Liham ng isang ina JUNIZZA ESCALANTE
Anak, Maligayang ika-20 kaarawan sa iyo. Akala mo siguro na kalimutan ko na. Siyempre hinde. Lagi kong naaalala ang petsang ito dahil ito ang araw na isinilang kita at nabuhay ka sa mundo. Ikaw ba? Naalala mo rin ba na sa t’wing kaarawan mo ay kaarawan din ng pagiging ina ko sa iyo? Ang araw na isinilang kita ay siya ring araw kung kailan ang isa kong paa ay nakabaon sa hukay. Ngunit lahat iyon ay aking ininda, maisilang ka lamang at ika’y mabuhay. Naalalako pa nung baby ka pa, matiyaga kitang tinuruang magsalita. Lahat naman iyon ay nagbunga nang banggitin mo sa unang pagkakataon ang salitang ‘mama’ at ‘papa’. Dun ko unang nadama ang sarap ng pagiging ina. Kahit pautal-utal kang magsalita, hind inaubos ang pasensya ko sa pagtuturo sa iyo. Ngunit ngayong malaki ka na, magaling kang magsalita. Sinasagot sagot mo nalang kami ng papa mo. Noon tinuturuan kitang tumayo, inaalalayan kitang maigi para kahit simpleng hakbang ay magawa mo. Ingat na ingat kami sayo para hindi ka madapa dahil ayaw naming masaktan ka. Ngayon, marunong kang lumakad. Kung saan saan ka na nakakapunta nang hindi namin alam. Nakakatayo kana sasarili mong mga paa. Hindi mo na ba kami kailangan? Kapag umiiyak ka sa gabi, hindi ako nagdadalwang isip para bumangon at padedehin ka. Wala sa akin ang mapuyat at mapagod maalagaan at mapalaki ka lamang ng ayos. Pero sa nangyayari ngayon, pinapagod mo ang aming isip at katawan kakakunsumisyon sa mga kalokohan mo. Pero ayos lang sa amin ng papa mo. Gusto naming masubaybayan ka dahil anak ka namin at mahal ka namin. Dalawampung taon ka na ‘nak! Dalawampung taon ka na naming inaalagaan at minamahal. Wag mong isiping isinusumbat ko sa iyo ang mga ito. Gusto ko lang mamulat ka at maintindihan mo na lahat ng ginawa namin ni Papa mo ay para sa iyo. Alam kong malaki ka na at iniisip mong kaya mo na ang lahat. Wag kang mag-alala anak dahil ang liham kong ito ang huling mensahe ko para sa iyo. Sapag kakataong binabasa mo ito, wala na ako. Hindi mo ata napansin na tumatanda rin ako. Iiwan na kita at susunod na ko kay papa mo. Tandaan mo, lagi lang kami diyan sa tabi mo, gagabay at magmamahal sa iyo. Nagmamahal, Ina
83