2 • Kulê Opinyon
Huwebes 15 Setyembre 2011
Walang pasok Sa darating na linggo, mawawalan ng pasok sa pamantasan. Muli tayong tinatawagang manindigan at hamunin ang nasa kapangyarihan. Matapos harapin ng UP ang mahigit isang bilyong pisong kaltas sa badyet noong nakaraang taon – ang pinakamalaking pagkaltas sa kasaysayan ng pamantasan – walang patumanggang inulit ng pamahalaan ang pagbawas. Sa susunod na taon, aabot ng P800 milyon ang kabuuang kaltas sa pondo ng pamantasan. Sa susunod na taon, tatapyasan rin ng mahigit P146 milyon ang pondo ng halos kalahati ng 112 pampublikong pamantasan sa bansa. Mahigit P250 milyon naman ang panukalang kaltas sa maintenance and other operating expenses ng 45 pampublikong pamantasan, samantalang P403 milyon naman ang ibabawas sa pondong laan para sa sahod ng mga kawani. Hindi naman nanahimik ang kabataan sa banta ng kapahamakan. Kung gaano kaaga ipinasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang badyet ng bansa para sa susunod na taon, gayon rin kaagap na binatikos at tinutulan ng kabataan ang mga balak na pagbawas. Ngunit walang ibang isinalubong ang pamahalaan kung hindi panlilinlang. Sa pahayag ni DBM Secretary Florencio Abad sa Collegian, ipinaliwanag niyang kathang-isip lamang umano ang sinasabing mga pagbawas. Sa halip, nadagdagan pa umano ang panukalang badyet para sa mga pampublikong pamantasan ng humigit-kumulang 10 porsyento tungong P26.1 bilyon sa susunod na taon mula P23.7 bilyon sa kasalukuyan. Sa pagtaya ng kabuuang badyet para sa mga pampublikong pamantasan, isinama
QUOTED Any racist needs to seek help. It’s not normal in the 21st century to think in that way. —Miss Universe
2011 Leila Lopes, Philippine
Daily Inquirer, September 14
5.5 x 3.5 in
RD Aliposa
ng DBM ang mga pondong laan naman para sa ibang mga institusyon gaya ng Commission on Higher Education at mga pondong walang katiyakang matatanggap ng mga pamantasan, tulad na lamang ng salaping ipinasailalim sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund. Ngunit pagbali-baliktarin man ang mga datos, hindi maikukubli ang malaon nang patakaran ng pamahalaang talikdan ang tungkulin nitong pondohan ang mga pampublikong pamantasan. Hindi na kayang pagtakpan ng pamahalaan ang katotohanang wala pang kalahati ng pangangailangan ng mga pampublikong pamantasan ang kanilang pinupunan. Sa UP, sangkatlo lamang ng P17 bilyong kinakailangang pondo ng unibersidad ang balak ipagkaloob ng pamahalaan sa pamantasan sa 2012. Sa panahong namamayani ang panlililang, muli
Editoryal
tayong tinatawag upang saglit na iwanan ang ating mga pang-arawaraw na gawain at magdaos ng isang malawakang kilos-protestang muling yayanig sa mga kinauukulan. May sapat na dahilan upang suwayin ang kasalukuyang kaayusan. May bigat ang pagtalikod natin sa ating nakasanayan—ang pagpasok sa klase—upang patunayang handa tayong lumaban para sa ating karapatan. May kakayahan tayong tumugon sa pangangailangan ng ating panahon. Napatunayan na ng ating pagdaos ng strike noong nakaraang taon kung gaano nakapangyayari ang sama-samang paninindigan ng libu-libong mag-aaral na nananawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa mga pampublikong pamantasan. Noong nakaraang taon, una nating hinalaw mula sa praktika ng mga manggagawa ang pagwewelga o strike—ang tigil-paggawa na idinaraos ng mga manggagawa tuwing sinisikil ang kanilang batayang karapatan. Muli tayong tinatawagan upang
kumatha ng panibagong pahina ng kasaysayan. Muli tayong lalabas ng mga silid-aralan, bubuhos sa mga lansangan, at magpapayanig ng mga bulwagan ng mga nasa kapangyarihan. Walang puwang ang hindi pakikisangkot. Walang oras para sa pagkikibit-balikat. Sa mga susunod na araw, ito ang pangunahing hamon sa bawat iskolar ng bayan: tangan ang dunong ng nakaraan, muli nating hawiin ang tabing ng panlilinlang at buong pagpupunyaging lumaban. Mawawalan ng pasok sapagkat pahihintuin natin ang mga klase— hanggang hindi tayo pinakikinggan, hanggang hindi sapat ang pondo para sa atin ng pamahalaan. Mayroong pangangailangan. Walang lugar ang pag-aalinlangan. Sa darating na linggo, walang pasok sa pamantasan. ●
Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Pauline Gidget R. Estella Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Panauhing Patnugot Jayson D. Fajarda, Larissa Mae A. Suarez Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Nicolo Renzo T. Villarete, Chris Martin T. Imperial, Ruth Danielle R. Aliposa Tagapamahala ng Pinansya Richard Jacob N. Dy Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Ricky Kawat, Amelito Jaena, Glenario Ommalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers Organizations, College Editors Guild of the Philippines
Nothing dramatic has changed in the status quo in the long-running saga of the CPPNPA despite the Philippine government’s announced goal of defeating the NPA within two years and its allocation of additional resources —Former US
Ambassador Kristie Kenney
in an unclassified July 17, 2006 memo, Wikileaks Manila cable, Inquirer.net, September 15
There is no mayor anywhere in the Philippines who would allow the release of crocodiles in his municipality.
—Environment Secretary Ramon Paje, on the efforts to save the endangered Philippine crocodile, inquirer. net, September 14
I am a laureate of the Magsaysay award for gov’t service. Ramos is not a laureate of the Magsaysay award. End of debate. —Sen. Miriam
Defensor-Santiago, philstar. com, September 7