Napansin kong lumalaylay pala ang may kahabaan kong pulang buhok sa pinaglalabahan kong tubig kung kaya pinagpasyahan kong itali muna ito. Habang ipinupusod ko ang buhok ko gamit ang lastikong kanina’y napulot ko sa paglalakad papunta rito ay biglang dumating si Rica. Dalidali kong ibinaba ang mga kamay ko sabay hila sa sando at maikling shorts na suot ko upang ayusin. Nakasandal naman ang kaliwa niyang balikat sa pintuan habang nakapulupot ang dalawa niyang braso sa harap. Nakatuon sa akin ang malalamlam niyang mga mata. Umiwas na ‘ko ng tingin dahil hindi ko rin alam kung anong reaksyon ba ang dapat kong ipakita. Hindi rin kasi ako sanay na ganito ang kaniyang aura. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa pamamagitan ng pagkukusot ng mga damit na pinaikutan ko kanina. “Uuwi na raw sina Mommy at Daddy dito.” sambit ni Rica. Mababakas sa tono ng boses niya ang lubhang kalungkutan na wari ko’y may iba pang emosyong natatago rito. Hindi ko maintindihan. Bakit parang malungkot niya itong binabalita sa akin? Sa pagkakakilala ko sa kaniya’y labis ang kasabikan niyang makita ang mga magulang niya. “Oh, edi keribels na. At least may kasama ka na dito. Di ba nga dapat masaya ka?” sagot ko na may halong sigla sa tono—nagbabaka-sakaling mapangiti ko man lamang siya pero“Yun na nga eh, gusto kong magsaya….gusto kong mas