5 minute read

Colic

By Khrystal Key Claridad

Natawa na lamang ako sa kanyang reaksyon at tumungo na sa lababo.Parang kailan lamang na paghuhugas ng plato ang aking pinakamalaking gawaing bahay. Halos maubos pa nga ang boses ng aking ina sa kaka sigaw para lamang malinis ang pinagkainan. Ngayon, ako na mismo ang lumalapit sa hugasin at nagpapasalamat pa kung ito lang ang aatupagin.

Advertisement

Ngiting-ngiti pa ako habang inaalala ang nakaraan pero para bang nabingi ang aking mga tenga sa biglang katahimikan na bumalot sa aming munting tahanan. Wala na ang mga yapak na lagi kong naririnig. Napuno ng kaba ang aking dibdib at agad akong lumingon sa higaan. Halos mawala lahat ng dugo na dumadaloy sa akin ng hindi ko siya masilayan sa loob ng bahay. Nakabukas ang pinto at naiwan akong mag isa sa aming tahanan.

Agad-agad kong binitawan ang platong hawak ko at tumakbo palabas. “Nay! Nanay!” aligaga kong tawag sa aking ina sabay ng pag-agos ng luha sa aking mga mata.

Biglang lumabas si Aling Delia sa kanilang bahay, “Ano ba yan Ella? Ano namang kaguluhan niyong mag-ina yan? Sinusumpong nanaman ba ang nanay mo?”

“Aling Delia! Tulong po! Naglayas na naman po si Nanay! Nagtampo po kasi sa akin,” maluha-luha kong paghingi ng tulong.

Nagbago ang mukha ni Aling Delia dahil sa aking sinabi.

“Ano pa hinihintay mong bata ka? Maghanap ka sa kalye! Ako na bahala maghanap sa kanya sa mga bahay-bahay. Bilis Ella! Hindi pa siguro nakakalayo ‘ yun. ”

Agad-agad akong sumuyod sa kalye para hanapin si Nanay.

“Nanay! Patawad na po! Hindi ko naman sinasadya kanina eh. Bati na po. Uwi na po tayo,” sigaw ko sa kalye nag baka sakaling marinig niya.

Halos maghalo na ang luha ko at ang nakaumbok sa aking lalamunan sa pinaghalong kaba at pag-aalala. Napahagulgul na lamang ako sa gilid ng kalye.

“Wag ka na iyak,” dinig kong pagsuyo sabay ang mga haplos ng dalawang kamay sa aking mukha na noon pa man ay ang aking naging kalinga.

“Wag ka na iyak. Andito na Nanay.”

Aray! Waaaah!” nagulat ako sa biglang iyak kaya naman ay nabitawan ko na tuluyan ang kutsara.“Waaaah! Arayyy. Si Nanay! Waaaah!” mas lalo na lamang siyang napaso dahil sa aking katangahan. “Pasensya po- pasensya. Hindi po sinasadya. Sandali lang,” taranta kong pag-agap sa kanya.

Dumungaw ang isa naming kapitbahay dahil sa ingay. Isang pulgada lamang ang layo ng aming mga bahay na pinagtagpi-tagpi lamang na plywood at yero kaya ang ingay ng isa ay rinig sa lahat ng kabahayan.

“Ano ba yan, Ella? Alas dyis na ng gabi. Makiramdam ka naman sa ibang tao! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iintindihin na lang kayo,” ani ni Aling Delia na naalimpungatan yata sa kanyang mahimbing na tulog.

“Pasensya po. Sandali lang po ito,” pakumbaba ko na lamang dahil kailangan kong makisama.

Napailing na lamang si Aling Delia bago bumalik sa kanila. Marami naman din silang nabigay na tulong ng nangangailangan kami, kaya hindi ko na dapat dibdibin ang nasabi sa akin.

“Shhh. Tahan na po,” ilang hikbi pa ang aking narinig bago siya kumalma. Tiningnan ko kung saan siya natapunan. Mabuti na lamang at hindi na ganun ka init ang lugaw kaya hindi siya napaltos.

“Galit nanay- Masakit kasi tapunan ako. Ayaw sayo Nanay,” mabilis siya magtampo kaya pinapayagan ko na lamang na ilabas ang kanyang sama ng loob.

Pagkatapos kong linisin ang kalat at siguraduhin na maayos na ang lahat, inilapag at pinalamig ko na lamang muna ang lugaw sa lamesa bago ipakain ulit sa kanya.

Napansin ko ang nakatambak na hugasin at napag-isipan na hugasan muna ito habang wala pa ako masyadong inaalala.

“Dito ka lang po muna ha? Maghuhugas lang po ako ng mga plato,” maamo kong kausap sa kanya pero inirapan lamang ako dahil nagtatampo pa rin siya.

Ang Liwanag Sa Iyong Ilaw

Ni Mary Pauline Santos

Beep. Beep.

Dinig na dinig sa isang maliit na kwarto na pinagkasya ang kusina, banyo, at higaan na tig-iisang hakbang lamang ang layo sa isa't isa at binuo ng bubong na sumasabay din sa pagtulo tuwing umuulan. Ito ang siyang minamahal naming tahanang mag-ina.

Hindi ko kailanman napagtanto na napakahirap maging ina lalo na't ika'y nag-iisa. Hindi mo man lamang maiwan ng isang saglit ang iyong anak.

Kailanman ay hindi ko na susumbatan ang aking ina sa kanyang mga hinaing sapagkat bilang suwail na anak, ako ngayon ay nakikipagsapalaran na rin.

Kung titingnan ko ang aking sarili ay nakakapanlumo. Buhaghag ang aking buhok na nakalimutan ng isuklay at damit ko na kahapon ko pa suot, dahil mas inuna ko pa igiban ng tubig ang labahan kaysa sa aking sariling katawan. Hindi tulad noon na ang pinaka problema ko lamang ay kung anong kulay ng bestida ang ipoporma kung gagala sa Luneta.

“Nanay! Gutommm. Nanay!” nagsanting ang aking mga tainga sa hinaing na nagbabadyang umiyak kaya dali-dali akong sumandok ng lugaw na kakatapos ko lamang lutuin.

“Opo. Gutom na po ikaw? Halika na po dito. Andito na po Nanay,” akay ko habang iniihipan ang kutsara ng lugaw na sobrang init habang papunta pa lamang siya sa akin.

Tandang-tanda ko pa noong ako’y bata pa, ganun na din lamang ang akay sa akin ng aking ina sa tuwing ako ay may dinaramdam. Iiyak ako sa tuwing may kailangan at siya namang takbo niya para agapan kung ano ang aking kagustuhan.

Kaya ngayon ay hapong-hapo ako, hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng pagiging magulang. Hindi mo na pagmamay-ari ang iyong oras. Hindi ka na makapag-asta dalaga dahil may responsibilidad ka na mag-alaga.

Sa kakaisip ko ng nakaraan ay hindi ko namalayan ang pagtapon ng mainit na lugaw na hindi niya sadya matabig.

By Jennyfer Briones

The Antiquated Lensman

By Shannon Libo-on

Streets were filled with faces and smiles, Joyful emotions can be seen for miles.

Documenting every moment eagerly developing the pictures, Various people were posing in different figures.

With every passing time, white strands of hair grew on my head. Technology advancements have changed my life ahead. People now take pictures using their phones, I am now an antiquated lensman, all wrinkly and alone.

Now I stare at empty horizons; the camera in my hand is rarely used. Told people that I could take their photos, but they always refused. As I look back on my life, I'd just remind myself, I was once sought by many, a veteran in the industry myself.

Bangungot”

Ni Lixie Imee Soriano

Kama’y kumakatal tuwing hatinggabi, Pilit hinahatak sa madilim na lugar na ayaw kong tahakin muli kahit sa isang sandali. Pawis ay tumatagaktak na para bang tubig sa isang batis, Kasama ng mga luha at dugo na walang tigil sa pagdaloy na ‘di ko matiis.

Tama na!” aking sigaw habang ang mukha’ y ‘di maipinta sa sobrang takot, Isang multo ng kahapon ang pilit na bumabalik kasama ang kaniyang poot.

Mata niya’y kulay dugo habang ang kaniyang mga kuko’y parang mga patalim.

Hindi mawari kung humihingi ba ng tulong o gusto lang magpakain sa dilim?

Araw-araw na dinadalaw para ipaalala ang pagkakamali sa kahapong nagdaan, Siya’y lumapit habang ang kutsilyo’y nasa kaniya paring katawan.

Luha’y unti-unting umaagos para ipabatid sa’kin ang kaniyang hirap na dala, Dugo’y sumaboy sa’king mukha bago siya nawala na parang bula.

Gustuhin mang limutin ang nakaraan pero ‘di dapat, Napahagulgol na lamang ng iyak kasama ng mga ulan mula sa ulap. Ako’y tumigil pansamantala, Sapagkat aking pagpapanggap ay tapos na.

Sa likod ng aking mga ngiti’y isang sikretong nakakubli, Isang mahinang halakhak ang kumawala sa aking labi.

Dahil ikaw nga ay tama kaibigan, Ako nga ang naghatid sa’yo patungo sa iyong kamatayan.

This article is from: