2
BALITA
News Editor: Patrick Bryan H. Porras patrickbryanporras@gmail.com
'UNO-RABLE' 2 estudyante mula CEA, CSSP nagtamo ng 'flat uno' ni John Alexis Dela Cruz
BUMUHOS ANG pagkilala’t papuri sa dalawang 4th year student mula sa College of Engineering and Architecture (CEA) at College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), matapos makasungkit ng “flat uno” na grado sa nagdaang ikalawang semestro, sa taongpanuruan 2020-2021. Kinilala ang dalawa na sina Cedrix Joshua Eligio, isang Industrial Engineering student, at si Therese Martine S. Saulo na isa namang Social Work student. Sa isang panayam sa 21-anyos na si Saulo, tagaDolores, City of San Fernando, laking tuwa at pasasalamat umano ang kanyang naramdaman dahil siya ay nakapagtala ng flat uno na marka ngunit hindi raw niya inasam na makakuha ng ganoon kataas na grado sa kadahilanang halos major subjects ang kanilang pinag-aaralan, at ang ninais lamang niya ay makapasa at "okay na". “Maraming challenges akong na encounter sa online class. 'Yung
SANA ALL. Cedrix Joshua Eligio (left), an Industrial Engineering student and Therese Martine S. Saulo (right), a Social Work student, both acquired flat one grade for the second semester of the Academic Year 2020-2021. pinaka common ay 'yung sabay yung gawain sa bahay sa online class. 'Yung stress din sa mga subjects 'di na maiiwasan 'yun lalo na major subjects and halos sunod-sunod mga requirements and events na kailangan 'yung assistance. Pero determination and support sa family and sa friends. 'Yung encouragement nila ang naging drive ko para matapos 'yung sem,” salaysay ni Saulo ng
kanyang mga pinagdaanan bago makamit ang nabanggit na grado. Ayon naman sa pahayag ni Eligio, 21 taong gulang, taga-Guagua, Pampanga, ang pagpapananatiling balanse ng oras sa pag-aaral at pagliliwaliw ang kanyang naging paraan upang maipanatili ang pag-arangkada ng kanyang buhay-estudyante. “I don’t force myself to study lalo na kung tinatamad ako, hindi
kasi ako 'yung pala-aral talaga na student, gusto ko enjoy lang. Find the perfect balance ganon. Gusto ko I would be able to do other things pa rin outside school. ‘Pagtrip ko mag-aral, sige aral. ‘Pag trip ko mag-ML lang buong araw, sige ML," ani Eligio. "My point is dapat di natin ni-rerestrict masyado sarili natin, enjoy habang students pa tayo, kasi once na nasa | to page 4
Serbisyo, patakaran ng unibersidad tinalakay sa ikalawang genderized student orientation ni Rodney Liwanag
UPANG IPABATID sa mga bagong mag-aaral ng unibersidad ang mga serbisyo at patakaran, naglunsad ang Office of Student Affairs at University Student Council ng ikalawang Genderized Student Orientation na ginanap noong ika-11 ng Oktubre, 2021, sa pamamagitan ng isang webinar, na ginanap sa Zoom conference at itinampok sa USC Facebook page.
Sa temang, "Keeping the Honorian Blood Alive," binigyang-tuon ng webinar ang mga serbisyo, patakaran, regulasyon, at ilan sa mga tanggapang maaaring lapitan ng mga estudyante para sa kanilang mga mungkahi, katanungan, at problema. Kaugnay rito, ipinarating ni OSA Director Dr. Gloria B. Gigante ang kanyang mainit na pagsalubong sa mga bagong
mag-aaral ng unibersidad mula sa pagpapakilala ng mga kasapi ng OSA, kasunod ang pagbabahagi ng mga serbisyong handog ng opisina. "We cannot accomplish all that we need to do without working together– kasama naming kayo sa pag-accomplish sa ibatibang services ng OSA," dagdag pa nito. Ipinaabot din ni SAS Vice President Dr. Dolores T.
Quiambao ang kanyang mensahe sa mga bagong saltang mag-aaral ng unibersidad. "Honorian values through transformative quality education which our university offers. Welcome to one of the leading universities in the country," pahayag ni Quiambao. Dinaluhan ng mga estudyante mula freshmen, transferees, returnees, at mga bagong enrolee ng graduate school ang orientation.