10 U.P. News
january 2013
Katutubong medisina at gawing pangkalusugan ng tribong Palawan, nasa libro na
“Natutuwa akong makaabot sa isang gawain na paggawa ng libro upang ingatan ang maaaring mawalang kultura naming mga Palawan. Mapalad tayong lahat na mga katutubo na inabutan ng ganitong gawain. Isipin natin ang lupa na ginawa
Larawan mula sa UPM-IPPAO
Naiibang yamang dapat panatilihin at itaguyod, ibahagi sa iba, at ipagkapuri. Ito ang katutubong medisina at gawing pangkalusugan ng isang grupo ng katutubo sa Palawan, na tinatawag ding Palawan, na matutunghayan sa isang aklat na pinamagatang Ubat Ne Banar it Palawan: Ethnomedicine of the Palawan People of Mount Domadoway, Palawan, Philippines. Inilunsad noong Disyembre 17, 2012 sa Buenafe Auditorium, Kolehiyo ng Medisina, UP Manila (UPM), ang aklat ay dokumentasyon ng kulturang pamana ng mga katutubo ng Palawan sa kalusugan, sakit, at paghihilom at nagtatampok sa mga halamang gamot na ginagamit ng katutubong komunidad ng Mount Domadoway. Sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng aklat, sinabi ni UPM Chancellor Manuel Agulto na matutunghayan dito ang yaman ng kaugalian, paniniwala, kaisipan at pilosopiya ng mga kapatid nating Palawan sa pangangalaga ng kanilang kalusugan at sa panggagamot ng kanilang mga sakit gamit ang mga nasa paligid nilang mga halaman at iba pang handog ng kalikasan. “Salamin po ng mayamang kultura ng pamayanang Palawan ang naidokumentong kaalaman sa aklat na ating ilulunsad ngayon. Gayundin po, sa pangkabuuan, yaman din itong maituturing ng kultura ng ating bansa,” dagdag pa ni Agulto. Higit sa lahat, kinilala ang pagsisikap ng mga Palaweñong maitaguyod ang katutubong medisina sa panahong ito ng umiiral na modernong panggagamot. Sa nasabing programa, dumalo si Tito Mata, pangulo ng Mount Domadoway Foundation, Inc at nirerespetong Palawan. Narito ang bahagi ng mensahe niya sa aklat na binasa rin niya sa paglulunsad:
UP Mindanao assists...
Binabati ninaChancellor Manuel Agulto, Dean Agnes Mejia, at Dr. Isidro Sia si Tito Mata, pangulo ng Domadoway Foundation, Inc. sa pagiging tunay na may akda ng aklat, kasama ng kanyang kapwa katutubong Palawan.
ng Panginoon natin. Iyong Empo na tinatawag natin. Ginawa niya ang lupa na pinanggagalingan ng gamot na banar. Ng ating tubig at pagkain. Ng ating bahay at baro. Lupa na batayan ng ating kultura. Dapat nating ingatan ang lupa. Saan ka kukuha ng gamot kung walang lupa? Ng tubig at pagkain kung walang lupa? Marami ang gamot natin. Hindi lang isang daan. Marami tayong gamot talaga. … Ang kultura at lupa ay dapat ingatan.” Sa mensahe naman ng UP Medical Alumni Society of America (UPMASA)Delaware Valley Chapter, isinaad nilang nakatutulong ang ganitong proyekto sa ating pagkaunawa sa mga katutubong sakit at ang mga pamamaraan sa paggamot nito sa pamamagitan ng paggamit ng lokal na halaman at mga herbal na gamot. Dagdag pa nilang mahalagang maidokumento at irespeto ang mga ganitong katutubong gawing pangkalusugan at tradisyon. Sa nasabing programa, pinasamalatan ang lahat ng tao at grupong nagtulung-tulong sa pananaliksik, pagbuo, at paglilimbag para sa aklat: mga mananaliksik mula sa Kolehiyo ng Medisina, Kolehiyo ng Public
Health at National Institutes of Health na kinabibilangan nina Dr. Isidro Sia, Dr. Ma. Sandra Tempongko, Lydia Israel, Maria Gabriela Aparentado, UPMASADelaware Valley Chapter, mga katuwang sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC), at Haribon Palawan. Higit sa lahat, pinasalamatan at ipinagbunyi ang pangunahing may-akda ng aklat—ang Palawan Community of Mount Domadoway sa pangunguna ni Tito Mata. Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad sina Dekana Agnes Mejia ng Kolehiyo ng Medisina, Direktor-Heneral Dr. Jovencio Ordońa ng PITAHC, Dr. Emmanuel Besa at iba pang mga kasama sa UPMASA, at iba pang mga opisyal, guro, at kawani ng UPM.
sining, ay dinakip ng AFP sa Leyte habang nagsasagawa ng pananaliksik sa tunay na kalagayan ng mga magsasaka sa nasabing lugar. Pinagbintangan siya ng gawa-gawang kaso kasama na ang diumano ay pag-iingat ng baril at pampasabog. Napiit siya sa Kalbayog Provincial Jail ng dalawang taon. Nagkaroon ang ilang kasapi ng Unyon ng pagkakataong dalawin siya sa nasabing piitan nitong nakaraang taon. Sa tindi ng pagnanasa na makadalaw ng ilang opisyal at kasapi ng AUPWU ay hindi naging hadlang ang kawalan ng pondo. Nagambagan ang mga ito ng tig-P1,500.00 upang makalikom ng sapat na halaga na gagamitin sa transportation at iba pang pangangailangan. Isang kahanga-hangang dedikasyon ang kanilang ipinamalas. Ang nasabing pagdalaw ay pinamunuan ni Clodualdo “Buboy” Cabrera na dating Staff Regent at kasakuyang Executive Vice President ng AUPWU. Diliman Council at UPLB Council naglunsad ng Strategic Planning Sabay na nagdaos ng Strategic Planning ang UP Diliman Council at UP Los Baños para sa darating na tatlong taon. Ang stratehikong pagpaplano ay tumagal ng mahigit na dalawang araw. Nakapaloob dito ang mga programa
ng unibersidad partikular na ang mga gawaing pang-edukasyon at mga isyu na my kaugnayan sa mga kawani at makabayang Pilipino. Kasama rin dito ang pagsasanay sa mga bagong kasapi ng unyun para maging susunod na mga lider. Matatandaan na naging masigasig ang UPLB at Diliman sa sunud -sunod na paglulunsad ng pag-aaral gaya ng Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo (MPMU), Unyon at Bayan at Leadership Training. Kasama rin sa mga pagsasanay sa ilang piling miyembro ang Instructor’s Training , Writer’s Workshop, at Lakbay Aral (Basic Mass Integration) na isinasagawa nang halos tatlong beses isang taon. Ang Strategic Planning ay idinaos nitong nakaraang Enero 25, 26 at 27 ng taong kasalukuyan. Samantala, dalawa lamang ang nagharap ng kandidatura kaugnay ng pagpili ng 3rd staff Regent. Batay sa pinakahuling pahayag ng staff regent selection committee, ang dalawang kandidato ay sina Bb. Rara Ramirez ng UP Iloilo at Bb. Talaltala ng UPLB. Dahil dito ay posibleng hindi na magkaroon ng 1st round CU’s level selection na gaganapin sa Pebrero 12, 2013, samantalang ang System-wide selection naman ay gaganapin sa Marso
Para makabili ng aklat, maaaring makipag-ugnayan sa UP Medical Alumni Fund, Inc. na may teleponong 526-4255 or sa Opisina ng Dekana ng Kolehiyo ng Medisina, 526-4170, may email na dean-cm@post.upm.edu.ph. (Cynthia M. Villamor/IPPAO-UP Manila)
◄PAGE 9
Bataan, where it handed out more relief goods Majority of the barangay residents were reportedly from the Mandaya and Mansaka indigenous communities. The tribes descended from the mountains in search of assistance for their suffering families. The medicines were donated to the evacuation center under the supervision of professional health workers. The UPMin field team was composed of OECS Director Genevieve JorolanQuintero, OECS staff member Diocy Cloribel-Guilabtan, REPS Salome Sendrejas, and alumnus Ram Botero. Second truckload UPMin delivered a second truckload of relief goods to Typhoon Pablo-stricken towns in Compostela Valley province. This time the relief goods were delivered to the Municipality of Laak, where UP Mindanao’s Land Reservation is located. UP Mindanao’s core team was composed of the OECS staff led by Quintero, and staff members and REPS, former Gurong Pahinungod volunteers Michelle Panis and Michael Gatela, using a truck provided by Barangay Mintal. The team coordinated with Laak Mayor Reynaldo Navarro, a UP Los Baños alumnus. The team went directly to Barangay Kidawa, at the heart of the 2,800-hectare Laak-Veruela Land Reservation. According to Navarro, the area had been the “fruit basket” of the region with extensive acreage devoted to fruits, bananas, coconut, and palm oil. Now, a quick glance will reveal the extent of the flattened landscape. The team made its base camp in Bgy. Kidawa, where the high school initiated by UP’s Gurong Pahinungod program has been renamed Kidawa National High School. Two former Pahinungod volunteers are still connected the school. Donations came from inside and outside UP Mindanao, including other UP campuses and alumni chapters.
Balitang Unyon ◄PAGE 11
kilos protesta ay nilahukan ng Unyon mula sa UP Manila sa pamumuno ni Benjamin Santos, pangulo ng All UP Workers Union Manila Chapter, at ng UP Diliman komyuniti kasama si Arnulfo Anoos na dating pambansang tagapangulo at kasalukuyang Board of Directors ng nasabing AUPWU. Ang patuloy na pagsaspribado ng mga pampublikong ospital na siyang takbuhan ng ating mga kababayang walang kakayahang magpagamot ay mistulang pagpinid ng pintuan ng pag-asa ng lunas sa mga karamdaman. “Pagpako ito sa kabaong ng tiyak na kamatayan,” ayon sa pahayag ni G. Anoos. Ericson Acosta, malaya na S a wa k a s ay n a g d e s i s yo n a n g Department of Justice nitong nakaraang linggo lamang na dapat nang palayain ang bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta, dahil sa kawalan ng “probable cause” sa kanyang kaso. Konsistent na nagpakita ng suporta ang mga kasapi ng unyon sa lahat ng yugto ng kaso ni G. Acosta. Ang isa sa isinagawang pagkilos ay may kinalaman sa pagdinig sa kanyang kaso na naganap sa DOJ nitong nakaraang buwan ng Enero. Si Ericson Acosta, na dating estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, at isang magaling na manunulat, makata , at alagad ng
19, 2013. Rice Subsidy, may Pondo na Magandang balita para sa lahat ng miyembro ng All UP Workers Employees Union (AUPWU). Aprobado na ang pagpapalabas ng pondo para sa una at ikalawang Rice Subsidy. Ito ay naganap sa pulong ng Board of Regents (BOR) nung nakaraang Enero 24. Sa liham na ipinadala ng AUPWU sa pagbubukas ng opisina makaraan ang Bagong Taon, apat na sakong bigas ang hiningi ng union. Hiniling din ng unyon sa komite na itakda na ang pulong para sa preprocurement conference sa darating na buwan ng Marso o Abril upang mapabilis ang proseso sa bidding kaugnay pa rin ng rice subsidy. Ang buwan ng Marso at Abril ay panahon ng anihan ng palay kung kaya inaasahan na mas mababa ang halaga ng bigas. Nananatiling P1,500.00 ang presyo ng isang sako ng bigas. Minabuti na rin ng unyon at ng administrasyon na sabaynang isagawa ang bidding para sa dalawang sako upang makatipid ng salapi para sa naturang benepisyo.