The DEMOCRAT Volume LXIX Issue No. 2

Page 14

14

COVER STORY

50-50

The DEMOCRAT thedemocratunc

Vision Sa Eleksyon? BY JHEZYLLE FAYE B. LORIA

Magandang umaga rin. Elsa Zamora, 40 años. Ano kamo? Boboto? Ewan. Bahala na. Depende. Ni minsan ‘di ko man lang pinaghandaan ang araw na ito katulad ng bagong taon at aking kaarawan. Itinuring ko lamang itong parte ng buhay ng isang mamamayan na kailangang gawin bawat tatlong taon o anim na taon na para bang leap year na kumbaga ay tungkulin lamang at hindi isang karapatan at pribilehiyo. Ni minsan ‘di ko ito itinuring na espesyal na kailangan pang paghandaan. Limot ko na kung kailan ako huling nasabik sa pagboto sa halalan. Malamang, ‘yung unang beses ko ring pagboto sapagkat ‘di ko pa nararanasan ang madismaya sa pag-asa na tuparin ng mga pulitiko ang kanilang ipinangakong plataporma. Haaay… akala ko dati kapag binigyan ka ng kendi ng mga dumadaang kandidato ay kailangan mo na rin silang iboto. Ngunit hindi pala yun ang dapat na batayan o ang pera mang ibinibigay nila sa’yo, bagkus ang plataporma nila at kung may kakayahan nga ba talaga silang tuparin ang mga ito. Kapani-paniwala at posible ba ang mga ito, o sadyang inilagay lang upang magmukha silang maraming magagagawa? Nakakairita. Kasi gumising kami nang maaga at pumila nang matagalpara lang mabungaran ang ganitong klase ng mga politiko. Sayang lang ang tintang ginamit at espasyo na pinaglagyan ng kanilang pangalan sa balota. ‘Yung iba naman ay naidyaryo, nairadyo at naibalita pa sa telebisyon ang kanilang pagkasangkot doon sa pork barrel scam, aba’t talagang nakuha pang tumakbo at idinaan pa sa sayaw. Wala pa ngang plataporma. Ang mas nakakapag-init ng aking ulo eh binoboto pa rin ng mga ignoranteng botanteng dahil nakita na nila sa pelikula o kaya’y gwapo raw. Aba’y huwag naman nilang idamay kaming mga nag-iisip bago bumoto


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The DEMOCRAT Volume LXIX Issue No. 2 by The DEMOCRAT - Issuu