Kotoba Ichiban Nana

Page 18

ON THE WAY HOME JOANA MAE DE JESUS

Mahigit isang oras na akong naghihintay dito sa tapat ng aming sintang paaralan ngunit hindi pa rin ako nakakasakay. Mag-aalas nuebe na nang gabi. Ganito ako tuwing araw ng martes, laging gabi na nakakauwi dahil walang masakyan. Nagpapasalamat na din ako sa aming prof at hindi talaga tinatapos ang oras namin at alas otso pa lang ay pinapauwi na kami, para daw hindi masyadong gabihin ang mga malalayo pa ang uuwian. Sa kamalasan kong taglay, bigla pang umulan. At wala akong dalang payong. Ganito naman palagi, kapag may dala kang payong hindi uulan pero subukang mong hindi magdala at tiyak na uulan. Wala akong nagawa kung hindi ang sumilong sa sirasirang waiting shed. Hindi naman ako natatakot dahil may kasabayan naman akong naghihintay ng jeep. At sa wakas may natatanaw na akong paparating na jeep. Sana naman tigilan ako nito. Nilalamig na din ako eh. Huminto ang jeep sa aking tapat. Halos puno na ito pero nakipagsiksikan na lamang ako. Wala akong balak umuwi ng hating-gabi. Halos nasa isang oras din ang byahe ko pauwi kung hindi trapik pero siguro naman alang trapik ngayon dahil gabi na. Sa may likod ako ng driver nakapwesto dahil dun na lamang may bakanteng upuan. May mga kasakay din akong kapwa ko Iskolar ng bayan kabilang na ang magbfgf na ito na kulang na lang ay maghalikan. Nakaakbay ang lalaki sa bewang ng babae at panay bulungan ng bulungan. Nakakairitang tignan dahil alam naman nilang pampubliko itong sasakyan. Akala nila ay sakop nila ang mundo. Natanaw ko ang isang matandang babae sa may gilid ng daan at pumapara. Hindi na siguro ito titigilan ng jeep na aking sinasakyan dahil puno na ito. Ngunit nagkamali ako, tumigil parin ito at sinabing sa kanan daw ay maluwag pa kahit hindi naman. Sumakay parin ang matandang babae ngunit wala siyang mauupuan. Napangiti ako bigla ng tumayo ang kapwa ko Iskolar ng bayan at nag-alok ng upuan sa matanda. Siya ay sumabit na lamang sa may labas ng jeep at sinabing “Upo na ho kayo. Malapit na din naman ho akong bumaba.� Ang lalaking nag-alok ng kanyang upuan ay walang iba kung hindi ang lalake kanina na sinasabi kong wagas kung mag-pda. May angkin din naman pala siyang kagandahan ng loob.Maya-maya lamang ay bumaba na sila ng jeep kasama ang kanyang gf. Napansin ko din ang isang lalake sa aking tapat na may hawak na mga babasahin. Nakapukaw ng aking atensyon ang mga salitang “Helen of Troy�, narinig ko na ito noon sa isa kong kaklase kung saan si Helen ay daw ay isang napakagandang babae na pinag-aagawan ng dalawang makapangyarihang bansa, ang Troy at Greece. At dahil sa kanyang kagandahan, nagkaroon ng digmaan ang dalawang bansa na ito

18


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Kotoba Ichiban Nana by The Searcher - Issuu