UP Forum March-April 2014

Page 12

12 UP FORUM Volume 15 No. 2 March-April 2014

In Search of Common Ground

Indigenous Education and Western Academics for Biodiversity Conservation

KIM G. Quilinguing

I

n a rapidly changing world driven by technology, mass media and the effects of climate change, knowledge of biodiversity conservation has become an absolute necessity. And in their eagerness to be able to discover as well as implement various techniques in adapting to the environment, research institutions as well as academia have become more receptive to such alternative sources of expertise as the indigenous communities. In an interview with the UP Forum, San Francisco State University Professor and Cultural Conservancy President Dr. Melissa Nelson said that in recent years indigenous knowledge has become more attractive for some members of the academe, particularly those pursuing studies in biodiversity conservation, indigenous knowledge and alternative modes of governance. Nelson said that while Western education has in the past portrayed indigenous knowledge to be unscientific and often based on empirical knowledge, the advent of the recent global economic crisis, climate change and the realization of the significance

Photo from Wikicommons

of the role of indigenous communities in preserving the environment have created an enabling atmosphere for the introduction of indigenous knowledge in academic and research institutions once partial to Western education. She added that indigenous knowledge is actually essential to the understanding of a better community, particularly since it is mostly derived from humanity’s experience with the natural environment. The traditions and heritage handed down by indigenous communities from one generation to another have been the cornerstone of the continuous existence of these communities through the ages. In recent years, international organizations such as the United Nations Environment Program (UNEP), the United Nations Development Program (UNDP), the Convention for Biological Diversity (CBD) and the International Union for the Conservation of Nature (IUCN) have recognized indigenous knowledge as a very significant factor in the preservation of key biodiversity conservation areas in several countries. This recognition is exemplified in the

Katutubong Kaalaman sa Pagpapaunlad Celeste Ann Castillo Llaneta

P

ara sa mga Oromo, isang Cushitic na katutubo na naninirahan sa Ethiopia, hilagang Kenya at ilang bahagi ng Somalia, Africa, iisa ang diyos: si Waagaa o Waaqa. Ayon kay Propesor Workineh Kelbessa ng Addis Ababa University,1 si Waagaa ang “Nauna sa Lahat,” ang tagapaglikha ng mundo. Si Waaga din ang diyos ng kalangitan, at sa aspeto ng mabait na tagapangalaga at tagapagtanggol ng mga tao, si Waagaa ay kulay itim. Kwento ni Yosef Beco Dubi, isang PhD student ng Addis Ababa University na nagbahagi ng kanyang saliksik tungkol sa “Indigenous Knowledge in Oral Narratives of Oromo Society and Its Significance to Sustainable Development” sa International Seminar Workshop on Indigenous Studies noong Hunyo 2013, maitim si Waagaa dahil para sa mga Oromo, siya ang representasyon ng langit na natatakpan ng makapal na ulap—ulap na nagdadala ng ulan sa isang lugar na dumaranas ng matinding tagtuyot. Ikinabubuhay ng mga Oromo ang pagsasaka at pagpapastol. Dahil dito, malaking bahagi ng buhay nila ang kalikasan, lalo na ang damo, puno at yamang-tubig. Ayon kay Dubi, si Waagaa ay itim dahil siya ang nagdadala ng ulan. Kung walang ulan, walang damo. Kung walang damo, walang kakainin ang mga hayop. At kung walang mga hayop, walang buhay. Tulad ng karamihan ng mga katutubong tribo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, malalim ang relasyon ng Oromo sa kalikasan. Dahil dito, matagal nang pinag-aaralan ang kanilang sistemang sosyal at pulitikal, halimbawa, ang kanilang pamamahala sa yamang-tubig.2 Ngunit patuloy pa rin ang tunggalian sa pagitan ng mga modernong pamamaraan ng pag-unlad na kalimitan ay hango sa Kanlurang pag-iisip, at ang mga katutubong paniniwala at sistema ng mga katutubong etniko.3 Ang isyu ay hindi lamang tungkol sa mga katutubong etniko. Madalas ding nararanasan ito ng mga maliliit at mahihirap na komunidad sa mga rural na lugar. Habang nariyan ang pag-iisip na “us vs. them”—ang mangmang na komunidad at ang edukadong tagalabas— sagabal ito sa pagpapaunlad ng komunidad. Ngunit sa isang panayam sa UP FORUM, ipinakita ni Dr. Aleli Bawagan ng Department of Community Development ng College of Social Work and Community Development, UP Diliman, na ang ideya ng tunggalian sa pagitan ng “modernong” pamamaraan at katutubong kaalaman ay isang perspektibo lamang. Sa paggamit ng perspektibong batay sa tulungan at pantay na pagbibigay-halaga sa dalawang kaalaman, mas malaki ang maitutulong nito sa larangan ng community development. UP FORUM: Sa mga nasulat na, madalas mabasa ang mga terminong indigenous knowledge, community knowledge at local knowledge. Ano ang kai-

bahan ng tatlong ito? Ang indigenous knowledge ba ay ekslusibong ginagamit lamang para sa mga katutubo? Nakakadagdag ba ang mga terminong ito sa kaisipang nakabase sa us vs. them duality? Sa kasalukuyan, ginagamit ng mga grupong nakikipag-ugnayan sa mga katutubo ang salitang ‘indigenous knowledge systems’ bilang pangkalahatang termino para sa mga kaalaman ng mga katutubo hinggil sa kanilang ugnayan at mga praktika tungkol sa kapaligiran. Ayon sa UNESCO (2003): (the term) ‘Local and indigenous knowledge’ refers to the cumulative and complex bodies of knowledge, know-how, practices and representations that are maintained and developed by peoples with extended histories of interactions with the natural environment. These cognitive systems are part of a complex that also includes language, attachment to place, spirituality and worldview. Many different terms are used to refer to this knowledge: • traditional ecological knowledge; indigenous knowledge; local knowledge; rural peoples’/ farmers’ knowledge; ethnobiology / ethnobotany / ethnozoology; ethnoscience; folk science; and indigenous science. Lumalabas rin ang mga terminong ito sa mga usaping may kaugnayan sa sustainable development at biodiversity conservation, dahil karamihan sa mga lugar na mataas ang antas ng biodiversity ay mga kabundukan kung saan naninirahan ang mga katutubo. Kahit mga katutubo na nakatira malapit sa karagatan ay tinitingnan din ang kanilang kaalaman hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili ng mataas na antas ng biodiversity. Ngunit ang mga terminong ito ay hindi ginagamit para sa mga katutubo lamang. Kami na nasa disiplina ng pagpapaunlad ng pamayanan ay nakikita rin ito sa mga pamayanan ng mga magsasaka at mangingisda at kahit mga maralitang tagalunsod, lalo ang mga pamayanan na matagal na sa lugar na kanilang kasalukuyang tinitirhan. Sa mahabang panahon ay may nabuo na rin silang mga lokal na kaalaman na gumagabay sa kanilang mga gawaing pang-kabuhayan at pang-kapaligiran. Wala namang problema sa paggamit ng mga terminong ito patungkol sa binanggit na ‘us-them’ duality. Malinaw na ang mga termino ay nagagamit dahil sa kanila mismo nagmumula ang kaalamang iyon at iyon ay kinikilala (acknowledged) at pinapahalagahan (valued). UP FORUM: Meron bang fixed process o standard template na sinusundan sa larangan ng pagpapaunlad ng pamayanan (community development)? Paano ginagamit ang indigenous knowledge o katutubong kaalaman sa pagpapaunlad ng mga komunidad, lalo na sa mga rural na komunidad at sa mga katutubo? Maraming tao na rin ang nagsasabi na sila ay nasa disiplina ng pagpapapunlad ng pamayanan, kaya iba-iba na rin ang praktika o practice. Kung kaya wala talagang


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.