BALARAW: Mga Kuwento at Tulang may Talim sa Magkabilang Tabi

Page 69

O, tanaw ko pa rin naman ang buhanginan mong nilalaman At ang alat ng iyong katawan Di magnais na matikman Subalit mapilit ka Kahit pa na alam kong dulot mo lang ay pahamak. Maaakit papalapit sa kurbada ng hambog mong alon Alam mong paborito ko ang may diin mong hampas sa likod kong pagal. O, payagan mo na akong lasapin ang umaapaw mong lamang-dagat —ang ninakaw na biyaya ng mga minsang pagkakasala. Hilig ko pa rin ang maligaw sa matagal ko nang nakabisang paraiso mo. Paminsan na lamang mapasyal sa iyong teritoryo Subalit heto ka, Kung kailan lulong na sa lason mo, itutulak mo kong palayo, pabalik sa baybayin. Doon ka ligtas, wika mo. Parang di mo nakikilala ang suki mong bangkero. Ang sayaw na ito atras-abante lulukso, tuksong-tukso naniningkayad, naaagad itulak-kabigin, pagtanggi't pag-amin hanggang sa uulitin.

Mahal kita kahit ipinagbabawal pa Subalit dito lang lulutang sa mga along nag-aalinlangan ang pag-ibig at kasalanan.

-69-


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
BALARAW: Mga Kuwento at Tulang may Talim sa Magkabilang Tabi by Union of Journalists of the Philippines - UP - Issuu