The Spectrum Magazine April 2014

Page 56

history

NGUMITI KA LANG Sino ang mag-aakalang ang isa sa mga pinakamasayang pagdiriwang sa buong Pilipinas ay buhat sa isang trahedya? BY: JISSON C. YALONG | PHOTO TAKEN FROM THE INTERNET

P

agpatak ng mga unang araw ng Oktubre, marami sa atin ang abala sa pag-iisip kung saan tayo maglalakwatsa, pag-iipon ng pera upang makasakay sa mga rides na itatayo sa peryahan maapit banda doon sa reclamation area, at paghahanda ng mga paninda at mga pakulo na pwedeng pumatok at kumita ng limpak-limpak na pera pagsapit ng piesta. Samu’t saring mga tao ang nagsisipugay, matanda man o bata, negosyante man o tagatinggi lamang, lahat ay nakaabang, sa muling pagsiklab ng apoy ng kasiyahan sa pagdating ng MassKara festival sa Bacolod. Ang selebrasyong ito, at ang mga ngiti na nagniningning sa kagandahan na makikita sa mga 56 April 2014 THESPECTRUM

maamong mukha ng mga tao sa syudad ang mismong nagbigay sa lungsod ng natatanging katauhan bilang “City of Smiles”. Pero sa kabilang dako ng mga libro ng kasaysayan, ang mga tinaguriang magulang ng pinakamakulay na piesta sa bansa ay sina kalungkutan at Kasawian. Ang konsepto ng MassKara Festival ay nagmula sa isang karumaldumal na trahedya noong dekada ’80, ang paglubog ng barkong Don Juan na kumitil sa buhay ng maraming Bacolodnon, na inambagan pa ng pagbaba ng presyo ng asukal, na nagdulot noon ng kahirapan sa buong lungsod. Ito’y mahahalintulad sa knock-out punch ni Juan Manuel Marquez kay Manny Pacquiao-

ang pagtumba sa buong City of Smiles, at ng mga karatig nitong munisipalidad. Dapit hapon ng Abril 22, 1980, isa sa mga kinahahangaang barko ng Negros Navigation na may enggrandeng akomodasyon at mala-raceboat ang bilis, ang MV Don Juan, na naghandang lumayag papuntang Negros galing Maynila. Dala-dala niya ang maraming mga mahal at mahahalagang bagay tulad ng mga bagong sasakyan at mga biniling paninda ng mga negosyante mula Maynila. Nakasakay rin dito ang 1,078 katao na kinabibilangan ng mga turista, mga tagaprobinsya, mga estudyanteng pauwi para sa bakasyon, at mula sa mga unibersidad sa Luzon.

Lahat ay tuwang-tuwa sapagkat makakauwi na sila sa kanilang mga tahanan at makikita na nilang muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Pagkagat ng dilim, swabeng naglalakbay ang Don Juan sa Tablas Strait ng Romblon. Ang ibang mga pasahero ay mahimbing na natutulog, habang ang iba’y nakikipagsalamuha sa mga biyahero at nag nagagalak sa magaganda at magagarbong party na nagaganap sa loob ng barko. Subalit sa isang iglap, binangga sya ng M/V Tacloban, isang oil tanker ng PNOC (Philippine National Oil Company) na bumutas sa kaliwang bahagi nito. Dali-daling rumagasa ang tubig sa loob ng barko, at pagkatapos


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.