Manibela ni: Mark Cavin Regorgo Debuho ni: Mico Ortega
M
ga matang uhaw sa tulog, balbas at bigoteng lumago, dulot nang walang pahinga ng kahapong lumipas. Sunog na balat bunga ng matinding sikat ng araw. Mga ugat sa kamay na hinulma kasama ng manibela.“Hoy Peter, umuwi kana aba maawa kana man sa sarili mo anung oras na” biro ng kapwa Jeepney driver. “ Manahimik ka nga dyan Roger!, kulang pa yung pang matrikula ng anak ko,” ganti ni Peter habang humahalak-hak. “Bueno, mauna na ako Peter ingat nalang” “sige magiingat ka rin Roger” umungol ang makina, bumusina at kumaripas sa daan. Tinitignan ang sarili sa salamin, habang pinupunasan ang tagaktak na pawis. Pinagmamasdan ang litrato ng kanyang pamilya nakadikit sa salamin. “Kelangan ko na kumayod para sakanila” sabi ni Peter sakanyang sarili. Maghapong binabagtas ang daan. Sinusuyod kada lugar upang kumita sa ngalan ng kanyang pamilya.”Manong bayad po sa kanto lamang, parang namumukhaan ko kayo, Security Guard po kayo sa bangko diba?” tanong ng isang lalaki kay Peter na may halong tuwa.” Opo di kayo nagkakamali, pag may libre po akong oras na-raket po ako bilang Security Guard” sagot ni Peter 26