1 minute read

Apat na Panahon

Next Article
Fall

Fall

Una, ang ngiting hatid ng tag-init.

Ang sikat ng araw na nagbibigay liwanag, sa puso kong iyong bihag.

Advertisement

Ang bughaw na himpapawid, sa sayang iyong bigay na walang patid. Pag-awit, ng mga ibong singganda ng iyong boses na nakaka akit.

Ikalawa, ang taglagas ng pagmamahal kong gusto sanang umalpas. Paghulog ng mga dahong kay bilis, agad-agad ding na alis. Hinagpis nang malaman na sa’yong ngiti’y may ibang nagpapatamis.

Paglagas ng mga dahon, gaya ng pag-ibig sana nating wagas.

Ikatlo, ang panahon ng lamig at bagyo. Kasabay ng pagbuhos ng ulan, ang pagtulo ng luha ng puso kong duguan. Kulimlim ng pagtingin na ibinabaon sa lihim; Pagbaha ng kalungkutan dahil sa sakit na nararamdaman; Pagbulong ng hangin na nagsasabing ang damdamin ay lilipas din.

Ikaapat, ang tagsibol. Ang pangako sa sarili na ititigil na ang pagmamaktol, Pagputol ng sa iyo’y patuloy na paghabol. Naghihintay ng tamang tao na sayo’y papalit; Nag-aabang ng muling pagbalik ng tag init.

53 | Paper Cuts

WRITTEN BY MARL CACHO GRAPHICS BY IVAN FERRAN

This article is from: