Ang Sulo Magazine 2017

Page 1


nilalaman 4editoryal 5obtec 6tofi serye 8bagwis 9cpf bill 10change is coming 12top 10 'ang pinaka' 14kilapsiyaw 15financial report Transfiguracion – Ipinakikita ng pabalat ang pagharap ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bagama't madaling nakuha ang loob ng mga Pilipino dahil sa mga pangako ng pagbabago, napapanatiling kritikal ang sambayanan sa pagtukoy sa mga panukalang isinasabatas ng administrasyon kung ito ba ay panig sa sambayanan, o panig sa dayuhan. Nagsisilbing babala ang mga baril sapagkat naroon pa rin ang mga naghaharing uri na handang hadlangan ang progresibong mga layunin ng pangulo.

the torch pub

16curriculum mismatch 18sipat-lawin 19sa bayan kong sawi 20oplan tokhang 22off-cam 24katig 25maagang pagkamulat 26jeepney phaseout 28teacher's agenda 30manggagawa 31libingan ng buhay 34sinag 35hanging out 36reality check 38breaking the stereotype 42lakbayan 44yutang kabilin 46pitik b 47kabute 48bagani 48memoir sa pandi 52musika ng hapis 54marbai/luisita 56mrt/lrt 58fabella 60amihan 61hugotscope

Miyembro: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) and Progresibong Lupon ng mga Manunulat-PNU (PLUMA-PNU) Office 22, Student Center Building, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Daang Taft, Maynila pnuthetorchpub@gmail.com fb.com/thetorchpnu

mga tipong ginamit: codiac, dk brush crush, dk cinnabar crush, deutschlander, goudy old style, magnolia sky, mark my words, multicolor, open sans, playfair display, proxima nova, sail, source sans pro, ruby glow kredits sa retrato: creative commons cc0, david montasco snapshots, jonas gaffud, teammag.ph, pixabay.com, wanggo.me kredits: elaijah aligway, john oriel yap bonzon,


3

Kalitatibong

Pagbabago S

a kauna-unahang pagkakataon, nagagambala ng administrasyon ang mga oligarkiya, malalaking negosyante at dayuhang kapitalista. Ngunit hindi sapat ang pagkalampag sa rehas ng pagsasamantala ng mga naghaharing uri. Hindi ito sapat para sa mamamayang uhaw sa pagbabago. Nasa kalagitnaaan na ng pagpapalitan ng burador ang National Democratic Front of Philippines (NDFP) at gobyerno ng Pilipinas para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reform (CASER). Sa 4th round of talks, layon ng dalawang panig na ipinalisa ang mga usapin sa pagpapatupad ng sosyo-ekonomikong reporma na isa sa pinakamalaking hakbang tungo sa kapayapaan. Suliraning pang-agrikultura, pagpapaunlad sa kabuhayan sa kanayunan, pagtatayo ng pambansang industriya, pagbibigay ng batayang serbisyo para sa masa at maging ang pagsasaayos sa estado ng bansa sa global na komunidad—lahat ng ito ay inihapag sa mesa ng negosasyon.

lapat sa pangangailangan ng Pilipinas dahilan upang hindi na kailanganing mangibang-bayan ng mamamayan para sa ikagaganda ng kanilang pamumuhay. Inihahain ng CASER ang libreng tulong pangkalusugan at libreng edukasyon. Bukod pa rito ang pagsusulong ng makabayan, siyentipiko at maka-masang edukasyon na nakapaloob sa aktwal na konteksto ng lipunan lalo’t higit ang pagtugon nito sa pangangailangan ng bansa sa mga manggagawang bokasyunal at propesyonal. Higit sa napakaraming pagbabagong nais ipamandila ng administrasyong ito ang dapat na magkaroon ang bansa. Ang pangmatagalang reporma para sa kapakanan ng sambayanan ang magtuturol sa lahat ng suliraning kinahaharap ng bansa na siyang magdudulot ng kalitatibong pagbabago sa lipunan.

Paulit-ulit lamang sa tala ng kasaysayan ang pagkawing ng bansa sa mga neoliberal na mga polisiya na inihahain ng dayuhan ng mga nakaraang administrasyon ng ipinagpapatuloy ng kasalukuyang administrasyon sa ‘10+0 Economic Agenda at Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022’. Patuloy na bingi ang pamahalaan sa mga hinaing ng mamamayan ukol sa malawakang pagkamal ng lupa ng mga magsasaka. Kabi-kabila ang pagpapatupad ng Land Use Conversion (LUC) na nagbibigay ng pagkakataon sa mga negosyante na magsamantala sa mga manggagawang bukid. Bunsod nito, itinampok sa CASER ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa na tutugon sa suliraning agrikultural na sanhi ng kakapusan sa kabuhayan sa kanayunan. Hindi nakukulong ang reporma sa pag-aari ng lupa sapagkat maging sa produksyong malilikha sa mga angkop na sakahan at palaisdaan sa bansa ay pananatiliing nakasentro ang produksyon para sa pambansang kapakanan at pangangailangan. Ang napakaraming dayuhang negosyante na humuhuthot ng murang lakas-paggawa ay hindi palalampasin ng CASER. Sa halip, magpapatupad ng tuntunin sa pagpasok ng mga negosyanteng nais magtayo ng kabuhayan sa bansa upang igarantisa ang kalidad na kondisyon at trabaho. Saklaw rin ng CASER ang pagtatayo ng pambansang industriya na kaiba sa mga pulo-pulong industriya sa bansa na nagdudulot ng monopolyo sa kita ng lokal at malalaking negosyante. Magbibigay ito ng pangunahing hanapbuhay na

Clark John R. Cortes


4

Edukasyong

Outcomes-Ba at Makabuluhang Pedago John Thimoty A. Romero, isinalin nina Janine P. Solitario & Ronalyn H. Gonzales

I

nuulan pa rin ng mga batikos at mga negatibong tugon ang Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC) sa tatlong taong implementasyon nito sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Samu’t saring reaksyon ang nagmumula sa mga mag-aaral tungkol sa tila di maka-estudyanteng iskema ng OBTEC sa puntong ang pagkakagipit sa pagpapasa ng mga proyekto ay nagbubunsod ng pagdami ng kaso ng mga mag-aaral na may suicidal thoughts. Sa punto ng mga mga mag-aaral, ang kurikulum ay walang saysay sapagkat hindi nagdudulot ng pangakademikong pagkatuto ang bitbit nitong mga gawain. Sa kontekstong angkop sa mga mag-aaral, nagbibigay ang K to 12 ng mas maraming oportunidad at dahilan upang magpakahusay sa propesyon. Kaugnay sa kalagayan ng pamantasan, ang OBTEC ay porma ng Outcomes-Based Education (OBE) na ibinalangkas sa paghahangad ng bansa sa Enhanced Basic Education Curriculum ng 2013 o ang K to 12. Inisiyatiba ng PNU bilang National Center for Teacher Education na gamitin ang nasabing pananaw sa sarili nitong programang pang-akademiko. Sa kabila ng pagsasaalang-alang ng administrasyon sa mga stakeholders nito, nagluwal ito ng isang curriculum na pumipiga ng magaaral – isang trimestral na kurikulum na mayroong 29 na yunit kada termino. Ayon kay Lawson et. Al.

(2007) , ang kasanayan ayon sa konteksto at paggamit ng OBE ay nagaganap sa iba’t ibang anyo— '(It) has different versions practiced in different ways and different places'. Sa madaling salita, ang OBTEC ay bunga ng malabnaw na empirisismo, isang pagsasapraktika na malayo sa aktwal na kondisyon ng pamayanan. Dambuhalang bilang ng gawain Binatikos ng isang kritiko ng OBE na si Kevin Donelly si William Spady – isang tagapagtaguyod ng OBE. Hinati sa apat ni Spady ang ideyal na balangkas ng OBE: kalinawan ng pokus, designing back, mataas na inaasahan sa mga magaaral at pagbibigay ng mga guro ng oportunidad sa pagkakamit ng mga outcomes sa iba’t ibang pamamaraan. Naniniwala si Donelly na ito ay malabo at delusyong malayo sa aktwal na kapasidad ng mga mag-aaral maging ang mga propesor. Naiuugnay ang mga pahayag ni Donelly sa implementasyon ng OBTEC sa PNU. Binatikos ng The Western Australian ang curriculum control. Ayon sa kanila, kapag naging partikular ang sentral/nasyonal o lokal na kontrol ng curriculum, bababa ang propesyonal na responsibilidad ng mga guro. Katulad ng ibang kurikulum, nakokompromiso ang integridad ng isang guro na magturo at maaaring humantong sa hindi pagtutugma ng trabaho sa

pinagkadalubhasaan nito – tulad ng nangyayari sa mga guro ng K to 12. Bunsod ng nasabing kalagayan na kinahaharap ng pamantasan, naudyok ang administrasyon na suportahan ang mga propesor na kumuha ng kursong doktoral. Bukod dito, part-timer na guro ang naatasang magturo sa mga klase ng General Education courses. Napuna ang OBE dahil sa sobra-sobrang mga gawain sa maling paglalapat ng student-centered teaching. Nawawalan ng giya ang mga mag-aaral dahil mismong mga guro ay hindi gagap ang pagtuturo sa OBE. Pinunto at kinuwestiyon ni Donelly ang constructivist na kalikasan ng OBE dahil ang oryentasyon ng kurikulum sa “unguided learning” ay nagdudulot ng negatibong epekto. Ang walang gabay na pag-aaral ay nag-iiwan sa mga mag-aaral ng mga aralin nang hindi ganap ang pakikisangkot ng guro. Walang mapupulot na kaalaman ang mga mag-aaral sa mga itinakdang gawain. Mas pinagtitibay ito ng mga daing ng mga mag-aaral ng OBTEC sa madalas na pagliban ng mga propesor sa klase, mga pagsusulit sa kabila ng kakulangan ng pormal na mga klase, tatlong buwan na eksperimental na pananaliksik at iba pang anyo ng “learning outcomes”. Mababang kalidad ng kurikulum Sa mga pamantayan, sumesentro ang OBE sa ‘outcomes’. Pinuna sa ulat ni

WA Louden na nagsasabing karamihan sa mga guro ay nahihirapan sa pagsasalin ng outcome statements sa pagtuturo Dahil sa kalabnawan ng 'outcomes,' halos hindi mapag-iiba ang mga pamantayan sa pagkatuto kung ito ba ay tungo sa 'clevering up' o pagtaas ng kalidad na inaasahan ni Spady, o 'dumbing down' na ayon kay Donelly, nagpapababa sa kalidad ng pagkatuto. Dogma ang paratang ni Donelly sa pagtingin ni Spady na akma ang pamantayan ng OBE sa spiral curriculum, sapagkat hindi ito nakaayon sa mga pambansang pagsusulit katulad ng National Achievement Test. Idiniin ni David Andrich na walang 'in principle compatability' ang OBE at ang Modern Assessment Theory kung saan tinitignan nito ang pagkatuto bilang 'developmental continuums' o papaunlad na mga kasanayan. Maraming problema sa assessment tulad ng walang kabuluhang mga proseso, kakulangan ng gabay sa guro at mga pambawing pagsusulit. Kung ihahambing sa kalagayan ng PNU, nakokompromiso nito ang reputasyon ng pamantasan na mahalaga sa integridad nito bilang National Center for Teacher Education – ang pagpapanatili ng magandang tala sa Licensure Examination for Teachers (LET) pagdating sa dami ng mga kumukuha at bilang ng mga pumapasa. Bunsod ng baluktot na iskema ng pagtuturo, dehado

at kuwestiyonable ang kalalabasan ng mga resulta sa LET sa panahong ang mga mag-aaral ng OBTEC ang kukuha nito, bunsod ng pinababang mga kakayahan at kawalan ng mastery sa pang-akademikong paksa. Inaasahan na rebisyon sa pamantayan ng Philippine Regulatory Commissions (PRC) ang LET batay sa antas na mayroon ang OBTEC na mayroong dalawang posibilidad: magiging sapilitan ang pagpapatupad OBTEC sa lahat ng pamantasan at kolehiyo na mayroong kursong pangedukasyon. Lumalabas na isang delusyon lamang ang sinusunod ng PNU sa tinagal-tagal ng panahon. OBTEC tungo sa globalisasyon Ang industriya, bilang pangunahing stakeholder ng kurikulum, ang nagdidikta ng magiging tungkulin ng mga mag-aaral kapag sila ay magtatrabaho na. Pangunahin, walang sariling industriya ang bansa dahil ito ay nakaangkla sa pangangailangan ng global na merkado. Walang sariling industriya ang Pilipinas na kayang makalikha ng malakihang produksyon na sagot sa talamak na kaso ng job mismatch. Bilang miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), ang bansa ay nakaangkla sa Millenium Development Goals (MDGs) at Sustainable Development Goals (SDGs)— mga pamantayan sa 21st Century Skills. Mandato


5

ased ohiya at pamantayan nito na palakasin ng bansa ang mga larangan na Science, Technology, Acquisition of International Languages at iba pang mga larangangang pampropesyonal na magpapalakas sa bansa. Gayundin ang paglalapat ng mga ito sa K to 12 curriculum, at mas tinatanggalan nito ang bansa ng prayoridad sa paghuhulma ng isang nagsasariling ekonomya. Ginagawa nitong dayuhan ang mga mag-aaral sa makabayang pag-iisip sapagkat ikinukubli ito sa kanila. Sa kabuuan, ang OBTEC at K to 12 ay hindi nakakawing sa interes ng mga mag-aaral bagkus mas binibigyang tuon ang pangangailangan ng dayuhan--- isang manipestasyon ng neoliberalismo. Kurikulum na lapat sa kongkretong kalagayan Walang perpektong kurikulum, subalit may angkop sa pangangailangan ng lipunan. Kahit kay Donelly na naghahain ng discipline-based curriculum, ang kasanayan nito sa isang bansa ay masusubok. Bagaman si Paulo Freire ay nagsusulong ng edukasyon para sa lahat batay sa kanyang 'Pedagogy of the Oppressed,' bukas pa rin ito sa mga puna at pagwawasto. Sa kabila ng namamaluktot at naliligaw nitong resulta, hindi mali ang pinupunto ni Spady na pag-igpaw mula sa tradisyonal na kurikulum sapagkat ang pangunahing layon ng edukasyon ay pagkatuto tungo sa kaunlaran. Ang ideyal na

kurikulum ay nakakawing sa interes ng mayorya, pati na rin sa mga nagaambag sa pagbuo ng mga responsableng mamamayan na pagasa at kinabukasan ng lipunan; isang kurikulum na nagbubukas ng mga oportunidad ng pagbabago na malaya sa diskriminasyon at bukas sa lahat ng kaisipan. Ang responsibilidad ngayon ay nasa akademiyang handang baguhin ang landas ng serbisyo sa pagtuturo. Tungkulin ng nasa loob ng pamantasan na humubog ng isang makabayan, siyentipiko at makamasang sistema ng edukasyon na bukas sa lahat anuman ang kalagayang sosyoekonomikal at sosyopolitikal. *batay sa artikulo ni John Thimoty Romero, " Outcomes-Based Education and Relevant Pedagogy: Practicing the Most Appropriate". Basahin ang buong artikulo sa Ingles: https://bigwasngbagwis. wordpress.com/2017/03/01/ outcomes-based-education-andrelevant-pedagogy-practicing-themost-appropriate/

Sanggunian: W. Spady. (1994). Outcomes-Based Education: Critical Issues and Answers. The American Association of School Administrators. Retrieved on: March 2, 2017 M. Lawson Et. Al. (2007). OutcomesBased Education: A Discussion Paper. Association of Independent Schools of SA. Retrieved on: March 2, 2017 M. Aliakbari Et. Al. (2011). Basic Principles of Critical Pedagogy. Ilam University – Iran Retrieved on: March 2, 2017


6

serye Mga Pamatay na Linya ng mga Iskolar ng Bayan

Lyn d' Amor Macabulit & Al Jireh C. Malazo

I

kaw, totoong nagdadalamhati ka ba? Kasi napansin ko, kaya mong magbiro. Gusto ko lang malaman mo na lahat ng ito ay hindi permanente. Lahat ng iyan, babawiin ko iyan sa ’yo!” – Angelica Panganiban, Iisa pa lamang Kung ang mga mag-aaral ang na sa katauhan ni Angelica Panganiban sa teleseryeng ‘Iisa Pa Lamang’, malamang ay nasambit na nila ang mga katagang ito sa mga patuloy na humahadlang, naninira

at pumapatay sa kanilang mga pangarap; pangarap na binabakuran ng taon-taong pagkakaroon ng Tuition and Other Fee Increase (TOFI) na patuloy na tinutunggali ng mga mag-aaral sa pamahalaan. Sa pagtatala ng Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) noong 2013, isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit higit 19.2% ang humihinto sa pag-aaral ay dahil sa walang sapat na

panustos ang pamilya upang makapag-aral ang kanilang anak sa paaralan kabilang dito ang maraming gastusin sa paaralan at maging ang mataas na matrikula. Mahalagang tungkulin ng gobyerno na siguraduhin ang kapakanan ng susunod na henerasyon pagdating sa edukasyon. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, patuloy na nagbibingibingihan ang gobyerno sa kagustuhan ng kabataang makapag-aral ng libre at may mataas na kalidad ng

edukasyon. “Walang nag[MAHAL] na hindi nasaktan!” – Eugene Domingo, Ang Babae sa Septic Tank 2 Hangad ng mga kabataang Pilipino na matupad ang kanilang mga pangarap at magsisimula ang pagtupad nito sa pagtapak nila sa antas tersyarya. Ngunit wala itong katiyakan dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang dagdag na bayarin. Sa pagtatakda ng

United Nations Educational, Scientific and Cultural Organizations (UNESCO) ng Education For All (EFA), itinutuon nito na mapanatili at bigyang-pansin ang mga mag-aaral na makapag-aaral nang libre sa abot-kayang halaga dahil primaryang responsibilidad ito ng pamahalaan. Binibigyang-diin ng EFA na magkaroon ng pantaypantay na karapatan na edukasyon. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon,


7

ipinagkakait ang karapatan sa edukasyon ng mga batas at programang pumapatay sa pangarap ng mga kabataang Pilipino. Halimbawa nito ang Education Act of 1982 kung saan nakasaad na ang bawat pribadong paaralan ay dapat taasan ang matrikula at bayarin nang naaayon sa pamantayan ng Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED). Binigyang anyo ito ng CHED Memorandum Order No. 3 series of 2012 kung saan nakabase sa taas ng bilihin at presyo sa rehiyong kinabibilangan ang matrikulang binabayaran ng mga mag-aaral. Ito ang pamantayang ginagamit upang maging gabay sa pagtatakda ng matrikula at iba pang bayarin sa bawat unibersidad at kolehiyo sa buong Pilipinas. Nararapat na ang CHED ang tanggulan ng mga mag-aaral pagdating sa pagtataas ng matrikula ngunit ang CHED pa mismo ang nagkakanulo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pamantayang humahadlang sa libreng pag-aaral ng mga kabataan. Kung susuriin, ang mga numero ay lumiliit lamang ang bilang ngunit patuloy

Taon

Tuition Fee Increases

Other Fee Increases

2016-2017

5.10%

5.41%

2015-2016

6.17%

6.55%

2014-2015

8.13%

7.97%

2013-2014

8.15%

7.58%

Table 1: Porsyento ng pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin taon 2013-2017 pa rin ang pagtaas sa matrikula at iba pang bayarin kada taon na sadyang mabigat para sa kabataang Pilipino. “Adik ka na naman sa pag-asa, e. Try mo kayang lumaklak ng realidad!” – Beauty Gonzalez, Starting Over Again Nakaabang ang Roadmap for Public Higher Education Reform (RPHER) na nagbubura ng identidad ng mga State Universities and Colleges (SUCs). Nakapaloob sa RPHER ang pagsesentralisa ng mga SUCs sa bawat rehiyon. Sa kasalukuyan, binabawasan ng gobyerno ang mga subsidiya sa ibang mga institusyon sa pamamagitan ng budget cut o pagkaltas ng

badyet. Dahil sa kagustuhan ng gobyernong maging ‘self-sufficient’ at ‘financially independent’ ang mga SUCs, inaasa nito ang iba pang bahagi ng pondo ng SUCs sa Income Generating Projects (IGP) na nakasaad sa Higher Education Modernization Act (HEMA) of 1997. Bunsod ng pagsesentralisa ng mga SUCs, mas malilimitahan ang pamimiliang mga unibersidad ng mga mag-aaral sa susunod na henerasyon kung maisakatuparan ang RPHER at mapipilitang mag-aral sa pampribadong institusyon ang mga magaaral. Lumalabas na taktika ito upang mas mapaliit ang alokasyon sa badyet sa edukasyon. “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi

ngayon, kailan pa?” –Vilma Santos, Sister Stella L. Naglaan ang administrasyong Duterte ng 8.3 B Php na badyet para sa libreng matrikula para sa mga nag-aaral sa SUCs at mariing isinusulong ang komprehensibong Comprehensive Free Public Higher Education Bill ng Kabataan Partylist. Isinasaad dito ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng State Universities and Colleges (SUCs) na kung saan inaalis ang sistema ng matrikula at obligadong maglaan ng pondo ang gobyerno para sa mga magaaral ng kolehiyo. Kasama rin dito ang pagbibigay pansin sa Makamasa, Siyentipiko at Makabayang Edukasyon. Sa kabila nito, hindi pa rin malinaw ang sistema ng libreng matrikula dahil ipinagkakait pa rin sa mga estudyante ang pamamahagi ng libreng matrikula dahil sa implementasyon at prosesong hinanda ng CHED sa pagpili ng mga bibigyan ng libreng matrikula. Walang magiging kinaibahan sa mga scholarship ang isusulong na libreng matrikula kung magbibigay ito ng pamantayan ng mga tatanggap. Malilimitahan lamang nito ang bilang ng mga mag-aaral na magkaroon ng dekalidad at libreng pag-aaral – isang kabalintunaan sa nais

ng gobyerno na libreng edukasyon para sa lahat. Primaryang responsibilidad ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga pag-asa ng bayan sa kanilang edukasyon sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na badyet sa edukasyon ngunit kung mananatiling taksil ang pamahalaan sa kabataang Pilipino, mananatili rin ang mga kabataan na lumalaban at magkakaisa para sa kanilang karapatan. Sanggunian: Kabataan Partylist. (2017). Youth party files ‘Comprehensive Free Public Higher Education Bill’. Retrieved on March 15, 2017 from http://kabataanpartylist. com/blog/2017/01/23/youth-party-filescomprehensive-free-public-highereducation-bill/ Geronimo, J. (2016). DepEd OKs tuition fee in 1,232 private schools. Rappler. Retrieved on August 1, 2016 from http://www.rappler. com/nation/135787-deped-tuitionincrease-private-schools-2016 Malipot, M. (2016). 304 colleges to hike tuition, other fees. Manila Bulletin. Retrieved on August 1, 2016 from http:// www.mb.com.ph/304-colleges-to-hiketuition-other-fees/ Magat, C. (2016) CHED, sinugod ng Kabataan vs taas matrikula. PinoyWeekly. Retrieved on August 1, 2016 from ---. Umil, A. (2014). Aquino government’s ‘roadmap’ toward inaccessible higher education. Bulatlat. Retrieved on March 18, 2016 from http://bulatlat.com/main/2014/03/18/ aquino-governments-roadmap-towardinaccessible-higher-education/


8

Dibersyon John Thimoty A. Romero Bagwis thimotyromero.18@gmail.com

M

araming naantig nang mabalitaan ang pagpasa ni Ramil Comendador, isang dating janitor sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC), sa 2016 Bar Examination for Lawyers. Bilib ang kalakhan sa sipag at tiyaga ni Comendador hanggang sa punto ng kanyang tagumpay.

Romantisado nga lang ang tagpo.

From rags to riches— nakaugalian nang paniwalaan ng mamamayan na ang kahirapan ay isa lamang pagsubok, isang yugto kung saan masusubukan ang tiyaga at pagtitiwala ng tao sa maylalang. Ngunit sa paggasgas ng paniniwala sa inaraw-araw, dinalas-dalas at inilala ng kahirapan sa bansa, lumilitaw na ang tunay na mukha ng mga ideya na ito sa madla; isa lamang komodipikasyon na ginagamit upang kunsintihin ang mga subhetibo at nabubulok na mga paniniwala. Marami ang nagsimulang magkumpara sa tagumpay na natamo ni Comendador sa kalagayan at hinaing ng mga nag-okupa ng mga bakanteng pabahay sa Pandi, Bulacan. Brutal at insensitibong mga pahayag ang naibigay ng Netizens sa pagsipat sa krisis ng mga maralitang tagalungsod pagdating sa estado ng kanilang pamumuhay. Sa halip, hinimok ng bulag na madla na patuloy na magsumikap sa buhay ang maralita. Ideyalistiko ang pagtrato sa mga mahihirap bilang mga makasalanan, sapagkat walang ni isa sa kanila ang ginustong maging mahirap. Nagampanan na ng maralita ang pagiging masikap at matiyaga sapagkat kalakhan sa kanila ay magsasaka (at sa kabila ng kanilang napakababang antas ng pamumuhay, walang sinoman ang kayang titigan ang magsasaka sa mata at sabihan itong tamad). Sa maralita nakasalalay ang produksyon at kita ng mga malalaking negosyante at kapitalista sa kabila ng napakaliit na pasahod. Sa kalakhan ng maralita nakasalalay ang pagkakaroon ng mga politiko ng posisyon sa gobyerno, marahil dahil napaniwalang ang pag-asa para sa kaunlaran ay mahahanap sa eleksyon. Maralita ang mismong pundasyon ng lipunan, ngunit naitataboy sila na parang mga salot at pampabaho sa imahe ng bansa. Hindi naisasaalang-alang na sila ay mga direktang biktima ng kawalan ng trabaho, misedukasyon, kawalan ng serbisyong pampubliko at pandarahas sa karapatang pantao.

Gayunpaman, hindi nagsisilbing inspirasyon ang

mga mahihirap na may natatamong tagumpay sa kabila ng kalunos-lunos na pamumuhay, sapagkat nagsisilbi lamang itong pagkunsinti sa kapabayaan ng pamahalaan na hayaang umiral ang gayong porma ng pamumuhay. Hindi naisasaisip ng marami na ang buhay ay hindi dapat tignan bilang selektibo at para sa iilan lamang ang pagpasok sa butas ng karayom, gayong napakarami ang hindi nakaaangkop sa elitistang pamantayan. Sa halip, ang buhay ay tinitignan bilang kaloob sa lahat, na ipinagkaloob nang may patas na karapatang batay sa kondisyon at kakayahan. Mas nabubulag lamang ang mamamayan sa pag-aakalang ang mahihirap ay nagsasamantala gayong ang mga naghaharing uri ang nagsasamantala sa kanila. Lagi't laging masama ang tingin sa mahihirap kapag sila ay nananawagan ng hustisya para sa kanilang mga sosyo-ekonomiko at sosyo-politikal na karapatan. Para sa mga mamamayang nakagisnan ang buhay na may pribilehiyo, negatibo ang pagtanaw nila sa hustisya na tila bang porma ito ng pananamantala. May mangingilang lumalaban para sa kanilang karapatan, ngunit nananatiling makasarili at burges ang antas ng binabakang kontradiksyon lalo na ng mga nasa lungsod. Laging reporma at polisiya ang sinasandigan ng mga mamamayang bulag sa aktwal na kalagayan sapagkat nakikita na sapat na ang paglubog sa superpisyal na lebel. Ngunit sa katunayan, hindi ito makasasapat. Hindi pa nagagawa ng karamihan sa mga mamamayan na direktang makilubog sa tunay na kontradiksyon ng masang pinagsasamantalahan upang obhetibong masuri ang tunay na kalagayan ng lipunan. Nananatiling nakatago ang mga ito sa manipis na linya ng pagpapanggap at ang pagdududa na harapin ang panlipunang reyalidad. Sanggunian: Bianc, J. (2017). Former Janitor Ramil Comendador Passes 2016 Bar Exams. Philippine News. Retrieved from: https://philnews.ph/2017/05/03/janitor-pass-2016-bar-exams/ Retrieved on: May 10, 2017 Tuppas, T. (2017). Comelec janitor-turned-researcher passes 2016 bar exams. Inquirer. Retrieved from: https://newsinfo.inquirer.net/893963/comelec-janitor-turnedresearcher-passes-2016-bar-exams Retrieved on: May 10, 2017


9

cpf bill pagbalangkas sa tunay na kalayaan ng mga pahayagang pangkampus Yhunice G. Carbajal

S

a maraming tipo ng paniniil sa mga mamamahayag pangkampus sa pakikialam sa mga polisiya ng pamahalaan at kritikal na nagsusuri sa mga isyung panlipunan, hindi pa tuluyang ganap ang kalayaan sa pamamahayag. Sa paulitulit na pagsasawalambalaha ng estado sa kalagayan ng mga mamamahayag, nagiging apatetiko ang kasalukuyang henerasyon sa nasasaksihan nilang pananamantala at pagbaluktot sa katotohanan. Imahen ng kasinungalingan Sa ilalim ng huwad na Campus Journalism Act of 1991 na naisabatas noong rehimen ni dating pangulong Corazon Aquino, nananatili ang lantarang paglabag sa karapatan sa pamamahayag partikular na sa mga pahayagang pangkampus. Ayon sa tala ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ang pinakamalawak na alyansa ng mga publikasyon ng iba’t ibang pamantasan at kolehiyo sa buong Pilipinas, tinatayang mahigit 800 kaso ng paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag pangkampus ang naitala mula noong 2010 hanggang 2015. Primarya sa nasabing mga kaso ang pangingialam sa nilalaman ng pahayagan, pandarahas sa mga istap, hindi pagbibigay ng badyet, suspensyon, pagpapasara sa mga publikasyon, at hindi paniningil ng publication fee. Kabilang din sa kasalukuyang balakid ng malayang pamamahayag ang pagsasailalim sa burukratikong proseso ng

Government Procurement Act na ipinatupad noong 2003 ng administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Mandato nitong ipinapailalim ang lahat ng korporasyong pagmamay-ari ng pamahalaan, mga pampublikong opisina, kolehiyo at pamantasan, kabilang na ang mga institusyon at publikasyon, sa masusi at mahabang pagpoproseso ng pangangailangan tulad ng serbisyo at pondo. Gaya ng Philippine Collegian, opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, The Torch at ng maraming publikasyon sa buong bansa, nagbunsod ito upang lubhang maantala ang paglalathala ng pahayagan at ng iba pang gawain. Hindi ganap ang kapangyarihan ng mga mamamahayag pangkampus na maging kaisa sa pagsisiwalat ng katotohanan at maging malayang tagapagsuri sa mga isyung panlipunan dulot ng kawalan ng isang konkretong batas na mangangalaga sa kanilang mga karapatan. Bulnerable ang kanilang sitwasyon sa napakaraming porma ng paniniil ng estado at ng mga administrasyon ng bawat pamantasan o kolehiyo. Pagpapatuloy ng paniniil Sa kasalukuyan, nagpapatuloy sa iba’t ibang porma ang paniniil sa mga mamamahayag pangkampus. Noong Marso 2017, naglabas ng memorandum ang Regional Office of the Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police (PNP) ng Bicol upang magsagawa ng imbestigasyon sa lahat ng publikasyon sa lalawigan hinggil sa mga gawain ng CEGP-Bicol. Ayon kay Jose Mari Callueng, Pambansang Tagapangulo ng CEGP, manipestasyon ito ng pandarahas at pagatake ng militar laban sa mga mamamahayag. Ang ganitong tipo ng pananamantala ay indikasyon nang hindi pag-uukol ng respeto ng pamahalaan sa sibil na kalayaan ng mga mamamayan. Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon at surveillance ng mga kapulisan sa iba’t-ibang publikasyong kasapi ng CEGP. Kabilang dito ang kaso ng CAST Chronicle, opisyal na pahayagan ng Pangasinan State University (PSU) at Baao Community College ng Camarines Sur. Ayon sa CEGP, mga mamamahayag pangkampus na ang pangunahing subject ng pamahalaan sa ilalim ng Oplan Kapayapaan, isang kontrainsurhensyang operasyon ng mga militar at kapulisan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bunsod ng takot sa malayang pagsisiwalat ng katotohan, mababalangkas na ang kapulisan at militar ang pangunahing kasangkapan ng estado upang patahimikin ang mga sumasalungat dito. Isang kabalintunaan na sa kabila ng makakaliwa at makamasang oryentasyon ng kasalukuyang rehimen, nagpapatuloy ang pandadahas at pag-atake sa mga mamamahayag partikular sa ang

mga alternatibong midya kabilang ang mga mamamahayag pangkampus. Alternatibong solusyon sa lumalalang pananamantala Sa paglobo ng bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag pangkampus, napapanahong marapat nang balangkasin ang reporma tungo sa tunay na malayang pamamahayag. Nagbunsod ito upang isulong sa kongreso ang pagsasabatas ng House Bill No. 1493 o mas kilala bilang Campus Press Freedom Bill sa pangunguna ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na layuning palitan ang kasalukuyang umiiral na CJA of 1991 at bigyang proteksyon ang mga mamamahayag pangkampus laban sa maraming porma ng pananamantala. Itinataguyod ng CPF Bill ang mga mahahalagang probisyon kabilang na ang pagtatayo at muling pagbubukas ng mga pahayagang pangkampus sa lahat ng antas at pagkilala sa awtonomiya ng patnugutan laban sa kahit na anong tipo ng interbensyon katulad ng pangingialam sa nilalaman ng pahayagan at kontrol sa pondo ng publikasyon. Mariin din ang panawagan sa estado na magsagawa ng malawakang imbestigasyong magbibigay hustisya sa pagkamatay ng maraming mamamahayag. Sa patuloy na pagsasantabi at pagsasawalambahala ng kasalukuyang henerasyon, mahalaga ang gampanin ng mga mamamahayag pangkampus upang magsisilbing malayang boses ng malawak na hanay ng mga api at mardyinalisado, at magmulat sa tunay na kalagayan ng lipunan. Katulad ng pangangailangan ng mamamayan sa mga mamamahayag, kinakailangan din ang kolektibong pagtugon at pakikiisa upang isulong ang pamamahayag na tatalima sa tunay interes ng mga Pilipino. Sanggunian: Boone D. (2017). BREAKING THE SILENCE: Probing the plight of the campus press. Philippine Collegian. Nakuha noong May 9, 2017 sa http://www.philippinecollegian.org/2017/05/03/ breaking-silence-probing-plight-campus-press/ _______. (2016). CEGP: Hold Aquino accountable for over 800 campus press freedom violations under his regime. CEGP. Nakuha noong May 9, 2017 sa http://www.cegp.org/2016/07/ cegp-hold-aquino-accountable-for-over-800-campus-pressfreedom-violations-under-his-regime/ _______. (2017). CEGP condemns military harassment of campus journalists in Bicol. CEGP. Nakuha noong Mayo 9, 2017 sa http://www.cegp.org/2017/03/cegp-condemns-militaryharassment-of-campus-journalists-in-bicol/ Benaning, M. (2016). Youth lawmaker refiles campus pressfreedom bill. Business Mirror. Nakuha noong Mayo 9, 2017 sa http://www.businessmirror.com.ph/youth-lawmaker-refilescampus-press-freedom-bill/ ________. (2014). Junk CJA, Pass CPF | House tackles CPF Bill, campus journos express support. CEGP. Nakuha noong Mayo 9, 2017 sa http://www.cegp.org/2014/10/junk-cja-pass-cpfhouse-tackles-cpf-bill-campus-journos-express-support/


10

change is coming Usaping Pangkapayapaan Tungo sa Mapagpalayang Ekonomiya at Politika Janine P. Solitario


11

S

a pagpasok ng administrasyong Duterte, isa sa mga pagbabagong ipinangako niya ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan na sinusuportahan ng lahat ng sektor ng lipunan. Naging kondisyunal lamang ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan hanggang sa administrasyon ni BS Aquino kapalit ng pagsuko ng mga kaliwa sa porma ng amnestiya, nagbubunga lamang ng pagsasawalambahala sa kahalagahan ng mga napagkasunduan at ng maidudulot nito sa mamamayan. Gayundin, naisawalambahala nito ang mismong ugat ng tunggalian na siyang sanhi ng 48 taong insurhensya. Kongkretong resulta ng Usaping Pangkapayapaan Nabuo ang isang kongkreto at komprehensibong kasunduan sa adyenda ng usaping pangkapayapaan sa panahon ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada – ang Comprehensive Agreement on Respect on Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Bunga ito ng mahabang panahon ng pakikibaka ng mamamayan upang itaguyod ang karapatang pantao at hango sa kongkretong kalagayan ng mamamayan na nasasadlak sa malawakang paglabag sa karapatang pantao sa bansa. Nilalayon nitong

ilunsad ang proteksyon at karapatan partikular ng mga magsasaka, manggagawa at iba pang maralitang mamamayan. Layon din nitong ilapat ang mga alituntunin ng International Humanitarian Law sa mga sibilyang kalahok o hindi na direktang kalahok ng armadong tunggalian (maging ang wastong pagtrato sa mga Prisoners of War). Naging mahalagang dokumento ang CARHRIHL dahil nangangahulugan ito ng pagkilala ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas sa karapatang sibil, politika, ekonomiya at kultura. Kaalinsabay ng pagkakabuo ng CARHRIHL ay ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG) na naghahawan ng daan tungo sa maayos na pagsasagawa ng usaping pangkapayapaan. Itinataguyod nito ang proteksyon ng mga negosyador, tagapayo, istap at iba pang kalahok sa usaping pangkapayapaan mula sa pagmamanman, paghahalughog, pag-aresto, ilegal na pagdedetina at interogasyon. Nakasaad din na ang mga pormal na usapin ay gaganapin sa ‘neutral grounds’ katulad ng Netherlands upang makalikha ng kondisyon na magkaroon ng malayang diskusyon at malayang kilos ang mga negosyador. Ngunit naging madilim na yugto ang taong ito matapos ipatigil ni Pangulong Duterte ang usaping

pangkapayapaan nitong Pebrero bunsod ng anunsyo ng National Democratic Front ng pagtigil ng unilateral ceasefire sa pagitan ng gobyerno. Ayon sa isang opisyal na pahayag ng NDF, nananatili pa rin ang taktikang opensiba ng AFP at patuloy na nagkakampo sa mga teritoryong sakop ng NPA sa kabila ng tigilputukan. Matapos ang paghinto ng usapin ay ipinawalang bisa ng GRP ang JASIG at iniutos ni Pangulong Duterte ang muling pagdakip sa 21 NDF consultant. Hindi pa rin pinakakawalan ang mga bilanggong politikal na ayon sa datos ng KARAPATAN ay 23 pa lamang sa 400 ang napapalaya. Nagpatuloy ang mga usapin hanggang sa ikaapat na round noong ika-6 ng Abril. Lumalabas na napakababaw lamang na dahilan upang pigilan ang usaping pangkapayapaan bunsod marahil ng pabago-bagong mga pahayag ng pangulo. Muling paghahabi May nabuo nang pinagkaisahang balangkas ang dalawang panig para sa ikalawang adyenda ng usapin – ang Comprehensive Agreement on SocioEconomic Reform (CASER). Ito ang magsisilbing puso ng usaping pangkapayapaan dahil lalamanin at makakaya nitong solusyonan ang mga sanhi ng kahirapan, pagiging atrasado at kawalan ng

hustisyang panlipunan na ugat ng armadong labanan. Nilalaman ng CASER ang mga polisiyang may kinalaman sa pagapapaunlad ng pambansang ekonomiya, gayundin sa politika. Saklaw nito ang tatlong mayor na programa: repormang agraryo at pag-unlad ng kanayunan, pambansang indutriyalisasyon at proteksyon sa kalikasan. Ipapamahagi nang libre ang lupang agrikultural sa mga magsasakang walang lupa. Kikilalanin dito ang karapatan ng mga magsasaka na makinabang sa coco levy fund, sugar amelioration at tobacco excise tax. Titiyakin ang pag-aari at kontrol ng mamamayan sa ekonomiyang magsisilbi sa interes at pangangailangan ng nakararami. Lilimitahan sa 40% ng pagmamay-ari ng dayuhan sa anumang negosyo, bibigyan ng pagkakataon ang mga micro, mini at small enterprises (SMEs) na umunlad sa pamamagitan hindi lamang ng pagbaba ng gastos sa produksyon (kuryente, langis, telekomunikasyon, imprastraktura) kung hindi pati na rin sa komprehensibong suporta sa pautang, teknolohiya, distribusyon at pagbebenta ng produkto. Ipahihinto ang nakasisirang mga proyekto at operasyon sa kalikasan tulad ng paghahawan ng gubat, openpit mining at plantasyon. Ipagababawal din ang mga

aksyon military ng gobyerno at dayuhang tropa na nakasisira sa katiwasayan ng komunidad at kalikasan. Ang usaping pangkapayapaan ang pinakamabisang porma ng ugnayan ng mga nagtutunggaling pwersa na hindi na kinakailangan pang gumamit ng dahas. Sa halip, binigyang pokus nito ang pagreresolba sa ugat ng armadong tunggalian: kahirapan at inhustisya. Maraming bagay sa usaping pangkapayapaan ang makokompromiso kung wala namang matibay na batayan upang itigil ito. Sa gayong mga punto, mas hinihimok ng sambayan si Pangulong Duterte na maging kritikal sa pagtitimbang at pagsusuri sa kahalagahan ng usaping pangkayapaan sa bansa upang magsilbing pagwawasto ng pagsasawalambahala ng mga nagdaang adminstrasyon sa batayang karapatan ng karaniwang tao na maabot ang kaunlaran. Sanggunian: Palatino. (2016). 10 Things to Know About Peace Talks between the Communist and Government of the Philippines. Kinuha noong Agosto 11, 2016. Sa http://bulatlat.com/ main/2016/06/09/10-things-to-knowabout-peace-talks-between-thecommunist-and-government-of-thephilippines. Araullo. (2016). Peace Talks 101. Kinuha noong Agosto 11, 2016. Sa http:// bulatlat.com/main/2016/06/21/peacetalks-101. Villanueva. (2017). Talks Conclude with More Agreements on Free Land Distribution. Kinuha noong Abril 27, 2017. Sa http://kodao.org/2017/04/06/ talks-conclude-with-more-agreementson-free-land-distribution.


1

12

TO

10 “May naiambag siya sa Pilipinas sa pagiging sundalo niya noong WWII.” Itinuring ni Marcos na bayani ang sarili sa Battle of Bessang Pass noong WWII, nagkamit ng 33 medalya at parangal sa pagiging sundalo nito. Ngunit ayon kay Bonifacio Gillego, isang military officer na hindi pabor sa Martial Law, 11 sa 33 medalyang ito ay ibinigay kay Marcos makalipas ang 20 taon kung kailan siya na ang Senate President. Walo naman sa kanyang mga parangal ay campaign ribbons na ibinigay sa mga kalahok sa “in the defense of Bataan and in the resistance.” Natuklasan naman ng US Army na walang opisyal na mga dokumento ang nagpapatunay na pinangunahan ni Marcos ang “Ang Maharlika”, grupo ng mga guerilla noong WWII. Pinatunayan nilang walang katotohanan ang mga ipinagyabang nitong parangal lalo sa panahon pa lang ng kanyang pangangampanya sa pagkapangulo at hindi naman opisyal na kinilala ang grupong ito sa panahon ng digmaan.

9

“Nakabatay naman sa konstitusyon ang paglibing kay FEM sa LNMB.” Nakasaad sa 1986 Freedom Constitution ni dating pangulong Cory Aquino na maaaring ilibing sa LNMB ang lahat ng mga public servant sa bansa kung saan pasok ang pagiging presidente ni Marcos. Ngunit hindi pa rin ito sapat na batayan upang hayaang malibing ito sa LNMB dahil isa siyang pangulo na pinatalsik ng sambayanang Pilipino.

8 “Disiplinado ang mga tao noong Martial Law.” Enero nang taong 1970, pumutok ang sigwa ng unang kwatro o first quarter storm kung saan laksa-laksang kabataan ang nagprotesta sa pangunguna ng Kabataang Makabayan – underground organization ng mga kabataan noong panahon. Ito ang nagpaningas sa mas malaki pang pag-aaklas mula sa iba't ibang sektor. Dahil litaw na litaw na ang mga kilusang masa na salungat sa pamumuno ng dating rehimen at patuloy pa itong lumalawak, ito rin ang sinasabing "pagdidisiplina" sa panahon ng Martial Law sa porma ng mga sapilitang pagdakip o Desaparecidos. Isa na rito ang kaso ni Liliosa Hilao, Editor-in-Chief ng publikasyon ng Pamantasang Lungsod ng Maynila na unang desaparecidos noong panahon ng Martial Law. Dineklarang nagpakamatay ang dalaga sa pag-inom ng muriatic acid ngunit batay sa autopsy, ginahasa, biniyak ang dibdib hanggang ari, binuksan ang ulo at tinanggal ang utak at pinalitan ng mga basura. Pagkatapos ng nangyari kay Liliosa, nasundan pa ng iba't ibang "pagdidisiplina" sa ilalim ng Batas Militar.

'ANG PI

Mga Mito sa Panah

Samantha Q Danielle D

7

“Pinakamayaman kaya sa Asya ang Pilipinas noong panahon ni Marcos.” Maituturing ngang nangunguna ang Pilipinas sa Asya noong panahon ni Marcos kung palakihan ng utang ang pag-uusapan. Nang mailuklok na bilang presidente ng bansa, kinilala bilang “Sick Man of Asia” ang Pilipinas dahil sa mabilis na paglobo ng foreign debts mula isang bilyong dolyar hanggang 28 bilyong dolyar. “Ngayon, patuloy na babayaran ng mga Filipino tax payer ang foreign debts mula noong rehimeng Marcos hanggang taong 2025,” pahayag ng Freedom from Debt Coalition (FDC), isang nongovernment organization na kumukundena sa naiwang utang sa panahon ni Marcos. Ayon pa sa FDC, ito ang nagdala sa mga Pilipino sa kahirapan noong 1975 kung saan 57% ng pamilyang Pilipino ay nakasandig sa ilalim ng poverty line habang nagpapakasasa ang pamilyang Marcos sa yaman na dapat ay sa bayan napupunta. Hanggang ngayon, taga-tangkilik man ng Starbucks o Kopiko 78,

T

aong 1972 nang ideklara ni dati ang Proclamation 1081 na nag loob ng halos 10 taong implem hindi lamang ang libo-libong buhay ngayon ay pinipiling ilibing na

apektado ng rehimeng Marcos. Sa kabilang banda, nalulunod na sa kanilang illgotten wealth ang Marcoses na umaabot sa limang bilyong dolyar hanggang 30 bilyong dolyar kasa-kasama ang 15 mink coats, 508 gowns, 1,000 handbags, 1,000 pares ng sapatos, mga alahas na nagkakahalaga noong 1986 ng walong milyong dolyar at dalawang Claude Monet paintings. Hindi ito nagiing dahilan upang mahinto ang korapsyon. Sa katunayan, nagsimula nang maganap ang “crony capitalism” kung saan tinatayang 80 na malalapit na kaibigan at kapamilya lamang ni Marcos ang nagpapatakbo ng kalakaran sa ekonomiya gaya ng pagkakaroon ng kontrol sa mga kontrata at benepisyo ng gobyerno, maging ang pagmomonopolyo sa industriya.

6 "Kung ayaw mo kay Marcos, wag kang sumakay ng MRT!” Tungkulin ng pangulo na ibalik sa mamamayan nito ang serbisyong kapalit ng mga botong nagluklok sa kanya sa pwesto. Pangunahin, walang dapat itanaw na utang na loob sa ilalim ng administrasyong Marcos sapagkat marapat lamang na sa loob ng 21 taong panunungkulan, nakapag-iwan siya ng kapaki-pakinabang na mga proyekto gaya na lamang ng laging ibinibidang San Juanico Bridge, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, National Arts Center at the People’s Park sa Tagaytay— na kung tutuusin, kailangan pang mangutang sa ibang bansa maipagawa lang ang lahat ng nabanggit.


10

13

OP

1 Dilawan!

INAKA'

hon ng Martial Law

Quinto & Diamante

ing pangulong Ferdinand E. Marcos gdala sa Pilipinas ng Martial Law. Sa mentasyon nito, nalagay sa alanganin, ngunit maging ang buong bayan, na lamang ng karamihan sa limot.

5 "Maraming may trabaho noong panahon ni Marcos." Mas napalawig ang pag-alis ng mga manggagawa sa bansa noong taong 1975 kung saan ipinatupad ni Marcos ang Development Diplomacy na nagbigay-daan sa pag-export ng surplus labor. Naging sanhi pa ito ng pag-angat ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) hanggang sa umabot ng 75% noong 1985. Lubos na nangingibabaw sa panahong ito ang brain drain kung saan dayuhang bayan ang nakikinabang sa kakayahan at kahusayan ng mga propesyonal sa Pilipinas.

4 "Matuto kasi kayong magmove on. Past is past!" Tahasang naisapapraktika sa Pilipinas ang kulturang

‘Kung hindi ako apektado, wala akong pakialam.’ Kaya’t gayon na lamang kadali para sa nakararami na sabihan ang mga tumataliwas sa panahon ng Martial Law na kalimutan na ang nakaraan sa kabila ng naitayang higit sa 50,000 biktima ng paglabag sa karapatang pantao kung saan 3,275 ang nasangkot sa Extra Judicial Killings (EJK) samantalang 35,000 katao naman ang tinortyur sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Batas Militar. Taong 1981 nang paulanan ng bala ng Philippine Constabulary ang mga magsasaka na nagmartsa nang patungong Freedom Park sa Daat, Bicol; kung saan apat ang namatay. Dagdag pa rito ang Escalante Massacre kung saan pinagbabaril ang mga sakada sa tubuhan sa harapan ng Escalante town hall sa Negros Occidental, 20 ang namatay. Ang kwento ng mga martir tulad nina Liliosa Hilao, Hilda Narciso, Evelyn Pacheco, Emman Lacaba at marami

pang iba ay mananatiling bakas ng karahasan sa panahon ng Martial Law na hanggang sa ngayon ay nagdadala ng bangungot sa mga pamilya ng mga biktimang hindi pa rin nakakamit ang hustisya.

3

"Hindi ka pa naman pinapanganak niyan, e. So, shut up ka na lang!" Sa panahon kung saan may Media blackout, mananatili na lamang kwento ang yugto ng Martial Law para sa bagong henerasyon. Hindi kailanman narinig sa apat na sulok ng silidaralan ang sinapit ng bansa at mga mamamayan nito noong panahon ni Marcos. Kulang na kulang sa mga inilalagay na impormasyon sa mga batayang aklat sa kasaysayan ang mga pangyayari noon. Manipestasyon ito ng pyudal na pananamantala sa pagpapakita ng binaluktot na katotohanan sa mga Pilipinong patuloy na umaasa sa pagbabago. Ngunit sa

loob ng mga paaralan sa kalunsuran, nananatili ang sistema ng kamay na bakal sa umiiral na militarisyasyon sa porma ng pagpapatupad ng Reserve Officer Training Corps (ROTC). Ginagamit ito upang tukuyin ang mga mag-aaral na kasapi sa mga organisasyong sumasalungat sa rehimen. Hindi nito maiaalis ang katotohanang hanggang sa kasalukuyan ay bakas pa rin sa ilang mga polisiya sa edukasyon sa bansa ang epekto ng martial law.

2 "Nalibing na. Wala na kayong magagawa." Maraming pro- at antiMarcos ang nagkapalitan ng pagtingin sa naging desisyon ng Korte Suprema. Sa likod ng lahat ng ito, isang malaking dagok ang natanggap ng mga biktima ng Martial Law maging ang kalagayan ng bansa na sumailalim sa sosyal, politikal at ekonomikal na krisis. Ganon kadali lamang naibaon sa hukay ang mga baluktot na pangyayari sa kamay ng mga Marcoses at nabaliwala ang kolektibong pagkilos ng mga mamayang Pilipino sa makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Binansagang “Ina ng Demokrasya” si Corazon Aquino sa pangunguna nito sa People Power Revolution na naging daan upang makamit ang kalayaan mula sa mga Marcos. Ngunit kagaya sa panahon ng diktador, hindi natigil ang bilang ng paglabag sa karapatang pantao at patuloy na pagdami ng biktima ng EJK. Sa kabuuan, Mula 1975 hanggang 1985, 3,164 katao ang napabilang sa listahan ng mga nawala at biktima ng EJK. Sa kabilang banda, tila namana ng dating Pangulong Benigno Aquino III ang walang habas na pagdagdag sa bilang ng mga biktimang pinagkaitan ng karapatang pantao. Ayon sa KARAPATAN, isang alyansang pumoprotekta sa karapatang pantao sa Pilipinas, umabot sa 142 kaso ng EJK, 164 pagpatay, 16 kaso ng pagkawala, 293 kaso ng mga nakulong at 16 kaso ng mga batang pinatay, mula Hulyo 2010 hanggang Abril 2013, ang kabuuang tala ng pagtapak sa karapatang pantao sa kanyang rehimen. Walang kulay na mamantsa sa paglaban sa mga Marcos. Hindi nangangahulugan na ang pagiging anti-Marcos ay katumbas ng pagiging proAquino. Hindi maitatanggi na ang dalawang pamilyang ito ang may pinakamalaking utang na dapat bayaran sa bayan. Dapat paigtingin ang pagmulat sa mga nabulag ng takot na pilit ipinapakain ng mga Marcos sa mamamayang Pilipinong pagal na sa paghihirap at uhaw sa pagbabago. Bitbit ang hindi mamatay-matay na pag-asa, walang puwang ang pananatiling tikom sa lantarang karahasang isinusubo ng kasalukuyang administrasyon. Hindi na dapat muling maulit ang malagim na trahedyang sinapit sa ilalim ng Martial Law ni Marcos.


14

Salawahan Kaye-Ann I. Oteyza Kilapsiyaw k.oteyza.ko@gmail.com

I

sa ang pagtugon sa mga suliraning pang-edukasyon sa mga ipinangako ni Duterte sa unang anim na buwan ng kanyang panunungkulan bilang pangulo. Dahil sa kawalang paninindigan dulot ng pabago-bagong pahayag, nauupos ang pag-asang makamit ng bawat Pilipino ang kalidad at libreng edukasyon — isang malaking kompromiso. Sa paunang kampanya ni Pangulong Duterte, binigyang-diin niya ang hindi pagsang-ayon sa Enhanced Basic Education Curriculum o K-12 curriculum. Aniya, hindi na dapat na maging sapilitan ang pagpasok sa Senior High School at/o mga kursong bokasyunal. Pangunahing naging kritiko ng K-12 si Pangulong Duterte subalit nag-iba ang ihip ng hangin nang maabisuhan ng ilang miyembro ng kawani sa Kagawaran ng Edukasyon upang suportahan ang kurikulum ng pangulo. Ang pagsandig ng rehimen sa bagong kurikulum ay pinagtibay ng panukalang badyet sa edukasyon para sa taong 2017. Pinalalawig ng panukalang ito ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) o ang voucher system program. Ang halaga ng bawat voucher sa Senior high school sa National Capital Region ay nagkakahalaga ng Php 22,500 kada taon para sa mga mag-aaral na nagmula sa pampublikong paaralan at Php 18,500 kada taon naman para sa mag-aaral na nagmula sa pribadong paaralan. Kinuwestiyon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang Memorandum of Agreement ng DepEd ukol sa Affordable Private Education Centers (APEC) schools na pagmamay-ari ng Ayala Corporation. Ayon kay Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist, dapat tutulan ang pagtatayo ng mga paaralang ito dahil sa kawalan nito ng lupang kinatitirikan na labag sa patakaran ng DepEd. Tinatayang nasa 29 ang bilang ng APEC schools ang naitayo sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at mga probinsya at minamata ng Ayala Corp. na makapagpatayo ng 500 APEC schools sa bansa sa susunod na 10 taon. Imbis na ilaan sa pagpapatayo ng mga klasrum at imprastraktura sa mga paaralan na mas makatutulong sa paglunsad ng libreng edukasyon, ang bilyon-bilyong kinikita ng mga pribadong paaralan ay itinatapon lamang sa bulsa ng malalaking negosyante sa bansa. Garantisado ang paglaki ng kita ng mga negosyanteng nagtatayo ng mga pribadong

paaralan dahil patuloy ang pagkunsinti ng pamahalaan sa komersyalisadong oryentasyon ng edukasyon. Isa ring malaking usapin ang alokasyon ng PhP 8.5 bilyong pondo upang maging libre ang tuition fee sa mga State Universities and Colleges (SUCs) subalit nilimitahan ang kategorya ng mga mag-aaral na tatanggap ng libreng matrikula, iyong mga mag-aaral na salat sa yaman lamang ang dapat na makatamasa ng pribilehiyong ito. Wala itong ipinagkaiba sa mga normatibong scholarship program sapagkat kung susundin ang balangkas ng pamantayan ng Commission on Higher Education (CHEd), paiigtingin nito ang diskriminasyon sa ekonomikal na katayuan ng mamamayan sa lipunan. Samakatuwid, pagiging selektibo sa uri ang pagbibigay ng limitadong serbisyo sa mga iskolar ng bayan. Pinalala ng rehimeng ito ang sistema ng edukasyon na mayroon ang bansa. Ang mariin na pagsandig sa mga polisiyang inangkat mula sa dayuhan at pagpapatupad ng malawakang pribatisasyon sa edukasyon ang sisiil sa karapatan ng kabataang mamamayan. Rektipikasyon at malawakang pagwawasto ang kinakailangang ilunsad ng administrasyon kasabay ng pakikilahok nito sa malawak na pakikibaka ng mamamayan para sa makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon.


15

Financial ~ ~ R E P O R T

T h e To r c h P u b l i c a t i o n s

1 s t S e m e s t e r A .Y. 2 0 1 6 - 2 0 1 7

I. P r i n t i n g : 2 2 7 , 4 0 0 . 0 0 II.

Operational Expenses

:

5,481.00

III.

S t a f f D e v e l o p m e n t

:

19,293.00

I V. S u p p l i e s :

24,934.50

To t a l :

2 7 7 ,1 0 8 . 5 0


16

CURRIC

MISMA

K-12 TUNGO SA SERB

Vincent Antho

U

nti-unting pinapatay ng Senior High School (SHS) sa ilalim ng Enhanced Basic Education Curriculum o K to 12 ang karapatang makapagaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga programang nakaangkla pa rin sa interes ng mga negosyante’t dayuhan sa halip na maging serbisyo. Nagiging anyo ng negosyo ang edukasyon sa Pilipinas dahil sa patuloy na pakikipagsabayan nito sa globalisasyon. Mariing tinutulan ng mga mamamayan ang pagbubukas ng K to 12 kurikulum noong 2012 dahil dagdag-pahirap lamang sa ordinaryong Pilipino ang karagdagang dalawang taon para sa SHS. Sa

pagtatapos ng termino ni BS Aquino, nagpahayag ng pagtutol sa K to 12 ang noo’y kandidato sa pagkapangulo na si Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na nakapagpalapit sa kanya sa masa. Ngunit bago pa man makaupo sa puwesto, pataksil na kinonsinte ng administrasyong Duterte ang K to 12. CaSH[S] in, Drop Out Mistulang nagpauto ang pangulo sa mga huwad na pangakong inihahain ng makadayuhang kurikulum. Matapos paliwanagan ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) ang pangulo ukol sa pagkahuli ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas kung ikukumpara sa mga karatig na bansa,

nagbago ang pananaw ng Pangulo sa K-12. Ngunit sa kabila nito, mayroon pang 68 bansa na hindi pa gaanong umuunlad kumpara sa Pilipinas ang nagpapatupad na ng K-12 ayon sa datos ng Manila Today. Bilang resulta, naging malagim ang pagsalubong ng unang taon ng pagpapatupad ng SHS dahil hindi kayang tugunan ng mga pampublikong paaralan ang lahat ng kurso at espesyalisasyon na inihahain ng SHS. Karamihan sa mga mag-aaral ay napipilitang pumasok sa mga pampribadong paaralan na may mga kursong wala sa pampublikong paaralan. Marami ang pinipiling huwag nang magpatuloy sa pagaaral dahil sa hindi abotkayang matrikula. Umabot ng 400,000 estudyanteng

‘Stakeholders’ to ‘Noholders’ nagtapos ng Junior High School (JHS) ang nag-drop out sa unang taon pa lamang ng implementasyon ng SHS batay sa tala ng Manila Today. Kalakip ng paghahangad ng mas mataas na kalidad ng edukasyon sa bansa ang mas mataas ding matrikula sa mga paaralan kaya naisasaalang-alang ng gobyerno ang batayang karapatan ng mga bata na makapag-aral. Higit pa rito, naisasantabi ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na tustusan ang lahat ng pangangailangan upang matamo ang mataas na kalidad ng edukasyon na dapat ay libreng naibibigay ng gobyerno.

Peligroso ang lagay ng trabaho ng mga gurong nagtuturo sa unang taon sa kolehiyo dahil sa kaunting bilang ng mga papasok sa unang taon dahil sa SHS. Simula pa noong 2012, problema na ng mga guro ang modules na dapat gagamitin nila sa pagtuturo ng bagong kurikulum. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), minadali ang pagsasanay ng mga guro na sasabak sa pagtuturo ng K-12. Dagdag pa rito, napuna ng ACT ang pagiging komersyalisado maging ng Continuing Professional Development (CPD) Law na naglalayong magbigay ng pamantayang kailangang sundin para mapanatili ng


17

CULUM

ATCH

BISYONG DAYUHAN

ony V. Abrenio

mga guro ang lisensya at propesyonal na integridad. Pinagkakakitaan ng mga negosyante ang pangangailangan ng mga guro sa CPD units sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga seminar na hindi kinikilala ng DepEd. Tadtad na sa gawain ngunit walang pakundangan ang mga kapitalista kung pagkakitaan ang mga guro. Sa kabilang dako, nasasadlak din ang kalagayan ng mga mag-aaral ng SHS dahil sa noon pang nakabinbing mga problema sa edukasyon tulad ng kakulangan sa pasilidad, aklat, guro at klasrum. Maski ang kurikulum para sa SHS ay wala pang kaayusan. Ipinanukala ng nakaraang

administrasyon ang voucher system kung saan binibigyan ng PhP 18,000 hanggang PhP 22,000 na halaga ng voucher ang lahat ng papasok sa SHS upang ipambayad sa matrikula. Ngunit hanggang sa pangmatrikula lang ang sakop ng voucher nito at problema nang mga magulang kung paano bubunuin ang iba pang mga bayarin sa paaralan. Panawagan para sa Siyentipiko, Makabayan at Makamasang Edukasyon Hindi tumitigil sa pagkilos ang mga pangmasang organisasyon upang ipakita ang pagkondena sa pagkumbinsi ng pangulo sa pagpapatuloy ng K to 12 kurikulum. Mula sa

pagbubukas ng taong pampanuruan hanggang sa kasalukuyan, kabi-kabilang mga protesta ang nagaganap para igiit ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat at mapuksa ang lahat ng neoliberal na polisiyang umaatake sa karapatan ng mga Pilipino sa edukasyon. Isinulong ng Educators Forum for Development (EFD) ang paghulma ng isang makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon na lapat sa aktuwal na kondisyon at pangangailangan ng bansa. Ipinaliwanag ni EFD Spokesperson at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na kinakailangang maisalba ang nalilihis na kurikulum

at tukuyin ang interes at pangangailangan ng bansa, sa halip na mga dayuhan at malalaking negosyante. Aplikasyon sa tunay na lipunan ang magdidikta ng pagiging mabisa ng isang kurikulum. Ngunit sa kaso ng K to 12, mas pinalalala nito ang mga suliranin sa edukasyon sapagkat pinaiigting nito ang lalong tumataas na bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho para sa mga dayuhan. Hindi nito madadala ang bansa sa punto ng pagsasarili, bagkus ay magpapasakop pa sa impluwensyang dayuhan. Nananatiling responsibilidad ng mga akademiko at peryodista na ilapat sa aktuwal na pangangailangan ng lipunan ang paghulma sa isang angkop na kurikulum.

Babalangkasin ito sa oryentasyon ng siyentipiko, makabayan at makamasang edukasyon nang sa gayon ay mapanatiling nagsisilbi ang sistema ng edukasyon sa pangangailangan ng sambayanan. Sanggunian: Flores, H. (2016). Voucher program needs P45 B, ex-DepEd head says. Kinuha sa http://www.philstar.com/ campus/education/2016/07/07/ noong Agosto 31, 2016 Romero, A. (2016). Duterte backtracks: K-12 beneficial. Kinuha sa http://www. philstar.com/headlines/2016/05/25/ noong Agosto 27,2016 _______. (2016). Billions allotted in DepEd budget for direct private school profit. Kinuha sa http:// kabataanpartylist.com/2016/09/02/ billions-allotted-in-deped-for-directprivate-school-profit/ noong Setyembre 8, 2016. _______. (2016). Sigaw ng kabataan: K – 12, ibasura. Kinuha sa http://www. anakbayan.org/sigaw-ng-kabataan-k12-ibasura/ noong Oktubre 5, 2016.


18

Mapagpalayang Takilya Joseph Victor D. Deseo Sipat-Lawin d.josephvictor@yahoo.com

S

a paglipas ng panahon, patuloy na yumayabong ang Pelikulang Pilipino. Naging malaki ang impluwensya nito sa kung paano mamuhay ang isang indibidwal. Sa pagsasama ng kultura at sining, likas na hinuhubog nito ang kamalayan kung paano tinitignan ang bawat isyung kinahaharap ng bansa. Naitataguyod na ng Pelikulang Pilipino ang kultura at sining sa bansa. Noong 1975 unang isinagawa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) na naging lunsaran ng mga de kalidad na uri ng mga pelikulang Pilipino. Nagsimula ito sa mga klasikong pelikula gaya na lamang ng Ganito kami Noon, Paano kayo Ngayon?, Insiang, Himala at Kisapmata. Umusbong din ang mga pang-komersyang pelikula gaya na lamang ng Kung Mangarap Ka't Magigising, May Minamahal, Enteng Kabisote 1 at ang walang katapusang Mano Po (na umabot lamang hanggang Mano Po 5). Kaugnay nito, pumili ang MMFF ngayong taon ng mga pelikulang may pagbibigay-diin sa mga sumusunod: quality, storytelling, at craftsmanship. Mapapansin na halos mga independent films ang pinili ng selection committee ng MMFF ngayong taon gaya na lamang ng Die Beautiful, Oro, Kabisera, Saving Sally, Vince and Kath and James, Seklusyon, Sunday Beauty Queen at Ang Babae Sa Septik Tank 2. Kung makikita, ang mga pelikulang ito ay may mga isyung tinalakay na malapit sa bawat Pilipino. Ilan sa mga isyung tinatalakay sa mga pelikulang nabanggit ay ang mga sumusunod: diskriminasyon sa LGBT Community, epekto ng social media sa kabataan, pagtanaw sa katatagan ng pananampalataya, mga problemang kinahaharap ng OFWs at kalagayan ng mga magsasaka sa kanayunan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naging malapit sa mga Pilipino ang mga pelikulang nabanggit. "We want to tell a story na makakapagbigay-aral at makai-inspire sa mga makakapanood ng pelikula," pagbibigay-diin ni Direk RJ Agustin, direktor ng Kabisera. Sa pagbabagong handog ng Pelikulang Pilipino, samu't saring isyu ang kinaharap ng industriya. Isa sa mga isyung nagpainit dito ay ang isyung kinaharap ng produksyon ng Oro. Kinasuhan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa paglabag sa Republic Act No. 10631, o Animal Welfare Act, ang grupo dahil sa paggamit at pagpatay ng aso sa pelikula. Ayon kay Anna Cabrera, executive director ng

PAWS, ang pagpatay sa aso o kahit anong hayop ay marapat na ipinagbibigay-alam sa kinauukulan. Ngunit itinanggi naman ng grupo ang isyung ibinato sa kanila. Ayon kay Alvin Yapan, direktor ng Oro, walang kahit sinong miyembro ng produksyon, kahit ang mga aktor, ang naging sangkot sa pagpatay. "Kinuha lamang ng pelikula ang kultura ng karahasan sa kanayunan," paglilinaw ni Yapan. Gayunpaman, binawi pa rin ang FPJ Award na nakamit ng Oro sa nagdaang MMFF. Naging istrikto at partikular ang karamihan sa isyu ng pagpatay. Ngunit kung titignan sa mas malawak na aspekto, mas maraming isyu ang dapat pagtuunan ng pansin gaya na lamang ng walang habas na pagpatay nang walang batayang legal o extrajudicial killings. Tila mas mahalaga pa ang buhay ng mga hayop na nasangkot kaysa sa buhay ng tao na hindi alam ang dahilan kung bakit pinapatay. Bunsod nito, natatanggi ng mga Pilipino ang isa sa mga kultura ng bansa. Kontrolado ng mga kapitalista ang mga pelikulang napapanood ng mga Pilipino tuwing pasko. Ngunit ngayong taon, tumatak sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino ang ika-42 MMFF dahil sa pagbabagong handog nito sa mga Pilipino. Ang film festival sa taong ito ay hindi bumatay sa pagiging box office hit ng piyesa bagkus ang genre, sining ng pagkukwento at intensyon nito sa mga manonood. Binuksan din ng MMFF ang kamalayan ng mga Pilipino na kung saan mabibigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataong makapagbigay ng opinyon sa kung ano ang katangian ng isang de-kalidad na pelikula. Minulat ng mga pelikulang ito ang mga natutulog na diwa ng mga Pilipino tungkol sa mga isyung panlipunan na kinahaharap ng bansa. Bilang pagsuporta sa puntong ito, inihayag ni Nicanor Tiongson, propesor ng kursong Film sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman at tagapangulo ng komite ngayong MMFF, na hindi na bago sa sining ng pelikula ang naganap ngayong taon. Isa itong pagbabalik ng orihinal na intensyon ng festival. Ang pagbabagong ito ay hindi pagbabago sa mga pelikula, bagkus pagbabago sa mga manonood sa paraan ng pagtaas ng lebel ng pagsusuri ng Pelikulang Pilipino. Ginawa ng MMFF ang pagpili sa mga pelikula batay sa orihinal na intensyon ng festival – ang magpalabas ng mahuhusay na Pelikulang Pilipino.

B


B Sa

ayan

H

Makabayan, Siyentipiko at Makamasang Kurikulum bilang Panlunas sa Lumalalang Sakit ng Edukasyon Airalyn Gara

inamon ng Educators Forum for Development (EfD) si pangulong Rodrigo Duterte upang pag-aralang mabuti ang programang K-12 at isulong ang Nationalist, Scientific and Mass-Oriented (NSMO) Curriculum. Sa paglala ng kalagayan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, mas lumalapit sa pagkalugmok ang bansa dahil nagiging pribilehiyo na lang ang makapag-aral at hindi isang karapatang dapat matamasa ng karaniwang mamamayan. Nakasaad sa Artikulo II Seksyon 17 ng 1987 Constitution na kailangang bigyan ng estado ng prayoridad ang edukasyon, agham at teknolohiya, sining, kultura at isports upang pagyamanin ang nasyonalismo, pabilisin ang pambansang kaunlaran at isulong ang ganap na kalayaan at kaunlaran ng bansa. Ngunit dahil sa pagiral ng pansariling interes, nahahadlangan ang layuning makapagsilbi sa masa. Nagdulot ng deregulasyon sa edukasyon ang mga ipinasang batas ng mga nakaraang administrasyon gaya ng Education Act of 1982 o Batas Pambansa 232 ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos na sinundan pa ng ilang mga programang dahilan ng pagtaas ng matrikula sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Lumalalang sakit ng edukasyon Bakas pa rin ang pilat ng mabigat na pasanin sa edukasyon sa buhay ng mga mag-aaral at kanikanilang pamilya na makikita sa patuloy na pagtaas ng dropout rates sa bansa.

Ayon sa Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), apat na milyong kabataan mula anim hanggang 24 taong gulang ay out-of-school youth. Dagdag pa, 9.3% ng mga Pilipino mula anim na gulang pataas o mahigit 7.6 milyon ay nakaaabot sa kolehiyo ngunit hindi nakakapagtapos. Batay rin sa datos ng Commission on Higher Education (CHEd), sa 20 bahagdan ng populasyon ng Pilipinas, 37.8 porsyento rito ang nagsasabing pinansyal na problema ang dahilan kung bakit hindi sila pumapasok sa paaralan. Hindi na pagsisilbi sa masa ang nagiging pangunahing layunin ng pamahalaan kundi ang pagsisilbi sa mga pribadong sektor upang kumita. Naisasawalambahala ang edukasyong dapat tamasahin sa bansa para lang kumita. Bilang tugon sa lumalalang kalagayan ng edukasyon sa bansa, ipinapasa ngayon sa kongreso ni Rep. Sarah Jane I. Elago ng Kabataan Partylist ang Comprehensive Free Public Education Bill o HB 4800 na naglalayong tugunan ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa kolehiyo, iwinawaglit ang umiiral na makadayuhang edukasyon sa bansa. Maliban sa pagtatanggal ng Tuition System sa mga paaralan, pagbibigay ng bagong oportunidad sa mga out-ofschool youth at pagbibigay ng special grant sa mga mag-aaral na hindi kayang tustusan ang kanilang pagaaral, isinusulong din ng HB 4800 ang pagkakaroon ng isang makabayan, siyentipiko at makamasang kurikulum sa edukasyon. Layunin ng kurikulum na maikintal sa isip ng mga mag-aaral ang pagiging

S

kong

makabayan at maging kritikal sa pananakop at relasyon sa mga dayuhan. Pinagtutuonan din dito ng pansin ang isang nagsasariling pambansang ekonomiya, pangunahin ang pagpapaabante sa repormang agraryo. Layunin din nito na imulat ang mga mag-aaral sa mga isyung panlipunan. Tuturuan ang mga mag-aaral na gamitin ang angking kakayahan at talento upang makatugon sa mga pangangailangan ng lipunan, hindi lamang natututo mula sa mga libro ngunit matututo ring makilubog sa mas malawak pang hanay na lagpas na bawat sulok ng kanilang silid-aralan. Makabayan, Siyentipiko at Makamasang Kurikulum Nauna nang ipatupad ang NSMO Curriculum sa kanayunan bilang tugon sa atrasadong kalagayan ng edukasyon para sa mga katutubo. Hindi naaabot ng edukasyon mula sa gobyerno ang mga Lumad sa kanilang mga komunidad. Batay sa datos na inilahad ni Maricres Pagaran, officer-in-charge ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), siyam sa 10 mga bata mula sa 19 na tribong Lumad sa Mindanao ang hindi nakatutuntong sa paaralan. Imbis na maghintay na ibigay ng gobyerno ang edukasyong dapat nilang matamasa, nagdesisyon silang bumuo ng paaralang kailangan nila. Sa tulong ng ilang mga Non-Government Organizations (NGOs) at institusyon ng simbahan, nakapagpatayo sila ng 162 paaralan ng mga Lumad para sa 5, 948 mga bata sa Mindanao. Ibang-iba ang ALCADEV at iba pang community-initiated

19

awi

alternative schools sa mga paaralan sa Kamaynilaan dahil sa kanilang NSMO Curriculum. Batay ito sa tuntunin sa pagsisilbi sa interes at pangangailangan ng mga pamilya ng mga mag-aaral at kanilang komunidad. Hindi gaya sa tradisyunal na mga paaralan at institusyon na pinapanday ang mga mag-aaral upang matuto sa larangan ng akademya, ang mga komunidad dito ay pinananatili ang layuning magbigay ng edukasyong makasasapat upang mapangalagaan at mapaunlad ang kanilang mga lupain para sa susunod na mga henerasyon at igalang ang kanilang mga karapatang pantao.

Magiging epektibo ang panunungkulan ni Pangulong Duterte kung itataboy nito ang mga neoliberal na polisiyang yumuyurak at nagpapalala sa sistema ng edukasyon sa bansa upang matulungan ang mga mamamayan nitong makamit ang kanilang batayang mga karapatan. Ang pagsusuri sa K-12 at direktang pagbibigay ng sapat na pondo sa edukasyon at iba pang sektor ang paunang mga hakbangin upang masolusyonan ang nabubulok na sistema ng edukasyon sa bansa, kasabay ng pagsusulong ng makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon. Sanggunian: ________. (2016). On Strengthening Public Education System: Review k-12, educators challenge Duterte. Ibon. org. Kinuha sa http://ibon.org/2016/05/ on-eight-point-agenda-educ-thruststrengthen-public-school-systemduterte-challenged/ noong Mayo 12, 2017. Ayuste, JM. (2015). Learn from the Lumad, Strive for a Scientific and MassOriented Culture! Bulatlat.com. Kinuha sa http://bulatlat.com/main/2015/12/23/ learn-from-the-lumad-strive-for-ascientific-and-mass-oriented-culture-3/ noong Mayo 12, 2017.


20

M

arami na ang naitalang paglabag sa karapatang pantao dulot ng lumalalang Oplan Tokhang sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa halip na sugpuin ang krimen sa droga, nagiging sandata na ang Oplan Tokhang upang supilin ang mga inosenteng mamamayan. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tinatayang mahigit 3.7 milyong Pilipino ang lulong sa mga ipinagbabawal na gamot kabilang ang marijuana, cocaine at iba pa. Noong 2015, mahigit 1.8 M Pilipino ang gumamit ng ilegal na droga. Ngunit nang maglaon, hindi naging epektibo ang gyera kontradroga laban sa malalaking sindikato at alyadong burukrata. Mamamayang Pilipino sa mapaminsalang Oplan Tokhang Isinasagawa ang Oplan Tokhang sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga upang magbigay ng babala. Ayon sa tala ng Philippine National Police (PNP), mahigit 700,000 indibidwal na gumagamit ng droga ang sumuko sa pamahalaan noong 2016, samantalang 8,000 naman ang napatay nang hindi man lang dumaan sa due process mula nang simulan ng rehimeng Duterte ang gyera kontra droga. Ayon kay Atty. Krissy Consti mula sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), may malawak na kapangyarihan ang kapulisan sa operasyong ito sapagkat sila ang may

kakayahang magtukoy ng kahit sinong indibidwal, may ebidensya man o wala, na tutugisin sa kahit anong porma o pamamaraan. Labag ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), ang kauna-unahang kasunduang nilagdaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Marso 1998, sapagkat nakasaad sa mga layunin nito ang pagtiyak ng proteksyon sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa lahat ng pagkakataon pangunahin ang mga manggagawa, magsasaka at ang laksang maralita. Mayorya sa napakalaking bilang ng mga biktima ay mula sa maralitang sektor ng lipunan kaya mas lalong pinaiigiting ng Oplan Tokhang ang diskriminasyon sa mga Pilipinong mahihirap. Repleksyon ito ng lantarang pagkupkop ni Pangulong Duterte sa kalabisan ng kapulisan upang gawing makatwiran ang tahasang pagpatay sa kabila ng kawalan ng sapat na ebidensya at pagsunod sa legal na proseso ng batas. Eksepsyon sa Oplan Tokhang “Paano mahahadlangan ang mga krimen tulad ng isyu sa ilegal na droga kung ang mismong kapulisan ay korap, pasista at promotor ng impunidad?” ani Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN. Noon lamang nagkaroon ng realisasyon ang

administrasyon na wala nang umiiral na kaayusan sa Oplan Tokhang, lalong-lalo na sa mayoryang pwersa ng tagapagpaganap nito—ang kapulisan. Ika-18 ng Oktubre 2016 nang madakip si Jee Ick Joo, isang negosyante mula sa South Korea ng mga hinihinalang pwersa ng kapulisan at nakumpirmang patay sa Camp Crame noong Enero 17 (batay sa gobyerno ng South Korea). Pinangunahan umano ni SPO3 Ricky Sta. Isabel, parte ng anti-Illegal Drug Group ng Philippine National Police (PNP) ang ‘drug raid’ sa bahay ni Joo sa Angeles City, Pampanga. Sa huling tala noong Enero 18 batay sa The Daily Tribune, 7,071 ang bilang ng namatay sa operasyon sa pamamagitan ng mga lehitimong operasyon at ‘vigilante killings.’ Sa kabila nito, nananatiling hindi ganap na nasusugpo ang isyu pangunahin ang tunay na namamahala ng operasyon ng ilegal na droga. Kahit mayroong ‘Palit-Ulo’ kung saan maaaring pumalit ang isang lider sindikato sa drug pusher sa oras na ituro nito ang puno, hinding-hindi nito masosolusyonan ang kahirapang mas laganap sa bansa. Tunay na kaaway ng estado at mamamayang Pilipino Malinaw na larawan ng matinding kahirapan at inhustisyang panlipunan ang kriminalidad at ang malaking bilang ng lulong at gumagamit ng mga ilegal na droga sa bansa. “Kawalan ng lupa at disenteng trabaho ang pangunahing ugat ng ilegal na droga,” giit ni Ruben

Saluta, National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant para sa mga sosyo-ekonomikong reporma. Nagbunsod ito upang kondenahin ng mga progresibong grupo ang kasalukuyang iskema ng Oplan Tokhang. Ayon sa Karapatan, isang organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao ng mga Pilipino, sa halip na ituon sa mapaminsalang operasyon, dapat bigyang pokus ng rehimen ang pundamental na dahilan ng kahirapan na pangunahing ugat ng paggamit ng ilegal na droga. Moral na responsibilidad ng estado na paunlarin ang pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng paggarantiya sa batayang serbisyo tulad ng disenteng trabaho, libreng edukasyon at iba pa. Ang pansamantalang eskapismong nadudulot ng droga ay direktang mababalangkas sa masalimuot na realidad na h angga’t nananatili ang mga ugat sa paghihirap ng mga Pilipino, mananatiling huwad ang digmaang kontra-droga ng administrasyong Duterte. Kung hindi bibigyang tuon ng gobyerno ang kritikal na dahilan ng problema, mananatiling nakapinid sa inhustisya ang bulok na sistema. Hangga’t walang pagwawasto sa administrasyon, hindinghindi matatamasa ng sambayanang Pilipino ang tunay na pagbabago.


21

Sanggunian: Casino, T. (2016) Confronting extrajudicial killings under Duterte. Rappler. Nakuha noong April 27, 2017 sa http://www.rappler.com/ thought-leaders/146642-confrontingextrajudicial-killings-duterte Olea, R. (2017). Kin of victims of drug-related killings file complaints vs. government. Bulatlat. Nakuha noong April 27, 2017 sa http://bulatlat.com/ main/2017/01/18/kin-drug-relatedkillings-file-complaints-vs-government/ Sambalud. M (2017). Oplan Tokhang, EJKs and the PHL’s bloody war on illegal drugs. Davao Today. Nakuha noong April 27, 2017 sa http:// davaotoday.com/main/headline/oplantokhang-ejks-and-the-phls-bloody-waron-illegal-drugs/ _______. (2016). Brigada: Ano ang Oplan Tokhang?. GMA Network. Nakuha noong April 27, 2017 sa http:// www.gmanetwork.com/news/video/ brigada/376781/brigada-ano-angoplan-tokhang/video

Oplan

Tokhang MABABAW NA PAGSIPAT NG REHIMENG DUTERTE SA TUNAY NA KALABAN NG ESTADO Jimnoel C. Quijano


22


23


24 24

Paaralan Tungo sa Pagkakakilanlan Jimnoel C. Quijano Katig quijanojimnoel@gmail.com

M

ilya-milya na ang nilakbay ng pambansang minorya upang ipanawagan ang kanilang mga karapatan. Sa pagpapatuloy ng malawakang paniniil sa kanilang mga komunidad tulad ng militarisasyon at pandarambong ng malalaking dayuhang monopolyo at kapitalista, edukasyon ang kongkretong sandigan ng mga katutubo laban sa mapagsamantala at mapanupil na interes ng iilan. Isang espesyal na sektor ng lipunang Pilipino ang kinabibilangan ng mga pambansang minorya na bumubuo sa mahigit kumulang 15 – 20% ng populasyon sa bansa. Binubuo sila ng mahigit 153 pangkat etnolinggwistik na nahahati pa sa mga rehiyonal na grupo tulad ng Moro at Lumad ng Mindanao, mamamayang katutubo mula sa Kordilyera, Hilagang Luzon, Gitnang Luzon, Panay, Visayas at iba pa. Bagama't matagumpay na napanatili ang tingkad ng kanilang kultura’t mga tradisyon, hindi maitatangging atrasado ang kanilang estado sa aspeto ng ekonomiya at politika sa bansa. Mga alternatibong paaralan ang aktibong tumutugon sa serbisyong pang-edukasyon na hindi naibibigay ng gobyerno sa mga katutubo. Kabilang sa mga paaralang ito ang Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. Academy (MISFI Academy), Alternative Learning Center for Agriculture and Development (ALCADEV), Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (TRIFPSS), Fr. Pops Tentorio Memorial School at iba pa. Ngunit sa kabila ng ubos-lakas na pagseserbisyo ng mga paaralan sa mga katutubo, patuloy ang paglobo ng bilang ng mga kaso ng pandarahas sa komunidad. Tinatayang 18 paaralan ng Center for Lumad Advocacy and Services (CLANS) ang sapilitang ipinatigil ang operasyon sa iba’t ibang barangay ng Palimbang, Sultan Kudarat. Mahigit 1,003 estudyante at 31 volunteer teachers ang apektado sa nangyaring pagpapasara. Dagdag pa rito ang perang ransom na ibinigay bilang kapalit sa mga mga gurong nagtatrabaho rito. Malalang pasismo ang naganap na pagpaslang kay Emerito ”Sir Emok” Samarca, direktor ng ALCADEV sa loob

ng klasrum noong taong 2015 ng mga miyembro ng MagahatBagani, isang grupo ng mga paramilitar mula sa tribong Manobo, kasama ang mga sundalong mula 36th at 37th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kasabay nito ang hindi makataong pagpatay sa dalawang lider-katutubo na sina Dionel Campos at Datu Bello Sinzo sa harapan ng kanilang mga pamilya at kasama sa komunidad. Ayon sa datos, mahigit-kumulang 87 kaso ang naitalang pag-atake ng mga militar at paramilitar sa mga paaralan sa Timog Mindanao mula Marso 2015 hanggang Hunyo 2015. Tinatayang mahigit 214 naman ang kabuuang bilang ng kaso ng pandarahas sa mga paaralan sa Mindanao mula sa datos ng Children’s Rehabilitation Center noong 2014. Nagbunsod ito ng mahigit 233 naitalang kaso ng paglabag sa karapatang pantao partikular sa mga bata mula taong 2010 hanggang 2015. Nananatiling malabnaw ang tugon ng pangulo sa kritikal na kalagayan ng mga katutubo sapagkat bulag na pinaiigting ng administrasyon ang militarisasyon sa kanayunan upang sugpuin ang insurhensiya sa halip na bigyang solusyon ang mga ugat nito. Nagsisilbing kasangkapan din ang militar ng mga dambuhalang dayuhang kompanya upang pangalagaan ang kanilang mga malalaking proyekto kabilang ang pagmimina, malawakang pagtotroso, komersalisasyon at iba pang proyektong makasisira sa lupang ninuno. Tunay na mahaba pa ang lalakbayin upang mapagtagumpayan ang laban ng mga katutubo ngunit pipinid ito sa kawalan kung mananatiling apatetiko ang sambayanan sa panaghoy ng laksang mamamayang pinagsasamantalahan ng naghahari uri. Hangga’t hindi natitimo ang kahalagahan ng mga pambansang minorya sa lipunang Pilipino, mananatili ang inhustisya at pananamantala na mas lalo pang yuyurak sa karapatang pantao at sisira sa mayamang kultura. Hinihingi ng pangangailangan ang kolektibo at aktwal na pagtugon sa krisis ng kanayunan bilang pwersa ng mga nagtanggol ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isang bansa – ang determinasyon sa sarili nitong kultura.


Maagang

Pagkamulat

25

Paglalaro ng mga Murang Edad sa Panahon ng Pananamantala Joseph Victor D. Deseo

C

hild labor ang pangunahing dahilan kung bakit maagang namumulat sa realidad ng buhay ang mga bata. Sa halip na paglalaro at pag-aaral ang ginagawa, pumapasok sila sa mga trabahong umaabuso sa kanilang murang edad. Sa patuloy na paglala ng kahirapan, napipilitan ang halos lahat ng kabataan na magbanat ng buto upang makatulong sa pang-arawaraw na pamumuhay ng pamilya. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 5.492 milyong mga manggagawa sa bansa: 58.4% o 3.210 milyon dito ay itinuturing na mga bata, mahigit 2.9 milyon naman ang nasa delikadong mga trabaho gaya ng agrikultura, pagmimina at pagtatrabaho sa construction sites. Ayon naman sa 2011 Survey on Children (SOC), 46.7% ng mga batang nagtatrabaho ay nasa edad 15-17 taong gulang, 45.1% ay nasa edad 10-14 taong gulang, at 8.2% naman ang nasa edad 5-9 taong gulang. "Nanay, tatay, gusto kong tinapay." Binubuo ng 18.9% mga kabataang Pilipino na nasa edad lima hanggang 17 ang kabuuang bilang ng mga manggagawa. Sa nasabing edad, 29.6% o tatlo sa bawat 10 kabataan ang nagtatrabaho sa Northern Mindanao kung saan mailap sa mga simpleng mamamayan ang oportunidad na makahanap ng magandang trabaho kaya napipilitan silang magtungo sa Kamaynilaan at makipagsapalaran. Sa pamamagitan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Protection against child abuse, exploitation and discrimination,

umiigting ang child labor at ang walang habas na pananamantala sa karapatan ng mga bata. Ayon sa batas, masasabing nalalabag ang mga karapatan ng bata kung ito ay nakararanas ng karahasan, pagmamalupit, pang-aabuso at iba pang mga gawain na nakasasagabal sa kanilang pag-unlad. Walang agarang tulong mula sa gobyerno na natatanggap ang mga mamamayang nasa kanayunan at napakalaki ng agwat sa pagitan ng suweldo sa mga manggagawa rito at ng mga taga-Maynila kaya wala silang ibang mapagpipilian kundi ang tumungo at makipagsapalaran sa kalunsuran. "Ate, kuya, gusto kong kape." Ayon sa PSA, 26.5% o 23.1 milyong Pilipino ay nakararanas ng kahirapan. Marami ang nakatira sa bangketa at kariton, nanangupahan sa isang maliit na bahay at walang permanenteng kita. Dagdag pa, ang isang pamilyang may limang miyembro ay dapat mayroong PhP 9,064 kada buwan o PhP 390.00 sa isang araw upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa kabila nito, tinatayang 1.30 milyong pamilya ang hindi nakatutugon sa kanilang mga batayang pangangailangan lalo sa pagkain. Hindi natatamo ng mga manggagawa ang sapat na sahod at benepisyong dapat nilang matamasa kaya napipilitan maging ang mga batang miyembro ng pamilya na magtrabaho para may ipanustos sa pang-arawaraw. Ayon kay Anna Leah Colina, Executive Director ng Ecumenical Institute for Labor Education and

Research (EILER), ang mababang educational status ng mga kabataan at mga magulang ang dahilan kaya nahihirapan silang makahanap ng magandang trabaho. Sa datos na nakalap niya, 56% ng mga kabataang manggagawa ay hindi nakaabot ng Grade 6 at 44% naman ay nakaaabot sa ikaanim na baitang ngunit tumitigil sa pag-aaral para magtrabaho. Salat sila sa kaalamang magagamit upang magkaroon ng maganda at regular na trabaho ngunit dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi na rin nila ito nakamit. Paulit-ulit na nangyayari ang gayong mga eksena sa buhay ng kabataan kaya lalong tumataas ang bilang ng Out-Of-School youth sa paglipas ng panahon. "Lahat ng gusto ko ay susundin mo. Ang magkamali ay pipingutin ko!" Dahil sa pandarahas at pananamantala sa karapatan ng kabataan, gumawa ng aksyon ang gobyerno para matulungan at mabawasan ang mga batang nasasadlak sa pananamantala ng mga pampribadong kompanya at dayuhan. Pinaigting ang Republic Act 9231 o mas kilala bilang "Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination Act," kung saan ang mga batang nasa 15 taong gulang pababa ay hindi pinahihintulutang masangkot sa ano mang porma ng pagtatrabaho. Kung magtatrabaho man, may nakatakdang bilang kung ilang oras lamang dapat magtrabaho ang mga bata at pinapanatili ang karapatang makapag-aral kahit na sila ay magtrabaho sa mga pampribadong kompanya. May mga ahensya at

mga organisasyon ding nangangalaga sa karapatan ng mga bata. Ilan sa mga ito ang International Labor Organization (ILO), UNICEF, Department of Labor and Employment (DOLE), DSWD at World Health Organization (WHO). Sa tulong ng mga ahensya at organisasyong ito, nababawasan ang tumataas na porsyento ng pananamantala sa mga kabataan sa pamamagitan ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act na direktang lumulutas at nagtatanggol sa mga karapatan ng mga bata. Bunsod ng pananamantala ng mga pribadong kompanya sa murang lakas-paggawa ng mga bata, apektado ang kinabukasan ng mga itinuturing nap ag-asa ng bayan. Bagaman maraming programa at proyekto ang gobyerno para mabawasan ang lumalalang isyu ng child labor sa bansa, hindi pa rin ito direktang masosolusyonan hanggat walang ginagawang aksyon sa pagbibigay ng sapat na edukasyon para sa lahat. Pagsugpo sa kahirapan at pagbibigay ng nakabubuhay na sahod at sapat na benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino ang landas na magdadala sa kabataan tungo sa isang lipunang kumikilala sa kanilang mga karapatan bilang parte ng kanilang patuloy na pag-usbong. Sanggunian: __________ (1992). Republic Act No. 7610. Retrieved on December 14, 2016. Retrieved from http://www.gov. ph/1992/06/17/republic-act-no-7610/ __________ (2012). DepEd Child Protection Policy. Retrieved on December 14, 2016. Retrieved from http://www.deped.gov.ph/sites/default/ files/order/2012/DO_s2012_40.pdf Yap, DJ. (2016). Child abuse on rise, DSWD shows report. Retrieved on December 14, 2016. Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/798772/ child-abuse-on-rise-dswd-report-shows


26

Pasakit sa

Sagasa sa Mamamayan ng Hu Cedric T. Bermiso

S

a pagpapatuloy ng kwentong pribatisasyon ng administrasyong Duterte sa sektor ng transportasyon, patuloy ring nadaragdagan ang pasakit sa mga mamamayan. Hindi nakuntento ang malalaking kompanya sa paghawak sa mga pampublikong tren tulad ng LRT-1, LRT-2 at MRT3. Nais na rin nilang pasukin at maipailalim sa kanilang mga kamay maging ang mga Public Utility Vehicle (PUV) na pangunahing sinasakyan ng mga mamamayang Pilipino.

Dinesenyuhan din ng maliit na kabayo bilang pagtanaw sa unang tagapaghatid ng mga pasahero. Sinasabing nanggaling ang salitang “jeepney” sa salitang “jeep” at “knee” dahil naggigitgitan ang mga tuhod ng mga pasaherong sumasakay sa maliit na espasyo. Ngunit dahil sa planong i-phaseout ang lahat ng mga PUJ sa buong bansa, nanganganib nang mawala sa mga kalye ang kinikilalang tunay na ‘Hari ng Kalsada’.

Nagnula ang mga pampasaherong dyip sa mga lumang mobile cars ng mga sundalong amerikano na umalis matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bilang tugon ng mga Pilipino upang masolusyonan ang pangangailangan sa transportasyon, sinimulang pahabain ang likuran ng sasakyan, nilagyan ng mas maraming upuan, binubungan at nagsimulang magsakay at maghatid ng mga pasahero.

Isa sa mga nilalaman ng 10-point Economic Agenda ng administrasyong Duterte ang planong modernization ng mga PUV kabilang ang mga jeepney sa buong bansa. Planong palitan ng mga electric, solar powered jeepneys at Euro 4 machines ang mga pampasaherong sasakyan na may 15 taon na ang edad. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga sasakyang ito ang nagbubuga ng usok na labis na nakasasama sa kalusugan ng mga pasahero. Dagdag pa nila, nagpapasikip ito sa trapiko dahil sa mga kolorum na mga jeep o mga sasakyang walang prangkisa. Kaya naman sa kasalukuyan,

Modernisasyon corner Pribatisasyon

minamadali ang House Bill 4334 o Traffic Crisis Act of 2016 na sinasabing tutugon sa matinding krisis sa trapiko. Laman ng panukalang batas na ito na i-phaseout ang 270,000 na pampasaherong jeep sa buong bansa. Apektado rito ang 650,000 na mga drayber at siyam na milyong mga komyuters. Bilang tugon ng LTFRB sa minamadaling batas, nilagdaan noong Hunyo 19 ang Dept. Order 2017-011 o Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance (OFG). Nakapaloob sa panukalang ito ang mga hakbangin ng sinasabing modernisasyon sa sektor ng transportasyon. Isa sa mga ito ang Route Rationalization kung saan papalitan ang mga ruta na dating binabagtas ng mga pampasaherong jeep. Kabilang din dito ang pagtatakda ng bilang ng yunit na mayroon ang isang operator. Agad naman itong tinutulan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON). Ayon kay George San Mateo, National President ng PISTON, malinaw na talo ang mga drayber at operators sa bagong nilabas ng ahensya na Department Order (DO) at pasakit lamang sa

mamamayan. Sinasabing pagbabawas sa kakayahan ng mga drayber na maghatid ng pasahero sa kanilang mga destinasyon ang nilalaman nitong Route Rationalizing. Tinanggi rin nilang mga jeep ang dahilan ng matinding trapiko dahil 2% lamang ang mga jeep ng kabuuang bilang ng lahat ng sasakyan sa bansa. Hindi Mabili Blk. Taas Pasahe Matapos pirmahan ang DO, nilinaw ng LTFRB na malaki ang bentahe ng mga ipapalit na jeep sa mga “kakarag-karag” na jeep sa kasalukuyan. Sinasabing eco-friendly rin ang mga ito dahil hindi na magbubuga ng maiitim na usok na labis na nakasasama sa kapaligiran gaya ng E-Jeep. Mayroon ding solar-powered jeep na kukuha lamang ng enerhiya sa sikat ng araw at ang Euro 4 machines naman na mas mataas na makina kaysa sa ginagamit ngayon na Euro 2. Subalit inalmahan din ito ng No To Jeepney Coalition dahil ayon sa kanila, hindi matitiyak ang pagiging eco-friendly ng mga ito. Gagamit ng malaking bilang ng karbon sa pagsasagawa ng mga makinang ito na higit na nakasasama sa kalikasan kaysa sa mga pampasaherong sasakyan.


a Pasada

umaharurot na Modernisasyon

Kung pagkukumparahin, mas malaki ang bahagdan ng karbon na nailalabas ng mga pabrika at pagawaan kaysa sa nilalabas ng mga sasakyan. Dagdag pa rito, kaliwa’t kanang minahan ang kasunod ng pagtangkilik sa ganitong mga uri ng sasakyan at masama rin sa kalikasan ang basurang baterya mula sa mga sasakyan. Giit din ng mga drayber at operator ang mataas na presyo ng ipapalit sa kanilang mga jeepney. Nagkakahalaga ng Php 800,000 hanggang Php 1.2M ang E-Jeep; umaabot naman hanggang Php 1.6M ang Solar-powered Jeep; at Php 1M hanggang Php 1.5M ang Euro 4 engine. Sa labis na kamahalan ng presyo ng bawat jeep, pautang ang solusyon ng gobyerno. Ngunit sa iskema nito, mababaon lamang ang isang pangkaraniwang drayber na papatawan ng taunang interes na 6% at 5% equity na nagkakahalagang Php 80,000. Ilusyon itong makamit sa kasalukuyang sahod nilang nasa Php 400 lamang na malayo sa Php 512 na minimum sa mga pribadong sektor. Talo rin ang mga operator dahil kinakailangan nilang mamuhunan ng Php 7M sa bawat isang yunit ng

jeep (kabilang na ang mga bayarin tulad ng prangkisa at iba pa) at alinsunod sa DO 011, kinakailangang 20 yunit ang bawat isang operator na nagsusuma ng halos 30M pesos na puhunan. Maging ang uri at kalidad ng mga ipapalit na jeep ay hindi angkop sa klima at kalagayan ng ating bansa na hindi maaaring sumuong sa mga baha. Hindi rin tumatagal sa pagbiyahe dahil ilang kaso na ng pagkasunog ng E-Jeep na pumapasada sa Quezon City ang naitala. Hindi para sa mamamayan, mga drayber at operator ang planong modernization ng mga pampublikong sasakyan. Malalaking kompanya at negosyante lamang ang kikita sa pagpapalit ng mga jeep katulad ng Mitsubishi, Toyota at Nissan na hawak ang monopolyo sa abanteng teknolohiya sa mga sasakyan. Kaisa rin ng modernisasyon ang paglalagay ng Global Positioning System, o GPS; Closed Circuit Television, o CCTV; Automatic Fare Collection System, o Beep Card; speed limiter; at dashboard camera. Dagdag gastusin lamang para sa bawat isang jeep at dagdag kita lamang sa mga negosyante katulad ng Metro Pacific, Ayala Lands

at Aboitiz na kasalukuyang may hawak ng faring system sa mga LRT at MRT. Dahil sa patong-patong na gastusin, tataas ang pamasahe sa mga pampublikong jeep na kung sa kasalukuyan ay Php 8 lamang, inaasahan itong magtataas hanggang Php 20. Tigil Pasada at Biyaheng Pakikibaka Sa pagpapatuloy ng atake ng pribatisasyon sa sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng sinasabing modernisasyon at pagbabago, mamamayan pa rin ang talo at muling pinanigan ng pamahalaan ang malalaking korporasyon. Sinabi ni San Mateo, hindi nila tinatanggihan ang modernisasyon kundi ang pribatisasyon sa mga pampublikong transportasyon. Sa halip na pautang, dinaraing nila ngayon ang subsidiya sa pagpapaunlad ng kanilang mga sasakyan sa ngalan ng mas magandang serbisyo sa publiko. Panawagan din nilang huwag hayaang mapasakamay ng malalaking pribadong kompanya ang sektor ng transportasyon dahil katulad ng nangyayari sa LRT at MRT, talo ang mamamayan sa bulok na serbisyo subalit patuloy na nagtataas ang pamasahe.

Kung magpapatuloy ang pagbabasura sa mga tunay na hari ng kalsada, pinakikita nito na hindi naiiba sa mga nagdaang administrasyon ang kasalukuyang rehimen at hindi interes ng mamamayan ang kaniyang isinusulong. Sa halip, interes ng mga korporasyong sabik na sabik na pagkakitaan ang milyon-milyong mamamayan. Rehabilitasyon ang kanilang panawagan sa mga pampasaherong jeep na ilang dekada nang naghahatid ng milyong pasahero sa kanilang mga patutunguhan. Kung magpapatuloy ang Jeepney Phaseout, hindi maglalaon, sa halip na mga pampasaherong jeep, mga galit na mamamayan na ang pupuno sa bawat kalsada upang maningil ng atrasong dulot ng mga taong nasa likod nito. Sanggunian: Remito, R. (2017). Jeepney groups hold new protest vs. gov't plan to upgrade jeepneys. Kinuha sa http:// cnnphilippines.com/news/2017/05/22/ noong Setyembre 26, 2017 Salamat, M. (2017). Jeepney phaseout| Joblessness for drivers, bankruptcy for operators, higher fares for commuters. Kinuha sa http://bulatlat.com/ main/2017/05/22 noong Hunyo 5,2017

27


28

M

ga guro ang pangunahing nakadarama ng krisis sa edukasyon lalo na sa panahong pinagpapatuloy ang K to 12 program sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa kabila ng pagiging pedestal ng edukasyon, wala pa ring sapat na sahod, benepisyo at kalayaan ang kaguruan. Nanindigan ang mga guro ng bayan sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), isang progresibong organisasyon para sa mga guro at nonteaching personnel, sa paglalahad ng kabulukan ng nasabing programa dahil sa kakulangan sa paghahanda. Sa kasalukuyan, dinala ng K to 12 ang kaguruan sa kondisyon kung saan bukod sa mismong sistema, napagsasamantalahan din sila ng mga malalaki at mayayamang negosyante sa loob man o labas ng bansa.

teachers' agenda Guro ng Bayan para sa Edukasyong Maka-mamamayan Jules Angelica E. Marcelo

Paigtingin ang karapatan at benepisyo para sa mga guro at empleyado Hindi nagpapatinag ang ACT kasama ang kaguruan sa pagkalampag sa kasalukuyang administrasyon para sa disenteng sahod maging ang panawagan na bigyang-pansin ang mga empleyadong kontraktwal na nagnanais maging regular. Ipinanawagan nila ang pagbabasura ng mga polisiyang nakadadagdag lamang sa pasanin ng mga guro, at sa paglaon ay kinakasangkapan ng mga negosyante upang tumubo. Ang Results Based Performance Management System (RPMS), isang monitoring system na nakabatay sa pang-


29

araw-araw na gawaing pampaaralan ng mga guro, at Performance-Based Bonus (PBB) na ibinibigay sa mga pampublikong guro batay sa naibigay na kalidad ng trabaho, ay tambalan ng mapagsamantalang neoliberal na iskema na umiiral sa sistema ng edukasyon. Hindi nabibigyang konsiderasyon ang aktwal at konkretong kalagayan ng mga guro kung saan labis ang oras na iginugugol sa trabaho ngunit kulang na kulang ang natatanggap na sahod at benepisyo. Sinasabing hawak ng kaguruan kung gaano kataas ang matatanggap na benepisyo, ngunit sa katunayan ay nagsisilbi itong indikasyon ng pagpapahirap sa mga guro sa pamamagitan ng dagdag na trabaho na obligadong dalhin maging sa pag-uwi sa tahanan. Dagdag pasanin din para sa mga guro ang implementasyon ng Continuing Professional Development (CPD) Law of 2016 sa ilalim ng Section 10 ng Republic Act 10912, isang mandato para sa lahat ng lisensyadong propesyonal kabilang ang mga guro na i-renew ang kanilang lisensya kada tatlong taon. Subalit kinakailangang bunuin ang 45 credit units sa loob ng tatlong taon sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminars, workshop at iba pang programa na ibinibigay ng mga CPD provider na kinikilala ng Professional Regulation Commission (PRC). Bukod sa makadaragdag ito sa gawaing pampaaralan at responsibilidad sa tahanan, isa rin itong paraan upang pagkakitaan ng pribadong sektor ang mga gurong

nagbabayad ng malaking halaga para sa mga CPD program na kung tutuusin ay dagdag-problema pa sa guro kung paano pagkakasyahin ang kulang na sahod sa pang-araw-araw na gastusin. Ayon kay PRC Commissioner at CPD Oversight Head Yolanda Reyes, Department of Education (DepEd) lamang ang makapagbibigay ng mga libreng seminar sa mga guro subalit dapat munang kilalanin ang mga magaganap na seminar bilang isa sa mga kinikilalang CPD provider ng PRC. “Ang kawawang teacher, kahit na walang pang training, uutang ‘yan para maka-comply,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio. Lumalabas na ang CPD Law ay porma ng panggigipit sa mga guro at iba pang propesyunal na may higit na karapatan sa libreng serbisyo para sa ikauunlad nila bilang mga propesyunal ng bayan. Magpatupad ng kurikulum na aangkop sa pangangailangan ng mga Pilipino Taliwas sa naipangako ni Pangulong Duterte, pinaigting ng programang K to 12 ang kontraktwalisasyon partikular sa hanay ng mga kaguruan. Isang halimbawa na lamang ang panghihikayat ng DepEd sa mga gurong nais magboluntaryo upang maging guro sa Kindergarten kahit na hindi lisensyado upang matugunan lamang ang kakulangan sa guro. Kapansin-pansin na isa itong porma ng pambabansot sa kakayahan ng mga guro na nagiging hadlang sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon at pasahod sa mga nagsisilbing tagapagtaguyod nito.

Pagtatakwil din ito sa mga gurong nawalan ng trabaho dahil sa makadayuhang programa na maghanap na lang ng ibang trabaho kahit na mas mababa pa ang pasahod para lang matustusan ang pang-arawaraw na pangangailangan. Hindi ligtas ang mga pampribadong guro at empleyado sa kinahaharap na krisis sa sistema ng edukasyon. Ayon kay David Michael San Juan, tagapagsalita ng Tanggol Wika, isang alyansa na nais panatilihin ang Wikang Filipino sa kolehiyo, maaaring makapagluwal ng mga mag-aaral na may kolonyal na pag-iisip ang isang kurikulum na tinatalikuran ang mga asignatura gaya ng History, Filipino, Panitikan, Philippine Government and Constitution at iba pa. Dagdag pa niya, ang mga mag-aaral na magtatapos nang hindi nakakakuha ng mga makabayang asignatura ay magiging makadayuhan at walang pagpapahalaga sa kasaysayan ng bayan; hindi aasahang maging progresibo at produktibo ang mga mamamayang Pilipino para sa sarili nitong bayan. Liban dito, iginiit din ng mga guro ng bayan ang pagkakaroon ng isang sistema ng edukasyon na magpapaunlad sa kritikal na pag-iisip at progresibong kamalayan ng mga magaaral. Nananawagan sila sa pangulo na tanggihan ang pagpapalaganap ng maka-elitista, kolonyal at mapagsamantalang edukasyon na nagpapalaki sa agwat ng mahirap at mayaman. Ipasa ang Magna Carta for

Private School Teachers and Employees Matagumpay na naipasa sa Senado ang SB No. 1305 o Expanded Maternity Leave Law of 2017 na nagbibigay ng 120 araw para sa maternity leave na may pasahod. Habang pinaniniwalaan naman ng grupo ng mga guro na higit na dapat pagtuunan ng pansin ang implementasyon ng six-hour workday batay sa DepEd Memorandum No. 291 s. of 2008 upang gawing posible ang anim na oras na pagtatrabaho sa isang araw. Ngunit kaakibat nito ang pagbibigay konsiderasyon sa R.A. No 1880 na nagsasabing kabilang pa rin ang mga guro sa panukalang walong oras na pagtatrabaho kada araw kaya ang nalalabing dalawang oras ay ilalaan na lamang sa mga gawaing pampaaralan na iuuwi sa kani-kanilang tahanan. Kung susuriin, nawawalan ng saysay ang implementasyon ng DepEd Memorandum No. 291 kung kinakailangan pa ring magtrabaho ng mga guro ng higit sa 6 na oras sa labas ng paaralan habang walang matatanggap na dagdag-sahod. Kung nanaiisin naman magkaroon ng halos 25% na dagdagsahod lamang, kailangang manatili ng guro sa loob ng paaralan at doon bunuin ang dalawang oras na pagtatrabaho. Hindi rin nakamit ng mga guro sa pamamagitan ng DepEd Memorandum na ito ang nais na pagbawas sa labis na oras ng pagtatrabaho kada araw. Dagdag balakid sa laban ng mga guro sa dagdag-sahod at benepisyo ang isinumiteng tax reform package ng Department of Finance (DOF) kung

saan mas mapapalawak ang value-added tax (VAT) at pagpapaigting ng excise tax. Direkta itong makakapekto sa mga tumatanggap ng kakarampot na pasahod. Lagi’t laging tungkulin ng mga guro ng bayan na ipanawagan sa gobyerno hindi lamang ang pagkakaroon ng abot-kaya at kalidad na sistema ng edukasyon, kundi ang pagkakaroon ng edukasyong alay para sa karaniwang mamamayan at para sa bayan. Sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga panggurong adyenda, unti-unting mawawaksi ang makadayuhan at neoliberal na mga polisiyang sumisira sa tunay na layunin ng edukasyon na magluluwal ng mga progresibo at produktibong Pilipino. Sanggunian: _____ (2015). Bakit di mapapaunlad ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinas. Nakuha noong Abril 10, 2017 sa http://pinoyweekly.org/new/2015/06/ kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to12-ang-edukasyon-sa-pilipinas/. _____ (2016). Public School Teachers Pose 8-point Education Agenda to Duterte. Bulatlat. Nakuha noong Hunyo 26, 2017 sa http://bulatlat. com/main/2016/06/16/public-schoolteachers-pose-8-point- education- agenda-to-duterte/. ____ (2017). Senate oks bill raising maternity leave to 120 days. Nakuha noong Abril 9, 2017 sa http:// newsinfo.inquirer.net/878013/senateoks-bill-raising-maternity-leave-to-120- days#ixzz4diqDJPoC. _____ (2017). Teachers disrupt House hearing, protest DOF tax proposal. Nakuha noong Abril 27, 2017 sa http:// www.rappler.com/nation/160224teachers-disrupt-house-hearingprotest-dof-tax-proposal. _____ (2017). Public school teachers assert continuing professional dev’t as right. Nakuha noong Abril 27, 2017 sa http://bulatlat.com/main/2017/04/03/ public-school-teachers-assertcontinuing-professional-devt-right/


c r o r o 30


h c h c r 31


32

libingan ng

buhay pagbangon ng mga bilanggong politikal para sa ganap na kalayaan Airalyn Gara

N

agpapatuloy ang panunupil at pagpapahirap sa mga Pilipino at patuloy ring nangingibabaw ang interes ng iilan; ito ang mga kondisyong lalong nagpapatibay at nagpapalawak sa hanay ng mga mamamayang lumalaban para sa karapatang pantao. Dahas at hindi makatwirang pagpapadakip na pagdedetina sa mga aktibista at karaniwang mamamayan ang itinutugon ng mga nakaraang administrasyon, dahilan ng paglaki ng bilang ng mga bilanggong politikal. Isa sa mga ipinangakong pagbabago ng administrasyong Duterte ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Kaugnay nito ang pangakong palalayain ang mahigit 400 mga bilanggong politikal. Sa naganap na unang round ng usapang pangkapayapaan ay may 22 peace consultants ang pansamantalang napalaya upang lumahok dito kasama ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon na naaresto noong 2014

na sinampahan ng iba’t ibang kaso, at apat naman sa ikalawang round. Ngunit isang linggo matapos ang pagpapasya sa ikatlong round ng usapang pangkapayapaan, nagsilbing mga ‘trumpcard’ ng GRP ang mga bilanggong politikal dahil tila nagiging kondisyon ito sa NDFP upang pirmahan ang bilateral ceasefire agreement o tigil putukan sa dalawang panig. Wala itong pagtalima sa mga nakaraang kasunduan gaya ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at paggawad ng hustisya sa mga bilanggong politikal, bagkus ay pinagsasamantalahan ang kawalan ng hustisya. Paghuhukay ng malalim na libingan Naging sepulturero ng kanilang sariling mga hukay ang mga bilanggong politikal dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga pampulitikang paniniwala at karapatang pantao. Ayon sa Karapatan, organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao, nasa 561 ang bilang ng mga bilanggong politikal sa Pilipinas, 304 dito ang sa ilalim ng administrasyong Aquino, at 19 ang consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan.


33

50 aktibistang namatay at sumunod naman sa Pilipinas ang Colombia na may 26 na aktibistang namatay.

Tinatayang may 360 mga bilanggong politikal batay sa huling tala sa buwan ng Agosto 2016: 303 dito o 84% ay sinampahan ng mga karaniwang kaso, 15 bilanggo o 14% ang sinampahan ng kasong rebelyon, dalawa ang sinampahan ng kasong terorismo, at wala ng balita sa iba. Ang ilan sa kanila ay sadyang sinampahan ng gawa-gawang kaso katulad ng illegal possession of firearms and explosives na nagkakaila sa politikal na katangian ng kanilang pagkakapiit. Tumatagal din ang mga pagdinig sa kaso upang lalong madiin sa kaso at magdusa sa piitan. Bukod sa kalayaan, ipinagkakait din sa kanila ang hustisya ng batas habang apektado sila ng istigma bilang mga “karaniwang kriminal.” Paglilibing ng karapatang pantao Patuloy ang Oplan Bayanihan sa anyo ng militarisasyon, pagkakampo sa mga komunidad at pasilidad, pananakot sa mga sibilyan, iligal na pag-aresto, pamamaslang, at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Bago matapos ang taong 2012, iniulat ng iba’t ibang grupong pangkarapatan sa iba’t ibang probinsiya ang pandarahas, pagsampa ng gawa-gawang mga kaso at pag-aresto sa kanila—sa ngalan ng giyera kontra-

insurhensiya ng Oplan Bayanihan. Isa na rito si Rico Pepito, pangulo ng unyon sa Foremost Farms Inc. na pagmamay-ari ni Lucio Tan. Inakusahan si Pepito na miyembro ng New People’s Army (NPA) ngunit walang katotohanan at patunay sapagkat miyembro lamang siya ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa bansa. Inireklamo rin ang pagsampa sa gawa-gawang mga kaso laban sa mga liderobrero nila na sina Ronald Ian Evidente, tagapagsalita ng KMU-Negros; Roy Velez, tagapangulo ng KMU-NCR; Amelita Gamara, pangalawang pangkalahatang kalihim ng KMU-NCR; at Hermenegildo Marasigan, tagapangulo ng KMU-Southern Tagalog na kinasuhan naman kaugnay sa isang kilos-protesta laban sa militarisasyon sa Timog Katagalugan. Sa taong 2015, 33 environmental activists ang napatay sa Pilipinas kaya itinuring itong pangalawa sa ‘deadliest countries’ para sa environmental defenders noong 2015 ayon sa Global Witness, isang international non-government organization (NGO) na itinatag upang mahanap at masugpo ang pinagmumulan ng kahirapan, katiwalian at iba pang uri ng paglabag sa karapatang pantao sa buong mundo. Nangunguna sa listahan ang Brazil na may

Sa pagdating ng administrasyong Duterte ay nagkaroon ng bagong pag-asa ang mga bilanggong politikal na gaya nina Guiller Martin “Guilly” Cadano at Gerald “Geary” Salonga, alumni ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman Extension Program sa Pampanga na dinukot ng 3rd Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2014 matapos saliksikin ang pangunahing suliranin sa Carranglan, Nueva Ecija at nalamang ito ay ang kawalang katiyakan sa lupang sinasaka. ‘Public Land’ ang halos 82% ng lagpas 70,000 ektaryang lupain ng Carranglan, at kalakhan sa mga naninirahan ay magsasaka. Dalawang taon matapos silang damputin ay ibinasura ng korte suprema ang inimbentong kasong ipinataw sa kanila na illegal possession of firearms, ammunitions, and explosives dahil walang sapat na ebidensya. Gayunpaman, dalawa lamang silang napalaya sa mahigit 400 na mga biktima ng iligal na pag-aresto at mahigit 90 kaso ng paglabag sa karapatang sibil at politikal sa pagpasok pa lang ng bagong administrasyon, ayon sa Karapatan. Habang

tumatagal ay patuloy lang na lumalala at lumolobo ang bilang ng mga taong napagsasamantalahan at hindi nakatatanggap ng sapat na hustisya lalo sa mga kasong walang katotohanan. Pagbangon sa himlayan ng mga buhay Matapos ang matagumpay na pagtatapos ng ikaapat na round-table discussion ng usapang pangkapayapaan, kinumpirma ng NDFP ang pagpapalaya sa apat na prisoners of war (POWs) at 23 bilanggong politikal kasama ang tatlong NDFP consultants na mapapalaya gamit ang presidential pardon. Ayon sa GRP at NDFP, ang pagpapabilis sa pagpapalaya ng mga bilanggong politikal ay malaking salik sa ikatatagumpay ng usapang pangkapayapaan. Bagama’t napakatagal na ng pagkakahimlay ng mga bilanggong politikal, unti-unting nagtatagumpay ang adhikaing pagpapalaya sa tulong din ng mga gaya nilang tagapagtanggol ng karapatang pantao. Patuloy ang panawagan sa mamamayang Pilipino na manindigan para isulong at ipaglaban ang mga demokratikong karapatan at interes, tungo sa kapayapaang nakabatay sa hustisya, at ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong politikal at pakikibaka para

sa panlipunang pagbabago. Hinding-hindi mapatatahimik ang mga bilanggong politikal sa pagsusulong ng kanilang pampulitikang mga paniniwala hangga’t hindi nakakamit ang inaasam na paglaya at hustisya sa bansa. Habang nagpapatuloy ang panunupil at pagpapahirap sa loob at labas ng kulungan ay magpapatuloy rin ang pag-oorganisa sa iba’t ibang parte ng bansa hindi lamang para sa kanilang sariling kalayaan kundi maging sa lahat ng Pilipinong nakagapos sa piyudal at tiranikal na pamamahala ng administrasyong Duterte. Sanggunian: Marijoe Monumento. (2011). Mga Bilanggong Politikal: Panimulang Silip. Kinuha sa http://pinoyweekly. org/new/2011/11/bilanggong-pulitikalpanimulang-silip/ Pher Pasion. (2015). Bilanggong Pulitikal sa Pilipinas at Panunupil ng rehimeng Aquino. Kinuha sa http://pinoyweekly. org/new/2015/12/nagpapatuloy-nalaban-ng-mga-bilanggong-politikal/ __________. (2016). Karapatan to Duterte: Free all political prisoners, stop continuing human rights violations. Kinuha sa http://www.karapatan.org/Fr ee+all+political+prisoners,+stop+contin uing+human+rights+violations Jigger Jerusalem. (2017). Karapatan criticizes Duterte for not freeing political prisoners. Kinuha sa http:// www.sunstar.com.ph/cagayan-de-oro/ local-news/2017/02/04/karapatancriticizes-duterte-not-freeing-politicalprisoners Villanueva, Raymund B. (2017). 4 POWs, 23 Political Prisoners to be released soon—NDFP, GRP. Kinuha sa https:// kodao.org/2017/04/05/4-pows-23political-prisoners-to-be-releasedsoon-ndfp-grp/


34

Magulong Kasunduan Airalyn Gara Sinag gara.a@pnu.edu.ph

S

a unang pagkakataon ay nagkaroon ang Pilipinas ng pangulong ayaw maging sunod-sunuran lamang sa lahat ng kagustuhan ng historikal nitong mananakop— ang Amerika. Ngunit bunsod ng likas na pag-iiba-iba ng kanyang mga pahayag, tila naroon pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-aakalang ang US ay estratehikal na kakampi, naisasawalambahala ang tala ng Amerika sa pagyurak sa mga batayang karapatan ng mga Pilipino gamit ang mga kasunduang pabor lamang sa mga pansarili nitong interes. Pasimulang nagsalita si PDU30 sa Tsina ukol sa pakikipaghiwalay nito sa Estados Unidos sa aspeto ng makadayuhang polisiya na sinundan ng pagpapatigil ng ilang ‘military exercises’ sa bansa (cod es. Mindanao). Iginiit ng pangulo na dapat magkaroon ng patas na pagtrato ang Amerika sa Pilipinas at hindi nito dapat diktahan ang bansa sa pagpapatakbo at pamamahala sa ekonomiya, pamahalaan at militar. Lalong uminit ang usaping ito nang magbabala siya sa US na isasawalang-bisa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), kasunduang pinagtibay ni BS Aquino kasama ng Visiting Forces Agreement (VFA) bago tuluyang matapos ang panunungkulan. Nakapaloob dito na maaaring magtayo ng mga base militar ang Amerika saan mang bahagi ng bansa dahilan upang lumawak pa ang militarisasyon at tumaas ang bilang ng mga pananamantala at paglabag sa karapatang pantao. Bunsod nito, tinatayang 152 kaso ng extrajudicial killings, 18 kaso ng mga desaparesido, 80 kaso ng tortyur, 608 kaso ng ilegal na pag-aresto, at mahigit 30,000 ng sapilitang pagbabakwit ang naitala buhat ng Oplan Bayanihan ni BS Aquino. Ayon sa Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KATRIBU), samahang kumakatawan sa iba’t ibang sektor ng mga katutubo sa bansa, mahigit 13 mga Lumad ang namatay at 4,000 naman ang sapilitang pinabakwit mula sa kanilang mga lupain dulot sa pagsasamantala ng mga militar na kabilang sa balikatan exercises. Lalong lumalala ang kalagayan hindi lamang ng mga katutubo sa kanayunan, kundi maging ang iba pang miyembro ng mga sektor sa lipunan. Sa kabila ng nakahaing mga ebidensya at tala ng paglabag sa mga karapatang pantao na bunga ng EDCA, mas pinili ni PDU30 na isantabi na lamang ito dahil mas binibigyan niya ng konsiderasyon ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Amerika bunsod ng kanyang positibong pagtingin kay Donald Trump bilang bagong pangulo ng US. Hindi

niya nakikita ang matagal nang oportunismo ng Amerika sa Pilipinas, na ginagamit lamang ng bansa ang ugnayang namamagitan sa kanila upang masolusyonan ang sarili nitong mga problema sa ekonomiya. Sa katunayan, tinatayang 95 milyong mga Amerikano ang nawalan ng trabaho, mahigit 43 milyon ang naghirap at milyon-milyong mga Amerikano ang nawalan ng insurance plans sa panahon ng panunungkulan ni Obama. Hindi ito naging imposible dahil humina ang ugnayan ng Amerika sa iba pang mga bansa bunsod ng pangingialam ni Obama sa ilang mga usaping panlabas. Dahil dito, mas naoobliga ang US na patatagin ang ugnayan nito sa Pilipinas upang pagkuhaan ng murang lakas-paggawa at mag-import ng hilaw na mga materyales. Hindi maitatangging ginagamit ng Amerika ang mga polisiya sa pagitan nila ng Pilipinas upang lalong paigtingin ang pananamantala sa mga mamamayan at teritoryo nito. Umabot na sa 4.7 bilyong dolyar ang US direct investments ng Amerika habang 1.8 milyon ang bilang ng mga migranteng Pilipino sa Amerika na sinasabing pang-apat sa may pinakamalaking bilang ng Immigrant population sa Amerika noong 2013. Gayunpaman, patuloy na lumolobo ang bilang na ito dahil nakikita ng maraming Pilipino na mas malaki ang tyansa ng pag-unlad ng kanilang pamumuhay at mas mataas na kalidad ng edukasyon na matatamasa ng mga anak sa Amerika. Walang pag-unlad na mangyayari sa bansa kung patuloy na maniniwala ang mga Pilipino na tinutulungan ng Amerika ang Pilipinas lalo pa at ang US ay nasa pamumuno ng isang katulad ni Donald Trump na kilala bilang agresibo, tiranikal at despotiko. Bilang pagdepensa sa integridad ng bansa laban sa dayuhang pananamantala, kinakailangan nitong mapanindigan ang batas sa harap ng dayuhang korporasyon nang sa gayon ay magkaroon ng polisiyang mapaninindigan ng Pilipinas bilang isang bansa. Hangga’t patuloy na umiiral ang mga ugat ng kahirapan, kailanma’y hindi matatapos ang pananamantala ng malalaking bansa sa maliliit na bansang gaya ng Pilipinas.


H

35

ANGING OUT UNANG SIPI SA

JA M A I S V U S A L I P U N A N G KO N S E R B AT I B O

T

John Thimoty A. Romero

ahasang sinusuong ng 'Hanging Out' ang suhetibong lipunang kinabibilangan ng malawak na komunidad ng Lesbians, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Asexual at iba pa (LGBTQA+). Gamit ang homosekswal na lente, pinagmumukha nitong kakaiba ang pang-araw-araw ng karanasan ng karaniwang mamamayan labas sa kanyang oryentasyon sa kasarian. Sinasabayan ng direksyon ni Petersen Vargas ang milenyal na panahon sa kanyang 'Gay Web Series' na inilabas noong Disyembre 19, 2016. Binabaklas nito ang puros dekadenteng pagtingin sa pagiging homosekswal, at sa halip ay inilalapit ang imahen ng homosekswal sa aktwal na ganap sa pagtuklas nito sa kasarian; layo sa pagiging ipokrito sa burges na gawi. Relatibo rin sa karaniwang mamamayan ang iskeptisismong inihahayag ng web series sapagkat gayundin ang nilalayong tuklasin nina David (ginampanan ni Paulito del Mundo) at Adrian (ginampanan ni Jox Gonzales). Absolutismo, elitismo at ekstremismo ang pagpuna sa kaburgisan ng web series sapagkat ang panahon ngayon ay panahon ng pagtuklas ng mga porma kung saan maipakikilala ang komunidad ng LGBT. Pangunang pagbaklas ito sa konserbatismong nakabatay sa suhetibong pagtanaw sa paggagap sa kontrol ng kasarian at sekswalidad. Minumuang ng web series ang mamamayang hinulma ng konserbatismo dulot ng malawak na impluwensya ng Kristiyanismo sa bansa; nawawalan ng pagkakilanlan sa parehong mga ganap ng mga homosekswal bilang mga mamamayan. Tinalo nito ang mababaw na pagtingin ni Ayn Rand sa mga homosekswal bilang mga mamamayang mayroong "manifestation of psychological 'flaws, corruptions, errors, [and] unfortunate premises' and that it is both 'immoral' and 'disgusting'(“Is Homosexuality Moral?�), sapagkat ang komunidad ng LGBT ay hindi layo sa normal na pag-iral ng karaniwang mamamayan sa lipunan.

Kung mayroong kailangang pag-ibayuhin sa paglalantad ng imahen ng LGBT, ito ay hypersexuality. Sinuri sa 'Discrete or Proud,' akademikong papel ni Prop. Israel Soberano, ang apat na kategori ng pagiging bakla: dyosa, syokla, pangkaraniwan at babaylan (Ding, 2011). Batay ang bawat antas sa ekonomikong katayuan ng mga bakla; habang bumababa ang antas, bumababa rin ang panlipunang pagtanggap. Mas pinadidiin ito ng artikulong 'Inside Out: Queer Theory and Popular Culture ni Mark McLelland (2005) kung saan nagkakaroon ng pagtatakda sa mga homosekswal, at sa paglaon ay bumubuo sa kanyang 2 klasispikasyon sa stereotypes: 'girl's best friend' o karamay ng kababaihan, at 'lifestyle gay' o ang homosekswal na may gayong pamumuhay. Marapat na isaalang-alang ang kabuluhan ng mga uri sa pagtukoy sa kontradiksyon ng komunidad ng LGBT. Kung hindi, maaaring mapababaw ang pagtanggap sa komunidad at malantayan ng purong burges-dekadenteng indibidwalismo. Nagawa na ng 'Hanging Out' ang paggambala sa mga komportable at pagwasak sa konserbatismo, ngunit bilang isang tanggap na porma ng sining, responsibilidad nitong angkupan ng mas malalim na pag-unawa ang komunidad ng LGBT, at humiwalay sa indibidwalistang lente ng eksistensyalismo nina Dostoyevsky, Sartre at Camus. Ang panahon ng krisis sa lipunan ay hindi panahon upang magpakalunod sa mga tanong at pagdududa sa kawalang katiyakan. Ito ay panahon upang humarap sa aktwal na kondisyon at maglaan ng panahon upang isulong ang pinakasulong na antas ng panlipunang konsensya. Sanggunian: Soberano, I. (2015). Discrete or Proud. Philippine Normal University. Retrieved from: Philippine Normal University Retrieved on: May 16, 2017 Garcia, J. (2015). Tolerance/acceptance and the LGBT question (plus a short review of Gloc-9's "Sirena"). Philippine Normal University Retrieved from: Philippine Normal University Retrieved on: May 16, 2017


36

reality check millennial sa aktwal na kalagayan John Thimoty A. Romero

modernong kabataan.

M

illennial ang pinakagamit na katawagan sa kabataang namumuhay sa panahon ng sulong na teknolohiya at modernisasyon. Sa kabilang banda, malabong sabihin na lahat ng kabataan ay nadarama na ang kaunlaran sa puntong mayroon na silang sari-sariling mga Mac, I-phone, Social Media Accounts at iba pa. Kwestyunable ang paninindigan ni Ernest Cu, CEO at Presidente ng Globe Telecom na, “They (mga millennial) are digital natives who can't live without the Internet. They consider their lives to be always online,� sapagkat malabong isipin na lahat ng kabataan sa bansa ay mayroong internet, account sa social media, kahit pa sariling smart phone. Sa kabila ng 47 milyon aktibong account sa Facebook, 119 milyong may subskripsyon sa cellphones (lampas pa sa populasyon ng Pilipinas, 101 milyon) at 47.13 milyong gumagamit ng internet, napakaraming lugar sa bansa kung saan mas magiging komprehensibo pa ang pagtuklas sa tunay na konotasyon ng 'millennial' bilang salitang kumikilala sa

Busted: Hindi lahat ng Millennial ay suki sa Starbucks Naituring mang pamantayan ng pagiging millennial ang pagbili ng Frappe sa Starbucks, hindi nito naisasaalang-alang ang ekonomikal na kondisyon ng mga kabataan sa panahon ngayon. Malaki pa rin ang bilang ng mga kabataan na walang trabaho. Ayon sa Labor Force Survey (LFS) ng 2016, 5.5% ng mga mamamayan ang bilang ng mga walang trabaho; 31.2% nito ay nagtapos ng antas sekundarya at 21.4% ang nagtapos ng antas tersyarya. 77.7% naman nito ay may edad mula 15-34. Kung hahatiin sa dalawang kategorya, 48.8% nito ang may edad 15-24 at 29.3% naman ang may edad 25-34. Kung mayroon mang trabaho, hindi ito matagalan. Batay sa akademikong papel ni Mark Emmanuel L. Canlas at Maria Cristina R. Pardalis na pinamagatang, 'Youth Employment in the Philippines' (ipinalimbag noong 2009, Subregional Office for Southeast Asia and the Pacific Manila), minimal lamang ang bilang ng mga kabataang may matagalang trabaho. Ngunit

Frappe sa Starbucks. sa kalagitnaan ng 1996-2006 pinalitan nito ang konsepto sa pamamagitan ng kontraktwalisadong paggawa sa ilalim ng Business Process Outsourcing (BPO) companies. Pinakamahirap mahanap ang mga ganitong klaseng trabaho para sa mga nag-drop out o lumiban sa antas sekundarya (OTH Philippines, 2012) kaya nagkaroon ng 3.1:1 unemployment ratio (naitala noong 2006). Ibig sabihin, tatlong beses na mas malaki ang posibilidad ng mga kabataang manggagawa na hindi magkaroon ng trabaho kumpara sa mga mas matatanda. Sa ganitong kalagayan, hindi lubusang matatamasa ng kabataang manggagawa ang disenteng pamumuhay sapagkat hindi siya nalalayo sa panganib ng end of contract o endo at kawalan ng trabaho, patunay na huwad ang implementasyon ng Department Order No. 174 ng Department of Labor and Employment (DOLE). Dahil panandalian lamang ang trabahong maaaring makuha ng kabataan, napananatili silang mga skilled workers kung saan ang kanilang sahod ay kahit kailan hindi makakayang makabili kahit pa ang pinakamurang

Busted: Hindi tamad ang mga Millennial Hindi maituturing na katamaran ang lagi't laging kinahahantungan ng mga kabataan pagdating sa oportunidad na magkaroon ng dekalidad na edukasyon, lalo na sa panahon ng implementasyon ng Enhanced Basic Education Curriculum of 2013 o K to 12 curriculum. Batay sa Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) noong taong 2013, umabot sa 4 milyon ang out of school youth o kabataang hindi nakakapag-aral sa pormal na paaralan. Ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ang may pinakamaraming bilang (14.4%) sa mga kabataang hindi nakapapasok sa paaralan, walang trabaho at hindi nakatuntong o nakapagtapos sa antas tersyarya. 19.2% sa mga kabataan ang naghayag na dahilan ang kawalan ng pambayad sa matrikula at panustos sa pag-aaral. Nananatili ang implementasyong ng K to 12 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kabila ng mga pangunang pagtutol nito sa kurikulum noong siya


37

y ay nangangampanya pa lamang. Sa apat na taong pag-iral ng Senior High School, nananatili pa ring problema ang kawalan ng mga paaralang pampubliko na bukas na tumanggap ng mga mag-aaral sa nasabing antas. Bunsod nito, nakokondisyon ang mamamayang apektado na tangkilikin ang mga pribadong kolehiyong may nagtataaasang matrikula. Hindi rin sapat ang naitutulong ng Voucher System na nagkakahalagang Php 18,500 hanggang Php 22,500 sapagkat mas namamandato pa ang mga pamilya na magdagdag ng bayad sa hindi masasakop ng halaga ng bawat voucher. Dulot ng mga eksternal na implikasyon na naibibigay ng sistema ng edukasyon, hindi masisisi ang modernong kabataan na mawalan ng gana sa pag-aaral. Busted: Hindi lahat ng Millennial ay aktibo sa social media Hindi katulad ng inaasahan, napakaraming modernong kabataan ang hindi nagagawang ihayag ang nadarama at hinaing gamit ang Facebook, Twitter at Instagram. Napakaraming kaso sa Mindanao ng paglabag sa

karapatang pantao, partikular sa karapatan sa edukasyon. Bibihirang marinig ang hinaing ng mga mag-aaral na katutubong lumad sa mga community learning centers o mga paaralang itinayo ng komunidad dahil bukod sa napakalayo nito sa sibilisasyon, patuloy na nahahadlangan ng militarisasyon ang karapatan at reputasyon hindi lamang ng mga guro, pati rin ang mga mag-aaral. "Threats, harassments and intimidations by Mayor Abubacar Bakre Maulana sowed terror among students and teachers of 18 community schools in Palimbang, Sultan Kudarat. We are very much angered by these actions that the local government took, in collaboration with the military and local offices of government agencies including DepEd," ani Reina Requioma, tagapagsalita ng SOS. Dagdag pa niya, tahasang nilalabag hindi lamang ng mga elemento ng militar kundi maging si Maulana ang Artikulo X, Sek. 22 ng Republic Act 7610 o 'The Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination.' Ngunit sa kabila nito, nananatiling nagkakampo ang militar sa

paligid ng mga paaralang lumad na mas kinunsinti pa ng Memorandum No. 221 ng Kagawaran ng Edukasyon. Mayoryang porma ang taunang MANILAKBAYAN upang ihayag ang mga hinaing ng mga katutubong lumad sa kalagayan nila sa kanayunan. Ngunit kahit gaano man ito kaingay at popular sa mga social media sites tulad ng facebook at twitter, wala itong magagawa hanggat hindi gagap ng madla ang kanilang kontradiksyon sa kabuuan. Napakaraming bagay ang magpapatunay na hindi lubusang ipinapakita ang tunay na kalagayan ng kabataan bagkus ay mas patuloy na pinagninilay ang mga ito sa delusyon ng huwad na kaunlaran upang mailayo sa naghihinagpis na sambayanan. Ngunit sa kabila nito, may pagasa pang mapanindigan ng kabataan ang hindi maaagnas na katawagan sa kanila bilang mga pag-asa ng bayan, sapagkat sa kanilang pagkakaisa magsisimula ang inisyatiba ng lipunan na baguhin ang porma nito mula sa isang nabubulok na yugto tungo sa isang sistemang makapagsisilbi sa masang napagsasamantalahan. Wika nga ni Mao Tse Tzung, "The world is yours, as

well as ours, but in the last analysis, it is yours. You young people, full of vigor and vitality, are in the bloom of life, like the sun at eight or nine in the morning. Our hope is placed on you. The world belongs to you." Sanggunian: Canlas, M. et. al. (2009). Youth Employment in the Philippines. Subregional Office for Southeast Asia and the Pacific Manila Retrieved from: https://www.google. com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s &source=web&cd=1&cad=rja&uact =8&ved=0ahUKEwjN56Wx-6HTAh VEJZQKHZIyA0kQFgghMAA&url= http%3A%2F%2Fwww.apyouthnet. ilo.org%2Fresources%2Fyouthemployment-in-the-philippines%2Fat_ download%2Ffile1&usg=AFQjCNEtNRs QVoHhDQlZoWOyCCUHfQXfOA&sig2 =s-2kpMd14s6MJqLgAp_6JA&bvm=bv. 152180690,d.dGo Retrieved on: April 14, 2017 ________. (2016). SOS Network to Briones: Immediately take action over attacks on lumad schools in Sultan Kudarat!. Save our Schools Network. Retrieved from: https:// saveourschoolsnetwork.wordpress. com/2016/11/22/sos-network-tobriones-immediately-take-action-overattacks-on-lumad-schools-in-sultankudarat/ Retrieved on: April 14, 2017


38

stereot

breaking the beauty queen quote

B

agamat ang mga Beauty Pageant ay produkto ng patriyarkal na kultura, naging lunsaran ito ng kababaihan upang magkaroon ng kinatawan sa mga sosyo-politikal na usapin. Dito naipakita at napatunayan na ang kababaihan ay napapanatili ang pagkakaroon ng progresibong mga tunguhin na gigimbal sa mga lumang ideya. Ang babae ay karaniwang inihahambing sa mga stereotype na Maria Clara kung saan sila ay pasibo at emosyonal habang ang kalalakihan ay inihahambing sa pagiging agresibo at lohikal. Ang babae ay inihahanda sa pagiging ina at asawa, samantalang ang lalaki ay inaasahang maging bread winner ng pamilya. Pinapakita ng mga itinataling stereotype ang partriyarka kung saan mas nakatataas o superyor ang lalaki sa babae. Unti-unti itong binabasag ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa maraming larangan at aspeto.

Megan Young, Miss World 2013 “I treasure the core values of humanity and that guides people why they act the way they do, how they live their lives and I will use these core values and my understanding not only in helping others but

to show people how they can understand others, to help others, so that as one, together, we shall help society.” Nangunguna ang Pilipinas sa gender equality sa Asya at ikapito sa buong mundo batay sa 2016 Global Gender Gap Report ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kasong pang-aabuso sa kababaihan o Violence Against Women (VAW) dahil sa mga nananatiling porma ng karahasan – pisikal, sekswal, ekonomikal at sikolohikal. Ang pisikal na pang-aabuso sa pormang domestic violence ang may pinakamataas na naitalang kaso ng karahasan sa kababaihan na mayroong 15.4 bahagdan batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2013. Kadalasang sa mga asawa ng mga babae ito nararanasan o sa iba pang kamag-anak. Ito ang nagtutulak sa kanila na makipaghiwalay o makipagdiborsyo, ngunit hindi nawawala ang mga pagkakataong hindi sila nakakapagsumbong dahil sa iniisip nilang hiya na magiging dulot nito, sa paniniwalang magbabago pa ang kanilang mga asawa at ang kapakanan ng kanilang mga anak. Kinahaharap din ng kababaihan ang pananamantala sa aspetong ekonomikal. Lantaran ang diskriminasyon ng kababaihan sa trabaho,

hindi hinahayaang ipakilala ang kanilang mga sarili at kakayahan. Mataas ang bilang ng mga babaeng nagtatrabaho na ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang mayroong 49.3 bahagdan at nananatiling kontraktwal na madalas ginigipit sa benepisyo, prayoridad sa mga resonableng pagliban tulad ng maternity leave at kawalan ng seguridad sa trabaho o social security. Pananakot, pamamahiya sa publiko, paulit-ulit na pang-aabusong berbal, pamomolestya at pagtataksil ang ilan sa mga halimbawa ng sikolohikal na karahasang dinaranas ng kababaihan. Itinuturing na pinakamalalang uri ng pang-aabuso ang sikolohikal na aspekto dahil sa matagal nitong epekto kumpara sa iba pang klase ng pananamantala. Kylie Verzosa, Miss International 2016 “(In modeling) they only look at you as a pretty face but I always had something to say. So when I joined beauty pageants, people started listening to me. I found my voice there because people value it.” Sa kabila ng pagsangga ng batas sa paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan, hindi pa rin sumasapat ang proteksyong pinangangalagaan ang

kanilang karapatan at kapakanan laban sa pangaabuso. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may naitalang 41,049 na kaso ng pananamantala sa kababaihan tulad ng physical injuries, rape at acts of lasciviousness ang Philippine National Police (PNP) noong 2015 at may 532,998 kasong hawak ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa parehong taon. Kung ikukumpara ito sa naitala noong 2013 na may 23, 865 kaso ng pang-aabuso na nadagdagan pa ng 7, 306 noong 2014, malinaw sa datos na nakatala na hindi napangangalagaan ang kapakanan ng kababaihan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng pananamantala. Sa kabila ng Magna Carta for Women, batas na naglalayong alisin ang anumang uri ng diskriminasyon sa mga kababaihan at magtaguyod ng pagkakapantay-pantay sa mga kasarian, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng pang-aabuso. Labas sa konserbatibo at naitalang mga datos, marami pang kaso ng pananamantala ang hanggang ngayon ay hindi pa naitatala dahil sa pananahimik ng mga biktima. Dulot ito ng takot sa lipunang hindi lamang nagbibingibingihan sa hikbi ng mga biktima bagkus ay sinisisi pa ang mga ito. Pia Wurtzbach, Miss

s para sa

Universe 2015 “If I were to be Miss Universe, I will use my voice to influence the youth and raise awareness ... I want to show the world that I am confidently beautiful with a heart.” Pinapatunayan ng progresibong grupo para sa mga kababaihan na Gabriela’s Women Party ang pagiging abanteng babae sa patuloy na pagsulong ng mga batas na poprotekta sa karapatan ng kababaihan laban sa ano mang uri ng pananamantala. Ilan dito ang HB2664 - An Act Amending Republic Act No. 9262, Defining Electronic Violence Against Women or E-Vaw, HB3398 - An Act Amending Republic Act No. 8972, otherwise known as the Solo Parents' Welfare Act Of 2000 at HB1047 - An Act Prohibiting Age Discrimination in Employment and in the Workplace. Hinihimok din ng grupo ang administrasyong Duterte na hindi lamang umaksyon kontra sa droga kundi pati sa mga rapist na kahit pulis o sundalo at sa mga taong tumatapak sa karapatan ng kababaihan. Kasaysayan na ang nagpapatunay na ang kababaihan ay progresibo, kaya ang pagwawasto ng bulok na sistema at ang pakikibaka sa pantay na integridad sa mga kasarian ang magtatanghal sa kanila ng tunay na kahulugan at


39

otypes

e

Ronalyn H. Gonzales & Angelica C. Latac

ad ng pantay na integrid

kahalagahan ng paglaya. Bunsod ng hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa pagitan ng mga kasarian, patuloy ang pagkakahong nararanasan ng kababaihan sa lipunang nagdidikta ng kanilang mababang katayuan. Kadena ang mga stereotype at makitid na pagtingin sa babae; hudyat na nabubulok na ang patriyarkal na paniniwala. Sanggunian: _____ (2015). Violence Against Women: Rape. Philippine Commission on Women. Nakuha noong Agosto 6, 2016 sa http://pcw.gov.ph/focus-areas/ violence-against-women/rape _____ (2014). Republic 9710. Philippine Commission on Women. Nakuha noong Agosto 6, 2016 sa http://pcw.gov.ph/ law/republic-act-9710 Webmaster (2014). Statistics on Violence Against Filipino Women. Philippine Commission on Women. Nakuha noong Agosto 6, 2016 sa http:// www.pcw.gov.ph/statistics/201405/ statistics-violence-against-filipinowomen _____ (2016). Not just drugs, Duterte, Gen Bato urged to run after rapists, abusers in uniform. Gabriela Women’s Party. Nakuha noong Agosto 8, 2016 sa http://gabrielawomensparty.net/ content/not-just-drugs-duterte-genbato-urged-run-after-rapists-abusersuniform Manto, M. P. and Quintas, K. B. (2016). Cases of violence against women and children increased in 2015. Philstar. Nakuha noong Agosto 8, 2016 sa http://www.philstar.com:8080/cebunews/2016/03/04/1559399/casesviolence-against-women-and-childrenincreased-2015 Ronquilo, A. (March, 2016). Rape Culture. Psst! Ph. Nakuha noong Agosto 12, 2016 sa http://www.psst.ph/ rape-culture Malubay M. (January, 2017). Katotohan sa Gawa-gawang Pageant. Pinoy Weekly. Nakuha noong Pebrero 8, 2017 sa http://pinoyweekly.org/new/2017/01/ katotohanan-sa-gawa-gawangpageant/?platform=hootsuite

mga kasarian


s n a r t ra u g i f io 40


s a r n o

41


42

D

umarami at umuunlad ang mga nailunsad na porma ng kilusang masa na ipinahihiwatig ang kontradiksyon at aktwal na kondisyon sa kanayunan. Sa patuloy na paglulunsad, patuloy ring dumarami ang bilang ng mga nakikilahok sa sektor, mula manggagawang bukid hanggang sa maralitang tagalungsod.

Lakbayan ng Pambansang Minorya para sa Sariling Pagpapasya at Makatarungang Kapayapaan 2015 (Larawan mula sa Bulatlat.com)

Lakbayan ng Mindanao (Manilakbayan) #SaveOurSchools 2014 (Larawan mula sa Save Our Schools Network)

Mamamayan at mga mag-aaral mula sa mga paaralang Lumad (Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Davao del Norte, North Cotabato, Compostela Valley, Davao Oriental, Bukidnon at Sarangani) ang naglunsad ng Lakbayan ng Mindanao upang ipanawagan ang pagpapahinto sa pasismo at karahasan ng mga pwersang militar sa kanayunan sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong BS Aquino. Naging daan din ito upang manghimok ng mga mamamayang handang magbigay ng politikal at materyal na suporta sa mga learning centers, rehabilitasyon sa mga lugar at pang-ekonomikong proyekto.

Umabot sa 3,000 ang pwersang masa ng mga pambansang minorya at mga Moro mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang sumentro sa kamaynilaan. Baon nila ang kapighatiang dulot ng pagpapatuloy ng pasismo, militarisasyon, pangangamkam ng lupa ng mga malalaking panginoong maylupa, paninira ng kapaligiran, at kawalang-aksyon ng gobyerno. Nanawagan din sila ng pagpapabagsak sa makauring diskriminasyon na nagpapahintulot at kumukunsinti sa pandarahas sa kanila ng mga militar at naghaharing uri.

Mula Kanayunan Tungong K Kilusang Masa sa Lakbayan at Kampuhan Lexter A. Castro


43

Kampuhan sa PUP 2016, Tindog Visayas (Larawan mula sa The Communicator)

Kampuhan sa UP Diliman #StopLumadKillings 2015 (Larawan mula sa Bulatlat.com)

Bukas-palad na tinanggap ni Prop. Michael Tan, Chancellor ng University of the Philippines – Diliman, ang mga pambansang minorya upang gawing lunsaran ng isang linggong tuluyan ng mga maglulunsad ng protesta upang kondenahin ang pamamaslang at paglabag sa karapatang pantao na nagpapatuloy sa ilalim ng administrasyong BS Aquino. Kinokondena nila ang pagpatay ng Magahat Paramilitary Group kay Emerito Samarca, Executive Director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) at dalawa pang lider lumad. Itinali at pinagsasaksak si Samarca sa loob ng silid-aralan sa Barangay Diagtangon.

Kalunsuran

Katulad ng naganap na Kampuhan sa UP Diliman, tinanggap din ng Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa (PUP Sta. Mesa) ang People’s Surge na binubuo ng mga mamamayang biktima ng nakaraang bagyong Yolanda. Sa temang ‘Tindog Visayas and Kadena Bikolandia: Lakbayan Laban sa Kagutuman at Militarisasyon,’ ipinanawagan ng kampuhan sa administrasyong Duterte ang pagdinig sa hinaing ng 200,000 mamamayang hindi nakatanggap ng tulong noong kasagsagan ng bagyong Yolanda gayundin ang 300,000 nananawagan ng tulong bilang tugon sa Tiempo Muerto o krisis sa klima na nagdudulot ng kagutuman at atrasadong pagsasaka, at ang 400 bilanggong politikal mula sa Bikol at Visayas.

Kampuhan sa Mendiola; Magsasaka sa MARBAI, Lapanday Farmers 2017 (Larawan mula sa CNN Philippines)

Unang pagkakataon na magkaroon ng isang pangulong lumapit sa isang protestang piket ng mga magsasakang ipinapanawagan ang pagkakaroon ng lupa matapos magmatigas ni dating Agriculture Secretary Cito Lorenzo sa ibinabang Writ of Installment na nagpapahintulot na maipamahagi sa 159 magsasaka ang 159 ektaryang lupa sa Tagum City, Davao del Norte. Ngunit bunsod ng makauring interes, pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa lupang ansestral ang naging tugon ni Lorenzo, pinananatili ang gapos ng pagsasamantala sa mga manggagawang bukid.

Sumusulong ang porma ng kilusang masa, mula sa Lakbayan at Bungkalan patungo sa okupasyon ng pabahay at lupa na nagaganap sa Rizal at Pandi, Bulacan, at ang bungkalan ng lupa sa Hacienda Luisita. Ipinakikita ng organisasyon sa masang api ang lakas at kakayahan ng maraming bilang ng mamamayan na kalagin ang tanikalang iginapos sa kanila ng mga nagsasamantala. Ipinaaabot nito sa kalunsuran ang tinipong lakas na namumuo sa kanayunan, hanggang sa punto na makakaya na nitong palayain ang gobyerno mula sa pamumuno ng mga naghaharing uri . Darating sa punto na ang mismong mamamayan na ang magkakaroon ng kontrol sa produksyon at iaayon ito sa pangangailangan ng mamamayan at sa ikasusulong ng lipunan.


44

Minahan sa

P

atuloy na pamiminsala sa buhay ng mga katutubo ang dala ng mga dayuhang kompanya ng minahan, unti-unting winawasak ang mga lupaing matagal ng pinangangalagaan ng pambansang minorya at walang pag-iinda sa karahasang naidudulot sa inosenteng mamamayan bunsod ng walang-humpay na pagtatayo ng mga basemilitar. Matapos maaprubahan ni dating pangulong Fidel V. Ramos ang R.A no. 7942 o Philippine Mining Act of 1995, batas na nagpapahintulot sa malalaking kompanya ng minahan na magbungkal sa malaking porsyento ng mga lupang ninuno, untiunting nagsulputan ang mga kompanya ng minahan na nagdulot ng malalaking pinsala sa buhay ng mga katutubo. Pinalala ito ng administrasyong BS Aquino kaya hindi naiwasang magsigalot ang mga komunidad sa kanayunan. Humigit kumulang 90 mga katutubo ang napatay, 75 dito ay mga Lumad; karamihan ay mga pinuno at miyembro ng komunidad na hindi sumasang-ayon sa pagmimina at iba pang proyekto ng pamahalaan sa kanilang lupain.

Yutang Kabi

Pangangamkam sa Lup

Erving P. Sinaking & Vienna Anton

Pagbubungkal sa nananahimik na lupang ninuno

Lumawak ang pagmomonopolyo sa mga lupain ng mga Aboitiz, Lopez, Ayala at Cojuangco na sa kabuuan ay nakapagpatayo na ng 410 hydroelectric powerplants, 27 geothermal powerplants at 33 coal-powered dam. Mahigit 50,000 mga katutubo ang nawalan ng lupa at pamumuhay dahil sa pagpayag ni BS Aquino na pagtayuan ng dam ang mga ilog ng Jalaur (Ilo-Ilo), BalogBalog (Tarlac) at Laiban (Timog Luzon). Nakasaad sa Saligang Batas ng 1973 na pag-aari ng mga katutubo ang mga lupaing kanilang minana mula sa mga ninuno. Ngunit dahil sa kagustuhang makahanap ng mga bagong yamang matatagpuan sa mga lupang ninuno, mismong ang pamahalaan ang nagpahintulot sa mga dayuhang kompanya na mangamkam ng lupain. Ayon sa Karapatan, organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao, lalong dumarami ang naitatalang bilang ng extrajudicial

killings—318 mula Hulyo 2010 hanggang Marso 2016. Hindi lang pamumuhay ng mga katutubo ang nasisira kundi mismong mga buhay nila ang naisasaalang-alang dahil sa mga proyektong komersiyalisado at mga ‘land conversion’. Paglalim ng pananamantala sa mga katutubo Noong mga huling araw ng panunungkulan ni BS Aquino, mahigit 230 Higaonan ang pwersahang pinaalis sa kanilang mga komunidad upang mabuksan ang 730,000 ektaryang lupain at paglunsaran ng mga proyektong minahan, pagtatayo ng plantasyon at base militar ng US. Operasyong pang-militar ng pamahalaan ang mismong kalaban ng mga katutubo sa krisis ng paglabag sa karapatang pantao. Noong panahon ng panunungkulan ni dating pangulong Arroyo, binuo ang Oplan Bantay Laya (OBL) na naglalayong tugunan ang insurhensiyang laganap sa mga lupang ninuno. Sa mga komunidad, mahigit 4,000 mga katutubo ang pwersahang pinaalis sa kanilang tirahan dahil sa iligal na operasyon ng mga militar sa teritoryong sibilyan. Nagpatuloy pa at lumala

ang pagdanak ng dugo nang aprubahan ng Korte Suprema ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), kasunduang pangmilitar sa pagitan ng U.S at Pilipinas kung saan nakapaloob na malayang makapaglalagak ng mga kagamitan at makapagsasanay ang mga sundalong Amerikano saan mang lugar sa bansa. Huling pinagkasunduan noong Marso ng nakaraang taon ang aprubasyon sa pagkakaroon ng limang base militar ang US sa bansa. Ngunit sa kasalukuyan, planong dagdagan ng mahigit 200 base militar sa pag-uumpisa ng panunungkulan ni US President Donald Trump na maaaring magpatindi ng karahasan sa kanayunan. Dahil sa pananatili ng presensya ng mga Amerikanong base sa Pilipinas, hindi na malayong muli nitong mapasakamay ang bansa lalo’t inuunti-unti na ang pagpatay sa mga katutubo. Pagwawakas sa mapaminsalang minahan sa kanayunan Bilang aksyon sa lumalalang pagkasira ng kalikasan,


45

ilin

pang Ninuno

niette M. Tungal

naunang ipinabatid ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang pagpapasara at pagpapatigil sa operasyon ng 23 kompanya ng minahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinundan ito ng pagpapawalangbisa sa 75 kontrata ng pagmimina, mayorya ay mula sa Mindanao na may 37 kontrata sa pagmimina, 27 mula sa Luzon at Visayas, at 11 naman mula sa Mineral Production Sharing Agreements (MPSA), kontrata na tumutukoy sa pamahalaan bilang may-ari ng mineral na maglaan ng karapatan sa mga kontraktor na magkaroon ng bahagi sa mga produksyon. Aniya, hindi rito nagtatapos ang kanilang aksyon dahil may plano pa ang DENR na

bumuo ng “green economy” at tulungan ang mga mahihirap na Pilipinong maging produktibo. Dahil dito, maaaring mabawasan ang mga operasyon ng mga kompanya ng minahan lalo sa Mindanao at mababawasan ang mga karahasan sa mga katutubo, ngunit hindi pa rin tuluyang maibabalik ang katiwasayan ng pamumuhay sa lupang ninuno hangga’t hinahayaan ng gobyerno ang kahit isang kompanya ng minahan na magpatuloy sa kanilang mga operasyon. Upang ipabatid ang hinaing ng mga katutubo, nagsagawa sila ng Lakbayan 2016 na binuo ng mahigit 3,000 mga katutubo mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Bumuo ng alyansa ang mga katutubo at Moro na tinawag na Kilusan ng mga Moro at Katutubong Mamamayan para sa Sariling Pagpapasya (SANDUGO) upang harapin ang mga mapanirang institusyong kumakamkam sa kanilang lupain at iwasto ang pagtingin ng mayorya sa kanila. Layunin din ng kilusan na tuldukan ang diskriminasyon at opresyong dinaranas ng mga katutubo upang

maibalik ang kapayapaan sa kanilang lupain. Ito ang kauna-unahang alyansang nabuo sa hanay ng mga katutubo sa bansa na magiging unang hakbang nila tungo sa pagkakaisa ng mga tribo at maiparinig ang mga hinaing na matagal na nilang ipinapanawagan sa gobyerno at taumbayan. Sa pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga katutubo, nagbigay ang mga katutubo ng anim na puntong adyenda na naglalaman ng mga panawagan upang makamit ang pambansang hustisya at pagkakakilanlan. Pangunahin dito ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas (GPH) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na napakahalaga para sa kanila upang masolusyunan ang walang tigil na putukan sa kanayunan at hustisya sa mga bilanggong pulitikal mula sa kanilang hanay. Panawagan din ang pagkilala sa mga pangunahing karapatan ng mga katutubo, pagpapatigil sa militarisasyon, pagbibigay ng sapat na serbisyo, at pagbabayad ng nakaraang administrasyon sa mga krimeng nagawa sa hanay. Pinoprotektahan ng mga katutubo ang kanilang mga paaralan at tahanan sa kabila ng panganib. Patuloy silang kumikilos

upang maibalik ang mga pamanang ninakaw sa kanila; pinananatili ang diwang makabayan bilang batayan nilang paninindigan upang ipagtanggol ang yutang kabilin mula sa bagong porma ng pananakop. Bilang huling dambana, mas may dahilan silang patuloy na lumaban at manghimok ng pagkakaisa upang malabanan ang pandarahas at pagsasamantala. Sanggunian: Dee Ayroso. (2016). Indigenous Poeples Law Violated our Collective Rights. Bulatlat. Kinuha noong August 10, 2016 sa http://bulatlat.com/ main/2016/08/04/indigenous-peopleslaw-violated-our-collective-rights/ Dee Ayroso. (2016). Indigenous Peoples, Peasants, Want DMCI closed. Bulatlat. Kinuha noong August 10, 2016 sa http://bulatlat.com/main/2016/07/27/ indigenous-peoples-peasants-wantdmci-closed/ Dee Ayroso. (2016). Aquino’s Legacy: Indigenous Peoples Mark Loss of Land, Homes, Lives. Bulatlat. Kinuha noong August 10, 2016 sa http://bulatlat.com/ main/2016/06/30/aquinos-legacyindigenous-peoples-mark-loss-of-landhomes-lives/ Dee Ayroso. (2016). Global Indigenous Groups Appeal to Duterte to Give a Chance for Peace. Bulatlat. Kinuha noong August 10, 2016 sa http:// bulatlat.com/main/2016/08/09/globalindigenous-groups-appeal-to-duterteto-give-a-chance-for-peace/ Dee Ayroso. (2016). Groups bring 6-point Indigenous Peoples Agenda to Duterte. Bulatlat. Kinuha noong August 16, 2016 sa http://bulatlat. com/main/2016/08/11/groups-bring-6point-indigenous-peoples-agenda-toduterte/ Jee Geronimo. (2017). DENR Announces Closure of 23 Mining Operations. Rappler. Kinuha noong April 14, 2017 sa http://www.rappler.com/nation/160270denr-closes-mining-operations


46

feat. Mag-seen Medina Hellooooooo pooooooow, PhiAndYouOnes! Getching ng radar ko ang pagka-miss niyo sa aking chismax. Don’t worry, sobrang na-miss ko rin ang chumika sa inyo. Pero mas na-miss ko ang pagpapasikat ng makokyonget na feslak ng mga chakang fungi sa loob ni Inang P! Naloka ako sa pagpapahirap nila sa aking beloved ishtudents lalo sa OBTEC babies. In the last 10 years of staying here with mommy P, is that I saw all the dragons bringing my ishtudents to hell. And it's something big to us that we are one, as one nation we are all together (excuse me, grammar nazzis). Pwede na kayong award-an sa pag-seen at pag-ignore sa hinaing ng aking ishtudents. Kaya naman anditey na naman akez to fight for their rights and givenchy your kember awards. It’s your time to shine, chaka peeeeeepss! Seen Awardee #1 Nagdadabog ang aking cap sa sobrang dami ng mga papasok na ishtudents this SY 2017-2018 (insert sarcasm). May pa-welcome aketch sa aking new junakis in PhiAndYou dahil pajonti na sila nang pajonti. As in huhubelles na and I can’t imagine mama P in the next few years dahil clean and clear sa aking magic cap ang future niya kung magkekemberlu pa rin ang existence ng OBTECamuna Curri(KILL)um. Waz na ngang enrollees, double pa ang gumogora. Nganga pa rin ba ang action plan, keriboom boom peeps? Seen Awardee #2 Crayola Khomeni ang lola mo sa additional fees kay Inang P! Warla na nga ang ilan sa aking mga junakis sa current fees ay dadagdagan pa. Jeskelerd! Aanhin naman ang out of line journals ng aking ishtudents sa FAL, FBESS, FES at IKM kung sufah limited ang givenchy nilang sources for Phy(sick)s? Mismong ang nakakasukang sistema na Laging May Sira (LMS) ay anaconda sa istupident life ng PhiAndYouOnes. Waley silbi sa world, bes. Ito pa, waz pang knowings ang BOR about dis tapos implementation na agad-agad. Wala na nga raw tuition na babayaran pero Purita Ledesma naman pagdating sa MIScellaneous fees. Imbyerna! Hindi ba ninyo ma-getching na dapat ay ganda lang ang fees ditey because we’re a State U. Myghad I hate drugs! Seen Awardee #3 Comeback is reaaaaal! May nagbabalik after makabog last elekleksyon. Klapeypey dahil naging solid at hindi nagpa-rock sa dalawang joggers. Ana bet ang last on-off-icers dahil sa daming hanash, e waz namang nagawa. Ooopppss! Ano na naman kayang kemberlu sa bagong na-overlook-look this time? Baka ngangabels na naman sa kanilang lungga ang aking beloved ishtudents, ha? Windang akesh kapag nachugi na naman ang (SSS)G fee ng junakis kez nang wiz namamalayan. Hays. Good Lucky Manzano sa inyong chosen paths. Hopeful lang na hindi kayo more more chika at maging position-oriented. Ooopps!

Seen Awardee #4 Nakakalurky ang mga kaganapan this coming school yeaaar! OBTECamuna babies no more na ang aking experimental batchies dahil gradwaiting na rin sila after 123456789x na pagpapahirap sa kanila ng mashumers na kuri[KILL]um. And take note, OBTECamuna na ang lahat ng year inside mama P. Jeskelerd! I wonder kung makakagora pa sa insti works ang aking mga junakis dahil surelaley akez na maggigivenchy ng mountains of work, work, work ang mga thunder keso de bola National Center for Teacher Education (NCTE) raw si mama P and need to comply with the 21st century s(KILL)s. Why so urky naman ng reason para mastress ang madlang PhiAndYouOnes! Seen Awardee #5 Haggardo Versoza ang beauty kez sa echoserang frogs na nagsabing wawarlahin na ang aking beloved ishtudent veran-duh! Nagpa-despedi-duh party pa akez sa aking madlang peeps waz naman palang magaganap na warlahan dahil if I know, Heritage site na si mama P. May pakeme pa si Mayor na mag-change outfit daw last Dis-sem-beer ang orgmates from here to there para easy-han ang life nila habang may warla. Wit-it pang knows ng aking ishtudents na waley mangyayaring warlahan kaya waz mag-clean and green project sa office. Baka ma-allergy sa germs ang aking junakis dahil sa wrong-wrong info, beshies. Pero keribelles lang mana, dibuh? At least mananatiling ishtudent-friendly ang aking veran-duh at makakapagsayaw pa ng keme songs ang aking junakis. Seen Awardee #6 Klapeypey sa kabogerang Sir Ma’am Sir na may bonggang-bonggang award dahil tamad na tamad gumora sa mga klase nila! Ghaaaaaad. Kinekeme kayez ng aking mga junakis at naggigivenchy ng time mo ‘to at effort mo ‘to para matuto tapos no show? Hinahayaan niyo silang aralin ang hardcore lessons at once in a blue moon na nga lang gumora, galante much pang mag-givenchy ng sufah dupah hardcore na exams at magpakemberlu ng jutanes na grades. Aba, aba, aba! Beri wrong, besties! Majujutay ang dreams ng aking junakis niyan. Baka gusto niyo kayo ang majutay? Hmmm… Habang tumatagal ay lalong naloloka ang beauty kez sa mga hanash kay mama P dahil sa mga chakang beeduh-beeduh na waz ibang ginawa kundi ang i-tokis ang aking mga junakis. Very stressful ang muling pagchichikahan natin kaya gogora muna akez sa parlor para gumetching ng treatment, you know rarampa pa akez. O Zsa Zsa Padilla, gorabelles na akez and see you when I see you around mama P. Mwaaaaah!

Hermia cockinea fungea


47

UNNIES AND OPPA’S

##RoadToPICC Anneong haseyooooooo este hellooooo sa aking super fans na PhiAndYouOnes! Tama na muna ang KDramahan dahil nagbabalik ang iyong forever na beshywap na o-oppa(k) sa mga na fungi sa loob ni Inang P. Haggardo versoza na ang peg ng naglalakihan kong eyebags dahil always present and never absent makinig sa mga chismax ng ishtudents here, there and everywhere! Nag-fly fly na kasi sa #RoadToPICC ang aking junakis kasabay pagfly away ng andabells dahil sa pasosyal na venue ng Commencement Exercises. For the first time in forever sa history ni Inang P ang pag-gradwait sa PICC. Lumbaaaaay na nemern ang aking junakis dahil waley na ang solemnity ng ceremony. Babuuu na sa iniingat-ingatang culture ni Omma P at less ang KDramahan dahil #Bored sa seremon-yas! Kasing cold ng lugar ang feels ng aking junakis dahil waz namang excitement na na-feel ang madlang PhiAndYouOnes sa kanilang much awaited day. Hawsad! Push na push na sa #RoadToPICC ang GRRRRRadWAIT-tion ng aking junakis dahil sa ‘fake news’ na paggiba sa WALANG TITIVHAGSXZ na ishtudent veran-duh! Magkakaroon daw ng total make-over si Omma P kaya magready, set and go na sa PNU DESTRUCTION PLAN este PNU DEVELOPMENT PLAN. Dahil famous naman pala si unnie kong PICC when it comes to facilitating events dahil sa talent niyang mag-accommodate ng more, more, more ishtudents, contact lense agad ang aking senior citizens para magpaschedule sa hectic sched niya. But wait, there’s more! Waley namang maganap ang chikang paggiba sa ishtudent veran-duh pero natuloy pa rin ang #RoadToPICC. “Why, oh why?” tanong ng aking madlang PhiAndYouOnes. One of the major reasons ay dahil sa much awaited na pagbababa ng construction notice ng mga bathala. Habang todo kuda lang sila mamang sa kanilang speech para sa pa-grrrrradwait na ang aking beloved ishtudents, gumagapang pa lang ang notice at wit-it pang sure kung wherelalou sila ga-grrrrradwait. Crayola khomeni na sa ubos-andang ang strict parents ng PhiAndYouOnes pero waz pa rin mag-move on ang mga ganap. Hanuna, besties? This was due to the turtle neck of Debt-artment of (Pwe!)blic Works and (Hayst!)ways na pa-VIP everrrr. According to VPFA, gapang to the max ang memo mula sa

opisinang itetch kaya waley rin silang ma-givenchy na notice para sa construction. Long, long time ago pa nagpa-fly fly ng letter sa kanila pero waley respond at need to push na ang grrrrradwaiting ishtudents dahil ‘the damage has been done’ na nga sa wallet ng mga mudra at pudra. Pero ang nakaka-imbyerna ay nag-suffer naman sa additional expenses ang madlang grrrrrad-waiting ishtudents ko! SUC ang aking Omma P so less na dapat ganitey na scenario. If I know, gandara lang dapat ang labanan! Kung hindi man talaga magkakaroon ng go signal sa destruction este construction inside Omma P, dapat maiannounce na ASAP at waley na dapat magbago sa cultures dito. Myghawd! At hindi dapat ang aking beloved ishtudents ang nagiging trying hard sa lahat ng action Kdramas kundi ako ang magiging ate Vi ng buhay nila. Zsa Zsa Padilla, tatapusin ko na muna ang watchlist KDramas ko. Don’t worry, ichichika ko sa inyo ang mga episode next time para makarelate kayo sa next episodes inside Omma P. Kung may bago kayong Kdrama na gustong i-share, nandiyan lang ako around you. Babuuuuuuuush!


48

Walk your Post Cedric T. Bermiso Bagani bermiso.ct@pnu.edu.ph

S

ocial media na marahil ang isa sa mga mabisang instrumentong lunsaran ng malayang talakayan. Sa pagsagot pa lamang ng “what’s on your mind” sa Facebook, “what’s happening” sa Twitter at “write something” sa Tumblr, nagbubukas na ng diskusyong birtwal ang sinoman. Kung maraming tatangkilik, tiyak na magiging #trending at kung marami ang maiinis, #hatersgonnahate ang kahihinatnan. Subalit sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng mga isyung kinasasangkutan ng bawat indibidwal, kailan magagamit ang social media bilang lunduyan ng mga layuning labas sa pansariling interes, higit pang maiangat ang mga panlipunang usapin tungo sa paglilingkod sa sariling bayan at mapatayo ang naghuhumiyaw na puwitan ng mga natali na sa birtwal na pakikisangkot? Sang-ayon sa datos na inilahad ng We are Social, 48 milyong mga Pilipino ang aktibo sa paggamit ng social media na kulang kalahati ng kabuuang populasyon ng bansa. Tinataya ring 26% ng bumubuo nito ay mula sa Facebook na itinuturing na pinakaaktibong social media platform na binubuo ng mga kabataan. Alinsunod pa rin sa parehong pag-aaral, ang mga nasa edad na 13-29 ang pinakaaktibong mga gumagamit nito. Napangatwiranan ang mga datos na ito sa pagiging maingay ng kabataan sa mga ganitong social networking sites halimbawa na lamang ang iglapang pagsikat ng AlDub noong nakaraang taon. Tambalan nina Alden Richards na host ng Eat Bulaga at ni Yaya Dub o mas kilala bilang ‘Dubsmash Queen’ na nagpakilig sa sambayanan mula sa unang pagkikita na pumalo ang #AlDubEBforLOVE ng 25,652,810 tweets, hanggang sa “Tamang Panahon” sa Philippine Arena na pinuno ang 55,000 seats noong Oktubre 24, 2015. Sa tindi ng pagkagiliw ng taumbayan sa tambalan, tila nakalimot na ang sambayanan sa mga isyung kinaharap noon katulad ng tumitinding bilang ng mga biktima ng komersyalisadong edukasyon, krisis sa mga eskwelahang

magbubukas ng grade 11 at mga kababayang nananatili sa death row. Ngunit sa kabilang banda, napananatili pa rin ang esensya ng social media bilang lunsaran ng mga sosyopolitikal na diskurso katulad na lamang sa usaping paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani. Naging isa ang #MarcosNotAHero sa ‘Trending Topic’ ng twitter sa loob ng pitong magkakaibang araw. Umabot naman sa 56,128 katao ang naabot nito sa Facebook, twitter at Instagram. Naging daan din ito upang matalakay ang tunay na naging kalagayan sa panahon ng panunungkulan ni Marcos lalo’t higit sa panahon ng batas militar. Social media na nga ang isa sa mabibisang instrumentong lunsaran ng malayang talakayan. Gayunpaman, aangkla pa rin sa layunin ng diskurong binubuksan ang halaga nito. Kung mananatiling nakakaling sa higit pang pagyakap sa pedestal na kinalalagakan ng kasalukuyang status quo, hindi nito magagamot ang lumalalang rayuma ng nalulumpong bayan. Subalit kung lalamanin ng mga “what’s on your mind”, “what’s happening” at “write something” ang hinaing ng bawat sektor na kailanma’y hindi nabigyan ng puwang sa birtwal na espasyo, o ang sumisidhing kabulukan ng umiiral na estado, at may karampatang kilos at kolektibong aksyon ang lahat ng nilalaman ng social media, ito na rin mismo ang mag-aambag sa lunas na kinakailangan ng sambayanan sa daan taong pananakit na mga kasu-kasuan.


49

Elaijah Aligway


50

M

emoir sa

, i d n Pa n a c Bula K U PA S Y O N O G N A IR W T A K A IS A N G M o Denielle M. Gal


51

M

arso 18. Sabado. Kasama ang ilan sa aking mga kaeskwela, nakiisa kami at ang iba’t ibang sektor sa People’s Caravan bilang suporta sa mahigit 6,000 maralitang taga-lungsod na umukopa sa mga pabahay sa Pandi, Bulacan simula noong ika-8 ng Marso. Panaginip ang akala kong nadatnan ko. Inakala kong dahil pilit na pinalalayas doon ang mga nag-okupang maralita, de kalidad ang mga kabahayan, ngunit ang matagal na nilang hinihingi na pabahay mula sa goyerno ay nakatengga lang pala. Ang mga pintong hindi magkakilala ang hinge at roller, mga bubong na walang pangsalo sa init at mga bintanang pinamugaran na ng alikabok ang bumungad sa amin—nanghihinayang ako sa lawak ng lupain at mas nakapanghihinayang na walang naninirahan dito. Sa kabila ng init at limitadong linya ng kuryente at tubig, sa mahigit 41,000 umanong aplikante ng NHA, ninais nilang mag-umpisang muli gamit ang pang-masang pabahay sila mismo ang umokupa. Gumagapang ang init papasok sa suot kong sapatos nang lumabas ako sa sinakyan kong sticker van. Agad kong kinuha ang itim na shaul sa bag ko, para kahit papano maibsan ang sunod-sunod na paghalik sa mukha ng maalinsangang hangin. Brgy. Pulang Lupa, tamang-tama sa init ng panahon at isyu sa lugar. Sa kabila nito, hindi alintana ng mga nakikiisa sa caravan ang tumitindi pang init habang nakikinig sila sa mga pahayag ng suporta at panawagan ng iba’t ibang sektor na bumisita sa kanila. Mula kasi nang magokupa sila noong March 8, nagbabadyang pagpapaalis ang naging dahilan upang makaramdam sila ng takot at magtayo ng barikada sa Brgy. Pulang Lupa at Padre Pio sa paligid ng mga kabahayan. Kinailangan nila ng pagpapataas ng moral upang malaman nilang makatwiran ang kanilang okupasyon. Pagkatapos ng programa, tumungo kami ng kasama ko sa publikasyon sa mga nagtayo ng barikada sa mga inukopa nilang bahay para sa isang maiksing panayam. Mas malayo mula sa isa ang bawat relocation site, mas malayo rin sa mga establisyimentong kinakailangan nila, pero hindi ito naging hadlang upang okupahan ng mga tao. Sa hirap ng buhay, makukuntento na lang talaga ang iba sa kung anong meron. Kahit pa ibig sabihin nito ay pagtitiis sa hirap at banta ng eviction. Nang makarating kami sa huling relokasyon, mas ikinagulat ko ang sitwasyon. Mas maraming pabahay sa Villa Louise, ngunit iilan lang ang inukopa dahil sinarado ito nang mag-umpisang mag-okupa ang mga maralitang taga-lungsod. Habang tumutungo kami sa pinakatuktok na posisyon ng mga pabahay, kasama ang mga umokopang mga taga-Caloocan, Tondo at iba’t iba pang panig ng Metro Manila, nagkaroon na rin kami ng pagkakataon upang makapagpanayam. “Ngayon lang kami nakapasok dito, ang dami palang bakanteng bahay,” sabi ng isang nanay sa aming nakapanayam. Nang marating namin ang tuktok, nalinga ako sa likod. Hilera ang mga bahay, tahimik ang bawat isa dahil walang naninirahan sa loob. Habang naglalakad, ang kasama ko ang nagtatanong habang ako naman ang nagre-record nito sa cellphone. Mahirap dahil may mga pagkakataong nagmamadali ang lahat sa paglalakad at matarik ang paakyat, ngunit kinakailangang humabol, lalo nang di namin inaasahang makapanayam ang isa sa mga namuno sa

kanilang pag-okupa na si Carlito Abadion, Secretary General ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY). Di ko mapigilang makinig na lang at malimutan na may cellphone pala akong dala na nagre-record. Sa hitsura pa lang ng damit, halatang payak ang kinagisnang pamumuhay ngunit iba ang ipinapakita sa kung paano siya magsalita. Gagap niya ang dahilan ng paglipat at alam niya ang pangangailangan ng tao, malayong-malayo sa mga paratang nilang wala silang pinag-aralan. Nakakainis lang dahil ginagawa ng karamihan ng mga mamayan (lalo na sa social media) na malaking isyu ang pag-ookupa gayong hindi naman ito ang unang kaso ng okupasyon. Sinalaysay ni Badion sa amin, unang naganap ang okupasyon sa Pasig, nang bumagsak ang diktadurang Marcos noong 1986. Mahigit 3,000 pamilya ang nagtagumpay at hanggang ngayon, naninirahan doon ang kanilang mga natitirang kamag-anak. Bago sa Pandi, Bulacan, ang huling kaso ng matagumpay na pag-ookupa ay naganap sa San Jose, Rordriguez, Rizal nang mapinsala sila noong panahon ng Habagat, kung saan inukopa nila ang mga pabahay na nasa mas mataas na lugar upang makaiwas sa baha. Hindi na kami nag-paabot sa solidarity night. Palubog na ang araw ang lumuwas pa kami pabalik sa lungsod. Kahit mabigat sa pakiramdam na iwanan ang mga naninirahan, umalis kami kahit walang kasiguraduhang magiging matagumpay ang paglaban nila sa bantang pagpapaalis ng NHA sa ika-20 ng Marso. Gusto ko sanang bumalik, kung hindi lang malaking pagsusulit ang kukunin ko. Siguro kasama nila ako sa paglaban nila sa pagpapaalis. Palibhasa'y hanggang kinig at damay pa lang ang maiiambag ko habang estudyante pa lang ako. Nalaman ko na lang ilang araw ang makalipas na naging matagumpay ang pag-okupa at hinayaan silang manirahan. Umagos ang luha ng tuwa pababa sa pisngi ko. Natiyak ko rin sa wakas ang naramdaman ko noong araw na iyon. Namayani ang kagustuhang patuloy na magsilbi, kahit sa pinakamaliit na porma ng pagdamay, pakikinig at paglalahad ng mga kwento ng paghihikahos ng mamamayan. Mag-uumpisa sa pinakamaliit na porma ang pinakamalaking ambag ng isang estudyanteng katulad ko sa mga maralitang aking kinabibilangan. Ito ang simulang pinakamaiaambag natin sa panahon na hindi panig sa mga maralita ang gobyernong dapat na sinasandigan—isang tungkulin, isang tungkuling ialay ang sarili sa pagpapalaya ng mga alipin ng kahirapan. *Alay sa mga mamamayan ng Pandi, Bulacan at sa kanilang matagumpay na pagpapahayag ng karapatang dapat na natatamasa ng bawat isa.


52

A K I S MU NG S I P A H

y ng o h g a n a P mga OFW para kay PDu30 Denielle M. Galo

S

aan mang dako ng mundo, may migranteng Pilipino,� – Migranteng Pilipino ni Karl Ramirez Tinatawag na makabagong bayani ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) buhat ng pagkilala sa lakas-paggawa ng Pilipinas na tanyag maging sa dayuhang bansa. Sa kabila ng sakripisyo at hirap na kanilang dinaranas, patuloy silang lumuluwas palabas ng bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa loob ng apat na dekada, naging daan ang Labor Export Policy (LEP) upang makalabas ng bansa ang mga Pilipino. Ngunit nagiging daan din ito ng pagmamalupit at pangaabuso sa mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, aabot sa 100 na OFW ang nasa death row habang mahigit 9,000 naman ang mga nasa kulungan sa Saudi Arabia (222 sa kanila ang nakatatanggap ng legal na tulong gamit ang PhP100 milyon na Legal Assistance Fund (LAF) mula sa kasalukuyang administrasyon). Karamihan sa kanila ay mga kababaihang bumubuo sa mahigit 55% ng mga OFW na lumalabas ng bansa at kasalukuyang humaharap sa 50 na kaso ng pagmamaltrato at pang-aabuso, sekswal man o pisikal. Halimbawa nito ang bago na namang kaso ng OFW na nahatulan ng kamatayan dahil sa


51 53

pagtatanggol sa sarili — si Jennifer Dalquez, na napatay ang amo matapos siyang pagtangkaang halayin, kasalukuyang nasa death row ngayon sa United Arab Emirates (UAE) na hahatulan noong March 27, 2017. ‘Walang Katiyakan’ ng Tambisan sa Sining “Walang katiyakan sa ganitong sistema, silang nakikinabang, ako ang nagdurusa” Wala mang kasiguraduhan ang pangingibang-bansa, patuloy ang pagluwas ng mga Pilipino. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), hindi pa rin bumababa ang bilang ng mahigit 6,000 na mga OFW na lumalabas ng bansa araw-araw. Mula nang maglunsad ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng One-Stop Center noong Agosto hanggang Oktubre 2016 upang mapadali ang pag-aayos ng mga papeles ng mga Pilipinong nais magtrabaho o ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa ibang bansa, umabot na sa mahigit 137,000 ang bilang ng mga aplikante sa taon ding iyon. Agosto noong nagdaang taon, humarap sa krisis ang Saudi Arabia nang bumagsak ang ekonomiya nito. Labis na naapektuhan ang mahigit 16,000 OFW na inabandona sa labor camps na nagsilbing tirahan nila matapos tanggalin sa trabaho. Marso pa lamang nang nagpahayag ang Migrante, isang organisasyon na ipinaglalaban ang

karapatan at kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa, na maaaring maapektuhan ang mahigit 50,000 OFW sa paparating pa lamang na krisis na maaring makaapekto sa pag-aasikaso sa mga benepisyong gaya ng end-of-service benefits at pay back wages na kanilang dapat matanggap habang walang trabaho. Maging ang pamumuhay ng mga OFW ay naapektuhan nang makaranas sila ng matinding pagtitipid upang mabuhay, gaya na lamang ng ilan na napilitang kumain ng mga tira-tirang pagkain upang mairaos ang isang araw at pamamalagi sa labor camps na laging nawawalan ng kuryente. Ayon sa Migrante, ang ilan sa kanila’y nananatili pa rin sa trabaho kahit hindi na tumatanggap ng sahod at hindi nakatatanggap ng sapat na benepisyo kahit sobra ang oras ng pagtatrabaho na nagiging dahilan ng pagkakasakit. Isa sa 11 na recruitment agency na kinasuhan ng POEA ang Rejoice Employment International Corporation, isang kompanyang nagre-recruit ng mga OFW na ipadadala sa ibang bansa, dahil sa hindi nito pagbibigay-pansin sa mga hinaing at reklamo ng mga manggagawang nasa ilalim nito. Tahasan nitong nilalabag ang Batas Republika Blg. 10022 kung saan nakasaad ang pangangalaga sa seguridad at kalagayan ng mga OFW at ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kanilang pagkayod at paghihirap, hindi nasusunod ang nararapat na

seguridad at pangangalaga para sa mga OFW. Dahil sa tindi ng pangangailangan, nabibiktima sila ng mga ahensyang walang lehitimong kredibilidad na mas naglalapit sa kanila sa mas malawak na oportunidad ng pananamantala. ‘Migranteng Pilipino’ ni Karl Ramirez “Mas matatag kung tayo ay magsasama-sama” Patuloy na isinusulong ng mga OFW ang pagpapataas ng National Minimum Wage mula sa PhP 481 sa halagang PhP 750 na magbibigay ng mga trabahong akma sa mga tinapos na antas ng pag-aaral ng mga OFW at susuporta sa mga mamamayan upang maging pundasyon ng industriyang makabansa. “Daan-daang OFW ang magugustuhang dito na lamang sa bansa magtrabaho kung malapitlapit sa kanilang sinasahod na $400-500 kada buwan ang maaari nilang matanggap sa oras na magtrabaho sila sa bansa,” ani Mic Catuira, Acting Secretary General ng Migrante. Nagpahayag ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), isang ahensya na katuwang ng DOLE sa pangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa, partikular ng mga OFW, na maglalabas ng mahigit Php 500-milyon bilang tulong pinansyal sa mga OFW na nananatiling nasa ibang bansa gayundin sa pamilya nilang naiwan sa Pilipinas. Ito ay matapos

magtipon-tipon ng mahigit 140 na OFW kasama ang kanilang mga pamilya noong Hunyo 2016 upang ihain ang kanilang 10-point proposal o mga pagbabagong nais maisakatuparan sa ilalim ng administrasyong Duterte hinggil sa kalagayan ng mga OFW. Nakapaloob dito ang mabilis na pamamahagi ng pondo sa mga OFW na naiwan sa ibang bansa at ang pagbasura sa ilang polisiyang dagdag-pasakit lang sa mga OFW. Kaakibat man ng pangingibang-bansa ang hirap at pasakit na dala ng paglabag sa karapatang pantao katulad ng pagmamaltrato, illegal recruitment at human trafficking, naaakit pa rin ang mga Pilipino sa mga trabahong inaalok sa ibang bansa dahil sa pangako nitong maganda at mabilis na pag-unlad ng buhay. Ngunit kahit talikuran nila ang walang katiyakang pag-unlad sa ibang bansa upang manatili, kontraktwalisasyon at mababang pasahod naman ang kanilang haharapin na hindi makasasapat upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng mga kantang patungkol sa kanila, alay nila itong harana kay Pangulong Rodrigo Duterte upang patuloy na maisulong at paigtingin ang mga batas na nangangalaga sa kanilang mga karapatan. Kasabay nito, hangad nila ang pangakong pagbabago maging sa trabaho, kung saan maaabot na ng bansa ang puntong hindi na

kinakailangan pang lumabas ng bansa ang mga mamayan para makapagtrabaho at hindi na madagdagan pa ang mga katulad nina Flor, Contemplacion, Mary Jane Veloso at Jennifer Dalquez. Makakamtan ito sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon na magbibigay-daan sa trabaho, kasarinlan sa ekonomiya at ang mismong determinasyon ng Pilipinas bilang isang bansa. Sanggunian: Ellao, Janess Ann J. (2016) DREAMS TURNED INTO A CONTINUING NIGHTMARE FOR STRANDED OFWS IN SAUDI Last Updated: March 11, 2016 Retrieved by: August 11, 2016 from http://bulatlat.com/main/2016/03/17/ dreams-turned-into-a-continuingnightmare-for-stranded-ofws-in-saudi/ Macalalad, Karen Ann (2016) OFW GROUP CALLS ON INCOMING DUTERTE GOV’T TO SCRAP ABUSIVE POLICIES Last Updated: June 9, 2016 Retrieved by: August 11, 2016 from http://bulatlat.com/main/2016/06/09/ ofw-group-calls-on-incoming-dutertegovt-to-scrap-abusive-policies/ _________, (2016) OFWS JOIN NATIONAL DAY OF ACION PRESSING PRES. DUTERTE TO RAISE WAGES TO P750 AND BAN CONTRACTUALIZATION Last Updated: October 7, 2016 Retrieved by: November 27, 2016 from https:// migranteinternational.org/2016/10/07/ ofws-join-national-day-of-actionpressing-pres-duterte-to-raise-wagesto-p750-and-ban-contractualization/ _________, (2015) 20 YEARS AFTER FLOR CONTEMPLACION’S DEATH, MORE WOMEN OFWS ABUSED, EXPLOITED AND ENSLAVED UNDER AQUINO’S TERM, Last Updated: March 5, 2015 Retrieved by: January 28, 2017 from https://migranteinternational. org/2015/03/08/20-years-after-florcontemplacions-death-more-womenofws-abused-exploited-and-enslavedunder-aquinos-term/ Galang, Darius (2017) BUHAY NI JENNIFER, BUHAY NG MIGRANTENG PILIPINO. Last Updated: March 16, 2017 Retrieved by: March 19, 2017 from http:// pinoyweekly.org/new/2017/03/buhayni-jennifer-buhay-ng-migrantengpilipino/


54

N

ananatiling malakas at patuloy na lumalakas ang presensya ng laksang magsasaka sa kanayunan upang maipahiwatig sa administrasyon ang pananatili at pag-usbong ng mga bagong porma ng pananamantalang pyudal ng mga panginoong maylupa at malalaking oligarkiya, at tahasang hinahamon ang administrasyon na solusyunan ito. Taong 1957 nang bilhin ni Jose Cojuangco Sr. ang Azucarera de Tarlac at Hasyenda Luisita sa TABACALERA , isang korporasyong Espanyol, na bumubuo sa 6,453 ektarya ng lupain at sumasakop sa 11 barangay. Nagmula ang pera sa pautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas at GSIS sa kondisyong ipapamahagi ang lupa sa mga manggagawang bukid pagkalipas ng 10 taon ngunit ilang taon na ang nakalipas mula noon ay hindi pa rin naipapamahagi ang lupain. Ilang administrasyon din ang nagdaan kasama ng kanilang mga repormang agraryo ngunit hindi natugunan ang tunay na repormang hinihingi ng mga magsasaka at manggagawang bukid ng Hasyenda Luisita at nagbunsod pa ng mga masaker sa mga magsasaka. Sa parte ng 159 na mga magsasaka sa Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (MARBAI), naglunsad sila ng okupasyon sa Mendiola noong ika-1 ng Mayo dulot ng hindi pagtalima ng Lapanday Foods Corporation (LFC) sa Writ of Installation ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael 'Ka Paeng' Mariano kung saan mailalagay ang mga magsasaka sa 159 ektaryang lupain sa Tagum City, Davao del Norte. Bilang isang 'multimillion

banana company,' interes ni dating Agriculture Secretary Cito Lorenzo ang pangalagaan ang kanyang mga 'Agribusiness Venture Agreements' (AVA) na lubusang nakahadlang sa pamamahagi ng lupain para sa mga magsasaka ng Lapanday. Umaalab na laban sa Asyenda Taong 1988, isang taon matapos ang masaker sa Mendiola ay naipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na ginagawang legal ang pagmamay-ari ng mga Cojuanco sa lupain samantalang tumanggap lamang ang mga magsasaka ng Certificate of Land Ownership o pag-aari ng lupa batay lamang sa papel, at ang tambiolo na sa kalaunan ay naging sanhi pa ng alitan sa kapwa magsasaka. Nakapaloob din sa CARP na ipagkakaloob sa mga manggagawang bukid ang Stock Distribution Option na nagsasaad na 4,915 ektaryang lupain ang idineklara ng Pamilya Cojuangco samantalang may kabuuang bilang ang lupain na 6,453 ektarya. Taong 2012 nang maglabas ng pinal na hatol ang Korte Suprema na nagtatakda sa pamamahagi ng Pamilya Cojuangco ng 4,915 ektaryang lupa sa mga manggagawang bukid ngunit lumipas na ang limang taon ay patuloy pa ring nakikibaka ang mga mangagawang bukid ng Hasyenda Luisita sa pagkakamit ng lupa. Kaalinsabay ng ikalimang taong anibersaryo ng hatol ng Korte Suprema na ipamahagi na ang lupain sa mga magsasaka, mahigit 6,200 mga manggagawang bukid na mga miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang nagtipon noong Abril 24 upang

ipanawagan ang pag-okupa at pagbubungkal sa lupaing dapat ay matagal na sa kanilang naipamahagi ng pamahalaan. Kolektibong winasak ng mga magsasaka ang bakod na humaharang sa lupain na inaari ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC). Ang 500 ektaryang lupain na pag-aari ng RCBC ay bumubuo sa 4,915 ektaryang lupaing nakasaad sa SDO. Bagaman hindi tuluyang napasok ng mga magsasaka ang loob ng mga lupaing inagaw ng RCBC, ipinanata nilang sila ay babalik upang mas palawakin ang okupasyon. Nag-aalab na pakikiisa sa MARBAI Nito lamang ika-9 ng Mayo dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampuhang protesta ng mga magsasaka ng MARBAI upang dinggin ang mga panawagan at hamon ng mga magsasaka na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at panindigan ang regulasyon ng pamahalaan hinggil sa pamamahagi ng lupa para sa laksang magsasaka. Ayon kay Rep. Ariel Casilao ng ANAKPAWIS batay sa opisyal na pahayag, ginagamit lamang ng angkan ng mga Lorenzo ang impluwensiya nila sa ekonomya at politika upang manamantala sa pamamagitan ng mga makaisang-panig na 'agribusiness agreements' na nagbubunsod ng malawakang pangangamkam ng lupain at pagpapalayas sa mga magsasaka at katutubo sa lupaing ansestral. Abril 18 at 21 nang paunang nagbaba ng Writ of Installment si Sec. Mariano, ngunit kahit ang mismong Philippine National Police (PNP) ay hindi tumugon sa responsibilidad nilang tulungan ang DAR

sa pag-install ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARB). Nagkaroon na ng insidente sa Lapanday kung saan nagkaroon ng pamamaril ng mga guwardiya ng LFC sa ARB noong Disyembre 12, 2016. Bunsod nito, nagbaba ang ANAKPAWIS ng House Resolution No. 634 upang maglunsad ng imbestigasyon ukol sa mga pamamaril na naganap noong Disyembre, at House Resolution No. 954 upang imbestigahan ang kawalang-aksyon ng PNP na tulungan ang DAR na maginstall ng ARB noong Abril 18 at 21. Ang dekadang pakikibaka ng magsasaka para sa pamamahagi ng lupa ay umabot na sa sukdulan; isang kongkretong kalagayan at resulta na sa kolektibong pagkilos ng mga magsasaka ay magagapas nila ang pagsasamantala ng mga panginoong maylupa at ang mga naghaharing uri. Sa pagkilos nakakamit ng mga magsasaka ang mithiing kaalinsabay ng inaasam na tunay na reporma sa lupa at tutulong sa pagpapaunlad ng sistema ng pagsasaka. Mismong kanayunan na ang kumakalag sa lipunang matagal nang nakagapos sa tanikala upang maipakita ang patuloy nitong lumalakas na hanay, sapagkat sa pagkilos at panawagan tunay na reporma mabibigyan ng hustisya ang mamamayan at mga magsasaka. Sanggunian: __________. (2017). Marbai farmers occupy Mendiola, ask Duterte for help. Mindanao Daily Mirror. Retrieved from: https:// mindanaodailymirror.com/marbaifarmers-occupy-mendiola-ask-dutertehelp-37266/ Retrieved on: May 10, 2017

_________. (2017). Southern Mindanao farmers encamped in Mendiola appeal Duterte to urgently resolve land case with oligarch Lorenzo clan. Makabayan. Retrieved from: http://www.makabayan. net/aggregator/sources/2 Retrieved on: May 10, 2017


55

MARBAI/

Luisita

Opensa ng Kilusang Mangbubukid laban sa Atrasado at Mapagsamantalang Pagsasaka Janine P. Solitario


56

WALANG METRO PAGBABAGO SA

Atrasadong Pagkaling ng Administrasyong Duterte sa Pribadong Sektor Jonelle C. Apolonio & Pearl Diance A. Centenio


57

transit, marami ang nakaabang at nagnanais kumita sa nasabing pampublikong serbisyo.

H

indi natuto ang administrasyong Duterte sa implikasyon ng pagkakaroon ng pribadong kompanya bilang pangunahing tagapamahala sa serbisyong panlipunan, partikular ang transportasyon sa Metro. Pinananatili ang mga kamalian sa panahon ni BS Aquino magpahanggangngayon kaya nananatili ang gobyerno bilang katuwang ng mga pribadong kompanya sa pagkamal ng tubo mula sa mga serbisyong nakalaan para sa mga mamamayan. Mainam na lunsaran ng trabaho ang pagkakaroon ng isang abanteng railroad system. Sa katunayan, mas nakagagawa ng maraming trabaho ang mga railroad system kumpara sa mga road construction (Agham, 2004). Bukod dito, mas nakatitipid ang gobyerno ng Php 54 bilyon, na ayon sa UP National Center for Transportation Studies ay nakababawi sa higit kumulang Php 1 bilyon kawalan sa Metro Manila o halos 1% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa dahil sa mabagal na daloy ng trapiko. Bunsod ng napakalawak na oportunidad na kayang ibigay ng mga railroad

Kumakaunti, ngunit nananatiling mga 'glitch' Nananatiling hamon para sa pagsasagawa ng mga imprastraktura ang taunang paglaki ng populasyon; taunan ding pagdami ng konsyumer. Sa pagdaan ng panahon, mas pinatutunayan ng patuloy na pagkakaroon ng kaso ng mga sira sa tren ng Light Rail Transit Station 1 (LRT 1), LRT2, Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR) ang kawalan ng sapat na pondo para sa pagsasaayos ng sistemang transportasyon. PhP 53.3 bilyon ang alokasyon sa badyet ng Department of Transportation (DOTr) mula sa National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2017, ngunit tila hindi ito nararamdaman ng mahigit 419,000 commuter sa arawaraw. Batay sa tala ng IBON Foundation, umaabot sa 25 glitches ang naiulat mula Enero hanggang Hunyo 2015, katumbas ng apat na glitches sa isang buwan. Bagaman sinasabi ni MRT Operations Director Deo Manalo na nababawasan ang bilang ng service interruptions at glitches (GMA News), nananatili pa ring malaki ang bilang ng service interruptions sa isang buwan (48 service interruptions noong Hulyo 2015 hanggang Hunyo 2016, ngayon ay 38 service interruptions noong Hulyo 2016 hanggang Marso 2017). Magpahanggang ngayon, ang mga tren ng PNR ay nananatiling luma at wala sa maayos na kondisyon. May ilang tren na mayroong sira-sirang pinto kaya nananatiling nakabukas ang mga ito habang umaandar ang tren. Bukod dito, napakamalapit nito sa mga banta ng aksidente. Kung gagamitin ang argumento ni Manalo na marami pa rin namang gumagamit ng tren sa kabila ng kabulukan nito, mas mayroong dahilan

sa inisyal na 7,200 sqm. na proyekto, naging 13,700 sqm. ang kabuuang laki nito sa lugar na paggaganapan ng konstruksyon. ang administrasyon na ayusin ang serbisyo ng LRT/MRT bilang tugon sa patuloy na pagdami ng mga tumatangkilik sa serbisyo. Walang kabuluhang 'konstruksyon' Maituturing na double whammy ng mamamayan ang arawang pila sa mga istasyon ng tren at implasyon o pagtaas ng halaga ng pamasahe at gastusin ng gobyerno sa mga proyektong sagutin ng pribadong sektor. Walong taon ang iginugol ng pampubliko at pribadong sektor sa kasunduan para sa MRT-LRT Common Station na naglalayong magtayo ng isang istasyon na maguugnay sa linya ng MRT-LRT sa dalawang mayoryang establisyimento sa Quezon City— SM North EDSA na pagmamay-ari ni Henry Sy at TriNoma malls na pagmamayari ng kompanyang Ayala. Bagamat kinwestyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez noong Enero 2017 ang sobrang laki ng gastusin ng gobyerno para sa proyekto (dagdag pa ang porma nitong nakasentro sa pribadong mga kompanya ang mga ari-arian), pinirmahan at pinagkasunduan ito noong Enero 18 nina DOTr Secretary Mark Tugade, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Light Rail Transit Authority (LRTA) mula sa pampublikong sektor, kasama sina Hans Sy ng SM Prime Holdings Incorporated, Ramon Ang ng San Miguel Corporation at Jaime Augusto Zobel de Ayala ng North Triangle Depot Commercial Corporation ng pribadong sektor. Sa halagang Php 2.8 bilyon maitatayo ang Common Station simula Disyembre 2017 hanggang Abril 2019. Dumoble ang halaga nito mula sa huling pag-uusap noong 2009 sapagkat mula

Sa pormang ito, tila pinilahan ng mga pribadong sektor ang pagkakataong magkamal ng malalaking kita sa serbisyong pampubliko dulot ng pangunahing layon nitong itaas ang market ability ng bawat kompanya sa bentaheng maidudulot ng Common Station. Ginagamit lamang nila bilang pronta ng pakikiisa sa gobyerno ang pagpondo sa serbisyong pampubliko, ngunit sa katunayan ay tubo at ganansya lamang ang tangi nitong interes. Hindi nito naisasaalangalang ang maaaring maidulot na pasakit sa mga commuter sa pagtatayo ng Common Station. Batay sa panayam ng Rappler kay Chairperson Terry Ridon ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) noong Enero 2017, malaki ang mawawala sa sahod ng mga manggagawa dulot ng matagal na oras sa biyaheng transit, kaya kinakailangang isaalang-alang ang magaang porma ng transportasyon. Pinakamainam na magagawa umano ng gobyerno ay pondohan ang pagkakaroon ng istasyon ng tren na mag-uugnay sa tatlong mayoryang istasyon sa Metro Manila: ang LRT1, LRT2 at MRT. Taktika ng Nasyunalisasyon tungong Pambansang Industriyalisasyon Sa panahon ng kampanya ni Pangulong Duterte bilang pangulo, nangako siya ng 30 hanggang 50 coaches para sa MRT3 at ang konstruksyon ng bagong mga riles na mag-uugnay sa Maynila, Bicol, Batangas, kasama ang isa pang railroad transit para sa Mindanao. Lalabo ang posibilidad na matupad ang mga pangakong ito kung mananatili ang administrasyon na nakadepende sa pampribadong kompanya para sa pamamahala sa transportasyon. Sa halip na sundin ang dikta ng mga dambuhalang

negosyante sa bansa, kagyat na pangangailangan ang pagkakaroon ng distribusyon ng serbisyong transportasyon sa antas-nasyunal, nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataon ang bansa para pagtatatag ng pambansang industriyalisasyon sa pamamagitan ng paggamit sa railroad transit systems bilang makinarya ng ibayong pagpapaunlad ng produksyon. Pagkakataon ito para sa pangulo na baguhin ang pihit ng pagseserbisyo nito sa publiko. Kinakailangan ng administrasyon na matuto sa kasaysayan ng mga pribadong relasyon at ang pagsasamantala nito sa sambayanan. Kung maligaw man, nariyan ang laksang mamamayan na handang ipaalala sa pangulo ang responsibilidad nitong pagsilbihan ang kagustuhan ng nakararami, sa pamamagitan ng samasamang pagkilos. Sanggunian: Macalalad, K. (2016). ‘Buwis Buhay’ | Six years of mishaps, state neglect of railway system. Bulatlat.com. Retrieved from: http://bulatlat.com/ main/2016/06/22/buwis-buhay-sixyears-of-mishaps-state-neglect-ofrailway-system/ Retrieved on: April 14, 2017 Roxas, J. (2017). MRT exec says train operations, ridership improved despite frequent glitches. GMA News. Retrieved from: http://www. gmanetwork.com/news/story/605657/ money/companies/mrt-exec-says-trainoperations-ridership-improved-despitefrequent-glitches Retrieved on: April 14, 2017 Agua, J. (2015). Lumalalang serbisyo ng MRT at LRT. Pinoy Weekly. Retrieved from: http://pinoyweekly.org/ new/2015/07/lumalalang-serbisyo-ngmrt-at-lrt/ Retrieved on: April 14, 2017 Dela Paz, C. (2015). PH's PP Thrust: Work in Progress. Rappler. Retrieved from: http://www. rappler.com/business/industries/ infrastructure/99616-ph-ppp-projectsdelays-risks-competitiveness Retrieved on: April 14, 2017 Dela Paz, C. (2017). Senators convinced 'best location for achieved for MRT-LRT Common Station. Rappler. Retrieved from: http://www. rappler.com/business/industries/ infrastructure/147475-lrt-mrt-commonstation-sm-north-trinoma-dotr Retrieved on: April 14, 2017


N

58

egosyo sa Pampublikong Serbisyo Pagsipat sa Kapitalismo sa Pamayanang Ospital

P

ito sa bawat 10 pasyente ay namamatay nang hindi man lang nabibigyan ng medikal na atensyon bunga ng kahirapan,” ayon kay Robert Mendoza, tagapangulo ng Alliance of Health Workers (AHW).

Para sa kalakhang mamamayan, malaking bagay ang pampublikong serbisyo na nagmumula sa gobyerno. Isang halimbawa rito ang araw-araw na naitatalang 2,000 in-patients at out-patients ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (Alliance of Health Workers, 2016)-ang pangunahing pampublikong paanakan sa bansa. Tinatayang 20% ng mga sanggol mula sa Metro Manila ay ipinapanganak dito. Kulang sa angkop na pasilidad, kakulangan sa kailangang kagamitan at tamang serbisyo; ilan lamang iyan sa mga problemang kinahaharap ng isang pampublikong institusyon sa kabila ng mahabang panahon ng pagbibigay nito ng serbisyo sa masa. Depektibo Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay porma ng benepisyo para sa mga miyembro na nagbabayad ng kontribusyon sa pampubliko o pampribadong ospital. Sa bagong patakaran na “case and per-case payment,”

mayroon lamang “fixed rate” na sasagutin ang PhilHealth sa kabuuang bayarin ng mga pasyente. Alinsunod ito sa “No Balance Billing” na may layuning maiwasan ang labis na paniningil ng mga doktor at ospital. Naaayon ito sa Republic Act 10606 o ang National Health Insurance Act of 2013. Isa sa sakop ng NBB ang mga miyembrong nagbabayad ng “premium contribution” na nasa pampublikong ospital. Ngunit kung nasa pampribadong ospital, hindi na ito saklaw ng PhilHealth Circular no. 3, s. 2014 kung saan kapag pinili ng pasyente ang mga operasyong hindi sakop ng naturang polisiya ang kanyang bayarin, maaaring mabawasan ang pribilehiyong tinatamasa. Ayon sa Philippine Institute for Developmental Studies (PIDS), hindi sumasapat ang bagong patakaran ng PhilHealth sa “case rates” para matugunan ang gastusin ng isang pasyente. Nagkakaroon ng “remaining balance” ang pasyente kung ang kinakailangan niyang tulong-medikal ay hindi sakop ng nasabing insurance; madalas ay umaabot ito sa matataas na halaga. Isang halimbawa nito ang pagsailalim ng pasyente sa normal delivery at cesarean delivery ng sanggol. Dahil hindi saklaw ng PhilHealth ang cesarean delivery (alinsunod sa

Ma. Lourdes Clarita Espiritu case per case payment), pasyente ang magbabayad ng karagdagan. Sa ganitong sistema, hindi malayong mabaon pa rin sa utang ang ilang mga pasyente. Negosyo sa likod ng serbisyo Ang “modernization plan” ng DOH ay may mandato na sumailalim sa patakarang Public-Private Partnership (PPP) ang mga pampublikong institusyon tulad ng ospital. Ngunit ayon kay Sean Herbert Velchez, miyembro ng Health Alliance for Democracy (HEAD), kinikilala ng konstitusyon ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at dapat ang pondo rito ay para sa publiko, hindi “privately run and privately Funded”. Isang magandang halimbawa nito ang pagkontra ng Philippine Orthopedic Center sa pribatisyon. Batay sa pamunuan ng Fabella, maibibigay ang karampatang serbisyong medikal sa pasyente sa pagpapasailalim sa “modernization plan” ng Department of Health (DOH). Aayusin at pagagandahin ang mga pasilidad na napaglipasan ng mga nagdaang administrasyon, daragdagan at papalitan ang mga kagamitang niluma na ng panahon. Ngunit ipinaliwanang ng Secretary General ng

HEAD na si Dr. Joseph Carebeo na “...pinipigilan ng neoliberal na polisiya tulad ng pribatisasyon korporatisasyon ng mga pampublikong ospital ang pagkakataon na makamit ng mahihihirap na Pilipino ang “full access” sa serbisyong (pangkalahatan)”. Sa ganitong porma, hindi na kailangan pang gumastos ng gobyerno sa serbisyong pampubliko at may pagkakataon ng kumita nang mas malaki ang mga korporasyong hahawak sa proyekto. Hudyat ito ng posibleng pagtaas ng mga bayarin (ospital man o maging sa kontribusyon sa PhilHealth). Aksyon at Alternatibo Mula sa rehimeng BS Aquino hanggang sa administrasyong Duterte, patuloy na nananawagan ang sektor ng manggagawang pangkalusugan sa pagtaas ng sahod, makatarungang benepisyo gayundin ang pagsasaayos sa sistemang pangkalusugan na tutugon sa hinihiling na “socialized distribution” ng mga serbisyo kung saan lahat ay mabibigyan ng tulong at walang diskriminasyon sa estado ng pamumuhay ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan. Dahil sa pagkapit ng pamahalaan sa mga pribadong korporasyon,

nakokompromiso ang mga serbisyong dekalidad na abot-kaya para sa pangkaraniwang mamamayan. Nananawagan ang krisis sa kalusugan ng sama-sama at kolektibong pagkilos upang iparating sa taumbayan at sa may mga kapangyarihan ang panawagang magkaroon ng mga programang pangkalusugan para sa lahat at mabigyang-pansin ang mga problemang nakaaapekto rito. Ang tuluyang pagputol sa ugnayan ng gobyerno at ng mga mapagsamantalang korporasyon ang magbibigay daan sa pagbasura sa mga kasunduan na humahadlang sa serbisyong dapat matamasa ng karaniwang mamamayan. Sanggunian: _______(2016).Fabella Hospital closure and Privitization undermining mother and child care.Nakuha noong Agosto 12,2016 sa http://ibon. org/2016/06/fabella-hospital-closureand-privatization-undermining-motherand-child-care/ _______(2014).PhilHealth No Balance Billing.Nakuha noong Marso 20, 2017 sa https://www.philhealth.gov.ph/ circulars/2014/circ03_2014.pdf Magat, C.(2016).Health workers day sinalubong ng protesta.Nakuha noong Agosto 14,2016 sa http://pinoyweekly. org/new/2016/05/health-workers-daysinalubong-ng-protesta/ Umil, A.M.D.(2016).Fabella hospital offices to transfer to Quezon City on Oct. 3.Nakuha noong Oktubre 08,2016 sa http://bulatlat.com/ main/2016/09/29/fabella-hospitaloffices-transfer-quezon-city-oct-3/


59


60

Ang Mamatay nang dahil sa’yo Jules Angelica E. Marcelo Amihan teacherjules@yahoo.com

K

ailangan pa bang may magpakamatay para lang may umaksyon sa hindi makataong pinaparanas sa amin ng OBTEC?” –entry sa The PNU Diaries

Sa ikatlong taon ng implementasyon ng OutcomesBased Teacher Education Curriculum (OBTEC), higit na umiigting ang pagod at hirap na nadarama ng PNUans. Hindi na nakapagtataka na sa The PNU Diaries, ang kinikilalang online arena ng mga saloobin ng mga PNUans, ay patuloy na dumarami ang entries ng mga mag-aaral na nagpapahayag ng kawalan ng pag-asa at panghihina ng loob na umabot pa sa usapin ng pagpapakamatay kapalit ng pangarap na maging guro ng bayan sa hinaharap. Pangunahing idinaraing ng mga mag-aaral ang mabilis na pagpapalit ng mga aralin sa loob ng iskemang trimester. Kung susuriin, hindi sapat ang nakalaan na tatlong buwan ng pag-aaral upang makatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na kumukuha sa bawat termino ng mga kursong aabot sa 27 units. Sa katunayan, nagbubunsod ang mabilis na transisyon ng mga aralin sa lubusang pagkawala ng mastery ng mga mag-aaral sa paksa (Lawson at Askell-Williams). Sa Independent Learning at pagpasa ng mga requirements nakasentro ang oryentasyon ng OBTEC kung saan nabibigyan ng napakaraming workload ang mga mag-aaral. Sa huli, pilit na ikinakalakal ang mga mag-aaral upang matugunan ang makadayuhang pangangailangan— hindi maitatangging porma ng neoliberalismo. Kapansin-pansin ang paglobo ng mga problema, hindi lamang sa pang-akademikong gawain kundi maging sa kabuuang pagkatao ng mga mag-aaral. Sa loob ng pamantasan, naging matunog ang usapin tungkol sa pagbibigay ng limitadong majorship (Bachelor of Science Education with Specialization in Physics, Bachelor of Mathematics Education, Bachelor of Mathematics and Science Elementary Education, Bachelor of Early Childhood Education) sa mga Freshmen students. Ayon kay Miel David Antonio Ochoa, Pangulo ng Freshmen Committee, huli na noong naabisuhan sila tungkol sa limitadong majorships para sa mga papasok na freshmen. Ang naging tugon ng pamantasan upang mabigay ang kagustuhan ng mga ito ay gawing certificate programs ang mga in-demand

na majorship na bubuksan sa bakasyon, ngunit hindi ito praktikal dahil dagdag gastos ito para sa mga mag-aaral na pinaghihirapan ang pinang-aaral sa bawat termino. Bagaman maraming kontradiksyon, hindi nagpadaig ang mga Freshmen at patuloy na ipinaglaban kung anong nararapat nilang makamit. Gumawa ng aksyon ang Freshmen Committee para mabuksan ang nais idagdag na dalawang majorship (Bachelor of Arts Major in Literature, Bachelor in Physical Education) sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng Manifesto ng Pagkakaisa. “We have the rights to academic freedom. Let us exercise our rights. Dahil may kababaan ang student involvement dito sa PNU, I encourage everyone, not just the Freshmen students, to know their rights.” paalala ni Ochoa. Sa kabila ng pagsusumikap na malagpasan at malabanan ang hirap na dulot ng umiiral na kurikulum, hindi maiiwasang may iilan pa ring mag-aaral ang pinanghihinaan ng loob at mapag-iisipang tumigil na lamang sa pag-aaral, lumipat ng eskwelahan, o di kaya’y kitlin na ang buhay sapagkat hindi na makatao ang patuloy na isinusubo sa mga mag-aaral na makadayuhang edukasyon. Sabay na pinapatay ng OBTEC at iskemang trimester ang kalidad ng edukasyon sa pamantasan. Kung magpapatuloy ang ganitong sistema, lilihis ang pamantasan sa layon nitong maghulma ng magagaling na guro para sa bayan, at sa halip ay magigiing makinarya ng malalaking dayuhang bansa sa pag-eksport ng guro. Sa katotohanan, walang perpektong kurikulum. Ngunit dapat siguraduhin na ang ihahaing kurikulum sa mga mag-aaral ay lapat sa kung ano ang aktwal na pangangailangan, kakayahan at kagustuhan. Hindi dapat hayaang kitlin ng nakamamatay na kurikulum ang pagtataguyod ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong edukasyon na makatutugon sa pangangailangan ng bayan, bagkus ay mas kailangan nitong ibalangkas ang disenyo ng kurikulum na may layong pagsilbihan ang mga mamamayan at itaguyod ang diwang makabayan.


61

Hugotscope Mga Hugot ng Kasawian sa Loob at Labas ng Pamantasan

Gemini (Mayo 21 – Hunyo 21) Mamalasin ka ngayong 2017 dahil lahat ng paplanuhin mo ay hindi matutuloy. Hindi pa Arts Month para dibdibin ang pagdodrawing. Dadaan ka sa maraming pagsubok pero huwag kang susuko. Laban lang! Maswerteng gamit: Paint Brush Cancer (Hunyo 22 – Hulyo 23) #WalangForever. Huwag ka nang umasa na mamahalin ka pa rin niya. Ipinagpalit ka nga niya sa iba, ‘di ba? Ang sakit lang kasi, bes. Parang #CommencementExercises2017 lang ‘yan, mawawala na ang tradisyon kay Inang Pamantasan kasi #RoadToPICC na. Wala nga talagang forever sa pag-ibig pati na rin sa pagtatapos kasama si Inang P. Kahit anong pilit na makasama, pilit ding ipinaglalayo ng tadhana. Maswerteng tao: Walang lovelife Leo (Hulyo 23 – Agosto 23) Mahal ka niya ngayon pero bukas hindi na. Hindi mo naman kasi nilinaw sa kanya, e. Na-misinterpret mo na naman ang mga sinabi niya. Lagi na lang kayong hindi nagkakaintindihan kasi sabi ng Malakanyang, mali ang pagkaintindi mo sa salitang ‘mahal’-- bilang kaibigan lang pala at hindi jowa! Check the label! Maswerteng inumin: Nido Fortified Virgo (Agosto 24 – Setyembre 22) Mapapatanong ka na lang ng “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?” dahil mahuhuli mo ang jowa mo na may kasamang iba sa Luneta. Pero bago mo itanong ‘yan, manalamin ka muna at maglagay ng no make-up make-up look para hindi ka mapahiya kapag nagtanong ka. Diyan naman tayo magaling, e. Sa pagtatago ng katotohanan. Maswerteng kulay: Itim Libra (Setyembre 23 – Oktubre 22) Uso naman ang agawan ngayon ‘di ba? Mag-ingat ka dahil baka maagawan ka ngayong taon. Materyal na bagay man ito, jowa, asawa, anak, o kung ano-ano pa. Palaging nandiyan ang China este mga mang-aagaw para ariin ang hindi naman kanila. Kulang na lang ay angkinin pati ang mundo. Maswerteng Lugar: Pluto Scorpio (Oktubre 23 – Nobyembre 22) “Bes, pack up na! May nanalo na!” Makakahanap ka ngayong 2017 ng pwedeng kasintahan ngunit mapili at mahigpit siya kaya hindi kayo magkakatuluyan. Marami siyang ipagbabawal lalo na sa pananamit mo. Ika nga niya, nagbago na siya, hindi na siya ‘yung dating tao na nakilala mo kaya huwag na kayong maglokohan. Wakasan na ang lahat bago pa tuluyang masimulan. Mahirap ‘yan! Maswerteng baraha: Joker Sagittarius (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang Disyembre mo’y magiging malamig. Mapapabilang ka sa

Samahan ng Malalamig ang Pasko (SMP). Pero kahit na wala kang ka-forever, ipokus mo na lang ang iyong atensyon sa pag-aaral at abutin ang pangarap hanggang maging ‘Ph.D’ o PangHabambuhay na Dalaga! Biro lang! Maging guro ka ng bayan at patuloy na maglingkod sa masa. Sabi nga ni Lola Nidora, maghintay ng tamang panahon. Maswerteng numero: 70 Capricorn (Disyembre 22 - Enero 20) “Pinagtagpo kayo ng tadhana pero hindi itinadhana sa isa’t isa.” Ganito ang linyahan ng mga may ganitong zodiac sign. Parang OBTEC lang, pilit na isinubo sa mga magaaral kaya pilit din ang pagkatuto. Kaya sa huli, walang tulog at depressed ang mga estudyante. Ang masakit pa, napipilitang lumipat sa ibang pamantasan matakasan lang ang itinadhanang OBTEC. Itinadhana kang mag-aral sa PNU pero ang kurikulum naman ang karibal mo. Maswerteng kaibigan: Kopiko 78 (Kasama mo sa pagpupuyat) Aquarius (Enero 21 – Pebrero 19) Bes, maiinlab ka sa isang lalaki na lalaki rin ang gusto. Masakit umasa na mamahalin ka rin niya dahil iba nga ang mahal niya. Gayunpaman, suportahan natin siya, #LoveWins ika nga nila. Masuwerteng kulay: Berde (dahil berde rin ang dugo ng iibigin mo! Charot!) Pisces (Pebrero 20 – March 20) Okay lang na walang lovelife dahil KDrama is life, bes! Pero hinay-hinay lang sa pagpupuyat, hindi mo ikamamatay kung matatapos mo ang 20 episodes niyan sa loob ng isang linggo. Huwag mong hintaying sa ospital ka dumiretso. Maswerteng letra: E at R Aries (Marso 21 – Abril 19) Magiging suwerte ka sa pera ngayong taon. Bubuhos ang pera mula sa iba’t ibang tao. Makakabili ka ng sariling bahay, lupa at kotse. Pero kailangan mong mag-ingat sa kukuhaning drayber. Darating ang panahon na ikakanta ka niya, sasaktan, iiwanang luhaan at duguan. Mala-Leila De Lima at Ronnie Dayan ang love story niyo. Maswerteng kulay: Lila Taurus (Abril 20 – Mayo 20) Maswerteng kulay sa’yo ay pula. Dahil pula ang kulay ng pag-ibig at rebolusyon. Makikita mo ang iyong forever sa rally. Kapakanan nga ng kalakhang Pilipino kaya niyang ipaglaban at ipagsigawan, relasyon niyo pa kaya? Magmahal ka ng tunay na aktibista, hindi lang sa bayan loyal kundi pati sa taong minamahal! Maswerteng lugar: Mendiola


62

John Thimoty A. Romero, Punong Patnugot; Kaye Ann I. Oteyza, Patnugot sa Pamamahala; Joseph Victor D. Deseo, Kawaksing Patnugot sa Pamamahala; Jimnoel C. Quijano, Patnugot sa Balita; Airalyn Gara, Patnugot sa Lathalain; Cedric T. Bermiso, Patnugot sa Panitikan; Louriel M. Danseco, Patnugot sa Pananaliksik; Jules Angelica E. Marcelo, Patnugot sa Isports;Vincent Anthony V. Abrenio, Juvilee Ann V. Ausa, Daniella Andrea R. Bustillo, Yhunice G. Carbajal, Lexter A. Castro, Pearl Diane C. Centeno, Ma. Lourdes Clarita B. Espiritu, John Carlos D. Evangelista, Sofia Loren C. Golloy, Ronalyn H. Gonzales, Angelica C. Latac, Marc Conrad I. Manaog, Jennifer Mendoza, Jerome N. Morales, Erving P. Sinaking, Janine P. Solitario, Istap; Allyza Ann F. Abenoja, Jonelle C. Apolonio, Angelito Artista, Enrico Norman G. Balotabot, John Gabriel L. Cabi-an, Ma. Veronica Carabuena, Dhriege T. Castillanes, Clark John R. Cortes, Precious G. Daluz, Danielle L. Diamante, Crissalyn Joy A. Dionisio, Riza Anysius Fetalvero, Inah Marie I. Gicanal, Joanna Galano, Christian Gregorio, Jessie Guevarra, Al Jireh C. Malazo, Kamila Beatrice Miranda, Veronica Nepomuceno, Cheryloize Ocido, Danielle Samantha Quinto, Mark Angelo Ramos, Joanna Marie Yumang, Korespondent; Joshua T. Veluz, Puno ng Arts and Media Team; Denielle M. Galo, Lyn D’ Amor M. Macabulit, Urek T. Pondare, Vienna Antoniette M. Tungal, Arts and Media Team; Sarah C. Butad, Retratista; Apple Marie Bueno, Taga-anyo; Prof. Joel Malabanan, Kritiko sa Filipino; Prof. Victor Rey Fumar, Kritiko sa Ingles at Tagapayong Teknikal

p


k r in you n e p s er v e e e h t opl 63


64


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.