TUNOG PAMANTASAN Agosto 2022 - Marso 2023

Page 1

Ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral (Filipino) ng Mataas na Paaralan ng Unibersidad ng Batangas, Division of Batangas City, Rehiyon IV-A CALABARZON

Kalat mo, Linis ni Tulfo

Aldred Sky Abando

Ipinahayag ni Senador Raffy

Tulfo ang kanyang pagnanais na i-decriminalize ang libel para sa mga mamamahayag na ang tanging ginagawa lamang ay ang magpakalat ng tama at totoong impormasyon, isang hakbang para mapangalagaan ni Tulfo ang kanilang kapakanan.

Suportado niya ito sapagkat nais din niyang maprotektahan ang kanyang mga dating kabaro na naaabuso ng mga taong nasa kapangyarihan dahil sa salungat, subalit totoong impormasyon patungkol sa kanila na nagbubunsod sa pagpangit ng kanilang reputasyon sa taumbayan.

NILALAMAN

HARI NG KALSADA

OPINYON TOMO XIV BLG. 1 | AGOSTO 2022-MARSO 2023

MAHARLIKA PARA SA

06

Hindi ulan o ang pandemya ang magpapahinto sa isang UBian. Sa pagbabalik ng F2F na klase, nagbabalik din ang mga UBiang handang matuto at sumulong tungo sa pag-unlad.

Kaligtasan, tiniyak ng UB sa gitna ng Pandemya

Sidnee Madlangbayan at Johna Pauline Ama

Matapos ang mahaba at maingat na paghahanda, walang takot na tiniyak ng administrasyon ng Unibersidad ng Batangas (UB) ang seguridad ng mga mag-aaral bilang pagtugon sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.

Kamakailan, naging laman ng samu’t saring talakayan ang muling pagpapatupad ng face-to-face classes sa lahat ng antas ng UB noong Nobyembre 16, 2022.

Matatandaang isinagawa ng UB ang pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes, na kung saan ay nahati sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral na mayroong dalawampung estudyante sa bawat klase.

Kung susumahin, kampante na at walang ikinababahala ang mga estudyante sa sistemang ito, at bilang tugon ay patuloy na inoobserba ng unibersidad ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ilan sa mga alituntunin

TORONG TAAS-NOO

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

BAGONG SIMULA PARA SA ATHLETES

10 14 19

B

na nasunod ay ang patuloy na pagsusuot ng face masks, pagkakaroon ng sanitizing materials gaya ng alcohol, at ang pag-obserba sa social distancing ng mga magaaral, kung kaya’t sila ay hinikayat na sundin ang patakarang one seat apart sa kani-kanilang mga klase. Sa kabilang dako naman ay ang pagsubok na dinanas ng bawat guro sa paaralan. Mula sa pagtuturo sa online classes ay hindi nila naiwasang manibago sapagkat kalakip ng pagharap sa face-to-face classes ang pagtuturo ng isang leksyon sa dalawang pangkat ng mga mag-aaral. May ilan ring mga mag-aaral ang nagpahayag ng kanilang

saloobin sa kung gaano nila kagustong bumalik sa face-toface classes sapagkat labis silang nahirapan noong isinasagawa pa nila ang online classes.

“It was difficult during the online classes as I felt I was not absorbing the source material as well as I thought so. I couldn’t understand a lesson just by staring at a screen and hearing my teacher speak from their mics. The connection and being in class really made me miss learning so that’s why I’m excited for face-toface classes to be finally back,” saad ni Jose Bragat Jr., isang mag-aaral mula sa senior high school.

Bukod pa rito ay mayroon ding mga guro ang nagsaad ng kanilang

mga mensahe ukol sa pagbabalik ng face-to-face classes.

“Dahil ng pagbalik ng face to face classes, makikita ko na kung sino-sino ang mga likod sa pogs sa gmeet, kidding aside namiss ko talaga makita ang aking mga students at matutukan,” sinabi ni Ms. Maria Concepcion Macuha, isang guro mula sa senior high school department.

Yoesha Grace Velasco

agama’t maraming isyung pangkalusugan at pangkaligtasan, 6 sa 10 mag-aaral ng University of Batangas ang nanatiling positibo ang pananaw hinggil sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Matatandaang dalawang taong sumailalim ang sektor ng edukasyon ng Pilipinas sa sistema ng distance learning bilang pagtugon sa pagbabago ng normal na panahon at upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang unti-unti nitong pagbabalik sa dating normal.at pagtitipon-tipon ng mga mag-aaral at guro sa mga silid-aralan ay lubhang nakabubuti sa pagpapa-angat ng antas at kalidad ng edukasyon sa bansa.

Pagkaraan ng limang buwang muling pagpapatupad ng full face-to-face learning, animnapung porsyento ng mga Brahman ang nanindigang kampante sa mga benepisyo at karanasang kanilang natatamasa sa kasalukuyang sistema.

“Noong una, nahirapan ako kasi nasanay na kami sa online class pero after some months, na-realize kong mas nakatutulong nga ito kasi magkakasama kaming natututo sa unti-unting pagbabalik ng dating normal,” ani Timothy Jim Sumagaysay ng G11-Helium, ukol sa pagiging kapaki-pakinabang ng mga FTF na klase.

Sinang-ayunan naman ito ni Rizaly Aguila, isang mag-aaral ng G12-Villa, na naniniwalang ang pisikal at tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo

Gayunpaman, apatnapung porsyento ang hindi sumang-ayon sa kasalukuyang sistema buhat ng mga isyung may kinalaman sa kaligtasan kalusugan ng mga mag-aaral at biglaang pagpapalit ng pamamaraan.

“Mas maganda sana noong online classes o noong may set A at set B pa kasi hindi pa naman talaga natatapos ang Covid kaya hindi pa safe.

At saka, hindi naging sapat yung transition namin mula online learning at paggamit ng LMS kaya nakakabigla sa aming mga estudyante, saka pati na rin siguro sa teachers,” daing ng mga mag-aaral.

Idinagdag pa nilang dapat pa rin manatili ang pagbabantay at pagsunod sa mga safety protocol at mag-ingat sa pakikisalamuha sa iba upang mapangalagaan ang sariling kalusugan kasabay ng pagkatuto at pagtanggap ng kalidad na edukasyon mula sa paaralan.

Sundan sa p. 3 tp sarbey
Sa patuloy na paglaganap ng mga isyu tungkol sa pangkalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng unibersidad ay hindi pa rin natitinag ang mga awtoridad dito sapagkat alam nilang kaya nilang protektahan ang mga mag-aaral at ilayo sila sa anumang kapahamakan. MAHIRAP?
AKO A.I. SI KETTY BOT
6 sa 10 Brahmans, aprubado sa kasalukuyang FTF classes
BALITA
02
Nagsimula ang panawagan niyang ito noong
Nobyembre 28, 2022, naniniwala siya na ito ay nararapat lamang sapagkat bago magbahagi ang mga mamamahayag ng impormasyon ay sinisigurado muna nila na ito ay nakaayon sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng fact checking.
LATHALAIN
ISPORTS ,
Krizthan Macaraig
SULONG

Pioneer Staff, patuloy na tatanggap Presidentialng scholarship

Jazmean Marie Cueto

Bilang pagtupad sa pangako ng Presidente ng paaralan, patuloy na tatanggap ng scholarship ang mga mamamahayag ng The Westernian Pioneer at Tunog Pamantasan.

Bagong Hari ng Kalsada?

Mga tsuper, komyuter umaray sa Jeepney Phaseout

Umapila ang maraming samahan ng mga jeepney driver sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization (PUV) Program ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa banta nito sa kanilang hanapbuhay sa oras na mapaltan ang mga lumang dyip ng mga modernized minibus sa kalsada.

Binigyang-diin ni Malayang

Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA)

President Mar Valbuena na isa sa mga requirements ng PUV

Modernization Program ang bumuo ng kooperatiba ng mga driver at operator, ngunit hindi lahat ng ruta ng mga sasakyan ay may malakas na kinikita kaya magkakaroon sila ng problema sa kakayahang pinansyal na bayaran ang unit ng mga minibus na umaabot sa 2.4 hanggang 2.8 milyong pIso.

“Hindi naman po lahat ng ruta malakas ang byahe. Kung titingnan, saan namin kukunin ang ipangbabayad sa 500 thousand pesos monthly na loan? Kaya po, nagdadalawang isip sumanib, sumali o mag-modernize ‘yong ating hanay dahil po sa napakabigat na bayarin,” isinaad ni Valbuena.

Bagamat naglaan ang gobyerno ng subsidiyang 160,000 pesos sa mga jeepney driver at operator, magagamit naman ito agad bilang downpayment sa supplier o manufacturer ng mga minibus, at kakailanganin muli nila na magbayad sa mga susunod pang mga buwan.

Binigyan na rin ang mga jeepney driver at operator ng mga suhestiyong bangko na maaari nilang utangan upang magkaroon ng maayos na unit na kapalit ng luma nilang jeep, ngunit malaki naman ang ipinapataw sa kanilang interest upang makautang.

“Hindi dapat ituloy ang jeepney phaseout dahil maraming katulad naming single ownership na jeep. Paano na lamang kung mawala na? Ano ang magiging hanapbuhay namin?,” pahayag ni Jeus A. Papasin, isang jeepney driver na namamasada sa rutang North Bayan-Lumang Palengke sa Batangas City.

Ilang mga unibersidad din ang nagdeklara ng paglilipat ng klase sa online upang suportahan at magbigay-daan sa transport strike na pinangungunahan ng mga jeepney driver at operator bilang pagprotesta sa implementasyon ng PUV Modernization noong Marso 6 hanggang Marso 12.

Kaugnay nito, sinuportahan ni Shealtiela Audrey Cueto, isang estudyante mula sa G10Archimedes ng University of Batangas na bumabyahe araw-araw papunta sa

paaralan, ang kampanyang

“#NotoJeepneyPhaseout” dahil sa posibleng pagtaas muli ng minimum jeepney fare kapag nagsimula nang ipatupad ang PUV Modernization Program.

Matatandaang pumalo ang inflation rate sa Pilipinas sa 8.7% noong Enero 2023 na naging dahilan ng pagtaas rin ng minimum jeepney fare sa 10 hanggang 12 piso kasabay ng pagmahal ng presyo ng langis sa bansa.

“As a student na napapaaray na rin sa 10 pesos na pamasahe which used to be 8 pesos, malaki ang hakot nito galing sa aking baon. Some students ride 2-3 jeepneys just to get to school, for sure tataas ang pamasahe kapag isinama sa computation ng gas, and other fees and responsibilities na need gampanan ng drivers,” aniya.

Sa kabilang banda, ipinakita naman ng ilan ang kanilang suporta sa nasabing programa ng gobyerno dahil sa mga magagandang maaaring maidulot nito kagaya ng pagresolba ng polusyon sa hanging nagmumula sa mga jeep at pagbibigay ng maginhawang byahe sa mga komyuter.

Ayon kay Rohan Lior Flores, isang estudyante mula sa G10Catapang, sang-ayon siya sa Public Utility Vehicle Modernization subalit nararapat pa rin himayin ng gobyerno ang paraan kung paano nila ito ipapatupad upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga jeepney driver at operators na makisabay sa panibagong sistema ng pamamasada na ito at maiayos ang mga nakikitang “flaws” o kahinaan ng nasabing programa.

Gayunpaman, tinugunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga hinaing ng mga jeepney drivers at operators sa pamamagitan ng pagpapalawig ng deadline ng pagkakaroon ng kooperatiba mula Hunyo 30 hanggang Disyembre 31 at niluwagan din ang multa sa mga mahuhuli sa pagkumpleto ng mga requirement.

“Pinarating na rin sa amin ang mga hinaing na iyan, sa mga penalties kung pwede nga raw i-waive, sumang-ayon naman ang board that we will ease some of the penalties for this PUJs, for all PUVs na tumatakbo,” hayag ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil.

Una sa Rehiyon

Isa itong paraan ng pagbibigay-pugay at pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga bata sa paaralan sa larangan ng pagsulat, pagsali sa mga patimpalak, at pakikibahagi sa pagbuo ng opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral.

Hindi bababa sa 50% na discount ang scholarship na tintatanggap ng mga batang Pioneer. Full scholarship naman o 100% ang pinakamataas na scholarship na maaaring tanggapin ng isang mamamahayag batay sa ebalwasyon ng editorial board ukol sa kanyang husay, talento, mga kontribusyon, karanasan, at tagal ng paglilingkod sa paaralan.

Ayon kay Carl Dominic G. Macatangay na nasa ika-12 baitang ng UBSHS at tumatayong

Editor-in-Chief ng The Westernian Pioneer at Tunog Pamantasan, isa siya sa nakatatanggap ng kalahating porsyento ng scholarship mula sa pagiging manunulat ng mga balita, lathalain, editorial, at artikulong pang-agham at teknolohiya sa kanyang ikalawang taon ng pagiging bahagi ng pahayagan.

Sinusuportahan nito ang mga mag-aaral na kagaya niya, lalo na ang mga may hilig, interes, at likas na talento sa pagsusulat at pagbabalita ng mahahalagang mga impormasyon at hindi natatakot sumubok sa ganitong uri ng mga extracurricular activity.

“I felt like my hardwork is being rewarded. I am thankful for the University kasi, masaya yung parents ko dahil sa scholarship na natatanggap ko,” ayon kay Macatangay. “I hope this reminds everyone to pursue their passion at heart, especially for writing, because if one is inspired with what they write, what they write inspires others,” dagdag pa niya patungkol sa mga magaaral na nagnanais ding pasukin ang mundo ng campus journalism.

“Kung wala ang ating mga campus journalists, wala ang Pioneer, kaya dapat lang i-recognize ang lahat ng effort at husay ng ating writers,” ani niya.

Gayunpaman, sa kabila ng mga requirement at gawaing pang-akademiko ay nagagampanan pa rin nila ang lahat ng kanilang mga tungkulin sa pahayagan at walang gawain, pagsusulit, at proyekto sa mga asignatura at pananagutan ang nananatiling napababayaan.

Integrasyon ng UBian STRUT sa kurikulum, hinimay ni Dr. Perez

Carmela Cueto at Celine Joy Agapay

Inaprubahan ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Education (DepEd) ang integrasyon ng “Student Today, Road Users Tomorrow” modyul sa kurikulum ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang ng University of Batangas, na siyang kauna-unahang pagkakataon ng pagpapatupad ng theoretical driving course sa isang paaralan sa buong rehiyon ng CALABARZON, Hunyo 4, 2022.

Tinalakay ni University of Batangas

President Dr. Hernando P. Perez na isusulong ang makabagong integrasyon na ito ng institusyon sa pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral sa Agosto 2022 na siyang makakatulong sa kanila na mapabilis ang proseso ng pagkuha ng students’ permit sa pagmamaneho sapagkat maaari na itong makamtan matapos ipakita ng estudyante ang kaniyang diploma sa LTO.

“Wala ng driving school na papasukan; wala ng trainings sa LTO,” pahayag ni Dr. Perez sa isang panayam mula sa GMA: Regional News TV.

Sinigurado ng LTO at DepEd ang kalidad ng serbisyong hatid ng mga guro patungkol sa pagmamaneho at mga batas pangtrapiko sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng

mga seminars at assessments upang magkaroon sila ng sapat na kredibilidad para mabisang makapagturo ng nasabing paksa..

Sumailalim din ang mga modyul na gagamitin ng guro sa pagtuturo sa maraming pagpupulong at mahabang proseso ng inspeksyon kasama ang mga hepe ng bawat rehiyon na kumakatawan sa LTO upang maisaayos ang mga parte nito na kinakailangan ng mga rebisyon para matiyak ang kalidad ng edukasyong matatamasa ng mga mag-aaral.

Inatasan ang tatlong guro ng Social Studies at isang guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao na sina Dr. Roderick Del Mundo, G. John Paulo Perlas, Gng. Ritchie Magadia at Bb. Jessa Ramos mula sa Junior High School Department na magturo ng mga STRUT modyul sa mga mag-aaral mula sa ika-sampung baitang.

Ayon kay Gng. Ritchie Magadia, dadaan ang mga mag-aaral sa isang exam bago matapos ang taong panuruan na naaayon sa pamantayan ng LTO upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga batas trapiko kaya sinisigurado ng mga guro na maituturo nang ayos sa kanila ang mga STRUT modyul.

“If the teacher and the students are working together para maging maganda itong ating course na ito, I would rate it as 10 kasi unang-una this is very new to the students and napaka interesting ng mga modyuls na binigay para sa mga bata, and, at the same time, because the teachers are being engaged and being trained. Because of that, we are licensed to teach here at UB kaya talagang maganda ang integration na ito,” dagdag pa ni Gng. Magadia.

Carmela Cueto
02
Patnugot: Carmela Cueto Sumiklab ang pagpoprotesta ng mga mamamayan kontra jeepney phaseout para sa mga tsuper matapos inanunsyo ang sapilitang plano ng gobyerno tungkol sa modernisasyon ng mga jeepney. Krizthan Macaraig
Ipinatupad ng Unibersidad ng Batangas “Students Today, Road Users Tomorrow” programme para sa mga mag-aaral na nasa ika-10 na baitang. ,University of Batangas CCO PAG-ASA NG KALSADA
,“PARA PO, KANINO?”

MAS PINALAKING UB GYM, INIHANDA PARA SA NCAA-S 2023

Upang maiangat ang kalidad ng serbisyong handog ng Unibersidad ng Batangas Main Campus sa mga mag-aaral, sinimulang palakihin at paunlarin ang mga pasilidad ng school gymnasium na siyang nagkakahalagang 30 milyon pesos noong ika-19 ng Setyembre 2022.

Iminungkahi pa ni Engineer Marylane Subaybay, isa sa tatlong mga nakaatas na inhinyero sa pagsasaayos ng gymnasium, na ang pagpapatayo nito ay kasabay ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa (February) na pangungunahan ng Unibersidad ng Batangas.

“Ang pagkakaalam kong turn over namin ay sa January 15,” isinaad ni Engr. Subaybay ukol sa muling pagbubukas ng nasabing pasilidad.

Tinalakay pa nina Engineer Lester Jhun Pontanes at Engineer Halston Mata na may mga karagdagang mga kagamitan sa gymnasium kagaya ng “movable basketball ring, scoreboard, bleachers, backstop, flooring, at rest rooms” para sa mga isasagawang mga paligsahan sa hinaharap.

Dagdag pa ni Engr. Subaybay ang bagong idinagdag na elemento ng gymnasium, ang cut walks with railings na maaaring magamit sa pagsasaayos ng mga kagamitang teknikal.

“Para iyan sa mga maintenance [commitee], daanan nila para sa pag-aayos ng mga kailangan ayusin tulad na lamang dito sa may stage. May mga cut walk para sa mabilisang pagaasikaso ng mga lighting and for their easy access,” saad

Modelong Iskolar

UB, binuksan ang audition para sa UB models; 25% scholarship insentibo, ipinagpatuloy

Nagbukas ng mas maraming oportunidad ang Unibersidad ng Batangas para sa mga mag-aaral nito na makasali sa huling lineup ng mga modelo ng paaralan.

Isinagawa ang nasabing audition noong Setyembre 19, 2022, dumaan sa tatlong yugto ang mga Junior High School (JHS), Senior High School (SHS), at mga mag-aaral sa kolehiyo na nagnanais mapabilang sa lineup.

“I think what made me stand out from other students who were also auditioning was that I successfully showcased what it takes to be a proud, confident, self-assured UBian,” saad ni Angelica Denielle Gutierrez, napiling modelo mula sa SHS.

Ayon pa kay Gutierrez, kinailangan niyang mas umangat sa ibang nagaudition kaya ginamit niya ang mga nakamit niyang karangalan sa JHS ng siya ay interbyuhin.

Nagkaroon din ng mga pagkakataon kung saan mga administrator ang pumili sa mga mag-aaral na mapapabilang sa mga modelo ng unibersidad.

“I suddenly got a request from the principal to partake in a video shoot for the school. Despite my nervousness and lack of preparedness due to the late notice, I somehow managed to push through the shooting. After that, the employees informed me that I was already a part of the UB Models,” winika ni Isabel Cuevas, modelo mula sa JHS.

Tatanggap ang mga modelong mag-aaral ng 25% na diskwento sa matrikula, ang mga napiling estudyante ay magkakaroon din ng pagkakataon na maging kinatawan ng unibersidad at makilahok sa mga kampanya nito, gaya na lamang ng advertising.

“It was a pleasant surprise for me because I wasn’t expecting any of that to happen, let alone that it meant I would be receiving a discount in my tuition. The incentive definitely encouraged me to do better as a UB model for the university

and for my family,” dagdag pa ni Cuevas.

Ipinahayag ng mga napili na ang kanilang pagsali ay isa ring paraan upang maibalik nila sa unibersidad ang suportang kanilang natanggap mula rito na nagbunsod sa kanilang personal na pag-unlad.

“I wasn’t confident before, but change welcomed me when I graduated and transferred to the University of Batangas,” sinabi ni Stephen Angelo Ramos, isa rin sa mga modelo mula sa JHS.

“Ang nagpa-decide sakin na sumali is that I want to prove to those who make fun of me before na hindi lang ako hanggang dun lang. With that, my friends and teachers encouraged me to join UB Models. At first, I was hesitant but my appreciation towards UB was greater than any doubts,” dagdag pa niya.

SOGIEBill:BatasngKapantayan, InstrumentongKaisahan

Muling isinulong ni Senadora Risa Hontiveros, ang Sexual Orientation, Gender

Identity, and Gender Expression o SOGIE Equality Bill o ang Senate Bill No. 689 sa senado upang mabigyan ng pantay na karapatan ang lahat ng mga Pilipino at mapangalagaan ang kanilang mga interes, kabilang na rito ang paggalang sa kanilang sekswalidad.

Sa kabilang banda, ipinaglaban naman ito ni gender equality chair Geraldine Roman sa mababang kapulungan subalit sa halip na siya ay pakinggan bilang siya ay kabilang din sa LGBTQIA+ community, mas pinili ni CIBAC representative Bro. Eddie Villanueva na lisanin ang pagpupulong matapos hindi tanggapin ang kanyang hiling na ipagpaliban ang sesyon.

Nailatag na ito sa kongreso noong taong 2000. Inisyal na sinuportahan ito ni noo’y senadorang Miriam Defensor-Santiago at dating Akbayan representative, Lorewtta Ann Rosales. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito napapasabatas kahit na dalawang dekada na ang nakalipas mula nang buhayin ang batas na ito sa kongreso.

Kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa mundo na kung saan tinatanggap at pinapahalagan ang lahat ng kabilang sa LGBTQIA+ community. Sa katunayan, 73 porsyento ng mga Pilipino ang nagsasabi na dapat lamang tanggapin ng lipunan ang isang tao kahit ano pa man ang kanyang sekswalidad,

ayon ito sa survey na isinagawa ng Pew Research Center.

Kahit pa positibo ang lumalabas sa ilan pang mga survey tungkol sa pagtrato sa mga miyembro ng komunidad, hindi pa rin maikakaila na may diskriminasyon pa ring nagaganap magpahanggang ngayon gaya na lamang ng naganap kina Gretchen Custodio na isang trans woman noong Agosto 13, 2019 at Jennifer Laude na humantong pa sa kamatayan ng huli matapos siyang lunurin ni Lance Corporal, Joseph Scott Pemberton. Nahatulan si Pemberton ng sampung taong pagkakakulong dahil sa pagpatay niya kay Laude. Sa hindi inaasahang pagkakataon, binigyan siya ng absolute pardon ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte noong Setyembre 7, 2020.

Ngayong hati ang opinyon ng mga senador, kongresista, at ng madla patungkol sa panukalang-batas na ito, hindi maikakailang mas matatagalan pa bago ito tuluyang maipasa sa mababa at mataas na kapulungan o sa lehislatura.

ng inhinyero.

Kinonsidera rin ng mga inhinyero sa pagpapaunlad ng school gymnasium ang kaligtasan ng mga taong gagamit nito sa pamamagitan ng pagpapalit ng materyales na gagamitin sa flooring mula cement flooring sa hardwood flooring upang magkaroon ng kontrol ang mga manlalaro sa pagtakbo sa loob ng basketball court.

Ipinangalan ito alang-alang sa dating miyembro ng board of regents, si Carmelo Q. Quizon, ama ni Christopher Quizon, pangulo ng departamento ng isports sa paaralan. Kinlaro ng mga inhinyero na wala silang ispisipikong papel na ginagampanan sapagkat ayon sa kanila ay tulongtulong sila sa lahat ng bagay. Nakiisa rin sa pagpapagawa ng school gymnasium ang animnapung mga manggagawa sa loob ng labintatlong oras bawat araw; ngunit tanging mga pintor na lamang at inhinyero na lamang ang natitira sa pagtatapos ng konstruksyon.

“101% ang aking satisfaction level. Sa sususunod ay lagpas pa rito sapagkat kami ay malapit nang lumipat sa Lipa Campus ng unibersidad,”idinagdag ni Engr. Subaybay.

UBJHS Math Wizards, wagi sa AMC 2022

Sa kabila ng matinding kompetisyon, nakapag-uwi ng apat na karangalan ang mga estudyanteng sumabak bilang kinatawan ng University of Batangas (UB) sa Australian Mathematics Competition (AMC) na ginanap noong Agosto 4, 2022.

Mula sa mga mag-aaral ng UB Junior High School (JHS), nakamit nina Gian Simoun Joshua A. Razon, Isabel B. Cuevas at Yoesha Grace D. Velasco ang “Proficiency Award” na ngangahulugan na isa sila sa mga mag-aaral na nakatanggap ng isang sapat na marka sa kompetisyon Nakuha naman ni Alyssa Jane L. Quilantang ang mas mataas na award na tinatawag na “Credit Award” nang ipamalas niya ang kanyang angking talino sa larangan ng Matematika.

“Nakakaexcite sa akin na mag-represent, kasama ng mga kaibigan at co-competitors namin, ang university. Kahit naging isang malaking challenge ito mentally and physically ay napakita namin ang pinakabest that we, UBians, can bring out in Mathematics,” pahayag ni Gian Simoun Joshua A. Razon ng G8-Darwin.

Pinaghandaan ng mga kalahok ang nasabing kompetisyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga training mula Hunyo 2022 hanggang Agosto 2022 kung saan pinag-aralan nila ang mga komplikadong konsepto at formula sa asignaturang Matematika na siyang lubos na nakatulong sa kanila sa oras ng kompetisyon.

Ginabayan sila nina Gng. Agnes S. Banaag, Dr. Famela Q. Barairo, Gng. Sherly M. Dela Roca, Gng. Rhea Grace M. Garcia at G. Joshua Panaligan na mga guro mula sa UBJHS Mathematics Department.

Kalat mo, Linis ni Tulfo

Nagsimula ang panawagan niyang ito noong Nobyembre 28, 2022, naniniwala siya na ito ay nararapat lamang sapagkat bago magbahagi ang mga mamamahayag ng impormasyon ay sinisigurado muna nila na ito ay nakaayon sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng fact checking.

Iminungkahi ni Tulfo ang kanyang nais sa hearing na ginanap sa senado na pinasimulan ng komite ng public information at mass media, ngunit nilinaw niya na hindi pa rin dapat tuluyang tanggalin ang criminal charges nito.

Para sa kanya, maaaring maabuso ang batas na ito kung hindi papatawan ng criminal charges ang mga mamamahayag na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Sinang-ayunan naman ito ni Senadora Risa Hontiveros na nagbunsod sa paghahain niya ng Senate Bill No. 1593 na naglalayong i-decriminalize ang libel, sapagkat karamihan ng mga kasong may kinalaman dito ay ginawa lamang upang supilin ang karapatan sa malayang pamamahayag.

“These journalists have wasted years of their lives facing charges for basically doing their jobs. Gamit na gamit na ang cyber libel para patahimikin ang ating mga mamamahayag. Kung hindi natin maiwasto ito, patuloy na gagamitin ang libel para kitilin ang ating kalayaan,” ayon kay Hontiveros sa isang press release noong Disyembre 13, 2022.

Matatandaang nakasuhan si Tulfo ng libel, isang dekada na ang nakakaraan.

Maging ang kanyang kapatid ay hindi rin nakaligtas sa naturang kaso, naaresto rin ang kolumnista at mamamahayag na si Ramon Tulfo Jr., kapatid ni Senador Tulfo, matapos maghain ng reklamo si dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), Vitaliano Aguirre II na kung saan pinaratangan niya ang huli sa pagkakasangkot ni Aguirre sa “pastillas”

balita 03
Anyah Fajardo at Aldred Sky Abando Aldred Sky Abando Carmela Cueto scam.
Mula sa p. 1
Pagpapangalan sa bagong bihis na gymnasium sa “Carmelo Q. Quizon” kasabay ng paghahanda ng UB para sa pagho-host ng NCAA-S Season 24.
,
John Eric Del Valle BAGONG BIHIS PINAGHANGUAN: https://legacy.senate.gov.ph

JHS Classroom Project, bida sa Malitam Elem. School

Aldred Sky Abando

Upang mapalago ang financial literacy ng mga estudyante,

E-pon Project, Inilunsad

Isinulong ng University of Batangas Junior High School Department ang pagpapatupad ng E-Pon Project upang maibsan ang mga suliraning pinansyal ng mga mag-aaral matapos tumama ang pandemya sa bansa.

Ipinahayag ni University of Batangas Junior High School

Principal Dr. Hilaria A. Guico na tututukan ng institusyon ang pagsasagawa ng E-Pon Project na naglalayong paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa usaping pinansyal at mapanuring pagbuo ng mga desisyon na naayon sa DepEd Order No. 22, s 2021.

“Done are the days when financial literacy was essential only when one started to earn. Now students, imagine yourselves when young as you, you can already go to banks and handle transactions like withdrawal, deposit and online banking,” aniya.

Sa ilalim ng E-Pon Project, matututo ang mga mag-aaral na maging mapanuri sa paggastos ng kanilang budget at pagkalkula ng kanilang pang-araw-araw na

gastusin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling bank account.

Pumunta ang dalawang kinatawan mula sa Bank of Commerce (BOC) na sina G. Wilson

H. Punzalan, branch manager, at Bb. Cherry Analene D. Javier, branch marketing officer, upang himayin ang importansya ng pagbabangko at ang proseso kung paano makakapagbukas ng bank account sa mga estudyante noong Pebrero 20, 2023.

“Habang bata pa ay bigyan na ng halaga ng mga kabataan ang pag-iipon, kahit barya lamang mula sa kanilang pang-araw-araw na baon ay patuloy pang lalago kung lagi nila itong gagawin at ito ang magsisilbing pambili nila sa mga bagay na kanilang kakailanganin,” isinaad ni G. Punzalan.

Sa pagbubukas ng bank account sa BOC, kinakailangan ng mga mag-aaral na makapaghanda ng initial deposit na 200 pesos, PSA Birth Certificate, 1x1 picture, Barangay Clearance o kaya naman Water o Electric Bill at form galing sa BOC na dapat sagutan ng mga estudyante.

Kaugnay pa nito, maaaring makapili ang mga estudyante kung

ATM card o passbook ang kukunin nila sa tulong ng kanilang mga magulang o guardian.

Samantala, nakaani naman ng positibong reaksyon ang E-Pon Program mula sa mga mag-aaral sapagkat magkakaroon na sila ng sarili nilang bank account na kanilang magagamit sa pag-iipon at pagbili ng kanilang mga kailangan.

“Masaya kasi makakapag-ipon na tayo kahit students pa lang,

UBHS, humakot sa 41st KAT

tsaka para magamit ‘yong extra na pera for emergencies at pwede rin makatulog ito sa tuition,” pahayag ni Alian Jazeel Perez, mag-aaral mula sa G10-Franklin.

Ikinagalak din ng mga guro ang proyekto na ito dahil nabibigyan ang mga estudyante ng mga kaalaman sa usapang pinansyal at nagkakaroon din ang mga estudyante ng kalayaan na maging maingat sa hawak nilang pera at maiwasan ang sobrang paggastos.

“As a teacher masaya ako because University of Batangas unlocks many doors of opportunities, simula sa iba’t iba pang project natin, binibigyan natin ng katuparan up to this point na ang financial literacy and independence ay di lang natin bastang ibibigay kung di ipapaintindi sa ating mga bata.

Pinatunayan ng mga kalahok mula sa University of Batangas High School Department ang kanilang angking galing sa pagpapahayag ng katotohanan bilang Batangueño nang masungkit nila ang mga karangalan sa iba’t ibang kategorya sa 41st Karibok Ang Tuktok (KAT) noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2022.

Nakilahok ang 29 na mga institusyon upang bigyang tibay ang tema ng kompetisyon sa taong ito na “Talino at Talentong Batangan Para sa Katotohanan”, at ang mga kalahok ay nagmula sa unibersidad.

“Even in the screening and the outputs they are submitting to me two weeks prior to the contest proper, I could see a big potential that they would win and bring honor to themselves and to our university,” ani Gng. Ritchie Magadia, isa sa mga tagapagsanay ng mga kalahok.

Pumangalawa si Carmela B. Cueto sa pagsulat ng sanaysay, natamo naman nina Hannah Yochabel F. Sude, Isabel B. Cuevas, at Yoesha Grace D. Velasco ang ikaapat na puwesto sa quiz bee, sa kabilang banda, nasungkit din ni Aliah Angeline V. Dimaculangan sa photo contest ang ikaapat na puwesto, samantala, nakamit nina Aldred Sky P. Abando na naging kalahok sa essay-

writing at Kate Angelica S. Fetizanan sa digital art making ang ikalimang puwesto, Lahat ng nabanggit ay pawang nagmula sa junior high school department.

Dagdag pa rito, nakamit naman ni Carl Dominic Macatangay ang ikaapat na karangalan sa essay-writing, naagaw naman nina Ian Cristopher Ramos sa digital art making at Christine Joy Montoya sa poster making ang ikalimang puwesto, sila naman ang mga kalahok na isinabak ng senior high school department.

“As one of the coaches, I believe that the thorough preparations they had gone through contributed a lot to their winnings. Ang mga bata naman, likas na ang pagiging mahusay—kumbaga, nag-ambag lang kami sa hulma,” saad ni Bb. Neña Porcino, isa sa naging gurong tagapayo ng mga naturang kalahok.

Pinayuhan sila ng kanilang mga tagapagsanay na magpokus sa pagbuo

ng mga ideya at pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng isyu na pinaniniwalaan nilang maaaring matalakay sa kompetisyon.

Ibinahagi rin naman ng ilan sa mga kalahok na sinananay sila na mag-isa upang lalo pang malinang ang kanilang mga abilidad; ang isa ay nagbasa ng maraming artikulo online at ang isa naman ay nag-ensayo rin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga likhang-sining.

Nagsanay ang mga kalahok ng ilang linggo upang lubusang maging handa sa kompetisyong kanilang lalabanan.

Sa kabila ng ilang mga hamon na kanilang pinagdaanan, nagpapasalamat sila at ipinagmamalaki nila ang pagkakataong maging kinatawan ng unibersidad sa nasabing kompetisyon at ipamalas ang kanilang husay at talino na nagbunsod sa kanila upang maabot ang rurok ng tagumpay.

Pagsasakatuparan ng UB Comms, mas pinalawig

Nagsagawa ang Unibersidad ng Batangas (UB) ng UB Comms upang mas mapagyaman pa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan, lalo’t higit kilala ang unibersidad sa pagkakaroon ng mga mag-aaral na magaling hindi lamang sa pagsusulat, maging sa pananalita.

Malayang nakapamili ang mga mag-aaral mula sa lahat ng departamento ng unibersidad ng asignatura at aralin na kanilang tatalakayin subalit tanging mga asignatura na itinuturo sa pamamagitan ng wikang Ingles lamang ang kanilang maaaring pamilian.

“It is actually a different experience, especially for me na newcomer sa UB, nakakatuwang isipin na we are given the chance to act as teachers and communicate with other

students to teach lessons and impart knowledge sa kanila,” ayon kay Jasmine Silvosa, isang mag-aaral mula sa ika-9 na baitang.

Pinaalalahanan ang mga mag-aaral na hindi maaaring magtalakay ng mga aralin mula sa mismong asignaturang Ingles. Ayon sa mga palatuntunan, dapat ay hindi bababa sa labinlimang minuto ang bidyo upang ito ay masabing balido.

Inaasahang makapagpapasa sila ng kanilang bidyo na

nagtuturo sila sa harap ng maraming mga magaaral bago ang katapusan ng buwan ng Marso upang magkaroon sila ng karagdagang puntos para sa ikatlo at ikaapat na markahan.

Tinatayang tatlumpung puntos ang kanilang matatanggap para sa kanilang partisipasyon sa nasabing aktibidad ng unibersidad na direktang madadagdag sa marka nila sa recitation.

“The prizes come in

different forms, mayroon tayong monetary sa ating students and of course sa ating coaches, and alongside those prizes, mayroon din tayong additional grades yan as participation sa performance tasks ng ating mga English-based subjects,” isinaad ni G. Michael Justin de Mesa.

Pinapaalalahanan ang mga mag-aaral na dapat ay maipawasto muna sa kanilang guro sa Ingles ang iskrip na kanilang gagamitin sa pagbibidyo.

Bumuhos ang pagkagalak ng mga mag-aaral mula sa Malitam Elementary School matapos magtungo ang mga grade 9 na mag-aaral upang isakatuparan ang kanilang proyekto para sa asignaturang MAPEH at Social Studies, ito ang kanilang magsisilbing major project para sa ikatlong markahan.

Nagkaroon ng feeding program, dance tutorial, at exercises ang mga grade 4 na magaaral sa paggabay na rin ng mga estudyante mula sa ikasiyam na baitang sa pamumuno ng kanilang mga guro na kabilang sa Makabayan Department.

“As we bonded with the kids, we became aware of our privilege as UBians. We were able to return home with realizations and warm hearts despite all the unexpected occurrences,” sinabi ni Grace Jean Bacay mula sa seksyon ng Avogadro.

Sinasabing ang aktibidad na ito ay nakaayon din sa core values ng paaralan, ito ay ang paglilingkod sa kapwa mamamayan, lalo’t higit sa kapwa Pilipino na talagang nangangailangan.

Nakipag-ugnayan si Gng. Elsa G. Santos sa Division Office upang malaman kung sinong grupo ng mga kabataan ang maaaring maabutan ng tulong ng mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Batangas (UB).

“Nakakatuwa lang po kasi kita mo sa ngiti ng mga bata yung saya na naidulot namin sa kanila, hindi ko po lubos maisip na makakapagpaabot po kami ng tulong kahit sa maliit na paraan,” winika naman ni Axel Camacho, isang mag-aaral mula sa Lavoisier.

Student Leaders ng UBHS, namayagpag sa APPSAM ‘23

Patuloy ang pamamayagpag ng mga estudyanteng lider ng UB High School maging sa isang lunsod na daan-daang kilometro ang distansya matapos makibahagi at makapaguwi ng mga panalo mula sa APPSAM 2023 sa Teachers’ Camp, Baguio noong Marso 15 hanggang 17, 2023.

Matapos ang mga talakayan, beauty pageant, at kompetisyon sa pagsusulat, pagsasalita, at patalinuhan upang paigtingin ang mga talento at kakayahang mamuno sa sekondaryang paaralan, umuwing tagumpay ang mga Brahman pabalik sa UB Main Campus sa kanilang ikatlong araw. Ngiting tagumpay ang baon pauwi nina Maria Yoshabel Mendoza at Shealtiela Audrey Cueto na nagkamit ng ikalawa at ikatlong gantimpala sa Essay Writing contest. Samantalang sina Isabel Cuevas naman ay 3rd Place sa Math

Competition, Aldred Sky Abando ay 3rd place sa Dagliang Talumpati

Carl John Garcia ay 2nd Runner

Up sa Mr. APPSAM at 1st Runner

Up sa General Information Quiz Bee, Nylamre Shaira Berberabe ay 1st Runner Up sa Madamdaming Pagbasa, Nayla Malimban ay 1st

Runner Up sa Vocal Solo, Josiah Shem Sumagaysay ay finalist sa Oration, Celine Joy Agapay ay finalist sa Extemporaneous Speaking, at Angelica Denielle Gutierrez ay top 6 finalist sa Ms. APPSAM 2023.

Bukod sa bakbakan at tagisan ng husay sa mga paligsahang nabanggit, hindi rin sinayang ng mga delegado ang pagkakataong matunghayan ang kalakhan ng Summer Capital of the Philippines matapos bumisita sa Burnham Park, Mines View, Botanical Garden, at Laperal Whitehouse.

Kasama ng 60 na mag-aaral sina G. Jerico Alberto, G. Michael De Mesa, Gng. Sherie Ann Evangelio, G. Julius Mendoza, Bb. Jessa Perez at Bb. Mylene Holgado ay tumanggap ng karangalan bilang pinakamalaking delegasyon sa nasabing patimpalak sa buong Pilipinas.

balita 04
Kiselle Charmiz Suba
Aldred Sky Abando
Carl Dominic Macatangay at Josiah Shem Sumagaysay Anyah Francheska Fajardo
ang mga student leader
sa National Student Leadership
and
,
Nagtipon-tipon
para
Assembly
Talent Fair.
Johna Pauline Ama TINDIG KABATAAN Simula na ng Pag-i-E-pon

THANK GAD

Suporta ng UB sa LGBTQIA+ Community mas Pinaigting

Kinilala ng Unibersidad ng Batangas (UB) ang mga estudyante at mga empleyado na kabilang sa LGBTQIA+ community dahil sa pagkakasali ng gender sensitivity sa mga layunin ng paaralan.

Sa nagdaang panahon, maraming preparasyon ang inihanda ng unibersidad tulad ng mga trainings at webinars upang mas lumawak pa ang kaalaman ng lahat tungkol sa sekswalidad at kasarian.

“Every school has the Gender and Development Center which entails a lot of programs and activities for the development of our students’ wellness when it comes to gender talks. In our JHS Dept, we incorporate gender sensitivity not only in the lessons but also in the classroom set-up,” ani ni Gng. Ritchie Magadia, isang guro sa Araling Panlipunan sa Unibersidad ng Batangas.

Tinalakay pa ni Gng. Magadia sa isang panayam na maraming programa at aktibidad ang ginaganap para sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa usapang kasarian.

Napag-usapan din ang gender sensitivity nang matalakay sa mga

estudyante sang mga araling may kinalaman sa kasarian alinsunod sa pagpapatupad ng gender sensitivity bilang isa sa mga layunin ng paaralan.

Tinuruan ang mga magaaral ng mga aralin patungkol sa kasarian pati ang iba pang aspekto nito tulad ng gender identity, sexuality, gender discrimination, at feminism.

Nagsagawa rin ang unibersidad ng mga karagdagang hakbang upang mas maging inklusibo pa ang paaralan sa paghahatid ng mga programa at mga estratehiya sa pagtuturo ng gender differences, issues, at inequalities na makakapagdagdag pa sa kaalaman ng mga estudyante.

“Siguro ang pagiging open ng UB sa third gender community ay magiging magandang factor at advantage ng school dahil mas magiging engaging ang ating school lalo na sa mga kasali sa LGBTQIA+ dahil tayong mga taga UB ay super open and walang discrimination,” ani ni

Scholastic Prime English Program

Marc Jairus Evangelista. Nagsaad din ang ibang estudyante ng mga paraan upang mapapalaganap pa ang gender equality, isa sa kanilang rekomendasyon ay ang paglalahad ng impormasyon gamit ang mga seminar.

“Para sa akin, dapat nating suportahan ang mga organisasyon na nagtataguyod ng gender sensitivity. Maaari rin itong magpatupad ng mga patakaran at programa na nagtataguyod ng gender sensitivity, tulad ng mga patakarang nagpoprotekta laban sa diskriminasyon at karahasan na nakabatay sa kasarian,” ani ni Hanz Ornales, isang Grade 11 na estudyante sa unibersidad.

Ini-anunsyo rin ng unibersidad ang mga programang isasagawa sa Marso kung saan ang lahat ay maaaring magsuot ng kulay lilang damit upang ipakita ang kanilang suporta sa gender equality at women empowerment.

HS PUB, nangunang muli sa DSPC

Dinomina muli ng The Westernian Pioneer at Tunog Pamantasan ang larangan ng pamamahayag matapos makapag-uwi ng 75 na kampyeon at 50 na parangal sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference (DSPC) 2022 na isinagawa sa Batangas City East Elementary School, Alangilan Central Elementary School, University of Batangas at Bulwagang Ala Eh noong

Hinirang ang mga mamamahayag na bumubuo ng TWP at TP na kampeon sa TV Scripting and Broadcasting, Radio Broadcasting, Collaborative and Desktop Publishing at Online Publishing sa kategoryang English at Filipino.

Kamangha-mangha, nanguna naman ang mga kinatawan ng Online Publishing sa kategoryang English at Filipino sa Best News, Best Feature, Best Sports, Best Photo and Artwork, Best Editorial at Best Web Design.

Nasungkit ng Collaborative and Desktop Publishing English ang unang pwesto sa Best News, Best Editorial, Best Feature, Best Layout at ang Best Photo. Ang Best Sports naman ay nakamit ang pangalawang pwesto habang ang Best Editorial Cartoon naman nakatangap ng pangatlong pwesto.

Nakamit ng Collaborative and Desktop Publishing Filipino ang unang karangalan sa Best Editorial, Best Feature, Best Sports at ang Best Photo. Natangap naman ng Best News at Best Layout ang ikalawang karangalan habang ang Best Cartoon naman ay nakamit ang pangatlong karangalan.

Hindi nagpahuli ang nasabing publikasyon sa mga indibidwal na patimpalak kung saan nakamit ni Cassandra Alexie Lopez ang ikatlong karangalan sa Science Writing (English) habang nakuha rin nina Cloud Cedrick Benlot (Sports Writing Filipino), Rechel Ann Balmes (Photojournalism English) at Hannah Yochabel Sude (News Writing English) ang ikalimang karangalan.

Sa selebrasyon ng kauna-unahang OrgFest, AESA nakalikom ng 10k

Umabot sa sampung libong piso ang nakuha ng Aspiring Engineering Students Association (AESA) mula sa isinagawa nilang mga aktibidad sa kauna-unahang pagdiriwang ng Org Fest sa University of Batangas Senior High School Department sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong budget noong Pebrero 6 hanggang Pebrero 10.

Pinangunahan ang nasabing programa ng AESA, Medisina, Financial and Economic Achievers Circle (FEAC), HUMSS Republic, TVL Educational Circle of Highschool Students (TECHS), Arts and Camera Club, TAG, Sports Club, Supreme Student Council, Association of Competent and Excellent Students (ACES) at TAHAS Debate Society na mga organisasyon mula sa iba’t ibang strand ng UB Senior High School.

Pagwawagi ng UB sa Diamond Category, nagpaigting pa sa kampanya sa pagbabasa

Aldred Sky Abando

Nakamit ng Unibersidad ng Batangas (UB) ang ikalawang puwesto sa patimpalak na pinangunahan at inorganisa ng Scholastic Prime English, tinatayang apatnapu’t limang aklat na nabasa at mga pagsusulit na naipasa ang average na naitala ng mga mag-aaral.

Nakatanggap ang pamunuan ng paaralan at ang mga mag-aaral ng mga aklat, mga unan, at mga estante kung saan nila maaaring ilagay ang mga napanalunang aklat.

Tinatayang nagkakahalaga ng apatnapung libo o 40K ang lahat ng mga kagamitan sa pagaaral na natanggap ng pamunuan, ang lahat ng ito ay matatagpuan sa silid-aklatan ng unibersidad.

Dahil dito, nagkaroon ng mas organisadong kampanya ang unibersidad sa pagbabasa, hinihikayat ng mga guro ang kanilang mga estudyante na magbasa sa kanilang libreng oras at kaagad na sagutan ang mga pagsusulit na nakalakip dito.

“Seryoso talaga ang unibersidad na makuha

ang unang puwesto sa nasabing patimpalak kung kaya’t nagkaroon sila ng mas standardized na reading campaign, at kita naman natin ngayon na mas ginaganahan ngang magbasa ang mga mag-aaral at mas matututo pa sila dahil reading can broaden one’s horizon,” winika ni Kent Gabriel B. Magbuhat, isang mag-aaral mula sa ikasampung baitang.

Lahat ng mga mag-aaral mula sa pamunuan ay inaasahang makapagbabasa ng dalawampung aklat sa ikalawang markahan, dalawampu’t lima naman sa ikatlong markahan, at apatnupung aklat naman sa ikaapat na markahan bilang pagtalima na rin sa mga kailangan nilang requirement para sa asignaturang Ingles.

‘Sana Hindi Magamit’

Para sa kahandaan ng mga Teen Healthcare worker sa sakuna CPR Training, inilunsad ng BMS

Carmela Cueto

Child (Bulilit) Health Workers Foundation, Inc. at Batangas Medical Society (BMS), isinagawa ang hands-only CPR Training sa mga mag-aaral ng University of Batangas Junior High School Department noong Martes, Marso 14, 2023.

Tinalakay ni BMS President Dr. Loralie

Evangeline Perez-Miranda kasama ang ilang mga doktor at nars na kinatawan ng Batangas Medical Center (BatMC) ang mga pangunahing kaalaman sa pagsagip at pagbibigay ng paunang lunas o Basic Life Support (BLS) sa 45 na mga Teen Healthcare worker.

“We hope that this will be a good learning experience to all of you. We never know when you will need knowledge like this kasi akala niyo hindi niyo magagamit ngayon. But, maybe one or few years later down the line, there will be an

emergency and you will be the person on site who has the knowledge to help someone’s life,” ani Dr. Miranda.

Itinuro rin sa mga mag-aaral ang paggamit ng Automated External Defibrillator sa panahon ng sakuna dahil hindi na puwede gawin ang mouth-to-mouth resuscitation ayon kay Dr. Tenorio.

Natapos ang training sa paghahandog ng sertipiko sa mga mag-aaral na nakilahok sa mga Bulilit/Teen Healthcare Program Training mula Setyembre 2022 hanggang Marso 2023.

Dagdag pa rito, naiuwi rin ni Alyssa Gabrielle Banta ang ika-anim na karangalan sa Feature Writing Filipino, Sidnee Madlangbayan ang ikawalong karangalan sa Copyreading English, Johna Pauline Ama ang ika-sampung karangalan sa Photojournalism Filipino at Mary Je Anne Dimailig ang ika-sampung karangalan sa Editorial Writing Filipino.

Upang maisulong ang halaga ng pananaliksik,

“As this will be the first time we conduct this after the lockdown, we want to ensure that everyone has a wonderful experience. In light of this, we would like the events to mark a significant turning point for AESA as well as make the OrgFest as memorable as possible for every UBians,” isinaad ni Samantha Ashley Maligalig, treasurer ng AESA.

Interbiochemics-Math Club, nagsagawa ng Research Forum

Aldred Sky P. Abando

Nag-organisa ang Interbiochemics-Math Club ng isang research forum upang maikintal sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pagaaral, lalo’t higit kabilang sa misyon ng Unibersidad ng Batangas (UB) na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Ubian pagdating sa pananaliksik.

Ginanap ang nasabing forum noong Marso 3 at 10 mula 8:30 hanggang 11:30 ng umaga, magkahiwalay ang naging sesyon para sa mga mag-aaral na nasa ika-9 at ika-10 baitang.

Napili ng paaralan si Gng. Felicitas Cortez upang talakayin ang mga paksang dapat matutunan ng mga mag-aaral upang maging matagumpay sila sa mga pananaliksik na kanilang isinasagawa.

“Labis po na makakatulong ang forum na ito para sa isang mag-aaral na gaya ko dahil nadadagdagan ang knowledge and understanding ko para mas mapabuti at mas maging effective ang research na ginagawa namin,” ayon kay Chris Kurvey C. Rivera, isang mag-aaral mula sa ika-10

baitang ng Basic Education Curriculum (BEC) na dumalo sa programa.

Ang tema ng naturang forum ay “Intensifying the 21st Century Skills through Fostering a Productive Research Culture” na kung saan tinalakay ang mga karaniwang konsepto at mga katangian ng isang qualitative na pananaliksik.

“Nakakatuwa lang po kasi alam po ng club yung mga needs namin, most especially na may research subject po kami, malaking tulong po ito sa aming lahat,” isinaad ni Samantha Paulene D. Canlas, isa ring mag-aaral mula sa ika10 baitang ng Science Class.

Nabanggit din ang mga metodo sa pag-aanalisa ng mga paksang may kinalaman

sa pananaliksik, mga teknik sa pangangalap ng mahahalagang datos, pagbuo ng mga instrumento ng pananalksik, at marami pang ibang proseso na makapagpapadali sa gawain ng mga mag-aaral na naatasang manaliksik bilang kanilang proyekto sa ilang asignatura.

“With the recently concluded research forum, all I can say is “excellent work” to everyone who helped make it a success,” sinabi ni Gng. Rovic P. Casao, isang guro sa pananaliksik.

Pinangunahan ni Isabel B. Cuevas, presidente ng Interbiochemics-Math Club ang programa, dumalo rin naman ang ilang mga guro sa agham at matematika upang masaksihan ang mahalagang pagtitipon na isinagawa online.

balita 05
Naliah
Nagsagawa ng workshop ang Publication Office ng Basic Education sa mga piling mag-aaral para sa paghahanda ng taunang DSPC. ,Krizthan Macaraig HANDA NA KAMI

Maharlika Para Sa Mahirap?

Buhat ng bumabagsak na ekonomiya ng bansa at sigaw ng administrasyong “sama-sama tayong babangong muli,”, isa sa mga nabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Sr. bilang bahagi ng mga plataporma ng kanyang administrasyon ay ang pangangailangan ng Pilipinas ng mga investment para sa mga tunguhin at layunin ng bansa. Upang ang mga planong ito ay matupad at mangyari, inihain ng pangulo ang planong Maharlika Investment Funds upang pataasin ang antas ng mga industriya sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga investment at pondo. Totoo mang maganda ang inihain at layuning plano ng pangulo, hindi naman ito swak sa lagay ng estado ng bansa sa panahong ito kung saan maraming Pilipino ang nangangamba sa kanilang buhay, trabaho, at sa maaring maging epekto nito sa Pilipinas at kalinisan ng pamahalaan.

Sa ngayon maraming kinahaharap ang bansa katulad na lamang ng mga naging epekto at buhay na tinangay ng pandemyang COVID-19, kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino, pagtaas ng mga bilihin—sibuyas, asukal, gasolina, at iba pa. Dahil dito, mas maraming mas mahahalagang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan sa halip na itulak ang alokasyon at pangongolekta ng mga pondong katulad nitong wala namang kalinawan kung paano at saan gagawin. Bilang karagdagan, hindi rin mawari kung saan pupulutin ang naturang Php 275 bilyon na alokasyon ng pondo para sa Maharlika Funds, lalo pa’t hindi na itinuloy ang naunang plano na kunin ang pondong gagamitin dito sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sapagkat ang mga pondong ito ay para sa mga Pilipinong stakeholder at hindi maaaring magamit ng iba.

pamahalaan, lalong mawawala ang kalinawan sa aksyon ng gobyerno at kung saan nga ba napupunta ang buwis ng taumbayan. Kahit na ang Maharlika Wealth Funds ay nasusuri ng Commission on Audit (COA), mananatili itong kumpidensyal at hindi bukas sa mga Pilipino – na lalong makapagpapataas sa pagtataka ng mga tao kung saan-saang mga proyekto at programa nagagamit ang kanilang mga pinaghirapang kitaing buwis.

Sa kabuuan, ang integrasyon ng mga fund na ito sa iba’t ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaan katulad ng Department of Education (DepEd), Office of the President (Malacañang), at Office of the Vice President (OVP) ay magbibigay-buhay sa isang mas mahirap na alokasyon ng budget ng gobyerno para sa mga programa nito para sa mga Pilipino. Halimbawa, ang DepEd ay nagkaroon ng isyu dahil sa

mga ordinaryong mamamayan.

Bago pa man sumapit ang taong 2023 ay tumaas na sa 13.4 trilyong piso ang utang ng Pilipinas. Kung kaya’t sa pagpapatupad ng Maharlika Funds, tuluyan na mas lalong nababaon sa utang ang Pilipinas at hindi maikakaila na maaaring matulad ang bansa sa Sri Lanka– na patuloy pa ring baon sa utang. Kung gayon ay dapat lamang na mas bigyang atensyon ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Ang mga agrikulturang siyang tunay na mas nakakatulong sa mga Pilipino dahil sa likas na kagandahan ng lamang lupa at dagat ng Pilipinas.

Bukod pa rito, ang mga pagbabago sa sistema ng pagbubuwis dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na isinabatas noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit hindi sapat ang mga pondong mayroon ang gobyerno. Dahil dito, mas mahirap maatim ang tunay na ipinapangakong pagpopondo at pagsasaayos ng estadong pinansyal at ekonomikal ng bansa alinsunod sa sinabi ni Marcos na, “ang pangarap ninyo ay pangarap ko.”

Mas mainam rin na mas bigyang pansin kung paano pataasin ang ekonomiya at antas ng Pilipinas – maaaring sa pamamagitan ng turismo at tamang pagbubuwis. Bagama’t kilala ang bansa sa magagandang tanawin, sa patuloy na pagbangon ng bansa galing sa COVID-19 ay hindi pa rin gaano kataas ang mga dumadayong turista. Kung bibigyan lamang ng atensyon ng pamahalaan ang mga magagandang tanawin at tangkilikin ang mga ito, mas makatutulong ito sa Pilipinas na maaaring magresulta sa agarang pagtaas ng ekonomiya na mas maka pagpapalago ng investments para sa bansa.

Bilang karagdagan, kailangan din ng pamahalaang kuning muli ang tiwala ng mga Pilipino sa pagseserbisyo nila at pagtupad nila sa mga pangakong binitawan nila noong kinukuha pa lamang nila ang puso ng mga botante. Upang tunay na maisakatapuran ang sama-samang pagbangong muli, nananatiling mahalaga ang katapatan sa serbisyo at ang kalinawan sa trabahong ginagawa para sa sambayanang Pilipino. Magagawa nila ito sa ng pagsasaayos ng pagbubuwis sa bansa upang kahit papaano ay mapagaan ang pasanin ng mga mamamayan habang tinitiyak na mayroon tayong sapat na kita upang patakbuhin nang maayos at tama ang pamahalaan. Kung kaya, sa dinami-rami ng mga world heritage ng UNESCO sa Pilipinas. Payabungin sana ng gobyerno ang mga ito sapagkat maaaring ito ang maging sagot sa kinahaharap ng pamahalaan. Maaaring magkaroon din ng oportunidad sa larangan ng trabaho ang mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, mas lalong matutugunan ang tunay na hinaing ng taumbayan.

SAPILITAN

Ang hindi pagsang-ayon sa mandatory ROTC ay hindi maituturing na pagtataksil sa Inang Bayan.

Noong Hulyo 25, 2022, sa kaunaunahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., iminungkahi ng noo’y bagong halal na pangulo sa buong batasan, ehekutibo, lehislatibo, hudikatura, at bansa ang plano niyang buhayin muli ang mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) o ang sapilitang pagpasok ng mga mag-aaral sa militar. Aniya, mas makabubuting ibalik ito at simulan sa mga Senior High School. Sa kasalukuyang kalagayan ng Kongreso at pamahalaan, maging ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kalihim nitong si Vice President Sara Duterte, hindi malabong manumbalik ang kilabot na dala ng nakaraan.

Sa dinami-rami ng mga problemang kinahaharap ng bansa at habang patuloy na nalulugmok ang marami sa kahirapan, hindi ang pagsusundalo nang sapilitan ang dapat pinagpa-planuhan. Ayon sa pamahalaan, ito ang paraan upang masiguro ang disiplina, pagmamahal sa

bayan, nasyonalismo, at patriotismo sa mga Pilipino. Subalit, hindi naman dahas ang tunay na pamantayan ng pagmamahal sa bahal. Ang nasyonalismo ay hindi lamang makikilala sa mga pisikalan.

Ang debosyong manatiling tapat sa sagisag ng Inang Bayan ay makikita sa iba’t ibang pananaw – depende sa tumitingin. Tunay nga namang pinagpala ang iba sa lakas ng katawan upang suungin ang pambansang sundaluhan. Ang iba naman ay nangangako ng dedikasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng panitikan, pangangalaga sa kasaysayan, pagtulong sa mga nangangailangan kababayan, pagtangkilik ng sariling atin, at pagtahak sa isang propesyong makatutulong sa kinabukasan.

Katulad ng bawat isang may samotsaring pangarap katulad ng pagiging inhinyero, doktor, abogado, guro, at marami pang iba, hindi lahat ng bata ay nangangarap maging sundalo. Hindi lahat ng bata ay dapat at nakatadhanang

lupon ng patnugot

humawak ng mga baril at sandata at makigyera sa iba. Hindi pa ba tayo natuto sa mga pagkakasala at kamatayan ng kahapon katulad ng pagkamatay ni Mark Chua ng University of Santo Tomas dahil sa sistema at irregularidad ng mandatory ROTC? Hindi dapat ipatupad ang isang sapilitang programa gayong wala namang kasiguraduhang ang mga pagpatay at pang-aabuso ng kapangyarihan ay natuldukan na.

Walang masamang maglingkod sa mga hukbo ng bansa. Sa katunayan, malaking tulong ang kaakibat nito para sa pagpapanatili ng seguridad, kaligtasan, at kapayapaan. Ngunit kung ang magsisilbi naman ay yaong mga pinilit lamang, ang kahalagahan ng kasundaluhan ay hindi rin naman makakamtan. Buhat nito, ang ROTC ay dapat manatiling opsyonal at bukas para sa mga nais magsilbi sa ganoong paraan at hindi sapilitan sapagkat ang mandatory ROTC ay hindi praktikal at ayon sa kagustuhan ng bawat indibidwal na

mamamayan. Ang pagpilit sa sino mang maging isang taong hindi naman sila ay pagpatay sa sarili nilang pagkatao – sa sarili nilang katotohanan. Ngayon, ano ang maaaring itawag dito? Isang kahinaan? Isang karungisan sa ipinaglaban ng ating mga ninuno noong himagsikan? Isang pagtalikod sa demokrasya at soberanyang iningatan ng rebolusyon ng lakas-bayan? Hindi. Wala sa mga ito.

Hindi isang kahihiyan o kahinaan ang pagtutol sa sapilitang paglilingkod at pagseserbisyo sa hukbong sandatahan. Hindi nga ba’t ang tunay na kahihiyan ay ang matikman ang pait ng kamatayan sa isang digmaan gayong alam mong mas marami ka sanang magagawa para sa bayan sa pamamagitan ng sarili mong mga pamamaraan? Hindi nga ba’t ang tunay na salamin ng pagmamahal sa bayan ay ang kahandaang ialay ang lahat ng mayroon ka, maging ang sarili mong buhay, nang hindi dinadala ang sarili sa pagiging sundalo at

Agapay Direktor ng Potograpiya: Krizthan Lainuel Macaraig Assistant Chief Photojournalists: Kate Angelica Fetizanan Punong Taga-anyo: Gabriel James Andal, Charles Brian Pabito Katuwang na Taga-

SINAGTALA Carl Dominic Macatangay Punong Patnugot: Carl Dominic Macatangay, Aldred Sky Abando Katuwang ng Patnugot: Sidnee Madlangbayan, Yoesha Grace Velasco Tagapamahalang Patnugot: Josiah Shem Sumagaysay, Isabel Cuevas Tagapamahagi: Bret Michael Dimatatac, Hannah Yochabel Sude Patnugot ng Balita: Carmela Cueto, Kurt Bicol Patnugot ng Lathalain: Le Bron James Silang, Alyssa Gabrielle Banta Patnugot ng Opinyon: Carl Dominic Macatangay, Aldred Sky Abando Patnugot ng Agham at Teknolohiya: Karl Laurence Aguilar, Cassandra Alexie Lopez Patnugot ng Palakasan: Win Vincent Chua, Cloud Cedrick Benlot Direktor ng Dibuho: Christine Joy Montoya Assistant Chief Cartoonist: Celine Joy Anyo: Riyanna Antonia Apuli, Kent Bicol Chief Technical Staff: Ayelet D’arcy De Castro Tagapagbalita Pangradyo: Andreia Ventura Punong Tagapagbalita Pantelibisyon: Lieniel Cristien Karl Macaya Tagapamahayag: Mga Tagapayo: G. Carl Ivan Villanueva, G.. Michael Justin de Mesa, Bb. Mylene Holgado, Bb. Christine Joy Enteria, G. Charles Leoj Roxas, G. Julius Eric Mendoza, G. Enrico Villanueva Principals: Dr. Hilaria Guico, Dr. Augusto Africa Direktor ng Culture, Arts and Publications Office: Dr. Redentor Rodriguez
editoryal
Kung ang tunay na sukatan ng katapangan ay ang kawilihang sumuong sa isang digmaang alam mong wala kang laban, mas gugustuhin kong maalala buhat sa aking karuwagan.
06
Patnugot: Carl Dominic Macatangay at Aldred Sky Abando Dibuho ni Christine Joy Montoya

MATA SA LANGIT

Aldred Sky Abando

Huwag magpapabudol at huwag magpapaloko upang magandang kinabukasan ay ating matamo.

MODERNONG TANIKALA

Ang eleksyong naganap noong nakaraang taon ang lubusang nagpabago sa takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino, lalo pa at muling nakabalik sa kapangyarihan ang rehimeng pinatalsik ng mapayapang pag-aalsa o ang tinatawag na “People Power Revolution” sa pangunguna ni dating Pangulo Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino.

Ang botong nagmula sa tatlumpu’t isang milyong Pilipino ang nagbigay ng awtoridad sa ngayon na Pangulong Ferdinand “Bongbong” E. Marcos, Jr., anak ng dating diktador na si Ferdinand E. Marcos, Sr. Hindi maikakailang ito ay malaking sampal sa ating lahat at marahil ay isang senyales na tila nakakalimutan na natin ang ating kasaysayan.

Matapos ilabas ang resulta ng nagdaang halalan, panlulumo ang namutawi sa aking isipan. Nakakalungkot isipin na tila hindi man lang napakinggan ang opinyon at ang mga pananaw ng mga kabataan na nagsusulong ng tapat na pamahalaan.

Marami man ang piniling labanan ang pagkalat ng maling impormasyon sa social media, masasabing hindi ito nagtagumpay sapagkat marami na sa mga Pilipino ang nabilog ang ulo ng mga vloggers na direktang sinisiraan ang oposisyon at ang mga kakampi nito. Hindi nagtatapos sa pagkalat ng maling impormasyon sa social media

ang kanser na bumabalot sa ating bansa. Sa kasalukuyan, maraming mga pelikula na rin ang unti-unting nagrerebisa sa kasaysayan gaya na lamang ng pelikula ni Darryl Yap na pinamagatang “Maid In Malacañang” (2022) at “Martyr Or Murderer” (2023). May ilan ding mga sanggunian ang nagsabing ang batas-militar ay ang “golden age” ng ating bansa kahit na sinasabing lumagapak ang ekonomiya ng Pilipinas at lumobo ang utang ng gobyerno.

Dahil sa halalan, maraming pagkakaibigan din ang nasira at maraming pamilya ang nagkawatakwatak. Natatandaan ko pa noong halalan kung gaano kaanghang at katindi ang mga nagiging argumento sa pagitan ko at ng aking ama. Lubusang sumasakit ang aking tenga sa balubaluktot na katwiran na kanyang sinasabi, dahil na rin sa pagiging panatiko niya ni ginoong Marcos. Nagkaroon din ng girian sa pagitan nina

Lorenzo Legarda-Leviste matapos niyang malaman na ang kanyang ina na ngayo’y si

HULING PASADA

Senadora Loren Legarda ay kasama sa grupo nina Marcos at Sara Z. Duterte. Ilang negosyo rin ang nasadlak sa dusa dahil sa patuloy na pagboykot ng mga tao matapos malaman kung sino ang may-ari nito at kung sino ang kanilang sinuportahang kandidato. Isa sa mga naging biktima ng cancel culture ay ang negosyo ng anak ni Chief Presidential Counsel Juan Ponce Enrile na isang brand ng corned beef. Ipinapahayag ng mga pangyayaring ito na ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao ay apektado ng politika. May epekto sa ating lahat ang mga kandidatong binibigyan natin ng kapangyarihang pamunuan tayo kaya nararapat na maging maingat tayo sa mga desisyong ating ginagawa. Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, patuloy na nababago ang kasaysayan, at mas niyuyurakan ang gobyernong hitik na hitik sa mga mapanirang dinastiya, may pagasa pa ba talaga tayong makitang muli ang liwanag? Kailan ba matututo

BANDILA’Y WALANG KULAY

ang mga tao? Kapag ba ang lahat ay nakadilat na at hindi na humihinga dahil sa sobrang hirap?

Mahirap, yan ang aking kasagutan. Tanging magandang edukasyon lamang ang susi sa pagbabago ng ating bayan, subalit paano kung ang sektor ng edukasyon ay lubusang nangangailangan din ng reporma? Napakasakit isipin na tila ang mga pinipili natin ang mas nagpapalubog sa antas ng buhay ng mga nasa laylayan. Laging tandaan na hindi natin dapat iasa sa gobyerno ang ating buhay subalit tandaan din natin at ikintal sa ating mga isipan na sila pa rin ang may hawak ng ekonomiya ng ating bansa. Panig man tayo sa kanila o hindi, lahat ng kanilang ginagawa ay may mabuti o masamang dulot sa atin kaya nararapat lamang na maging maingat tayo sa pagpili ng mga lider na mamumuno sa ating bayan. Huwag magpapabudol at huwag magpapaloko upang magandang kinabukasan ay ating matamo.

Umaarangkadang muli ang pagsulong ng programang dagdag pasanin lamang sa mga mamamayan sapagkat sa kabila ng dumadagundong na protesta ng karamihan ay tila taingang kawali ang mga opisyales sa nasabing isyu – ang “Jeepney Modernization Program” o JMP.

Kamot sa batok ang mga tsuper pati na rin mga

komyuter sa nais mangyari ng

LTFRB na kung saan iginigiit nila ang pagpapatupad ng

“traditional jeepney phaseout”

upang magbigay-daan sa tinatawag nilang ‘pag-unlad’ ng sektor ng transportasyon.

Ipinakiusap ni Pangulong

Bongbong Marcos Jr.

(BBM) noong unang araw ng Marso sa mga drayber na itigil na ang “strike” at kaniyang binigyang-diin niya ang pangangailangang ipatupad ang programa ng modernisasyon sa “ibang paraan.”

Tila ba ibang lenggwahe ang sinasalita ng mga nakaupo sa pwesto at hindi nila maintindihan ang daing ng bayan. Ayon sa DOTr at LTFRB, iikot lamang sa

₱ 2.4 million hanggang ₱

2.6 million ang minibus na ipapalit sa mga tradisyonal na jeepney. Sa katunayan, ipinasusuko nila ang mga franchise na ari ng mga tsuper at sa kapalit nito ay ang panimulang pera para sa kooperatiba nilang mabubuo bago sumapit ang ika-31 ng Disyembre, 2023.

Sa kabila ng palugit na

kanilang ibinigay, karamihan pa din ay hindi sumasangayon sa pang malawakang pag phaseout ng mga jeep.

“Ito nalang po yung main source ng aming pera. Tapos mahihirapan din po ang aking parents sa pagbabayad ng aking tuition tiyaka mahihirapan din sila makapag-ipon para sa aming bahay,” wika ni Sofia Noriel C. Gonzales, isang estudyante mula sa ikasiyam na baitang ng UBJHS.

Nagmimistulang ‘deja

vu’ ang mga pangyayari sapagkat minsan nang naganap ang nationwide strike at pangamba ng mga tsuper sa nasabing plano ng gobyerno. Minsan na itong pinroblema ng mga tsuper noong taong 2016 na kung saan nagsimula lamang ito sa simpleng muling pagrerehistro noong ikaapat ng Enero ng mga lumang jeepney hanggang sa pagpapatupad ng JMP.

Sinabi din ni dating LTFRB

chairperson Winston Ginez na magsisimula ang mandatory phaseout sa 2017.Isa ito sa mga ginamit ni BBM upang makuha ang tiwala ng mga tao – ipinangako niyang hindi

na isusulong ang jeepney phaseout sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Hinanakit ng ibang mga tsuper na bumoto kay BBM ay, “Noong panahon ni Duterte, isinusulong na nila. Tapos noong maupo si BBM, ganoon pa rin. Binoto namin para mabago na, hindi rin pala. Hindi pala kuwan [totoo] ‘yung sinasabi nila na ‘Pag nanalo si BBM, wala ‘yang phaseout.’ Pero heto na naman,” sambit ng isang tsuper na si Danilo.

Masasabing “anti-poor” ang nasabing programa sa kabila ng mga mabuting layunin nito sapagkat karagdagang bigat lamang ito sa mga pasanin ng mga drayber. Kung sakali mang maipatupad ang total phase out at magsimulang bumyahe ang mga modernong minibus, siguradong magtataas ang presyo ng pamasahe. Hindi lamang ang tsuper ang naapektuhan nito kundi ang buong sambayanan. Bilang estudyante, mabigat sa aming bulsa ang pamasahe papuntang eskuwelahan. Ano pa kaya kung magtataas pa ito lalo?

Maaaring hindi sapat o sakto lamang ang ₱ 650 para sa isang pamilya upang maitawid ang kanilang mga pangangailangan sa isang araw. Ika nga ni Sofia, “Sa totoo lang po hindi po nila ito [modern jeep o minibus] mabibili, kasi po for 1 day, mahigit asa 1k lang po yung nagiging kita ng dad ko. Tapos po marami din po kaming needs tulad po ng tuition ko, mga grocery, syempre po mga baon at yung tubig at kuryente namin.”

Ibinahagi din ng isang dating propesor sa University of the Philippines na si Teodoro Mendoza, PhD, na ayon sa kaniyang pag-aaral ay magkakaroon ng domino effects at fare increase. Binanggit niya tataas ang cost of living at transport ng pagkain sapagkat karaniwang ginagamit ang mga jeep sa pagkakarga ng mga pagkain mula sa probinsya tungo sa mga merkado. Lahat ay tataas kung tutuusin, ang pamasahe, bilihin, pagkain, pati na rin ang sweldo sapagkat siguradong maraming dadaing tungkol sa kakulangan ng salapi.

KAWALAN NG KAHAPON

Maging green flag tayo sa mga taong napaliligiran natin, ngunit hindi ayon sa bokabularyo at depinisyong nabuo ng iba.

Red flag para sa mga naghahanap ng green flag.

Ang green flag, isang makabagong salitang ginagamit ng zoomers o mas kilala bilang Gen Z, ay tumutukoy sa isang taong nagbibigay ng impresyong nakapagdadala ng mga positibong senyales sa isang relasyon – sa madaling salita, isang katuwang na sapat upang mapagkakatiwalaang bumuo ng isang ugnayang magtatagal sa haba ng panahon. Sa kabilang banda, inilalarawan naman ang red flag bilang isang katuwang na kakikitaan ng bad vibes o warning signals at may mataas na pagkakataong saktan ang sarili nilang katuwang sa kanilang relasyon.

“Looking for green flags. He is such a walking green flag.”

“Sobrang red flag talaga ng partner ko. Kailan kaya ako makararanas ng healthy relationship at green flag partner?”

SALIN-GRASYA

Yoesha Grace D. Velasco

Tila ba ibang lenggwahe ang sinasalita ng mga nakaupo sa pwesto at hindi nila maintindihan ang daing ng bayan. Ang pagunlad ay hindi basta-basta makakamit sa loob ng isang araw.

Ilan lamang ang mga ito sa libu-libong kasabihang iniuulat at sinasabi ng mga taong naghahanap ng isang matatag na relasyon. Bagama’t walang masama sa pagnanais na bumuo ng isang matibay na relasyon, ang paghahangad at pagmimithi ng isang katuwang na naaayon sa pamantayan ng mga green flag na nabuo sa idinidikta ng pamantayang panlipunan ay hindi makabuluhan upang pagtuunan ng pansin.

Tiwala, pagmamahal, at unawa ang kailangan sa pag-unlad ng isang pagkakaintindihan. Ang isang samahan kung saan isa lamang ang nagsusumikap at umuunawa ay may tiyak na kabiguan. Kaya sa halip na umasa sa pagkakataong makatagpo ng mga green flag sa iba, bakit hindi natin piliing masumpungan ang hinahanap natin sa pamamagitan ng pagkukusa? Minsan, o kadalasan pa nga, ang pilit nating hinahanap sa iba ay hindi natin makita dahil nasa ating mga sarili pala.

Kung makatagpo man ang isa ng pinakamaunawain, pinakamapagkakatiwalaan, at pinakamapagmahal na kapareha, kung hindi naman niya ibinabalik ang positibong ugaling ipinakikita at nararanasan niya, para lang din niyang hinayaang masira ang relasyong ipinundar nila. Buhat nito, mananatili siyang isang red flag sa mga alaala ng kasintahan niyang minahal siya nang sobra. Ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi ako aasa sa kapalaran at swerte upang makahanap ng isang taong matatawag kong green flag; sa halip, pipiliin kong maging green flag at magiging mabuting tao, at ang minsan kong hinanap ay kusang darating sa buhay ko. Maging green flag tayo sa mga taong napaliligiran natin, ngunit hindi ayon sa bokabularyo at depinisyong nabuo ng iba. Ang terminong minsang tumukoy sa mga indibidwal na tila magdadala ng positibong senyales sa isang relasyon, sa pagtagal ng panahon, ay naging isang pilit at arbitraryong pamantayang nagdidikta sa iba – isang salitang sumasalamin sa mga social norm at ideyalisasyon.

Walang kabuluhan para sa isang taong umasa sa swerte at kapalaran upang makahanap ng kasintahang matatawag nilang green flag. Samakatuwid, ang isang taong gustong makahanap ng katuwang sa isang relasyon habang nagtatakda ng mga pamantayang dikta ng iba habang itinatago ito sa pangalang green flag ang totoong senyales ng pinakamalaking red flag.

Kung ang pagiging green flag ay nangangahulugang pagpapalit ng sarili upang makasunod sa mga social norm at pamantayan ng iba, mas gugustuhin kong mawala ang pananaw sa mga mga kulay ng bandila.

opinyon 07

komentaryo: Ang pagbabalik ng mga marcos sa malacañang

Nakakadismaya. Nakakasuka. Isang malaking pambabalahura sa ating kasaysayan ang resulta ng nagdaang halalan. Ang paglimot ay pagpapatawad sa lahat ng kabuktutang ginawa ng pamilyang nagnakaw sa kaban ng bansa.

DUDA SA MAKABAGO

Nakakatuwang isipin na makalipas ang ilang dekada ay muling nakabalik sa puwesto ang pamilyang pinatalsik sa kapangyarihan. Isa itong magandang balita para sa ating bansa lalo na at naniniwala akong muling magiging maunlad at tahimik ang ating buhay.

SALANGGAPANG PAGKITIL

Nakakalungkot na tila unti-unti nang nakakalimutan ng ating mga kababayan ang kasaysayan ng ating bansa. Nakakabahala ang pagkamangmang ng mga Pilipino at pagkabulag nila sa mga kuwentong gawagawaan lamang.

Walang magandang kinabukasang nag-aabang sa ating bansa kung patuloy na magkakaroon ng kawalan sa hustisya ang pamahalaan.

Nito lamang Oktubre 3, isang hindi kilalang mamamaril ang kumitil sa isang sikat na manunulat at isang radio commentator na si Percival Mabasa na kilala rin bilang si Percy Lapid. Siya ang ikalawa sa mga manunulat na nakitil simula noong napaupo sa posisyon si Pangulong Marcos.

Hindi maipagkakailang malaki ang naging pagkukulang ng mga namumuno sa pamahalaan sapagkat naging mabagal ang mga prosesong kanilang ipanapatupad para sa agarang paglutas ng kaso.

hustisya sa bansa, mayroon ding ilang kaso ang hindi na talaga pinapansin o di kaya ginagawa na lamang na parang bula kagaya na lamang sa kaso ng mga mahihirap na hindi nabibigyan ng sapat na justice system sapagkat sila ay salat sa buhay at hindi nabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng abogado para sa kanilang sarili.

Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang nagpahayag ng gasgas ngunit napapanahong kasabihan na “kabataan ang pag-asa ng bayan” kung saan ipinaparating niya na ang kinabukasan at pag unlad ng isang lipunan ay nakadepende sa kabataan ngunit sila nga ba ang pag-asa kung ang mga taong nasa paligid nila ay siyang nagdududa?

Sapagkat ang kabataan ay nasa proseso ng paghahanap sa kanilang sarili at hindi pa gaanong hinog ang kanilang kaalaman tungkol sa mga sensitibong bagay, bukas ang kanilang isipan tungkol sa mga opinyon na ipinapahayag ng iba’t ibang tao. Lumalawak ang kanilang kaalaman dahil nakakakita at nakakapanood sila ng mga grapika tungkol sa mga paksang kontrobersyal na siyang nagmumulat sa kabataan sa mga konsepto at ideya na hindi pa handang harapin ng mga nakakatanda.

Ito ay nagsisimula sa mga seryosong usapan sa social media na makikita natin sa mga aplikasyon kagaya ng Twitter at Facebook tungkol sa ekonomiya, politika, at iba pang maaaring magbukas sa kanilang isipan at nagsisilbing motibasyon upang gawin ang alam nilang tama at wasto. Ngunit, may ibang hindi makapamahagi ng kanilang kaalaman sapagkat diskriminasyon at panglalait ang kanilang natatanggap kung gawin man nila ito.

Marami pa rin matatanda lalo na sa henerasyon ngayon ang nagdududa sa kakayahan ng mga kabataan upang mamuno patungo sa kabutihan ng ating kinabukasan sapagkat sa tingin nila marami pang puwede pagdaanan ang mga kabataan bago pa man sila sumubok sa mga seryosong responsibilidad.

Ngunit, para sa akin, hindi naman sa edad tinitingnan ang kakayahan ng isang tao. Kahit man sabihin natin na mas maraming kaalaman ang matatanda kaysa sa mga bata dahil ng kanilang taglay na karanasang napagdaanan dapat isipin din natin na hindi porket mas matanda ang isang indibidwal, mas malala at matindi na agad ang naranasan nila kaysa sa atin.

Dapat tanggapin ng mga nakatatanda na ang mga kabataan ay may kakayahan na makilahok at sumabak sa mga matinding propesyon. Wala din silang magagawa kung hindi tanggapin nila ang kanilang kapalaran sapagkat hindi rin naman nila makokontrol ang prosesong pinagdadaanan ng lipunan na tumanggap ng mga nakakabata kaysa kanila upang mas umunlad patungo sa mabuting kinabukasan lalo na’t ang populasyon ng kabataan sa Pilipinas ay higit sa 40%.

Kaya kailangan na matuto rin ang mga kabataan na tumayo para maipagtanggol nila ang kanilang sarili sapagkat ito ay kakailanganin rin nila pag tumungtong sila sa tamang edad. Magbigay ng galang subalit matuto rin maglagay ng boundaries upang hindi nila maranasan ulit ang diksriminasyon at panlalait sa kanila.

Madaming kaso rin dito sa bansa ang hindi nabibigyang solusyon at hustisya.

Tila kulang ang ating bansa sa mga taong totoo at may puso sa trabaho.

Bukod sa mabagal na sistema ng

ANG KURO

Le Bron James Silang

Oras na para kilalanin ng gobyerno ang maling aksyon ng mga korporasyon at negosyo na may bahagi sa pagka-iwan sa ere ng pangako ng K-12 program.

Maraming nagpapatunay na malaking tulong ang pagkakaroon ng koneksyon upang agarang maresolba ang mga kani-kanilang kaso. Kaakibat na ng pera ang hustisya, kung wala ka nito ay hindi ka magkakaroon ng sapat at hinahanap mong hustisya.

Ang mga kasong ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng nagsasabi ng tama ay laging pinaniniwalaan.

Madaming kaso dito sa ating bansa na kung saan kung sino pa ang nagsasabing tama ay siyang pinatatahimik ng pamahalaan. Bukod sa pagpapatahimik, kung minsan ang mga ito ay tuluyan nilang pinapapatay. Dapat na tayong mga kabataan ay maging tunay na mga edukadong nakakaalam kung ano ang tama at mali. Mula rito, nararapat lamang na magsagawa ng karampatang aksyon ang pamunuan ni Pangulong Marcos katuwang ang iba pang mga departamentong responsable sa sistema ng hustisya ng bansa. Dapat lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng sapat at mabilis na hustiya at Hustisyang hindi dapat natatapalan ng pera at posisyon.

Dapat lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng sapat at mabilis na hustiya Hindi sa edad tinitingnan ang kakayahan ng isang tao.

PANANAGUTAN AT PAGBABAGO

Balak i-revise ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ang K-12 Program sa pangunguna ni Bise Presidente Sarah Duterte bilang Secretary of Education. Ang aksyong ito ay bunga ng mga resulta sa Basic Education Report para sa 2023 na nagpapakita ng malaking kakulangan sa importanteng mga aralin at napakong pangako na maaring makakuha ng trabaho ang mga nakapagtapos ng Senior High School.

Matatandaang ang K-12 Program ay nagdagdag ng dalawang taon sa edukasyon ng mga mag-aaral sa Pilipinas nang inimplementa ito. Layunin nitong mapalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral at gawin silang kwalipikado para sa middle-level employment.

Sa huli, hindi lahat ng layunin ay nagagawa at lahat ng pangako natutupad.

Kung kaya’t para maisakatuparan ang mga pangyayari na dapat dala ng pagkakaroon ng K-12 Program, magkakaroon ng pagbabago rito upang mas mapagaling at mapatalas ang

isipin ng mga mag-aaral at maging kwalipikado sila na makuha sa trabaho. Ngunit, ang K-12 program lamang ba ang dahilan kung bakit kinakailangan pa rin ng mga Pilipino na makapagtapos sa Kolehiyo upang sila ay makapag-trabaho? May bahagi rin ang mga korporasyon at negosyo kung bakit hanggang ngayon ay masyadong mataas ang istandard upang tayo ay makuha sa kahit anong trabaho. Ito ay nagsisilbing balakid kung bakit maraming mga Pilipino ay hindi makakuha ng maayos na trabaho. Paano nga

naman makakapag-trabaho ang mga nakapagtapos sa Senior High School kung kahit ang pagiging kahera ay kinakailangan na makapagtapos ka ng kolehiyo sa Pilipinas? Hindi ba’t parang walang katarungan kung lahat na lamang ng trabaho ay kailangan nakapagtapos ka ng kolehiyo? Saan magagamit ang mga kaalaman na nakuha mo habang ikaw ay nag-aaral ng kolehiyo kung ang trabaho na iyong makukuha naman ay kayang gawin ng isang Senior High School graduate?

Marami sa mga Pilipino ang naghihirap kung kaya’t

NABIGONG OBRA MAESTRA

malaking bagay para sa lahat ang layunin ng K-12 na gawing kwalipikado ang mga mag-aaral para sa middlelevel employment kapag nakapagtapos ng

Senior High School. Maganda ang layunin ni Bise Presidente Sara Duterte na patibayin ang K-12 program. Ngunit, oras na para kilalanin ng gobyerno ang maling aksyon ng mga korporasyon at negosyo na may bahagi sa pagka-iwan sa ere ng pangako ng kurikulum. Upang umunlad itong lipunan, marapat kilalanin ang pagkakamali na nagagawa ng sinuman.

Nilinaw ng Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge Secretary Carlito Galvez Jr. na ang iminungkahing programang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ay mas pinahusay uang mapalakas at mapatatag ang mga pangkat ng trainees sa paniniwalang nagpapatibay din ito ng kanilang mental health. Datapwa’t sa pahayag na ito, hindi ko sinusuportahan ang panukalang mandatory ROTC kaugnay sa mga nakaraang pangyayari partikular na ang pagkamatay ni Mark Nelson Chua noong nagsilbi siya sa panahon ng ROTC.

Ang sapilitang pagkikipag-ugnayan sa nasabing panukalan ay itinigil noong 2001 at naging opsyonal dahil sa pagkakagulo ng mga tao at humiling na itiwalaga na ang programa ng dahil sa pagkamatay ni Mark Welson Chua. Si Chua ay isang ROTC cadet mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pinatay umano siya ng mga kadete niyang seniors matapos niyang ilantad ang korupsyon na nangyayari sa ROTC program noon sa publiko.

Ang panahon ng mandatory ROTC ay naglunsad ng mga korupson sa programa tulad ng pagbabayad ng mga estudyante sa kanilang mga opisyal upang makakuha ng pasadong marka sa nasabing programa

nang hindi nakikibahagi dito. Bilang sa mga estudyanteng nakakuha ng passing grades ay binayaran lang ang kanilang grades na nag-usbong sa hindi patas na sistema sa loob ng programa.

Ibinahagi ni Secretary Galvez na ang programa na ROTC na naisip ng DND ay kinabibilangan ng mga kurso na partikular na idinisenyo upang pasiglahin ang katatagan, pamumuno sa sarili, pagbuo ng karakter, at disiplina. Ang programang ito ay may mabuting hangarin ngunit hindi natin maiiwasan na ito ay magdulot ng kapahamakan at maging mapanganib sa mga mag-aaral.

Maraming tao ang hindi sumasang-ayon at hindi sumusuporta sa

bagong iminungkahing mandatoryong programa ng ROTC, partikular, ang mga magulang. Maraming tao kabilang ang aming mga magulang ang nagaalala para sa aming mga kabataang estudyante, na posibleng sumailalim sa programang ROTC sa hinaharap. Noong termino ng dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo, nilagdaan niya ang Batas Republika Bilang 9163, ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001. Dahil sa Batas Republika na ito, naging boluntaryo at hindi mandatory ang ROTC. Gayunpaman, paulit-ulit na bumabalik ang nakaraan. Hinihimok ni Vice President at Education Secretary, Sara Duterte, na dapat gawing mandatory muli ang

elective ROTC program. Sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ideya na ibalik ang mandatoryong ROTC program. Sa pag-alala sa pagkamatay ni Mark Welson Chua, natatakot kami na mangyari muli ito sa ibang estudyante. Ang programang ito ay tunay ngang magpapaunlad ng ating kaalaman at kakayahan at maaari tayong magkaroon ng responsibilidad at disiplina sa paglilingkod at pagprotekta sa bansa sa pamamagitan ng programang ito. Ngunit upang maisakatuparan ito, dapat sundin ang mga protocol sa kaligtasan at dapat tanggalin ang korupsyon sa kasalukuyang pamahalaan.

Dapat lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng sapat at mabilis na hustiya

ANG SALIGWIL Maia Gabrielle Cardasto
08
opinyon
HENERASYONG LUNA Riyanna Antonia Apuli
TINIG NG VERDAD
Yochabel Sude
Hannah
SAMANTHA PAULENE CANLAS G10- Archimedes JEREMIAS ROMIEL EMPLICA G11-Williams
TINIG
LIPUNAN
STEFANI GWEN BUGTONG G9-Avogadro
NG
Mula sa: Republika ng Pilipinas

MALAYANG KERUBIN

Kate Angelica Fetizanan

Para sa ibang mga mag-aaral, itinuturing nilang mga magulang ang kanilang mga guro sapagkat sila ang nagpupuno sa mga pagkukulang ng mga miyembro ng tahanan.

SA NGALAN NG EDUKASYON

Walang maiisaayos sa Kagawaran ng Edukasyon kung ang pilit na iminumungkahing solusyon ay tila walang kaugnayan sa tunay na problemang hinaharap.

Kamakailan, idineklara ni Bise Presidente Sarah Duterte ang Department of Education (DepEd) order no. 49 na nagbabawal sa mga guro na magkaroon ng kahit anumang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral sa labas ng paaralan upang matiyak na walang pang-aabuso at pagkiling ang maganap sa mga mag-aaral. Sa mga nagdaang buwan, nag-ugat mula sa mga opisyal ng DepEd at maging ang mga guro ang mga kasong may kinalaman sa sekswal na pang-aabuso sa mga mag-aaral. Naglahad ng mga patunay ang mga biktima na nagmula sa social media. Dagdag pa rito ang pagbabawal sa pakikipag-ugnayan sa loob ng social media. Ngunit ang masama rito, tila walang nakalatag na bagong paraan ng komunikasyon kung sa makabangong mundo ay social media ang tanging paraan para magapi ang komunikasyon.

Kung ang mga guro ay tinatawag na pangalawang magulang ng mga mag-aaral, hindi maikakailangang

magkakaroon ng kaunting interaksyon na nagsisilbing gabay nila sa mga estudyante. Ang pagiging malapit ng mga guro at estudyante sa isa’t isa ay maaaring humantong sa pag-usbong ng pagkiling, lalo na kung ang ilang mga mag-aaral ay tumatanggap ng higit na magandang pagtrato kaysa sa iba.

Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi ito nangangahulugan na ang relasyon mismo ay likas na may kinikilingan o nakapipinsala. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng positibong relasyon ng mga mag-aaral at kanilang mga guro ay makatutulong sa pagpapaunlad ng positibong kapaligiran sa sistema ng pag-aaral at pagbutihin ang mga resulta at kalidad ng edukasyon.

Ang pagbabawal sa magiliw na ugnayan sa pagitan ng mga magaaral at guro ay makikita bilang isang hakbang na ginawa upang matugunan ang mga potensyal na kawalan ng timbang sa kapangyarihan at mga

DISTR-AKSYON

alalahaning etikal na maaaring lumitaw sa ganoong mga relasyon. Datapuwa’t, ang naturang pagbabawal at paguutos ay mahalagang magkaroon ng malinaw na patakaran at alituntunin sa lugar na nagbabalangkas ng angkop at propesyonal na mga hangganan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.

Bilang isang mag-aaral ng institusyon na nagpapalakad ng isang “technology-driven environment” kung pilit na ipagbabawal ang paggamit ng social media upang masiguro ang kalidad ng seguridad ng mga magaaral ay tila mawawalan ng saysay ang modernisasyon sa institusyon.

Para sa ibang mga mag-aaral, itinuturing nilang mga magulang ang kanilang mga guro sapagkat sila ang nagpupuno sa mga pagkukulang ng mga miyembro ng tahanan. Ang pagbabalewala ng ganitong ugnayan ay mag-uusbong sa mga suliranin na haharapin ng mga mag-aaral gaya na lamang ng pagbaba ng kalidad ng pag-aaral.

Habang ang marami ay nagpapakasasa lamang sa apat na sulok ng kanilang mga silid-aralan, ang ibang mapalad na mag-aaral naman ay nakararanas ng iba’t ibang kwento sa labas ng mga ito. Totoo ngang ang buhay ng isang senior high school student ay nakatuon sa akademiks at sa paghahanda nila para sa kolehiyo. Subalit, bahagi rin ng paglalakbay ng isang estudyante ang pagkatuto niya sa kanyang mga pinagdaraanan at ang pag-iipon ng mga karanasang magiging sandata sa pagtahak sa tunay na buhay. Tunay mang dapat ituon ng isang mag-aaral ang kanyang pokus at atensyon sa pag-aaral, mas magiging makabuluhan ang kanyang student life kung susubukan niyang pasukin ang mundo ng mga student organization at extracurricular activity.

Halimbawa, ang University of Batangas-Batangas City Campus Senior High School Department ay mayroong 11 organisasyon, 6 na nag-rereprestsenta sa bawat senior high school strand; ang Mentors of Excellence in the Development and Instruction of Students IN Allied Health (MEDISINA) ng STEM-Allied Health, Aspiring Engineering Students Association (AESA) ng STEM-Engineering, ang Financial and Economic Achievers Circle (FEAC) ng ABM, HUMSS Republic ng HUMSS, TVL Educational Circle of High School Students (TECHS) ng TVL, at The Art Guild (TAG) ng GAS-AAD. Mayroon namang tatlong special organizations katulad ng Sports Club, l, Association of Competent and Excellent Students - Honors Society (ACES), at ang TAHASDebate Society, bukod pa sa mga grupo ng Culture, Arts and Publications Office katulad ng HS Choir, Dance Troupe, Pep Squad, Teatro Anino, Rondalla, Stringers, at Tunog Pamantasan.

Isang miskonsepsyon na ang pagsali sa mga organisasyon ay hindi importante, at sayang lamang sa oras, pagod, at trabaho. Ang pagsali sa mga organisasyon ay isang malaking tulong sa buhay ng isang estudyante hindi lamang sa loob ng unibersidad kundi pati na rin sa buhay nito bilang isang indibidwal. Tinutulungan rin ang mga mag-aaral na mahasa ang kanilang galing sa kanilang mga kakayahan at talento sa loob ng organisasyon.

Katulad na lamang ng TAHAS - Debate Society na kinabibilangan ko. Mula sa aking bahagi ng iba’t ibang organisasyon sa kung saan ay nagkakaroon ng weekly at bi-weekly na pagsasanay ang mga miyembro sa larangan ng debate. Nagkakaroon din ng

DALAWANG PANGALAN, ISANG PAARALAN

KA-AGAPAY?

Hindi lahat ay makakasabayan, laging may mauuna o maiiwan ngunit habang ang pagsuko ay ‘di parte ng plano, siguradong sa dulo ay tunay na kabutihan ang mananalo.

Naturingang komunikasyon ang isa sa mga importanteng haligi ng epektibo at malusog na relasyon ng pamilya, batay man sa dugo o sa pinagsamahan. Di maikukubling mahirap panatilihin ang pag-uusap o ang koneksyon sa pagitan ng mga tao kung malayo sila sa isa’t isa. Kaya naman sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkakataon na magkasama ang mga magkakapatid sa pagpasok sa ating ikalawang tahanan, kilala rin bilang ating paaralan, patuloy na maaaring mas makilala pa nila ang isa’t isa.

Sa Patnugot,

mga kaganapan na ang mga estudyante ang nag-oorganisa para sa buong departamento katulad na lamang ng nakaraang “Org-Fest” na ginanap noong ika-6 hanggang ika-10 ng Pebrero, 2023, kung saan ay naipakita ng iba’t ibang organisasyon ang galing sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng mga patimpalak na inorganisa ng mga nasabing organisasyon sa departamento ng Senior High School. Sa pagsisimula ng taong panuruan 2022-2023, ang Senior High School Department ng University of Batangas ay mas naging bukas sa mga extracurriculars kagaya na lamang ng pagsali sa mga patimpalak sa labas ng unibersidad, na kalimitan ay sa mga miyembro ng organisasyon kinukuha sapagkat ang mga organisasyon ay patuloy ang paghahasa sa mga estudyante sa larangan na kinabibilangan nila. Malaki rin ang tulong ng mga organisasyon hindi lamang sa mga miyembro nito kundi pati na rin sa lahat ng estudyant, gaya na lamang ng proyektong inilulunsad ng Association of Competent and Excellent Students - Honor Society (ACES), ang weekly tutoring na libreng natatanggap ng mga estudyante ng UBBC-SHS na mayroong academic organization card ng kanilang academic organization na kinabibilangan nila base sa kanilang senior high school strand. Automatiko silang nabibilang sa isang academic organization sa pagsisimula ng kanilang “senior high school life” hanggang sa matapos ito. Ang paghahanda sa kolehiyo at sa buhay labas sa pag-aaral ay isang pagsubok sapagkat nalilimitahan sa isang paaralan ang kakayahan ng isang estudyante bilang isang indibidwal kung kaya’t ang pagsali sa mga

organisasyon ay mahalaga sa pagkatuto ng isang estudyante sa pakikihalubilo, pakikisama, at pakikipag-kaibigan sa ibang tao. Maraming oportunidad din ang nagbubukas sa pagsali sa mga ito. Napapalawak din ang kaalaman ng isang estudyante sa pag-oorganisa ng iba’t ibang aktibidades at kaganapan sa loob man o labas ng unibersidad. Sa pagsali sa mga organisasyon, marami kang makikilalang tao, matututunang mahahalagang aral ng buhay, at mas makikilala mo ang iyong sarili. Dito matututunan ng isang mag-aaral ang tunay na buhay sa labas at pagkatapos ng pag-aaral. Dito siya makabubuo ng mga bagong pamilya, makatutuklas ng mga bagong talento, at makapagiiwan ng mga alaala. Matututunan mong sumubok, mabigo, manalo, at higit sa lahat, matututunan mong enjoy-in ang buhay ng isang estudyante. Matapos ang lahat, ang mga extracurricular activity at student organization ay hindi distraksyon kundi inspirasyon.

Bilang isang mag-aaral sa UBBCSHS, na miyembro ng MEDISINA, TAHAS-Debate Society, at manunulat sa The Westernian Pioneer, masasabi ko na talaga namang nakatulong ang aking mga organisasyon sa paghubog sa aking mga talento at paghasa sa aking mga kakayahan. Nakilala ko ang aking pangalawang pamilya sa TAHAS, at natutunan ko kung paano makitungo at makihalubilo sa ibang tao. Importante ang paghubog sa karakter at hindi lamang sa larangan ng akademiko. Hindi ko maisip kung nasaan ako ngayon kung hindi ako sumali sa mga iba’t ibang extra-curricular sapagkat binuo ng mga taong aking kasama, mga guro, at mga karanasan ang aking senior high school life.

Liham sa patnugot

Batid po ang UB ay isang panaluhing paaralan dahil sa palagian at mahusay nitong pagsasanay sa kanilang mga mag-aaral. Dahil dito may mga pagkakataon na nahuhuli sila sa mga pagsusumite ng mga aktibiti at iba pang gawain. Sana naman po ay mabigyan sila ng dagdag na konsiderasyon ng lahat ng guro

Ricciella Joyce Almarez G10 - Archimedes

Dear Ms. Almarez

Makasisiguro ka sa aming suporta ngunit mas makabubuting iparating mo ito sa inyong administrasyon upang matugunan nang mabilisan. Marahil kapag makakausap mo ang ibang pinagkakatiwalaang guro at maipakikitang dala-dala mo ang pangalan mo, departamento ninyo, at buong paaralan ay masosolusyonan ang iyong hinaing.

Aldred Sky Abando Punong Patnugot

GUINTONG PLUMA

Sa pagsali sa extracurricular organizations, marami kang makikilalang tao, matututunang mahahalagang aral ng buhay, at mas makikilala mo ang iyong sarili. Dito matututunan ng isang mag-aaral ang tunay na buhay sa labas at pagkatapos ng pag-aaral.

Dagdag kapayapaan ng loob ng mga magulang ang pagkakaroon ng mga anak na napasok sa isang paaralan sapagkat alam nilang nasa ilalim ng maaasahang pangangalaga ang kanilang mga anak, at iyon ay sa piling ng bawat isa.

Ayon naman sa odmps blog noong Pebrero 2022, ang mga bata ay makakapagbigay ng sapat na emosyonal na suporta at proteksyon sa mga kapatid sa loob ng institusyon. Nakikita nila ang isa’t isa sa pang araw-araw na paglabas kaya naman mas lumalalim at lumalawak ang kaalaman nila sa mga nangyayari sa buhay ng isa’t isa. Sa tulong din nito ay mas nalalaman nila ang mga problema at mga pangangailangan ng isa’t isa kaya’t magiging mas madali ang pagbubuo ng solusyon para sa mga hamon na parating.

Sa kabilang banda ay may mga kasahulang maaaring mapansin ang mga mamamayan sa pagpasok ng mga magkakapatid sa isang eskwelahan. Ilan ang mga nakapaloob sa sinasabing drawbacks ng pagkakaroon ng kapatid na papasok sa parehong paaralan.

Ayon sa Lifevif, maaaring magkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng mga magkakapatid kung magkakaroon ng problema o pagkakaiba-iba sa kanilang mga pagkatao at katangian. At kung magkalapit ang baitang o nasa parehong baitang at seksyon ang mga magkakapatid, mataas ang probabilidad na maipagkumpara ang galing, talino o talento nila sa isa’t isa. Sa huli ay ang indibidwal na priority ng isang mag-aaral ang magdidikta sa kanyang mga desisyon na siyang nakakaapekto sa kanyang pamumuhay bilang estudyante.

Kailangang tanggapin rin na tulad ng paligid natin, maaaring magbago ang pananaw at pag-iisip ng bawa’t isa dahil parte ito ng paglago. Hindi lahat ay makakasabayan, laging may mauuna o maiiwan ngunit habang ang pagsuko ay di parte ng plano, siguradong sa dulo ay tunay na kabutihan ang mananalo.

Sa Patnugot, Matagal na pong ninanais ng mga mag-aaral sa high school ang pagpapalawak ng canteen upang hindi maging mahirap ang paghahanap ng upuan at pagpila sa bilihan at maiwasan ang pagkakaubusan ng pagkain. Hanggang sa ngayon, ganoon pa rin po ang sitwasyon at patuloy kaming naghihintay sa matagal na naming inaasam.

Dear Ms. Salva

Althea Nichola Salva Lubos naming nauunawaan ang kagustuhan ng lahat para sa isang malawak na canteen, subalit hindi basta-basta ang pagpapalaki nito dahil sa limitadong espasyong mayroon tayo. Sa kasalukuyan, sapat naman ang oras upang kumain kaya gamitin nawa ng lahat ang ano mang mayroon at wala rin namang masamang sumubok sa mga kainan sa labas ng paaralan. Karagdagang payo at magdala ang mga mag-aaral ng pagkain upang hindi na makipag-siksikan sa canteen.

opinyon 09
Andreia Guillen Ventura

Kilala bilang Summer Capital of the Philippines, ang Baguio ay kilala hindi lang sa matatamis nilang strawberry at malamig na klima kundi lang sa pagbuo ng mga hindi makakalimutan na alaala. Ito ang kwento ng mag aaral ng Unibersidad ng Batangas.

Bago

Baguio

Wala pa man ang araw, nagliliwanag na ang mga nasasabik na mga mata ng mga mag aaral bago ang biyahe paalis ng Batangas. Nagtipon-tipon bago ang bukang liwayway ang mga mag aaral sa main campus para sumakay sa sasakyan ng Unibersidad ng Batangas.

Sa pagsapit ng alas-singko ng umaga, umandar na ang sasakyan at umalis na papuntang City of Pines.

Sa kalagitnaan ng biyahe, huminto sila sa

Pangasinan para makakain ng agahan. Naging mahaba ang paglalakbay kaya’t kinailangan din ang mahaba ang pasensya pero tila hindi pansin ang pitong oras na matagal na biyahe dahil habang ang iba ay natutulog, ang iba ay mas lalo pang nakilala ang isa’t isa.

Baguio

Ang mga nakaidlip ay namulat sa kamangha manghang tanawin sa labas. Makikita na ang tunay na ganda ng Baguio. Sa unang pagtapak, saktong alas dose na kaya’t kumain na sila sa pinakamalapit na restawran. Sumunod ay pumunta na sila sa DepEd Teacher’s Camp at doon na binaba ang mga gamit. Masasabi mo talagang isang magandang oportunidad para sa mga mag-aaral ng iba’t ibang pribadong paaralan sa bansa na maging bahagi ng APPSAM: 10th National Leadership Assembly at Talent Fair dahil isang beses lang ito nangyayari sa isang taon.

Dumalo ang mahigit kumulang na tatlong daan na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Ang tatlong araw na seminar at paligsahan ng mga mag-aaral tungkol sa liderato ay nagbigay ng malalim na kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pagiging isang lider sa kanilang mga paaralan. Magkaiba man ang mga pangalan, nagkakaisa sa Baguio para sa seminar ng liderato ang mga mag-aaral.

Ang plenary sessions ay idinaos sa Benitez Hall sa Teacher’s Camp na nagbigay ng isang di malilimutang karanasan para sa lahat ng mga mag-aaral. Isang makabagbag-damdaming talakayan tungkol sa mga hamon sa liderato ang nagsimula sa programa kung saan nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa mga estudyante ang mga imbitadong tagapagsalita. Kasunod nito ay ang mga pangkatang gawaing nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang nagpakitang-gilas sa kanilang mga kasanayan sa pagpapamalas ng liderato.

Bye Baguio Ang mga mag-aaral ay naging bahagi ng isang makabuluhan at makabagong araw sa seminar. Ibinahagi ng mga tagapagsalita ang kanilang kaalaman at karanasan sa larangan ng liderato. Inihayag nila ang kahalagahan ng pagiging isang lider at kung paano ito makakatulong hindi lamang sa kanilang personal na buhay kundi pati na rin sa kanilang mga responsibilidad. Sa kabuuan, nagkaroon ng mga mahahalagang aral ang mga mag-aaral tulad ng pagiging bukas sa iba’t-ibang perspektibo, pagtitiyaga, at pagiging mahusay na tagapakinig. Ang

kaganapan na ito ay naging isang tagumpay sa pagpapahusay ng mga kakayahan sa pagpapamalas ng liderato ng mga mag-aaral. Ang

bawat isa ay nagpakita ng kanilang kasanayan at determinasyon upang magtagumpay hindi lamang sa kanilang mga paaralan, kundi pati na rin sa pag-aalay at pagsislbi sa komunidad.

Hindi naiiba sa mga karaniwang laro ng mga batang Badjao ng Malitam Elementary School ang mga sayawan, kantahan, at takbuhang naganap noong Sabadong iyon—nadagdagan lamang ng mas marami pang tawanan, mas malakas pang iyakan, at higit 20 pang kasalo sa kainan.

Matapos ang ilang taong paghihiwalay, nabuo muli ang pagkakaibigan ng mga girl scout ng University of Batangas Junior High School at mga batang Badjao ng Barangay Malitam noong Nobyembre 26, 2022 dahil sa Tulong Bata Project. Sa suporta ng Girl Scouts of the Philippines Batangas City Council at UB Alumni Association, ang mga bata ay nabigyan ng mga damit at nabusog sa lugaw at tuwa.

Araw ang binilang upang matapos ang mga preparasyon. Pagpaplano ng programa, pagbili ng mga papremyo, at pangongolekta ng mga damit na hindi na ginagamit—lahat ay

maaaring umusbong sa oras ng pagsasagawa ng proyekto.

Sa kabila ng maingat na paghahanda, mayroon pa ring kaguluhang nagpaingay sa Malitam Elementary School. Kung may isang bagay na nakalimutang alalahanin ng mga scout, ito ay ang rambulang hindi mawawala sa bawat aktibidad na may kasamang dose-doseng bata.

Dali-daling naghahanap ang mga batang Badjao ng mga bagay na maaari nilang gamitin sa larong pahabaan, nang biglang makita ng mga scout ang dalawang batang namumula ang mga mukha sa galit at halos makalbo sa paghihilahan ng buhok. Nauwi rin ang sabong na ito sa yakapan matapos maturuan ng mga scout ang dalawang bata na mapatawad ang isa’t isa. Kung sana ganito rin kadali sa mundo ng mga nakakatanda, hindi ba?

munting donation na binigay namin. It was really worth it kasi natulungan namin sila, we had fun and napangiti namin sila,” hayag ni Ricciella Joyce Almarez, song leader ng UBJHS Girl Scouts. Ramdam sa kasiglahan ng mga kaganapang tulad nito na matagumpay na naitawid ang layunin ng Tulong Bata Project—matulungan at maprotektahan ang mga batang Badjao. “Hangad din ng GSP ang magbigay kaalaman sa mga bata at mabigyan sila ng mga pangunahing pangangailangan,” paliwanag ni Angel Brent Noble, isang girl scout na nagboluntaryo sa proyekto. Idinagdag pa ni Angel na sa pamamagitan ng ilang simpleng paraan tulad ng pagbibigay ng pagkain, pamamahagi ng damit, pagpapalaro, at pagsasayaw kasama ang mga batang Badjao, naisagawa ang layuning ito.

Kung ang karamihan ay nawiwili sa mga bidyo sa TikTok ng mga sikat at hinahangaan nila, ang ibang UBians naman mismo ang sikat na pinanonood at hinahangaan ng madla. Kapantay ng pagiging mahusay na mag-aaral ang katangitangi, kahanga-hanga, at nakaaaliw na mga content na ipinamalas nina Lara, Alodia, at Nyla sa kani-kanilang mga TikTok account.

Halos tatlong taong singkad magbuhat ng kumalat ang pandemya sa Pilipinas, maraming Pilipino ang nainip sa kani-kanilang mga tahanan at nakatagpo ng panibagong kaaaliwan at kagigiliwan. Habang ang iba ay patuloy na naghahanap ng mapagkakaabalahan, TikTok ang naging sandigan ng tatlong Brahman upang simulang ipakilala ang kani-kanilang mga pangalan.

Lumilipad nang walang Pakpak

Ano nga ba ang nagagawa ng binti ng isang tao? Para kay Lara Isla ng University of Batangas Senior High School, ang mga ito ay magagamit hindi lamang upang umakyat sa ikaapat na palapag at marating ang kanilang silid kundi maging sa pagrampa, pagbibisikleta, at pagsayaw. Kilala sa kanyang mga bidyo sa pagbibisikleta, pagpapaganda bilang isang UB Model, at paglipad bilang isang flyer ng UB Pep Squad. Ang buong buhay ni Isla ay nakatuon sa pagbibigay ng liwanag para sa iba. Ito ay dahil sa pangarap niyang magbigay-ngiti at pag-asa sa mga bata sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanila kaya siya ay nasa allied health strand ng UBBC-SHS. Kasabay nito ang mga hatawan ng Pep Squad at kanyang paglipad sa ere na talaga namang makapigilhininga para sa mga manonood. Kung kaya’t maging sa TikTok man o sa sayawan, entablado, at paaralan, makikita ang pagiging aktibo ni Isla sa pagtupad at pagganap sa kanyang mga samot-saring gampanin. “Ang TikTok ay hindi lamang para magpalipas ng oras, ito ay nagsisilbing daan upang magamit ang ating imahinasyon sa pagpapahayag ng ating mga sarili,” ayon kay Isla, na mas kilala sa ‘@briannaislaa’ na may 60,000 followers sa nasabing plataporma na siyang nagiging paraan upang maihayag ang kanyang sarili habang nagbibigay-kulay sa bawat hakbang na kanyang tinatahak.

Biyaya ng Ginintuang Tinig Kung anong husay sa paghawak ng pera ay siya ring humaling ang dala sa pag-awit at pagkanta. Iyan naman si Alodia Castillo ng Accountancy, Business and Management (ABM) strand. Bukod sa talento sa pag-awit, si Castillo rin ang tagasuri ng organisasyong binubuo ng mga mag-aaral ng ABM. Ang organisasyong ito ay ang Financial and Economic Achievers Circle o mas kilala bilang FEAC na tumutungo upang pataasin ang antas ng financial literacy sa mga mag-aaral ng UB kung kaya’t kaakibat din ng boses niya ay ang pangarap niyang maging isang entrepreneur. Hindi maikakailang si Castillo ay isang mabuting mag-aaral sa paaralan at masipag na artista kapag trabaho na ang usapan. Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Castillo sa katotohanan ng mundo kung kaya’t maaga niyang sinimulan at tinahak ang kanyang paglago sa mundo ng trabaho. Siya ay isang artista sa ilalim ng Jams Artist Production kaya hindi na bago sa kanya ang paggawa ng mga bidyo sa TikTok na nagpapakita ng kanyang pagsayaw at pagkanta. Talaga namang ang lahat ng makabibisita sa kanyang account ay mapapasabing mahal niya ang kanyang ginagawa at masaya siya sa pagiging artista dahil tunay na kapansin-pansin ang tuwa at ninging na masisilayan sa bawat ngiting kanyang binibitawan.

Ayon sa kanya, hinding-hindi niya makalilimutan ang alaala niya sa Jams Artist Production kung saan nabigyan siya ng pagkakataong kumanta sa harap ng napakaraming direktor, prodyuser, manunulat, at mga artista noong PMPC Star Awards Television. Sa Castillo ay isang patunay sa paniniwalang kung mahal ng isang tao ang kanyang ginagawa, magsisilbi itong inspirasyon sa kanya sa halip na trabahong nakapapagod kaya habang maaga pa lamang ay iniuukit na niya ang pangalan niya sa industriya.

3-in-1 pero hindi Kape

Sinong mag-aakalang kayang mapagsabay ng isang tinedyer ang pagiging isang student leader, beauty queen, at online influencer? Iyan si Nylamre Shaira Berberabe na mas kilala bilang si ‘@_akoitosilamreang’ na may tumataginting na kalahating milyong followers sa TikTok.

Hindi lamang basta estudyante si Nyla. Siya rin ang Pangulo ng kanilang Supreme Student Council na siyang boses at kinatawan ng lahat ng mga mag-aaral para sa kani-kanilang mga tunguhin, magilas na mag-aaral sa umaga, at TikTok influencer pagka-dismiss ng klase.

“ANG GIRL SCOUT AY MATAPAT, ANG GIRL SCOUT AY MATULUNGIN, ANG GIRL SCOUT AY KAIBIGAN NG LAHAT AT Bakas sa dedikasyon at trabaho ng mga nagboluntaryong scouts ang kanilang katapatan sa pagtupad sa Batas ng Girl Scout, at bilang ina ng UBJHS GSP, buong pusong ipinagmamalaki ni Mrs. Divina Magnaye ang bawat isa sa kanila. “Nakita ko talaga kung pa’no nila sineryoso yung project. Sa malasakit nila sa mga ganitong klaseng mg proyekto, natutuwa talaga ako kasi totoo yung kagustuhan nilang maalagaan at kaibiganin yung mga Badjao,” ika niya. Matapos ang isang buong araw ng kasiyahan at pagtupad sa responsibilidad ng makataong pagkalinga, ay oras na upang magpaalam muli ang mga batang Badjao at mga girl scout sa isa’t isa. Magkakalayo man, ang pagkakaibigang kanilang nabuo at mga namutawing alaala ay siguradong magtatagal hanggang sa muli nilang pagsasama.

Bilang isang UB model at kandidatang nakoronahang Binibining Pinamukan Proper noong 2022, si Nyla ay isang matatag na tagapagtaguyod ng pagmamahal sa sarili at pagpapataas ng sariling kumpiyansa.

Sa kasalukuyan, bilang isang graduating na estudyante, mas binibigyang prayoridad niya ang kanyang pag-aaral upang makamit ang kanyang mga pangarap sa hinaharap katulad ng pagiging isang guro, abogado, at career sa social media.

At katulad ng lahat ng mga beauty queen na labang-laban sa mga sagutan at tiktakan sa mga tanungan, iniiwan niya ang mga katagang, “In order for us to achieve our goals, we should always believe in ourselves.”

Nasa silid-aralan man o wala, nasa paaralan man o hindi, ang tunay na kahanga-hanga ay ang pusong ipinaglalaban ng bawat isa – sikat man o hindi, kilala man o hindi. Sukat man sa bilang ng mga follower nila ang kasikatan nila sa TikTok, walang salita naman ang kayang tumumbas sa impluwensiyang mayroon sila sa pagbibigay inspirasyon, kaalaman, at kamalayan sa iba habang ginagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila.

Dibuho ni Miguel Gian Macalalad Patnugot: Le bron James Silang Dibuho ni Christine Joy Montoya Dibuho ni Christine Joy Montoya Maia Gabrielle Cardasto Carl Dominic Macatangay at Le Bron James Silang Josiah Shem Sumagaysay Larawan ni: Nylamre Shaira Berberabe

Wala sa oras at sa lugar kung hindi sa pagtitiwala sa sarili, pagpapakumbaba at ienjoy ang proseso.” Ito ang pananaw ng estudyanteng si Carl John Garcia ng University of Batangas na nanalo sa patimpalak sa kabila ng isang araw lamang na preperasyon. Hindi sukatan ng oras na inilaan sa pageensayo ang pagkapanalo kung hindi ang pagtitiwala sa sarili.

Sapul mula sa antas ng elementarya, si Carl John ay hindi na palasali sa mga kompetisyon sa labas man o sa loob ng paaralan. Kaya ganun na lamang ang kanyang kaba nang--- “Sali ka? Debate PNU, kaso sa 22 na yon,” tanong ni Atty. Mary Christel Joy Contreras ang namamahalang guro ng Tahas, isang organisasyon ng mga estudyanteng may kakayahan sa pagdedebate. Sinabi ito ng guro isang araw lamang bago ang kompetisyon.

Sa pagkabanggit pa lamang ay agad naisip ni Carl John na ang kanyang makakatunggali ay mga bihasa na sa kaniyang sasalihan na paligsahan. “Nang malaman ko na national level ay inaasahan ko na magagaling talaga kasi galing sila sa mga prestihiyosong paaralan katulad ng Sobel De Ayala at De La Salle, dahil dito naikumpara ko at kinewestyon ko ang aking sarili ngunit sa huli pinagkatiwalaan ko ang aking kakayanan at sa tulong ni Atty. Contreras nalaman ko kung paano o ano ang konsepto ng pagdedebate.”

Ngunit alam niyang dapat siyang maging reyalistik sapagkat hindi sapat ang oras na nakalaan para sa kanyang pag-eensayo. Kaya sa loob ng isang araw, umupo siya sa isang sulok ng kanyang silid-aralan upang mag-ensayo sa kanyang sarili habang patuloy na nakikinig sa talakayan ng klase.

Nang dumating ang araw ng kompetisyon ay nagkaroon ng problema ukol sa transportasyon patungo sa Philippine Normal University kung saan gaganapin ang patimpalak, na muntik ng maging rason para hindi makasali si Carl John.

Baon ang tiwala sa kanyang sarili, nakapasok siya sa finals, “Nung nakapasok ako sa finals laking tuwa ko na, sabi ko sa sarili ko sapat na yun sa akin.” “Okay na po ako umuwi, nakapasok na ako” bungisngis niya. Ngunit alinsabay sa kanyang sinabi, ang mga kaisipan na tutal narito na rin naman ako ay gagawin ko na ang lahat ng aking makakaya at kung palarin man ako ng pagkakataon ay makasungkit man lang ng pwesto sa pagkapanalo baon pabalik sa Batangas.

Kung hindi kapani-paniwala para kay Carl John na siya ay nakapasok bilang finalist mas lalong hindi siya makapaniwalang nakamit niya ang ikalwang pwesto sa kompetisyon ng debate sa temang Arts and Literature Talent Festival 2023.

“Kapag nakakatuklas ako ng bagong bagay o nakakapunta sa ibang lugar, natutuwa na ako na para bang accomplishment na yun sa akin.” aniya na sadya namang nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga estudyante, na nagsasabing hindi pwesto ang mahalaga sa pagsabak kung hindi ang iyong matututunan sa proseso. “Hindi para manalo, para mag-enjoy.” wika ni Carl John Garcia, Arts and Literature Talent Festival 2023, 2nd placer.

Imbis na palda at takong ang inirarampa ay polo at pantalon ang unipormeng suot ng isang guro ng robotics na si Ms. Berlyn A. Sandoval. Para sa mga bagong salta ng high school, hindi na bago para kay Ma’am Sandoval ang mga matang nagtataka, naguguluhan, at nanghuhusga mula sa mga mag-aaral.

Kamakailan lamang ay idinagdag ng institusyon ng Unibersidad ng Batangas ang GAD o ang “Gender and Development” sa mission at vision ng paaralan. Bahagi ng misyon ng Science High School ay ibase ang kurikulum ng mga magaaral sa mga kaugnay na disiplina kabilang ang pagiging sensitibo ng kasarian na makakatulong sa holistic na pag-unlad ng bawat indibidwal.

“Pride moves and brings us a step closer to inclusivity, and success as it is definitely a prideful event that the institution should celebrate,” sambit ni G. Michael De Mesa, guro sa journalism. Dulot ng Tamang Uniporme

Noong unang panahon ay hindi pa gaanong bukas ang lipunan sa komunidad ng mga tibo, bakla, at iba pa. Madalas hindi pumapasok ng paaralan si Ma’am Berlyn noong elementarya sapagkat ayaw niyang suotin ang unipormeng palda at blouse.

“Nung grade 2 ako ay ti-nry kong mag-uniform ng pambabae. At dahil hindi sanay ang mga kaklase ko, tinawanan nila ako. Hindi na siya naulit [ang pagsusuot ng unipormeng pambabae]” pahayag ni Bb. Sandoval.

Hindi rin siya makasali sa mga programa, ganap, at patimpalak sapagkat hindi niya batid kung ano ang kanilang isusuot kaya naman madalas ay hindi na lamang siya pumapasok. Ngunit sinong

kolehiyo. Sa katunayan ay ipinatawag siya sa isang panayam ukol sa kaniyang dahilan. Ipinaliwanag niya na doon siya komportable at mahirap ang magsuot ng palda sa kaniyang kursong summation technology. Dangal ng Suportado Sa kaso ni Ma’am Berlyn, siya ay buong-pusong suportado ng kaniyang mga magulang sa kaniyang kagustuhan at pagkilala sa sarili. Tatlong taong gulang pa lamang siya ay napansin na ng kaniyang ina na ikinasusuklam niya ang pagsusuot ng mga bistida, palda, at iba pang kasuotang pambabae. Ibinahagi niya na simula elementarya ay unipormeng panlalaki na ang kaniyang suot sapagkat doon siya komportable. Ipinaliwanag sa kaniya ng kaniyang mga magulang na kung saan man siya masaya ay walang humpay siyang susuportahan ng kaniyang pamilya. Ayon kay Bb. Berlyn, “Bakit daw ba nila ako pipigilan eh dun ako masaya. Ayaw nilang nakikita na kaya ako magrerebelde ay dahil hindi nila ako suportado,” ang sambit ng kaniyang

ni Bb. Sandoval. Buong akala niya ay tanging sa pananamit lamang siya naiiba sapagkat madalas din siyang nakakatanggap ng mga komentong nagsasabing mas babae pa daw siya sa babae. Mistulang nag-iba ang lahat nang tumuntong siya ng kolehiyo kung saan ay nakita niya ang tuluyang nagpakilala sa kung sino talaga siya. Dala ng Damdamin at Responsibilidad Walang kamalay-malay si Ma’am Berlyn sa kaniyang tunay na saloobin, hanggang nang lapitan siya ng kapwa babae upang ipabatid ang nararamdaman nito para sa kaniya. Dito niya napatunayan na hindi siya pusong babae at sa halip ay babae din ang hangad ng kaniyang puso. Ngunit bilang isang guro, kinailangan niya na ingatan ang kaniyang reputasyon at kredibilidad dahil isa siyang huwaran para sa mga mag-aaral. Para sa kaniya, marami pa din siyang mga limistasyon sa kabila ng kaniyang kalayaan.Wala naman sa kasuotan ang halaga ng isang tao at sa halip ay nasa puso ang gandang taglay ng isang indibidwal.

dinami-rami ng mga departamento sa kolehiyo ng University of Batangas, ang mga taga-senior high school lang pala ang makapagtitipon ng pinakamahuhusay na debatista sa buong rehiyon. Ito ang kwento ng pangangasiwa ng TAHAS Debate Society sa kauna-unahang inter-school debate competition ng paaralan.

Ang TAHAS, ang organisasyon ng mga debatista ng UB Senior High School, ang napagpasyahang manguna sa pamamahala sa paghahanda ng isang patimpalak upang sukatin ang husay, tapang, at talino ng mga mag-aaral ng SHS sa Region 4-A, CALABARZON. Ayon kay Atty. Mary Christel Joy Contreras, ang tagapayo ng TAHAS, ang nasabing organisasyon ang naatasan nina Dr. Hernando Perez, ang President ng UB, at Dr. Aurora Tolentino, ang Vice President for Academic Affairs, para sa akreditasyon ng kagawaran ng senior high school.

“The pressure is on us, but I believe that our academic organization can do it because I have trust in our members,” ani Contreras sa ikalawang general assembly ng TAHAS na siya ring nagsilbing oryentasyon at talakayan ukol sa mga hakbang

pagsasaayos ng mga pondong gagamitin. Kabilang sa mga isyung pagtataluhan at magiging sentro ng mga argumento at tagisan ang mga kontrobersiyal na usapin katulad ng same sex marriage at SOGIE bill para sa mga bahagi ng LGBTQIA+ community, sapilitang ROTC, alitan sa teritoryo ng Tsina at Pilipinas, kusang-loob na pagsusuot ng mga face mask, usaping pang-ekonomiya, pangkalusugan, at pangkapaligiran, at marami pang iba.

Ang paligsahan ay pansamantalang iniskedyul sa huling linggo ng Abril – isang linggo matapos ang midterm examinations ng SHS upang bigyan ng sapat na oras ang mga tagapangasiwa sa pagpipinalisa ng venue at mga gagamiting materyales sa buong kompetisyon.

Kung dati, ang UB ay nagpapadala lamang ng mga mag-aaral upang lumaban sa iba’t ibang kompetisyong pinangungunahan ng mga paaralan sa Kamaynilaan, ngayon, UB na ang darayuhin ng mga paaralan para sa isang paligsahan. Matagal nang nakapag-iwan ng marka ang UB sa larangan ng ganitong mga patimpalak. Ngayong taon, ang interschool debate competition ng TAHAS ang makapag-iiwan ng panibagong kulay sa marka ng paaralan.

Hannah Konstanza Ada
lathalain 12
Dibuho ni Christine Joy Montoya Carl Dominic Macatangay Dibuho ni John Elijah Gabrielle Bunquin Yoesha Grace Velasco

Ang mga tauhang kasama sa programang ito ay ang mga executive ng mga organisasyong Financial Economic Achievers Circle (FEAC) at Mentors for Excellence in the Development and Instruction of Students in Allied Health (MEDISINA) ng UB Senior High School Department. Idinaos ang programa noong ika-24 ng Pebrero na naglayong pangaralan ang mga bata tungkol sa community public health, hygiene, at financial literacy. Nagsilbi bilang host sa kaganapan si Jazmean Marie Cueto at Cassandra Alexie Lopez.

Ayon sa mga taong naging bahagi ng pagdaraos ng kaganapang ito, isang karangalang maging parte rito dahil sa pagiging masiyahin ng mga bata. Sa katunayan, puno ng mga ngiti at tawa ang mga bata habang nangyayari ang programa.

Ang programa ay sinimulan ni Shanna Marylo Macatangay sa pamamagitan ng dasal at pag-awit. Sumunod ay si Gng. Milette De Torres na naghandog ng pambungad na mensahe para sa mga bata. Matapos ay ipinaliwanag na ang naging daloy ng mga pangyayari sa naturang programa.

Si Carl Dominic Macatangay ng MEDISINA ang nagpaliwanag ng unang talakayan sa mga bata. Nilayon nitong ihatid sa mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga sa katawan natin — isang napapanahong bagay sapagkat ang pandemya ay nandito pa rin at hindi natatapos. Bagay na nakalilimutan ng nakararami sa pag-alis ng gobyerno sa utos na kailangan mag suot ng facemask at pagbaba ng mga nakakakuha ng COVID-19.

Matapos ni Carl Dominic ay sumunod na si Stephanie Kata Arteza na siyang nagpaliwanag ng ibinigay na brochure sa mga bata. Ang brochure na ito ay naglalaman ng mga importanteng bagay na makatutulong sa mga bata upang mapanatili nila ang kanilang personal hygiene. Nilalaman nito ang mga sagot sa tanong kung paano ito mapangangalagaan katulad

Ang kabataan ang itinuturing na pag-asa at kayamanan ng bayan; noon, ngayon, at bukas. Kung kaya’t mahalaga na mapangaralan ang bawat binhi sa mga importanteng bagay sa ating buhay. Kasama sa importanteng mga bagay na ito ang pagkakaroon ng financial literacy at maayos na hygiene na mas lalong binigyan ng pagpapahalaga sa panahon ng pandemya. Ang Community Engagement Services (CES) ng UB ay nagsulong ng isang programa sa Tinga Labac Elementary School.

ng tamang paghuhugas ng kamay, paglilinis sa katawan, at pag-iwas sa body-odor at bad breath.

Matapos maipaliwanag ang dalawang araling ito ay pumasok na ang pamimigay ng mga hygiene kit sa mga mag-aaral ng Tinga Labac Elementary School. Ang mga kit na ito ay donasyon mula sa bawat estudyante ng UBSHS at naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa mga bata para mapangalagaan nila ang kanilang mga sarili. Kung kaya’t hindi lamang natuto ang mga bata kung paano nila dapat pangalagaan ang kanilang sarili kundi nakasiguro din ang CES na magagawa nila ito sa pamamagitan sng pamimigay ng mga kit na kanilang magagamit.

Bukod sa kahalagahan ng pangangalaga sa sarili nilang mga katawan, ang mga bata rin sa Tinga Labac elementary School ay napangaralan tungkol sa financial literacy. Isa itong mahalagang aralin sapagkat nakatutulong ito upang mas maging wais ang mga bata sa kung paano nila gagastusin ang pera na kanilang hawak na makatutulong sa paglaki nila. Ang araling ito ay pinangunahan ni Sarah Angela Matuto ng FEAC na siyang nagpaliwanag sa mga bata.

ay muling nagpamigay ang mga mga tauhang kasama sa CES sa mga bata. Ngunit kung kanina ay hygiene kits, ngayon naman ay mga alkansya sa hugis ng isang baboy. Idinagdag pa ng mga tauhan sa mga batang mas ayos na may pangalan ang kanilang alkansya at

busugin ang mga ito araw-araw upang sila ay mawili na mag-ipon.

Para kay Matuto, masaya ang magturo sa mga bata sapagkat sila ay napakagiliw at talagang nagbibigayatensyon sa mga salitang kanilang binibitawan. Idinagdag din niyang ninanais niyang magamit ng mga bata ang bago nilang natutunan sa paghawak nila ng salapi.

Mahalaga ang idinaos na programa sa Tinga Labac Elementary School para sa taong kasama sa programa ng CES. Ayon kay Cueto, isang tagapagdaloy ng programa, makatutulong ito sa mga bata sapagkat mas alam na nila ngayon kung paano mapangalagaan ang sarili at ang kanilang salapi — mga bagay na makatutulong sa kanilang kalusugan, paggastos, at pagdedesisyon.

Samakatuwid, ang pagbibigay ng ganitong pangaral sa mga bata

Ang mawalan ng asawa, ang ating kasama, kaibigan, at kabiyak panghabangbuhay, ay isang napakasakit na pangyayari. Ito ay nangangailangan ng lakas at determinasyon upang tayo ay makabangon. Kung kaya’t bilang isang single-parent, si Ma’am Ritchie A. Magadia ay isang napakatapang na tao sapagkat nagawa niyang bumangon at ngumiting muli mula sa madilim na yugto ng buhay nila ng kaniyang mga anak, ang pagkamatay ng kaniyang asawa.

Naging guro noong nasa ikaapat na taon na si Ma’am Ritch ng Kolehiyo nang magturo siya sa Kumon Stonyhurst Southville International School. Dalawang taon siya bilang assistant sa Kumon bago naging isang pribadong guro o private tutor ng halos isang dekada. Matapos nito ay napagdesisyunan niyang sundin ang tahak papunta sa pagiging propesyonal na pagtuturo at kumuha ng LET exam noong taong 2017. Hindi man niya ito hilig nang magsimula sa Kumon ngunit nang mapamahal sa mga tinuturuan niya ay naging hilig na ni Ma’am Ritch ito at ngayon ay halos pitong taon na siyang propesyonal na nagtuturo.

Si Ma’am Ritch ay nakapagtapos mg Masters of Education Program (MAEd) nang dalawang beses para sa non-thesis at thesis program noong 2019 at 2021 ayon sa pagkakabanggit. Siya ay nakapagtapos ng Magna Cum Laude sa non-thesis program at nagaral online para sa thesis program. Sa pagtahak sa daan patungo rito ay napagtanto niya na walang kinalaman ang edad sa iyong ginagawa. Pinatunayan niya ito nang makapagtapos siya sa MAEd kahit na siya ay may tatlong anak na 17, 12, at 10 na ang tanda, asawa at edad na nalalapit na sa ika-40.

Ngunit, ang buhay ay hindi lamang puno ng kasiyahan, ito ay nabahiran din ng kadiliman na dulot ng lungkot at pangungulila. Naranasan ito ni Ma’am Ritch nang siya ay mabyuda noong bisperas ng pasko. Araw na dapat ay magbibigay ng saya sa bawat pamilya sa pagsalubong nila sa araw ng Pasko. Ang kalungkutan na dulot ng pangyayaring ito ay lalong napalala ng pandemya sa pagkakulong ng buong bansa sa kanilang mga bahay.

Maraming ginawa si Ma’am Ritch sa pagharap niya sa katotohanang wala na ang kaniyang asawa. Nagsimula siyang mag-gym, muay thai, freediving pagmomotorsiklo, paglalakbay, pangangalaga sa mga halaman, at pagkanta sa choir. Mga bagay na kanyang ginagawa hanggang ngayon. Ipinakita niya ang kaniyang hindi matatalong kalakasan sapagkat nakabangon siya. Bumangon siya at lumabas ng mas mabuti bilang ina, guro, kaibigan, at tagasunod kay Kristo. Ayon nga sa kaniya, ang Diyos ay mabuti at siya ay pinagbuti nito. Pinakita sa kanya ng Diyos ang tamang daan at ngayon ay narito na siya, nagniningning at nagsisilbing modelo para sa kanyang mga anak.

Ang katapangan ng isang tao ay naipapakita sa iba’t ibang paraan, maaaring ito ay pisikal pero maaari rin lumitaw sa ibang paraan. Talagang may mga pangyayari sa ating buhay na kailangan natin lagpasan, mga pangyayaring nagpapabuti sa atin bilang tao. Sinabi pa ni Ma’am Ritch na maaaring kinuha ng Diyos ang kanyang asawa at ama ng anak nila upang makita nila ang kagalingan ng Diyos. Sa huli, ang mga pagsubok na nangyayari sa buhay natin ay nagpapakita ng determinasyon ng isang tao sa patuloy niyang pagbangon.

Kasabay ng nanlalamig na simoy ng hangin ay ang makukulay na samu’t saring palamuti at parol ang makikita sa loob ng Unibersidad ng Batangas.

Sa pangunguna ng Supreme Student Council (SSC), itinalaga ang programang “Christmas Tree Lighting: Hang-a-Ball, Share-a-Gift, and Win-a-Friend” na siyang ginanap noong ikaw-17 ng Disyembre upang markahahan ang diwa ng Pasko.

“The entire purpose of this Christmas season is to express appreciation, that finding opportunities to be nice and kind, as well as being grateful for loved ones” ani ni Bb. Almira R. Panganiban, tagapayo SSC.

Karaniwang makukulay na bola-bola ang isinasabit sa mga Christmas tree pero sa kaso naman ng UBJHS, sa bawat handog ng mga mag-aaral, makakatanggap sila ng Christmas paper ball bilang kapalit na ipamamahagi ng mga opisyal ng SSC. Ang pangunahing layunin ng proyekto ay upang mangolekta ng iba’t ibang uri ng mga ayuda mula sa mga magaaral (Grade 7 hanggang 10). Ang mga nakolektang ayuda ay ibibigay sa mga napiling mga benepisyaryo kinabibilangan ng ating mga guwardiya, janitor at mga orphans bilang regalo sa pasko.

“Masaya kami sa natanggap namin dahil kahit kaunti ay meron kaya salamat. Kahit maliit na bagay, hindi man gaanong kalaki ay masaya na kami at buongpusong nagpapasalamat,” ikinagagalak nina Lonlon Baliwag at Juvenar Garcia, mga pintor na nakatanggap ng ayuda mula sa programa ng SSC.

Ngayon, nakikita bilang matapang at kamangha-manghang tao si Ma’am Ritch. Kilala siya sa kanyang mga hobbies na kasama ang pagmomotorsiklo at paglalakbay, bagay na patok sa kanyang mga estudyante. Ang gawi niyang pagmomotorsiklo ay ginagawa niya kapag siya ay napapagod, ginagamit niya ito upang makapagpahinga. Palagi rin bumibisita si Ma’am Ritch sa kanyang asawa kasama ang kanyang anak. Isang repleksyon para sa kanilang salita para sa taong ito na “acceptance” o ang pagtanggap.

Nag-iwan si Ma’am Ritch ng tatlong paalala sa kanyang mga anak.

lathalain 13
Dibuho ni John Elijah Gabrielle Bunquin Dibuho ni John Elijah Gabrielle Bunquin Dibuho ni John Elijah Gabrielle Bunquin Yoesha Grace Velasco

Electronic Insect Repellent: Ahas na Walang Kamandag

Basta may lasong nakakabit, walang magsasakang gagamit.

Sa panahon ngayon, ang industriya ng agrikultura ay lubos na umaasa sa magsasaka. Kung sisirain ng mga peste ang kanilang ari-arian, kakailanganin ng mga magsasakang bumili ng insect repellent upang maiwasan at maitaboy ang mga ito.

Kayang pawiin ang mga insekto at makamit ang pest control sa mga ari-arian at bahay ng consumer sa pamamagitan ng mga insect repellant. Gayunpaman, sa kabila ng magagandang epekto ng Insect repellent, ang gamit na ito ay nagtataglay ng nakalalason na kemikal na maaaring magdulot ng pinsala sa mga tao tulad ng mga pantal sa balat at pangangati.

Dahil dito, ang mga mag-aaral ng University Of Batangas - Electronics and Communications Engineering (ECE) ay nakagawa ng isang aparatong gumagamit ng mga ultrasonic wave upang takutin at itaboy ang mga peste tulad ng insekto at daga nang hindi gumagamit ng anumang nakapipinsalang kemikal.

Kalidad ang susi sa komunidad na maunlad

Ayon ka Engr. Framces De Mesa, ECEprogram head of University Of Batangas, “ I always ask my students na kapag gagawa kayo ng system or magdedesign kayo ng system pilitin niyong na makapagdesign ng system na may magiging malaking impact sa community na kung saan ma utilize talaga ang product ”

Dahil dito, naisipan ng 4th year ECE students na gumawa ng isang pesticide na walang ginagamit na nakalalasong kemikal para sa kanilang thesis at para narin matulungan ang mga magsasakang dumadaing tungkol sa pest infestation na nararanasan nila at nakapagpapababa ng kanilang kita sa pang-araw araw na buhay

Dagdag pa rito, ayon sa interview ni Ren Delton Garner, isa sa mga 4th year ECE students, malapit ang ginawa nilang mbensyon sa puso niya dahil may palayan sila sa probinsya ng Mindoro at nararamdaman niya ang mga daing ng mga magsasaka.

Ayon kay Garner, kapag patuloy ang paggamit ng chemical pesticides, masyadong mabababad ang mga halaman at makasasama na ito sa ating kapaligiran at kalusugan.

Kapalit ng mga nakalalasong kemikal, ang electronic insect repellent na inimbento ng mga ECE students ay gumagamit ng ultrasonic waves na nilikha mula sa aparato upang mataboy ang mga peste at hayop katulad ng daga, kulisap, ahas at maging ibon.

Dagdag pa rito, napatunayan nila na ang kanilang imbensyon ay nakapag papawala talaga ng mga peste,kaya maraming mga magsasaka ang nagsimulang gumamit ng electronic insect repellent bilang pantaboy sa mga peste.

Dahil epektibo ang imbensyong ito, plano ng mga estudyanteng ipropose ang kanilang proyekto sa Department of Agriculture para pondohan at maibahagi ang kanilang produkto sa ibang magsasaka sa probinsya.

Ako A.I. si Ketty Bot

Habang ang marami ay tumatayo sa lakas-tao ng pagtatrabaho, ang iba naman ay naglalakad na sa mundo ng teknolohiya at dala nitong mga pagbabago. Noong Nobyembre 11, 2022, bilang patunay sa isa sa mga pangunahing tunguhin at misyon ng pamantasan para sa mga UBian, inilunsad ng Unibersidad ng Batangas si Ketty Bot – ang kauna-unahang artificial intelligence (AI) sa mga paaralan sa buong Pilipinas.

Isinilang si Ketty Bot matapos mabuo ang alyansa at kolaborasyon ng UB kasama ang Pudu Robotics, isang internasyonal at hightech na kumpanyang nakatuon sa disenyo, produksiyon, at komersyo ng mga robot pang-serbisyo katulad niya. Bukod pa rito, sa pangunguna ng Center for Business and Innovation Office (CBI) ng paaralan, nagsimula na rin ang mga dry run at pilot testing upang lalong kilalanin ang kayang gawin ng robot, sukatin kung gaano ito kaepektibo, at subukin ang paglilingkod ng serbisyo ng isang articialintelligence sa paaralan.

Bunsod ng lumalawig na pangangailangan ng mga mag-aaral, si Ketty Bot ay isang mga panibagong tauhan ng pamantasang may tungkuling tugunan at, kahit papaano, ay maalwanan ang kanilang mga pananagutan. Itinatampok niya ang samot-saring bidyong maaaring magamit pampromote, pagtanggap, panturo, pambati, at panimula sa mga interaksyon ng mga mag-aaral, miyembro ng pamantasan, at maging bisita sa paaralan. Buhat nito, ang pangkaraniwang araw ng mga UBian ay magiging mas kapansin-pansin, katangitangi, makulay, at madali ngayong may bagong mukhang ipinagmamalaki ang paaralan.

Sa pamamagitan din ng naturang opisina ng unibersidad, natatakan ang selyadong Memorandum of Understanding kasama ng MySolutions Inc. na naglalayong pataasin ang antas ng kaalaman, kamalayan, at kakayahan ng mga mag-aaral at tauhan ng institusyon sa teknolohiya. Kabilang sa mga dumalo sa pagpirma sina Mr. Ericson Mendoza, ang direktor ng CBI, mga dean ng UB Lipa College, Mr. Simon Cua, ang Chief Executive Officer (CEO) ng MySolutions Inc., at ang mga empleyado ng nasabing kumpanya.

Tunay nga namang hindi matatawaran ang mga mga pagbabago, pag-unlad, at pagkakataong nabibigyang-daan at buhay dahil sa teknolohiya. Totoong hindi pa rin mapapantayan ng kahit na anong makina o teknolohiya ang trabaho at paglilingkod ng tao. Gayunpaman, hindi pa rin maikakaila ang serbisyong natutugunan at layuning nagagampanan ng mga produkto ng isip at agham katulad ni Ketty Bot. Samakatuwid, ang paglulunsad ng pinakaunang A.I robot ng isang paaralan sa kalakhan ng bansa ay isang malaking hakbang para sa patuloy nitong pakikisabay sa pagsibol ng teknolohiya sa pag-inog ng nagbabagong mundo.

Allied Health Students: Handa sa Industriya ng Medisina

Sa mata ng Unibersidad ng Batangas, “It is a perfect stepping stone for our students with high dreams in the field of medicine.”

Nagpadala ng mga mag-aaral ng STEMAllied sa Torres Technology Center upang lumahok sa work immersion at ihanda ang kanilang sarili sa kasanayan at disiplinang pangkalusugan.

Makatutulong itong hikayatin ang mga magaaral na ituloy ang kanilang mga pinapangarap na propesyon at magbigay ng inspirasyon sa kanilang gawin ang kanilang makakaya sa trabaho.

Si Gng. Maria Rachel Lanto, ang department head ng SHS Physical Education Department, ay nagsalita ukol sa programang work immersion ng academic year 2022-2023 sa ngalan ng administrasyon ng senior high school. Ngayong taon, nakipag sanibpwersa ang departamento ng senior high school sa mga kumpanya tulad ng Creotec Philippines Inc. at Torres Technology Center Corporation upang mahubog ng mga mag-aaral ang kanilang potensyal sa hinaharap sa pamamagitan ng

paglahok sa work immersion

Bilang isang requirement at batayan para sa graduation, ang pagpapatupad ng nasabing subject at pagpapalawig ng mga akademya ay hingil muling hubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga paksa na may kaugnayan sa larangan ng kalusugan. Sa pamamagitan ng kanilang karanasan sa work immersion, mas nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga pangarap, ambisyon, at kung anong propesyon ang gusto nilang tahakin. “Thankfully, you are actually beyond blessed because you get to experience this on-site compared to the students during the onslaught of the pandemic that had their immersions fully online,” sabi ni Lanto. Ayon kay Lanto, ang bersyon ng SHS ng college on-the-job training (OJT) sa Torres-Tech ay isang malaking hakbang para sa mga nangangarap na pumasok sa larangan ng mga medikal na propesyonal at practitioner. Bagama’t hindi isang ospital ang Torres-Tech, kinikilala niya ito bilang isang angkop na perpektong alternatibo - lalo at ang bansa ay kakabangon pa lang mula sa panganib ng COVID-19.

A.I.-TIN NA ‘TO

Naglilibot, nagbibigay aliw at impormasyon si Ketty Bot sa Unibersidad ng BatangasLipa Campus. ,University of Batangas CCO

Matapos ang mahigit dalawang taong distance learning na dala ng pandemyang COVID-19 ay muling ipinatupad ang face-to-face classes. Bilang paghahanda sa full face-toface classes noong Nobyembre 2, ang University of Batangas Student Government ay nagbigay ng libreng health kits sa 100 na estudyante noong Oktubre 7.

Pinaigting ng Department of Health ang kampanya sa pagpapalaganap ng mga impormasyon upang makaiwas ang mga mamamayan sa pagkahawa ng COVID-19 virus. At sa pagbubukas ng pasukan kung saan muling ipinatupad na ang full face-toface classes ay kasama ang mga paaralang nangangailangan ng masusing pagpapairal ng mga health protocol kung saan isa sa mga ito ang pagpapanatili ng kalinisan ng ating katawan sa pamamagitan ng regular na paglilinis ng mga kamay.

Patuloy pa rin ang paalala ng Department of Education upang panatilihin ang mga hakbang para maiwasan ang naturang sakit. Kaya naman inilunsad ng mga namumuno sa UB Student Government ang pamimigay ng mga libreng health kits sa mga mapipiling mag-aaral ng bawat departamento. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling health kit, ang mga mag-aaral ay handa ano mang oras upang pangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga sakit na dala ng COVID-19.Sa pakikiisa sa panawagan ng DepEd para sa implementasyon ng full faceto-face classes, at pagtalima sa mga payo ng DOH ang pamunuan ng University of Batangas kasama ang mga mag-aaral nito ay handa na upang unti-unting bumalik na muli sa normal.

Sa nasabing programa, hahasain ng mga mag-aaral ang kanilang potensyal, kasanayan sa “team-making, indibidwal na kakayahan, at mahusay na kaalaman sa magkakaibang mga aktibidad, gawain, at proyekto naayon sa kanilang propesyon. Kabilang dito ngunit hindi limitado ang mga sumusunod: basic first aid, health hazard identification, pagkuha ng blood pressure levels, at pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation.

Higit pa rito, kabilang sa iba pang mga departamentong bukas para sa work immersion sa Torres-Tech ay ang Human Resources Department at ang Business and Engineering Management .

“We hope our students enjoy, learn, and cherish this one-of-a-kind experience,” dagdag ni Lanto na nagagalak sa tagumpay na nakamit ng mga estudyante ng STEM - Allied Health.

‘UB Health Kits, Proteksyon ng mga Estudyante sa Pandemya’
Carl Dominic Macatangay
14
Patnugot:Karl Laurence Aguilar at Cassandra Alexie Lopez Dibuho ni Christine Joy Montoya Karl Laurence Aguilar Angelica Denielle Gutierrez Carl Dominic Macatangay

agham at teknolohiya 15

MARIA, JUANA, KAYO BA AY SAWI?

Maria, Juana, hindi ka maaaring manatili sa ating bansa.”

Ang marijuana, na kilala rin bilang weed, ay isang halamang kilala sa sobrang nakahuhumaling na amoy at sa mga libo-libong biktimang hindi makaisip at makakilos nang maayos pagkatapos malulong dito. Iniulat na ang pagkakaroon ng adiksyon sa marijuana ay nagiging sanhi ng pagdurusa ng mamimili mula sa isang pattern ng “interpersonal withdrawal”, poot, at pagkawala ng “interpersonal skills”; kaya, itinuturing ng lipunan ang marijuana bilang isang ilegal na sangkap.

EDITORYAL

Proteksyon Kontra Virus

Sa kabi-kabilang problemang dulot ng pandemya, unti-unting nauwi sa kawalan ng pag-asa ang pagnanais ng mga tao na maibalik ang normal na pamumuhay na minsan na nilang nakamit bago pa man sumalakay ang COVID-19 sa Pilipinas. Ngunit makalipas ang ilang taon, muling nasilayan ang pagbuti ng sitwasyon ng mga tao hanggang sa punto kung saan ang mga karaniwang gawain bago mag pandemya ay unti-unti nang bumabalik, at isa na rito ang hindi na sapilitang pagsuot ng facemask.

Aminin man o hindi, maraming tao ang ayaw magsuot ng face mask sapagkat ito ay nakakaistorbo sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Dagdag pa rito, hindi komportable ang ibang mga tao sa pagsusuot ng face mask sapagkat nahihirapan silang huminga lalo na sa mga taong may asthma. Gayunpaman, ang sanhi sa likod ng pangangailangang magsuot ng face mask at mga karagdagang hakbang sa pag-iingat ay hindi pa nawawala at patuloy parin na gumagawa ng pinsala. Habang ang mga pinapakitang datos tungkol sa kaso ng COVID-19 ay patuloy na bumababa at nababawasan, ang sakit na ito ay hindi pa tuluyang nalulusaw at nanatili pa ring banta sa sangkatauhan.

Bagama’t ang karamihan ay nagsawa na sa pamumuhay sa likod ng mga nakasaradong pinto at nakakulong sa apat na sulok ng kanikanilang mga tahanan, pakiramdam ng mga mamamayan na oras na para sila ay maging malaya sa anumang

mga paghihigpit na may kinalaman sa quarantine at pandemya. Ang kagalakan na maaaring napahiyaw sila pagkatapos marinig ang balita na ang mga facemask ay hindi na sapilitan ay hindi katumbas at hindi dapat ihalintulad sa mga panganib na maaaring malantad sa kanila sa paglipas ng panahon.

Bagama’t patuloy na bumababa ang bilang ng mga positibong kaso para sa COVID-19, marami pang ibang variant na sa kasamaang-palad ay mas nakakahawa at nakakabantang buhay ang patuloy na sumusulpot at nanatili. Sa nabanggit, mayroong tsansa sa pagtaas ng transmissibility at kalubhaan na maaaring dalhin ng mga ito. Ito’y nangangahulugan lamang na ang Covid-19 ay hindi kailanman nag-iwan ng bakas ng tuluyang pagkawala sa mundong ginagalawan ng tao, bagkus ito ay nananatiling aktibo.

Ang pagiging pabaya pagkatapos ng isang krisis at sakuna ay isa sa mga

problema ng ating lipunan. Kapag nakatikim na tayo ng kaginhawaan, mas ginugusto natin ito kaysa sa anumang bagay kahit na nangangahulugan ito na mapapalagay ang sarili natin sa mas malaking panganib. Kahit na sinabi ng gobyerno na ang pag-abandona sa paggamit ng face mask ay isang hakbang tungo sa pagbabalik sa nakasanayang pamumuhay at ito ay nagpapakita ng isang senyales na may makabuluhang pag-unlad lalo na pagdating sa ating ekonomiya, ang pagsusuot ng manipis na tela ay hindi nakakapagpababa sa katayuan ng isang bansa at hindi rin ito senyales ng kahinaan. Samakatuwid, ang kalusugan ay nananatiling prayoridad ano man ang sabihin ng pamahalaan.

Hindi gaanong kumakain ng oras, enerhiya at pera upang epektibong makapagsuot ng facemask, lalo na sa mga pampublikong lugar. Ang paglipat sa bagong normal ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng pagtanggal sa mga kinakailangang pag-iingat.

SPS Internship Program, gabay sa mental health services ng UBian

Ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Batangas mula sa BS Psychology program ay sumali kamakailan sa isang internship program na inorganisa ng Sol Psychology Services na may layuning mag-alok ng mga mental health services sa komunidad ng Batangas.

Nag-aalok ang Sol Psychology Services ng Clinical Internship Program sa iba’t ibang unibersidad, na may layuning sanayin ang mga estudyante ng psychology para sa kanilang propesyon sa hinaharap. Nagbibigay din ang SPS Internship Program ng pagsasanay na nakatutok sa kalusugang pangkaisipan ng komunidad, trauma-informed practices, bodymind approaches, at collective healing.

Bukod pa rito, ang programa ng SPS Internship ay nagaalok ng mga aktibidad kagaya ng psychoeducation program, group dynamics at processing, psychotherapy sessions, psychological testing, scoring, interpretation, psychological report writing, clinical interviews, case analysis, facilitation of body-based therapy approaches at stabilization techniques, at crisis call.

Bilang mga responsableng Pilipino, ang ating pangunahing prayoridad ay ang buhay ng ating mga kababayan.

Gayunpaman, ang marijuana ay ginagamit bilang isang uri ng gamot noong unang panahon. Sa partikular, ang Cannabis indica ay isang klasipikasyon ng marijuana na kilala sa pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng pag-udyok sa pagtulog, pag-aalok ng ginhawa sa mga dumaranas ng malalang pananakit, pangpagana, at pang-iwas sa pagduduwal. Dahil sa mga praktikal na benepisyong ito, nabuo ang debate sa pagitan ng mga gustong gawing legal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas at ng mga gustong panatilihing ilegal ito.

Noong legal ang marijuana sa Pilipinas, ginagamit ito para mabawasan ang sakit ng rayuma at nakakatulong laban sa pananakit at pagduduwal sa mga kaso ng rabies, cholera, at tetanus. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, mas maraming sanhi ng pagkamatay at krimeng may kaugnayan sa marijuana ang nagsimulang lumitaw, na pumilit sa gobyernong ipagbawal ang paggamit ng marijuana sa kabila ng mga benepisyong medikal nito.

Ayon sa isang pag-aaral , ang isang dosis ng Cannabis indica ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kontrol sa sarili na maaaring sumasailalim sa mapusok at marahas na pag-uugali. Higit pa rito, ang mga resultang nakolekta sa pag-aaral na iyon ay nagbigay ng isang malakas na indikasyon na ang talamak na paggamit ng marijuana ay nagmumungkahi ng isang posibleng sanhi ng epekto sa pagtukoy ng karahasan sa hinaharap. Dagdag ng higit pang mga pag-aaral, ang mga panic attack, pagkalito, guni-guni, kahina-hinala, at paranoya ay kadalasang nangyayari sa mga talamak na gumagamit ng marijuana, na nakaaapekto sa kanilang kaalaman sa mga paraang nagbibigay ng mga agresibong tugon sa mga nakikitang probokasyon.

Bukod pa rito, ang pagkalito at mga guni-guning nararanasan ng mga gumagamit ng marijuana ang sanhi ng kanilang paggawa ng mga kakilakilabot na krimen tulad ng marahas na panggagahasa at pagpatay. Sa katunayan, ang ilan sa mga kakila-kilabot na pagpatay na nakikita natin ay ginagawa ng mga indibidwal na gumagamit marijuana at iba’t ibang droga. Ito ang mga dahilan kung bakit, kahit na ang marijuana ay may napakaraming benepisyong medikal, hangga’t nakapipinsala ito sa kalusugan ng mga tao sa komunidad, kasama na ang mismong gumagamit, dapat manatiling isang ilegal na substansya para sa kapayapaan ng isip ng ating sariling mga mamamayan.

Kahit na ang ilang mga indibidwal ay maaaring magtalo ukol sa pagiging legal ng marijuana ay magdudulot ng pagtaas sa ekonomiya, mapapabuti ang pagtitipid ng publiko, at magpapababa sa halaga ng proteksyon ng pulisya mula sa mga kartel ng droga, hindi natin dapat balewalain ang panganib na maidudulot nito sa komunidad dahil,bilang mga responsableng Pilipino, ang ating pangunahing prayoridad ay ang buhay ng ating mga kababayan.

UB, nasungkit ang Ikatlong Parangal sa Ideathon 2022

Sa ginanap na Ideathon 2022 noong Disyembre 5 hanggang 7, nagkamit ng ikatlong parangal ang mga mag-aaral ng entrepreneurship ng University of Batangas na sina G. Mark Vincent Las, G. Wendell Torda, at Bb. Leslie Malabanan sa pamamagitan “Wise Travel,” ang kanilang panimulang ideya sa negosyong nais nilang ilunsad.

Ang Ideathon ay isang kumpetisyong umaakit sa mga mag-aaral upang bumuo ng mga makabagong ideyang pang-negosyo para sa mga problema ukol sa pagpapanatili ng pag-unlad.

Ito ay isang pagkakataon para sa mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga malikhaing solusyon habang inihahandog ang mga ito para mapataas ang antas ng potensyal ng pamumuhunan at sa larangang pagne-negosyo. Bilang karagdagan, bahagi ng

pamantayan ng patimpalak ang pagpapakita ng mga kalahok ng kanilang mga ideyang panukalang tutugon at magbibigay ng solusyon sa Sustainable Development Goals (SDG), alinsunod sa climate action. Ang grupo na may pinakamabisang ideya ay ipadadala sa Singapore para sa isang linggong imersyon upang mas lalong matuto, mahasa, at masanay tungkol sa startup ecosystem at makatatangap din ng P10,000 cash at P50,000 seed grant para sa kanilang proyekto.

DI PASISIIL Karl Laurence Aguilar
Sumailalim
mga estudyante ng mga iba’t ibang unibersidad sa isang Clinical Internship Program ng Sol Psychology Services. , Sol Psychology Services
student
para sa National Student Leadership Assembly and Talent Fair. ,University of Batangas CCO
Emmanuel Lei Byron Mendoza
ang
ISIP AT KILOS Nagtipon-tipon ang mga
leader
TINDIG KABATAAN Bret Michael Dimatatac Sidnee Madlangbayan Dibuho ni Christine Joy Montoya

It may be a drop for you but it is an ocean for someone” pahiwatig ng UB ROTC.

Ang isang programang nagbibigay-diin sa donasyon ng dugo ay lubhang kapaki-pakinabang para sa ating lipunan dahil sa mga kaso ng mga residenteng naaksidente at nagkasakit.

#UBTumblerDay: Pang-agap sa pagdami ng

basurang plastik

Habang ang nakararami ay gumagamit ng mga tumbler para lamang inuman, ang University of Batangas naman ay nakakita ng isang mas malaking tunguhin at adbokasiyang dapat matugunan. Noong ika-12 ng Nobyembre, nagsagawa ang UB Community Extension Services (CES) ng isang kampanya sa paggamit ng tumbler. Ang adbokasiyang ito ay naglalayong maibsan o mabawasan ang sangkatirbang basura tulad ng mga plastik.

Batay sa isang World Bank report noong Marso taong 2021, ang Pilipinas ay taon-taong nakalilikha ng mahigit tatlong milyong toneladang plastik ng basura kung saan limandaang libong tonelada ang napupunta sa katubigan, tulad ng plastik, bote, balot ng tsitsirya, styrofoam, at iba pa.

Ayon naman sa ulat ng Ocean Conservancy at ng McKinsey Centre for Business and Environment, ang Pilipinas ay ikatlong pinakamalaking pinagmumulan ng mga basurang plastik sa karagatan. Iniuugnay ng pagaaral ang pagkalat ng mga nakolektang basura sa dalawang salik: ilegal na pagtatapon ng mga kumpanyang naghahakot ng basura, at mga dump site na matatagpuan malapit sa mga daluyan ng tubig. Batay sa mga panayam ng lokal na pamahalaan at mga grupong pangkalikasan, isa sa mga dahilan ng pagkalat ng basura ay pangongolekta ng basura mula sa lugar ng koleksyon at dinadala patungo sa mga dump site.

Ang polusyong gawa ng plastik ay may lubhang epekto sa ating pangaraw-araw tulad na lamang ng mga pagka-bara sa mga daluyan ng tubig na siyang nagpapalala sa mga sakuna lalo na tuwing tag-ulan. Kaya’t nakiisa ang Unibersidad ng Batangas sa kampanya kontra polusyon sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga kinauukulan, guro, mag-aaral at malawakang paggamit ng tumbler noong ika-14 ng Nobyembre, nakaraang taon. Pinagunahan ito ng kagalang-galang na pangulo ng UB, Dr. Hernando Perez, kabilang ang mga kawani ng UB Community Extension Services, mga guro, at mag-aaral mula sa sekondarya, pati na rin ang iba’t ibang organisasyon at estudyante sa kolehiyo ng University of Batangas at iba pang bumubuo nito.

tp sarbey

7 sa 10 TutolMag-aaral, Sa Ideya ng Genetic Engineering

Sa bawat sampung mag-aaral sa Unibersidad ng Batangas, pito ang naniniwalang ang genetic engineering ay hindi makatutulong sa ating lipunan.

Batay sa isinagawang sarbey, 70% ng mga estudyante ay tumutol sa genetic engineering at naniwalang ito ay magdudulot ng masamang epekto sa mga tao kapag ginawang legal at normalisado.

Ayon kay Jonas Czar Gutierrez, isang mag-aaral ng STEM-E ng G12-Sodium, kailangan munang pag-isipan ng nakararami ang teknolohiyang ito bago ito gamitin bilang solusyon sa mga pandaigdigang problema.

Sinang-ayunan naman ito ni Joseph Hermoso, isang mag-aaral ng HUMSS ng G12-Villa, na naniniwalang ang genetic engineering ay magdudulot ng pinsala sa milyun-milyong buhay dahil sa pagbabago ng gene ng mga organismo tulad ng mga hayop at halaman.

Sa kabila nito, 30% ng mga estudyante ang sang-ayon sa ideya ng genetic engineering, tulad ni Elizabeth Louise Silang, isang mag-aaral ng STEM-AH ng G12-Harrington. Ayon sa kanya, ang genetic engineering ay maaaring maging solusyon sa mga problema tulad ng malnutrisyon at deforestation, at kailangan itong aprubahan dahil sa mga benepisyo nito.

UB, nakipagsanib-pwersa para sa mas malinis na Cuta

Bunsod ng tumataas na antas ng polusyon sa mga karagatan, ang University of Batangas Community Extension Services (CES) ay nakipagsanib-pwersa sa Brothers Industries Philippines Inc. at Solid Earth Tradings para sa International Coastal Cleanup 2022 na may layuning paigtingin ang paglilinis at pagtatanggal ng mga basura sa coastal area ng Cuta, Batangas.

Alinsunod sa temang

“Connecting People for a Trash-Free Coastline,” pinag-isa ng ICC 2022 ang iba’t ibang paaralan at mga student organization para sa isang layunin: linisin at protektahan ang mga coastline mula sa panganib na dala ng umaapaw na basura.

Ang International Coastal Cleanup ay isinagawa sa coastal area ng Sitio West, Cuta, Batangas City, noong Nobyembre 17 hanggang 18, 2022, sa tulong ng mga magaaral sa kolehiyo ng iba’t ibang kagawaran, UB CES, at marami pang organisasyon ng mga mag-aaral.

Kabilang sa mga nagtipontipon, nagkaisa, at nagtulong-tulong sa paglilinis at pagpupulot ng mga

basura sa coastline ng Cuta ang mga organisasyong pang-akademiko katulad ng University of Batangas – Young Communicators’ Guild (UB YGC), University of Batangas Seeds of the Nations (UB SONS), UB Association of Legal Management Majors (ALMMa), Future Engineer’ Society (FES), at UB Organization of Psychology Students.

Bukod pa rito, ayon sa UB Organization of Psychology Students, “We are one, together we will connect for a trash free coastline,” na nagpapakita ng kanilang determinasyon sa pagsasama ng kanilang mga ideya sa ICC 2022 at pagtulong sa paglilinis ng baybayin sa lugar ng Cuta, Batangas.

67.7% ng UB-SHS, Kulang sa Tulog

Sa resulta ng isinagawang pag-aaral ng Tunog Pamantasan (TP), agaw-pansin ang kakulangan sa oras ng pagtulog o “sleep deprivation” sa mga mag-aaral ng University of Batangas Senior High School (UBSHS).

Ayon sa nakalap na datos mula sa 100 na mag-aaral ng SHS, 67.7% ang nagsabing malaki ang epekto ng kanilang sleeping schedule sa performance nila sa kanilang pag-aaral.

Sa kanilang mga karaniwang araw, 60.4% ng mga mag-aaral ang natutulog pagsapit ng ika-11 ng gabi hanggang ika-12 ng umaga, habang 20.8% lang ang natutulog pagsapit ng ika-9 hanggang ika-10 ng gabi, at 2.1% ang tulog pagsapit ng 7 hangang 8 ng gabi. Bukod pa rito, 13.5% ng mga mag-aaral ang natutulog sa pagitan ng ika-1 hangang ika-2 ng madaling araw at 3.1% na natutulog pagkalipas ng ika-3.

Bilang karagdagan, ang mga datos na nakolekta ay nagsiwalat na 68.8% ng mga mag-aaral ng SHS ay natutulog sa average na 4 hangang 7 oras at 10.3% ay natulog ng 8 hangang 9 na oras. Lumabas din sa datos na 20.8% ng mga mag-aaral ay natutulog lamang ng 3 hangang 4 na oras.

Ayon kay Nick Villalobos, isang doktor ng medisina, ang mga teenager na nasa edad 13 hanggang 18 taong gulang ay dapat matulog ng humigit-kumulang 8 hanggang 10 oras bawat araw. Gayunpaman, ang mga datos na nakalap ay nagsiwalat na 10.3% lamang ng mga magaaral ang nakakatulog sa loob ng 7 hangang 8 oras, kung kaya’t 89.6% ng mga mag-aaral ng SHS ay hindi nakakamit ang pinakamababang oras ng pagtulog na kailangan nila para sa kanilang edad.

Bukod pa rito, ayon sa nakalap na datos, ang gawaing pang-akademiko ang pangunahing

dahilan kung bakit 68.8% ng mga estudyante ng SHS ang nakakaranas ng kakulangan sa tulog. Ang social media ay binanggit ng 22.9% bilang dahilan ng kakulangan sa tulog, at ang online gaming ay binanggit ng 5.2%. Samantala, ang natitirang 3.1% sa kanya ay nagbanggit ng mga dahilan tulad ng pagbabasa ng mga fiction book at pagkakaroon ng insomnia.

Sa isang banda, tuwing Sabado at Linggo, 47.9% ng mga estudyante ang natutulog sa bandang alas onsei hanggang alas dose ng madaling araw, habang 17.7% lang ang natutulog sa bandang alas nuebe hanggang alas diyes ng gabu, at 2.1 % ang natutulog sa bandang alas syete hanggang alas otso ng gabi Ang mga mag-aaral na natutulog sa bandang ala una hangang alas dos sa katapusan ng linggo ay may mas mataas na iskedyul ng pagtulog kaysa sa kanilang iskedyul mula Lunes hanggang Biyernes, na tumaas mula 13.5% hanggang 26%.

Bagama’t dumami ang mga estudyanteng natutulog pagkalipas ng hatinggabi, ang nakalap na datos ay nagpakita na 37.5% ng mga mag-aaral ang natutulog ng 8 hangang 9 na oras, habang 22.9% lamang ang natutulog ng 4 hangang 7 na oras. oras. Bilang karagdagan, 26% ang natulog ng 9-10 oras at isa pang 13.6% ang natulog ng higit sa 11 oras, kaya 77.1% ng mga mag-aaral ng SHS ay nakamit ang oras na kinakailangan para sa pang-araw-araw na gawain at responsibilidad ng mga kabataan.

Kamakailan lamang, noong ika-7 araw ng Marso 2023, nakipagtulungan ang Unibersidad ng Batangas sa Pioneer Clinical Labaratory & Medical Clinic upang isulong ang donasyon ng dugo upang matulungan ang mga mamamayan ng komunidad na nangangailangan ng dugo.

Bukod pa rito, noong Agosto 22, 2022, nakipag-ugnayan ang UB sa Saint Patrick’s Hospital Medical Center at nagsagawa ng “blood letting day” bilang pag-alaala sa yumaong pangulo ng UB, si Dr. Abelardo B. Perez, na gaganapin sa UB gymnasium.

Habang noong ika-4 na araw ng Marso 2023, ang UB main ROTC unit ay nakipagtulungan sa Batangas Medical Center (BATMC) at Provincial Health Units ( PHO ) upang magsagawa ng bloodletting activity para sa ating mga kababayan. Kaugnay ng kanilang temang “ Save life, Give blood,” layunin ng programang itong mag-donate ng dugo para sa ating mga kapwa Pilipino na nangangailangan ng dugo. Ang mga donors para sa bloodletting activity ay mga boluntaryo mula sa army reservist and Community Defense Center (CDC) personnel, kasama ang UB cadet officers.

Bago magsimula ang programa, hinikayat ang mga boluntaryo na sagutan ang isang form at sumailalim sa screening interview upang suriin ang kalusugan ng bawat tauhan at matiyak na magiging maayos ang daloy ng aktibidad upang masiguro na hindi ito magdudulot ng pinsala sa mga donor at tatanggap ng dugo.

Bukod pa rito, ang opening remarks ay isinagawa ni CPT Rogelio Driz, samantalang ang closing remarks naman ay inihatid ni 1st Lieutenant Javier C. Reyes. Nagsimula ang programa noong 8:30 a.m. at natapos ng 11:30 a.m., na nagpapakita na naging matagumpay at maayos ang programa ng bloodletting na pinangunahan ng Unibersidad ng Batangas.

“Blood donation does not cost us anything, but it can save someone’s life,” dagdag ng UB ROTC, na nagpapahiwatig na mayroong toneladang mamamayan na nangangailangan at naghihintay na may isang donor na mag-donate ng kanilang dugo upang magkaroon sila ng pagkakataong gumaling at madugtungan pa ang kanilang buhay.

68.8%

Ang bilang ng mga estudyanteng may kakulangan sa oras ng pagtulog dahilan sa gawaing pangakademmiko.

22.9%

Ang social media ay binanggit bilang isa sa mga dahilan ng kakulangan sa tulog ng mga estudyante.

5.2%

Isa rin sa mga binggit ang online gaming bilang dahilan sa kakulangan sa tulog.

3.1%

At ang natitira naman ay dahilan ng pagbabasa ng mga fiction books at pagkakaroon ng insomia.

at teknolohiya 16
agham
Iba’t ibang organisasyon, UB nagtulong para sa Blood Letting Drive “
Lieniel Cristien Karl Macaya Karl Laurence Aguilar Cassandra Alexie Lopez Sidnee Madlangbayan
Lumahok ang Unibersidad ng Batangas sa kampanya ng UB Community Extension Services ng paggamit ng mga tumbler. ,Jullana Ashley Aguba ECO-W AND BIDA
Bret Michael Dimatatac

Mmalayo ang narating ng 21 taong-gulang na Gold Laner ng ECHO

Philippines na nagngangalang Frederic Benedict “Bennyqt” Gonzales o mas kilala bilang si “Bagyong Benny” dahil sa pangingibabaw niya sa M4 World Championship na nagbigay sa kanya ng Finals MVP kontra Blacklist International. Bagama’t narating na niya ang tagumpay, madaming pagsubok ang pinagdaanan ng bagyo patungo sa kanyang lagay ngayon.

Malaking pagbabago ang nangyari kay

Benny dahil sa paglipat niya sa koponan ng

AURA PH upang maghanda sa MPL Invitationals

Naging masigabo ang pagsalubong sa opening ng

NCAA Season 24 sa pamamagitan ng pamamalakad ng University Host na University of Batangas upang pormal na masimulan ang programa. Ito ay ginanap sa bagong bihis na Carmelo Q. Quizon Gymnasium sa UB Main Campus noong Pebrero 24 taong 2023.

Bagama’t marami ang mga bisitang dumagsa sa programa, nasimulan ito ng matagumpay sa pagkilala sa mga paaralan at mababagsik na players na lalahok sa gaganaping mga kompetisyon sa sumusunod na mga araw.

Ilan sa mga paaralan na kinilala ay ang University of Batangas, Lyceum of the Philippines University

Batangas, Philippine Christian University

Dasmariñas, FAITH Colleges, De La Salle Lipa, San Beda College Alabang, Colegio De San Juan

De Letran Calamba, San Pablo Colleges, TRACE Colleges, University of Perperual Help System

Laguna at Emilio Aguinaldo Colleges Dasmariñas. Sa loob ng malawak na gymnasium, kanilang nasilayan ang maayos at malinis na inihandang mga kagamitan upang gamitin sa programa.

Dito rin ay nagpakilala ang naging host ng nasabing programa na sina Renz Contreras at Celeste Cananua na nagkaroon ng matagumpay na pamamalakad ng kabuuang kaganapan.

Matapos ang pagkilala, nagbigay ng kaantig-antig na pangunahing mensahe ang ilang mga panauhin kabilang na ang presidente ng University of Batangas na si Dr. Hernando B. Perez.

Naipahayag sa pamamagitan ng bidyo ang paghahatid ng introduksyon sa mga paaralan na lumahok kalakip ang pagbibigay ng sertipiko ng partisipasyon.

Nagpamalas din ang University of Batangas ng galing sa pamamagitan ng pagbibigay ng masiglang intermisyon sa pangunguna ng makukulay at naggagandahang kasuotan ng UB Bench Cheering at ilang mga props na nakapaloob din ang mga logo ng paaralan na iprinisenta ng Dance Troupe upang aliwin ang mga manonood.

Nagbigay ng motibasyonal na mensahe ang dalawang tanyag na manlalaro na sina Sisi Rondina at LA Tenorio na ginawaran din ng kaukulang sertipiko ng pagkilala. Kaganyakganyak ang naging mensaheng ibinahagi ni Sisi Rondina lalo pa at nagbigay siya ng kanyang pansariling karanasan buhat sa siya ay isa pa lamang estudyante na naging isang magaling atleta upang maipakita sa iba ang kaniyang kakayahan. Naging malaman din ito sa pagpapahayag ng kaniyang kwento ng pagdiskubre sa kanya bilang isang mahusay na atleta, kung kaya’t nagsilbi itong inspirasyon sa mga nakakarami. Bukod dito, naging kahangahanga din ang isang mahusay na manlalaro na si LA Tenorio sa pagbabahagi ng kaniyang sariling kwento sa mga panauhin.

Samantalang matapos ang pagbibigay ng mensahe, ipinangalandakan naman ang husay at kakayahan ng mga Brahmans nang magbigay ng kamangha-manghang pagganap ang UB Pep Squad upang muling aliwin ang mga panauhing dumalo.

Pinangunahan ng atletang si Marquiz Macatangay ang pagsambit ng Oath of Sportsmanship matapos ay iwinagayway ng mga team captain ang kani-kanilang bandera ng kanilang paaralan .

Sa pagtatapos ng programa, idineklara ni Atty. Jesus V. Mayo, Chairman/Policy Board NCAA South Season 24, anf pagbubukas ng panibagong season.

Pinaghandaan ng Sports Development Office ng unibersidad kasama ng pwersa ng Culture, Arts, and Publications Office (CArP) ang pagbubukas ng kaabang-abang na kompetisyong pampalakasan.

2020 pero tinalo sila ng MPL-PH Champion at M2 World Champion na Bren Esports.

Sinimulan ni Benny ang kanyang

paglalakbay bilang manlalaro para sa AURA

PH sa Season 7 ng MPL-PH na nagkaroon ng

9-4 standing sa regular season. Sa kasamaang palad, bigong makapasok sa finals ang AURA dahil winalis sila ng dati niyang koponan na

Nangibabaw ang bagyo at ang koponan ng ECHO sa M4 World Championship na ginanap sa Jakarta, Indonesia dahil sa ipinamalas nilang galing laban sa iba’t ibang bansa. Sa pagkakataong ito, pinatalsik sa trono ng orcas ang Defending World Champions na Blacklist International sa 4-0 sweep at itinanghal si Bagyong Benny bilang Finals MVP. Sa kasalukuyan, namumuno pa rin si Benny at ang orcas sa regular season ng MPLPH Season 11 sa 6-1 na standing at ikalawa sa pwesto na nasa likod ng M2 Champions na Bren Esports. Pinatunayan ng gold laner na karapat-dapat siyang mapansin sapagkat nangahas siyang maging dakila.

Isa si Frederic Benedict sa nagbibigay inspirasyon sa napakaraming kabataan lalong lalo na sa ating unibersidad kagaya na lamang ng isang estudyante dito sa ating Unibersidad na si Sean Howell Magnaye na ginawang inspirasyon si Benny upang maging esports player at pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro.

“Ang ganda ng gameplaay na prinoproduce ni Benny overall yung chemistry nya with the team, how he handles the lanings, rotations and how he farms”. Isa lamang si Howell sa mga estudyanteng nabigyang inspirasyon ni Benny dito sa ating unibersidad. Dahil dito, ay mas napapalawak na ang esports scene hindi lamang sa ating paaralan kung hindi pati na rin sa ating bansa.

Brahmans, wagi kontra BYB Mabini, sinukbit ang tiket sa NBTC league

Namayagpag ang University of Batangas matapos lampasuhin ang BYB Mabini sa iskor na 127-55 sa UB Brahmans sa 2023 NBTC Qualifying league championship na ginanap sa University of Batangas, Hilltop Campus noong Marso 13, 2023.

Unang segundo pa lamang ng unang kartada ay agaran ng nagpasiklab ang

Unibersidad ng Batangas matapos agarang makapagtala ng sunod sunod na tres na naging dahilan upang mapolobo agad nila ang kanilang kalamangan sa unang kwarter.

Ipinagpatuloy ng UB Brahmans ang kanilang nasimulaan sa unang kwarter ng laban nang magpakawala ng agresibong opensa upang gibain ang depensa ng BYB Mabini na nagbigay ng halos tatlongput limang kalamangan na pabor sa Brahmans matapos ang ikalawang kwarter, 60-25.

Sinubukang bumawi ng BYB Mabini sa ikatlong kartada ng makahabol sa agresyon na ipinapakita ng UB Brahmans sa pamamagitan ng pagbawi sa opensa ngunit bigo pa rin silang mapadikit ang kanilang iskor.

Hindi man lang kinabahan ang Brahmans sa BYB Mabini at

agarang nakipaggitgitan at nagpamalas ng mas pinaigting na depensa na naging dahilan upang hindi na makayanan ng BYB Mabini ang pahirap na ibinibigay ng Brahmans na nagdagdag pa ng sampong kalamangan sa pagsisimula nang huling kartada, 100-40.

Sinelyuhan ng UB Brahmans ang laban sa pamamagitan ng sunod sunod na tres at layup na naging dahilan upang makakuha sila ng 72 na kalamangan,120-55

Naging susi ng Brahmans ang kanilang mga mahuhusay na three pointers at ang mga magigilas na rebounder player. Matapos maging kampeon ng 2023 NBTC Qualifying league ay pupunta naman sa Manila ang Brahmans para sa 2023 NBTC league upang kaharapin ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang koponang nagmula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Ang pagkapanalong ito ang nagbigay sa mga Brahmans ng dagdag motibasyon sa pagsasanay matapos ding makuha ang kampeonato sa nakalipas na City Meet at BCPRISA.

PAGBABALIK NG NCAA-S
24, MATAGUMPAY
SEASON
Emmanuel Lei Byron Mendoza
,
Win Vincenr Chua
17
Patnugot: Win Vincent Chua
,
Sa unang pagkakataon, nagsilbing host school ang Unibersidad ng Batangas para sa NCAA-SOUTH Season 24. Krizthan Macaraig HANDA NA!
,
Pinatunayan muli ng UB Brahmans na sila ay isa sa mga nangungunang koponan sa rehiyon. Krizthan Macaraig

IMPLUWENSYA NG ECHO, NAGBIGAY INSPIRASYON SA MLBB TEAM NG BRAHMAN

Ginulat ng ECHO Philippines ang mundo matapos pabagsakin ang Blacklist sa pamamagitan ng malinis na pagkawalis sa Best-of-7 Finals sa M4 World Championship sa Nangibabaw ang mga orcas sa unang bahagi ng laro kung saan si ECHO KarlTzy ang nakakuha ng unang pagong habang pinaslang ni ECHO Sanji sina Wise at Hadji sa kanyang 1st at 2nd skill combination ni Xavier.

Sa ika-4 na minuto ng laban, kontrolado ng boys in purple ang laro nang makuha ni KarlTzy ang pangalawang pagong habang

nahulog sa kamay ni ECHO Roamer Yawi ang Blacklist Gold Laner na si Oheb.

Isang matinding sagupaan ang naganap sa ika-6 na minutong marka nang patayin ng Blacklist sina Yawi at SanFord kapalit ng OhMyV33NUS at ang huling turtle na nakuha ng Jungler ng ECHO.

Isa pang paghaharap ang

nangyari sa mid lane habang pinatay ni ECHO Sanji ang Team Captain ng Blacklist na OhMyV33NUS upang mapilitan si Hadji na gamitin ang Real World Manipulation ni Yve ngunit sinigurado ni Oheb ang pagpatay laban kay Bennyqt na sinamahan ng kanyang mga kasamahan sa koponan.

Habang nakuha ng ECHO ang unang Lord of the game, nagkaroon ng 2-1 trade pabor sa mga batang lalaki sa purple pagkatapos i-execute ang Blacklist’s Jungler at Mid Laner. Pagkatapos ng isang matinding

Lord clash sa mga huling minuto ng labanan, gumawa ng outplay si ECHO SanFord sa pagpatay kay Oheb at Hadji na naging sanhi ng pag-decode ng ECHO Express ng Blacklist. Tinapos nila ang laban sa 7-14 na talaan para sa panig ng ECHO at idineklara si Bennyqt bilang Finals MVP ng tournament.

Dahil nabigo ang Blacklist na gumawa ng kasaysayan sa pagkapanalo ng back-to-back world titles, gumawa ng kasaysayan ang ECHO dahil sila ay nangahas na maging mahusay na nagbigay sa Pilipinas ng 3 M-World titles.

Sa kabilang banda nagwagi naman sa isang laro sa acadarena ang koponan sa mlbb ng Unibersidad ng Batangas kontra University of Rizal System, 2-1 na ginawa sa pamamagitan ng online tournament noong March 12, 2023. Unang game ay halos di maka

BUHAT NG PAGLIPAD

Isa sa mga problemang kinakaharap ng mga atleta ay kung paano nila pagsasabayin ang pag-aaral at ang pagiging atleta. Sapagkat sa tuwing sila ay nasa rurok na ng tagumpay ay kasabay nito ang pagbaba ng kanilang mga marka.

pagkatalo ay ang Kaja na nagpahirap sa core ng Brahmans na si Atemgod, natapos ang unang game sa iskor na 9-25.

Agad namang inayos ng Brahmans ang kanilang draft na inihalintulad nila sa draft ng M4 defending champions na Echo na naging dahilan upang madomina nila ang ikalawang game.

Ipinagpatuloy ng koponan ang kanilang pagiging dominante sa ikatlong game matapos ipagpatuloy

BALANSENG ATENSYON

Hindi solusyon ang pagtahimik sa mga problema, gawing aral ang mga nagdaang karanasan at gamitin ang boses ng walang takot upang masolusyunan ang mga ganitong pagsubok.

sa sa mga problemang kinakaharap ng mga atleta sa kasalukuyang panahon ay ang pagkakaroon nila ng kulang na atensyon at suporta galing sa kanilang mga coaches.

Ayon kay Sean Howell Magnaye, isang esports player na hindi umano sila nakakuha ng sapat na suporta at atensyon galing sa kanilang coaches.

inspirasyon sa draft ng echo at ito ang naging dahilan upang maselyuhan nila ang kanilang pagkapanalo.Pinaghahandaan naman ng Brahmans ang susunod nilang laban sa Acad Arena kontra Faith Academy Christian School. Isa ang Unibersidad ng Batangas sa mga paaraln na nagbigay ng pansin sa ganitong klase ng mga palaro. Binigyan nila ng pagkakataon ang mga estudyante na ipamalas ang kanilang ganitong klaseng talento.

HINDI KABANATATAKOTNABAKAMAAPEKTUHAN ANG PAG-AARALMO?

Sometimes I miss one of our group projects that might require work outside of school; but in general, if we manage our time well, passion will not interfere with academics.

Brahmans, namayagpag, sinelyuhan ang ginto kontra BCS H

“Tinatamad na ako maglaro kasi yung expectations niya sa amin ay mababa, oo andun yung suporta pero parang di totoo. Kahit na ganon, ipinagpapatuloy pa rin namin ang aming paglalaro para sa ating Unibersidad,” saad ni Magnaye.

Isa ang esports sa mga bagong larangang pwede mong pag lahukan kung gusto mo maging isang atleta, isa na ang University of Batangas sa may nabuong ganitong koponan. Lumalahok sila sa iba’t ibang kompetisyon kagaya na lamang ng Acad Arena.

May mga pagkakataon na hindi lahat ng bagay ay napapagtuonan ng sapat na atensyon. Sa problemang kagaya nito kaya nararapat lamang na laging balanse at patas ang mga tulong at suportang ilalaan ng paaralan sa lahat ng kumakatawan at nagdadala ng kanilang pangalan.

Natatakot syempre, pero kelangan balansehin ng ayos. May mga times na nawawalan na ako ng oras for studies o kaya naman nawawalan ng focus sa training kakaisip sa academics. Proper time management lang talaga ang solusyon.

indi nagpatinag ang mga pambato ng University of Batangas matapos mamayagpag at hindi padikitin sa dalawang set ng volleyball girls city meet finals ang katunggaling paaralan na BCS at maidikta ang 25-8, 25-14 na kartada upang ilagay sa ikalawang pwesto ang kanilang kalabang koponan na ginanap sa Lyceum of the Philippines, kahapon.

Naimarka ng Brahmans ang mga nakakamanghang set at palo na siyang kanilang naging sandatang naging dahilan para agad nilang matapos ang palaro sa iskor na 3-0.

Isa ang Unibersidad ng Batangas sa pinaka mahusay at pinaka dominanteng paaralan sa ating rehiyon pag dating sa larangan ng isports.

Unang kartada pa lamang ng laban ay pangita na agad kung sino ang unang mananalo sa set matapos agarang lumamang ang UB ng 3 puntos sa unang set.

Sinandalan ng Brahman si Myesha Zaraspe sa nasabing laban na siyang nagbigay ng mga kahangahangang set na siyang nagpahirap ng husto sa BCS.

Kahanga-hanga din ang mga save ng libero ng Brahmans na si Stephanie De Chavez na isa sa mga sumasalba ng puntos ng Brahmans.

Sinubukan namang rumesbak ng BCS at hindi magpasilaw sa rekord na naitala ng UB matapos

subukang maka puntos at maidikit ang kalamangan sa mga nasabing katunggali. Ipinagpatuloy naman ng Brahmans ang kanilang pagiging dominante ng tapusin ang set 1 sa iskor na 25-28.

Dagdag pa rito, kasabay ng nagliliyab nilang mga atake ay ang agaran din nilang pagtambak sa BCS sa ikalawang set, 6-2.

Isa sa mga naging kadahilanan ng pagkapanalo ng Brahmans ay ang pagkakaroon nila ng maraming service ace na naging isa sa mga pangunahing kadahilanan ng kanilang pagkapanalo.

Nagtuloy tuloy ang pagiging dominante ng nasabing koponan matapos na magtala pa ng 25-14 na iskor sa ikatlong set na naging dahilan upang sila ang tanghaling mga kampeon.

Sunod namang pinaghahandaan ng Brahmans ang darating na NCAA south na kung saan sila ang magrerepresenta ng UB .

Dapat binibigyang atensyon ng mga paaralan ang esports sapagkat isa ito sa mga bagong sikat na laro sa larangan ng isports. May bagong programa na ang ibang mga ahensya saan nagsusulong sila na magkaroon ng bagong kurso na nakatuon sa paglalaro ng esports. Pausbong na din ng pausbong ang mga manonood at fans ng esports kung saan dumagdag ito ng napakaraming porsyento kumpara sa mga nagdaang taon.

Bilang solusyon sa problema ng kakulangan sa atensyon ay dapat lamang na pagtuonan din ng ating Unibersidad ang isports na kagaya ng esports at bigyan ng sapat na tulong ang mga manlalaro, hindi dapat maging dahilan ang pagiging hindi popular ng isang laro para lamang makakuha ng sapat na suporta dahil pinili rin naman nilang lumaban at magrepresenta ng ating Unibersidad hindi lamang sa loob ng ating lungsod at bansa kung hindi pati na rin sa labas ng bansa bitbit-bitbit ang pangalan ng Unibersidad ng Batangas.

Janus Nielsen Bagunas Raissa Mabel Luansing Cheerer
isports 18
Cloud Cedrick Benlot Cloud Cedrick Benlot Win Vincent Chua Cloud Cedrick Benlot Nagwagi bilang kampeon ang Brahmans Volleyball team sa finals ng City Meet. ,Brahman Sport PALONG-PALO Pinatunayan muli ng UB Brahmans na sila ay isa sa mga nangungunang koponan sa rehiyon. ,Gabrielle Andal ECHO ABOT PANGARAP

UB BRAHMANS, KINAPOS KONTRA ADMU BLUE EAGLES

Nabigong mapasakamay ng UB Brahmans ang tagumpay ng mapataob sila ng ADMU Blue Eagles na nagkaroon ng dalawang sunod na panalo sa Ang Liga Season 18 Football

Match na ginanap noong Nobyembre 20 taong 2022 sa Quezon City football field ng Far Eastern University Diliman.

Natatandaan lamang na tinalo ng ADMU Blue Eagles ang Philippine Air Force F.C. sa kanilang season opener. (PAF), 4-2. noong Nobyembre 5 na naganap ang laro sa Bian Football Field ng De La Salle University sa Laguna ay nakuha na naman ng ADMU Blue Eagles ang panalo.

Kasunod ng kamangha-manghang krus mula kay Fonzy Escobin sa nakaraang match, naitala muli ng ADMU Blue Eagles ang unang puntos sa pamamagitan ni Kofi Agyei ang para sa Asul at Puti sa unang minuto ng laro.

Naging agresibo ang ADMU Blue Eagles sa unang bahagi ng laro kaya’t nagbigay ng malaking oportunidad upang makapagtala ng mga puntos.

Nagpamalas agad sila ng agresasyon upang bigyan ng pressure ang kalaban na kaya nagkaroon ng kalugihan na hindi pumapabor sa UB Brahmans.

Ngunit hindi lubos na nagamit ang kanilang opensa na ipinakita hanggang sa dumating ang ika- 28 na minuto noong nagkaroon ng malakas na adbantehiya si Marco Salud sa tulong ni Leo Maquiling.

41 minuto makalipas ang laban, nagbitaw ang parehas na koponan ng mas pinaigting na depensa habang malapit na sana makapagbigay ng puntos si Luard Abaa ng ADMU Blue Eagles ngunit ito ay hindi pinalusot ng UB Brahmans.

Bagama’t bigo makapagtala ng puntos, patuloy pa rin na tinulungan ni Luard Abaa si Kofi Agyei upang makapagtala ng puntos, 2-0, sa ika- 45 na minuto ng laban na nagpawasak ng komposisyon ng UB Brahmans.

Napanatili ang init ng dalawang koponan sa pakikipagtagisan sa isa’t-isa na nagnanayong kamtin ang isang layunin kundi ang manalo sa larong ito.

Kung kaya’t ay hindi pa din sumusuko ang UB Brahmans sa ibinibigay na agresasyon ng kanilang kalaban.

Nagpatuloy ang Blue Eagles na palakihin ang lamang pagkatapos ng break. Habang lamang pa rin ang ADMU Blue Eagles, hindi sila nagbigay ng awa at patuloy pa rin na ginitgit at dinomina ang UB Brahmans upang makapagtala ng kanilang ikatlong puntos nang makuha na ang panalo.

“For me, as a striker, you need to make sure every chance you get, you need to score,” ayon kay Striker Kofi Agyei matapos ang kanyang ipinakitang galing sa laro. “I believe in my team and believe that we can do more.”

Ibinahagi din , “Honestly, I think we still have a lot to work on. It’s just the second game and we haven’t gone up against the top teams. We want to prepare well for this game and give it our all.”

Sa huli, natuldukan ng ADMU Blue Eagles

PAGKAPANALO NG ARGENTINA, NAGBIGAY GANA SA PAGHAHANDA NG UB FOOTBALL CLUB

Sinigurado ng Argentina ang kampeonato kontra France matapos na lampasuhin ang France sa penalties na siyang nagdikta ng kanilang pagkapanalo, 3-3 na humantong sa 4-2 penalties na naging dahilan upang masungkit nila ang kampeonato.

Pinangunahan ng tinaguriang greatest of all time na manlalaro ng football na si Lionel Messi ang kanilang koponan na Argentina matapos agarang painitin ang laban sa kanyang mala halimaw na opensa at depensa sa unang mga segundo ng laban na naging dahilan upang kanilang agarang malamangan ang France.

Dinagdagan naman kaagad ng Argentina ang kanilang kalamangan matapos itong siguraduhin ni Angel De Maria at gawing dalawa ang kanilang kalamangan.

Hindi naman nagpatinag ang defending champions na France na pinapangunahan ni Kylian Mbappe ang France pagkatapos ng halftime ay umiskor ng isang hat trick upang

mapadikit ang kanilang iskor kontra Argentina, 2-2.

Matapos nito ay agarang bumawi si Messi matapos na umiskor muli upang maibalik ang kanilang kalamangan sa dalawa, 3-2.

Ang may mga pusong kampeonato na manlalaro ng

France ay hindi pa rin nagpatinag matapos na agarang makapag buslo ng goal na siyang naging dahilan upang mapapunta sa penalties ang nasabing laro, 3-3

Matapos nito ay naka tatlo pang sunod na penalty ang Argentina samantalang naka dalawa lamang ang France na naging dahilan upang

UB, umariba kontra La Salle, nairehistro ang unang pagkapanalo sa NCAA-S

Nangibabaw ang University of Batangas sa huling kwarter ng unang banggaan nila ng De La Salle University Lipa sa regular season ng NCAA South basketball, 70-57, sa UB Gymnasium, Marso, 4 2023.

Ang mga nagliliyab na tres nina Ponsica at De Ramos sa simula ng ika-4 na kwarter ang naging dahilan upang mapatumba nila ang La Salle, 62-41.

Binigla naman ng Lasallians ang kabilang koponan dahil sa binuhos nilang 10-0 run, pero lalong pinagtibay ng Brahmans ang kanilang depensa upang hindi makapuntos ang kalaban, 64-51.

Muntik nang makahabol ang berdeng koponan sa koponan ng maroon subalit sawing makamit ito ng La Salle dahil sa matinding depensa ng UB kaya naging 66-55 ang laban.

Tuluyan nang sinigurado ng Brahmans ang kanilang unang pagkapanalo at tinala ang 70-55 na talaan sa huling kwarter.

“Nagtraining, practice, gumising nang maaga ang mga players ko at alam ko ang mga ginawa nilang sakripisyo upang makamit nila ang panalong ito,” saad ng UB Brahmans coach.

“There’s always room for improvement para sa mga player ko kasi pwede pa naming pagandahin ang depensa namin kasi defense wins games,” dagdag pa ng coach.

Bigo ang berde na pabagsakin ang maroon dahil sa labintatlong puntos na kalamangan nila na nagbigay-tagumpay sa UB.

“Kung sakaling manalo ang UB Brahmans sa NCAA South, sila ang magiging representatives ng

tanghaling kampeon ang Argentina. Sa kabila nito, matapos ang kampeonatong ito ng Argentina ay muling nagliyab ang kagustuhang manalo ng football team ng Unibersidad ng Batangas at handa na muling sumabak sa field at naghahanda na sa darating na NCAA South season 24. Ang paghahandang ito para sa football club ng UB ay napakahalaga sapagkat ito ang isa sa mga bago nilang lalahukang kompetisyon matapos ang ilang taong pandemya. Inaasahan ng koponan na magtutuloy tuloy na ang kanilang mga larong lalahukan.

buong Batangas so pagsisikapan talaga namin ito,” sabi ng coach tungkol sa pangangatawanan ng Brahmans sa Batangas.

Bagong simula para sa ATHLETES

asabay ng pagbabalik ng face to face classes ay ang pag usbong ng mga bagong mga programa at organisasyon na para sa mga indibidwal at magaaral. Isa na dito ang bagong dagdag na organisasyon ng Senior High School na tinawag nilang SHS sports club, ang ATHLETES.

Ang organisasyon ito ay binubuo ng 67 atletang magaaral na nagmula sa iba’t ibang larangan ng isports, tradisyunal na isports pati na rin esports. Ito ang kauna unahang isport na organisasyon para sa mga magaaral na mahilig maglaro at para sa mga mag-aaral na kayang pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro.

Ayon sa adviser ng organisasyong ito na si Mr. Mark Louie Alicpala, ang ATHLETES ay nakilahok sa kanilang unang

aktibidad noong org fest sa pamamagitan ng pag oorganisa ng MLBB tournament pati na rin mga clinic para sa isports na chess and taekwondo.

“We conducted the esports and cliniquing so the students can feel na meron pa rin namang sports na nag eexist kahit limited parin ang galaw natin, saad ni Alicpala.”

Para naman sa kanilang paghahanda sa darating na STCAA sinabi ni Sir Alicpala na araw-araw silang nag eensayo

para maging sigurado na maganda ang kalalabasan ng nasabing kompetisyon.

“Our players continue to practice everyday in order for them to sustain and maintain their body condition, also the discipline and agility which is foundation ng laro nila, right now the players are preparing for the STCAA and the NCAA,” dagdag pa ni Alicpala.

Ang programang ito ng SHS ay inaasahang ipagpapatuloy sa darating pang mga panahon.

Win Vincent Chua Win Vincent Chua Athena Tarcelo Emmanuel Lei Byron Mendoza
,
Nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga manlalaro UB Football Club para makalaro sa World Cup balang araw. Brahman Sport Aljazeera MESSI-NSPIRASYON
,
DETERMINASYON Itinatag
makabalanse
,Krizthan Macaraig ATHLETES PARA SA ATHLETES
Pinakita ang galing ng UB Brahmans upang masungkit ang unang panalo para sa magandang simula ng NCAA-SOUTH Season 24. UCBL ang UBSHS
ATHLETES
Sports Club para makatulong sa mga manlalaro na ang pag-aaral at paglalaro.

Patuloy ang mga preparasyong isinasagawa ng mga manlalaro ng koponan ng Badminton ng Unibersidad ng Batangas matapos sumabak sa mahigpit na proseso upang maghanda sa darating na Southern Tagalog Athletic Association (STCAA).

Isa sa mga naging susi ng kanilang tagumpay ay ang pagkakaroon nila ng iba’t ibang estratehiyang labis na nagpahirap sa kanilang mga katunggali.

Nasa likod ng mga estratihiyang ito ang kanilang batikan na coach na si G. Florante Silang na isa din sa mga guro ng unibersidad.

Isa pa sa naging susi ng kanilang tagumpay ay ang kanilang determinasyong manalo sa laro sapagkat

dikdikan ang ginawa nilang paghahanda para sa nasabing kompetisyon.

Ilang taon ng naghahakot ng iba’t ibang karangalan galing sa iba’t ibang mga kompetisyon ang UB shuttlers at ngayong taon ay inaasahan ng mga tao na mas mapapadami pa nila ang kanilang mga makakalap na mga medalya. Kaugnay nito, itinanghal na overall champion

noong nagdaang city meet sa singles si Matt Ledda at Ralph Ledda at Eian Amaranto naman sa doubles. Matapos nito ay inaasahang sila ay magpupursigi muli para ipamalas ang kanilang kakayahan at makilala sa STCAA.

REKORD

atapos ang mahabang panahon ng pagpapahinga ng PEP squad ng University of Batangas ay nagsimula na ulit silang magpasiklab sa entablado at handang-handa na sa kanilang pagbabalik aksyon.

Bago ang muling paglitaw ng pangalan ng University of Batangas sa pep squad, hindi na maipagkakaila na dati pang kapansin-pansin ang mga nagdaang grupo nito kung kaya’t dahil sa kanila marami na ang gustong maging parte ng grupo at umaasa na ito ang maaaring unang hakbang upang makarating sila sa kanilang inaasam-asam na kasikatan, dagdag pa ay ang atensyon na maaari nilang makamit. Muling nagbabalik ang UB pep squad upang isabuhay ang mga layunin na nawala nang ilan taon— ang magpamalas ng malalim na relasyon upang madala nila ang determinasayon na maipanalo ang mga laban nila, mayroong iisang mithiin para sa koponan at higit sa lahat para sa bansa.

Matagaltagal na rin ang lumipas nang magkaroon ang UB ng pangalan sa ganitong klase ng patimpalak.

Sa bawat paghagis sa kanila nang matataas ay kasabay ang isang simbolo kung paano nila ninanais na marating ang kanilang inaasam-asam na rurok ng tagumpay. Gigil na gigil subalit may pagtiyatiyaga ang kanilang kagustuhan sa malayo pang destinasyon na kanilang lalakbayin.

Ang damdaming ito ang magsisilbing motibasyon sa mga atletang patuloy na nagpupursigi at lumalaban para sa unibersidad. Ito rin ang pinanghahawakang birtud ng mga atletang mananayaw sa bawat pag-indak at paglipad.

“Nakakaproud at naeenjoy ko ang mga training since nagiging kaclose ko na ang mga kasamahan ko at masasaya sila kasama pati na rin ang mga coach namin. Though nagkaka conflict minsan sa oras sa academics, nahahandle ko naman ng maayos” saad ni Luis Beredo na isa sa mga bagong miyembro ng pep squad.

Patuloy pa rin ang paghahanda ng UB pep squad sa mga susunod nilang patimpalak upang maipamalas ang kanilang kagalingan sa larangan ng pyramids, stunts, tumblings, tosses, at iba pang cheerleading skills upang ipagpatuloy ang nasimulan ng mga dating miyembro ng nasabing grupo.

Hindi nagpatinag ang pambato ng University of Batangas na si Princess Brotonel matapos mamayagpag at siguraduhin ang 3-0 na set kontra LPU at selyuhan ang gintong medalya sa nagdaang BCPRISA table tennis girls Finals na ginanap sa University of Batangas, kahapon.

Naimarka ni Brotonel ang 3-0 na set matapos sandalan ang kanyang magkakasunod na service ace at sunod sunod na smash na siyang naging dahilan upang masigurado niya ang kanyang pagkapanalo.

Samantala, simula pa lamang ng laban una nang umarangkada ang gutom sa kampeonato na si Brotonel ng UB Brahmans matapos manguna sa labanan at magtala ng 11 kontra sa 7 na iskor lamang ng LPU sa unang set, 11-7

Sinubukan namang rumesbak ni Marie at hindi nagpasilaw sa rekord na itinala ni Brotonel matapos magbitaw ng dalawang service ace sa pagsisimula ng ikalawang set.

Hindi naman ito hinayaan ni Brotonel at agarang gumawa ng solusyon at agarang gumawa ng 7 points streak na s’yang naging dahilan upang makuha niya ang kanyang momentum at wakasan ang ikalawang set, 11-5 Ipinagpatuloy niya ang

pagbubusla ng

puntos sa ikatlong set upang wakasan na ang laro at sungkitin ang kempeonato matapos na bigyan lamang ng tatlong puntos si Marie, 11-3 Matapos makuha ang parangal na ito,

pinaghahandaan naman ni Brotonel at kapwa niya Brahmans ang NCAA South na kung saan ito pinakanalalapit na kompetisyong kanilang lalahukan.

Win Vincent Chua Emmanuel Lei Byron Mendoza Athena Tarcelo
NG
Ipinamalas ni Brotonel ang taglay na galing sa pagkapanalo ng ginto sa BCPRISA table tennis finals. ,Krizthan Macaraig MATA SA PANALO Nagbalik muli ang Pep Squad ng Unibersidad ng Batangas na may mga bagong mukha sa pagkakataong ngayon. , ClaireJoeanna Teope MGA BAGONG MUKHA SA ERE
BRAHMAN- BCPRISA DELEGADO SA CITY MEET
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.