Skip to main content

Kotoba Ichiban Hachi

Page 72

ang kanyang mga kaibigan, tinawag ko siya upang makausap ng pribado. “Bhe alam mo may magandang balita sa akin sina mama,” panimula ko sa usapan. “Ano yun?” tanong niya. “Makakapag aral na ko sa Maynila,” sambit ko. “Talaga? Ayan matutupad na lahat ng pangarap mo, maiiwan pala ako dito,” sagot naman niya. “Oo nga e, ang saya diba,” naka ngiti kong sabi habang nangingilid ang luha sa mata ko. Tumahimik kaming dalawa, habang iniisip ko kung paano ko sasabihin ang kalagayan ko. “Siguro mas mabuti kung maghiwalay na tayo, tutal magiging malayo tayo sa isa’t isa,” pagbasag niya sa katahimikan. Nanlamig ang buong katawan ko, nanghina pati ang tuhod ko, at tuluyan akong napaluhod sa sahig, dahil sa kanyang mga sinabi. Tinulungan niya akong makatayo dahil nakakahiya daw sa mga tao kapag nakita akong nasa sahig. “Buntis ako, ikaw ang ama, paano na ito?” Mangiyak-ngiyak kong pagtatapat sa kanya Tila nagulat siya, at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Sigurado ka ba ha? Baka naman nag o-over react ka lang?” “Ano ka ba ha, yan lang ba talaga ang masasabi mo?” “Sigurado ka bang akin ‘yan?” “Anong kung sigurado ako, e ikaw lang naman ang boyfriend ko,” “Aba malay ko ba kung may tinatago kang lalaki, ayoko hindi ko yan aakuin,kung gusto mo ipalaglag natin ang bata! May kilala ako, bukas na bukas din mawawala


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Kotoba Ichiban Hachi by The Searcher - Issuu