UP Newsletter August 2012

Page 4

august 2012

Photos by Jun Madrid

4 U.P. Newsletter

Photos by Bong Arboleda

UPCAT 2012. Scenes during the last UPCAT at UP Diliman show the multitude of applicants and their friends and family at the Palma Hall steps, scooters helping them into buildings, and Admissions staff workers hauling test materials.

UPD Habagat relief operations.The community’s civic spirit is manifest in these photos taken last August 10, at the relief operations centers of the UP Diliman University Student Council, the College of Social Work and Community Development and the All UP Workers’ Union. The centers are located at the College of Human Kinetics Gymnasium, Bulwagang Tandang Sora and the All UP Workers’ Union office.

Groundbreaking ceremony ng UP Professional Schools, idinaos Mula sa pahina 1

Nakalaan ang kampus sa mga propesyonal na nagnanais ng mas mataas na edukasyon sa mga larangan ng komersyo, araling legal at iba pa. Ayon kay Pascual, ang UP Professional Schools ay makakatulong sa pagpapayaman ng sektor ng pagnenegosyo sa distritong ito, na hindi na kailangang maglakbay pa sa Diliman o sa Maynila. Kasama dito ang Kolehiyo ng Batas, Kolehiyo ng Inhenyeriya, Kolehiyo ng Administrasyong Pangnegosyo, Paaralan ng Estadistika at UP Open University. “Makalipas ang walong taon, magkakaroon na ng kaganapan ang isa sa aming pangarap sa UP College of Law,” ani Dekano Danilo Concepcion. Masayang ibinalita ni Concepcion na dahil sa proyektong ito, makakapagbukas na ang kolehiyo ng klaseng tinuturuan ng mga propesyonal at alumni na may opisina sa

Makati at Global City. “Sa haba po kasi ng byahe mula sa Makati hanggang Diliman, bihirang-bihira na tayo makakuha ng mga titser mula sa law alumni practitioners natin sa Makati.” Dagdag pa ni Concepcion na kapag naitayo na ang gusali ng kolehiyo, maibabalik na nila ang kanilang programang gradwado na kasalukuyang nakahinto. Pinag-aaralan din daw nilang gawing internasyonal ang kanilang mga kurso at programa upang makatanggap ng mga estudyante at abogadong banyaga na magpapakadalubhasa dito. Isa pang pinagaaralan nila ang gawing “international arbitration center” ang magiging kampus. Labis din ang naging pasasalamat ni Mayor Laarni Lopez-Cayetano ng Taguig sa proyekto. Bukod sa pagtukoy ng mga kontribusyon ng UP sa pag-unlad ng kanilang “probinsyudad,” hinahangad

ng alkalde na sa tulong UP Professional Schools, tuluyang hihirangin bilang “smart city” ang lungsod. Iginiit din ni Senador Edg ardo Angara ang kahalagahan ng mahusay na programang gradwado para sa ikauunlad ng bansa. “Isang symbol po ito ng revival and renaissance of the Philippines as the research center sana,” sabi ng senador. Kampante naman ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Jejomar Binay na sa hinaharap, ang mga natatanging iskolar ng batas sa bansa ay hindi na magmumula sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa, kundi sa UP Graduate School of Law sa Global City. Dinagdag rin ni Binay na mahalaga ang isang unibersidad dahil nagbibigay ito ng oportunidad sa mga pinakamahusay na mga isip ng panahon na makipagtalastasan sa mga ideya ng kanilang mga kauri, buhay

man o patay. Dahil dito, mahalaga daw na magkaroon ng sapat na pondo ang kampus para masuportahan ang mga iskolar, pilosopo at mananaliksik nito. Inudyok niya ang mga dumalo sa seremonya na gawin ang kanilang makakaya upang makamit ito. Ang pondo na maaaring gamitin ng kampus ay hindi raw manggagaling sa iisang donante o kontribusyon lamang: “A great part will come from many sources, in response to our own dedicated effort, individually and collectively, to find generous donors like the BCDA to make sizeable, self-renewing and long-term endowments,” ani Binay. Bukod sa mensahe ng mga natatanging panauhin, nagbaon din ang mga ito ng “time capsule” na naglalaman ng mga alaala galing sa UP Centennial, mga pahayagan, at iba pang mga opisyal na dokumento ng proyekto at ng unibersidad.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
UP Newsletter August 2012 by University of the Philippines - Issuu