patak ng tubig mula sa itaas ng talon at tila nagsasabing mapayapa ang Puerto Galera. The Augustinian Mirror March 2009 9