Volume vii number 1 issue

Page 29

“Wala,” ‘yan ang sagot ko nang tanungin mo ako kung may nararamdaman ako para sa ‘yo. Pangahas ka naman kasi e, may syota pa kaya ako ‘non. In-love pa’ko sa kaniya. Pero sa kabila no’n, sinabi mo sa’king mas madaling hulihin ang manok na nakatali. Dina, narinig ko na ‘yan. Totoo ang kasabihan. Pero hindi ako manok. Pero nilalapitan kita ngayon. Dahil nakalas na ang dating tali at naiwan akong ligaw. Dahan-dahan, kumakalas din ang mga taong kumapit sa iyong eksena habang pinipilt mong umiyak kanina. Habang pinipiga mo ang bawat tear glands mo. To no avail. Ngayon, lungkot ang ipinipinta ng iyong mukha. Nakatungo ka pa para mas ramdam ang effect. Dina, wala nang audience, tayong dalawa na lang. Hindi ko alam kung bakit tila naghihintay ka pa kung may papatak na luha. Gusto ko sanang sabihing tapos na ang dalawang taong paghihintay. Kaya heto ako, hinahagod muli ang likod mo. Gaya ng dati. Tulad noong panahong may luhang umaagos pa sa iyong mga mata habang umasa akong sana, manatili ang ating pagkakaibigan. “Danny?” dahan-dahang tumingala ka habang binibigkas mo ang aking pangalan. Hindi. Hindi pala. Hindi mo lang binigkas, inawit mo gamit ang iyong musika. “Dina. Long time a,” sagot ko sa sinimulan mong musicale. At tila habambuhay ang naganap sa pagitan natin. Sa pagtatagpo ng ating mga mata, nagbalik ang kung anong pinagsamahan. At kahit na ibinuka mo pa ang iyong bibig, upang pilit na umutal ng salita, pumalit na ang luha sa salita.

lvii 1

17


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.