Kotoba Ichiban Hachi

Page 104

Sino ang Aking Ama? Dear Nanay, Happy Mother's Day po!!! Salamat po sa pag-aalaga at pagmamahal na inyong ibinibigay sa akin. Hindi lamang po kayo tumayong ilaw ng tahanan, kayo rin po ang tumatayong haligi ng tahanan para sa akin. Kayo po ang nagluluto, namamalantsa, naglalaba. Kahit kailan po hindi ko nakita na nahihirapan kayo. Palagi nyo pong ipinapakita na lagi kayong positibo at masaya. Humahanga po ako sa inyo sapagkat kahit gawain ng isang ama kinakaya nyo po. Kayo po ang nagsisibak ng kahoy, nagtatabas ng damo, nagtatanim at naghahanapbuhay para sa ating dalawa. Salamat po Nanay para sa lahat ng iyon. Sana hindi po kayo magsawa sa pagmamahal at pag-aalaga. Nais ko lang pong malaman ninyo na ipinagmamalaki ko po kayo na aking ina. Mahal na mahal ko po kayo, Nay! Nagmamahal, Julia

*****

"Ako na siguro ang pinakamasayang ina ngayon sa buong mundo, Anak. Maraming maraming salamat," wika ni Nanay habang tumutulo ang kanyang luha sa ilalim ng kanyang mga mata.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.