20
“Hindi na kakailangin pa ni Jem na pagmasdan ang pagkalagas at pagbagsak ng mga tuyong dahon…”
niyebe sa Tag-araw Banayad ang pag-ihip ng hangin na nagdudulot ng pagkalagas ng mga tuyong dahon ng mga punong akasya sa paaralang elementarya na pinapasukan ni Jem. Tanawin na nagpapalimot sa sakit dulot ng mga pasa at paso ng sigarilyo sa kanyang katawan. Kasabay ng pagbagsak ng mga dahon sa lupa ay ang pagpatak ng kanyang luha habang tahimik na nakaupo sa gawing hulihan ng silid-aralan, malapit sa bintana. Minsan, mababaling ang tingin sa mga puno o kung hindi naman ay sa lumang orasang nakasabit sa itaas ng pisara. Hindi siya mapalagay. Natatakot sa pagturo ng mga kamay ng orasan sa ikalima ng hapon. Lagi siyang nangangamba sa kung ano ang puwede niyang madatnan pag-uwi sa bahay. Noong nakaraang hapon, naabutan niyang nakasubsob ang kanyang ina sa lupa at walang malay. Putok ang labi nito at nabungi ang dalawang ngipin sa itaas dahil sa pagkaka-umpog sa mesa. Kung maaari sana, mas pipiliin na lamang ni Jem ang manatili sa paaralan ngunit ang labis na pag-aalala sa ina ang pumipigil sa kanya. Palubog na ang araw nang tahakin ni Jem ang masukal na landas patungo sa munti niyang tahanan. Tanging huni ng mga kulisap ang nagpapa-alala na hindi siya nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Matapos ang halos P4 LETA