Kotoba Ichiban Hachi

Page 33

ko yung hirap at sakit na walang magulang sa tabi. Hindi ko na rin napigilan ang pagluha. “N-nagmakaawa ak-ako kahit para sa bata na lang sana pero iniwan niya ko dahil hindi raw naman…” nag-atubili siyang ituloy ang kaniyang sinasabi ngunit sinubukan niya pa ring sabihin ng diretso. “…iniwan niya ko dahil hindi raw naman talaga niya ko minahal.Bes. Ang sakit sakit.” Humihikbing yumakap sa’kin si Rica ngunit heto lang ako at nakatayong parang bato, nagpipigil pa rin ng mga luha na tila nakabara sa lalamunan ko pero patuloy pa rin naman ang mga ito sa pagdaloy kahit anong pigil ko. Nasusuklam ako kina Tatay at Andrew. Wala silang pinagkaiba. Gaya ni Tatay, hindi rin nagmahal ng totoo si Andrew at naaawa ako para sa kaibigan kong si Rica. Sa pitong taon ko rito’y pitong taon din kaming naging matalik na magkaibigan. Tinanggap niya ko sa kabila ng sitwasyon ko, itinuring na pamilya at kapatid. Ipinaramdam niya sa akin na may nagmamahal pa rin sa’kin…na hindi ko na kailangan pang mangulila pa sa mga taong nawala sa buhay ko. Sa loob ng pitong taong yon, ngayon ko lamang siya nakitang umiyak at masaktan ng ganito. “Bes, nahihiya akong ipalaba ‘to sa’yo… narito sa bestidang ito yung bahid ng karumihan ko. Ni hindi ko maitapon dahil ito na lang din yung iniwan ni Mommy bago sila umalis. Bes, sorry hindi ko agad sinabi sa’yo.” Umiiyak pa rin siyang nakayakap sa balikat ko. Marahan kong tinapik-tapik ang likod niya at niyakap na rin siya habang hinahaplos ang buhok niya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.