masaya at walang hilahil na dinadala. Para tayong mga artista sa pelikula, ibang-iba ang ating karakter na pinapalabas sa kung ano ba talaga ang ating tunay na saloobin. Tanging sa "backstage" na nga lang ba tayo nagiging totoo? Watdapak. Kung saan-saan na napunta ang pagsesenti ko. Tsk. Tsk. Malala na to. Buti na lang napansin ko na malapit na pala ako saking pupuntahan. Bumaba na ako sa dyip pero kasabay ng pagtahak ng daan papunta sa bahay ng kaibigan ang kawalan ng gana sa tunggaan ng serbesa. "Pare, ano game? Simulan na natin ang mahabahabang session", bati niya sa akin. "Parang ayoko na fre. Sakit lang sa ulo maidudulot nan, pagkatapos naman natin uminom hindi naman nawala yung problema e." "Hala. Anong nangyari sayo pare!? Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo. Pero kung yan ang trip mo, oks lang. Basta wag kong mababalitaan na nag-suicide ka na ha. Alam mo namang nadito lang ako palagi. Basta ikaw." "Natats naman ako. Iiyak na ba ako? Gago, tigilan na nga natin to para tayong bakla." "Umuwi ka na nga lang, di ka naman pala iinom e." "May problema ka no? Tungkol nanaman ba ito dun sa babaeng naikwento mo sakin?"