1 minute read

NIGROMANTE

by: Isidro Luna

Ridge Ross De Veyra

Advertisement

Stuwing hinahawi niyo ang lupa at binubungkal ito, pinapaikot niyo ang mundo hinuhulma ang bawat kurbada nito na para bang luwad sa palayukan at sa bawat binhi na inyong itinatanim muling nabubuhay ang mundo nabubuhay na parang sa bawat butil ng inyong pawis na pumapatak sa lupa ay nabubuhay ang sangkatauhan ano nga ba ang pinagkaiba ng palad na may hawak na binhi sa palad na hawak ang daigdig? kung ang diyos lang ang may karapatang magbigay ng buhay, ano ang tawag sa inyo kung ang lahat ng inyong inililibing ay muling bumabangon?