5 minute read

Ang MUG-ipon ng Koleksyon

Ang MUG – ipon ng aking Koleksyon

Hail Brethren! Para sa ating huling pasada sa Vol.97 ng Cable Tow, sasagutin natin ang isa sa mga katanungan ng ilang kapatid – Paano ba natin naipon ang ating Masonic Mug Collection? Ang mug (taro, saro, o lumbo sa Filipino) ay isang tasa na karaniwang ginagamit sa pagbarik ng maiinit na inumin tulad ng kape, tsaa, o tsokolate. Ito ay may hawakan at kayang sidlan ng masmaraming lunaw (liquid) mula isang-katlo (1/3) hanggang isang ikaapat (1/4) na litro. Maaaring gawa ito sa metal, buto ng hayop, kahoy, paso, at ceramic. Naging popular ang mug bilang mga pamigay na paalala (giveaway souvenirs) lalo na ang mga sublimated ceramics na tinatakan ng iba’t-ibang limbag o prints.

Advertisement

Ang unang malakihang pagtitipon ng mga mason na aking nadaluhan ay ang Pagtatalaga (Installation) ng Marangal na Guro Melito S. Villar ng Dapitan Lodge No.21 noong ika-16 ng Pebrero 2009. Dahil hayag (public) ang galian (ceremonies) na ginawa, tayo’y naging saksi sa isang gawaing pang mason kahit na petitioner pa lamang. Tumatak sa aking isipan ang mga kaganapan at lubos na ikinatuwa ang pagtanggap ng souvenir mug mula sa Marangal na Kapatid. Ito ang kauna-unahang mug na ipinagkatiwala sa atin.

Tayo po ay naiangat bilang Gurong Mason sa Lohiya ng Dapitan 21 noong ika-20 ng Hulyo

Nagdala ng MUG si Kuyang Jofran ''JOJO'' De Onon NG Silanganan Lodge No.19

sa taon ding iyun – maraming salamat na muli sa WB Mel. Magmula noon, sa tuwing may okasyon gaya ng Installation of Officers, dinadayo natin ito at unti-unting nadagdagan ang ating mugs dahil ito ang kadalasang ipinamimigay na souvenir. May mga pagkakataon na nagkakasabaysabay ang mga pagtitipon ng ilang lohiya kaya hindi natin madaluhan lahat. Kapag nabalitaan ko na MUG ang souvenir doon ay ginagawan natin ng paraan na makaamot ng isa. Minsan pa’y pinipilit natin na makahabol sa ilang pagpupulong kahit gabi na upang may maabutang mugs.

Nang nasa 20 piraso na ang ating naipon, isinabit sila sa aming tindahan at habang pinagmamasdan ang mga larawan ng mga Marangal na Guro at logo ng kanikanilang lohiya sa imprenta, bigla tayong napaisip “Kay sarap siguro ng ini-install o itinatalaga…” At tayo’y nangarap na sana maging Worshipful Master din balang araw. Syempre pa, MUG ang ating ipamimigay sa mga bisita.

Isang araw, naisipan kong kuhanan ng litrato ang koleksyon na ating ipinaskil (post) sa Facebook. Nagulat na lamang ako sa mga komento ng brethren na pawang natuwa at nagpahayag na gusto din daw nilang mai-display sa aking tindahan ang kani-kanilang mga mugs. May mga kusang nagpadala, ang iba’y galing pa sa ibang bansa! Marami din tayong naipon na Masonic Pins. Sa isang pagkakataon nag-alok ang isa rin kapatid na kolektor, si Kuyang Bobot Elenzano ng N.S. Amoranto Lodge No.358 na makipagpalitan – ang aking mga pins para sa kanyang mga mugs.

1 - GLP Lodge Collection – karamihan sa mga mug na galing sa mga lohiyang ito ay ipinagkaloob ng iba’t-ibang Marangal na Guro kaya’t may pagkakataon na may iba’t-ibang uri ng mug sa iisang lohiya lamang. Ang pinakamarami ay nagmula sa Biak-na-Bato 7, Dapitan 21, Capitol 174, Mandaluyong 277, Norberto Amoranto 358, Pinaglabanan 374, at La Guardia 378.

St. John’s Corregidor 3 Biak-na-Bato 7 Cosmos 8 Nilad 12 Dalisay 14 Pilar 15 Sinukuan 16 Araw 18 Silanganan 19 Dapitan 21 Jose Rizal 22 Zapote 29 Emilio Aguinaldo 31 Malolos 46 Pampanga 48 Pangasinan 56 Luzon 57 Isabela 60 Tamaraw 65 Baguio 67 Kasilawan 77 Taga-Ilog 79 Hiram 88 Muog 89 Mencius 93 Mt. Huraw 98 Victory 116 Marikina 119 Quezon City 122 King Solomon 150 Rafael Palma 147 Gen. Llanera 168 Manuel A. Roxas 152 Juan Sumulong 169 Micronesia 173 Capitol City 174 Siete Martires 177 Laong Laan 185 Saigon 188 Andres Bonifacio 199 Daet 247 La Naval 269 Mandaluyong City 277 Marcelo H. Del Pilar 272 Cupang 295 Factoria 311 Bongabong 324 Kakarong 327 Apolinario B. Yap 328 Las Pinas 332 Macario Ramos 355 San Jose Del Monte 357 Norberto Amoranto 358 Bernardo Carpio 359 Saint John the Baptist 362 Intramuros 363 Pinaglabanan 374 La Guardia 378 Frank Reed Horton 379 Batasan 381 Sultan Haroun Al-Kashid M. Lucman 406 Muntinlupa 414 Silang 416 Solidarity 421 Unang Sigaw 430 2 – Districts, Appendant Bodies, & Clubs Collection 2.1 DISTRICT Mugs Masonic District NCR-C Masonic District NCR-D Masonic District NCR-G Masonic District NCR-E Masonic District RIII-G NCR Multi-District Convention 2.2 APPENDANT Mugs Pillars of the East Conclave 372 Grand Council of Royal & Select Masters Q.C BODIES / AASR Order of DeMolay Grand & Glorious Order of the Knights of the Creeping Serpent 2.3 SHRINERS Mugs Amianan Shrine Club Kasiyahan Shrine Club Mabuhay Shriners Maginoo Shrine Club Maharlika Shrine Club Metro Manila SHRINERS Mina de Oro Shrine Club Pinagsabitan Shrine Club Primera Shriners POTENTANTE Mug 2.4 SOJOURNERS Mugs BLUE RABBIT BIRTH - TRAVELLERS HAVEN FREEMASON CLOTHING PHILS KAMANAVA TRAVELLERS CLUB INC. MANILAS FINEST S&C Club PNP BEST PNP CIOG Pusong Mason Q.C Trowel QCPD Mason Mug TRAVELLERS STATION TROWEL 2.5 Other Mugs CONSTRUCTION WORKERS SOLIDARITY DAR / ARIEL CAYANAN FIRST DIRECTOR’S CUP KAMPILAN LIGHT UP ROTARY PROJECT GREEN LIGHT 3 – Foreign Lodges & Jurisdiction Collection Grand Lodge of PANAMA A.F. & A.M. GARDENA-MONETA II LODGE OF THE STAR OF AUSTRALIA No.200 UNITED GRAND LODGE OF NSW & ACT TORONTO DON VALLEY

Taong 2017, natupad ang ating sinaunang pangarap – ang mamigay ng MUG sa mga dumalo sa aking Pagtatalaga bilang Marangal na Guro ng Dapitan Lodge No. 21.

Magpahangang ngayon – labindalawag taon simula nang mangolekta, tuloy pa din ang ating pinagkakaabalahan na nasa halos 400 na piraso na. Lubos itong nakalilibang sapagkat bawat mug ay may kani-kaniyang kwento. Atin pong inaanyayahan ang iba pang kapatid na nais magbahagi ng kanilang mga mugs sa inyong abang lingkod. Ito ay ating isasabit sa tindahan natin sa may Commonwealth Ave., ang Nanay Pilar’s Pancit Malabon. Sa mga interesado, maaari po kayong makipag-ugnayan sa – 09177956734 / 09463743770. Maigi din kung kayo ay dadayo sa may Holy Spirit Drive Don Antonio Heights, Diliman, Quezon City. Naway maging insperasyun din po sa lahat ang ating munting hilig. Maging ano man ang souvenir na inyong iniipon basta ba hindi nakakapaminsala sa iba – ituloy nyo lang mga Kuyang!

Salamat sa TS Shirt Kuyang Narciso ''BOY'' Nieto (Factoria 311)