panpil12_hudhud_nich

Page 13

Nakarating na sila sa Bilibil at tumuloy-tuloy sila sa mga kamalig ng bigas. Nasilayan sila ni Pumbakhayon na noon ay nasa may mga pilapil. Ang pagdating ni Aliguyon ay tila nagdala ng hamon kay Pumbakhayon , na anak ni Pangaiwan na pangunahing kaaway ni Amtalaw. Agad na bumaba si Pumbakhayon at hinarap si Aliguyon at ang kanyang mga kasama. Nakiusap si Pumbakhayon na sa may ilog na lamang nila gawin ang kanilang pagtutuos dahil hitik pa sa bunga ang kanilang pilapil. Ngunit hindi pumayag si Aliguyon dahil iniisip niyang natatakot lamang ang nasabing kaaway. Naging mainit ang labanan dahil sadyang parehong magagaling na mandirigma ang dalawa. At ang mga babae ay naghihiyawan sa takot at kaba.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.