2 minute read

Na-HACK ang aking FB Account

Na-HACK ang aking FB Account (buti at nabawi ko din!)

Babala sa mga Brethren,

Advertisement

Noong March 20 - Sabado ng Tanghali, habang abala kami ng anak ko na nagpapagawa ng sasakyan ay makatanggap tayo ng ilang mga mensahe sa FB Messenger mula sa account ni WB Marvin Urmenita (Silanganan 19). Unang itinanong ay ang aking email address na atin naman ibinigay. Maya-maya ay mobile phone number ko naman ang hiningi na walang pag-aalinlangan nating sinagot. Sa ikatlong pagkakataon nagpadala ulit ng message ang inaakala natin na si WB Marvin at sa pagkakataong ito, may bilin na sya na may magte-text daw sa aking cellphone ng mga code. Nakisuyo ang kapatid na ipadala daw ang code sa kanya. Dahil nga sa abala nga tayo noon sa ibang gawain at kilala naman natin ang kapatid, ang tatlong bagay na kanyang hinihingi ay kusang-loob nating ipinagkaloob… Nagmistulang bangungot na ang mga sumunod na pangyayari. Nawalang bigla ang Facebook at Messenger Accounts ko sa aking cellphone! Dahil ako nga ay nasa labasan, inakala naming mag-ama na mahina lang ang signal sa aming kinalalagyan. “Subukan mo ngang ayusin itong phone ko pag-uwi natin sa bahay at may wifi na.” Bilin ko pa sa anak ko. Ilang saglit lamang ang lumipas, ilan sa mga Kuyang natin ang nagsitawag upang alamin ang ating kalagayan. May mga nangungumusta habang nag-aalala pa ang iba. Nagulat ako at nagtaka sa kanilang mga tanong – ani nila’y nagpadala daw ako ng mensahe sa Messenger at nanghihiram ng pera! Noon lamang natin napagtanto na nahack ang aking FB Account at ginagamit na ng kawatan ang aking pangalan upang manghingi ng pera! Bente Mil ang karaniwang inuutang sa ating mga Kamag-anak, Kapatid, at Kakilala. Maging ang kasama natin sa Cable Tow na si VW Gary Villareal (77) ay tumawag upang iverify ang numero na pagpapadalhan daw nya ng 20K sa inaakala niyang bagong GCash Account ko. Buti na lamang at nagkausap kami bago pa nya napindot ang SEND. Naging mapangahas ang kawatan. Sinubukan pang tawagan si WM Arman Siongco ng Biak-na-Bato 7 (malamang ay upang hiraman din). Si Ateng ang nakasagot at nagtanong – ‘’Kuya Pong bakit parang iba ang boses mo?’’. Kaagad daw nagbaba ng telepono ang tumawag. Sinubukang i-recover ni VW Alex Daniel ang ating FB Account. Nang hindi magawan ng paraan, inakala na nating hindi na ito mababawi. Nagmungkahi si Kuyang Jojo De Onon na gumawa na ako ng video upang balaan ang lahat ng nasa ating listahan sa Facebook na hindi na natin hawak ang ating FB Account kaya huwag nilang papatulan ang mga mangungutang o manghihingi sa kanila gamit ang ating Account. Masmabisa nga naman ang ganoong paraan upang makapagbalita ng mabilisan. Makalipas ang ilang araw, nangumusta ang aming Hepe dito sa Cable Tow tungkol sa ating kalagayan. Nabagabag sya sa naging takbo ng pangyayari lalo na sa casual na paraan ng hacker sa paghingi ng email, phone number, at OTP. Kahit sino nga namang mason ay hindi pagdududahan ang simpleng hiling ng isang kapatid. Nakipag-uganayan siya sa isang kapatid sa Shangri La Lodge No. 196 na maalam sa teknolohiya. Salamat sa May Kapal at nabawi natinan ang ating account sa Facebook at Messenger gamit din ang E-mail Address at Mobile Phone Number na ating ibinigay sa kawatan. Brethren, ngayon ko lamang lubos na nauunawaan kung gaano kahalaga ang dalawang impormasyon na iyon. Sila ang kailangan upang makapag-gener-