Dagway
JULY 2016
“Memellennials” Ni Hezron G. Pios| Dibuho ni Shara Mae L. Pelayo
“Bes, wait lang. Luh, don’t me. Monday na naman? Pak ganern!” Marahil ay parati mong naririnig at nasasaksihan itong mga palaboy-laboy na mga linya (idagdag mo pa ang mga larawang may kuwelang pamagat) sa iyong social media accounts, lalonglalo na sa malawakang daigdig ng Facebook at Twitter. Ngunit hindi lamang ang wika ang labis na nadadawit sa mga hashtags at usong mga usapin— kahit ang sining ay nagiging patok na rin sating mga netizens. “Nakakatawa syempre. Positibo naman ‘yung epekto para sa’kin kasi nilalantad ‘yung Pinoy na sining at ito naman ang ibinibahagi. Nababawasan din ‘yung stress ko sa gawaing pangpaaralan at nakikilala ko kung sinu-sino ‘yang mga nasa memes kasi ang ilan sa kanila ay mga tanyag na Pilipino. Parang bagong paraan na rin ‘to para matutunan ang Filipino History,” sabi ni Giallie Pasculado, isang mag-aaral sa Riverside College. Isa si Giallie sa mga netizens at millennials na mahilig mag-share ng kahit anong nakakaaliw o usong posts na lumalabas sa kanilang timeline. Bukod dito, ang mga kumakalat na mga viral ‘memes’ (mga ideyang ipinapalaganap sa pamamagitan ng World Wide Web na maaaring nasa anyo ng isang hyperlink, bideyo, larawan, website, hashtag, salita o parirala) ay napapabilang sa kolokyal at balbal na mga antas ng wika sapagkat mali ang pagbabaybay at halata ang pag-iiba sa tunog kumpara sa orihinal na anyo ng mga salita.
Ang PH Classical Art Memes naman ay isang tanyag na Facebook page kung saan ang mga larawan o gawa ng mga kilalang pintor at iskultor ay nilalagyan ng mga twists o nakakatawang paglalarawan upang gawing mas interesado at relatable sa mga likers nila, lalo na sa mga estudyanteng halos bente kwatro oras na gumagamit ng Facebook. Mayroon ding pagkakataon na ang bayaning si Apolinario Mabini ay inilarawan sa pamamagitan ng lyrics ng kantang Thinking Out Loud, “When your legs don’t work like they used to before.” Samantala, ang bantog na Spoliarium ni Juan Luna ay dinikitan ng mga salitang, “Bigwasan na lang.” “Yoko na beh.” Maliban kina Mabini’t Luna, nasangkot na rin pati ang Ama
ng Katipunan, “Si Bonifacio ka ba? Kasi I wanna Andres you.” at kahit si Jose Rizal na kahit “pambansang bayani pero nasa piso lang.” Kadalasan, ang sense of humor ay nakasisira dahil na rin sa mapanlait nitong konotasyon at di-kagandahang implikasyon. Ngunit ito nga ba ang perpekto’t wastong paraan ng pasasalamat natin sa mga taong nagbuwis at naglaan ng kanilang mga buhay para sa kalayaa’t kinabukasan ng Inang Bayan? Matutuwa kaya sina Mabini, Luna, Bonifacio, Rizal kapag nagkaroon sila ng Facebook at Twitter accounts at natuklasan nilang pangkatuwaan o usapangbalbal na lamang ang kanilang reputasyon sa modernong Pilipinas? Sa sobrang pagkagusto ng mga Pinoy netizens na ipakalat ang mga natatanging obra maestro o handog ng mga manlilikhang Pilipino sa social media, nababawasan nito ang kanilang halaga o artistic value. Para makaramdam lang ng panandaliang ‘good vibes’, nilalangat nila ang respeto’t konsiderasyon para sa manlilikha’t sa kanilang nililikha upang makasabay lamang sa kung anuman ang nasa uso. Gayunpaman, ang teknolohiya pa rin ang nangungunang kasangkapan sa pagbabahagi ng kanya-kanyang sentimyento, gaano man ito nakakabuti o nakakasira, sa pangkasulukuyang panahon. Binansagan na rin ito ng mga eksperto bilang “Digital Age.” Dahil sa digital age, untiunting nawawala sa pokus ng mga kabataan ang importansya ng pagbabasa, simpleng pananaliksik, at ang pagka-
mausisa sa mga bagay-bagay. Samakatuwid, napakadali silang mabiktima ng mga misleading news, hoaxes at black propagandas lalo na tuwing kapanahunan ng eleksyon. At marahil kung bubudburan pa ng kahit kaunting rekado ang mga ipinapahayag sa social media, basta kapani-paniwala lang, kakagat at kakagat pa rin itong mga netizens o Millennials na tinatamad nang manaliksik kahit ‘yung paborito nilang kasangga na si Google ay isang pindot lang nila’t nandiyan na agad. Nahahasa ang katamaran ng kabataan kung hindi wasto ang pagkakagamit nila sa silbi ng teknolohiya. Sabi nga ni Paulynn Sicam (The Philippine Star), “Saan ba nila kinukuha ang mga delusyonal nilang mga ideya? Hindi dahil sa pagbabasa ng mga malalalim na mga artikulo dahil, sa pangkalahatan, hindi sila mahilig sa mga libro, ngunit marahil mula sa mga memes—mga larawang mensahe na nagpapasimple sa isang komplikadong ideya bilang isang kaakit-akit na biswal. Ang mga memes ay ang lengguwahe na ng kampanya ngayong araw.” Wika, sining at iba pang mga usaping “ediwow” para sa modernong henerasyon ang nais na ipagpatuloy ng hukbo ng kultura at edukasyon sa bansa upang mapuksa hangga’t maaari ang kamangmangan sa bawat isa sa atin. Ngayon, tanungin mo ang iyong sarili: Tanging isang patok na meme o usong hashtag na lang ba ang parating mag-uudyok sa kung paano ako umunawa, pumuna, lumikha, at pumili ng sarili kong mga desisyon?
Katuwang sa Mainit na Klima
Ni Ma. Lore P. Prado at Hezron G. Pios | Dibuho ni Glen Jed Descutido
Init, dulot ng pagtaas ng temperatura. Kung susuriin, hindi na mapipigilan ang paginit ng paligid. Nakatirik na araw, nagdudulot ng matingkad na ilaw at nakakapasong epekto sa ating mata’t balat, ay pilit tinatakasan sa pagpunta sa mga malililim na lugar. Naghahanap ng maaaring gawin ngunit nariyan na si “Antok” at nararapat lamang na pansinin mo ang kanyang pagdating. Pagtatak ng hapon, hindi mo mapipigilan ang unti-unting pag-
iglip ng mga mata. Naghahanap ng pwestong pwedeng higaan ng bumibigat na katawan. Oras tila’y tumitigil sa iyong paghiga; katawa’y nagmimistulang halamang makahiya sa paggalaw at nawawalan ng lakas. Sa sarap ng pag-ihip ng hangin, parang dinuduyan ang pakiramdam. ‘Di mo na namalayan na ika’y mahimbing na nagpapahinga. Paano nga ba sulitin ang maikli mong pag-idlip? Ito ang napakahirap bigyan ng sagot dahil habang tulog ka ay hindi mo alam ang nangyayari. Para sa iba ay simple lang: mag-isip muna bago matulog. Tandaan itong
limang simpleng tips upang makatulong sa pagsulit ng iyong siesta. Madaling bilangin, madaling gawin. Planuhin ng mabuti ang mga posibleng mangyari dahil maraming pwedeng makasira sa iyong pagtulog. Anu-ano nga ba ang mga sagabal at paano mabibigyan ng lunas ang mga ito? Una, isipin ang mga gawaing kailangan mong tapusin. Lahat ng tao ay may mga responsibilidad na kailangang gampanan. Ang mga gawaing ito ay naaangkop na tapusin upang sa pagtulog mo’y walang manggagambala sa’yo kundi mga positibong bagay lamang. Isulat sa papel o maglagay ng paalala sa anumang gadget upang walang pagsisisi sa sarili ‘pag nasobrahan sa pagtulog. Ikalawa, alalahanin ang mga masasayang gunita sa iyong buhay, iwasan ang pag-iisip sa mga problema at mga gawaing nagbibigay ng negatibong bunga. Kung bagsak ka sa iyong pagsusulit, ‘wag mo nang damhin nang masyado— idaan mo na lang ‘yan sa panaginip na may “forever” kayo ng crush mo. Minsan sa sobrang antok at pagod, mas madali tayong dalhin ng ating mga emosyon kaya ugaliing tandaan ang mga mabubuting pangyayari para
happy lang, walang sad. Ikatlo, huwag bigyan ng limitasyon ang iyong pagtulog, isantabi muna ang mga maiingay na bagay. Kahit sapagtulog, ‘sky’s the limit’ pa rin. Huwag masyadong i-pressure ang sarili na bigyan ng time limit ang pag-iidlip. Ngunit hindi ibig sabihin nito’y parati ka na lang maghahanap ng dahilan para makatulog. May oras para sa lahat ng bagay, mapa-pambuhay, pangeskwela, pang-trabaho o kahit pang-love life man ito! Ikaapat, magpatugtog ng mga musikang angkop sa pagtulog nang mahimbing. (Tamangtama rito ‘yung mga nakasanayan na nating mga OPM songs.) Ang tuloy-tuloy na pagtulog ay magbubunga ng tuloy-tuloy na sigla sa bawat tungkuling gagawin. Ikalima, pumili ng pinakamainam na pwesto para sa iyong pagpapahinga. Siguraduhin ang lugar ay tahimik at katamtaman lang ang pagbuga ng hangin. ‘Wag matulog sa madidilim na lugar at baka lamukin ka. Mas mainam na komportablengkomportable ka ‘pag ika’y matutulog na. Samantalang kung namamaluktot, kulang sa kumot, matigas ang unan, o maingay ang paghilik ng katabi, maaaring magtulak ito sa’yong pagsusungit o mahinang resistensiya sa mga gawain mo. Lahat tayo ay nararapat na mabigyan ng wastong paghinga sapagkat ang katawa’t isipan ay nangangailangan ng tamang pagaaruga upang laging handa sa mga pagsubok na ating tinatahak araw-araw.
3
Bayani sa Puso, Wala Pa sa Batas Ni Lyle John L. Balana | Dibuho ni Glen Jed Descutido
Isang taong sagana sa talento at kaalaman si Rizal. Sa murang edad, makikita na ang landas na kanyang tatahakin— pagkapanalo sa mga patimpalak sa pagsulat at pagdula, matataas na iskor sa lahat ng kanyang mga asignatura, paggalang sa mga magulang, at pag-iisip na hindi hulma sa ibang Pilipino na nasasakupan ng Espanya. Sinikap niyang mahikayat ang Inang Espanyang mareporma ang sistemang nakakabit sa Pilipinas upang mawala ang pang-aaping pinapatong ng mga prayle at mga kurakot na opisyal ng gobyerno sa mga ordinaryong magsasaka at mamamayan na lubog sa utang at buwis. Gusto niya na may tinig ang Pilipinas sa parliamento sa Madrid. Gusto niyang lagyan ng kapangyarihan ang maliit na tao. Kaya’t nagsikap siya upang makagawa ng paraan upang marinig. Nagsulat siya ng dalawang nobela, ang El Filibusterismo at ang Noli Me Tangere. Itinatag niya rin ang La Liga Filipina na siyang naging inspirasyon para sa mga tulad ni Andres Bonifacio upang maghimagsikan laban sa Espanya. Siya’y namatay na poliglotadalawampu’t dalawang wika ang kanyang kayang maunawaanat isang polimata, na may natutunan sa mga disiplinang pagsusulat, pagdudula, kartograpiya, iskulptor, pintor, guro, at magsasaka. Makikitang ito ang mga dahilan kung bakit marami ang may gusto kay Rizal upang maging pambansang bayani. Sa lahat ba naman ng nagawa niya, siya na ang naging simbolo ng kayang maabot ng Pilipino gamit ang wastong edukasyon at pagsisikap. Hindi naming maikakaila ang kanyang nagawa para sa bayan dahil kinaya niyang isakripisyo ang yaman at karangyaan sa Europa upang matulungan ang Inang Bayan. At kahit reporma at pagiging probinsya ng Espanya ang kanyang gusto, nakumbinsi pa rin si Rizal na ganap na kalayaan mula sa mga mananakop ang tadhana ng Pilipinas. Ngunit sa katunayan, hindi pambansang bayani si Rizal. Ang Pilipinas ay may mga simbolong ipinahahayag nitong nangangatawan sa kanyang kaluluwa at kakayahang maging isang bansa. Ilan lamang ang opisyal na mga simbolong ito na nasa batas upang maging opisyal. Ito ang Narra, Sampaguita at Arnis. Ang Narra na naging pambansang puno ng Pilipinas. Nai-deklara ito ni Gov. Gen. Frank Murphy noong 1934 sa pamamagitan ng Proklamasyon No. 374. Dapat sana ay “naga” ang tawag sa kahoy na ito, ngunit nasunod na lamang ang pangalan ng puno sa tawag ng mga Kastila. Matibay ang Narra, na di madaling matumba ng bagyo at kahit na ng palakol. Madalas itong gamitin sa mga silya at sopa. Ang Sampaguita, na naging pambansang bulaklak, ay naisama na rin sa Proklamasyon No. 652 bilang Pambansang Bulaklak. Kilala rin ito bilang Arabian Jasmine at sa kanyang masarap na samyo. Pwede itong gawing kwintas para ilako sa mga
Official Student Media Corps of the University of St. La Salle * USLS Student Activity Center, La Salle Ave., Bacolod City, Negros Occidental 6100 * July 2016
turista at ialay sa mga santo, kaya naman na sikat na sikat ito bilang produkto ng mga nagtitinda sa daan o sa mga simbahan. Nandiyan naman ang Arnis, na idineklarang Pambansang Martial Art noong 2009 ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng Republic Act 9850. Ito’y isang pamamaraan ng pagdepensa sa sarili gamit ang patpat. Naging sikat itong martial art para sa mga taong gusto ng praktikal na depensa para sa sarili, dahil tinuturo ng Arnis ang paggamit ng sandata at naglalagay ng kahalagahan sa pagilag at angulo ng atake. Nagamit na rin ito bilang koreopgrapia para sa mga laban sa pelikula na gumagamit ng espada at kung ano pa. Pero wala pang opisyal na pahayag o proklamasyon na nagsasabing Pambansang Bayani natin si Rizal ang nagawa ng gobyerno ng Pilipinas. Ayon sa National Historic Commission, wala pang natalagang “National Hero” ng bansa na magsisimbolo sa kadakilaan at kakayahan ng isang Pilipino. Ang matatawag lamang natin kay Rizal ay isang cultural icon dahil hindi naisabatas na siya ang pambansang bayani. Kasama niya sa estadong ito ang Mangga, Barong Tagalog at Baro’t Saya, Lechon, Nipa Hut, Tinikling, at Bangus. Ang meron lamang si Rizal at ibang mga bayani ay ang mga batas at proklamasyon na nagbibigay dangal sa mga karapatdapat na tagaukit ng kasaysayan. Nakagawa si Fidel V. Ramos ng Technical Committee ng National Heroes Commission upang makarekomenda ng National Hero para sa Pilipinas. Napabilang sa mga kandidato dito ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang. Hanggang ngayon ay wala pang may napili o napasang batas patungkol sa komisyon na ito, at hanggang hindi ito nabigyan ng kahalagahan, wala tayong matatawag na pambansang bayani. Hindi naman mahirap na mabuhay at gumawa ng kagalang-galang na bansa kahit na walang pambansang bayani na tatangkilikin. Ang mas importante ay ang pagsunod sa kanilang mga ideya at mga mithiin para sa bayan, ang kanilang paglaban para sa kasarinlan at pagpapalaganap ng pagmamahal sa sariling atin. Mas mahalaga sa pagbabatas ang totoong pag-aaruga sa alaala ng mga nagsakripisyo upang maging Pilipino ang Pilipinas— ang patuloy na pagpapalago ng naiwan sa atin.