Catalog 2017 (12 8 2017)

Page 26

HUMANITIES

Peryodismo sa Bingit “Iilan ang peryodista na may control sa paghamig ng salita at ng kapangyarihan nito, lalo na sa stilong new journalism (bagong peryodismo) na nagbabadya ng ATM (at the moment) na coverage. Mula sa tradisyong pinasimulan ni Jose F. Lacaba at inilangkap sa Filipino’t inanyong personal na sanaysay ni Ricardo Lee, iniluwal ang mga akda ni Kenneth Guda: mga kwentong inetsapwera ng namamayaning midya, nananatiling napapanahon, may politikal na interes, may pinaguugatan at pinagsasangahang advokasi, kaisa ng midya at sambayanang naghahangad ng struktural na pagbabago.” —Rolando Tolentino Si Kenneth Roland A. Guda ay punong patnugot ng Pinoy Weekly. Labindalawang taon na siyang nagsusulat, nageedit, nagdidisenyo, at naglilitrato para dito. Araw / Gabi Ang librong ito ay koleksyon ng aporismong unang lumabas sa Twitter. Ginamit ng autor ang plataporma ng Twitter bilang lunsaran ng panitikang ito. Ayon sa autor, “ang aporismo ay maiikling pangungusap na direkta ang punto … at ang pangungusap na ito ay nagbibigay-distinksyon, ng pagkakaiba’t pamumukod-tangi sa ordinaryo. Ito ay isang definisyon din, ng paglalahad ng isang sintesis hinggil sa karanasan sa mundo ng makabuluhang aspekto nito … at hinggil sa sangkatauhan.” Nahahati sa Araw at Gabi ang librong ito dahil may mga aporismong pumapatungkol sa aktibidad sa Araw at mayroon ding aporismong tumutukoy sa aktibidad sa Gabi. Si Rolando B. Tolentino ay guro sa University of the Philippines Film Institute at dating dekano ng UP College of Mass Communication.

26


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.