31
Sa Pagdilat ng Aking mga Mata ni Ella Jane Mercado
Hindi na makapaghintay ang aking mga magulang na maimulat ko ang aking mga mata. Ang dilim na nakikita ko sa loob ng apat na buwan ay, sa wakas, mapapalitan na ng mga imaheng nais kong makita. Masasayang tawanan at nakahuhumaling na kuwentuhan – hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang mga tinig na ito. Ako'y natutuwa sa ganitong pakiramdam. Dahan-dahan ay may nakikita na akong liwanag, ngunit hindi ko inaasahan na masakit pala ito sa unang pagkakataon. Ako'y pumikit ulit – Sinubukan kong buksan muli ang aking mata hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit. At sa muling pagbukas ng aking mga mata, hindi ko lubos maunawanan ang imaheng gusto kong masaksihan – Liwanag lamang.