We STAND: The MARIAN Magazine 2012

Page 41

The MARIAN

reviews

TATAK S

by Ansherina Rose Arqeuro

a

B.O. Bata lang ako! Ang buhay ay palaruan at hindi daigdig ng digmaan. Sa aklat na ito, sinamahan tayo ni Bob Ong na balikan ang lahat ng mga alaala ng ating pagkabata, noong ang pamasahe sa ‘jeep’ ay piso pa lamang at mainit na usapin ang ‘Nutri Bun’ sa mababang paaralan. Ipinapakita dito na ang simpleng bagay ay maaaring maging hindi basta-basta. Balik-tanaw ito sa nakaraan para sa kinabukasan. Ito ay ang paglalakbay sa mundong atin

a masalimuot na mundo ng mga manunulat, may nananatili pa ring “cool” sa puso ng mga mambabasa. Kinahihiligan ang kanyang mga akda, at naging paboritong libangan ang kanyang mga naiambag na aklat sa bansa. Nakakatawa, nakakaaliw, nakakawala ng problema at sadyang aabangan mo ang susunod pang mga bersyon ng kanyang mga aklat sa limbagan. Bob Ong, ikaw na! Si Bob Ong o Roberto Ong ay ang manunulat na wala ni isa mang nakakakilala. Hindi sigurado kung ano ba talaga ang kanyang totoong pangalan.

ng napagdaanan. Ito ay siguradong mag-iiwan ng buong pusong paghalakhak at madramang pag-iyak habang binabalikan natin ang mga alaala noong ang uso pa lamang ay trumpo at sipa. Pagkatapos nating basahin ang librong mala - time machine ang dating, maaaring masasabi natin na, “Aba! Ginagawa ko din ang mga ito noon, ah. Pinoy nga akong talaga.” Oh,makisakay ka na rin. Tara na! Balikan ang masaya nating pagkabata. Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong (2001)

Maraming mga haka-haka ukol dito. Maraming nagsasabi na siya ay isang Chinese – Filipino ngunit nabanggit niya na hindi talaga niya apelyido ang “Ong.” Ito ay hango lamang sa website niyang “BobOng Pinoy.” Bihasa rin siya sa pagbibigayaral sa pamamagitan ng mga simpleng pananalita o kung tawagin ay “quotes.” Aminin mo, sapul ka sa mga banat na ito lalo na kapag usapang puso ang kanyang ibinabato. Sabay–sabay tayong maglakbay sa mundo ng mga libro. Buklatin ang bawat pahina, ibuka ang mga bibig, buksan ang isip, at humalakhak nang wagas na parang wala nang bukas.

Stainless Longganisa (2005) Tuklasin kung bakit hindi para sa tamad ang pagsususlat at alamin ang kasaysayan ng mga tagos sa kaluluwang libro ni BO.

MAC ARTHUR (2007)

May mga taong matatag at madaling sumuko sa hamon ng buhay. Ngunit maaari pang magbago. Sumabay sa agos ng panahon.

ABNKKBSNPLAko?!

BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO (2002) Malilinawan na ang pagiging BobOng Pinoy! Dahil sa maraming katanungan ukol sa mga gawain at kulturang Pinoy na buhat din sa website ni Bob Ong, nabuo ang librong ito na alay niya sa mga kababayan niyang handa na sa katotohanan. Kung bakit nga ba ginagawa pa rin ng mga Pinoy ang mga bagay na malinaw na ngang ipinagbabawal. Kung bakit binabasa pa rin ng mga Pinoy ang mga hindi dapat basahin. Maraming malalaman dito kung saan sapul at pasok sa kulturang Pilipino noon, ngayon at bukas.

ALAMAT NG GUBAT(2008) Bakit ang leon ang sinasabing hari ng gubat kung buwaya naman ang mga namumuno? Totoo bang natalo ni Pagong si Kuneho sa karera? Alamin kung saan ka nagmula. Welcome to the jungle!

Kapitan Sino (2009) Ang paglalarawan sa Pinoy superhero na mas mabilis pa umano sa mga awtoridad sa pagrescue. Alerto at walang mintis ang bawat aksiyon at kilos ni Kapitan Sino.

ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS (2003) I don't believe in God, but I'm afraid of Him. - Gabriel Garcia Marquez Isa lamang iyan sa mga katagang nakapaloob sa librong ito. Mga mensaheng ukol sa Panginoon ngunit ang mga ito ay may kaakibat na kakulangan sa paniniwala sa Kanya. Ipinapahiwatig dito na ang mga ito ay gustong- gusto ng kasamaan sapagkat mas pinapaniwalaan pa nito ang kanyang sariling kakayanan kaysa sa kayang gawin ng Lumikha. Kumbaga, gusto nitong pamunuan ang daigdig. Every man is a god, if he chooses to recognize this fact. - Anton La Vey

MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN (2010) Naka-violet na baro. Itim ang balat. Naka-belo. Makikilala mo na sila. Maniniwala ka kayang Katoliko ka talaga?

Lumayo Ka Nga Sa Akin (2011) Kung gusto mo ng horror, action at drama? Magbasa ka ng script, Bob Ong style!

September 2012 The MARIAN

41


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.