4 minute read

Hindi po kami Virus-proof

Next Article
Be the Bomb

Be the Bomb

BLACK SHEET CHAREY MAE ALVARADO @ chalvaradz • alvaradochareymae@gmail.com

Noon, signal no. 3 na, ang college students may pasok pa rin. Ngayon, Alert level 3 na may face-toface pa rin. Tss..CHED ano na?

Advertisement

Sa simula palang alam na ng mga opisyal ng edukasyon ang mga hamon na dulot ng online at blended learning sa mga magaaral at guro. Nariyan pa ang mga problema tulad ng kakulangan ng mga kinakailangang gadget at koneksyon sa internet para sa distance learning. At lalo na ang problema sa mga bayaran na hindi naman kinakailangan tulad ng lab fees at ibang miscellaneous fees dahil sa bahay lang naman nag-aaral. Ngunit ang online at blended learning ay itinuring na mas mahusay at mabuti kaysa sa hindi makapag-aral ang mga estudyante habang nananatili sa bahay. Dalawang taon na rin nang mawalay tayo sa eskwelahan, sadyang sobrang sabik sa mga kaganapan sa loob ng paaralan. Lalo na ang matuto kasama ang mga kaeskwela at ang guro na pisikal na nagtuturo. Dahil sa mga ganitong hamon sa edukasyon, nagkaroon ng mga panukala noon pang nakaraang taon upang ipagpatuloy ang limitadong klase sa mga lugar na mababa ang panganib ng pagkalat ng COVID. Kaya’t maraming pagkakataon na sumigaw tayo ng “Limited face-to-face”. Paulit-ulit, nananawagan na sana pagbigyan na tayong mga estudyante. Napakinggan naman, kaso ang problema ay napahintulutan kung kailan masyado nang delikado at dumagdag nang sobra ang mga kaso na nagkakaroon ng sakit buhat ng Omicron Variant na biglang kumalat sa bansa pagkatapos ng bagong taon. Napakaganda ng timing!

Hindi na nakapagtataka na marami ang nadismaya at bumatikos sa balitang nais ng Commision on Higher Education (CHED) na ituloy ang limitadong face-to-face class sa lahat ng college programs sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3. Ang alert level status na ito ay hudyat na medyo mabilis ang pagkalat ng bayrus sa lugar na nasa ganitong lebel. At dahil sa biglaang pagrami ng nahahawa, marami ring lugar sa bansa ang nasa Alert Level 3. Kaya’t halos ang lahat ay nabahala samantalang ang CHED ay hindi man lang iniisip ang magiging resulta ng desisyon nila. Mukhang mas nilalagay pa nila sa kapahamakan ang mga estudyante na ang nais lang naman ay ligtas na balikeskwela.

Maaalalang nauna nang bumalik paunti-unti ang mga estudyanteng nasa kursong medisina, narsing at iba pang kaugnay dito sa kanya-kanyang mga unibersidad noong nakaraang taon, at mga lugar na may mababang alert levels noong Disyembre 2021—ang Phase 1 ng reopening plan ng CHED. Sa phase 2, naman ito ang ay plano noon pang Nobyembre 2021 na may face-to-face na klase ang mga HEI kahit nasa Alert Level 3. Ngayong Enero umusbong bigla ang baging variant na Omicron at mabilis itong kumakalat. Ngunit, kahit ganoon ay hindi binago ang plano at sinunod pa rin. At muling silang naghayag sa mga eskwelahan na maaari na raw ang mga ito na magbukas ng klase sa katapusan ng buwan.

Ang hindi ko talaga maintindihan kung paano nagdesisyon ang ahensyang ito. Wala nga man lang mass testing na ginagawa ang gobyerno. Paano masisigurong ligtas nga talaga? Sa patuloy na pagkurba ng bilang ng dinadapuan ng bayrus na umaabot na ngayon sa tatlong milyon ang kabuuang datos ay papayagan pa rin ang balik-eskwela. Inihayag din naman nila na nasa kamay pa rin ng mga unibersidad kung sa tingin nila ay mas mabuti ito para sa mga estudyante, at kung sumusunod sa gabay ng IATF na nagsasabing ang maaari lang pumasok na mag-aaral ay ang mga fully vaccinated, 30% ang papayagan sa loob ng paaralan at 50% naman sa labas.

Ayon pa sa kanila, ‘di na kailangan mag-apply ng mga kolehiyo at unibersidad upang sumabay sa pagbubukas muli ng klase. Bakit hindi? Paano malalaman kung pasok ba ang isang paaralan sa mga dapat isaalang-alang para masigurong ligtas nga ang mga ito? Bakit naging mas naging maluwag kung kailan mas kailangang maging maghigpit at magdoble ingat? Dapat magkaroon pa rin ng pagsusuri tulad ng ginagawa bago payagan ang mga

Samantala, nang mga panahong iyon ay hindi na masyadong mapagbanta ang COVID-19 at unti-unti na rin natututo ang mga tao sa new normal ngunit dito ay mas naging mahigpit.

eskwelahan sa pagpapasok ulit ng mga estudyante ng mga health-related course. Samantala, nang mga panahong iyon ay hindi na masyadong mapagbanta ang COVID-19 at unti-unti na rin natututo ang mga tao sa new normal ngunit dito ay mas naging mahigpit. Mayroon pang mga unibersidad ang hindi agad naaprubahan at naghintay pa ng ilang buwan para tuluyang maging sapat upang ligtas ang mga mag-aaral. Baliktad ata ang desisyon na nagagawa ng CHED patungkol dito.

Sana naman ay may maayos na programa na pinagplanuhan ng mabuti upang maging panatag ang kalooban ng mga magulang at mag-aaral. Lumalabas na pabigla-bigla ng desisyon at hindi kinokonsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante. Nariyang ang pangangailangan na ipagpatuloy ang mga klase ngunit higit pa ring mahalaga ang makakabuti sa mga estudyante sa kolehiyo. Hindi naman virus-proof ang katawan namin para hindi mangamba na mahawa ng sakit. Pati na rin ang mga guro nakikipagbuno para maging maayos ang edukasyon sa panahon ng pandemya.

This article is from: