Philippine Collegian Tomo 95 Issue 14

Page 3

MGA MAGSASAKA NG SILANGANG VISAYAS, NAGTUNGO SA MAYNILA

MILITARISASYON, KAWALAN NG AYUDA, TINULIGSA BEATRICE P. PUENTE

MAHIGIT APAT NA TAON MATAPOS manalasa ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan, wala pa ring natatanggap na sapat na ayuda ang mga magsasakang lubhang naapektuhan nito. Isa ito sa mga dahilan upang maglakbay sila pa-Maynila upang iparating sa administrasyong Duterte ang kanilang mga hinaing. Mula Pebrero 22 hanggang Marso 8, higit 50 magsasaka mula Silangang Visayas ang nagpoprotesta sa Maynila, kasabay ng paglulunsad ng kampanyang “Stand with Samar.” Layunin nitong itigil ang militarisasyon sa buong rehiyon at singilin ang pamahalaan sa hindi nito pagbibigay ng sapat na tulong sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad. “Dahil sa mga kalamidad, matinding kagutuman ang nararanasan sa Northern Samar. Gusto naming tumayo ang mga Samarnon, at iparating dito sa National Capital Region na wala talagang tulong ang administrasyong Duterte sa amin lalo sa agrikultura,” ani Andy Jagonoy, pangkalahatang-kalihim ng Northern Samar Small Farmers’ Association (NSSFA). Noong Pebrero 26, nagtayo ng kampo sa tapat ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) ang grupo ng mga magsasaka upang mas ilapit ang kanilang panawagan sa nasabing ahensya. Ilang oras pa lamang matapos maitayo ang kampo, sinubukan na agad itong gibain ng hindi bababa sa 20 pulis mula sa Quezon City Police Department. Sa tatlong araw na pamamalagi sa tapat ng DA, nagawa namang makipagdayologo ng mga magsasaka kay Ariel Cayanan, Undersecretary for Operations ng kagawaran, noong Pebrero 28. Matinding pinsala ng kalamidad at mga pesta Sa bagyong Yolanda pa lamang, tinatayang higit P10 bilyon na ang halaga ng pinsalang idinulot sa agrikultura, ayon sa tala ng DA. Dagdag pa sa halagang ito ang pinasala ng hindi bababa sa anim pang bagyo na tumama sa Silangang Visayas sa nakalipas na limang taon. Matatandaan na nito lamang Disyembre ay muling hinagupit ang rehiyon ng bagyong Urduja na isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa pagkatapos ng Yolanda. “Matapos ang bagyong Yolanda, hindi tinutukan ang rehabilitasyon sa agrikultura kaya mas lumala ang sitwasyon ng kagutuman at kahirapan sa Silangang Visayas,” ani Marissa Cabaljao, pangkalahatang-kalihim ng People Surge, samahan ng mga nasalanta ng bagyo sa Silangang Visayas. Bukod sa mga matinding kalamidad, malaking problema rin ang mga peste na sumisira sa niyog at abaka na pangunahing pananim ng mga magsasaka mula Samar. Pinipinsala ng cocolisap ang niyog samantalang sinisira naman ng bunchy top virus ang abaka, na sanhi ng malaking pagkalugi ng mga magsasaka. Dalawa hanggang tatlong milyong puno ang napinsala ng cocolisap na hiwalay pa sa 33 milyong punong sinira ng mga nagdaang bagyo, ayon sa mga opisyal mula sa Philippine Coconut Authority. Kinakailangang magtanim ng pitong milyong puno ng niyog upang punan ang kawalang ito, dagdag ng ahensya.

Samantala, idinaing din ng mga magsasaka ang lubhang pagbaba sa dami ng inaani nilang abaka. Dahil sa pananalanta ng mga peste, bumaba sa limang kilo ang inaaning abaka ng mga magsasaka na dati ay nasa isang daang kilo, ayon sa Samahan han Gudti nga Parag-uma ha Sinirangang Bisayas (Samahan ng mga Maliliit na Magsasaka sa Silangang Visayas o SAGUPA-SB), pinakamalawak na alyansa ng mga pesanteng grupo sa rehiyon. “Maraming mga magsasaka galing Samar ang nagpunta sa Maynila para sana mabigyan kami ng agarang rehabilitasyon lalo na sa mga nasirang niyog at abaka na number one na produkto ng Samar. Hanggang ngayon, wala pa [kaming natatanggap na tulong],” ani Jagonoy. Dahil sa pagbaba ng kanilang kita bunsod ng kawalan ng produkto, matinding gutom din ang sinasapit ng mga magsasaka hanggang sa kasalukuyan. Upang tugunan sana ang problema sa kagutuman, napagdesisyunan ng National Food Authority (NFA) noong Pebrero 12 na mag-angkat ng 250,000 tonelada ng bigas mula sa Thailand, Laos, at Vietnam. “Sa totoo lang, hindi na natin kailangan umangkat ng NFA rice dahil alam naman natin na agricultural country ang Pilipinas. Kung tutulungan ng gobyerno ang mga magsasaka upang umunlad, sapat na [ang kanilang mga tanim para] sa pangangailangan ng mga Pilipino,” ani Jun Berino, pangkalahatang-kalihim ng SAGUPA-SB. Lumalalang militarisasyon Dobleng hirap ang kinakaharap ng mga magsasaka dahil bukod sa kawalan ng ayuda, matindi rin ang militarisasyon sa kanilang lugar. Tinatayang may 11 batalyon ng militar ang nasa Silangang Visayas, ayon sa Katungod-Sinirangang Bisayas, rehiyonal na sangay ng Karapatan, samahang nagsusulong sa karapatang pantao. Kaugnay nito, tumaas din ang bilang ng mga kaso ng pambobomba at pag-aresto sa mga sibilyan nang walang legal na basehan. Labis na takot ang naging pangunahing dulot nito, na dahilan din upang maapektuhan ang hanapbuhay ng mga magsasaka. “Mahirap ang pagpunta sa sakahan dahil hinaharang kami ng mga militar tapos ay tinatakot, at ini-interrogate kami tungkol sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA),” ani Jagonoy. Pati ang mga kabataan ay hindi na rin nakakapag-aral nang matiwasay dahil inookupahan ng mga militar ang kanilang paaralan, health center, at barangay hall. “Pinagbibintangan kaming mga NPA samantalang mga ordinaryo lang naman kaming mga magsasaka [na nagtatrabaho] para mabuhay ang aming mga anak. Biktima na nga kami ng kalamidad, binibiktima pa kami ng militarisasyon,” ani Jagonoy. Sa kanilang sitwasyon, tila nararanasan na rin nila ang batas militar, dagdag pa niya. Paglutas sa suliranin Maglulunsad ng serye ng mga protesta ang mga magsasaka sa mga tanggapan at ahensya ng gobyerno. Matatapos ang serye ng mga pagkilos sa Marso 8, kasabay ng

kanilang pakikiisa sa pandaigdigang araw ng mga kababaihan. Gayunman, maibigay man ng pamahalaan ang ayudang kanilang hinihingi, at mapaalis man ang mga militar sa kanilang lugar, mananatiling lugmok sa hirap ang mga magsasaka hangga’t wala silang sariling lupang sinasaka, ayon kay Antonio Flores,

pangkalahatang-kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). “Kung magpapatuloy ang peace talks, mareresolba na ang aming mga problema dahil dito mapag-uusapan ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, tungo sa tunay na agrarian reform at rural development,” ani Flores.

THE PHILIPPINE COLLEGIAN is looking for

Umakyat na sa Room 401 ng Vinzons Hall at magdala ng portfolio.

FISH IN TROUBLED WATERS

UNION ORGANIZER ILLEGALLY ARRESTED IN RIZAL IPINAGPATULOY MULA SA P. 2 “Nagiging brazen ang estado sa paghaharass [sa mga progresibo]. Nakakabahala na kayang gawin ng estado [na labagin ang karapatang pantao] kahit saan man sa bansa,” said Ephraim Cortez, secretarygeneral of National Union of People’s Lawyers, adding that given this kind of situation, martial law seems to be felt in every part of the country. “[Pero] magbabatay tayo sa aral ng nakaraan. Dumarating tayo sa punto na tumitindi ang paninikil ngunit parang walang pakialam ang iba. Pero darating ang araw na mas darami pa ang mamamayang lumalaban,” Cortez added. Progressive groups from other sectors likewise suffer from the intensified attacks launched by the administration. A peasant leader named Ronald Manlapat, for an instance, was killed in Negros Occidental by an unidentified gunman but he received death threats prior to the incident. Another environmental activist, Ricardo Mayumi, from Ifugao also suffered from the same unfortunate incident. “Kung akala ng gobyerno ay titigil ang masa dahil sa ginawa nila, napakalaking pagkakamali yun. In fact, dapat lang na mas igiit pa ng mga mamamayan ang karapatan natin sa pamamahayag at sa pag-oorganisa,” said De Guzman, strongly pushing for the release of Baylosis, Maga and all other political prisoners in the country. PATRICIA LOUISE POBRE

Fishermen of the Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA- Pilipinas) march to the Mendiola Peace Arch for a coordinated fishing strike on the National Day of Walkout, February 23. For two decades, PAMALAKAYA-Pilipinas has called for the repeal of the Philippine Fisheries Code of 1998, an act meant to safeguard local fishermen’s rights and regulate marine activities, but instead burden fishing communities with hefty fees. With the combined cost of fishpond rents, commercial fishing boat licenses and fishing accessories amounting to a total of P4,200, these fees almost double the monthly P2,500 income a regular fisherman earns from a 1.5-hectare fish pond. Moreover, with the threat of Charter Change looming in the horizon, many coastal areas will be open to foreign businesses ownership from whom local fishermen will have to fight with to access local fishing areas.

BIYERNES 9 MARSO 2018

3

BA LI TA


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.