Kotoba Ichiban Nana

Page 7

FOREWORD Nasa final editing na ako ng English kong foreword kung saan gumamit ako ng mga salitang magpapadugo sana ng ilong niyo gaya ng: transgression, aesthetics at unparalleled. Tiyak sa mga salitang iyan e mapapakonsulta kayo kay Webster’s. Pero dahil mas gusto kong maengganyo kayong basahin ang foreword na ito at napansin ko rin na hindi yun ang tipo ng mga babasahin ng estudyante ay napagdesisyunan kong gawin na lamang tagalog ito. Ayoko rin kasing ma-‘nextpagezone’ ang mga pinaghihirapan ko. Nahihirapan ako kung paano ko isasalin sa salita ang mga ideyang kanina pa naglalaro sa isip ko. Kaya pansamantalang naligaw ang aking pag-iisip. Ngayon, balik na tayo sa realidad. Ako’y nag-iisa dito sa aming office, nakaharap sa monitor at sinusubukang pumuno ng isang pahina na bubuo ng foreword kong ito. Ito ang realidad. Masaklap. Magulo. Nakakarimarim. Pero ang hawak hawak mong napakagandapinaghirapan-pinag-isipang maigi-may-magagaling-na-staff-at-contributors na aklat at tinawag na “Kotoba Ichiban Nana” o ang ika-pitong edisyon ng Literary Folio ng The Searcher na pinamagatang ‘3D’ ay ang magpapabago sa ating pananaw ukol sa realidad ng buhay. Bakit nga ba 3D? Sabi nila, ‘what you see is what you get’. Marahil pudpod na pero hindi maitatangging totoo. Minsan kung anong nakita mo e feeling mo yun na yon. May maganda kang nakita tapos magugulat ka macho pala, may napanood kang teleserye na may kabit ang asawa o may umakyat sa jeep na ‘Badjao’ kaya bigla kang nagtulugtulugan. Ngunit hindi sapat na nakita mo lamang ito. Tiyak may mga husga ka na sa mga ito sa araw-araw niyong pagtatagpo ng landas. Hindi mo na ba gugustuhing alamin ang mga sagot sa tanong na ‘Kailan’ , ‘Paano’ at ‘Bakit’ ? Bago mo pa man din marinig ang kanilang mga kwento ay napuno mo na ang iyong notebook ng mga husga at paratang sa kanila. Kaya dito sa Kotoba Ichiban Nana 3D, hahayaan ka naming malaman ang tunay na kwento sa bawat sitwasyon ng buhay. Makikita mo ng mas malapit, masasaksihan mo ang mga anggulo ng mas malinaw, na noo’y mas malabo pa sa sabaw ng pusit. Nakapaloob sa aklat na ito ang mga piraso ng literatura at dibuho na magpapamulat sa iyo upang makita mo ang natatagong kagandahan ng magulo, masalimuot at malagim na realidad. Kaya ano pang hinihintay mo? Kasama mo kami sa panibagong lakbaying ito. Sa paglipat mo ng pahina mag-uumpisa ang pagpasok natin sa realidad, makikilala mo ang iba’t ibang tauhan, maririnig mo ang samu’t saring kwento ng buhay at matatagpuan mo ang nakatagong kagandahan sa likod ng mga ito. ReiJandro C. Gonzales Literary Editor


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.